Showing posts with label no boundaries. Show all posts
Showing posts with label no boundaries. Show all posts

no boundaries C30

Tuesday, February 8, 2011

Ang Buhay Matapos ang Isang Taon

Isang taon na din ang nakakalipas buhat ng mawala si Nicco.unang taon ng kamatayan nito. Sariwa pa sa alaala ng lahat ng nagmamahal ang Nicco na minahal nila. Ngayon nga ay nakatakda silang bisitahin ang puntod ni Nicco. Alayan ng dasal at panalangin. Pinaghandaan ng tatlong pamilya ang araw na ito. Ang pamilya ng San Agustin Seminary, pamilya del Rosario at pamilya de Dios.
Maagang nagising si Andrei ng araw na iyon. Pinasya niyang pumunta muna sa kanilang lumang bahay para alalahanin ang magagandang alaala ni Nicco na taglay ng lugar na iyon.
“Nicco, natitiyak kong sa pagpili ko sa iyo mula sa isang libong posibilidad ay hindi isang pagkakamali. Nararamdaman kong tama ang ginawa kong piliin ka at ang ginawa ng puso kong mahalin ka ng lubusan.” mahinang turan ni Andrei.
“Kuya Andrei” bati ni Andrew mula sa likod “Ang aga mo dito ah.”
“Hindi naman” sagot ni Andrei “Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Andrei.
“Wala lang inaalala ko lang ang bahay na ito. Alam ko kasing may alaala din si Nicco sa lugar na ito” sagot ni Andrew sa kakambal.
“Tama ka bro” pagsang-ayon ni Andrei “akala ko dati malulungkot lang ang alaala ko dito, pero dahil kay Nicco, minahal kong ulit ang lugar na ito” dagdag pa niya.
Isang nakabibinging katahimikan ang namagitan sa dalawa.
“Mabait talaga si Nicco kahit hanggang sa huli. Siguro kung andito pa si Nicco, patuloy ko lang na masasaktan si Sandra at baka tuluyan na siyang nawala sa akin.” panimula ni Andrei “kung nagkataon nawala nadin ang isa sa kaligayahan ko. Kung hindi siguro namatay si Nicco, malamng nakatali pa din sa kanya ang puso ko. Malamang ay patuloy akong aasa sa pagbabalik niya sa akin. Marahil hindi ko maibibigay kay Sandra ang pagmamahal na dapat sa knaya. Hindi ko magagawng masuklian ang pagmamahal niya dahil si Nicco ang nasa isip ko. Hanggang sa huli gumawa pa din siya ng kabutihan para sa akin. Gumawa siya ng dahilan para hindi ko masaktan si Sandra.” Pagwawakas niya.

Read more...

no boundaries C29

Hindi Inaasahang Pagpapakita ng Katotohanan

Pinilit ni Nicco na huwag ipakita ang sakit na nararamdaman niya. Pinilit niyang ikubli ito sa mga ngiting pilit niyang ipininta sa mukha. Nakailang tableta na ba siya ay ganuon pa din ang kanyang pakiramdam. Inisip niya kung magagawa pa ba niyang kumanta sa harap ng mga tao sa kalagayan niya ngayon. Umaasa siyang bago pa man dumating ang mga panauhin ay aayos ang kanyang pakiramdam.
“Magandang umaga Governor Don Joaquin” pagbati ng mga pari at mga seminaristang nag-aabang sa mga panuhin.
“Magandang umaga din naman.” sagot nito “nasaan si Nicco? May sorpresa kaming dala para sa kanya?” usisa ng gobernador.
“Tama nga naman, isang taon na din naming hindi nakikita ang kapatid namin.” dugtong pa ni Andrew “di ba Kuya Andrei? Miss na natin si Nicco kulit.” Sabay ang tingin nito sa kakambal.
“Oo” tanging sagot ni Andrei. Sa totoo lang ay kinakabahan ito sa muling pagkikita nila ni Nicco.
Napansin ni Sandra ang kaba at pagkabalisa kay Andrei kaya naman binulungan niya si Andrei, “Wag kang kabahan, matutupad mo na ang pangako mo sa kanya.” – may himig man ng kaligayahan, sa totoo lang ay nagseselos ito dahil alam niyang mas mahal ni Andrei si Nicco kaysa sa kanya.
Agad nilang napansin si Nicco kasama ang mga batang dati ay nasa lansangan. Halatang kahit lumalakad ay nag-eensayo ang mga ito para sa gagawin nila mamaya dahil kumakanta pa sila ng Do-Re-Mi. Hindi napansin ni Nicco na pinagmamasdan pala sila ng mga taong anduon, kaya naman ng makatapos ang kanta ay pinasalubungan sila ng palakpakan ng mga pauhing nabighani sa kanilang ginawa. Laking gulat na lamang niya sa natanggap na mga papuri para sa mga bata.
Sa may di kalayuan ay tinawag siya ng Rector. Nuon lang niya napansin na kausap pala nito ang gobernador, hinanap niya ang isang mukhang matagal na niyang nais makita. Subalit, sa pakiramdam niya ay wala ito duon. Nakaramdam ng kalungkutan si Nicco subalit ang pinakita niya ay mga ngiti.

Read more...

no boundaries C28

Paglipas ng Isang Taon: Sina Andrei at Sandra

Pagkahatid ni Andrei kay Nicco ay napag-utusan ito ng Papa niyang harapin ang mga scholars at pinapoag-aral ng pamilya nila. Galing man sa kalungkutan ay pinilit niyang maging maayos sa harap ng mga ito. Labis man ang sakit sa kanyang puso ay sinikap niyang maging mahinahon at pinilit na hindi ipahalata ang nararamdaman. Pagkatapos ng usapan nila sa pagitan ng mga scholars ay may lumapit sa kanyang isang babae.
“Excuse me po sir” magalang na wika nito.
“Andrei na lang” pakiusap nito.
“Sorry po” sabi ng dalaga “Sandra nga po pala”
“Please to meet you Sandra” simpatikong sagot nito “may kailangan ka?”
“Gusto ko lang po sanang magpasalamat sa inyo, dahil sa inyo nagawa kong makatapos ng Business Management” pasasalamat ng dalaga “salamat po talaga ng marami.”
“You’re welcome” at ginantihan ni Andrei ng ngiti ang pasasalamat na iyon ni Sandra.
Biglang nakaramdam ng hiya ang dalaga. Nagpaalam na ang binata subalit muli ay tinawag siya nito.
“Andrei” tawag nito. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin ang kanina pa napapansin.
“Bakit Sandra?” tanong ni Andrei.
Pinilit niya ang sarili na dapat niya itong sabihin “Kasi po, pansin ko napakalungkot mo.” Sabi nito.
“Salamat sa concern” dahil dito ay gumaan ang pakiramdam ni Andrei. Pakiramdam niya ay may bago siyang mapagsaasabihan ng problema bukod kay Andrew. “Gusto mong kumain?” yaya niya dito.
“Nakakahiya po, huwag na lang.” saad ni Sandra.
“Hindi, ayos lang sa akin iyon. Sumama ka, ikaw din hindi ko tatanggapin ang pasasalamat mo.” nakangiting tuuuran ni Andrei.

Read more...

No Boundaries - C27

Saturday, February 5, 2011

Pagpapalaya ni Andrei at Pagbabalik sa Banal na Buhay ni Nicco

Matapos nga ang pag-uusap na iyon ay nagtext si Andrew kay Nicco kinagabihan. Agad namang binasa ni Nicco ang laman ng text na iyon ni Andrew.
“Niks, pumayag si Kuya, magkita daw kayo sa lumang bahay bukas ng umaga” sabi sa mensahe.
Dali – dali naman niya itong sinagot ng “Sige sabihin mo hihintayin ko siya duon. Salamt Kuya Andrew” pagktapos nuon ay wala ng sagot mula kay Andrew.
Masaya si Nicco dahil muli ay tinawag siyang Niks ni Andrew. Nangangahulugan lamang iyon na unti-unti na siyang nauunawaan ng kakambal ni Andrei. Samantala, pinag-iisipan ni Nicco ang sasabihin kay Andrei ay muli siyang nakaramdam ng pananakit sa kanyang likod. Dumadalas siyang makaramdam ng ganito. Mainam na lang at mabisa ang ibinigay sa kanyang gamot ni Dok Matthew. Hindi nga nagtagal ay nawala ang sakit at dali-dali siyang nakatulog.
Kinabukasan, bago pa man mag-alanueve ay nasa lumang bahay na siya ng mga del Rosario. Pagkapasok niya sa loob ay nakita niya si Andrei na nakaupo sa may hagdanan. Nagtataka siya dahil wala namang nakaparadang kotse sa harap ng bahay. Inisip niyang baka naglakad ito papunta duon. Nakaramdam siya ng tuwa ng muling masilauyan ang minamahal niyang siu Andrei. Higit pa ay nakaramdam siya ng kaba sa kung paani ipapaliwanag dito ang sitwasyon.
Maagang nagising si Andrei, agad siyang nagbihis at agad na tinungo ang kanilang lumang bahay. Napagpasyahan niyang maglakad nalang ng sa ganuon ay may mas mahabang panahon siya para mag-isip kung paano kakausapin si Nicco. Isang oras na din siyang naghihintay ng makitang pumasok na ito sa loob. Agad siyang tumayo at pinuntahan ang nuon ay napatigil na si Nicco. Agad niya itong niyakap at sa sobrang kaligayahan ay hindi niya alam kung papakawalan pa ba si Nicco sa mga bisig niya.
“Nicco ko, I Love You.” sabi ni Andrei.

Read more...

No Boundaries - C26

Pakiusap kay Andrew

Bago tuluyang umuwi sa bahay ay pinutahan niya ang mga kapatid para sabihin sa mga ito ang desiyon niya. Nabuhay ang loob niya ng malamang suportado ng mga kanyang mga plano, gayundin ang kanyang ama na sa unang pagkakataon ay naabutan niya sa bahay na hinihintay siya.
May isang buwan na din ang lumilipas nang magkatampuhan sila ni Andrei. Mula nuon ay hindi pa sila nagkikita, maging ang mga tawag nito ay hindi niya sinasagot. Dalawang araw na lang at kakausapin na siya sa seminaryo para tanungin ukol sa gagawin niyang pagbabalik. Mula ng araw na malamn niya ang tungkol sa kalagayan niya, ang bawat gabi sa kanya ay isang napakalaking pagsubok. Sa bawaty umaga ay tila napakihirap harapin para sa kanya, ngunit tulad nga ng kanyang pananaw sabuhay, hanapin sa puso ang mumunting sisdlan ng pag-asa.
Ayaw niyang pumunta ng seminaryo na hindi nakakausap si Andrei, lahat ng paraan na alam niya ay ginawa niya. Maliban na lang sa isang bagay, alam ni Nicco na maging si Andrew ay galit sa kanya, subalit nagbaka-sakali pa din siya na makausap si Andrei sa pamamagitan ni Andrew. Kaya naman tinawagan niya ang kakambal ni Andrei .
“Kuya Andrew” sabi niya sa kabilang linya.
“Nicco, napatawag ka?” sagot ng malungkot na ting mula sa kabilang linya.
“Pwede po ba tayong magkita” sabi nito.
“Sige, gusto din naman kitang makausap tungkol sa ilang bagay” sabi niuto “mamayang hapon, bandang ala-singko magkita tayo sa lumang bahay ng namin.
Pagkasabi niyon ay pinindot na ni Andrew ang end call.

Read more...

No Boundaries - C25

Tampuhang Nicco at Andrei

Nakalipas ang isang linggo at dumating na ang araw ng pagtatapos ni Nicco. Maaga ng ipinaalam ng ama ni Nicco na hindi siya makakasama nitong umakyat sa entablado. Dahil dito si Governor Don Joaquin ang kasama niyang aakyat at tatayong ama niya. Tanghali ng dumating ang mga ito sa Maynila. Kasama ng mag-aamang del Rosario sina Aling Martha, Fr. Rex, Chad, Rome at Stephanie.
Malungkot man si Nicco ay hindi nadin niya ito pinansin. Nalalabi na lang ang araw niya sa mundo bakit pa niya sasayangin sa kalungkutan. Higit sa lahat, may isang desiyon siyang gagwin kung saan ibibigay niya ang lahat ng emosyon niya at kalungkutan para dito. Si Nicco, hindi man nakapagtapos ng Cum Laude ay nakatanggap naman ng natatanging pagkilala mula sa unibersidad. Hatinggabi na ng makatapos ang programa, pinagpasyahan nilang kinabukasan nalang umuwi. Kaya naman si Nicco at Andrei ang magkasama sa kwarto. Si Don Joaquin, Rome, Chad at Andrew sa isang kwarto at si Aling Martha at Stephanie sa isa pa.
Nang gabing iyon ay natulog na magkayakap si Nicco at Andrei, nakahiga si Nicco sa mga bisig nito habang yapos naman niya ang buong katawan ng binatang iniirog at minamahal niya. Nais niyang kahit man lang sa huling pagkakataon ay maramdaman niya ang katawan nito, ang init na mula sa kanyang mahal at higit sa lahat ang pakiramdam na protektado siya nito, alaga sa anumang oras at ang pakiramdam na mahal na mahal din siya nito. Tumulo na lang ang mga luha niya ng maalalang maaring ito na ang huling pagkakataon na magagawa niyang yakapin ang mahal niyang si Andrei. Maaring bukas o sa susunod na araw ay hindi na niya magagawang maamoy ang halimuyak nito, marinig ang tibok ng puso nito na tila isang musika para sa kanya, maramdaman ang yakap ng binata o makita ang mukha. Nakatulog siya sa ganitong isipin.

Read more...

No Boundaries - C24

Paglantad ng Katotohanang Itatago sa Lahat

Isang linggo na lang at malapit nang matapos ang klase. Kita ang pananabik sa tatlo na muling makabalik sa San Isidro, higit sa kanila ay si Andrew na sabik ng masilayan muli si Stephanie. Sa isang linggong yaon ay talong linggo na ding iniinda ni Nicco ang pananakit ng kanyang likod, batok at leeg. Paminsan-minsan nga ay nararamdaman din niya na namamanhid ang mga ito. Inisip na lang niyang dahil iyon marahil sa puyat at pagod. Madami na din ang nakakapansin na madalas niyang ibinibiling ang kanyang ulo. Una sa mga nakapansin nito an gang Andrei niya.
“Nicco ko” panimula ni Andrei “sumasakit pa rin ba ang likod mo?” may pag-aalala sa himig nito.
“Ah, wag mo na lang akong alalahanin” sabi ni Nicco “mawawala din ito pamaya-maya” dugtong niya sabay ang isang ngiti.
“Ganuon ba, sige hahagurin ko na lang ulit mamaya” saad ni Andrei “sabihin mo sa akin pag hindi pa din umaayos.”
“Sige ba Mahal ko.” sagot nito.
“Kay aga nagpapalanggam kayo dito” nakangiting sambit ni Andrew “patingnan mo na kaya sa doktor yan?” dugtong pa nito.
“Huwag na, pahinga lang ang kailangan nito.” Sagot naman ni Nicco.
“Kasi naman masyado kang nagpapakapuyat, ayaw mo namang magpatulong sa amin.” Wika ni Andrei.
“Alam ko namang busy kayo, saka pagkatapos nito, tapos na ang stress. Mahabang pahinga naman ang kasunod kaya ayos lang din.” Sagot ni Nicco na may himig ng kasiguraduhan.
“Naku, basta dapat maayos na iyan, dapat gumaling ka nab ago dumating ang graduation mo.” Sabi ni Andrew.
“Huwag kayong nag-alala ayos lang talaga ako.” pagdepensa nito sa sariling kalagayan “maligo na kayo para makapasok na tayo.

Read more...

No Boundaries - C23

Masayang Katapusan sa Buong Akala

Isang buwan na lang ang nalalabi at matatapos na ang taunang pampaaralan. Sa kabutihang palad, si Nicco ay makakatapos ng kolehiyo. Naipasa niya ang lahat ng subjects maging ang thesis niya ay tinanggap. Kita ang kagalakan kila Andrei at Andrew ng malaman nila ang tungkol sa magandang balita na ito. Subalit ang kagalakang ito ay panandalian lamang pala at hindi din matatagalan ay mababalot ng lungkot ang tatlo.
“O aking Nicco, san ka pupunta? Sabado ngayon ah.” Nag-aalalang tanong ni Andrewi.
“Andrei ko, may lalakarin lang ako, kukuha ako ng kopya ng birth certificate ko para kung sakaling kailanganin ko di ba?” sagot ni Nicco.
“Samahan kita, hitayin mo lang ako.” sabi ni Andrei.
“Huwag na mahal ko, tapusin mo na lang yang ginagawa mong miniature model” pagpipilit nito.
“Gusto talaga kita samahan” kita ang kalungkutan sa mukha ng binata “pero sabi mo wag na lang, sige pagbubutihan ko na lang itong ginagawa ko” sabay ang ngiti ni Andrei.
“Tama, dapat lang pagbutihin mo, para next year, ikaw naman ang makakgraduate.” saad ni Nicco “O siya , alis na ako” paalam nito.
Habang naglalakad ay nakaramdam ng pagkahilo si Nicco. Naninibago siya sa nararamdaman sapagkat hindi naman siya nagkakaganito. Inisip na lalng niyang dala lang iyon ng matinding init kaya ganuon ang nararamdaman niya. Habang nasa jeep ay tila mas lalo niyang nararamdaman ang pagkahilo. Sa pakiramdam niya ay hinang-hina siya. Hindi naman siya ganito dati, kahti na nga ba sabihing lagi siyang puyat at pagod ay hinid isya nakakaramdam ng panghihina o pagkahilo. Naisip niya na baka namimiss lang niya si Andrei kaya ganuon ang nararamdaman niya.

Read more...

No Boundaries - C22

Pagmamahalang Wagas ni Nicco at Andrei

Natapos na ang bakasyon, ngayon ay haharapin na ulit ang bagong taon para makapag-aral. Si Stephanie ay kumuha ng advance subjects sa Australia kung kayat ang apat na taon sanang pag-aaral ng Public Administration ay naging tatlo. Sa ngayon ang dalaga ay nakapasok sa munisipyo bilang Head ng Public Relations Office.
Lumakad ang mga araw at gaya ng dati ay madals magkaroon ng tampuhan ang dalawa. Madalas magselos si Nicco, higit pa ngayon na naging Mr. Engineering si Andrei. Madaming nakadikit na mga babae at pinapantasya din ng mga bading. Minsan nga ay inaalala nito ang kasintahan na baka may mag-offer ng indecent proposal kapalit ay grades. Mas lalong naging protective si Nicco kay Andrei, mas hinigitan niya ang paglalambing dito. Lagi din niyang inaalala ang academic standings nito kayat ang laging sitwasyon sa apartment nila ganito.
“Andrei ko, pagkakain mo gumawa ka na ng mga assignments mo.” paglalambing ni Nicco.
“Opo mahal kong Nicco pagbubutihin ko para sa iyo” sagot ni naman ni Andrei.
“Dapat lagi kang nag-aaral at nagrereview ng mga pinag-aralan ninyo.” Pagkasabi ni Nicco nito ay lalapit sa likuran ni Andrei para yakapin.
“Ang sweet naman, kaya madaming langgam dito sa bahay dahil sa inyo, naiinggit tuloy ako, sana andito din si Steph.” sabay tawa pagkasabi ni Andrew ng ganitong mga kataga.
“At ikaw naman Kuya Andrew ko, hindi ko mo’t pagmamay-ari ka na ni Steph eh hindi na kita pakikialaman” nakangiting wika ni Nicco.
“Kaya sa iyo ako, kasi hindi ka nakakalimot” isasagot naman ni Andrew kay Nicco.
“Tigil na iyan, baka magselos pa ako.” Idudugtong pa ni Andrei at sabay na magkakatawanan ang tatlo.
Karaniwan na ang ganitong mga sitwasyon sa tatlo tuwing magkakasama.

Read more...

No Boundaries - C21

Pagkabigo ni Andrew kay Nicco at Tagumpay kay Stephanie

Isang maliit na salu-salo ang inihanda ng pamilya del Carmen para idagdiwang ang kaarawan ni Stephanie. Kasama sa inanyayahan ng pamilya ang kambal na del Rosario maging si Nicco. Isang magandang umaga iyon na maaliwalas ang paligid, masarap ang simoy ng hangin at higit sa lahat maganda ang panahon. Napagpasyahan ni Andrew na bisitahin ang kanilang lumang bahay sa may dulo ng bayan. Nais niyang balikan ang mga alaalang nasa lugar na iyon. Mga alaalang masasaya at hindi magaganda, higit sa lahat ang mga alaala ng kanyang mama. Matapos kasing maganap ang trahedyang iyon sa pamilya nila ay lumipat sila ng bahay para unti-unting malimutan ang naganap.
Pagdating niya sa lugar na iyon ay nakita niya ang sasakyan ng kanyang kakambal na si Andrei. Nakaramdam siya ng kaba at mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Pagpasok niya sa loob ay nakita niya ang kakambal na nakaupo sa hagdan, tatawagin na sana niya ito ng mapansing may isa pang tao na naruon. Pagtingin niya sa kayakap ng kakambal ay si Nicco. Masaya silang nag-uusap at tila ba sarap na sarap sila sa bisig ng bawat isa. Sa pagkakakita ng ganuon ayos ay tila nadurog na muli ang puso ni Andrew, subalit pinilit niyang maging kalmado at inihakbang palayo ang mga paa.
“Nicco, Nicco, Nicco, bakit patuloy akong nasasaktan kahit tanggap ko ng hindi ka sa akin.” mahinang usal niya “Stephanie, patawarin mo ako, hindi ko naman sinasadya na ganito ang maramdaman ko.” dugtong pa niya.
Dumiretso na si Andrew sa tahanan nila Stephanie dahil tanghalian ang salu-salong inhanda ng pamilya. Isang oras na din siyang anduon ng dumating ang kakambal kasama si Nicco. “Magandang tanghali po” bati ng mga ito sa mga magulang ni Stephanie.
“Oh, Andrew, kamusta kanina ka pa ba nadito?” tanong ni Nicco.
Pilit man ang ngiti ay sumagot si Andrew “Oo, mga isang oras na din.”

Read more...

No Boundaries - C20

Si Andrew at Stephanie

Nang gabi ding iyon muling naalala ni Andrew ang mga pinagdaanan nila ni Stephanie. Sa pakiramdam niya ay lalong nahulog ang loob niya kay Steph ngayong nakita niyang mas naging kaakit-akit ito. “Oh, Steph, akin ka lang” nasabi niya sa sarili.
Magkaklase sina Andrew, Andrei at Steph sa Colegio de San Isidro. Magkatabi ng upuan si Andrei at Steph samantalang si Andrew mula’t sapul ay nagkagusto na sa dalaga kung kayat hindi niya ito malapitan. Si Andrei ang naging daan para magkakilala ang dalawa, hanggang sa lumalim ang pagtitinginan.
Simula nang makita ni Andrew si Steph ay hindi na niya makalimutan ang dalaga. Lagi itong naglalaro sa kanyang isipan. Binabalak ligawan subalit nahihiya siya dahil ayaw niyang masira ang namamagitan sa kanilang pagkakaibigan kung sakaling pumalya ang panliligaw niya. Ayaw niyang malayo si Steph sa kanya.
Samantala, nang minsang gabihin ng uwi si Steph ay may mga lasing na humarang sa kanya. Sakto namang dumating si Andrew na siyang naging daan para makatakas sila. Hinatak siya ni Andrew at sabay karipas ng takbo. Nang mapansin siya ni Andrew na pagod na ay kinarga siya nito at lalong binilisan ang pagtakbo para hindi mahabol. Mas lalo niyang hinangaan ang binata nang imbes na magtago ay dumiretso sila sa police station para magsumbong. Dahil dito unti-unting nahulog ang kanyang loob sa binata.
Napagpasyahang ligawan ni Andrei si Steph ng may magsabi sa kanyang may gusto din ang dalaga sa kanya. Wari bang ito ang maituturing niyang senyales para ligawan ang dalagang iniirog. Sa una ay nahihiya, subalit dahil sa angking kabaitan ni Steph ay pumanatag ang kanyang kalooban.

Read more...

No Boundaries - C19

Pagbabalik ni Stephanie

Dalawang taon na ang nakalilipas buhat ng lisanin ni Nicco ang seminaryo. Isang magandang bagay din at sa pagpasok niya sa unibersidad ay hindi na siya nagdaan sa first year. Hindi nasayang ang isang taon niyang pamamalagi sa seminaryo. Ngayon nga ay bakasyon at pagpasok nila ay forth year college na sila. Siya ay umaasang makakatapos sa oras. Napagtanto niyang napakahirap pala ang kumuha ng ABPhilosophy sa labas ng seminaryo. Isang kursong tunay na pumapanday sa karunungan ng isang tao. Si Andrei ay 5year course, kung kayat may dalawang taon pa itong bubunuin sa pag-aaral. Samantala, si Andrew naman ay hindi kumuha ng mga advance subjects kung kayat ang dapat na 4years ay magiging 5years.
Matagal na ding tumatakbo ang relasyon nila Nicco at Andrei. Hindi maiiwasan ang tampuhan, sa tuwing darating ang mga oras na ganito ay si Andrew ang lagi nilang takbuhan. Natanggap na ni Andrew unti-unti ang kapalarang hindi na magiging kanya si Nicco. Kung kayat naging malaking tulong siya upang lalong tumibay ang samahan ng dalawa.
“Hey, Andrew and Andrei” sabi ng tinig habang kumakain sila sa isang karideryang malapit sa simbahan “Did you miss me?” tanong ng babae.
“Stephanie, is that you?” tanong ni Andrei na may pagkamangha sa itsura ng dalaga “lalo ka atang gumaganda” dugtong pa ng binata.
Hindi alam ni Andrei, dahil sa ginawa niya ay nakaramdam ng inis ang batang si Nicco. Alam ni Nicco ang tungkol kay Stephanie kung kaya’t lalo itong nagpasiklab sa kanyang damdamin upang magselos.
“Yes, it’s me.” sagot ni Stephanie at napatingin kay Nicco “Nicco, ikaw ba yan? Biruin mo nga naman, walang pinagbago.”
“Tama! Same old Nicco. Nothing changes but quality wise, I’m improving, that is what men need to achieve” kasunod ang mahinang tawa.

Read more...

No Boundaries - C18

Pag-amin kay Andrew ng Katotohanan

“Sa wakas at naayos na din ni Nicco lahat ng papel niya” masayang pagbabalita ni Andrew “talagang dito na siya mag-aral kasama natin”
“Oo nga eh, salamat sa tulong ninyo ah” pagsang-ayon ni Nicco.
“Wala ka dapat ipagpasalamat, ayos lang yun” sagot naman ni Andrew.
“Salamat talaga” giit ni Nicco “buti na lang may mga kuya akong gaya ninyo.” masayang dagdag ni Nicco.
“Siya nga pala, paano na yan, magkakahiwa-hiwalay tayo bukas” sambit ni Andrei.
“Oo nga pala, hiwa-hiwalay tayo bukas” sang-ayon ni Andrew “si Nicco sa College of Liberal Arts, si Kuya Andrei sa College of Engineering at ako sa College of Accountancy”
“Bakit ganuon?” tanong ni Nicco “di ba nakapag-enroll na tayo online? Ano pa ba ang kailangan nating gawin?”
“Kukunin pa natin ung katibayan na nakaenroll na tayo. Papakita natin sa College Offices ung resibo galing sa bangko saka ung pinirint natin galing sa site.” Pagpapaliwanag ni Andrei.

“Ganun ba iyon, di ko alam kasi eh” sabay ang nakakalokong ngiti.
Kinabukasan, maagang nakatapos si Nicco kaya mas nauna siyang makauwi sa tinutuluyan nilang bahay na malapit sa unibersidad na kanilang pinapasukan. Hindi niya namamalayan na nakatulog na pala siya. Samantala, kasunod niyang naka-uwi si Andrew at nakita nitong mahimbing ang tulog ni Nicco. Nilapitan siya ni Andrew at kita dito na nakakaramdam ito ng matinding kaba. Dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ng nahihimbing na si Nicco. Napalunok muna siya ng laway bago tuluyang inangkin ang mga labi nito. Sandali lamang at agad din niyang inilayo ang mga labi. Wari niya ay sobra sa kaligayahan ang kanyang nararamdaman sapagkat matagal na niyang inaabangan ang ganuong pagkakataon. Ang pagkakataong masolo si Nicco. Lagi kasing kasama ni Nicco ang kuya Andrei niya. Nasa gitna siya ng pag-iisip at pagnamnam sa mga labi ni Nicco ng dumating ang kuya Andrei niya.

Read more...

No Boundaries - C17

Lihim na Pagsasama sa Kaligayahan

Nalaman na ng buong San Isidro ang desisyon na iyon ni Nicco, at sa bawat isang nagtatanong, isa lang ang lagi niyang sagot “Mahirap po kasing gawin ang mga bagay na hinid naman ikinaliligaya ng puso.” Madami ang nanghinayang, gayunpaman, madami ang suportado ang desisyon niya. Isa na sa mga sumuporta dito ay ang kanyang pamilya.
Isang linggo na din ng makauwi siya ng San Isidro, pagkagaling sa labasan ay inabutan niya ang mga kapatid sa kanilang bahay. Hindi siya sanay sa ganuong pangitain, lalo na at hindi niya inaasahan ang pagpunta ng mga ito sa bahay nila.
“Magandang hapon mga kapatid ko.” panimula niya, bagamat may pangambang baka ang mga ito ay galit sa kanya ay pinilit niyang itagao ang nararamdaman. “Kumain na ba kayo?” kasunod na tanong nito.
“Nicco” sabi ng Ate Lourdes niya “bakit mo biglang naisipan na huwag ng ituloy ang pagpapari?” tanong nito.
Kahit pinaghandaan ni Nicco ang ganitong posibilidad ay hindi niya alam kung bakit tila nablanko ang isip niya at bigla siyang napipi. Nanatili na lamang siyang nakatahimik.
“Bakit hindi mo man lang sa amin ipinaalam?” dugtong pa nito.
Gusto sana niyang sabihin na “Paano ko sasabihin sa inyo, ni hindi nyo nga ako nabisita sa seminaryo, ni hindi ko kayo makausap” – subalit pinili na lang niyang itikom ang bibig. Pakiramdam niya ay nais tumulo ng luha sa kanyang mga mata sa isiping ang realidad ay may pamilya siyang walang pakialam sa kanya.
“Ano pa ang silbi nang pagiging kapatid namin sa iyo, kung hindi mo kami magawang pagsabihan ng mga balak mo?” sabi naman ng Ate Nica niya “kahit naman ganito kami, inaalala ka pa din namin” saad din nito.
Hindi na talaga mapigilan ni Nicco at umagos na paunti-unti ang mga luha sa mga mata niya. Yumuko na lamang siya ng sa ganuon ay hindi nila ito mapansin. Binigyan lakas niya ang sarili at nagsalita “Mahirap tumupad sa isang bagay lalo na kung paunti-unti ay lumalayo ang puso mo dito. Pakiramdam ko hindi ako masaya sa ginagawa ko. Pakiramdam ko may kulang sa akin. Pakiramdam ko mas magagawa kong makalipad ng malaya sa labas ng seminaryo. Higit sa lahat, hindi ko kaya na mabuhay sa isang mundong ipinilit lang sa akin para tahakin.”

Read more...

No Boundaries - C16

And Desisyon ni Nicco

Matapos ang pag-uusao na iyon sa pagitan ni Dok Matthew at Nicco ay tila ba punung-puno ang puso niya ng pag-asa at unti-unting nabubuo ang loob niya para sa kanyang desisyon. Lumipas ang mga araw ay wala pa ding Andrei at Andrew na nagpapakita sa kanya sa seminaryo. Walang sulat o tawag na mula sa mga ito. Malapit ng magwakas ang 10buwan para masabing nakapagsikap siya ng isang taon sa loob ng seminaryo.

Dumating ang araw, saktong dalawang linggo bago sila pauwiin sa kani-kanilang mga bahay, may hindi inaasahang bisita si Nicco. Ang kanyang mga kuya-kuyahan ay bumalik, matapos ang madaming linggo ay muli nila itong pinuntahan. Magkahalong pananabik at tuwa ang naramdaman niya.

“Niks, pasensya ka na ngayon lang kami nadalaw ulit.” Sabi ni Andrew na nakangiti “madami lang kasing ginagawa.” dugtong pa nito.

“Ayos lang iyon” sagot nito “mas mahalaga at nakadalaw pa kayo”

Tila walang kibo si Andrei ng mga sandaling iyon. Tila baa yaw siyang makausap o kung ano pa man. Hindi makatiis si Nicco sa ganuong siwasyon kaya siya na mismo ang gumawa ng hakbang para mabali ang katahimikan nito “Kuya Andrei, may magandang balita azko sa iyo, pero hindi ko muna sasabihin” pagkasabi nito ay ngumiti si Nicco.

Napaisip ang dalawa lalo na si Andrei – “ito nab a ang hinihintay kong pagkakataon para makasama ka Nicco” tanong ng isip ni Andrei sabay ngiti.

“Malamang tama ang iniisip mo ngayon” nakakalokong saad ni Nicco “basta ba susunduin niyo ako dito pagpinauwi na kami eh” dugtong pa nito.

Nawala ang kalungkutan sa puso ni Andrei, nawala din pagtatampo dahil sa paniniguradong sinabi ni Nicco. Mas nanaig ngayon ang pananabik na makasama ang taong nagpababago sa kanya.

Pagkaalis ng dalawa ay agad na tinungo ni Nicco and opisina ng Rector para sabihin ang binabalak nito. Sa una ay hindi matanggap ng rector ang pamamaalam ni Nicco subalit lubhang mapilit at mapanindigan ang bata kaya pinayagan na din niya.

Read more...

No Boundaries - C15

Tuesday, February 1, 2011

Ang Pagdating ni Dok Matthew

“Sarap umiyak dito sa hardin diba? Kahit naman sino, kailangang umiyak. Bahagi na iyon ng pagiging tao” sabi ng doktor.
Si Dr. Matthew Cervantes Jr. ay ang bagong doktor ng seminaryo. Bukod sa pagsisilbi niya ng libre sa seminaryo ay regular na doktor din siya sa isang ospital sa Maynila. Isang dating seminarista na lumabas ng seminaryo para hanapin ang isang bagay na tunay na ikaliligaya ng puso niya. Sa pagbabalik niya sa kanyang bayan ang Santiago ay duon niya nakita ang madaming kakulanga ng lipunan. Napagtanto niya na madami sa mga kababayan niya ang namamatay ng hinid man lang nakakakita ng doktor sa tanang buhay nila. Sa pag-iral ng likas na kabaitan ay naantig ang kanyang puso upang tumulong sa mga ganitong uri ng tao. Hindi naglaon ay nakita niya ang sarili na pinag-aaralan ang medisina.
Kahit tutol ang kanyang pamilya sa bagong landas na tinatahak ay pinanindigan niya ito. Hindi siya natakot na mawala ang kung ano pa man sa kanya. Sa ngayon, mas iniisip niya ang pagtulong sa mga kapwa. “Hindi ko ipagkakait ang tulong sa nangangailangan sa paraang alam kong kaya kong gawin.” Ito ang naging pamantayan niya sa pagtulong sa kapwa.
Ngayon ngang nakapagtapos na siya ng medisina at isa ng ganap na doktor ay pinili niyang maging doktor sa isang pampublikong ospital at isang volunteer doctor na pumupunta sa mga mahihirap na lugar para mag-abot ng tulong. Hindi din niya ipinagkait ang libreng serbisyo sa kanyang dating tahanan, ang San Agustin Seminary. Pinupuntahan niya ang seminaryo ng dalawang beses sa isang linggo. Buhat ng una silang makapg-usap ni Nicco ay naging malapit na ang bata sa kanya.
Dalawang buwan na ang lumilipas at walang kambal na nagpakita sa seminaryo. Labis na kalungkutan ang nararamdaman ni Nicco. Lalo’t higit sa isiping galit sa kanya ang Kuya Andrei niya. Linggo nuon, nasa hardin si Nicco, parehong lugar kung saan niya unang nakausap ang doktor. Umiiyak ng palihim ang batang si Nicco ng muli ay makita siya ng doktor.

Read more...

No Boundaries - C14

Panahon ng Pagpili ni Nicco

“Niks, ano na , sasama ka na ba sa amin pag-uwi?” Mahinang tanong ni Andrei kay Nicco.
Mahigit isang buwan na din ng sabihin ni Nicco ang makabuluhang pahayag na iyon kay Andrei. Sa totoo lang ay nagdadalawang isip si Nicco ukol sa bagay na iyon. Iniisip niya kung tama bang iwan ang seminaryo para kay Andrei o ipagpatuloy ang pagpapari para sa mga taga-San Isidro. Hati ang puso ni Nicco ukol sa bagay na iyon. Alam niya na nagtatampo sa kanya ang Kuya Andrei niya dahil binigo niya ito sa pag-asang magkakasama sila at lalabas siya ng seminaryo.
“Kuya, pasensiya na. hindi po ako makakasama sa inyo.” malungkot na tinig ni Nicco.
“Ganuon ba? Ayos lang, sa susunod na lang.” nakangiti ngunit kita ang kalungkutan.
Nang sumunod na Linggo, tanging si Andrei lang ang pumunta ng seminaryo. Bago ito para kay Nicco kayat tinanong niya ang Kuya Andrei niya “Oh, bakit ikaw lang? Nasaan si Kuya Andrew?” nakangiti niyang tanong.
“Naiwan sa Manila, medyo busy” sagot ni Andrei “gusto nga n’ya na makapunta dito” dagdag pa niya.
“Ganuon ba sayang naman” wika ni Nicco “Kamusta na ang Andrei ko?” tanong niya kay Andrei.
“Kailan mo ba talaga balak sumama sa akin pabalik ng San Isidro?” Imbes na sagutin ay nagtanong si Andrei “May balak ka bang sumama o pinapaasa mo lang ako sa wala?” dugtong pa nito.
“Kuya, hindi ko po talaga sinasadya kung napapaasa kita” malungkot na tinig ni Nicco “Nahihirapan po kasi akong mag-isip kung ano ang gagawin ko.”
“Ganuon na nga din yon, para bang pinapaasa mo ako sa wala. Sana sinabi mo na ng mas maaga ng hindi ako masyadong umaasa sa iyo.” mahinahon ngunit malungkot na tinig nito.
“Hindi naman sa ganuon kuya, kaya lang –“ hindi na naituloy pa ni Nicco ang sasabihin dahil nagpaalam na aalis na si Andrei.

Read more...

No Boundaries - C13

Pag-amin ni Andrei

“Nicco ano ang masasabi mo sa nangyari sa mga kasamahan mong nahuli?” tanong ni Fr. Rex kay Nicco.
Bagamat nagulat sa pangyayaring iyon ay nagsalita ang batang seminarista. “Bakit hindi natin sila bigyan ng pagkakataong magsalita? Tanungin natin kung bakit nila nagawa yun. Paano natin malalaman ang katotohanan o makapagdedesisyon ng tama kung sa simula pa lang ay masama na ang husga natin sa kanila?” nanginginig na sagot ni Nicco.
“Halimbawang nalaman na natin ang dahilan? Ano ang susunod nating gagawin sa kanila?” tanong ng Rector.
Kahit alam ni Nicco na maari niyang ikatanggal sa seminaryo dahil taliwas ito sa gusto ng nakararaming pari duon ay sinabi niya ang nasa loob ng kanyang puso “Siguro marapat na bigyan natin sila ng panahon para makapag-isip. Ipabatid natin sa kanila kung bakit mali iyon? Hindi dapat na iduduldol sa harap nila ang naging pagkakamali nila, hayaan silang maintindihan kung bakit sila mali.”
“Paano kung nalaman na nila kung saan sila nagkamali at bakit sila nagkamali? Ano na sa palagay mo ang dapat gawin?” tanong ni Fr. Cris, isang pari duon na halata ang pagkadisgusto sa kanyang sinabi.
“Hayaan silang mabatid kung ano ba talaga ang gusto o mas gusto nila? Kung sa palagay nila ay gusto pa din nilang ituloy ang pagpapari, wag nating ipagkait ang bagay na ikaliligaya ng puso nila. Pero dapat lagi nating ipaalala na may katapat itong sakripisyo. Dahil mahalaga din tayo para mailagay siya sa tamang daan” sagot ni Nicco, sa loob loob niya “eto na din naman ako, matanggal na kung matanggal, ang mahalaga nasabi ko ang laman ng puso ko.”
“Ibig mo bang sabihin na kahit dinungisan niya ang seminaryo ay tatanggapin pa natin siya? Hindi ka ba nahihiya sa ganoon? Paano kung ulitin nya iyon?” tanong ulit ni Fr. Cris.
Magsasalita na sana ulit si Nicco nang sumingit si Fr. Rex “Hindi mo ba narinig ang sinabi ng bata? Kasama tayo sa pagdadala sa kanya sa tamang landas. Ibig sabihin nagkaroon din tayo ng pagkukulang kung bakit nila nagawa ang ganuong pagkakamali.” Pagtatanggol nito kay Nicco.

Read more...

No Boundaries - C12

Si Nicco, Andrei at Andrew: Muling Pagkikita

Mag-iisang buwan na din mula nang magpaalam si Nicco sa bayan ng San Isidro para tuparin ang pangarap niya at ng kanyang pamilya para sa kanya. Mag-iisang buwan na din buhat ng magpaalam siya kay Andrei na labis na nagpabago sa kanya bilang siya, na gumising sa isang kakaibang damadamin na nuon lang niya naramdaman. Ilang araw na lang din at malapit ng magsimula ang pasukan sa mga kolehiyo sa Maynila kung saan mag-aaral sina Andrei at Andrew. Si Andrew ay patuloy na hinahanap ang isang mukhang labis na nagbigay sa kanya ng kaba at tuwa sa minsang pagkikita. Si Andrei naman ay labis ang kalungkutan sa nagyaring paghihiwalay nila ni Nicco na gumising sa isang kakaibang siya.
Nautusan ng pamunuan ng San Agustin Seminary na pumunta si Nicco kay Fr. Rex para ihingi ng payo ang problemang hinaharap ng seminaryo. Labis ang tuwang naramdaman ni Nicco at sa isip niya “Makikita ko ulit si Andrei, bago ako bumalik sa seminaryo kailangan kitang makita Andrei.” at napangiti si Nicco sa ganitong isipin at ngayon nga ay nasa harap na siya ng opisina ng simbahan ng San Isidro at duon hinihintay si Fr. Rex.
Sa kabilang banda ay nakatakda ng lumuwas patungong Maynila sina Andrei at Andrew para duon mag-aral. Napagkasunduan ng dalawa na humingi muna ng basbas kay Fr. Rex bago sila umalis ng San Isidro. Kaya naman ng umaga ding iyon, ay nagtungo sila sa simbahan para makipagkita kay Fr. Rex. Ang kalungkutang nararamdaman ni Andrei ay biglang sumaya ng makita ang isang pamilyar na itsura sa harap ng opisina. Si Andrew naman ay biglang nakaramdam ng matinding kaba ng maaninagan din ang parehong taong nakita ni Andrei.
“Sarado pa ang opisina, napaaga ata ako ng alis sa seminaryo.” pabulong na wika ni Nicco.
“Oo nga, napaaga ka, pero ayos lang kasi nakita kita” sabi ng isang tinig “buti na lang maaga din akong pumunta”
Walang kabang nilapitan ni Andrei si Nicco at gayon pa man ang pagkakagulat ay nakita ang mga ngiting gumuhit sa mga labi nito. Si Andrew ay nawala ang kaba at tila hindi makapaniwala sa nakikitang kakilala ng kuya niya ang taong matagal na niyang hinahanap. Gayon din si Nicco na parang nagtataka sa dalawang Andrei na ngayon ay nasa harap niya.
“Andrei? Sino sa inyo si Andrei” nakangiting wika ni Nicco.
Hindi tulad dati na may kaba sila sa dibdib tuwing nagkikita, tila ang kaba ay napalitan na lamang ng hindi mapantayang kaligayahan.

Read more...

No Boundaries - C11

Pagpasok sa Banal na Buhay ni Nicco

Mahigit isang buwan na din buhat ng magkita sila Andrew at Nicco ay labis pa din ang pagsisisi ni Andrew sa kanyang nagawa. Pinanghihinayangan din niya ang pagkakataon para makilala ang lalaking biglang nagpagulo at nagpakabagabag sa kalooban niya. Kahit ano mang paghahanap ang gawin niya kay Nicco ay hindi niya ito matagpuan kahit na sa simbahan ay lagi niya itong hindi naabutan.
Sa kabilang banda, higit na din sa isang buwan ng huling magkita sila Andrei at Nicco. Ang huling pagkikitang nagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa. Nais mang hanapin ni Nicco si Andrei ay hindi niya alam kuing saan ito hahanapin maging si Chad ay hindi nadin nakikita pa si Andrei sa San Isidro.
Ganun pa man, si Andrei ay patuloy na umaasa na sila ay magkikita na muli ni Nicco at magkakaayos. Labis ang pangambang naiwan kay Andrei dahil sa naganap sa pagitan nila ni Nicco. Hindi ito mapanatag sa isiping galit sa kanya si Nicco. Hindi naman niya magawang umuwi sa San Isidro para makipagkita kay Nicco dahil inaasikaso niya ang kanyang mga papel para sa pag-aaral sa Maynila. Higit isang buwan din siyang nanatili duon dahil pinapuntahan ng papa niya ang kanilang mga kamag-anak para bumisita at mangamusta.
Sabado ng makauwi si Andrei sa San Isidro ay nais niyang makita agad si Nicco, ngunit pinagpasyahan niyang magsimba muna sa bayan bago puntahan ang binata sa kanilang bahay. Hindi malaman ni Andrei ang nararamdaman dahil sa palagay niya ay muli na namang kumakabog ang kanyang dibidib sa hindi maipaliwanag na dahilan. Habang nasa upuan ay naririnig ni Andrei ang mga taong may iisang bulung-bulungan.
“Mapalad ang San Isidro dahil bibiyayaan na tayo ng Panginoon ng kababayang pari.” usal ng isang ale.
“Tama ka mare!” sang-ayon ng isa pa.
Samantala, si Nicco naman ang naatasang magserve sa misang iyon, sapagkat kinabukasan ay papasok na siya sa seminaryo at ang misang ito ay inaalay ng San Isidro para sa kanyang maluwalhating pagtahak sa banal na buhay. Sa likod ng simbahan kung saan manggagaling ang pari ay madami na ang bumabati kay Nicco dahil sa gagawin nito.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP