The One Who Could Not be Taken - Chapter Seven

Tuesday, August 9, 2011

Photobucket



Para mga nag-aabang ng chapter na ito. Ayan fresh fromt the oven pa! Ahahaha!!! Miss you KGF. Bumalik ka na. Masyado ka ng na-murder sa istoryang ito. Bwahahaha


Chapter Seven

"So, this is the mysterious boyfriend, huh?" nangingiting sabi ni Mikey sa kanila.

Salamat sa intervention ng kaibigan niyang ito at nahimasmasan siya sa biglaang pagdating ng talipandas na si Gabriel.

Halos magpalpitate siya sa sobrang lakas ng kaba niya. Tinangka niyang kumalas mula sa pagkaka-akbay ng gwapong nilalang sa kanya pero ayaw siya nitong pakawalan. Bagkus, lalo pa siya nitong hinigit palapit dito dahilan para masiksik siya ng matipuno nitong dibdib.

Oh la la!

Wait! Erase! Erase!

Paanong nagugustuhan niya ang pinaggagagawa nito? He had never met such an audacious guy in his entire life! Sinubukan niya ulit ang pasimpleng pagtulak dito para makawala but every attempt was futile.

"I'm afraid so, Mikey. Ito kasing baby ko eh, kapag ginustong magsikreto, siguradong walang makaka-alam." ani Gabriel na tumaas-baba pa ang kilay.

"Siyanga? Dalisay?" tanong ni Mikey.

"Ah... O-oo... ganoon na nga iyon." aniyang pilit pang ngumiti para magmukhang convincing.

"See?" mayabang pang wika ni Gabriel.

Since malabo ang makatakas mula rito ay naisip niyang laruin ang laro ng magaling na lalaki. Ipinalibot niya ang mga kamay sa katawan nito. Giving him more access to Gabriel's body. Hindi na nga lang niya pinansin ang kakaibang kilabot na gumapang sa katawan niya ng ipulupot niya ang mga kamay dito.

It sent electrical shock waves to his entire system! Hindi niya inakalang ang simpleng pagganting binabalak ay may hatid na kiliti sa kanya. Dinedma na lang niya iyon para makapag-concentrate sa plano.

"Of course, Mikey... ang mga ganito kapoging nilalang ay dapat na itinatago sa madla. Marami ka kasing makaka-agaw kapag ibinuyangyang mo na lang basta. Hindi ba, honey?" Isiniksik niya pa ng husto ang katawan dito. His nose was assaulted by Gabriel's wicked scent. Bigla tuloy nanglabo ang lahat sa kanya.

"Oh my, a public display of affection. Maganda yan Dalisay, keep it up." natatawang sabi ni Mikey.

"Oh I'll definitely make this man "up", all night." mabilig niyang sabi.

Natawa ang lahat maliban kay Gabriel na biglang na-tense yata sa tabi niya. 

"So paano, kita-kits tayo later Dalisay. May pupuntahan lang kami saglit ni Ferdie. May i-mi-meet pa kaming ilang makakasama natin sa araw na ito. Yung ipina-book kong room sa iyo ay kasya para sa dalawang tao. Although, I'm sure na mas masikip mas pabor para sa inyo. Mas conducive sa romance." nanunuksong saad pa ng kaibigan bago umalis.

"Salamat, Mikey. See you later." aniya.

"Bye for now." 

Nang makaalis si Mikey at Ferdie ay mabilis niyang itinulak ang pangahas na lalaki.

"How dare you!"

"Whoa! Bakit na naman?" nagtatakang tanong ni Gabriel.

"Huh! At may gana ka pa talagang magtanong kung bakit? Ang kapal ng mukha mong sundan ako dito at magpakilalang boyfriend ko! Such audacity Mr. Fadriquella!"

Sa inis niya ay napalitan ang nagtatakang anyo nito ng isang pinipigil na ngiti. Di yata't na-amuse pa ito sa kanya kaysa magalit din. The nerve!

"Okay! I'm sorry for being audacious a while ago but you could have corrected me in front of your friend instead of nuzzling your pert little nose in my pecs. Bakit di mo ginawa? May nalalaman ka pang you will make sure keeping me "up" all night." nangiinis na sabi nito as he quoted the word.

Namulang bigla ang buong mukha niya sa ininsinuate ng magaling na lalaki.

"Hoy! Hindi ako ang may problema kung bakit di ko itinama ang sinabi mo. I was just playing your perverted little game as well. Hindi ako patay na patay sa'yong damuho ka!" defensive niyang sabi.

"Bakit ka nagba-blush?"

"I'm not blushing! It's... it's... the... it's the sunset, you dummy!"

"Why are you stammering?"

"I'm not!" hiyaw na niya.

Nakarinig sila ng tikhim mula sa mga nasa paligid. Mukhang nakakuha na sila ng atensiyon ng dahil doon. Sino nga ba naman ang hindi magtataka kapag narinig ang isang tulad niya na nakikipagtalo na tila nobya sa isang gwapong nilalang na katulad ni Gabriel.

"Oh God!" naiinis niyang sabi. 

Nagmartsa siya papunta sa counter para kunin ang susi ng kaniyang silid. Iniwan niya si Gabriel na nakatayo at humihingi ng paumanhin ilang nasa paligid na sa panggigilalas niya ayhindi maganda sa kanyang pandinig.

"I'm sorry everyone, my boyfriend is not feeling very well. I'm sorry for his sudden outburst."

Nanlalaki ang matang binalikan niya ito at hinila sa tenga.

"Aray! Ano ba? Karinyo brutal ka naman, baby eh."

Oh he was beet red. That's for sure! Bakit ba kasi napakalas ng toyo ng isang ito at tila balewala lang na i-announce nito sa madla na magkarelasyon sila.

Naiinis na itinulak niya ito papasok sa elevator.

"Sira-ulo ka talagang lalaki ka. Anong pinagsasasabi mo doon? I'm not your boyfriend and you're an ass!" galit na niyang sabi.

Akala niya ay tatahimik na ito pero hindi na siya nakarinig ng kahit na ano mula rito. Nagtatakang nilingon niya tuloy ang damuho na isa na naman palang malakig pagkakamali.

Why? Because he was rendered speechless by the intense look Gabriel was giving him. Walang galit kundi isang reprimanding look ng isang nakatatanda sa isang bata ang ibinibigay nito sa kanya. Suddenly, he felt ashamed of what he did. Pero hindi siya magpapatalo. Siya na nga ang naloko nito hindi ba? Siya pa ba ang magmumukhang may kasalanan? No way!

"Stop that!" naiinis na sabi niya.

Pumalatak ito. "Know what? I expected more from you Dalisay. Hindi ko alam na ganito kakitid ang isip mo. Bakit hindi mo ba pagbigyan na pakinggan ang paliwanag ko?"

"Huh? Kakaiba ka ring magpaliwanag no? To the point na patungan mo pa ulit iyon ng panibagong pangloloko. Ano bang problema mo? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo ah?"

Suddenly, Gabriel shifted his expression from reprimanding to a guilty one.

"I'm sorry. Kung pagbibigyan mo lang kasi ako, ipapaliwanag ko kung bakit ko nagawa iyon. Please?"

Tinitigan niya ang pleading look naman nito ngayon. Somehow, this man managed to evoke feelings that were unfamiliar to him. Hindi siya pamilyar sa mga damdaming iyon dahil ngayon lang niya nararamdaman ang mga iyon but that doesn't mean he doesn't know what it meant.

It could only mean one thing. He's in trouble. Mukhang ang lalaking ito ang sisira sa ipinangako niya sa sarili. Na hindi siya amghahanap ng Prince Charming niya. Ito ang hahanap sa kanya.

But come to think of it. Ito ang pumunta sa bahay niya. Ito ang nanggulo sa nananahimik niyang buhay. To the point na ideklara pa nito sa madla na magboyfriend sila. Well, wasn't it a bit... sweet

Mukha namang walang paki-alam si Gabriel kung makuha ang apology niya o hindi. Kung siya iyon, dedma kung ayaw mong tanggapin ang apology ko? Iyon ang motto niya. Pero sa mga actions ni Gabriel, bakit parang ang apology niya ang pinakamahalagang bagay sa mundo?

Napabuga siya. Nakatitig pa rin ito sa kanya. Sasagot na sana siya ng tumunog ang elevator. Nang tingnan niya ang monitor ay nasa palapag na pala sila kung saan naka-assign ang kwarto niya. Sa halip na sumagot ay humakbang siya palabas ng elevator.

"Dalisay..."

Nilingon niya ito.

"I'm kinda tired from driving Gabriel. Kung magpapaliwanag ka, doon na lang sa kwarto mo gawin. Inaantok na kasi ako." iyon lang at tumalikod na siya.

Nanlaki ang mata nito sa narinig. Halos abutan pa ito ng pagsara ng pinto ng elevator kundi lang sa maagap na pagkilos nito.

"W-wait..."



HABANG nasa loob ng silid ay hindi mapalagay si Gabriel. Hindi pa kasi niya naranasan buong buhay niya ang maguluhan ng labis. Ang alam lang kasi niya sa salitang "confusion" ay nahirapan siyang ispelingin iyon noong grade five siya. He had always been so sure about everything especially concerning himself.

Unang mga taon pa lang niya sa mundong ibabaw ay alam na niyang attracted siya sa kapwa lalaki. Alam na rin niya nung magsimula siyang mag-aral na hindi siya uubra sa balarila at panitikan, Filipino man o English. Sigurado siyang crush niya ang hardinero ng kapitbahay nila na sobrang ganda ng katawan at may malaking umbok sa tamang lugar. Alam niyang walang maidudulot na mabuti ang bawal na gamot kaya hindi siya tumikim niyon buong-buhay niya. Besides, men had always been a more enjoyable thing than anything, another thing he was so sure of.

Kaya naman, hindi niya malaman ang pabago-bagong ugali na ipinapakita ni Dalisay sa kanya. Kanina ay galit na galit ito sa kanya. Then he said he was just playing along with him. Tapos galit ulit tapos ngayon pakikinggan na raw ang paliwanag niya?

Which is which? 

Sino ang totoong Dalisay? 

Bakit ba gulong-gulo na siya ngayon? Sana pala ay hindi na niya pinatulan ang hamon sa kanya ni Charlie tungkol kay Dalisay. Hindi sana siya naguguluhan ngayon. Hindi naman kasi siya dating ganito sa mga nakikilala at nakakarelasyon niya. Madalas siya ang hinuhulaan ang susunod na gagawin pero sa isang ito ay siya ang nangangapa. Literally.

Tumayo siya sa sofang kinauupuan. Isa iyong en suite na compliment ng hotel sa pag-stay ng magaling na author na si Michael Juha. Starstruck pa rin siya sa mga pangyayari although expected na niyang ang mga katulad ni Dalisay ay may ganoong klaseng circle of friends.

Ngayon ay nasa banyo si Dalisay at nagbibihis. Mamaya na raw ito bababa kaya naman doon na lang daw ito magpaliwanag. He was welcome to stay pero pakiramdam niya ay pabalat-bunga lang iyon sa panig nito. Na para bang nakikipag-usap ito sa isang batang makulit.

Makulit ka naman talaga.

He smiled. He tried to use the same tactic a while ago but failed miserably. Hindi talaga umubra kahit na anong gawin niya sa isang ito. Daanin niya kaya sa dahas? 

Not bad.

Napangisi siya sa pilyong suggestion ng isip. Nasa ganoong estado siya na napapangiti ng bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Dalisay.

Naka-shorts lang ito at puting collared shirt. He looked fresh. Hindi tuloy niya napansin ang matabang na expression ng mukha nito.

"Spill it. Makikinig ako." anitong tila tamad na tamad sa mga pangyayari.

"Ah.. eh..." Damn! Hindi niya alam kung paanong magsisimula.

"Well?"

"I-i... I'm sorry."

"You've been saying that for the last six hours. Please? Wala na bang iba? Get straight to the point so we could get this over and done with."

Tila siya tinamaan ng hiya sa sinabi nito. Never pa siayng naipahiya ng ganoon katindi. Grabe na ang isang ito talaga. Huminga muna siya ng malalim at nagbilang ng hanggang sampu. Taking all the time in the world bago muling nagsalita.

"Fine! Kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko, bahala ka! Wala pang nakagawa ng ganito sa akin kundi ikaw lang at hindi ko matanggap iyon. Alam mo ba? Hindi ko deserve ang ganitong treatment kaya bahala ka na sa buhay mo. You can keep your damn apology to yourself, for all I care."

But Gabriel got the shock of his life when he turn to Dalisay and find out that he was already sleeping.

Great!

Sa halip na mainis ay napatulala lang siya sa natutulog na manunulat. He looked peaceful in his sleep. Contrast sa ugali nito kapag gising ito. Ewan niya pero natutukso siyang lapitan ito. And he did.

Tumalungko siya para magtapat ang mga mukha nila. Ngayong natititigan niya itong maigi ay nakikita niya ng husto ang mga nagustuha niya rito.

Nagugustuhan? Hala ka, Gabriel!

Ikiniling niya ang ulo. Mukhang inaagiw na ng husto ang utak niya t kung anu-ano na ang naiisip niya.

Oo at may crush siya dito pero ang i-pin point ang mismong nagustuhan niya kay Dalisay? That was not so Kirby Gabriel Fadriquella.

Tatayo na sana siya ng lumagutok ang isang buto niya sa likuran. Marahil sa sobrang pagod. Hindi niya inasahan ang sakit na dulot ng pagkakapitik ng isang buto niya kaya hindi niya napaghandaan ang pagkakasubsob niya sa natutulog na si Dalisay.

To make matters worst, his lips was pressed against Dalisay's. Nanlaki ang mata niya sa reyalisasyon kasabay ng pag-akyat ng kakaibang sensayon sa kanyang katauhan dahil sa pagkakalapat ng kanilang mga labi.

No way!


Itutuloy...




DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.

Read more...

The One Who Could Not be Taken - Chapter Six

Photobucket

By special request: 

For my sons Rovi Yuno and Jim Sta. Isabel. Pati kay Mark Stevan, Keeno, Paww Cruz at sa apo kong si Khyrix.

Para rin kina Lance Cruz, Joshua Santos, Tsunayoshi Sawada (na inlababo kay KGF) at sa bumubuo ng Untold  Forbidden Stories

Enjoy reading.


Chapter Six

Nagpasyang maghintay si Gabriel sa kanyang sasakyan. Base sa bihis ni Jordan ay aalis ito. Sure enough, he emerged with his dog. Tumingin ito sa kanya pero nanlamig lang siya sa napakalamig na titig nito. May suot na itong sumbrero at may malaking bag na dala-dala. Sumakay ito sa Toyota Corona na pag-aari nito pagkatapos ikandado ang gate. Mabilis siyang bumaba ng kotse para kausapin ito ngunit mabilis nitong binuksan ng bahagya ang bintana sa tabi ni Eneru bilang warning na ayaw nitong makausap siya.

Pero hindi siya nagpatinag. Sumilip siya sa salamin ng Corona nito habang ang isang kamay ay nasa bubong ng sasakyan.

"Dali- Jordan... Please let me explain. Wala akong intensiyong masama. Please, maniwala ka," Nagmumukha na siyang tanga. Sigurado siya roon. But he could not help it. At wala siyang paki-alam kung ano ang maging tingin sa kanya ng ibang tao sa mga oras na iyon.

Sa katotoohanan nga, halos mabali na ang leeg ng ilang usisero na nakatingin sa kanila. Malamang mga napadaan lang at na-curious sa eksena nila ni Dalisay.

Pero hindi rin naman niya pwedeng hayaan na basta na lamang magalit ito. Nakataya na ang lahat sa pagkakataong iyon. Ibinaba nito ng bahagya ang salamin sa panig nito.

"Get lost, Mister-whoever-you-are!"

"Dalisay naman!"

"Get off my car!" galit ng sabi nito.

"No!" Humarang siya sa sasakyan nito.

Sa gulat niya ay umatras ng bahagya ang kotse nito at parang bumubwelo. Sasagasaan kaya siya nito?

Malamang. Sagot ng isip niya.

He was sure that he saw Dalisay's determination to hit him with his car. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang tumabi. "Shit!" Ang tanging nasabi niya ng lagpasan siya nito.

Binalikan niya ang sasakyan at nagpasyang sundan ito. Hindi pwedeng makalayo ito sa kanya ng basta-basta. Kailangan niyang magpaliwanag dito. Kahit saan pa umabot ang paghabol niya rito. Hindi dahil sa gustong-gusto niyang magpaliwanag kundi dahil wala pang gumagawa sa kanya ng ganoon. No man had ever turned his back on him before. Lagi na lang ay hinihiling ng mga itong magpaliwanag siya kung makikipagkalas na siya. At lagi na ay pinaniniwalaan siya ng mga ito. Lagi siyang pinatatawad ng mga ito.

At walang nagpamukhang tanga kay Kirby Gabirel Fadriquella. Lahat ng lalaking magustuhan niya, nakukuha niya. At hindi exception ang Dalisay na ito. Kahit ito pa ang paborito niyang author. Hindi ito exception to the rule.

"Ang yabang mo Dalisay!" nagngingitngit niyang sabi.

Sinadya niyang ipakita ang pagsunod dito. Alam niyang mapapansin siya agad nito. Napangiti siya ng maisip na kahapon lang ay maayos silang naguusap nito tapos ngayon ay naghahabulan silang dalawa.

Nakita niyang bigla itong tumigil sa isang outpost. Akala niya ay nananakot lang ito pero anong gulat niya ng bumaba ito habang bitbit si Eneru papasok ng istasyon.

"Anak ng teteng..." Napamura siya.

Gustong-gusto na niyang lampasan ito pero ayaw niyang mawala ito sa paningin niya. Kailangan niya itong makausap. Pero nagbago ang isip niya ng makitang may pulis na itong kasama paglabas at tiningnan ang sasakyan niya. Minalas lang siya ng mag-red ang traffic light kaya nasundan siya ng isang pulis na naka-motorsiklo. Sinenyasan siya nitong tumabi. Sumunod na lang siya kaysa lumaki pa ang kaso niya.

"May reklamo sa'yo, pare. Lisensiya? wika nito.

"Ano daw pong reklamo, Chief?" His fished his license out. Ibinigay niya rito.

"Pwede ka bang maibitahan sa istasyon?" tanong nito pagkatapos tingnan ang lisensiya niya.

"Bossing, may kaunting LQ lang kami nung boyfriend ko na yun."

"Boyfriend? 'Langya. Ke' ganda mong lalaki tapos bakla ka rin. Hindi ko nga halos mapaniwalaan iyong isang iyon kung wala lang ipinakitang ID." natatawang palatak nito.

"Bakit Chief? Masama bang maging bakla kung ganito ako ka-gwapo?" maasim ang mukhang reklamo niya.

Mukha namang nahalata nitong na-offend siya. "Boyfriend ka nung nagrereklamo? Eh bakit mo siya hina-harass?" pag-iiba nito ng usapan.

"Hindi ko siya hina-harass. Sa hitsura kong ito boss, mukha ba akong nagha-harass? May pinag-awayan lang kami. Maniwala po kayo."

"Sa presinto ka na magpaliwanag."

Then he saw Dalisay's car passing by. Nanlaki ang mata niya. "Wait! That's him. Sige na bossing. Pakawalan mo na ako." pakiusap niya.

"Doon sa presinto." tila tinatamad na sabi nito.

"Bossing naman. Kung hina-harass ko siya, dapat naroroon din siya di ba? Bakit siya umalis? Di ba kailangan din siya roon para sa paliwanag niya?" frustrated nang sabi niya.

Tiningnan lang siya ng pulis. Then it hit him, alam na niya kung bakit ganoon ang inaakto ito. Alam na niya ang gustong mangyari nito. Lagay. Something that he could never do. He hated it.

Napabuga siya. "Sige na Chief. Eskortehan niya na po ako sa presinto."

Halos matawa siya sa ekspresyon nito. Shocked. Mukhang hindi inaasahan na papayag siyang magpakulong. Mataman muna siyang tinitigan nito bago nagsalita.

"Sige na nga. Alis." pagtataboy nito.

Napangiti siya ng lihim.

Akala mo ha? Ulol! Aniya saka pinaharurot ang CRV.


Ayon sa kasabihan, ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan. Sa kaso ni Jordan, naroon na siya sa lugar na pupuntahan niya ay panay pa rin ang lingon niya. Hindi siya makuntento kahit natatanaw na niya ang parking lot ng Days Hotel sa Batangas. He had to look back every now and then.

Sa tingin niya ay hindi na siya mahahabol ni Gabriel. Subalit may pagka-resourceful ang isang iyon kaya naman gusto niyang magpakasiguro. Ayaw na niyang harapin at kausapin ito. Wala siyang interes na pakinggan ang paliwanag at paghingi nito ng paumanhin. Okay na sa kanya na naipaalam niya ritong alam na niya ang totoo.

Pero nahihiya siya sa sarili. Pakiramdam niya ay napakatanga niya at tila nabiktima siya ng isang scam. Naiinis siya sa sarili dahil nagtiwala siya kaagad sa isang taong nagpa-cute lang ng kaunti sa kanya ay tinanggap na niya ng maluwag sa bahay. Pinagsilbihan. Pinakain. Naawa pa siya rito ng makagat ito ni Eneru iyon pala nagpapanggap lang ito.

Pero sa lahat ng iyon ay iisang bagay ang hindi niya matanggap. Ang pagkukwento niya rito ng mga bagay na tungkol sa sarili niya. Tungkol sa mga ginawa niya. At tungkol sa mga sikreto niya sa pagsusulat. Paano kung i-publish nito ang mga iyon? Maaari ba siyang magdemanda? Eh paano kung magmukha lang siyang tanga sa gagawin niyang pagdedemanda?

Hay! Naiinis talaga siya.

Nakapasok na siya sa lupaing sakop ng hotel ay lumilingon pa rin siya. Naroon kasi siya para sa isang imbitasyon ng kaibigan na kauuwi lang sa bansa. Isa rin itong writer na nakabase sa  Kingdom of Saudi Arabia. Pagkabigay niya ng susi sa valet ay mabilis siyang pumasok sa entrance ng hotel. Papalapit pa lang siya sa reception area ng may tumawag ng atensiyon niya.

"Dalisay!"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig at napangiti. "Mikey!" natutuwang sabi niya sabay takbo palapit dito.

"Dalisay. How nice of you to come." magiliw nitong bati sabay yakap sa kanya.

"Of course, Mikey. Mapapalampas ko ba ang imbitasyon ng famous kong kaibigan na si Michael Juha? Siyempre, hindi," natatawang sabi niya pagkatapos kumalas rito. Tuluyan ng nakalimutan ang taong kanina lang ay nagpapakulo sa dugo niya.

"Nambola ka pa. Ang ganda mo pala." balik-bola nito sa kanya.

"Oh what do we have here? A mutual admiration society?" aniya na ikinatawa nilang dalawa. Doon lang niya napansin na may isa pang lalaki na nakatayo malapit sa kanila ng kaibigan. Napansin iyon ni Mikey.

"Oh, siya nga pala. Si Ferdie, buddy ko. Ferdie si Dalisay. Author din siya." pagpapakilala ni Mikey sa kanilang dalawa.

They exchanged pleasantries. Napansin niyang tahimik lang din pero palangiti ang Ferdie na kasama ni Mikey. Mukhang magkakasundo sila nito.

"Nakuha mo na ba ang susi mo sa room? Inabangan kita talaga dito. Naiinip kasi kami ni Ferdie sa kwarto." tanong ni Mikey.

"Kukunin ko pa lang. Mabuti at nakita mo ako rito." sagot niya.

"Hay naku, kanina pa aligaga iyan." singit ni Ferdie.

"Talaga?" curious niyang tanong pero ang mata ay agad na inilipat kay Mikey.

"Oo. Kasi naman, sabi mo ay ipakikilala mo ang boyfriend mo sa akin."

Agad na napalis ang ngiti niya. Naalala niya na biniro niya nga pala ito na may ipakikilala siya ritong boyfriend niya kunwari.

"Ano ka ba Mikey, biro lang iyon." natatawang sambit niya.

"Sure ka? Ikaw talaga mahilig kang magbiro." natatawang sabi ni Mikey.

Napakunot ang noo niya. Hindi naman slow ang kaibigan para hindi malamang nagbibiro lang talaga siya. "Eh wala nga talaga..."

"Ikaw talaga baby. Iniwan mo na naman ako ng magtampo ka." anang isang tinig na nagpalamig at nagpatigas ng kalamnan niya. Inakbayan pa siya nito.

"So who is this cute and lucky guy Dalisay?" kinikilig na sabi ni Mikey.

Nanlalaki ang matang nilingon niya ang lalaking mapangahas which was a mistake dahil ang lapit-lapit na ng mukha nito sa kanya. His hot breath sensually fanning his sensitive face. Titig na titig ito sa kanya. Agad nag-init ang mukha niya sa proximity nila.

"G-gabriel..." he said almost whispering.

"Oh, Nice to know you Gabriel." ani Mikey.

"Same here, Mikey." anang baritonong tinig ni Gabriel na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nangingilabot at nanlalambot ang tuhod niya sa ginagawa nitong pagtitig. At ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya!


Itutuloy...


DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.

Read more...

The Best Thing I Ever Had - Season 2 Episode 3 - Catch Me I'm Falling Inlove

Author's Note: Salamat po sa lahat ng nagbasa ng Part 2. :) Sorry po sa mga nabitin (kung meron man heheh.) Anyway, THIS IS,......PART 3 of The Best Thing I Ever Had. :) Enjoy reading Av's story.


-Vince.

------------------------------------------------------
"Nasaan ako?" ang unang tanong na lumabas sa aking bibig. Paglingon ko sa kaliwa ko, nakita ko si Ram na nakahiga sa tabi ko, nakapikit pa ang mga mata niya. Wala siyang shirt na suot. Nakaboxer shorts lang. Nakapatong sa noo niya ang kanyang braso. Kitang kita ang six pack niyang abs.

Sh*t ang hot niya. Ayyy ano ba tong iniisip ko?

Grab the opportunity na teh! dali!

Gaga! Hindi ako rapist hano! Siguro ikaw, but not me! Over my dead body!

Chaka mo teh! Wala naman makakakita eh.

Bigla kong napansin na wala akong suot na damit. Nakaboxer shorts lang din ako.

OMG nasaan ang mga damit ko?!

Ow Em! dont tell me?! may nangyari sa inyo?!

"NO!!!!!" napasigaw ako.

Nagising si Ram sa sigaw ko. "O bakit may sunog ba?" ang gulat at nagpapanic na tanong niya.

"Anong ginawa mo sakin?!" pagalit kong tanong sa kanya.

"Wait lang, before you think of anything bad, let me explain." hinawakan niya ang kamay ko.

Tinanggal ko ang kamay niya at hinampas siya ng unan. "Aaaahhh! Lumayo ka sakin! Aaaaahh!" sigaw ko ng nakapikit habang hinahampas siya ng unan.

"Aray!!! Teka lang Av! Aray! Please! Stop it!" sabi niya. Hinablot niya ang unan mula sa akin ngunit hindi ko ito binitawan. Nag-agawan kami sa unan hanggang sa napalakas ang hatak niya at dahil dun, sumama ang katawan ko sa unan at sumubsob sa kanya. "Waaaa!"

"Aray!" Nagkauntugan kami at dahil nasa edge na kami ng kama, nalaglag kami sa sahig. Naglapat ang aming mga labi nung nalaglag akong nakapatong sa kanyang katawan. Nakahawak ako sa dibdib niya at ang mga kamay naman niya'y nakalagay sa magkabilang side ng baywang ko. Nanlaki ang mga mata ko at nakita ko siyang nakapikit.

Oh, my,gosh..Aaaaaaahhhhh!!!!!! Grabe teh!!!! ikaw na talaga!!!!!

Tumayo ako agad at umupo sa kama."Uhhmm..I-I'm s-sorry." sabi ko.

Tumawa lang siya.."Ayos lang..Nag-bblush ka ah." sabi niya.

Sh*t ano ba to! hindi ako pwede magblush! Argghh! kainis na katawan to oh!

Tumalikod na lang ako sa kanya dahil nahihiya ako.

"Anyway, about nga sa...uhhmm..kung bakit nakahubad ka,.Nabasa ko kasi yung damit mo kanina, buti na lang hindi ka nagising, kasi tiyak magagalit ka sa akin." tumawa ulit siya. "Kaya tinanggal ko muna yung mga damit mo at inihiga dito sa kama ko,."

"E-eh bakit pati ikaw n-nakahubad?".tanong ko..

"Ahh ehh, hindi kasi ako, nakakatulog ng nakadamit. Mas sanay ako na underwear lang ang suot ko." sagot niya. "Siguro iniisip mo na may nangyari sa atin noh?" lumapit siya sa akin at inakbayan niya ako.

Ayiiee!!

Hindi na lang ako sumagot. Eh anong gusto niyang isipin ko? Na may pictorial lang sa kwarto niya, endorsing underwears? Hayy nako.

Pwede bang nude pictorial na lang?!

Ikaw ang landi mo talaga! tumigil ka na nga!

"Teka, nasaan ba tayo?" tanong ko.

"Nandito ka sa beach resort namin." sabi niya. "Tayong dalawa lang dito." at binigyan niya ako ng isang pilyong ngiti.

"T-tayong d-dalawa lang?" tanong ko.

"Oo, gusto kasi kita ma-solo eh,." sabi niya.

Ang sweet naman nito,. Ayy ayan na naman ako, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? hindi pwede  to! Arggghhh..

"O nagbblush ka na naman." at tumawa siya.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang nanigas lang ako sa kinauupuan namin na nakatitig sa isa't isa. Biglang inilapit ni Ram ang kanyang mukha at akmang hahalikan ako sa labi. Lumingon ako sa ibang direksyon. 

Natigil naman siya at inilayo ang kanyang mukha. "I'm sorry." sabi na lang niya.

"O-ok lang." sabi ko na lang.

Bakit mo inilayo yung mukha mo?! Ano ka ba?!

Abnormal ka ba?! Hindi ako pokpok na magpapahalik lang sa kung sino sinong lalaki hanu!

Kahit na sa isang gwapo, macho, matangkad, mayaman at mabait na tao katulad niya?

Oo. Ibibigay ko lang ang labi ko sa taong mahal ko.

At si Van yon? Yung mokong na echoserang palaka na yun?

OO!.

Ang martyr mo talaga teh! Gusto mo iuntog kita sa pader para naman maliwanagan ka sa paligid mo?! Hello, sinaktan ka niya teh,. Kaya mag-move on ka na!

Hindi na lang ako sumagot. Nasa ganung posisyon kami ni Ram ng mag-yaya siyang kumain.

"Hindi man ka man lang magbibihis?" tanong ko.

"Tayong dalawa lang naman ang nandito eh kaya okay lang." sabi niya ng nakangiti at lumabas ng kwarto para maghanda ng pagkain sa ibaba.

Kumuha ako ng isang t-shirt at isinuot iyon. Bumaba na ako at nakita ko siyang naghahanda ng pagkain. Habang kumakain,

"Uhmm..Av." sabi ni Ram.

"Hmmmm?"

"Pwede humingi ng favor?" tanong niya

"Ano yun?"

"Pwede habang nandito tayo,. pwede bang kalimutan mo muna ang lahat ng nangyari nuon..pwede bang, kalimutan mo lang muna si Van..kahit ngayon lang.,." seryosong tanung niya.

Napatigil ako sa pagkain at tumitig sa kanya. Nagmamakaawa ang mukha niya, na parang sinasabing "Please".

Sige na pagbigyan mo na yung tao! Concern lang naman siya eh.

Concern ba yun? Parang gusto na niyang controlin ang buhay ko.

Av, just trust him.

Yeah, trust the person you found naked beside you in bed. Diba?

Av, that's not the point,. Why don't you give him a chance? He seems like a nice guy.

Pare-pareho lang lahat ng mga yan. Sasabihin sayong mahal ka sa una, pagkatapos, sasaktan ka lang din, at iiwanang luhaan at basag ang puso.

Oh so it's you that has the problem. Kalimutan mo na yung Van na yun. Mag-kaiba silang dalawa. Baluktot naman kasi yang paniniwala mo. Bakit hindi mo buksan ang puso mo ulit? Matutuong mag-mahal ulit,. Hello? Wag mo naman hayaang forever ka na lang mag-isa noh.

Read more...

MY LIFE'S PLAYLIST (chap 10)

Author's Note: Maraming salamat talaga sa readers. Di ko alam kung may magic 'tong story writing ko pero yung pinagbasehan ko ng Rex ka-close ko na talaga. Bwahahahah wala lang share ko lang po :)
Sana tablan din yung pinagbasehan ko ng Kian hihihihihi jokes.
Good luck and GOD bless po sa ating lahat :)


--------

After a few minutes na kulitan sa ilalim ng ulan nagsimula na kaming ginawin. Bumalik na kami sa parking area kung saan nandun yung motor nya.

Buti na lang pala nagdala ako ng extra na damit at nagkataon kakabili ko lang ng new undies so meron akong maipapahiram kay Rex na hindi pa nasusuot hehehehe.

Niyaya ko sya sa 9th floor ng parking area nung mall. Ito yung pinakataas kaya for sure walang basta basta pupunta dun. Madilim dun at meron lang konting ilaw mula sa labas, sa hagdan at sa tapat ng elevator. Duon na kami nagtuyo ng katawan, nagbihis ng mabilisan at nag-ayos ng gamit. Di na kami nagbalak na gumawa ng kung anu kasi baka ma-late kami sa family reunion at hellow syempre baka may makahuli pa sa amin sa parking area di ba.

Nagsuot kami pareho ng kapote dahil medyo may konti pang ulan at sakto naman lagi syang may isang extrang kapote at helmet. Bumyahe na kami papuntang family reunion ni Rex. Unlike before na nahihiya pa akong yumakap sa likod nya ngayon go na go na ako. Sa totoo lang excited ako at natatakot at the same time. This will be the first time na makikita at makikilala ko ang parents ng new bf ko. Sana di ako mawalan ng malay sa kaba. Buti na lang at nakamotor kami kasi medyo naging matrapik dahil sa ulan.

Napatigil kami sandali dahil sa traffic dito sa manila. Pero I think ok lang kasi may narinig akong kanta sa di kalayuang jeepney. Gusto kong ma-download yun!!!



Medyo naa-amaze pa rin talaga ako kay Rex. Marunong syang magmotor at magdrive, business minded, makulit pero mabaet, di masyadong matalino pero madiskarte, matangkad, cute, gwapo, pogi, handsome, hot, cool, hunk… ay potek medyo exaggerated na pala ako. Di obvious na nahulog na talaga ako ng tuluyan sa mokong na ‘to noh?!



-------------------

Buti na lang kahit naging maulan ay safe pa rin kaming nakarating sa bahay nila…. daw. Hindi kasi ito yung pinagdalhan nya sa akin last time pero malapit lang din dun. Mas malaki ‘tong bahay na ‘to, mas malawak at mas bongga.

“Rich boy ka talaga!” ang nasabi ko pagkakababa ng motor.

“Adik di rin!” sagot nya na may kasamang ngisi.

“Kaninong bahay naman ‘to? Kala ko bahay nyo na yung pinuntahan natin last time?”

“Ito yung bahay talaga namin.”

“Waw grabe so marami kayong mga bahay?”

“di naman. Yung pinuntahan natin last week kay uncle Ash yun. Madalas kasing nasa business trip sina mommy at daddy, yung mga kapatid ko naman masyadong masipag sa pag-aaral, ayoko na silang istorbohin at baka mahawa pa sila sa akin” sagot ni Rex with a smile.

“hmmm ang baet mo naman na kuya!”

“Naman! Ako pa, eh the best ako.” With matching papogi pose.

“Di kaya!” sagot ko sabay sundot sa tagiliran nya.

“Wah kumokontra ka na the best ako!”

“Syempre!”

“Sige tampo na ako sa ‘yo!” nasabi nya sabay cross arms at hikbi.

“Wew nagtampo na ang prince ko!”

“Wow prince. Nice one.” Ngiti ulit nya.

“Kasi naman ayokong ikaw ang the best. Remember ang batas ng kalikasan, pag the best kinukuha na agad back to heaven.” Paliwanag ko sa kanya.

“Weh? Ngayon ko lang yan narinig.” Sagot nya with obvious disbelief.

“Remember Rico Yan?

AJ Perez?

The best yung mga yun.

Mabait, gwapo, rich, matalino at sikat.

Nasan na sila ngayon?

Nasa heaven.

Bakit?

Kasi nagiging unfair na sila sa ibang tao sa earth kaya binawi na sila!” ang mahabang paliwanag ko.

“Wow so ayaw mo akong maging the best dahil ayaw mo akong mawala?” ang tanong nya with matching akbay.

“Syempre! Adik ka ba? Minsan lang may magmamahal sa akin na Rodrigo Edgar Xavier papakawalan ko pa ba? No way! Makikipagsapakan ako kay Charon, kamatayan or the Reaper, anuman ang pangalan nya.”

“Wag kang mag-alala di ako mawawala sa ‘yo. No matter what di ako basta basta bibitiw.” Nasabi nya after nya akong yakapin.

“Oh wag ka naman masyadong serious. Syempre joke lang yun!” biro ko sa kanya.

“Wah badtrip ka! Ito ang sa ‘yo!” niyakap nya ako ng super higpit. Yung tipong ang hirap na talaga huminga. At since mas matangkad sya sa akin medyo buhat nya na ako.

“Aw sige na sige na. Totoo na ang lahat ng yun. Ito naman di mabiro. Ibaba mo na nga ako.” Complain ko sa kanya.

Binaba nya ako tapos kinarga ulit.

“mas gusto ko yung ganito. Para tayong bagong kasal.” Sagot ni Rex habang papalapit ang mukha nya sa mukha ko.

“Huy! Baka may makakita sa atin!” inalog ko sya habang buhat nya ako. At since basa pa ang footwear namin… Dulas na naman. At tulad ng last time dulas with a kiss.

“Wew ganito ba gusto mong kiss natin?” tanong ni Rex.
“Adik! Aksidente lang ‘to.” Paliwanag ko.

“Weh? Yung last time sadya?” tanong nya sa akin while magkapatong pa rin kami sa sahig ng garahe nila.

“Adik! Accident rin yun tae ka!”

“Weh?”

“Adik ka talaga! Tae ka!”

“eh di ikaw naman ang langaw ko!”

“Potek yuckies yatang tandem yun. Ayoko nun.”

“Tara diretso na tayo sa kwarto ko.”

“Wah anung balak mo?!”

“Adik! Duon tayo mag-aayos ng sarili natin. Halatang galing tayo sa byahe. Nakakahiya naman sa mga bisita kung ganito itsura natin di ba?”

Tumungo ako at tiningnan ang sarili ko. Medyo mukha na ngang di kaaya-ayang tingnan. Pero paano yan? “Ito na yung dapat susuotin ko sa party eh” biglang kong nasabi.

“Ok lang yan. Lapit ka sa ‘kin may bubulong ako sa ‘yo.” Mahinang pagkakasabi ni Rex.

“Anu yun? Anung meron?” tanong ko sa kanya sa mahinang boses rin. Sa totoo lang kami lang naman dito sa garehe nila kaya bakit kaya kailangan namin magbulungan?

“May surprise ako sa ‘yo!”

“Anu naman yan?”

“Binili kita ng damit!”

“Wah di nga?!”

“Hindi, joke lang!”

“Potek! Anu ba talaga?!”

“Eh di binili nga kita!”

“Wow ambaet mo!” pagkakasabi ko nito ay napayakap ako sa kanya.

Kung di naman obvious ang pagka-amaze ko sa rich people ay ‘yun ay dahil mula lang ako sa middle class family. Swerte ko lang din sa masisipag kong parents kaya nakapagkolehiyo ako. Minsanan lang sa isang taon kami bumili ng damit na pwedeng ipanggala kaya pag nakakaipon ako bumibili ako tipong tyempo sa sale.

“Ang cute mo naman! At ang sarap pa ng mahigpit na yakap.” ang nasabi ni Rex.

“Sensya na. Poor boy eh. Minsan lang magkaroon ng bagong damit. Medyo natuwa lang ng sobra!” paliwanag ko sa aking naging reaksyon.

“Sus wag mong –down sarili mo! At least nakapag-college ka. So di ka poor. Sakto ka!”

“Wow ano ako coke? ahahaha” banat ko sa kanya. Mukha nga lang akong engot kasi mas nauna pa akong tumawa eh.

“Ahahahaha eh di coke. Coke ng buhay ko. Pag kasama kasi kita, araw araw ang saya!” banat naman ni Rex.

Napapansin ko lang parang ang cheesy namin dalawa. Tipong ibang level na ang ka-corny-han. Ganun ba pag in love?!

“Adik! Tara punta na tayo sa room mo. Excited na ako sa gift”

“Para ka namang bata. Pero in fairness ang cute mo talaga ngayon. Dapat ata mabilhan kita ng ng something new every time eh.”

“Hoy Mr. Xavier! Di po ako Charity Case para bilhan mo everyday. Ay ayoko ng ganun. Kung ganun rin lang di ko na lang tatanggapin yung bigay mo.” Sagot ko sa kanya.

Syempre kahit di ako mayaman meron naman akong kahihiyan at pride. Ayoko talaga ng ganun. Suddenly naalala ko na naman kung bakit ako badtrip sa rich people.

Inggit at galit pala sa rich people. Inggit in the sense na I wish to be like them kaya ako nagsisikap mag-aral. Galit kasi galing naman talaga sa rich family ang nanay at tatay ko, dahil nga lang din sa series of unfortunate events kaya nangyari ang nangyari. Basta mahabang kwento talaga.

“Sorry na po Mr. Chua. Tara na nga sa room ko, bebe ko.”

Ting! Parang may kumalabit sa utak ko na ewan nung marinig ko yung BEBE KO!

“Wow parang sa movie lang ni Sarah and Lloydy yun ha. Ang cute! Pero di ata natin magagamit in a normal place. I mean sa public place or sa klase man.”

“Hmmmm may point ka. Ok ganito na lang. Call me on my First name and I will call you KC from now on.”

“Wow payag ka na tawagin kita sa first name mo. Ibang level na talaga ako sa ‘yo.”

Na-amaze naman ako dun talaga as in. Kasi ayaw nyang tinatawag sya sa first name eh. Sabagay Rodrigo, parang ang tanda di ba? Exception to the rule na ako! Yehey!

“Ok KC na ako. Ikaw naman Drex. Tara na nga at makapagbihis na tayo. Late na ata tayo sa party eh.”
“Hindi. Sakto lang tayo.”

---------

Pagkakarating namin sa kwarto nya nakita ko na ang tunay nyang room. Mas malawak kaysa sa kwarto nya sa bahay ng uncle nya. Malaki rin yung kama nya dito. Grabe! Bakit nga ba kasi nag-aaral ang mga tulad nyang rich sa State University. Ang ewan talaga ng rich tsk tsk tsk.

“Ito yung susuotin mo. Dun na ako magsa-shower at magbibihis sa kabilang room. Magshower ka na rin. Duon ang bathroom ko.” ang sabi nya sabay abot ng isang malaking paper bag na may tatak na malaking G.

(Basta alam nyo na siguro kung anung brand yun)

“Salamat!” ang nasabi ko pagkakatanggap nung paper bag. Lumabas na agad sya ng room.

Nagmadali na akong magshower. Sa totoo lang iba ang feeling. Parang ang bongga talaga ng paligid ko. Banyo palang nya eh singlaki na ng kwarto ko.

After kong maisuot ang binigay nyang damit humarap agad ako sa salamin. Di ko expected ‘tong nakita ko. Ibang iba from my usual garment. Feel ko ang cool ko. Ang galing. Ito yung damit na tinitingan ko nung magkasama kami eh. Siguro napansin nyang kursonada ko talaga ‘to.

“WAH!” napasigaw ako nang biglang may tumalon sa gilid ko at biglang tinusok rin ako sa tagiliran.

“Ahahahaha” malakas na tawa ni Rex.

Bago ako makapagsalita ng kung anuman na stun din ako sa itsura nya. Ang gwapo talaga nya. This time nakaayos pa ang buhok nya.

“Huy! Napopogian ka na naman sa ‘kin”

“Di naman. Sakto lang.” sagot ko sa kanya.

“Teka ayusan na kita ng buhok.”

Kinuha nya sa isang drawer ang isang lalagyan. He scooped up some wax. Pinaupo nya ako sa harap ng salamin at sinimulan nya akong ayusan ng buhok.

“Oh yan mas pogi na ang KC ko.” Ang nasabi ni Rex.

“Wow mula ngayon magwa-wax na ako. Grabe parang di ako.”

“Wag mong araw arawin. Baka may makapansin sa ‘yo at agawin ka bigla sa ‘kin.”

“Sus asa! Ako aagawin? Walang gagawa nun.”

“Hmmm di rin.”

“Adik tara na nga sa reunion mo!”

“Sige tara na.”

------------

At ito na naman ako. Para naman akong mangmang. Sobrang amazed na naman ako sa kapaligiran ko. Kasi sa TV ko lang naman nakikita ang mga ganito. This time nasa harap ko na kaya iba ang feeling.

Long white table with different foods na sosyal. Maraming serbidor na naka-uniform na mukha normal formal garment ko pagpumapasok ako sa school pag wash day. Mar red carpet leading towards sa center kung nasan ang long white table. Maraming bilog na tables sa paligid. Lahat ng table may cute na centrepiece. Maraming taong naka-suit at gown. Ibang klase family reunion ‘to.



Alam mo yung feeling ni San Chai or ni Jandi nung sinama sila sa party ng F4. Medyo ganun ang feeling. Well actually I think that is how I actually feel right now.

“Woooowwww….hmmm” pagkamangha ko sa kapaligiran na napigil dahil tinakpan ni Rex ang bibig ko bigla.

“Compose yourself! Di yan ang KC na kilala ko. Yung casual na ikaw, wag kang papaapekto sa kapaligiran huh.”

“Yes boss!”

“Kakasabi ko lang na cool ka lang eh”

“Ok. Sensya na. Iba lang talaga. Nakakapanibago.”

“Welcome to my life!”

“Adik! So ganito pala buhay mo.”

“Well oo. Kaya Masaya akong kasama kayo lahat sa school. Wala kaseng kapareho nyong kakulitan sa mga ganitong mundo.” Paliwanag ni Rex.

“Hmmm ok. Well then I will do my best to blend in”

“Ok. Tara dun tayo. Dun sa table malapit sa gitna.”

“Ok”

Umupo na kami at mukhang sakto lang ang dating namin.

“To all, Welcome to our Annual Family Reunion. This family reunion is a different one from the last year’s party. I invited the Lopez family to join us today for a special announcement. The first would be to formally announce our company’s merger.”

Wah anu ‘to? Nanunuod ba ako ng movie or teleserye? Potek ibang planeta na ata ‘to. Wah baka nawalan lang ako ng malay at nananaginip lang ako.

“Another thing that I should mention, I would like to invite you all next month for the engagement party for my son Rodrigo Edgar Xavier, my heir. He will be formally engaged to the only daughter of the Lopez family, Arriana Denise Lopez.”

At pagkakasabi nun gumalaw ang spotlight papunta sa table na di kalayuan sa table namin. At may tumayong napakagandang babae.Mukhang perfect sya. Parang model na parang prinsesa. Potek nakaka-in love si Arriana. Pero teka… ENGAGED? Hala di ‘to maaari.

Habang nakaupo ako sa table tumatakbo sa isip ko ang scenario na nangyayari sa mga ganitong pagkakataon. Tulad ng nangyari sa ang Paraffle na Pag-ibig, Meteor garden, boys over flowers at kung anu anu pang movie ‘bout rich and poor at ang guy+guy relationship. Ang sikip ng feeling sa dibdib. Argh!!!

Nanlamig ako. Pakiramdam ko bigla akong parang masusuka. Parang ang ewan. Ang sakit ng dibdib ko. Parang di ako makahinga.

“Kirk! Kirk! Help! Tulungan nyo ako!”

Ayun na lang ang huli kong narinig bago ako nagsimulang walang makita.

-------------

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP