No Boundaries - C20
Saturday, February 5, 2011
Si Andrew at Stephanie
Nang gabi ding iyon muling naalala ni Andrew ang mga pinagdaanan nila ni Stephanie. Sa pakiramdam niya ay lalong nahulog ang loob niya kay Steph ngayong nakita niyang mas naging kaakit-akit ito. “Oh, Steph, akin ka lang” nasabi niya sa sarili.
Magkaklase sina Andrew, Andrei at Steph sa Colegio de San Isidro. Magkatabi ng upuan si Andrei at Steph samantalang si Andrew mula’t sapul ay nagkagusto na sa dalaga kung kayat hindi niya ito malapitan. Si Andrei ang naging daan para magkakilala ang dalawa, hanggang sa lumalim ang pagtitinginan.
Simula nang makita ni Andrew si Steph ay hindi na niya makalimutan ang dalaga. Lagi itong naglalaro sa kanyang isipan. Binabalak ligawan subalit nahihiya siya dahil ayaw niyang masira ang namamagitan sa kanilang pagkakaibigan kung sakaling pumalya ang panliligaw niya. Ayaw niyang malayo si Steph sa kanya.
Samantala, nang minsang gabihin ng uwi si Steph ay may mga lasing na humarang sa kanya. Sakto namang dumating si Andrew na siyang naging daan para makatakas sila. Hinatak siya ni Andrew at sabay karipas ng takbo. Nang mapansin siya ni Andrew na pagod na ay kinarga siya nito at lalong binilisan ang pagtakbo para hindi mahabol. Mas lalo niyang hinangaan ang binata nang imbes na magtago ay dumiretso sila sa police station para magsumbong. Dahil dito unti-unting nahulog ang kanyang loob sa binata.
Napagpasyahang ligawan ni Andrei si Steph ng may magsabi sa kanyang may gusto din ang dalaga sa kanya. Wari bang ito ang maituturing niyang senyales para ligawan ang dalagang iniirog. Sa una ay nahihiya, subalit dahil sa angking kabaitan ni Steph ay pumanatag ang kanyang kalooban.
Hindi maikakailang may gusto si Steph kay Andrew. Lagi itong nahuhuli ng mga kabarkada ni Andrew na nakatingin sa binata. Nang magsimulang ligawan siya ni Andrew ay tila isang panaginip na nagkatotoo. Hindi niya pansin na may gusto din pala sa kanya ang binata kung kayat laking gulat niya ng mag-alok ito ng panliligaw.
Mula second year high school ay nililigawan na ni Andrew si Steph, ngayon nga na nasa kalahati na ang taon ng pagiging third nila ay binalak niyang sagutin ito. Nagkaroon ng pagbabago sa desiyon niya ng makilala niya si Nicco.
Unang nagkausap sila Nicco at Steph ng mapansin ni Nicco na may malalim itong iniisip. Naging magaan naman ang pakiramdam niya kaya sinabi niya dito ang problema.
“Alam mo kasi Nicco, gusto ko na siyang sagutin, kaso iniisip ko, hindi pa ako handa sa buhay na may boyfriend.” Sabi ni Steph.
“Mahirap ang pumasok sa isang buhay na hindi ka pa handa. Pag nagkaboyfriend ka, ibig sabihin may mababago sa takbo ng araw-araw mo. Pag pumasok ka sa isang bagay dapat siguraduhin mong makakaya mong panindigan, para sa huli, wala kang pagsisisi na ganuon ang dinaranas mo.” sabi ni Nicco “baka sa huli manghinayang ka sa mga mawawala sa iyo o sa bagay na pinakaiingatan mo.” Dagdag pa nito.
Iyon na marahil ang pinakanagmarka sa isip ni Stephanie, kung kayat hanggang ngayon ay hindi niya sinsagot si Andrew.
Gayunpaman, hindi bumitiw si Andrew, pero ang tukso ay malapit lang. Kung mahina ang isang tao, malamang na bumigay ito. Gayon na nga ang nagyari kay Andrew, kaya naman agad itong nahulog kay Nicco. Pero tulad nga ng minsang binanggit ni Nicco –“ilang ulit ka mang madapa ay lagi kang pwedeng bumangon, ilang ulit ka mang magkamali ay pwede mong itama, ilang ulit ka mang matukso, alam ng puso at isip mo kung saan ka aakayin pabalik, basta ba nakahanda ka lagi para samahan ito. Natural lang ang matukso at maging marupok, lalo na at malayo ang minamahal mo pero kung iisipin pwede mo namang iwasan kaso pinili mo pa rin ang matukso. Wala kang ibang pagpipilian kundi ang bumalik sa taong mahal mo at dumanas ng karampatang paghihirap dahil sa nagawa mo.”
Sa pagbabalik na ito ni Stephanie ay lalo niyang napatunayang tama si Nicco, dahil ngayon ay pinagsisihan niya at nagkagusto siya kay Nicco – lalo’t higit na kung tinuloy niya ang balak na panliligaw dito.
Sa ngayon ay alam at sigurado na ni Steph na handa na siya para tanggapin ng buong buo si Andrew. Naramdaman niyang kulang ang pagkatao niya ng mamalagi siya sa Australia at walang Andrew na nakabantay at sumusuporta sa kanya. Alam na niyang hindi masasayang ang mga bagay at wala siyang pagsisisihan sa bandang huli.
Sa kabilang banda, si Andrei, tulad ng naramdaman ni Andrew ay nagkagusto na din kay Steph, subalit hindi niya ito kayang ipagtapat sa dalaga. Naging mabait sa kanya si Steph. Mapagbigay, maalalahanin at higit sa lahat pinupuri ang kahit pinakamaliit na nagawa niya. Kakaiba si Steph sa lahat. Mula nuon ay hindi na niya pinapansin ang kahit na sinong babae lalo na iyong nagpapaalam na may pagtinign sila sa kanya.
Alam niyang hanggang kaibigan lang ang turing sa kanya nito. At sa tuwing magkukwento ito ng tungkol kay Andrew at ang pagkagusto niya sa kakambal ay tila ba nadudurog ang puso niya. Nang malaman niyang may gusto din si Andrew kay Steph ay dagli niyang sinabi na may gusto din si Steph sa kanya. Hindi niya alam na nililigawan na pala ni Andrew si Steph. Nalaman na lang niya ito nang mapagdesisyunan niyang ligawan ang dalaga.
Sa ngayon, isa lang ang alam ni Andrei, kahit gaano pa gumanda si Steph, hindi niya ipagpapalit ang nag-iisang Niccollo Emmanuelle de Dios na nagpakilala sa kanya sa bagong katauhan at bumuhay sa isang pakiramdam na naiiba sa lahat at ngayon lang niya naramdam,an.
0 comments:
Post a Comment