Showing posts with label Ang Kuwento Ng Pag-ibig Ni Speed. Show all posts
Showing posts with label Ang Kuwento Ng Pag-ibig Ni Speed. Show all posts

Ang Kuwento Ng Pag-ibig Ni Speed

Sunday, May 8, 2011

Note: Ang kwentong ito ay orihinal na nakapost sa blog ng aking kaibigan na si Mike Juha. I have reposted this story dito sa LOL dahil gusto kong ishare ito sa mga LOL readers na hindi pa nakabasa nito. Naantig ang ako sa kwento ni Speed at sana ay magbigay ito ng inspirasyon sa lahat ng nakaranas o dumaranas ng matinding dagok sa buhay.

*************************

Last September 6, 2002, uwian na kami noon when my adviser called my attention. Nung makalapit na ako sa kanya, pinagalitan niya ako dahil sa attendance sheets na hindi ko kaagad naibigay sa kanya.If I am not mistaken, malapit na kasi ang release of cards noon. Dagdag pa ang mga accusations being charged against me. Ni hindi man lang niya ako binigyan ng explanations dahil sabi niya, kahit saang anggulo ko raw tingnan ay ako talaga ang may kasalanan. Hanggang sa lumabas ako ng campus na umiiyak ako, walang pakialam kung tinitingnan ako ng mga tao sa daan habang ang mga luha ko ay bumabagsak sa damit ko at sa lupa. Habang daan ay may isang grupo ng mga tambay na ako’y napagtripan. Hinablot nila ang bag ko at ang mga gamit ko ay bumagsak sa lupa. Umiiyak na ako noong panahong iyon at nagmamakaawa sa kanila na kung maaari ay ibalik na nila ang gamit ko. Hanggang sa dumating ang isang tao na babago sa takbo ng buhay ko. Hindi ko alam na magiging bahagi rin siya ng buhay ko. Iniligtas niya ako sa mga tambay na iyon.


“Heto na ang gamit mo. Sa susunod magiingat ka, maraming mga gago dito. Pag alam nilang tatanga tanga ka, mapapagtripan ka talaga.” Sabi niya, sabay abot ng mga gamit ko na pinulot niya mula sa lupa. 



“Salamat ha. Pero wala akong maipambabayad sa iyo eh.” Tugon ko sa kanya habang kinukuha ko ang mga gamit ko at inilalagay sa bag kong nasira.



Nagulat na lang ako ng bigla siyang nangiti, “Sandali, humihingi ba ako ng kapalit?” Tanong niya habang nakangiti at nakatingin sa akin.



Hindi kaagad ako nakasagot. “Ha? Ah… eh…..” 



“Ako nga pala si Jerome.”sabay abot ng kamay niya sa akin.



Ngunit hindi ko na nagawang magpakilala pa sa kanya. Kumaripas na lang ako ng takbo ngunit narinig ko pa siyang sumigaw, “sandali, hindi ko pa alam ang name mo!!! Hoy!!!”



Kinagabihan ng araw na iyon, hindi ako mapakali. Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko. “Sino kaya siya? Bakit kaya niya ako iniligtas sa mga iyon? Ang bastos ko naman sa kanya kanina. Hindi man lang din ako nagpakilala ng pormal. Sana makita ko pa siya para makabawi din ako at makapagpasalamat.”


Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP