Showing posts with label Parafle na Pag-ibig. Show all posts
Showing posts with label Parafle na Pag-ibig. Show all posts

Parafle na Pag-ibig 23 (Last Part)

Wednesday, June 8, 2011

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Author’s Note:

Hayyyy… tapos na naman ang isang kuwento...
Pabati muna kay Ric coronel na birthday sa Monday, 13 June. Happy bday!!!



*******************************

Nakalabas ako ng ospital pagkatapos ng isang linggo. Bagamat masakit pa ang sugat ko ngunit ang sabi ng duktor ay maari nang sa bahay na lang ako magpagaling. Gusto ko rin naman iyon kasi nakakabagot sa loob ng ospital. Palagi kong naalala ang huling tagpo namin ni Aljun doon.

Habang nasa Canada na siya, tumatawag naman at nagtitext sa akin si Aljun. Ngunit hindi ko sinasagot ang mga tawag at texts niya. Syempre, gusto ko nang tuluyang kalimutan siya. Masakit man ngunit dahil ito ang nararapat kaya tiniis ko ang lahat. At upang tuluyang hindi na niya ako matawagan pa, pinalitan ko ang number ko.

Dahil pala sa kabutihang ginawa ni Fred sa akin at sa laki ng pasasalamat ng mga magulang ko, ginawang scholar si Fred nga aking mga magulang. At pati ang pagpagamot sa kanyang inang may sakit ay sinagot na rin ng aking pamilya. Kaya laking pasasalamat ni Fred.

“O di ba... adopted daughter ka na nina mommy at daddy. Sister na rin kita.” biro ko sa kanya.

“Oo nga eh... Sabagay, kitang-kita naman na hindi magkalayo ang mga hitsura natin.” sabay tawa.

Sa pangalawang linggo, hinikayat ako ni Fred na bisitahing muli ang manghuhulang albularyo. Sumang-ayon ako dahil gusto kong makasiguradong natanggal na talaga ang sumpa.

“Wala na ang sumpa, anak... pumasa ka sa pagsubok. Naipamalas mo ang isang bagay na babasag nito.”

“T-talaga po?” ang sagot ko. May dala itong saya, kahit papaano sa aking puso.

“Oo. Ngunit mas maiging puntahan mo uli ang lugar kung saan mo nakuha ang sumpang ito. May makikita kang senyales.”

“G-ganoon po ba?” ang sagot ko na lang. Sabagay, iniisip ko ring bisitahin ang inay ni Aljun na inay na rin ang tawag ko. “S-ige po, kapag may panahon ako, dadalawin ko ang lugar. A-ano po ba ang senyales na iyon, Manong?”

“May kinalaman ito sa sumpa. Malalaman mo kung ano ang senyales na ito kapag nakita mo na”

“Ganoon po ba?”

“May nakikita pa ako sa baraha mo, anak. Numero: 18... at dalawang 8.”

“H-ha???!” ang gulat kong sagot.

“Manong ha... huwag mong sabihing may sumpa na naman ang numerong iyan. Isusumpa na kita talaga. Tama nang natamaan ako sa hita at ang friend ko ay natamaan sa dibdib. Ayaw na namin ng kung anu-ano pa. Hindi na nakakatuwa iyan.”

“May kinalaman ito sa katuparan ng iyong pinapangarap...”

“H-ho???”

“M-may isang desisyon kang gagawin sa buhay mo; isang malaking desisyon na maaring magpabago sa takbo ng iyong buhay. Di ba?”

“M-meron po.” Ang sambit ko na lang.

“May kinalaman ito dito. Pupunta ka sa isang lugar... at dito ay may isang desisyon kang gagawin.”

“M-matutupad po ba ang p-pinapangarap ko?” ang nasambit ko. Sumagi sa isip ko ang tinutukoy niyang lugar ay ang monasteryo.

Binitiwan ng albularyo ang isang matipid na ngiti. “Ayon sa iyong baraha? Oo... Ngunit kailangang ibulong mo ito sa kapag nakita mo na ang senyales.”

“Puwede bang gawan niyo po ng paraan upang huwag nang matupad ito? O baka nagkamali lang po ang kaibigan ko ng pagbigay ng baraha sa inyo? Baka para sa akin iyang mga baraha na nabasa ninyo. May pupuntahn din akong lugar mamaya; sa Jowa ko.” ang pagsingit ni Fred.

Napangiti ang manghuhula habang tiningnan niya si Fred. “Tama ang nahugot kong mga baraha ng kaibigan mo. At para sa kanya ito. Ito ay ikaliligaya niya.”

At iyon sinabi ng manghuhula na tumatak sa aking isip: matupad ang aking pangarap at ikaliligaya ko ang desisyong gagawin ko.

“Ikaliligaya mo raw ang pagpasok sa monasteryo?” ang tanong ni Fred sa akin noong pauwi na kami.

Read more...

Parafle na Pag-ibig 22

Friday, June 3, 2011

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author’s Note:

Hayyyy… Hindi pa pala matatapos dito. Grabe, hehehe. Baka sa part 23 na. hmpt!

**************************

“Gising na si papa Jun!!!” ang masiglang sigaw ni Kristoff noong nanumbalik na ang aking malay at ibinuka ko na ang aking mga mata.

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Parang nauubos ang aking lakas, masakit ang parte ng aking dibdib, at med’yo disoriented. Dahan-dahan kong inikot ang aking mga mata. At napagtanto ko na nasa ospital ako noong makita ko ang dextrose na nakabitin sa lagayan nito sa gilid ng aking kama at may oxygen tube din na nakakabit sa aking ilong.

At nanumbalik sa isip ko ang huling kaganapan bago ako nawalan ng malay... sa kasal ni Aljun.

Noong nilingon ko ang gilid ng kuwarto, nakita ko ang mag-ama. Nakaupo si Aljun, Kristoff ay nakakandong sa kanya. Halatang nahimbing si Aljun at nagising lang sa pagsisigaw ni Kristoff.

Binitiwan ko ang isang pilit na ngiti.

Agad tumalon si Kristoff at nagtatakbo palapit sa gilid ng aking kama. Natuwa naman ako sa nakitang matinding excitement at pananabik sa mukha niya.

“Ingat! Ingat! Baka masaktan si papa Jun mo!” ang sigaw ni Aljun habang dinampot niya ang isang upuan at inilapit ito sa gilid ng aking kama atsaka naupo dito.

“Kumusta ang baby Kristoff ko?” ang mahinang tanong ko.

“Ok naman po. Kayo po papa Jun?”

“Ok naman... ako.”

“Alam mo papa Jun... nag pray ako sa iyo. Kasi po, noong binaril po kayo, madami pong dugo ang nakita ko.” Ang sambit ni Kristoff na nakatayo sa gilid ng aking kama.

Touched naman ako sa narinig sa bata. Syempre, bagamat sumagi sa isip ko na sanay hindi na lang ako nagising kasi wala na rin namang silbi ang buhay ngunit sa ganoong nakita ko sa mukha ng inosenteng bata ang tuwa at sabik na sabik, may dulot din itong saya sa puso ko.

“Masakit po ba papa Jun?” ang makulit na tanong uli ng bata pahiwatig mga sugat na aking natamo sa pagbaril ni Giselle.

“M-med’yo...” ang sagot ko.

“Si papa din may sugat po eh.” Sambit ng bata.

“Kristoff... huwag makulit kay papa Aljun mo! Masakit pa iyang sugat niya...”

Tiningnan ko si Aljun. Nginitian. “M-musta...” ang mahina kong wika. “A-anong nangyari dyan sa braso mo?” ang tanong ko noong mapansin ang ang bandage sa kanyang kaliwang braso?”

“Ah... wala ito. Ok lang ito.” Ang sagot ni Aljun.

“Kasi po papa Jun binaril po siya noong babae...” ang pagsingit naman ni Kristoff.

“Kristoff... kapag nag-uusap ang mga matatanda, hindi dapat sumisingit ang bata kapag hindi tinatanong ha?” pag-pigil ni Aljun sa bata upang matigil ang pagsasalita.

Hinaplos ko na lang ang mukha ni Kristoff. At baling kay Aljun, “Binaril ka rin ni Giselle?”

“Oo... pero daplis lang. Wala ito.” Ang sagot niya. “I-ikaw ang dapat na alalahanin. Isang buong gabi kang walang malay. At salamat dahil ligtas ka na… Kumusta na ang pakiramdam mo?”

“Heto... pakiramdam ko ay lalagnatin sa kirot ng sugat.”

“At least ngayon, ligtas ka na. Nakuha na ang dalawang bala sa katawan mo.”

Binitiwan ko ang isang pilit na ngiti. “S-si Emma... nasaan?” tanong ko.

“Nasa kabilang kuwarto”

“Ha??? Bakit?” ang gulat kong tanong.

“Muntik ka nang maubusan ng dugo. Mabuti na lang at magkapareho pala ang tipo ng dugo ninyo, kaya nagvolunteer siya na sa kanya na kunin ang dugong iabuno sa iyo...” sagot niya. “Salamat sa pagsalba mo sa buhay niya. Hindi ko akalaing magagawa mong ibuhis ang sariling buhay para sa babaeng naging hadlang ng pagmamahal mo sa akin. Napakadakila ng iyong pagmamahal.” Dugtong ni Aljun.

Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata sa narinig. “Hangad kong lumigaya ka... kayo ni Emma at Kristoff... bilang isang buong pamilya.” ang nasabi ko, at tuluyang pumatak na ang aking mga luha.

“Huwag po kayong umiyak papa Jun. Malulungkot po ako...”

“O siya... hindi na ako iiyak” ang sabi ko, sabay bitiw ng pilit na ngiti.

“Mahal ka kasi namin ni papa Aljun, papa Jun.”

“Mahal din kita baby Kristoff… kayo ng papa Aljun mo.”

“Alam mo papa Jun... tunay kong lolo si lolo Gener.”

Napangiti ako sa narinig. “Lolo mo naman talagang tunay ang daddy ko e.”

“Hindi papa Jun, lolo ko talaga siya!” giit niya ang boses ay seryosong-seryoso at namimilit.

“Kaya nga lolo mo talaga siyang tunay. Baby Kristoff naman o... niloloko mo naman ako eh.” ang sagot ko pa.

“O sya, sya... doon ka muna sa tabi Kristoff ha? Kami muna ang mag-usap sa papa Jun mo...” ang pagsingit ni Aljun.

Tumalima naman si Kristoff bagamat padabog. Marahil ay may gusto siyang sabihin pa. Bumalik siya sa upuan sa gilid ng kuwarto sa may pintuan malayo sa amin, bakas sa mukh ang pag-aalburuto.

“Alam mo ba kung saan ka natamaan?” tanong ni Aljun sa akin.

“S-sa dibdib?”

“Ang isa ay sa balikat, hindi seryoso. Ngunit ang isa ay tatagos sana sa puso mo...”

“N-natamaan ang puso ko?”

“H-indi... hindi nakaabot ang bala doon. Naharang ito.”

“P-paanong naharang?” tanong kong naguluhan.

May hinugot siya sa kanyang bulsa at ipinakita iyon sa akin.

“A-ang kwintas ng ibong wagas? Ang ibinigay mo sa akin?”

“Oo... ito ang nagsalba sa buhay mo. Dito tumama ang bala na siyang tatagos sana sa puso mo. Nasalo nito ang lakas ng impact ng bala at hindi na nakaabot pa doon. Tingnan mo, may butas...” Ang sabi niya habang inilapit ang kwintas sa aking mga mata.

Hinawakan ko iyon at binusisi at pagkatapos, tinitigan ko si Aljun. “N-atanggal na ang... sumpa ng ibong wagas?”

Binitiwan niya ang pilit na ngiti. At tumango. “Ligtas ka na... Wala nang nakakabit na sumpa sa pagmamahal mo sa akin.” Kinuha niya ang kwintas at ibinalik ito sa kanyang bulsa.

Nakahinga naman ako ng maluwag. “S-salamat...” ang nasambit ko na lang. May dulot man itong tuwa sa akin, may lungkot naman akong naramdaman kasi, wala na ring bisa ang pamahiin ng wagas na pag-ibig dahil kasal na siya kay Emma.

“May isa pa akong sorpresang ibubunyag sa iyo...” wika niya.

“A-ano?”

“M-magkapatid kayo ni Emma...”

“A-ano???!!!” ang malakas kong boses. Napaigtad tuloy ako dahil nagalaw ang aking sugat.

“O... o... huwag ka kasing gumalaw”

“P-paano nangyaring magkapatid kami?”

Read more...

Parafle na Pag-ibig 21

Thursday, June 2, 2011

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author’s Note:

Hayyyy… Hindi pa pala matatapos dito. Grabe, hehehe. Baka sa part 22 na. hmpt! 

**********************************************

Habang papalapit na ang graduation ni Aljun, pinaghahandan na rin ang kasal na gaganapin kinabukasan at sa lungsod nila.

Simple lang ang pinagkasunduan nilang plano sa kasal: sa simbahan gaganapin, walang masyadong preparasyon at piling-pili lamang ang mga bisita. Ito kasi ang hangad ni Aljun dahil kinabukasan pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay tutungo ang pamilya sa Canada. Kumbaga, tatlong araw na sunod-sunod ang mga kaganapan sa buhay ni Aljun: graduation, kasal, at ang pag-alis nila ni Kristoff patungong Canada.

At malaking “Ouch!” iyon para sa akin. Ngunit naisip ko rin na makabubuti din ang pg-alis ng mag-ama. Kasi, bagamat napakasakit nito, mabilisan lang. Kung pagpipiliin ako kung sa pagsasaksakin ako at mamatay agad sa isang oras, mas pipiliin ko iyon kaysa matagal nga akong mabubuhay ngunit unti-unti naman akong pinapatay. Doon na ako sa isang beses na mabilisan lang ang sakit.

Anyway, kinuha si daddy na isa sa mga sponsors. Hindi lang dahil hiniling ko ito kundi napamahal na rin kasi si Aljun kay daddy na palaging kalaro niya sa lawn tennis at dahil na rin kay Kristoff. Sa pamamagitan nito, magkakaroon pa rin ng connection ang daddy sa bata; may ceremonial bond pa rin siya sa pamilya. Ibig sabihin, kahit papaano, lolo pa rin ni Kristoff si daddy.

At ako ang best man ni Aljun. Obvious naman siguro. Sa totoo lang, hindi ko nai-imagine ang sarili na magiging best man sa isang taong aking minahal. Kahit naman siguro sino, napakasakit. Ewan ko lang din kung kakayanin ng iba. Ngunit dahil na-kundisyon ko na ang utak kong pag-aralan at pilitin ang sariling tanggapin ang lahat ng maluwag sa kalooban, kaya kakayanin ko talaga ito at panindigan. Atsaka, kapag best man ka ng groom, ang role mo sa kanya ay isang sandalan kapag kailangan niya ng karamay sa mga problema sa buhay. Best buddy, best friend a shoulder to lean on... Bagamat sa panalangin ko na lang madadaan ang kung ano mang suporta ko sa kanya dahil kapag natuloy ako sa pagka-monghe, wala nang pagkakataong makakapag-usap pa kami...

Habang hinihintay namin ang nabanggit na dalawang malalaking kaganapan sa buhay ni Aljun, wala namang nagbago sa set up namin. Kami pa rin nina Aljun at Kristoff ang nagsasama sa sa flat habang si Emma ay sa isang hotel tumira. Naintindihan naman daw ni Emma ang kalagayan namin, lalo na ang kalagayan ko. Habang hindi pa raw sila kasal, hayaan lang daw niyang kahit papaano, magkakaroon pa rin kami ni Aljun ng private moments sa mga nalalabing araw na “single” pa si Aljun. Ok lang daw sa kanya. Hindi daw siya ganyan ka possessive. At ayaw din niyang sirain ang nakasanayan namin lalo nang sa mga araw na iyon kung saan busy na si Aljun sa mga final examinations at requirements para sa graduation. Isa iyon sa mga bagay na ikinatutuwa ko rin ay Emma. Sobrang understanding.

Habang papalapit na ang takdang araw, pakiramdam ko ay isa akong taong may taning na ang buhay. Binibilang ang bawat oras, ang bawat paglubog ng araw. At sa bawat paglubog nito, pakiramdam ko ay isa akong kandilang unti-unting nauupos, natutunaw. Ang sakit, ang lungkot...

Pati si Kristoff ay marami na ring tinatanong; tungkol sa kasal ng papa niya, kung kasama ba ako sa pagpunta nila sa Canada, kung ganoon pa rin ba kami ng papa niya na natutulog sa iisang kuwarto, kung makikita ba uli niya ang lolo niya…

Read more...

Parafle na Pag-ibig 20

Monday, May 23, 2011

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
MSOB Fanpage: http://www.facebook.com/home.php#!/pages/Michael-Shades-of-Blue-Fan-Page/175391315820611 
(Sana mag like po kayo sa fanpage natin)


******************************************


Parang perpekto na ang buhay ko. Pati ang mga estudyante sa unibersidad ay masaya na ring nakabalik na ang idolo nilang si Aljun sa posisyon bilang presidente ng student council. At hindi lang iyan, karamihan sa kanila ay aktibong sumuporta sa aming love team. Kahit mga lalaki, mga babae, karamihan ay aktibong sumuporta din. Marahil ay dahil iyon sa sobrang kabaitan ni Aljun kaya kahit nalaman nilang ako na isang lalaki din ang minahal niya, wala silang paki, at iniidolo pa rin nila siya. Totoo nga ang sinabi nilang kapag pinanindigan mo ang isang bagay lalo na kapag ito ay mahirap gawin, dito mo masusukat kung sino ang mga taong totoong nagmahal sa iyo. 

May mga bumabatikos din, syempre. Hindi naman nawawala iyon, sa ganoong klaseng relasyon ba naman na hindi normal na nakikita ng mga tao, at sa katulad pa naming parehong hindi naman bakla kung pumorma. Ngunit ang mga grupong ito ay hindi lantarang nagsasalita. Marahil ay takot na uulanin ng batikos sa mga die-hard na taga suporta ni Aljun at lalo na sa grupo ni Fred. 

Pero ayaw ko na ring pansinin sila kapag may narinig ako. Naisip ko kasi, hindi naman nila maibibigay ang kaligayahang hinahanap ko sa buhay. 

Dahil dito, naisip kong baka hindi naman talaga totoo ang sumpa. Wala nang balakid sa aming pagmamahalan ni Aljun, naintindihan kami ng mga tao, wala na si Giselle, at si Emma ay nasa Canada na. At higit sa lahat, tanggap kami ng aming mga magulang. “Sana ganito na lang... Sana wala nang hahadlang pa sa aming pagmamahalan.” Ang nasabi ko sa aking sarili.

At tinanggal na rin sa student center ng unibersidad ang mga kartolinang signature campaign ng mga estudyante laban sa dalawang propesor na siyang kumampi kay Giselle. At ang ipinalit dito ay ang malaking tila poster ng isang pelikulang, “Aljun-Gener... for life!” At may mga pirma na rin ito, karamihan ay nagpahayag ng good wishes sa amin. 

Gusto ko sanang ipatanggal ito. Nahiya ako at natakot na baka masita pa kami ng Admin ng university at pagbawalan sa aming relasyon. Ngunit ang sabi naman ni Aljun ay hayaan na lang daw ito tutal hindi naman kami ang naglagay noon.

“Bakit ikinahihiya mo ba ako?” biro ni Aljun sa akin.

“Tado! Gusto mo bang ipatawag tayo ng director ng Student affairs o ng guidance councilor o Presidente ng university?”

“Why not? Kung mangyari iyan, imbitahan natin silang mag-sponsor sa ating kasal”

“Nyeee! Paano tayo makasal?”

“E, di kasal-kasalan... sa loob ng office ng director ng student affairs, o kaya office ng university president” sabay ngiti.

“Ilusyonado!” 

Tahimik. Napaisip kasi ako sa salitang kasal. Syempre, sino ba ang hindi nangarap noon sa taong mahal nila sa buhay.

“Seriously... hindi ka nahihiya sa ating relasyon?” tanong ko din sa kanya.

“Bakit ako mahihiya? Andami ngang mga estudyante sa unibersidad na boto sa love team natin di ba? Ngayon lang nangyari ang ganyan. At pati ang mga madre, kung napapansin mo, dedma lang sila. Siguro kinikilig ang mga iyan... Baka ang iba ay sikretong nangangarap na sana ay may girl-girl” at tumawa uli.

“Tado!” sagot ko.

Tahimik.

“P-paano iyan? G-ganito na lang ba tayo? I mean, sa status na ganito...? Habang buhay na in a relationship ang nasa fb natin? Kasi hindi naman tayo pwedeng ikasal...”

Read more...

Parafle na Pag-ibig Chapter 19

Tuesday, May 17, 2011

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

*************************************************

Chapter 19

Marahil ay totoo nga ang sumpa na sinabi niya. “Ambagsik naman. Ambilis umepekto... Hindi man lang kami pinaabot sa flat ko, at heto... mukhang masira na ang aming magandang samahan.” Bulong ko sa sarili.

Tinawagan ko kaagad si Fred at isiniwalat sa kanya ang lahat.

“Ano ka ba Fwen! Huwag ka ngang magpaniwala sa sumpa-sumpa na iyan! Hindi totoo iyan! Nagkataon lang na may mangyaring ganyan talaga.”

“Hindi Fred. Iba ang naramdaman ko. Kinikilabutan ako, natatakot.”

“Asuss. Dahil iniisip mong totoo nga iyang sumpa na iyan. Relax ka lang. Maaayos din ang lahat. Hindi naman siguro balikan ni Aljun iyang babaeng iyan ano. Pagkatapos ng lahat, bigla na lang siyang susulpot! At huwag ka nang mag-alala. Huwag ka nang umiyak.”

“P-parang gusto ko nang i-give up na lang si Aljun...”

“Ano ka ba gurl! Huwag ganyan! Lalaban tayo!”

“P-pakiramdam ko kasi ay isa akong outcast. Isang sampid na nakisingit lang. Sila naman talaga ang nararapat sa isa’t-isa, di ba? Perfect couple sila Fred. Napakaganda ni Emma at... si Kristoff, nararapat siyang matikman ang pagmamahal ng isang tunay na ina. At hindi ako karapat-dapat Fred...”

“Hoy! Hoy! Hoy! Huwag ka ngang ganyan. Hintyin mo ang desisyon ni Aljun no! I’m sure, ikaw ang pipiliin noon. At isa pa... granting na maniwala tayo sa sumpa ng ibong... whatever na iyon, di lalo mong huwag bitiwan ang pag-ibig mo kay Aljun. Di ba, sabi niya, huwag kang bibitiw sa pag-ibig mo sa kanya? Di ba ayon din sa sabi mo, ang pangontra ng sumpa ay ang wagas na pag-ibig? Paano mo ipakita ang wagas na pag-ibig na iyan kung i-give up mo si Aljun? E, di bagsak ka na. At d’yan pa lang fwend, siguardong magkatotoo talaga ang hula na trahedya sa iyo kapag nagkataon kasi, pasasagasaan kita sa pison kapag ganyang ang tanga-tanga mo pala sa pag-ibig!”

Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Fred. Pero may point siya. Napaisip tuloy ako, hindi agad nakasagot. Paano ko ipakita ang wagas kong naramdaman kung igi-give up ko nga siya?”

“Woi! Nanjan ka pa ba? Biro lang iyong pasasagasaan kita ha? Huwag mong dibdibin.”

“Hindi naman iyon Fred. Iyong sinabi mong hindi ko siya dapat i-give up ang inisip ko...”

“Naman! Kaya ipaglaban mo siya ng patayan fwend. Iyan ang pag-ibig na wagas. Gets mo?”

“Pero kasi...”

“No-no-no-no-no! Walang pero-pero. Hindi iyan ang attitude! Kahit saang tambol mayor pa aabot, ipaglaban natin sila doon. Kahit pa sa impyerno pa, susuungin natin lahat iyan fwend! Huwag kang matakot. Dalhin natin ang lahat ng mga baklang bombero dito sa lupa, at ang buong federasyon ng mga bakla sa mundo. Tutulungan ka namin.”

“Ikaw talaga, puro ka biro.”

“Ay hindi ako nagbibiro Fwen! Gagawin talaga natin iyan. Makikita mo... Nakita mo naman ang ginawa namin kay Giselle at sa dalawang propesor natin. Kaya nating labanan iyan sila... All for one, one for all!”

“Salamat Fred...” ang nasambit ko na lang.

“Atsaka iyang ibong na iyan ha... gusto na niya akong sapawan sa supporting role. Magpakita nga iyan sa akin at kakainin ko talaga iyan ng hilaw. Walang hiya siya. Kahit pa extinct specie pa iyan wala akong pakialam.”

“Woi! Wag kang magsalita ng ganyan. Alaga daw iyon ng mga engkanto!”

“Pwes, walang binatbat sa aking ang mga engkantong iyan dahil ako ang diyosa nila. Hindi kaya ng powers nila ang ganda ko!”

Napatawa tuloy ako sa mga biro ni Fred.

“Hayann... dapat laging kang tumatawa fwen. Bukas mag-usap tayo fwend... Relax ka lang at ipanatag ang kalooban. Ok. Huwag sirain ang byuti... Remember, a beauty a day keeps Dra. Belo away.”

Read more...

Parafle na Pag-Ibig Chapter 18

Sunday, May 15, 2011

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com


Note: Sa mga gusto palang mag add sa mga model faces natin sa PNP na sina Aljun at Jun, heto po ang mga fb nila:

Gener (Jun): http://www.facebook.com/home.php#!/cricketz.anastacio
Aljun: http://www.facebook.com/home.php#!/alandell.ramirez

Maraming salamat po!

-Mikejuha-

****************************************

Chapter 18


Napakasaya ko. Iyon ang pinakaunang pakikipagtalik ko sa tanang buhay ko at sa taong minahal ko pa. 

Sa gabing iyon, ilang beses pang naulit ang aming pagpapaalpas ng aming mga pagnanasa.

Nakatulog kaming magkayakap, parehong walang saplot sa katawan bagamat suot-suot ko pa rin ang kuwintas ng ibong-wagas na ibinigay niya sa akin.

Balik-eskuwela. 

Sa bungd pa lang ng pintuan ng aming klase ay may balita kaagad si Fred. “Woi, fwen! May nakakita daw sa inyo patungong terminal noong Friday at ang sweet-sweet daw ninyo!” ang pabulong niyang sambit.

“Huh! Sinabi nino?”

“Iyong estudyanteng nakakita sa inyo, nagpost siya ng comment sa SALMO group natin sa fb! At kinikilig daw siya! Parang mayroong something na raw sa inyo!”

“Sino kaya ang estudyanteng iyon? Ka-tsimoso naman. K-kakahiya tuloy...” ang sagot ko.

“Huwag ka nang mahiya fwend. Kasi, madami din namang boto sa love team ninyo!” Paliwanag ni Fred. “Halika sa computer lab... basahin natin ang mga reaksyon ng mga estudyante!”

At nagtungo nga kami ni Fred sa computer lab. Sari-saring reaksyon ng mga estudyante at followers ng grupo ang nabasa ko. “Wow! Sweet!!!” “Al-Gen for life na!!!” “Bagay na bagay!” “E.. ano kung pareho silang lalaki kung nagmahalan naman?” “Go! Go! Go!” “Kakaiba to!” “Kahit sino pa ang iibigin mo idol, all-out support pa rin kami!” “Haylavetttttttt!” “Anyone idol Aljun, basta wag lang iyong tanginang Giselle!” “Kinikilig akooooooooo!!!!!” “So totoo pala ang kumalat na pic???” “Ok lang iyan idol! Wafu din kaya ni Gener! Bagay na bagay kayo!” “Idol wala iyan sa kung sino kundi sa kung ano ang nilalamann ng iyong puso...” “Good luck Idol Aljun at Jun!” “Waaahhhh! Ngayon ko lang na-figure out na ang ‘G’ na crush ni Aljun ay si ‘Gener’??? Cuteeee!!!!”

“O ano...? Di ba tanggap naman ng mga estudyante?” tanong ni Fred.

“Syempre, mga supporters kaya iyan ni Aljun.” Sagot ko. “Kaya positive ang mga reaksyon nila”

“E... kaninong reaksyon naman ang gusto mong mabasa? Ang sa kampo nina Giselle?” ang may magkahalong biro at sarkastikong sagot ni Fred.

Pabulong na tinanong ni Fred si Aljun, “Idol... kayo na ba talaga ng friend ko?”

Binitiwan ni Aljun ang isang nakakalokong ngiti sabay lingon sa akin at noong makita sa mukha ko na wala akong pagtutol na aminin niya, tumango siya kay Fred.

“Ayiiieeeeeeee!!!” ang pigil at tila naglupasay sa tuwang reaksyon ni Fred. “Homaygadddd! Homaygaaddddd! Panalo ka kapatiddddddd!!!” 

“Huwag ka ngang maingay d’yan!” ang bulyaw ko. “Napapansin ka ng mga tao o.” dugtong ko pa.

“Waahh! Hindi ko lang mapigilan ang sarili fwend. Grabe! I’m sooooo happy for both of you!” sabay kamay sa akin at kay Aljun tapos dugtong ng biro, “Pakain naman d’yan!”

Tawanan.

Tiningnan din namin ang pinost ni Giselle na pictures namin at iyon nga, may mga negative comments. Ngunit hindi naman ganooon kadami kaysa doon sa SALMO. Kaya, hindi na ako nagulat pa. Atsaka, napag-isipisip ko na noong nagdesisyon akong panindigan na lang ang lahat, inexpect ko na talaga ang mga ganito. At hinanda ko na ang sarili. Masarap kaya ang pakiramdam na pinanindigan mo ang isang mahirap na desisyon ngunit ramdam mo naman ang suporta ng taong siyang maha at ng mga kaibigan.

Read more...

Parafle na Pag-ibig Chapter 17

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com


Note: Sa mga gusto palang mag add sa mga models natin na sina Aljun at Jun, heto po ang mga fb nila:

Gener (Jun): http://www.facebook.com/home.php#!/cricketz.anastacio
Aljun: http://www.facebook.com/home.php#!/alandell.ramirez

-Mikejuha-


******************************************

“T-talaga? Ipakilala mo ako sa nanay mo?” ang malakas at nabigla kong pagbigkas, ang mga mata ko ay nanlaki dala ng sobrang excitement at magkahalong kilig at saya.

Natawa siya. Marahil ay hindi niya inaasahang matuwa ako. Inaway ko kaya iyong tao noong nakaraang araw at hindi kami nag-imikan hanggang sa pag-alis niya.

Noong mapansin ko ang reaksyon niyang parang nagulat, mistula naman akong binuhusan ng malamig na tubig at natauhan. Kaya bigla din akong bumawi, “I mean... bakit mo ako ipakilala?” kunyari, nagbago din ang aking mood na parang may halong pagkainis at hindi interesado.

“Bakit ayaw mo?”

“E... ano… gusto. Pero bakit?”

“E, gusto naman pala e. Huwag ka nang madaming tanong. Baka mamaya, magbago pa ang ihip ng hangin.” Biro niya.

“O, e di sige... mapilit ka eh.” Ang nasabi ko na lang. “Oo nga naman. Baka mamaya bawiin pa niya, mahirap na” sa isip ko lang.

“Hindi ka na galit sa akin?”

“Galit pa rin.” Sagot ko, bagamat hindi naman talaga.

Napatitig siya sa akin, mistulang hinuhukay ang kalaliman ng aking isip kung nagsabi ba ako ng totoo. “Gusto mo halikan na kita dito?” ang nasabi niya bigla. Marahil ay alam niyang hindi na talaga ako galit.

“Ummm... Ito, gusto mo?” sabay dikit sa mukha niya ang aking kamao.

“Pwede mo naman akong suntukin ngunit hahalikan kita pagkatapos. Ano, gusto mo?”

Hindi na ako nakasagot. Syempre, sa loob-loob ko, gusto ko ang halik ngunit ayaw ko naman siyang suntukin. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit kailangan ko pa siyang suntukin bago niya ako halikan samantalang pwede naman niya akong halikan agad. Ngunit sa isip ko na lang iyon. Parang gusto ko na rin tuloy hablutin ang harapang waistline ng pantalon niya at hilahin siya papasok sa flat at doon, yayapusin siya ng mahigpit atsaka ako na ang hahalik sa kanya. Miss na miss ko kasi siya kahit isang araw lang na nawala siya. Siguro dahil iyon sa galit ko sa kanya at pagkatapos ay bigla na lang ding sumulpot. Napatitig na lang ako sa kanya.

“Hindi ka na takot na baka may makakita sa atin na magkasama?”

“T-takot pa rin ah. Pero... nand’yan ka naman eh. Bahala na...”

“Hayan.... that’s my boss.” Sabay patama ng marahan ng kanyang kamao sa aking pisngi, na para bang nanggigigil. “Gusto mo halikan na kita dito sa harap ng flat mo?”

Na sinagot ko naman ng pag-irap sa kanya. Iyon bang feeling na gusto mo ngunit nakakainis dahil hindi pa gawin agad. Kakainis.

Read more...

Parafle na Pag-Ibig Chapter 16

Saturday, May 14, 2011

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

****************************************


Chapter 16



Ako si Gener (a.k.a Jun)





















Heto naman ang taong napanalunan ko sa raffle: si Boss Aljun






















At heto ang kwento namin:

Dali-dali kaming pumunta sa computer laboratory upang mag online. At nakita nga namin doon ang litrato kung saan nagyakapan at pormang naghalikan kami ni Aljun.


May kalayuan ang kuha at hindi masyadong klaro ang mga mukha namin bagamat kung kabisadong-kabisado ng taong tumingin ang tindig, porma ng katawan, buhok at iba pang pagkakakilanlan naming dalawa, masasabi niyang 90% na kami nga iyon. Ngunit sa mata ng hindi kabisado sa amin, baka nasa 50-50 lang siguro.


Parang gumuho ang aking mundo sa aking nakita.


“Tsk! Tsk! Tsk!” ang narinig ko mula kay Aljun. “Kapag ganito kadumi ang kalakaran ng kanilang laban, e di sige, laruin natin. Pakawalan na natin ang mga ebidensya nakalap mo Fred. Ipost mo na sa fb mo at sa SALMO.


“Talaga idol? Yes!!! Dapat lang upang matauhan ang demonyang babaeng iyan!” ang sabi ni Fred na gigil na gigil na talagang ipalabas ang nakalap ng mga impormasyon tungkol sa background ni Giselle.


Subalit natuwa man si Fred sa sinabi ni Aljun, hindi naman ako mapakali. Grabe ang naramdaman kong magkahalong poot, takot, at hiya... At ang sunod kong naalimpungatan ay ang pagtatakbo ko palabas sa computer laboratory, hindi alam ang patutunguhan. Hanggang sa nakarating ako sa pinakaliod ng campus kung saan nandoon ang mga malalking puno ng kahoy at makakapal na talahib. Hindi pinupuntahan ng mga tao ang lugar a iyon. Kumbaga, parang isang lugar sa eskuwelahan na mistulang itinakwil.


Naupo ako sa isang nakausling malaking bato at doon, ipinalabas ang galit at sama ng loob. Nalilito ang aking isip. Nanggalaiti sa galit kay Giselle sa ginawang pagsali niya sa akin sa kanyang paghihiganti kay Aljun bagamat wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya. At nainis din ako sa sarili ko kasi, sa bawat paghahalik sa akin ni Aljun hindi ko man lang magawang tumututol samantalang ayoko namang ma-in love sa kanya. At nainis din ako kay Aljun kasi ba naman, pakiramdam ko ay tinutukso niya ako palagi... Kaya tuloy, nakunan pa kami ng litrato. Parang hindi ko kayang harapin ang lahat...


At namalayan ko na lang na tumulo na ang mga luha ko. “Syeeeettttt!” sigaw ko sa sarili ko. “Tanginaaaa!!!”

Read more...

Parafle na Pag-ibig Chapter 11 to 15

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com



NoteSa mga gusto palang mag add sa mga model faces natin sa PNP na sina Aljun at Jun, heto po ang mga fb nila:

Gener (Jun): http://www.facebook.com/home.php#!/cricketz.anastacio
Aljun: http://www.facebook.com/home.php#!/alandell.ramirez

Maraming salamat po!

-Mikejuha-



********************************************

Chapter 11


Tinitigan niya ang aking mukha at pagkatapos, marahang iginapang doon ang kanyang hintutrong daliri na parang iginuguri-guri lamang – sa aking mata, sa ilong, at noong makarating na ito sa aking mga labi, bahagya niyang pinisil-pisil, nilaro-laro, halos ipapasok na niya ang daliri niya sa loob ng aking bibig. Mistula siyang nangigigil...


Hinayaan ko lang sya. Ninamnam ko ang kanyang pangigil sa aking bibig.


Pagkatapos, ibinaba niya ang kanyang daliri; sa aking baba, sa aking leeg. Bahagya kong iniangat ang aking ulo upang bigyang daan ang pagguguri ng kanyang daliri sa parteng iyon. Napahawak ako ng mahigpit sa kanyang braso, ang isa kong kamay ay marahan kon inihaplos ko sa kanyang likod.


Hinayaan ko pa rin siya sa kanyang ginagawa, ang mga mata kong tila naalipin ng kanyang hipnotismo ay nakatitig lang sa kanyang maamong mukha, ang mga mata ay seryosong nakatutok sa aking mukha.


Patuloy pa ring iginuri-guri niya ang kanyang daliri. Ibinalik iyon sa aking mukha na para bang sinamsam ng sensasyon sa bawat pagdampi ng kanyang daliri sa aking balat habang ang bawat emosyon na nakaukit sa aking mukha ay pilit na inuukit din sa kanyang isip.


Pakiwari ko ay nag-uusap ang aming titig, ang aming puso ay sabay na pumipintig, at ang aming mga damdamin ay parehong nasasabik, nagnanasa, nagkakaintindihan... Parang nasa suspended animation ang lahat. Huminto ang pag-inog ng mundo, huminto ang pabugso-bugsong pag-ulos ng hangin sa digding ng floating cottage at sa aming mga katawan.


Hanggang sa parang isang slow motion na unti-unting inilapit niya ang kanyang mga labi sa mga labi ko... at noong dumampi na na ito, naramdaman ko sa aking balat ang init ng kanyang pagnanasa. Nag-aalab ang kanyang halik. Mapusok... Para akong isang nilalang na naalipin sa ilalim ng kapangyarihan ng isang napakaguwapong imortal at unti-unti akong nilulunod niya sa batis ng kanyang kaligayahan.


At habang sinamsam ng mga labi at dila niya ang tamis ng paglapat ng aming bibig, ibayong sarap at kiliti naman ang aking naramdaman. Mistula akong nakoryente, babilis ang pagkabog ng aking dibdib habang patuloy na sinipsip at naglalaro ang aming mga dila.


Nabalot sa ingay ng aming mga ungol ang paligid, ang sentro ng aking isip ay siya at ang lahat ng mga bumabagabag doon ay biglang nawala.


Habang patuloy ang paglapat ng aming mga labi, niyayakap ko siya ng mahigpit habang marahan din niyang hinahaplos ang aking buhok, ang aking mukha.


Maya-maya, hinubad na ni Aljun ang kanyang t-shirt at pagkatapos, hinugot naman niya ang aking t-shirt upang matanggal ito sa aking katawan. At noong pareho na kamang walang pang-itaas na saplot, muli niya akong niyakap at siniil ng halik.


Para akong lumulutang sa ikapitong alapaap. Napakasarap ng aking pakiramdam habang dama ko sa aking balat ang init ng kanyang katawan at sa aking bibig ay dama ang kiliti ng pagsisipsip at paglunok nya sa aking laway na sinuklian ko rin ng pagsisipsip sa kanyang dila at paglunok din ng kanyang laway.


Iyon na yata ang pinakamasarap na laway na natikman ko sa tanang buhay ko... ang laway ni Aljun.

Read more...

Parafle Na Pag-ibig - Chapters 6-10

Tuesday, May 10, 2011

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
********************************************

Chapter 6

Nabigla ako sa narinig. Ang anyo ko ay nakayuko lang dahil sa hiya habang kinukuskos ang buhok sa pagbagsak ng tubig sa aking ulo. Tiningnan ko ang kanyang mukha, maingat na hindi magkamaling idaan ang tingin sa kanyang harapan at baka maisip niyang may pagnanasa ako. “B-bakit?”

“Wala lang... master kita dib a? B-baka lang gusto mong hilurin ko ang likod mo...” ang paliwanag niya.

“Huwag na... nakakahiya” ang sagot ko sabay balik uli sa pagyuko, kinuskos ang buhok ko, ang mukha, ang leeg, dibdib, tyan, harapan...

Nasa ganoon akong pagkukuskos ng katawan noong biglang naramdaman kong dumampi ang kamay niya sa aking likuran at marahang hinagod iyon.

Biglang napahinto ako sa ginagawa. Hinayaan siya at pinakiramdaman ang sunod niyang gawin.

Patuloy pa rin niyang hinagod ang aking likod. Ninamnam ang marahang paghagod at pagdampi ng kanyang kamay sa aking balat.

Maya-maya, itinuloy ko na naman ang aking pagkukuskos sa aking harapang parte ng katawan, nagkunyaring hindi ako apektado sa kanyang ginagawa. Dedma.

Hanggang sa naramdaman ko na may sabon na pala ang kanyang kamay at sinimulang haplusin niya ang aking leeg.

Kinapa ko ang valve ng shower upang humina ang pagbagsak ng tubig at hindi mataggal agad ang sabon. Bahagya kong inangat ang aking mukha upang bigyang daan ang kanyang kamay sa pagpapahid ng sabon sa aking leeg.

Habang ginagawa niya ang pagsabon sa aking leeg, naramdaman ko naman ang kanyang pagkalalaking dumadampi-dampi sa aking likuran.

Bumaba ang kanyang kamay sa aking dibdib at marahang hinahagod-hagod pa rin doon ang kamay niyang may sabon, paikot sa magkabilang umbok, paminsan-minsang nasasagi ng kanyang daliri ang aking utong.

Ang sarap ng pakiramdam. Nag-iinit ang aking katawan. Para akong isang batang naligo sa batis na unti-unting natatangay sa agos ng kamunduhan...

Noong bumaba uli ang kanyang kamay sa aking tiyan.... tigas na tigas na ang aking pagkalalaki. Tinakpan ko ito ng aking kamay sabay salat uli sa valve ng shower upang palakasin na ang bagsak ng tubig.

At dahil sa magkahalong hiya at takot na makita niya ang tirik na tirik kong pagkalalaki, nagmadali akong lumabas ng shower. “Tapos na ako... late na tayo!” ang sambit ko pagkalabas mismo ng shower.

Read more...

Parafle na Pag-ibig (1-5)

Friday, May 6, 2011

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com


Chapter 1


aka Boss Aljun

“Jun! Jun!” ang sigaw ng best friend kong si Fred habang nagtatakbo itong lumapit sa akin, bakat sa mukha ang ibayong saya. Nasa library ako noon, nagbabasa ng libro. Dahil sa di napigilang pagsigaw niya sa pangalan ko, lahat ng tao sa loob ng library ay napalingon.

Si Fred ay ang ang kauna-unahan kong kaibigan sa school na iyon. Transferee lang kasi ako at nasa first year ng kursong Liberal Arts. Confirmed gay si Fred ngunit acting straight naman bagamat paminsan-minsan ay lumalabas din ang tunay na kulay. 

“Hinaan mo nga ang boses mo! Ano ka ba? Nakakahiya sa mga taong nag-aaral!” ang pigil na boses kong sagot sa kanya.

“Nakabili ako ng raffle ticket! Heto o, tig-iisa tayo!” sagot niyang pinigilan na rin ang pagsigaw.

“E, ano ngayon? Ano ba ang mayroon sa mga tickets na iyan at para kang natatae na hindi makahanap-hanap ng kubeta?” ang sagot kong pigil din ang boses.

“Doon na nga tayo sa botanical mag-usap para hindi tayo nakakaistorbo rito!” Mungkahi niya.

“Sige nga, sabihin mo sa akin kung ano ang mayroon sa ticket na iyan kung bakit para kang inaatake ng kalandian sa inasta mo?” ang tanong ko kaagad noong makaupo na kami sa damuhan sa lilim ng malaking mahogany ng botanical garden.

“May narinig ka ba tungkol sa taonang pinakaaabangan at kinababaliwang paraffle dito sa campus?” tanong niya sa akin.

“Hindi. Bakit? Ano ba ang nakakabaliw sa paraffle na iyan?” ang sagot kong may kaalituhan sa ibinigay niyang trivia.

“Hindi mo alam talaga? As in virginly innocent ka kung ano ito? As in wala talagang nakapagsabi man lang sa iyo kung anong klaseng paraffle mayroon ang campus na ito taon-taon?”

“Wala nga at hindi ko alam, ano ka ba? First year college pa lang ako, ngayon pa lang nakatungtong sa college na ito, ikaw pa lang ang kaibigan ko dito at wala namang tsismoso na lumapit sa akin, ikaw p lang! Ano yan?”

“Ay oo nga pala. Wala ka pala talagang kamuwang-muwang. O sige, ito, sasabihin ko na at huwag kang mabigla ineng ha? Itong paraffle na ito ay paraffle ng mga… lalaki!” napahinto siya at pinagmasdan ang aking reaksyon.

Syempre, lumaki ang mga mata ko sa gulat, hindi malaman kung matawa o mainis sa iniisip na niloko lang ako ng kaibigan. 

“O ano? Nagulat ka…” sabi niya sabay tawa. “

“Ibig mong sabihin totoo talagang lalaki ang papremyo sa paraffle na iyan?” tanong ko uli.

Tumango siya, bakat sa mukha ang pigil na pagtawa, ang mga mata ay nakatutok sa akin. 

Syempre naman, hindi ko lubos maisip na mayroon palang ganyang klaseng pa-raffle. Sa biro lang naman nangyari ang ganyan kasi, gaya ng “umulan ng mga lalaki”, “bumaha ng mga tite”, at ngayon pala, “parafle ng mga lalaki!” Parang weird. “Sandali, paano nangyari iyan? At sino ang may pakana niyan?” tanong ko uli.

“Sabi ko na nga bang magka-interes ka eh.” Ang biro ni Fred.

“Hindi ako interesado ah! Nawiweirdohan lang ako!” ang bigla ko ding pagtutol.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP