Catch Me, Irwin 7
Friday, July 1, 2011
"Nauuhaw ka rin ba?"
Hindi mapigurahan ni RJ ang ekspresyon sa mukha ni Irwin. Mas maliwanag kasi sa likuran nito dulot ng ilaw sa loob ng ref kaya dark shaded ang mukha nito at katawan.
Oo ,nauuhaw ako Irwin pero hindi basta pagkauhaw lang sa tubig kundi higit pa, iyon ang sigaw ng isip niya taliwas sa lumabas sa bibig niya,"Oo. Iinom sana ako ng tubig kaya ako bumaba."
Sa katahimikan ng paligid, dinig niya ang pagbuhos ng tubig sa baso galing sa pitsel na hawak ni Irwin. Nagsimulang maging uneasy ang pakiramdam ni RJ nang humakbang ang lalaki palapit sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung paano magre-react until makalapit si Irwin sa kaniya at finally nakita na nito ang nakangiting ekspresyon ng mukha.
"Para sa 'yo," inilahad nito sa kanya ang basong hawak sa kaliwang kamay na may laman ng tubig.
"Salamat," tugon ni RJ na mismong pag-abot sa baso ay di sinasadyang mahawakan niya ang mga daliri ni Irwin. Muntik na niyang bitawan ang pagkakahawak nang maramdamang may kung anong kuryente ang dumaloy sa kaniyang daliri sa parteng dumikit kay Irwin. Kuryenteng nagdudulot lalo ng kakatwang init.
Naubos na niya ang tubig sa baso ay hindi pa rin siya makaimik. He's actually ruinning out of words to say!
"Salamat," again iyon lang ang sinabi niya. Inulit lang niya.
Naging maingat na siya nang iabot kay Irwin ang baso, mahirap ng madikitan na naman ang daliri niya ng mga daliri nito. Baka sa kung saan pa humantong iyon kung sakali lalo na't napaka-conducive sa pagtatalik ng atmosphere.
Halos sundan ng mga mata niya ang ginawang pagbuhos ng tubig ni Irwin sa baso habang hawak ang pitsel sa kanang kamay. Kahit madilim seksing-seksi ang tingin niya kay Irwin sa pag-flex ng muscles nito sa braso nang iangat ang baso para inumin ang tubig. Pati na ang paggalaw ng adams apple nito habang nilulunok ang tubig. Parang ang sarap halikan ang parteng iyon pababa sa maskuladong dibdib at pababa pa lalo sa...
Oh My! Heto na naman siya, kung ano-ano na naman ang naiisip niya. Bakit parang lagi na lang napupunta sa sex?
Mariin niyang ipinikit ang mga mata para burahin ang mga naiisip. Nag-concentrate siya sa malakas na kabog ng kaniyang dibdib, sinabayan niya ito ng malalim na paghinga hanggang sa bumalik ito sa normal na ritmo.
"Naririnig mo ba iyon RJ?"
Napamulat siya ng mga mata. Anong tinatanong ni RJ? Ganoon ba kalakas ang pagkabog ng dibdib niya para madinig din ng lalaki? Nagiging transparent na rin ba siya sa sariling pakiramdam na mabilis na ring nahuhulaan nito?
"Iyon," sabi ulit ni Irwin.
"Alin?" Sana iba ang tinutukoy ni Irwin.
"Parang batang umiiyak."
Saka lamang parang natauhan si RJ. Dahil sa kung anu-anong kahalayan ang naiisip niya, for a while completely detached na siya sa mga bagay sa paligid niya. Pinakirmadman niya ang sinasabi ni Irwin. Natawa siya ng maalala ang pusang nangiyaw sa taas ng hallway kanina.
"Pusa lang iyon," sabi ni RJ.
"Sure ka? Parang hindi." Inilapag ni Irwin ang pitsel at baso sa may mesa. Isinara ang pinto ng ref saka nagsimulang humakbang para tuntunin ang pinagmumulan ng pag-iyak.
Nang dumaan sa gilid niya si Irwin, wala sa sariling napahinga si RJ ng malalim. Gusto niyang singhutin ang amoy ni Irwin. May kakaibang scent ang lalaki, sure siyang hindi iyon pabango pero ang sarap sa ilong. Soothing ang dating, parang amoy ng sariwang dagat. The scent of cool sea breeze.
Nang mapansin ni Irwin na nanatili siyang nakapako sa kinatatayuan ay bumaling ito sa kaniya, hinagilap ang isa niyang kamay saka hinawakan ng mahigpit.
Wala ng nagawa si RJ nang hilahin siya ni Irwin palabas ng kusina. Sa isang banda medyo madilim rin naman ang paligid na bahagyang nailawan ng isang pinlight sa may malapit sa dngding. Isa pa gusto rin naman niya at sa edad niyang twenty-five ay aminado siyang kinikilig siya sa simpleng gesture na iyon ni Irwin.
Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa pag-iyak na tinutukoy ni Irwin. Medyo nakabawi na lang siya pag-akyat nila ng ikalawang palapag at tinungo ang dulo ng hallway kung saan niya nakitang tumalon ang pusang nangiyaw.
"HINDI TALAGA," sabi ni Irwin. Sa pagsasanay na ibinigay sa kaniya ng Tagapayo sa Merlandia, kasama sa mga ipinarinig sa kaniya ang iba't-ibang tunog na maririnig niya sa lupa. Kasama na riyan ang tunog ng pagngiyaw ng pusa at ang pag-iyak ng isang sanggol o bata. "Parang sa isang sanggol nagmumula ang pag-iyak."
Tumingin siya kay RJ na hawak pa rin niya ang isang kamay nito. Buti na lang at hindi ito nagpakita ng pagtanggi kaninang hawakan niya. Kahit man lang sa ganitong kaliit na bagay ay maramdaman niya si RJ ay sapat na sa kaniya. Huwag na niyang isipin ang pagkislot ng kaniyang harapan na nagdulot ng pag-iinit ng kamay niyang nakahawak sa kamay nito.
Nakita naman niyang nag-focus saglit si RJ sa sinasabi niya. "Parang oo na parang hindi," sabi nito.
Ilang paghakbang pa, nasa tapat na sila ng pinakahuling pintuan sa hallway. Sa pakinig ni Irwin, lalong lumakas ang pag-iyak ng sanggol. Tumingin siya kay RJ. At an instant parang mawawala siya sa sasabihin, nang mapunta ang tingin niya sa mga labi nitong parang ang sarap kuyumusin ng halik. "Sigurado ako, iyak ito ng bata," kumpiyansang sabi niya kay RJ.
"Kaya?" nagdadalawang isip na ring tanong ni RJ.
"Oo, at dito siya sa loob ng silid na ito galing."
"Gusto mong buksan?"
"Pwede ba?"
Nagkibit-balikat lang si RJ na parang sinabi sa kaniyang 'Ewan, bahala ka kung gusto mo.' Hinawakan ni Irwin ang door knob. Ready na siyang pihitin ito pabukas nang biglang nawala ang pag-iyak ng bata at pinalitan ng isang tinig sa may likuran nila ni RJ.
"Anong meron dito?"
Parang sa isang batang paslit na nahuli ang pakiramdam ni Irwin. Ramdam niya ang pagkapahiya nang sabay silang bumaling ni RJ at makita ang nakapameywang na anak ng caretaker ng resort na si DM.
"May narinig kasi kaming umiiyak na sanggol," tugon niya sa lalaki.
Sinegundahan naman siya ni RJ. "At dito sa silid na ito galing." Hinawakan nito ang dor knob para pihitin pero nakalock.
"Sanggol? At umiiyak pa?" napapantastikuhang sabi ni DM sa kanila. "Walang sanggol o bata dito sa resort Sir RJ. Iyang silid namang iyan ay matagal ng hindi ginagamit simula ng mamatay ang iyong ama."
Hindi kumbinsido si Irwin sa sinabi ni DM. Iyak ng sanggol ang narinig niya. Pero ano ba ang papel niya dito para sabihan ang lalaki na nagkakamali ito? Kung tutuusin, sampid lang siya dito. Kaya nanahimik na lang siya kahit malakas ang kutob niyang nagsisinungaling ang anak ng katiwala ng resort na ito.
"Sir RJ, ilang oras na lang po, mag-uumaga na. Sa tingin ko kailangan na nating lahat na magpahinga."
Hindi na umimik si Irwin lalo na nang makita niyang tumango na si RJ bilang pag-sang-ayon sa sinabi ni DM Mirante.
DAIG PA NG MAPUPUTULAN ng hininga ang pakiramdam ni Dolor habang pasan ang sanggol na si Jayson na finally tumigil na rin sa pag-iyak habang nakasandal siya sa likuran ng pintuan, dinig na dinig ang usapan sa labas.
Blessing in disguise ang pagdating ni DM na dinig niya ang boses kundi, tuluyan ng nabuksan ni Sir RJ at kasama nito ang pintuan na hindi pa naman niya nai-lock kanina at ini-lock na lang nang marinig na magsalita si DM.
Sa totoo lang, kaya lang naman siya kinabahan dahil hindi pa rin niya napapagpasyahan kung sasabihin kay RJ ang tungkol sa pamangkin nitong si Jayson. Kaya kung nagkataong makita man sila, sasabihin na niya ang totoo kahit mangangahulugan man iyon ng paglabag sa utos ni Edrick.
Pero wala na naman na si Edrick. Baka nga mas maganda pang malaman ni RJ ang tungkol sa sanggol. Baka nga ito pa ang maging factor para ikonsider ni RJ ang pumirme sa resort. Mahirap na din kasi mula nang mawala ang mag-ama at si Luis na lang ang totally namahala sa resort.
Ayaw namang pag-isipan ni Dolor ng hindi maganda ang mag-amang Luis at DM pero iba ang pakiramdam niya.
Bago sila umalis sa may pintuan ni Baby Jayson, napagpasyahan ni Dolor na kung hindi bukas, kailangan sa lalong madaling panahon ay makapag-decide na siya tungkol kay baby Jayson at RJ.
MAGBUBUKANG-LIWAYWAY NA nang magising si Irwin. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya kung paano maging tao at matulog sa tirahan ng mga tao.
Mas gusto niya sa malambot na kama , kumpara sa batuhan at mga naglalakihang kabibe matulog. Marahil dahil iyon naman talaga ang gusto niya, ang maging isang mortal at manirahan bilang isang tao at mamuhay bilang tao na may nagmamahal at minamahal ng tunay.
Naisip niya si RJ. Hindi niya mapigilang mapangiti. Tulog pa kaya ang binata? Lumapit siya sa pintuang nag-uugnay sa silid niya at silid nito. Nasa silid ni RJ ang susian ng pinto kaya nagtiyaga na lang siya sa paglapat ng kanang tainga sa pinto para makiramdam. Wala man lang kaluskos siyang marinig. Mukhang tulog pa rin talaga si RJ.
At ganun din si Onyik, walang kagalaw-galaw sa pagkakalubog sa tubig-dagat sa babasaging pitsel.
Natatawang nilapitan niya ito saka biglang inalog ang pitsel. Para namang biktima ng lindol ang isda na biglang naglalangoy sa iba't-ibang direksiyon na lagi lang napapabangga sa pitsel.
"Naman...." bulalas nito nang mapansing gawa-gawa nya ang biglang paggalaw ng tubig. "Kainis ka naman Irwin, ginulat mo ako. Akala ko tuloy nagsimula na ang pagbabago sa dagat, buti na lang mali ako at nandito lang ako sa pitsel."
"At mukhang paniwala ka na nagyon sa sinasabi ng Tagapayo. At dinagdagan mo pa," sinabayan ni Irwin ng malutong na pagtawa.
"Aba naman...malay mo at hindi lang pagbabago ng temperatura ng tubig-dagat ang mangyari, malay mo dahil sa kawalan ng balanse ay magdulot din iyon ng kakaibang paggalaw ng tubiggaya ng ginawa mo sa tubig ko dito sa pitsel."
Napaisip bigla si Irwin. Sino nga ba naman ang makakapagsabi? Posible nga ring mangyari ang sinasabi ni Onyik.
Muling hinawakan ni Irwin ang pitsel at akmang i-shake ulit nang pigilan siya ni Onyik.
"Hep,hep,hep,hep...subukan mong alugin iyan at magre-resign na akong sidekick mo."
Lalong tumawa si Irwin. "Sinong tinakot mo? Mas maganda pa nga kung mag-isa lang ako sa misyong ito. Mas malaya akong makakagalaw."
"Hmpt!" sabi ni Onyik biglang talikod na nagdadabog saka ikinampay ang mga palikpik nang hindi nagbabago ang posisyon sa tubig.
Nainis na niya si Onyik at napatawa na siya nito kaya tumigil na si Irwin sa pang-aasar. "Lalabas ako, sasama ka?"
Nanatili lang na nakatalikod si Onyik, parang walang narinig sa sinabi niya.
"Sige, kung ayaw mo aalis na ako." Wala pa ring response si Onyik. "Ang ganda pa naman ng dagat sa ganitong oras."
Sa pagkarinig sa salitang dagat, sa isang kisap-mata nakaharap na ulit si Onyik sa kaniya. "Dagat?" namimilog sa excitement ang mga mata nito. "Sige sama ako."
Lumabas siya ng silid hawak sa kanang kamay ang pitsel na kinalalagyan ni Onyik at nagtungo sa may tabing dagat. Mas maganda nga palang tingnan ang dagat bilang isang tao at hindi isang sireno. Ang ganda kasi ng papasikat pa lang na araw na kita ang dilaw na silahis sa maaliwalas na papawirin.
"Wow! Ang ganda talaga!" bulalas ni Onyik.
"Oo Onyik. Ganito ko gustong makita ang papasikat na araw, iyong wala kang pinangingilagan na baka makita ka at mahuli ng mga mangingisda."
"Pawalan mo muna ako, parang namiss ko lang ang dagat at lumangoy ng walang iniilagang pitsel"
"Sige," sang-ayon naman ni Irwin. Ibinaba sa may buhangin ang pitsel saka itinumba sa paghampas ng alon. Tuwang-tuwa naman si Onyik nang finally nakalangoy na naman siya sa malawak na dagat.
"Dito lang ako Irwin, hindi ako lalayo promise."
"Pwede ka namang lumayo, tapos bumalik ka na lang."
"Pwede rin tapos makikibalita na rin ako kung ano na ang nangyayari sa Merlandia ngayon."
Sa isang iglap, wala na si Onyik. Hindi niya din napansin ang unti-unting pagkakaroon ng kaliskis ng mga paa niya at patuloy sa pag-transform nito sa pagiging buntot.
Mabilis na hinubad ni Irwin ang suot na tshirt galing kay RJ, umupo sa may buhanginan na malayo sa naabot ng alon at pinunasan ang tubog dagat sa kaniyang mga paa. Nang matuyo, nagsimulang maglaho ang mga kaliskis at nagbalik sa normal ang kaniyang mga paa.
Buti na lang walang ibang tao, kung hindi siguradong malalaman ang kaniyang pagiging sireno.
"Irwiiiiiiiinnnn...!"
Napabalikwas siya ng tayo para hanapin ang pinagmumulan ng tinig. Pagtingala niya, nakita niya ang paparating na tagak papunta sa kinatatayuan niya. Umiwas siya para hindi matamaan sa tuluyang pagsayad nito sa buhangin.
"Ayeng ikaw ba 'yan?" Kahapon pa niya inaabangan na magpakita ang dalawang tagak sa kaniya. May mga gusto kasi siyang itanong at linawin sa dalawa.
Parang hinang-hina naman ang tagak na nagpumilit tumayo.
Nakilala na ni Irwin ang tagak. "Ayeng, nasaan si Ulon?"
"Irwin, kailangan ko ang tulong mo..." sabay bagsak na naman sa buhangin.
Nilapitan ni Irwin si Ayeng. Nakita niyang may sugat nito sa kanang pakpak. "Bakit may sugat ka? Anong nangyari? Nasaan si Ulon?"
"Irwin, tulungan mo si Ulon!"
Itutuloy