iam.emildelosreyes@yahoo.com
------------------------------------------------------
ito na po ang last part ng SEE LAU: Ang Ikalawang Aklat
sana po ay maibigan ninyo kung anuman ang nakayanan kong isulat para sa inyo.
malapit na din pong magsimula ang SEE LAU: Ang Ikatlong Aklat
at ang ikalawang handog ng DAGLAT Series ang
TEE LA OK: Ang Unang Umaga
SALAMAT po sa mga sumubaybay at sa lahat ng nakipagsapalaran
kasama nina Martin, Fierro at Cris.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ikalimang Bahagi: /ee-ka-lee-ma-ang/ - /ba-ha-gee/
Isa – Dalawa – Tatlo – Apat
“Martin Mahal, mag-resign ka na ngayon sa AGC.” malambing na pakiusap ni Fierro kay Martin.
“Bakit mahal? Nakakahiya naman kay Cris.” tanggi ni Martin.
“Please mahal!” pamimilit ni Fierro. “Basta, trust me!” sabi pa ni Fierro saka tinitigan ng sinsero niyang mata ang naguguluhang mata ni Martin.
“Hay! Paano ko ba tatanggihan ang gusto ng mahal ko.” napabuntong-hiningang sabi ni Martin. “Sige po, mag-resign na ako bukas.” paninigurado ni Martin.
“Salamat mahal!” nakangiting pasasalamat ni Fierro.
“Nga pala, official candidate na ako sa Ginoong Lakambini.” pagbabalita ni Martin.
“Talaga?” umaliwalas ang mukhang sabi ni Fierro.
“Opo, si nanay na kasi ang kausap kaya wala na akong tanggi.” sabi pa ni Martin.
“Magaling!” pumapalakpak ang tengang tugon ni Fierro. “Promise! You’ll win and ako ang bahala!” paninigurado pa nito.
“Pakapalan na lang ng mukha to!” sabi pa ni Martin. “Eto, month activities ng G.L.” sabi ni Martin saka abot kay Fierro ng isang papel.
“Saturday, may pictorial kayo and kailangan ninyo ng male outfits. Casual, formal at barong-tagalog.” simula ni Fierro. “Ako na ang bahala dito, ipagpapagawa kita ng katulad ng ginamit ko sa Lakan ng Lahi.”
“Hala! Baka sabihin nila hiram lang.” tanggi ni Martin.
“Hindi iyon, siyempre iibahin natin ng konti iyong kulay pero dapat pareho tayo. Para sweet.” sabi ni Fierro saka tumawa ng nakakauto.
“Ikaw talaga!” sabi ni Martin saka yakap kay Fierro.
“Sunday, aatend kayo ng mass at pictorial ulit para sa promotion.” sabi ulit ni Fierro. “Kailangan na ninyo dito ng female outfits. Dalawang casual, dalawang smart-casual at isang dress.”
“Makakakita ka na ng taong gorilla.” sabi ni Martin saka tumawa ng malakas.
“Loko mo!” sabi ni Fierro. “Iisipin ko pa nga kung gorilla o tao eh. Siguro binabaeng gorilla.” ganting panloloko ni Fierro.
“Sira ka!” sabi ni Martin saka sampa sa likod ni Fierro.
Naging mabilis naman si Fierro kaya madali niyang naibuwal si MArtin papunta sa hita niya at duon niyakap at kiniliti.
“Honestly, mas maganda ka kay Danielle pag naging babae ka.” bulong ni Fierro kay Martin.
“Utuin mo lelang mo!” sagot ni Martin saka napasalampak sa sahig.
“Di wag kang maniwal!” sabi ni Fierro. “Inuuto lang naman kita eh.” habol pa ng binata.
“Loko!” sabi ni Martin saka muling niyakap ang kasintahan.
“Ako na ang bahala sa’yo dito. Pasasamahan kita sa secretary ko at siya na ang bahala sa’yo.” sabi pa ni Fierro saka pisil sa pisngi ni Martin.
“Thank you!” pasasalamat ni Martin saka hinalikan si Fierro.
Kinabukasan –
“Sorry Sir Cris pero simula po ngayon hindi na ako papasok.” sabi ni Martin. “Effective one month poi tong resignation ko, pero gagamitin ko na din po iyong leave of absence ko ngayon.” sabi pa ulit ni Martin.
“But why?” na-alarmang tanong ni Cris saka tayo sa upuan nito.
“Sorry Sir! Personal po kasi.” paliwanag ni Martin.
“Please! Kung dahil kay Kuya Fierro to, forget about this resignation.” pakiusap ni Cris saka hinaplos ang pisngi ni Martin.
“Sir, hindi po ito tungkol kay Kuya Perry.” sabi ni Martin.
“Then?” tanong pa ulit ni Cris.
“Sorry talaga Sir Cris pero…” hindi pa man natatapos ni Martin ang sasabihin ay bigla siyang hinalikan ni Cris.
“Sorry Martin!” biglang paumanhin ni Cris kay Martin. “Is that enough reason for you to stay?” tanong ni Cris.
“No Sir!” tugon ni Martin. “The other way Sir! It’s enough reason for me to leave your company.” sabi ni Martin saka tumalikod at lumabas sa opisina ni Cris.
“Stupid Cris!” sisi ni Cris sa sarili pagkalabas ni Martin saka umupo sa upuan. “I really missed you Martin!” bulong pa ng binata sa sarili.
Sa bahay pagkauwi ni Martin ay ikunuwento niya lahat kay Fierro ang nangyari.
“Gagong Cris yan!” nanggigigil na wika ni Fierro. “Samahan mo ako at papatayin ko iyong lokong iyon.” sabi pa nito.
“Kaya ayokong sabihin sa;yo! Nagiging marahas ka eh.” sabi pa ni Martin. “Pabayaan mo na lang, mas maganda na at nakapag-resign na ako ng mas maaga.” sabi pa ni Martin.
“Martin!” sabi ni Fierro saka hinalikan si Martin.
“Ayan, nahugasan na ng labi ko ang halik ni Cris!” simpatikong biro ni Fierro kay Martin. “Huwag mo nang isipin iyong papansin na lokong iyon.” nakangiti pa nitong sabi.
Pinaghandaan talaga ni Fierro ang gagawing pagsabak ni MArtin sa Ginoong Lakan kaya naman ipinawax niya lahat ng body hair ng binata, ibinili ng wig at iba pang accessories na pambabae at saka kung anu-ano pang magagamit ng kasintahan. Linggo, sa pictorial ng Ginoong Lakambini –
“Sir Fierro, naayusan ko na po si Sir Martin.” sabi ng sekretarya ni Fierro na siyang in-charge kay Martin.
“Pwede ko nab a siyang makita?” tanong ni Fierro.
“Kuya Perry!” malambing na wika ng isang tinig mula sa likuran.
Natulala si Fierro sa nakita niyang anyo ni Martin. Pinagsuot ito ng puting off-shoulder na fitted dress na above knee, may raffles sa lining, accented nang bulaklak sa gawing waist. Pinagsuot din ng si Martin ng three inches na heels na halatang hindi pa sanay dahil napapatid-patid pa ang binata. Wavy ang mahabang buhok nito at saka may specialized na dangling na hikaw na de-clip. Bakat na kitang may korte ang katawan nito na talagang bumobote ng softdrink.
“Sino ka?” natutulalang tanong ni Fierro sa taong kaharap.
“Si Sir Martin po iyan!” sabi ng sekretarya ni fierro.
“Mammmmartin.” utal na sabi ni Fierro na hindi makapaniwala sa nakikita. “I do expect na maganda ka, pero I never thought this gorgeous and beautiful.” sabi pa ng binata.
Naging sentro ng atensiyon si Martin ng mga oras na iyon. Oo, maraming naging magaganda sa mga lalaking kalahok, pero kakaiba ang naging dating ni Martin. Konting pino lang sa kilos nito at practice sa lakad at pagdadala ng damit ay pwede nang isabak sa beauty contest na pambabae. Lahat ng mata, mapalalake, babae, bakla o tomboy ay nakuha niya ang atensiyon.
“Shit Martin! Dapat talaga hindi ka na sumali!” bulong ni Martin sa sarili na kitang namumutla at nahihiya.
“Tara na!” sabi ni Fierro na tila ipinagmamalaki si Martin saka inabot ang kamay nito. “Good work Suzane!” bati pa niya sa secretary niya.
Napako ang titig ni Fierro kay Martin na hindi makapaniwala sa pagbabaogng anyo ng kasintahan.
“Kung naging babae lang talaga yan malamang niligawan ko nay an.” sabi ng isang lalaking malapit kay Fierro.
“Sorry kayo! Pero pagmamay-aro ko iyang pinagnanasaan ninyo.” bulong ni Fierro sa sarili na naging dahilan para mapangiti iton ng todo.
Sa bahay, pagkatapos ng activity ng G.L. –
“Ganda mo talaga kanina!” bati ni Fierro kay Martin.
“Utuin daw ba ako.” sagot ni Martin.
“Naku nanay! Kung nakita ninyo si MArtin kanina, hindi ninyo aakalaing lalaki.” sabi pa ni Fierro sa nanay ni Martin.
“Hay, kaya ko nga pinayagang isali yan duon kasi madami na ding nagsasabing ganuon nga daw ang itsura ni Martin.” pagkampi ng nanay ni Martin kay Fierro.
“Nanay naman!” pa-cute na sabi ni Martin.
Mabilis na lumakad ang araw at sa wakas, kinabukasan ay ang pinakahihintay ng lahat, ang coronation ng Ginoong Lakambini.
“Kaya ko kaya to bukas?” tanong ni Martin kay Fierro.
“Kaya mo yan! Kita mo daming na-impress sa’yo.” pagpapalakas nang loob ni Fierro.
“Kinakabahan kasi ako, actual na bukas. Malay mo mga poker face lang iyong kalaban natin, tapos bukas sila magboboom.” wika pa ni Martin.
“Hindi iyan! Basta naniniwala ako magagawa mo yan! Remember, title holder ang asawa mo, kaya lamang ka na sa kanila!” pagyayabang pa ni Fierro.
“Title holder sa kayabangan.” Pang-aalaska ni Martin. “Kaya nga lalo akong napepressure eh.”
“Sige, di ba ang bukang-bibig nila, malakas ang laban ni Martin, pasok na pasok iyong 24, angat iyong last candidate.” paliwanag ni Fierro sa kasintahan. “Tapos tingnan mo pasok ka pa sa top five sa talent at magpeperform ka pa bukas. Di ba additional exposure yun?” sabi pa ulit ni Fierro saka kumanta ng “Cause baby you're a firework, come on, show 'em what you're worth, make 'em go, oh, as you shoot across the sky.”
“Tahimik ka nga!” sabi ni Martin na nahihiya sa sarili. “Una’t huli ko nang mag-Kathy Perry!” sabi pa ni Martin.
“Bagay na bagay nga sa’yo kanina eh.” papuri pa ni Fierro. “Kita mo, ikaw lang ang hindi nag-damit babae sa talent kanina tapos ikaw pa iyong pinakamataas na score sa talent.”
“Kinakabahan ako bukas, kasi dib a kailangan lalaki kaming top five sa talent bukas. Kailangan ko na namang mang-surprise.” sabi pa ni Martin.
“Kaya mo yan! Basta isipin mo mahal na mahal kita!” sambit pa ni Fierro.
“Anung konek ng mahal mo ako sa laban ko bukas?” nag-iisip na sabi ni Martin.
“Kasi dahil mahal kita alam mong anuman ang mangyari, nandirito lang ako para sa’yo.” simpatikong ngiti ni Fierro.
“Hay! Salamat Kuya Perry!” pasasalamat ni Martin. “Nandun din naman si Danielle kung sakaling kailanganin ko nang assistance.” lahad pa ni Martin.
Natahimik ang pagitan ng dalawa –
“Speaking of Danielle, bakit kaya ilag sa iyo ngayon iyong babae na iyon?” tanong ni Martin kay Fierro.
Biglang natigiilan si Fierro sa tanong na iyon ni Martin. “ewan ko?” tanging nasabi ni Fierro.
Kinabukasan, sa gabi nga ng coronation ng Ginoong Lakambini ay buong suporta ang ipinakita ng nanay ni Martin sa anak, nandun din ang ampon nilang si Gelo, Fierro, Zach, Jayson, Jules, Mark, mga kaibigan ni Martin at sa di kalayuan ay si Cris. Si Suzane na secretary ni Fierro ang siyang kasama ni Martin sa back stage para maging personal na assistant at manager nito sa loob.
Ilang sandali pa at lumabas na ang mga kalahok suot ang kanilang barong-tagalog. Lutang na lutang ang kagwapuhan ng lahat ng kalahok at dito nagpakilala sila isa-isa. Naging madagundong ang buong stadium nang lumabas na si Martin. Hindi man siya ang pinaka-gwapo ay dala niya ang image na nabuo sa loob ng isang buwan. Pagkatapos nito ay lumabas naman ang mga kalahok suot ang kanilang national costume at sa bihis babae na. Ang ingay ay lalong naging malakas sa oras na ito at tilian ay lalong nagpayanig nang lumabas na ang huling kalahok.
Kahit na nga ba ilang beses na nakita ni Fierro si Martin na naka-bihis babae ay hindi pa din niya maikailang na-starstruck siya lagi higit na ngayong pinalutang talaga ni Suzane si Martin. Maging ang ibang supporters ni Martin ay hindi makapaniwala sa transformation na naganap sa kaibigan nila. Matapos ang national costume ay pinarampa naman ang mga kalahok suot ang kanilang sports wear at sinundan ng casual wear. Pagkatapos ng casual wear ay tinawag isa-isa ang top five sa talent para muling magpakita ng husay. Kumanta si Martin ng isang Mariah Carey song na nagpahupa sa ingay ng buong paligid.
“Treated me kind
Sweet destiny
Carried me through desperation
To the one that was waiting for me
It took so long
Still I believed
Somehow the one that I needed
Would find me eventually
I had a vision of love
And it was all that you've given to me
Prayed through the nights
Felt so alone
Suffered from alienation
Carried the weight on my own
Had to be strong
So I believed
And now I know I've succeded
In finding the place I conceived
I had a vision of love
And it was all that you've given to me
I had a vision of love
And it was all that you've given me
I've realized a dream
And I visualized
The love that came to be
Feel so alive
I'm so thankful that I've received
The answer that heaven
Has sent down to me
You treated me kind
Sweet destiny
And I'll be eternally grateful
Holding you so close to me
Prayed through the nights
So faithfully
Knowing the one that I needed
Would find me eventually
I had a vision of love
And it was all that you've given to me
I had a vision of love
And it was all that you
Turned out to be”
Kasama ni Martin ang koro ng bayan nila sa ginawang pagkanta at animo’y isang production number sa finals ng American Idol o kaya ng X-Factor ang ginawa ni Martin. Isang mini-concert ang tema ng talent ni Martin.
Pagkatapos ng talent ay tinanghal nga si Martin na Best in Talent at saka muling pinarampa ang mga kalahok suot ang kanilang evening gowns. Pagkarampa ay pumili na ng top five para maglaban sa korona at nakasama duon si Martin. Isang question and answer portion na lang ang at malalaman na kung sino ang mananalo.
“What is the biggest mistake you did in your life?” tanong ng host kay Martin.
“Like what Ms. Venus Raj said, I don’t have major major mistake in my life.” simula ni Martin na naging sanhi ng tawanan ng mga tao.
“Seriously, the greatest mistake I can do is to shut my mouth up even if the world is asking for the truth. Stay on the safe side, comfortable and seated while many are dying of hunger and thirsts. The greatest mistake I can do is to act as if I can not be the change this world is asking and needed; to close my eyes just to escape the reality, the cover my ears to prevent the yearnings pass through my hearing and to kill myself and my dignity as a man of many colors.” seryosong sagot ni Martin. “Thank you!” pahabol pa nito na nagsasabing tapos na siyang magsalita. At yumanig na muli sa palakpakan ang buong stadium.
“Whoa! What a powerful answer!” tanging nasabi ng host na tila may hang-over pa sa sagot ni Martin.
“Now you have your top five, I am sure that everyone here had their bets and just a while we will know our first Ginoong Lakambini.” sabi pa ng isang host.
Samantala –
“Fierro may sasabihin ako sa’yo.” harang ni Danielle kay Fierro na papasok sana sa loob pagkatapos ng question and answer.
“Bakit Danielle?” may pagka-ilang na tugon ni Fierro.
“Dun tayo sa walang tao.” suhestiyon ng dalaga saka lumakad papunta sa isang kwarto sa backstage na animo’y tambakan ng props.
“What is it Danielle?” tanong ni Fierro na kinakabahan sa kaseryosohan ni Danielle.
“Buntis ako at ikaw ang ama.” sabi ni Danielle.
Napipi si Fierro sa narinig. Pakiramdam niya ay sinampal siya ng balitang iyon. Hindi niya kung papaano haharapin ang sinabing iyon ng dalaga. Ayaw niyang maniwala at ayaw niyang isipin na maniniwala siya.
“Narinig mo ba ako?’ nanginginig sa sabi ng dalaga. “Buntis ako! May nabuo sa ginawa natin nung nakaraan, nung nag-iisa ka at kailangan mo ng kausap.” At tumulo na ang mga luha sa mata ng dalaga. “Paano na ‘ti Fierro?” tanong pa ng dalaga saka hinampas ang dibdib nito.
“It’s a joke?” sa wakas ay nakapagsalita na si Fierro.
“Sana nga joke lang to pero totoo!” madiing wika ni Danielle.
Napailing na lang si Fierro sa balitang ito at muling nagsiksik sa utak niya si Martin at ang kinabukasan niya kasama ang minamahal na binata. Unti-unti na ding tumulo ang luha sa kanyang mga mata, dala ng kalungkutan at kasawiang hindi pa nagaganap subalit posibleng maganap.
Ilang minuto din sila sa ganuong posisyon nang may mangalampag at sumisigaw –
“Nasaan na si Martin?” tanong ng stage manager ng G.L.
“Si Martin daw!” sigaw ng isa.
“Hanapin nyo si Martin, 30 seconds na lang at papasok na ulit sila.” sabi pa nito.
Naalarma at nag-alala agad si Fierro sa pagkawala ni Martin kaya naman kinalas niya ang yakap ni Danielle at dali-daling lumabas para hanapin ang katipan.
“Miss Suzane, nasaan na ang alaga mo?” tanong ng stage director kay Suzane.
“Sabi niya C.R. lang daw siya tapos pagkabalik niya gumawa siya ng sulat tapos pinapabigay kay Sir Fierro tapos iyon alam ko pumila na siya d’yan.” kwento ni Suzane.
Muling tiningnan ni Fierro ang silid na pinag-usapan nila ni Danielle at nakita niyang katabi ito ng C.R. Puno ng kaba niyang kinuha ang sulat kay Suzane at tulad ng inaasahan at ayaw niyang mangyari –
“Tulad ng sinabi ko dati, ayokong manira ng pamilya at ayokong may isang bata ang lalaki na hindi magkasama ang nanay at tatay. Martin” pagkabasa ni Fierro sa sulat ay mabilis siyang tumakbong palabas ng backstage at tulirong hinanap si Martin.
Si Martin –
Dali-daling nagpalit ng damit at mabilis na tumakbo palayo sa lugar. Pagod man siya ay mas pagod at nanghihina ang puso niya sa kung anumang lihim na nalaman. Gustuhin man niyang ngumiti ay hindi niya magawa dahil wasak na wasak na ang buo niyang pagkatao at durog na ang kanyang puso. Wala sa loob na tumutulo ang luha sa kanyang mga mata at blanko ang isip na palakad-lakad. Nadaan siya sa isang eskinitang may malaking pader at dito ay may namataan din siyang sako ng uling. Kumuha ng uling at nagsimulang sumulat sa pader – “Tama ako sa simula pa lang! Walang kinabukasan para sa lalaki at lalaki, dahil si Eba ang ginawa para kay Adan at hindi ang isa pang Adan!” nakasaad sa sulat ni Martin sa pader. Lalong naging emosyonal si Martin, tumakbo na tila wala ng bukas at nagpakalango sa lason ng gabi.
“Mali ka Martin! Nagkamali ka lang nang Adan na pinili at magkamali lang din ang Adan na napili mo.” sabi ng isang tinig na kanina pa nakasubaybay kay Martin pagkabasa sa sinulat ni Martin sa pader.
Umupo si Martin sa harap ng Barasoain Church at duon inilabas ang lahat ng hinagpis at lungkot. Iniyak niya ang lahat lahat at pinilit inisip kung papaano sisismulang muli ang lumigaya.
“Wala nang Kuya Perry! Wala ng tatawag na mahal! Wala ng mangungulit sa gabi, wala nang yayakap sa akin at magsasabi ng I love you, wala ng papawi sa pagod ko, wala nang magpapalakas sa loob ko, wala na ang planadong hinaharap at higit sa lahat, wala nang Percival na mamahalin ko ng ganito.” himutok ni Martin habang inaalala at sinasariwa ang nakaraan sa pagitan nila ni Fierro.
Sa kompetisyon –
Labis na nag-alala ang nanay ni Martin sa hindi nito paglabas kasama ang top five. Agad itong pumunta sa backstage para tingnan ang anak. Nawalaan ng mala yang matanda nang malaman niyang wala duon si Martin.
Dahil sa pagkawala ni Martin ay hindi ang binata ang tinanghal na Ginoong Lakambini.
Read more...