Journey

Friday, November 19, 2010

Read more...

Chapter 10 : Ang Kuya Kung Crush ng Bayan

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com



Sa pagkarinig ko sa sinabi niyang may ibibigay siya sa akin, agad akong tumagilid paharap sa kanya, “Talaga Kuya? A-ano...?” ang excited kong tanong. 

Tumayo siya sa kama at tinumbok ang nakalatag na pantalon sa sahig, pinulot ito at may dinukot sa bulsa. Noong makuha na ang bagay na iyon, itiniklop niya ang kamay sa paghawak nito habang pabalik sa higaan. Umupo siya sa gilid ng kama, iniabot sa akin ang nakatakip pa ring kamay. Noong tiningnan ko ito, inilantad niya sa akin ang laman noon sabay sabing… “Surprise!” 

At bumulaga sa mga mata ko ang kanyang sorpresa.

“Wahhhhh! Singsing!” sambit ko sabay balikwas at upo sa kama. 

“Thumb ring.” Sabi niya sabay hablot sa kanan kong kamay it isiknikbit sa thumb ko iyon. “Eksaktong-eksakto, tol…” sabi niya noong tuluyang maipasok ito. “Ingatan mo iyan, mahal iyan, hehe.” Pahabol niya.

Halos mapaiyak naman ako sa tuwa. Hindi kasi ako makapaniwala na isang barakong katulad ni kuya Rom ay may soft spot para sa akin. Marahil ay mumurahin lang din ang singsing na iyon ngunit para sa akin, ang pagbibigay niya sa akin niyon ang pinaka-importante. Syempre, alam ko, mahirap lang ang pamilya ni Kuya Rom. Ni sa pag-aaral nga, kung hindi lang siya varsity scholar, hindi na iyan makakatungtong ng college. 

Read more...

Chapter 9 : Ang Kuya Kung Crush ng Bayan

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com



Isinara ko kaagad ang pinto noong makapasok na at agad kong hinarap si Kuya Rom na nakaupo lang sa sofa habang nakikinig sa paborito naming tugtog. Nakahubad siya ng pang-itaas na damit at hawak-hawak pa ng isang kamay ang isang bote ng beer. 

“Ba’t ka nandito?” ang mataray kong bulyaw habang nakatayo sa harap niya at nakapamaywang pa.

“Ba’t ka ginabi? At sinong kasama mo?” sagot naman niya kaagad, hindi sinagot ang tanong ko, ang magagandang pares ng mga mata na tila malalaglag na sa pagkalasing ay nakatutok sa akin.

“Abaaaa, isang tanong lang ang sa akin nakadalawa na siya!” sigaw ng utak ko. “Wala kang paki kung gagabihin ako no? At ang kasama ko naman ay isang matinong tao na di kagaya mo! Ba’t ka nandito?” pag ulit ko sa tanong.

Hindi pa rin niya sinagot ang tanong ko. “Wow… matinong tao, huh!” ang sarcastic niyang tugon. “Bakit sino ba ang ipinagmamalaki mong m-a-t-i-n-o na taong yan?” pag-empahsize niya sa katagang “matino”

“Si Kuya Paul Jake” pagmamayabang ko. “Siya lang naman ang nakakaintindi sa akin eh.” Dugtong ko pa sabay pang-ismid.

“Paul Jake pala ha…?” at tumango-tango siya. Alam ko ang ibig ipahiwatig ng pagtango-tango niyang iyon. Malaswa.

Read more...

Chapter 8 : Ang Kuya Kung Crush ng Bayan

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com



Sa buong magdamag na iyon, natulog kaming magkatabi ni Kuya Rom. At sa pagkakatong iyon, malaya naming nagawa ang mga bagay na sana ay hindi dapat mangyari sa pagitan ng dalawang normal lalaki.

Masaya ako sa gabing iyon. Sobra. Sa buong buhay ko, noon lang ako nakaranas ng sobrang saya. Marahil ay dahil kay Kuya Rom ko rin unang naranasan ang sinasabi nilang “sex”. Alam ko, mali ito dahil lalaki ako at lalaki rin si Kuya Rom. Ngunit wala akong pakialam. Bagamat sa pinakasulok ng aking utak ay may mga katanungan tungkol sa kung ano ba ang tunay kong pagkatao, nag-uumapaw naman ang sobrang kasayahan ko sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko ay isa akong babae na sa wakas ay natagpuan na ang kanyang “knight in shining armor”.

Syempre, may naramdaman din akong pagkalito sa setup namin. Iyon bang, may nangyari sa amin, may naramdaman akong naiiba para sa kanya at inaassume na ganoon din siya sa akin, pero wala naman siyang sinasabi kung mahal ba talaga niya ako, or what. Nagtatanong ang isip kung totohanan ba iyong ginawa namin o isang laro lang na bagamat nakakapagod, masarap naman, masaya, ngunit pagkatapos ay pwede nang kalimutan ang lahat.

Akala ko ay tuloy-tuloy na ang kaligayahang iyon.

Noong magbalik-eskwela na, syempre, balik na naman kami sa dating gawi. Aral, praktis, bangkaan ng grupo. Pero sa nangyari sa amin ni Kuya Rom, pakiramdam ko, nasa ibang level na nga ang pagiging close namin. Kahit walang sinasabi iyong tao na kami na, ina-assume ko na lang talaga na may karapatan na ako sa kanya sa kabila nang ayaw kong aminin na ganoon na nga.

Read more...

Chapter 7 and 8 : Tol... I Love You!

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Blogspot: http://www.michaelsshadesofblue.blogspot.com


“LITOOOOOOOO!” Walang humpay ang pagsisigaw ng mama ni Lito noong makitang habang nakatihaya ito sa kama na walang malay, ang kaliwang pulso nito ay laslas at maraming dugo ang nagkalat. Tumagos ang iba sa bedsheet, sa sahig, at patuloy pang umaagos at pumapatak ang mga ito sa sahig.

Taranta ang lahat at nagkagulo pati na ang mga katulong. Hindi malaman kung ano ang gagawin.

Kahit gumapag din sa akin ang matinding pagkataranta sa nakitang nagkalat na dugo, pinilit kong pakalmahin ang sarili at mag-concentrate sa tamang gagawin. Agad kong inagapan ang sugat niya, hinablot ang bedsheet, puwersahan itong pinunit at inaplayan ng tourniquet ang parte ng braso kung nasaan ang nilaslas niyang pulso.

“Ihanda po ninyo ang sasakyan!” sigaw ko sa papa ni Lito na dali-dali namang bumaba at hinagilap ang driver.

Nagkandaugaga naman akong buhatin si Lito palabas ng bahay kung saan naghintay na ang van nila. Noong makitang nahirapan ako sa pagbuhat, tinulungan ako ng papa ni Lito hanggang sa maipasok namin ito sa passenger’s seat. Sumama na rin ako sa hospital. Ako ang katabi ni Lito sa upuan, nakasandal siya sa akin, hawak-hawak ko ang kamay na may sugat at inangat upang ang dugo ay hindi lalabas sa sugat. Sa kabilang side naman ni Lito ay nakaupo ang mama at papa niya.

Na-admit naman siya kaagad. Ang problema, kailangang masalinan siya kaaagad ng dugo at walang mahagilap na kaparehong type ng dugo niya. Mahirap daw kasing hanapin ang type na iyon. Kahit ang type ng dugo ng mama at papa niya ay hindi tugma. Nag-volunteer akong magpacheck at ako man ay namangha dahil sa magkapareho ang type ng dugo namin. Kaya agad-agad akong pinahanda upang kunan ng dugo upang isalin kay Lito.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP