The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 3

Wednesday, September 14, 2011

Author's Note: First of all, thank you thank you thank you po sa lahat ng mga patuloy na sumusubaybay sa kwento ng buhay ni Av Lopez. I greatly appreciate your comments and feed backs.. BATIAN PORTION! lol..i would like to thank the following : russ , Rue , Erwin Fernandez , dada , Arl , Roan , Jayfinpa , Darkboy13 , Mars , Jack , jm , wastedpup , kushu , Ace , mhei , jojie (and ur friend hehe) , MArc , royvan24 , mc , warren , patrick , Icy , Jasper Paulito , R3b3L^+ion , Mark Gonzales , Jay! , superman , kenji , -SLUSHE_LOVE- , -jj- , -RL , John143 , Jaceph Elric , mcfrancis , eman_cruz. At sa lahat ng anonymous and silent readers ng MSOB and LOL. :)
Siyempre I would like to thank my kuyas : kuya Jeffrey, kuya idol (coffee prince) , kuya kenji and kuya Vince ko. :)
And lastly, I would like to thank the 2 persons who made all of this possible, kuya mike and kuya jayson :).
Ayy oo nga pala..IKAW! oo ikaw! heheh.. i love you,.bear that in your mind :) bxta kung ano mang mangyari, always remember that i love you. :) mwah!
Tama na nga drama! hahaha eto na po ang episode 3! nai-update ko kaagad kasi nainspire ako sa mga comments. plus natapos ko ng maaga yung mga homeworks ko. enjoy!

Btw: this part is dedicated to kuya kenji heheh :D belated happy birthday po kuya!

Episode 3 - Sam Wilson

Para akong matutunuaw sa mga titig nilang lahat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko..Parang hindi ako makahinga..

OMG..hindi ko pa talaga kaya ata to eh..


Kayanin mo! batukan kita jan eh! Arte mo!


Gaga! sige nga palit tayo ng pwesto!


Nilapitan ako ni mommy. "Anak..sila ang tunay mong pamilya.." sabi niya. Bakas sa boses niya ang lungkot ngunit tpilit niya itong itinatago.

"Paano naman po kayu nakakasiguro na sila nga po ang totoo kong pamilya?" tanong ko kay mommy. Siyempre kahit alam ko sa loob ko na sila na nga talaga ang tunay kong pamilya, hindi ko pa rin fully tanggap.

"We are your real family.." sabi nung "tunay na tatay" ko. (ata)

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. He's a foreigner. Kano. He's tall, blonde ang buhok, matangos ang ilong. Tapos yung mga mata niya, kulay blue, katulad nung sakin at dun sa kamukha ko, na kakambal ko. (ata)
Naka-simple casual attire lanag siya. Maputi siya. Gwapo siya actually, kaya siguro nagbunga din ng mga gwapong anak.

At isang magandang anak.


Ha? ano? sino maganda?


Edi ikaw! mukhang ikaw ang only girl sa mga anak niya!


Gaga!


"Sila ang tunay mong pamilya anak ko..at kung gusto mo ng pruweba, ayan.." tinuro niya yung lalaking kamukha ko. "Siya ang kakambal mo, di ba siya yung nakita mo kahapon?."

Nagkatitigan lang kami ng kakambal ko. I still feel uncomfortable with everything. Siyempre hindi ako sanay na may kakambal ako, kamukhang kamukha ko, na nakaharap sa akin. Basta! parang ang weird kasi parang nakaharap sa salamin..tininingnan ko lang siya na bakas sa aking mga mata na uncomfortable pa rin ako. Pero iba yung sa kanya. Hindi ko nakita yung saya sa mga mata niya ng makita niya ako. Kasi yung dalawa kong kapatid, nakangiti sa akin.. pero siya, parang wala nga akong mahagilap na emosyon sa mga mata niya..

"We're here para bawiin ka Sam." sabi ng tunay kong nanay.

"NO!" sigaw ko bigla. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Kasi babawiin na nila ako..ibig sabihin, mawawalay na ko kina mommy and daddy.. Biglang tumulo ang luha ko.

"Anak.." sabi ni mommy. nanggigilid na rin ang mga luha niya. Kinakalma niya ako na parang sinasabing maghinay-hinay muna ako sa mga salita ko..dahil sila nga ang tunay kong mga magulang at hindi ko dapat gawin yun.

Bigla akong nagwalk-out at tumakbo sa may beach.. Tumigil ako at biglang bumigay ang mga paa ko't napauopo ako sa buhangin.. Patuloy pa ring dumadaloy ang luha ko. Nakatingin lang ako sa malayo.. Hinahayaang pumatak ang mga luha ko, kasabay ng paghampas ng alon.

NO! This can't be happening! Ayoko! ayoko!!!


Pero Av..sila ang tunay mong pamilya.


I don't care kung sino ang tunay kong pamilya at hindi! I can't go with them! I don't want to go with them! I'm staying here with my mom and my dad. Sila ang pamilya ko!


Av..You have to face the fact na sila ang totoo mong pamilya. Alam kong masakit pero kailangan mong tanggapin..


Alam mo na masakit?! Bakit?! naranasan mo na ba to ha?! Hindi mo alam kung gaano to kahirap! Hindi mo alam kung gaano kasakit! Hindi mo alam!!!!


You're right..maybe I really don't know how it feels. Pero hindi mo ba naisip yung punto ko? Hindi mo ba gustong makilala yung totoo mong mga magulang? Totoo mong pamilya? Don't you feel uncomplete?


I'm contented with what I have right now. I'm not asking for more. Kumpleto na ang buhay ko ng kasama ko ang mommy and daddy ko!


Pero hindi ang pagkatao mo!


Tama siya..Hindi nga buo ang pagkatao ko..dahil kalahati lang or 1/4 pa yata ng buong pagkatao ko, ay si Av Lopez..yung natitira, si Sam na..Parang sasabog yung utak ko sa lahat ng mga bagay na bumabagabag dito.. Sinasabi ng boses sa utak ko, ako si Sam. Sabi ko naman, ako si Av.. ang gulo!!! 


Nasa ganoon akong pag-eemote sa beach, ng biglang lumapit sa akin si kuya Caloy.

"Tol." sabi niya. Hinawakan niya ang balikat ko. Tumingin ako sa kanya. Nakita kong malungkot din ang mukha niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sige,.ilabas mo lang iyan..nandito lang si kuya Caloy mo.." sabi niya habang nakayakap sa akin. Tuluyan naman akong umiyak at humagulgol sa kanya..

"Sorry ha..Ako kasi ang nagsabi sa kanila kung nasaan ka..Nagpunta kasi sila sa bahay kanina..Hinahanap ka..Naawa ako dun sa babae, kasi umiiyak siya at nagmamakaawang sabihin kung nasaan ka. gustung-gusto ka raw kasi niyang makita..mayakap..makasama..kaya wala na akong nagawa kungdi ang sabihin na lang kung nasaan ka..." tumigil ng bahagya si Kuya Caloy.. "Kung alam ko lang...kung alam ko lang na masasaktan ka ng ganito...edi sana hindi ko na sinabi sa kanila kung nasaan ka..patawarin mo ako Av..I'm sorry." sabi niya..umiiyak na rin siya..

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya.. "Wala kang kasalanan kuya.." nginitian ko siya. "Tinulungan mo lang sila...ginawa mo lang kung ano ang tama.."

"Pero nasaktan ka Av." sabi niya,.

"Oo, nasaktan ako.." tumigil ako sandali, naisip ko ulit yung sinabi ng boses sa utak ko..at narealize ko na tama siya.. ".masakit malaman ang totoo..pero kailangan ko tanggapin..kahit mahirap,..kahit masakit..kailangan ko tong tanggapin...dahil yung ang dapat gawin..." sabi ko.

"Tama ka Av..Yun ang dapat mong gawin..karapatan mong malaman ang totoo...karapatan mo ring makasama ang tunay na pamilya mo..at karapatan din nilang makasama ka, pagkatapos ng ilang taong nawalay ka sa kanila..Kaya sana..bigyan mo sila ng pagkakataon para maging parte ulit ng buhay mo..bigyan mo sila ng chance para maging pamilya mo..bigyan mo sila ng chance para mahalin ka nila.." sabi ni kuya Caloy. natahimik lang ako.."kaya buksan mo yang puso mo..buksan mo yan para sa kanila..."

Tama si kuya Caloy..kailangan ko nga sila bigyan ng pagkakataon..para makilala ko sila, at makilala rin nila ako.

O ano? naniniwala ka na?


Oo na..tama ka na...mali na ako!


Mali ka nga. pero hindi naman kita masisisi...natural lang din naman ang naging reaksyon mo..nahihirapan ka, nasasaktan..nadala ka ng mga emosyon mo..pero wag mong kakalimutang buksan ang isip mo..kailangan mong tanggapin ang totoo.kahit masakit..kahit mahirap..


Oo na po! Sinabi ko nga rin yan diba? Paulit-ulit? Parrot lang teh?


Gaga! Dagukan kita diyan eh! Ikaw na nga lang dinadamayan diyan! Che! Diyan ka na nga!


Nasa ganoon akong pakikipag-usap sa boses ng utak ko ng biglang lumapit yung mga kapatid ko.

Wow! How can you be so sure na kapatid mo silang lahat??


Manahimik ka na nga lang diyan? wag ka na makielam okay?


"Ah sige Av, maiwan ko muna kayo,." sabi ni kuya Caloy..nagpaalam siya sa amin.

Tumayo ako at nagpagpag ng mga buhangin sa katawan.. Nakatingin lang ako sa kanila at nakatingin lang naman silang tatlo sa akin..Nakangiti sa akin yung Ken..tpos yung kakambal ko naman,..ewan ko..hindi ko maintindihan..iba yung aura niya..

Wow! Psychic ka na rin ngayon? grabe te ha! may aura aura ka pang nalalaman!


Shhh! Shut up!


Lumapit sa akin si Ken.."Sa- I mean Av.. I'm Ken..Kristoff Ezekiel Nicholas Wilson.." iniabot niya sa akin yung kamay niya.

Hindi ko alam kung bakit pero, parang gusto ko siyang yakapin..Ewan!

Naku! ang sabihin mo, gusto mo lang chansingan yang kuya mo!


Gaga! kapatid ko yan! Abnormal ka talaga!


Naku naku!


Inabot ko ang kamay ko't nakipagkamay sa kanya..

So wait..Wilson?? So I'm Sam Wilson??


Tumpak!

Sumunod namang lumapit yung isa pa..

"I'm Max. Marc Anthony Xyrus..your other kuya." at nginitian niya ako. "kuya Ken's older than me by the way." nakipagkamay din ako sa kanya.

Gwapo rin si kuya Max. Matangkad din..moreno..HOT.

Ang landi mo! may HOT HOT ka pang nalalaman!


Che! Anyway. Matangos ang ilong, mapupula ang mga labi, brown ang mga mata niya katulad ng kay kuya Ken..makapal ang kilay..brown ang buhok..sa mga features nia, makikita mo kaagad at malalamang half pinoy siya. Ay oo nga pala, nakalimutan ko yung pinakacute na bagay sa kanya,.. yung dimples niya..ang cute kasi tingnan..mas lalo siyang gumagwapo.

Hala! Nainlove sa sariling kuya? Ganyan ka na ba ka-obsessed sa lalaki at pati kadugo mo tataluhin mo?


Bugak! Dinedescribe ko lang yung tao! 

Huling lumapit si kakambal ko.."Hi,." sabi niya.

"Hi.." sabi ko naman at nginitian siya.

"I-I'm..I'm Sai..Stephen Ace Isaac..I'm your twin brother Sam.." Pero hindi niya ako kinamayan, sa halip, nginitian niya lang ako..

Ganun? Taray naman ng kambal mo! Pero infairness, gwapo silang lahat!

We went inside the house..Nilapitan ako nung tunay kong nanay at tatay..

"Sam anak.." nilapitan ako ng tunay kong ina..Iba yung naramdaman ko..Parang ang gaan nga ng loob ko sa kanya..

Hello? Siyempre! Nanay mo yan eh!


Whatever!


Niyakap ko rin siya..humarap siya sa akin.."Ako nga pala ang mama Amy mo.." Sumunod naman akong niyakap ng tunay na ama ko. "My son..I miss you so much.." naiyak naman ako..hindi ko alam kung bakit pero, parang nararamdaman ko yung pagmamahal ng tatay ko sa akin.."By the way, I'm your papa Jim."

After ng mga yakapan, nakita ko ang mommy at daddy ko na umiiyak. Pero nakangiti sila parehas sa akin..

"Kung hindi ka pa handa..naiintindihan namin..tutal alam naman naming nasa mabuti kang kalagayan, mapapanatag na rin ang loob namin.." sabi ni mama Amy..

"Iyon din po sana ang hihilingin ko sa inyo..mama.." sabi ko.

Bigla siyang nangiti at niyakap akong muli ng marinig ang salitang "mama"..."Anak ko.."

"Don't worry Mr. and Mrs. Wilson, hangga't nasa poder namin si Av..Sam..ay aalagaan namin siyang mabuti at hinding hindi papabayaan." sabi ni daddy.

"We're not worried at all. We know he's in good hands..and we would like thank you for taking good care of him and loving him like your own..Maraming salamat.." sabi ni papa Jim. Natawa naman kami sa pagkakasabi niya ng "maraming salamat" kasi slang yung pagkakasabi niya. Yung tipong hindi pa talaga siya marunong magtagalog pero mukhang nakakaintindi naman siya.


"No problem..I know you would do the same if our son was in his situation." sagot naman ni daddy.

Niyakap na nila ako isa-isa, pwera kay Sai, kay kambal ko...Siguro naninibago pa rin sa lahat..gaya ko..kambal nga talaga kami, pati nararamdaman parehas..Paalis na ang mga Wilson ng biglang may sinabi si kuya Ken..

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ma, Pa..can I........"




------------------------
Until the next episode,
Sam.

Read more...

The Letters 10

WRITER:Dhenxo Lopez

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay pawang conincidental lamang.






September 17, 2009


Hi there mister lappy,


How long have I been able to talk to you? Days? Weeks? Months? Sorry kung di na kita napapansin lately. Masyadong sabog ang schedule ko plus the fact of what had happened with my relationship my long-time girlfriend. Haist!

So am I! I’m back! Hurray! Ge, magpakasaya ka lang dyan. I’m so tired of arguing with you, with her, with . . . myself.

Ha! Ha! Ha! What a very nice intro eh mister lappy. Emote kaagad ang pasalubong ko sa’yo. Can’t help it lalo pa at lately lang yun nangyari. Here we go again! This is how I deal with it. Ang alalahanin ang mga nagdaan para mas madaling maka-move on.

Anyway, it is really weird. I had a break up and yet I can feel inside me that something is happy with it. Could it be you stupid? Of course! Of course it is me kasi finally mabibigyan na nang katuparan ang story niyo ni Chris! I should’ve known. *sigh

When I woke up this morning, there’s this awkwardness in the room, maybe because of ‘that’ lost. Usual routines, after waking up titimpla nang coffee with creamer, maliligo, magbibihis then papasok.

While bathing, naisip ko ang sinabi nang baklang ako. Could she – Yeeeeeeeeeessssssss! – be right? Is it about time na bigyan ko ng chance si Chris? Pero what if rebound ang kalabasan? He would be hurt. Di ko ata kaya yun. Pinagpatuloy ko ang paliligo na si Chris pa rin ang laman ng isip ko.

Ilang saglit pa ang binuno ko sa loob ng banyo at tuluyan na akong lumabas with that angry look on my face. Naalala ko kasing bigla yung pang-iiwan niya sa amin kagabi.

“Hello” siya.

“Chris nasaan ka?” sagot ko.

“Nasa bahay bakit?”

“Bakit di ka sumabay samin papalabas ng building? Ha?”

“Ang tagal nyo eh. Inaantok na ako.”

“Baka naman may katagpo ka?” hindi ko alam pero affected ako sa nasabi ko but I have to stand on my ground. Naiinis kasi ako.

“Ha? Sino naman katagpo ko ha?”

“Aba! Ewan ko sayo!”

“Ano problema George? Nahihilo ako kagabi at ang tagal nyo pang bumaba. Kaya nauna na ako. Sorry kung di man lang ako nakapagpaalam.”

Natameme ako after knowing na may problema pala siya kagabi without even me noticing it.

“Ganoon ba?” biglang nagbago ang tono ko. “Kamusta na pakiramdam mo?”

“Okay na ako. Antok lang siguro yun.” sagot niya.

“Good.”

“Yep.”

“Ingat ka. See you later sa work.”

“Bye.”

“Bye.”

Then I disconnected the line.

* * *

Habang nasa byahe papuntang office, nag-aapuhap pa rin ako nang sasabihin sa kanya. Oo mali ako dahil nag-isip agad ako na may katagpo siya kagabi kaya niya kami iniwan. Teka nga. Geez George! You’re jealous that he might be dating someone else. Hindi matanggap ng ego mo na may nakauna sa’yo! “Shut up!” Napahinto bigla si manong driver dahil sa sinabi ko with that who-the-hell-is-he-talking-with look. “Pasensya na po manong. Practice lang para sa play namin.” At itinuloy naman niya ang pagdadrive habang natatawa ako na ewan sa inasta ko.

Pagkadating sa office ay wala pa si Chris pero nung dumating na ito ay saka naman ako nagpapaka-busy. Still, I’m looking for the right words to say sa kanya for opening up a conversation. Tahimik. Tahimik pa rin. Tahimik ulit.

Sinapo ko ang ulo ko kasi parang di ko na kakayanin pa ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hello! Paanong hindi eh oras ng trabaho. Umayos ka nga dyan George baka di ako makapagtimpi at masabunutan kita dyan. That’s the snap when I checked the time. Bingo!

“Chris kain na tayo.” Pag-aya ko sa kanya. Finally, may lumabas ding salita mula sa akin.

“Sure.”

Bumaba na kami para maghanap ng pagkakainan. Nakakailang kasi there’s this silence na namamayani sa amin. This is not us. Hindi ko alam kung paano magbubukas ng usapan. Am I lost for words? Until I felt the need to open up dahil sa nangyari samin ni Joy.

“Chris.” Pero hindi ako makatingin sa kanya.

“Bakit George?”

“Wala na kami ni Joy.” Sabi ko without hesitating.

Tiningnan ko siya at hindi nakaligtas sa akin yung reaction ng mata niya after hearing my revelation sa gulat niyang expression. May kung anong kumislap dito. Parang masaya sa nangyari.

“Ahhh.”

Napabuntung-hininga ako. Hindi kasi yun yung ine-expect kong sasabihin niya sa akin.

“I know you're in deep sadness. If you feel like talking about it sa grupo sabihin mo lang. Makikinig naman kami.” sabi niya.

Honestly, I’m disappointed dun sa huli niyang sinabi. I gave out another sigh. Why am I expecting too much from Chris. We’re friends. Friends na may lihim na pagtatangi.

“Salamat Chris.”

“No worries.”

That’s the cue para tingnan siya. Parang na-hypnotized ako sa mga tingin niyang iyon. Kakaiba. I felt instant security sa tingin niyang iyon. Uh-oh, this is it! Shut up please. Just for now. Let me have this moment.

“Chris.”

Nangiti akong bigla dahil sa pagkagulat niya. Malalim siguro iniisip niya kaya ganun na lang reaction niya.

“Oh?” Pagbabago niya sa composure niya.

“Salamat sa lahat.”

“Ha?”
“Thanks for always being there for me. Paano ba ako makakabawi?”

“Wala yun George. Kaibigan mo ko.”

Ouch! Kaibigan lang pala turing niya sa’yo George.

“Oo nga Chris. Salamat.”

He smiled and I too.

Bumalik na kami nang building after eating and waited for the lift. Nakakapagtaka bakit ang layo niya sa akin. Di naman kami magkagalit ah.

“Chris?”

“Oh?”

“Bakit ang layo mo? Tara nga rito.” Sabi ko ngunit naramdaman kong wala siyang drive para tumabi sa akin.

I grabbed his hand at kinabig palapit sa akin. Inakbayan ko siya trying to tell him na hindi ko siya sasaktan.

“Bakit natahimik ka?”

“Ha?”

“Nanahimik ka Chris.” Hindi pa rin siya umimik. “Haaay. Ayoko na magmahal. Lagi nalang akong nasasaktan.” Bigla-bigla ko na lang sabi.

“Di mo naman kailangang masaktan. Nandito lang naman ako,ayaw mo lang sakin.”

I looked at him. Is he telling me the truth or he just wanted to make me feel loved at the moment? Naguguluhan ako. Masaya ako knowing na na-confirm ko na may gusto siya sa akin and I know din na may puwang na siya sa akin pero parang natatakot ako.

Ayokong mailang siya kaya hinigpitan ko ang pag-akbay sa kanya. I want to seize the moment. Ang sarap sa pakiramdam.

“Chris? Ano yung sinabi mo? Pakiulit?”

“Wala George. Wala.”

“Gusto mo ba ko Chris?”

“Ha?”

At bumukas ang elevator. Letse! Mukhang natakasan ako ah. Pangiti-ngiti akong lumabas ng elevator hanggang sa makabalik sa station ko.

I can’t help it. Gusto ko siyang tingnan. Kung pwede nga lang na magkaharap kami nang station eh hihilingin ko. Nahuhuli ko siyag tumitingin din sa akin pero agad ding binabawi.

“Chris? Bakit ganyan ka? What's wrong?”

“Ha? Wala naman George. Di lang maganda pakiramdam ko.” pagpapalusot niya.

“Chris. Di mo naman kailangang magpalusot eh. Narinig ko. Gusto ko lang marinig ulit.”

“Ha?” Caught off-guard.

“Chris,let's talk after shift. Let's have coffee.”

“Ha? George kkaa..siii..”

“I won't take no for an answer.”

At umalis na ako.

* * *

No choice na siya kaya naman after work eh sumama na rin siya sa akin to sip some coffee.

“Chris.”

“Hmm.”

“Do you mean it?”

“Alin?” Nakita kong para siyang nabulunan.

“Di mo naman kailangang masaktan. Nandito lang naman ako,ayaw mo lang sakin.” Panggagaya ko sa sinabi niya. Pinamulahan siya.

“Th-that’s not what I mean. Ano yun, ah . . .”

“Yes or no lang naman ang sagot Chris eh masyado kang defensive.”

“Defensive ka dyan. Ano lang yun.”

“You don’t have to explain, nakuha ko na.” Natahimik ka. Marahil nahihiya ka kasi obvious na totoo yung nasabi mo.

“Masaya ako.” Tumingin sya sa akin. “You know what, simula nung una tayong magkausap naramdaman na kita.”

“Huh?”

“I mean, ramdam ko na crush mo ako.” Sabay tawa. “Joke lang. Honestly, ramdam ko na magiging close tayo, like this: having quality time talking, having fun and everything. Masaya rin ako na despite sa nangyari samin eh may isang tao pa rin na nagmamahal sa akin.”

Tahimik pa rin si Chris.

“Chris, uulitin ko. A big thanks for being there for me always. . .“ niyakap ko siya, “ and a hug for loving me.”

Nag-usap pa kami saglit bago kami tuluyang nagpaalaman at umuwi na may ngiti sa aming mga labi.


Until next time lappy. See you around.

George

Read more...

Flip2000 ..... teaser

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.



Sakristan ako noong high school.

Second year high school noong natuto akong gumamit ng kodigo sa exam.

Chickboy ako noong high school.

First year high school para lang akong basang sisiw.

Photography editor ako ng school paper noong high school.

Fourth year high school noong matuto akong uminom at magyosi.

Wala akong naging girlfriend noong high school.

Third year high school nagka-dengue ako.

Kasali ako sa cotillion dance sa JS Prom.

First year high school pa lang kasama na ako sa top 15.

Mahilig akong mag-cross stitch noong high school.

Fourth year high school noong una akong makitulog.

Lagi akong may dalang salamin sa bulsa ng polo ko noong high school.

Second year high school nakahawak ulit ako ng porn magazine.

Iced tea ang hilig kong inumin noong high school.

Third year high school noong simula akong sumikat.




Ito ang kwento ng high school life ko, ikaw, ano ang kwento mo?


Photobucket

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP