Chapter 24: Task Force Enigma: Rovi Yuno

Tuesday, February 8, 2011

To Filmark, Jhay L, AR, KingPunisher, (sa PEX reader ko na nakalimutan ko na ang pangalan) at sa lahat ng mga tumutok, sumubaybay sa istoryang ito, maraming-maraming salamat po.

************************************

Maingay ang buong paligid at nagkakasayahan ng walang patumanggi ang mga parukyano sa Mae-sik Bar. Ang kalabang club ni Park Gyul Ho. Doon napagkasunduan ng kampo nila Rovi na makipagkita kay Monday na hinihinala nilang kasabwat na ng sindikato.

Maharot ang bawat galaw ng mga babaeng pole dancer. Saliw sa kapwa maharot na musika. Nag-aanyaya sa mga kalalakihang naroroon na mag-isip at gumawa ng makamundong gawain. May sumisipol sa bawat giling ng maliliit na balakang. Mayroong halos lumuwa ang mata sa mapaghalinang kilos ng mga mananayaw.

Sa kabila ng tila piyesta ng pita ng laman ay ang hindi nararamdamang tensiyon sa limang lamesa sa magakakahiwalay na panig ng club.

Sa bandang gitna ay sila Rick at Jerick na nag-i-isnaban kahit may mga nakakandong sa kanilang hita na kapwa naggagandahang belyas.

Sa bandang likuran ay si Bobby na matamang pinagmamasdan ang bawat taong pumapasok sa pinto ng bar. Nakapwesto siya sa lugar na kita ang lahat ng nilalang na iniluluwa ng makasalanang pinto.

Tatlong lamesa ang pagitan sa kanya ay si Rovi at si Perse. Busy ang huli sa pakikipagbolahan kunwari sa magdalenang katabi na halos lumuwa ang dibdib sa mahigpit na pagkakasakal ng mapang-akit na pang-itaas habang si Rovi ay hindi inaalis ang tingin sa lalaking sentro ng kaguluhang iyon.

Si Bobby.

Na siyang sentro rin ng kanyang buhay sa ngayon.

Nakakagulat ang bilis ng kanilang pag-amin tungkol sa nararamdaman sa bawat isa ngunit iyon ang tama. At ayon sa pagkaka-alala niya, walang sinoman ang maaaring kumwestiyon sa bagay na mayroon sila.

Read more...

Chapter 23: Task Force Enigma: Rovi Yuno

Para kay Russel na naka-chat ko kagabi. I had fun my dear. :)

Follow my blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
FB and e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com

Enjoy...

********************************************

“Napapagod na ako Rovi.”


Iyon ang mga huling salitang narinig ni Rovi sa mga labi ni Bobby bago nito sakupin ang kanyang bibig. Hindi niya maipaliwanag pero the moment na naglapat ang mga labi nila ay nagsimulang mawala ang kanyang control ng tuluyan.

Natagpuan na lamang niya ang sarili na tinutugon ng kaparehong init at pusok ang bawat pananalakay na ginagawa ng malikot na dila ni Bobby.

Marubdob. Mainit. Nakakapangilabot ang bawat galaw nito. Nakakapangilabot pero sa napaka-senswal na paraan. Naghuhumiyaw ang apoy na gusting tumupok sa kanilang dalawa. Sumisirit sa kani-kanilang kalamnan.

“Bobby…” anas niya sa mga labi nito.

Ungol lang ang isinukli sa kanya ng kahalikan. Mas pinalalm nito ang halik. Naging mas mapaghanap. Napakapit siya ng husto sa batok nito. Naliliyo siyang hindi malaman.

Naglakbay ang kamay ni Bobby sa kanyang likuran. Ganoon din siya. Halos may iisang isip ang kanilang mga kamay na pinagpapala ang katawan nilang nababalutan pa ng kanilang mga kasuotan.

Dinama nito ang kanyang pang-upo dahilan para mapasinghap siya ng bahagya. As if on cue, mariing hinigop ni Bobby ang kanyang dila upang dalhin siya sa kaibuturan ng kaligayahan. Ang akala niya ay namatay na siya at ipinadala na sa langit. Hindi pa pala.

Hindi pa siya patay. Dahil ang kahandaan ni Bobby ay damang-dama niyang nakadiin sa kanyang sariling pag-aari. Mas lalong nag-init ang kanyang pakiramdam sa pagkaalala ng kung paano niyang nilasap ang kasarapan nun. Muli, ang akala niya ay namatay na siya. Ngunit hindi pa rin pala.

Read more...

Chapter 13 : The Martyr, The Stupid and The Flirt Finale

Sorry for the late posting. Ahihihi... This is the last chapter and I hope na ma-enjoy ninyo. 

Follow my blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
FB: angelpaulhilary28@yahoo.com


Thanks Jayson :)

*********************************************

It was a soft yet very warm kiss. At ang init na nagmumula sa labi nito ay tumutupok at gumagawa ng landas sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Monty found himself kissing the stranger back. The man groaned and ended the kiss abruptly. Hindi agad siya nagdilat ng mata. Ninamnam niya ang sarap na dulot ng mga labing iyon. Kahit man lang sa huling pagkakataon.

"Pet..."

Napangiti siya sa endearment na iyon. Sinasabi na nga ba niya. It was Orly. The man who dared kiss him even if it was in broad daylight. He could also smell him. Tinatalo ng amoy nito ang sariwang samyo ng hangin. Banayad ang dampi ng natural nitong halimuyak. He really smelled like the woods and of mists.

"Pet... are you okay?"

Monty hummed his answer. Still with his eyes closed he reached for the face above him. He could feel Orly's heat. He breathed to his palm. Gumapang ang init sa kanyang katawan at nagtapos iyon sa ibabang bahagi ng tiyan niya. Natakot na naman siyang magdialt ng mata.

Ayaw niyang magbukas ng mga mata sa takot na traydorin siya ng puso. Sa takot na hindi mapaglabanan ang sariling damdamin. Aminado naman siya, pagdating sa lalaking ito, He would defy heaven and earth. Not even gravity can withstand his will. Ganoon niya ito kamahal.

Read more...

no boundaries C30

Ang Buhay Matapos ang Isang Taon

Isang taon na din ang nakakalipas buhat ng mawala si Nicco.unang taon ng kamatayan nito. Sariwa pa sa alaala ng lahat ng nagmamahal ang Nicco na minahal nila. Ngayon nga ay nakatakda silang bisitahin ang puntod ni Nicco. Alayan ng dasal at panalangin. Pinaghandaan ng tatlong pamilya ang araw na ito. Ang pamilya ng San Agustin Seminary, pamilya del Rosario at pamilya de Dios.
Maagang nagising si Andrei ng araw na iyon. Pinasya niyang pumunta muna sa kanilang lumang bahay para alalahanin ang magagandang alaala ni Nicco na taglay ng lugar na iyon.
“Nicco, natitiyak kong sa pagpili ko sa iyo mula sa isang libong posibilidad ay hindi isang pagkakamali. Nararamdaman kong tama ang ginawa kong piliin ka at ang ginawa ng puso kong mahalin ka ng lubusan.” mahinang turan ni Andrei.
“Kuya Andrei” bati ni Andrew mula sa likod “Ang aga mo dito ah.”
“Hindi naman” sagot ni Andrei “Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Andrei.
“Wala lang inaalala ko lang ang bahay na ito. Alam ko kasing may alaala din si Nicco sa lugar na ito” sagot ni Andrew sa kakambal.
“Tama ka bro” pagsang-ayon ni Andrei “akala ko dati malulungkot lang ang alaala ko dito, pero dahil kay Nicco, minahal kong ulit ang lugar na ito” dagdag pa niya.
Isang nakabibinging katahimikan ang namagitan sa dalawa.
“Mabait talaga si Nicco kahit hanggang sa huli. Siguro kung andito pa si Nicco, patuloy ko lang na masasaktan si Sandra at baka tuluyan na siyang nawala sa akin.” panimula ni Andrei “kung nagkataon nawala nadin ang isa sa kaligayahan ko. Kung hindi siguro namatay si Nicco, malamng nakatali pa din sa kanya ang puso ko. Malamang ay patuloy akong aasa sa pagbabalik niya sa akin. Marahil hindi ko maibibigay kay Sandra ang pagmamahal na dapat sa knaya. Hindi ko magagawng masuklian ang pagmamahal niya dahil si Nicco ang nasa isip ko. Hanggang sa huli gumawa pa din siya ng kabutihan para sa akin. Gumawa siya ng dahilan para hindi ko masaktan si Sandra.” Pagwawakas niya.

Read more...

no boundaries C29

Hindi Inaasahang Pagpapakita ng Katotohanan

Pinilit ni Nicco na huwag ipakita ang sakit na nararamdaman niya. Pinilit niyang ikubli ito sa mga ngiting pilit niyang ipininta sa mukha. Nakailang tableta na ba siya ay ganuon pa din ang kanyang pakiramdam. Inisip niya kung magagawa pa ba niyang kumanta sa harap ng mga tao sa kalagayan niya ngayon. Umaasa siyang bago pa man dumating ang mga panauhin ay aayos ang kanyang pakiramdam.
“Magandang umaga Governor Don Joaquin” pagbati ng mga pari at mga seminaristang nag-aabang sa mga panuhin.
“Magandang umaga din naman.” sagot nito “nasaan si Nicco? May sorpresa kaming dala para sa kanya?” usisa ng gobernador.
“Tama nga naman, isang taon na din naming hindi nakikita ang kapatid namin.” dugtong pa ni Andrew “di ba Kuya Andrei? Miss na natin si Nicco kulit.” Sabay ang tingin nito sa kakambal.
“Oo” tanging sagot ni Andrei. Sa totoo lang ay kinakabahan ito sa muling pagkikita nila ni Nicco.
Napansin ni Sandra ang kaba at pagkabalisa kay Andrei kaya naman binulungan niya si Andrei, “Wag kang kabahan, matutupad mo na ang pangako mo sa kanya.” – may himig man ng kaligayahan, sa totoo lang ay nagseselos ito dahil alam niyang mas mahal ni Andrei si Nicco kaysa sa kanya.
Agad nilang napansin si Nicco kasama ang mga batang dati ay nasa lansangan. Halatang kahit lumalakad ay nag-eensayo ang mga ito para sa gagawin nila mamaya dahil kumakanta pa sila ng Do-Re-Mi. Hindi napansin ni Nicco na pinagmamasdan pala sila ng mga taong anduon, kaya naman ng makatapos ang kanta ay pinasalubungan sila ng palakpakan ng mga pauhing nabighani sa kanilang ginawa. Laking gulat na lamang niya sa natanggap na mga papuri para sa mga bata.
Sa may di kalayuan ay tinawag siya ng Rector. Nuon lang niya napansin na kausap pala nito ang gobernador, hinanap niya ang isang mukhang matagal na niyang nais makita. Subalit, sa pakiramdam niya ay wala ito duon. Nakaramdam ng kalungkutan si Nicco subalit ang pinakita niya ay mga ngiti.

Read more...

no boundaries C28

Paglipas ng Isang Taon: Sina Andrei at Sandra

Pagkahatid ni Andrei kay Nicco ay napag-utusan ito ng Papa niyang harapin ang mga scholars at pinapoag-aral ng pamilya nila. Galing man sa kalungkutan ay pinilit niyang maging maayos sa harap ng mga ito. Labis man ang sakit sa kanyang puso ay sinikap niyang maging mahinahon at pinilit na hindi ipahalata ang nararamdaman. Pagkatapos ng usapan nila sa pagitan ng mga scholars ay may lumapit sa kanyang isang babae.
“Excuse me po sir” magalang na wika nito.
“Andrei na lang” pakiusap nito.
“Sorry po” sabi ng dalaga “Sandra nga po pala”
“Please to meet you Sandra” simpatikong sagot nito “may kailangan ka?”
“Gusto ko lang po sanang magpasalamat sa inyo, dahil sa inyo nagawa kong makatapos ng Business Management” pasasalamat ng dalaga “salamat po talaga ng marami.”
“You’re welcome” at ginantihan ni Andrei ng ngiti ang pasasalamat na iyon ni Sandra.
Biglang nakaramdam ng hiya ang dalaga. Nagpaalam na ang binata subalit muli ay tinawag siya nito.
“Andrei” tawag nito. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin ang kanina pa napapansin.
“Bakit Sandra?” tanong ni Andrei.
Pinilit niya ang sarili na dapat niya itong sabihin “Kasi po, pansin ko napakalungkot mo.” Sabi nito.
“Salamat sa concern” dahil dito ay gumaan ang pakiramdam ni Andrei. Pakiramdam niya ay may bago siyang mapagsaasabihan ng problema bukod kay Andrew. “Gusto mong kumain?” yaya niya dito.
“Nakakahiya po, huwag na lang.” saad ni Sandra.
“Hindi, ayos lang sa akin iyon. Sumama ka, ikaw din hindi ko tatanggapin ang pasasalamat mo.” nakangiting tuuuran ni Andrei.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP