Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 20)
Friday, December 2, 2011
Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.
Salamat din sa mga:
Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)
Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, Nujum, LightRundle, Erion, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) Boy Jazz, dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!
Pasensiya na ulit guys kung ngayon lang ulit ako nagpost dahil nagkasakit ako ng three days na hindi ko nahhawakan mga gadgets ko.. Well anyway, we're down to half of my novel so no worries about when this will end.. Basta, more revelations are about to come after this.. I hope you all guys will ne'er stop reading my series!! :))
ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!
(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)
Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.
DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.
To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:
Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)
---------------------------------------------
Part 20
Sabado at mukhang mahaba-haba ang tulog ko. Nagising akong naka-rise and shine na ang haring araw. Nang tinignan ko ang CP ko sa itaas ng unan ay mag- aalas ocho na ng umaga. Gusto ko pang matulog at napuyat ako sa kaka-practice ng cotillion namin kagabi. Inabot na nga ako ng alas onse ng gabi kahapon. Sabay kaming dalawa ni Lei umuwi kagabi dahil niligpit pa namin ang props na ginamit namin sa practice namin ng cotillion. Partner niya si Arah, yung president ng klase namin, samantala, kapartner ko naman si Shaine, yung patay na patay kay Lei. Mukhang me phobia na ang baby bro ko sa kanya kaya medyo mailap si Lei kay Shaine ngayon.
Nang tumayo ako, bigla kong naalala na me ia-eyeball pala ako ngayon. Si Patrick!! Kaya hindi ako nagpatumpik-tumpik na bumaba sa kinalalagyan ko sabay baba sa double deck kong higaan.
Kinuha ko ang Christmas Card na binigay sa akin ni Cheney noon na kay Patrick pala galing. Agad kong kinumpirma kung February 5 ang usapan namin. Kumpirmado nga!! Kinuha ko iyon kasabay ng necklace na binigay niya sa akin sabay lagay sa bulsa ko para kapag nakita niya ako ay malaman niya kaagad na ako ang hinahanap niya, ang kababata niya, at ang minsan na minahal niya.
Bumaba ako sa kwarto, nakita ko ang alaga kong aso, si Patrick at kinuha ko. Umupo ako sa sofa habang karga ang alagang aso at dun sinimulang harutin. Parang kailan lang noon ibinigay sa akin ito ni Cheney at ngayon ay nakikita ko na itong lumalaki at lumalago. Kiniliti ko siya sa dibdib sabay halik sa ilong nito. Medyo parang banlag ang alaga kong aso, pero sabi daw ng iba, ay natural lang daw sa shitsu ang ganung kalagayan.
Binaba ko, pagkatapos ang alaga ko. Tumayo ako at nagluto ng noodles para almusalin ko. Nilagyan ko ng itlog at tokwa na nakita ko sa ref habang kumukulo. Ganun ako kumain ng noodles. Ine-experiment ko.
Nang naluto na ay pinasya kong kumain na din habang mainit pa. Habang hinihipan ko, amoy ko ang sarap at linamnam ng noodles na inexperiment ko. Agad na isinubo ko iyon at naramdaman ang biglaang pagkapaso ng dila ko. Agad akong kumuha ng baso na may lamang tubig at ininom ko ng bigla. Habang nakatingin sa kabilang parte ng bahay ay nakita ko ang CP ko. Hindi ko pala namalayan na naipatong ko pala iyon sa ref habang nagluluto kaya napagdesisyunan ko na kunin iyon. Low-batt na at nang sinubukan kong buksan muli ay namatayan na lang ito ng kusa. Hinanap ko kaagad ang charger at hindi naman akong nabigong makita iyon. Kinuha ko iyon sabay saksak sa saksakan ng kuryente at hinayaang mag-charge mag-isa. Bumalik ako sa kinakain ko, at sinimulang kumain.
Dumating si mommy. Tinanong niya ako kung kamusta na kami ni Cheney. Sinagot ko naman siya na ok pa naman kami. Tinapik niya ang mga balikat ko sabay sabi,
"Bunso ko, lumalaki kang gumugwapo. Pansin ko iyon habang lumilipas ang panahon. Kamukhang kamukha mo si Kuya Kenneth mo. Sana, yang mukhang iyan ang maghahatid sa iyo sa kaligayahan mo na unang minahal sa iyo ni Cheney bukod sa ugali mo."
Medyo me pagkamalalim ang gustong sabihin sa akin ni mommy. Ayaw niyang sabihin kong anong gusto niyang ipahiwatig sa akin. Hindi ko na daw dapat itanong iyan sa kanya, bagkus hanapin ko daw ang sagot sa sarili ko. Ako ang gagawa ng kapalaran ko at siya lang ang tagabigay ng payo para hindi ako lumiliko sa maling daan.
Ibinilin sa akin ni mommy ang bahay at pagkatapos ay umalis Ito dala ang isang box ng bote na gagamitin sa family business namin. Ipinagpatuloy ko naman ang naunsyaming kinakain.
Alas 10 na ng umaga. Kailangan ko ng maghanda. Kinuha ko ang susuotin ko para sa pagkikita namin ni Patrick. Fitted na faded jeans at muscle-type polo shirt na kulay green na binili ko pa sa Penshoppe ang isusuot ko, pagkatapos kinuha ko ang salamin ko sa mata at inilagay kasama ng mga susuotin mamaya. Kinuha ko din ang kwintas sa bulsa at Christmas Card na ibinigay niya sa akin noong Pasko at inilagay sa gilid ng mga isusuot ko. Pagkatapos ay lumabas ako at sabay lock ng pintuan ng kwarto.
Walang anu-ano ay biglang nagtext si Lei. Kinamusta lang niya ako. Nagtanong siya kung may gagawin ako mamaya pero hindi ko siya nireplyan. Mahirap na at baka mahuli ako sa gagawin kong sikreto sa kanila. Agad na binuksan ko ang TV at inilipat sa MTV Asia. Ano kaya ang nangunguna sa music video ngayon?
Alas 11 ng umaga. Biglang tumawag si Cheney sa akin. Sinabi niya na kailangan ko Aw pumunta sa kanila para samahan ko siya kina Lei. Importante daw. Pero hindi ko siya sinagot. Andun pa din kasi ang hinala ko na Baka mabuking ang inihahanda kong supresa para sa kanila. Sana, ma-impressed ako ni Patrick sa makikita ko sa kanya.
Hindi ko maalis sa utak ko na mag-imagine sa physical attributes niya. Siguro gwapo siya tulad ni Lei, maganda ang mga mata tulad ni Cheney, matangos ang ilong tulad ni Lei, at mas kaakit-akit na pangangatawan tulad ko. Magkasing-tangkad ba kami? Nagsasalita na kaya siya ng tagalog? At higit sa lahat, mahal pa kaya niya ako?
Nanonood ako ng MTV Asia at napagdesisyunan ko na ilipat ang channel sa HBO. Mukhang maganda ang palabas. Maka-lumang horror-suspense na pelikula na ang title ay "Amethyville." pinanood ko iyon at tinutukan ang pagsubaybay sa pelikula.
Nang mag-11:30 ay napagdesisyunan kong kumain. Agad na tinawag ang alaga kong shitsu at pinakain ko na din kasabay ko ng dog pellet na binili pa sa Aranque Market. Tinolang Manok na tinadtaran ng maraming luya ang inihain sa akin ni mommy bago pumunta sa water station. Ang sarap!! Manamis-namis na maanghang ang lasa!! Kumuha ako ng sawsawan at ibinuhos sa plato ko na punung-puno ng kanin at ulam. Kinuha ko sa ref ang pitsel at pagkatapos niyon ay umupo ako at nag-sign of the cross pagkatapos.
Na-satisfy ako sa lasa. Ang sarap, may after taste pa ako dun sa kinain ko. Pagkatapos kong kumain ay agad kong hinugasan ang pinggan na pinagkainan namin at nagdesisyong paliguan na rin ang alaga pagkatapos.
Mga 12:00 na ng hapon nang natapos ako sa mga ginagawa ko. Medyo basang-basa ako dahil ang harot paliguan ng alaga kong aso. Kumuha ako ng towel na exclusively for my doggie lang at pinunas sa kanya. Pagkatapos ay napagdesisyunan ko na ring maligo at mag-prepare na para sa tinakda ni Patrick sa akin.
Tumingin ako sa salamin. Napansin ko ang mga chinitong mga mata ko. Medyo nagkakaroon na ako ng Adam's apple at napansin ko na medyo nagkakaroon na rin ako ng balbas malapit sa itaas ng bibig ko. May tigyawat din ako sa noo pero hindi naman halata. Maputi ang balat ko. Siguro kapag dinoble ang puti ko ay mas mahihigitan ko ng puti si Lei. Medyo mamula-mula ang pisngi ko. Hindi namang gaanong matangos ang ilong ko, pero maganda ang hubog nito. Napansin ko na medyo tumangkad ako. Naging 5"8 pero mas matangkad pa din si Lei sa akin. Maganda ang lips ko. Medyo maliit pero mamula-mula. Kung tutuusin, parang me hawig ako dun sa isa sa mga P-pop group ngayon na XLRT. Totoo nga ang sinabi sa akin ni mommy na kahawig na kahawig ko si kuya sa mukha pero mana naman ako sa kanya pagdating sa kaputian. Medyo binaba ko ang tingin sa sarili kong kaanyuan. Medyo nagkakaroon na ako ng buhok sa dibdib particularly sa baba ng mga utong ko. Napansin kong paguhit mula sa pusod ko ang mga balahibo ko hanggang sa patola ko. Ang kinis at puti ng balat ko, all natural yan, at walang halong preservatives, tulad ng mga whitening soap at mga turok ng glutathione. napansin ko din ang 6.5 inches kong armas. May mga buhok na ito ngayon at nakakakiliti kapag hinihimas-himas mo gamit ang kamay. How voluptuous!! Medyo nangungulubot ang mga anak nito dahil siguro sa lamig ng panahon. Bigla akong nalibugan! Ano kaya kung yayain ako ni Patrick maka-one night stand pag nagkita kami? Siguro, isusuko ko ang lahat, pati na ang pinaka iisang butas ko sa likod sa kanya.
Biglang tumaas ang alaga ko, parang gustong magwala. Mamula-mula ang ulo nito at nangangalit dahil sa mga ugat na lumalaki. Agad na napansin ko na medyo lumalabas na ang pre-cum sa nangangalit na armas. Nai-imagine ko ang mga katawan ni Patrick! Agad kong hinawakan ang aking alaga at nilaro-laro. Pagkatapos niyon ay binayo ko ng dahan-dahan. Agad akong naghanap ng lubricant para mapreskuhan ang pagbabayo ko sa etits ko at hindi ako nabigong hanapin iyon. Oh!! Cream silk conditioner, pwede na ito!!
Piniga ko ang conditioner sa palad ko at sinimot. Nang natapos ay ipinahid ko sa etits ko sabay pagbayo nito mula dahan-dahan hanggang pabilis ng pabilis. May anong kiliti akong naramdaman nang sumasama ang ulo ng alaga ko sa pagbayo gamit ang kaliwang kamay. Ang sarap! Nakadapa ako sa loob ng banyo habang ginagawa ko iyon. Ang sarap pala ng feeling na mag-masturbate habang nai-imagine mo ang gusto mo. Kahit pantasiya lang ang lahat, pero akala mo, nandiyan siya ng buong-buo sa harapan mo.
"Oh Patrick!! Lalabasan na ako!!"
Napasigaw ako. Biglang bumulwak sa akin ang minsan na pahintong-hintong bulwak ng aking dagta. Nakakatuwang isipin, knowing na parehas ng lubricant na ginamit ko ang itsura ng dagta ko. Sumirit iyon sa gilid ng butas malapit sa lababo sa loob. Nanghina ako. Parang nawala sa akin ang lakas na naipon ko sa ilang buwan at taon na hindi pagpapalabas. Ang sarap ng pakiramdam!! Para akong na-rejuvinate, sa kabila ng paghihina na naramdaman ko pagkatapos ng pampalipas libog na ginawa ko.
Agad akong tumayo at napagdesisyunan na maligo. Nagbanlaw ako at pagkatapos ay nagsabon din. Habang nagsasabon, ramdam ko na nakatayo pa rin mula sa dati niyang posisyon si dudung na galit na galit pa at gusto pang humirit ng part 2. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko.
Lumabas ako ng nakatapis gamit ang mahabang twalya. Agad na pinatay ko ang nakalimutang bukas na TV at agad akong pumunta sa kwarto sa itaas at doon na magbihis. Isinuot kong ang mga inihanda kong damit at nang matapos ay tumingin sa salamin. Kumuha ako ng pulbos sa gilid ng salamin at ikinalat sa mukha ko, gamit ang mga kamay. Nang matapos ay nagpabango ako gamit ang Booster Lacoste for men na binili ni kuya sa Dubai para sa akin at sabay nun ang halimuyak na abot hanggang sa kapit-bahay ang amoy. Nang matapos ay kinuha ko ang bench for men-Hair wax na binili ko naman at inilagay ko sa buhok ko. Inayos ko ito ng patayo na parang korean-style. Pagkatapos, ay agad na kinuha ko ang Christmas Card at ang kwintas. Isinuot ko ang kwintas. Nang matapos ay agad na pinagmasdan ko ito. Andun pa din ang kinang. Parang bagong-bago pa din at walang gaanong galos o kahit anong gasgas sa kumikinang na pendant nito. Kinuha ko din ang converse na sapatos na kulay itim at agad na sinuot sa paa ko.
Bumaba ako pagkatapos. Tinignan ko ang oras at eksaktong 1:25pm pa lang. Kinuha ko ang relos at mp3 pati ang headset ko sa gilid ng TV set at pati na rin ang CP ko. Sinigurado ko na nakapatay sa lahat ang saksakan. Nang matapos ay agad kong isinarado ang pintuan sa loob pagkatapos ay kinandado ang gate at pumunta sa water station na family business namin at ibinigay kay mommy ang susi. Habang naglalakad ay naramdaman ko ang tindi ng sikat ng araw kaya sinuot ko kaagad ang salamin ko sa mata. Napansin ko din ang isang grupo ng mga bading na tinitignan ako na kulang na lang ay maghubad ako sa harapan nila at palasapin ko ang 6.5 inches kong alaga sa kanila.
"Psst... Boy, magkano ba?!" iyan ang sigaw sa akin ng mga bading pagkatapos nila akong titigan ng mabuti.
Hindi ko na lang sila pinansin. Dire-diretso akong naglakad hangggang sa nakarating ako sa kanto ng Pacheco St. at N. Zamora St. at naghintay ng jeep.
Sakto at tumapat sa akin ang walang taong jeep sa loob. Sumakay ako at biglang nagbayad. Kinuha ko ang mp3 sa bulsa ko at nagpatugtog.
Nang sakto ay bumaba ako sa tapat ng simbahan. Madaming tao, kaya nagpasiya akong silipin muna ang loob at tumambay sa labas. Walang pagbabago. Simula noong bata pa ako na una-una ko itong nakita. May mga batang gala na tumatakbo sa paligid ng simbahan. May mga nagtitinda ng lobo at sampaguita sa baba ng simbahan, at syempre ang mga deboto ng mahal na poong Sto. Niño de Tondo. Nakasuot sila ng belo na kulay brown habang hawak-hawak ang pamphlet na maliit na paniwala kong naglalaman ng nobena at mga padasal. Mayroon din silang dalang rosaryo na mukhang nalipasan na ng panahon.
Nakita ko sa wakas ang Tondo sa kabuuan. Kahit na ang nakikita ko sa pagkakataong iyon ang poknat at peklat sa mukha ng isa sa mga pinakasikat na distrito ng Maynila, Nakikita ko naman, na sa kabila nun, ang alaala ng pagkakaibigan namin nina Cheney at Patrick na dito unang sumibol at nagsimula.
Napagdesisyunan kong magbukas ng mp3, agad na sinaksak ko muli ang headset sa tenga ko at agad na tinago sa bulsa. Mahirap na, baka masalisihan ako dito.
Agad na tumugtog ang bagong kanta ni Justine Timberlake na "Cry me a River" sa mp3 ko. Masaya kong pinakinggan iyon sa kabila ng malungkot na mensahe ng kanta. Agad kong tinignan ang relos ko kung anong oras na. Sakto at 1:27pm pa lang. Medyo maaga pa mula sa itinakda niyang oras. Nagpasiya akong mamasyal at libutin ang buong vicinage ng simbahan. Nakita ko sa gilid, malapit sa loob ang mga pangalan na paniwala ko'y mga pangalan ng sanggol na kinitil ng buhay sa pamamagitan ng aborsyon. Bigla akong nakaramdam ng awa kaya nagpasya akong magdasal ng saglit para sa mga kaluluwa nila.
Alas 1:50 at magsasampung minuto bago ang alas dos. Habang nakaupo ako sa gilid ng hagdan ng simbahan ay may napansin akong isang bata. Umiiyak siya. Hinahanap niya ang kanyang nanay. Nawala daw siya dahil bumitaw siya sa kanyang nanay. Naawa ako sa bata. Sinamahan ko siya at sabay nagtungo sa presinto para sabihin ang insidente sa mga pulis. Pagkaraan ng limang minuto ay biglang dumating ang isang babae na may dala-dalang bilao ng kakanin. Mukhang ibebenta sana niya ito. Niyakap niya ang batang lalaki sabay hinalikan. Naalala ko tuloy ang nangyari sa akin noong bata pa ako at dito pa mismo nangyari sa tapat ng simbahan. Ito rin ang presinto na pinagdalhan sa akin ni father kasama si Patrick pati si Cheney para mahanap ko ang mommy ko noon.
Agad na nagpasalamat sa akin yung nanay ng bata na sinamahan ko sa presinto. Napaiyak siya sa akin. May kung ano sa isip ko na pumasok para umiyak din ako, siguro nadala lang ako ng sitwasyon kaya ko lang nagawa iyon. Nagbigay pa nga siya sa akin ng kakanin, at kinuha ko naman.
Alas 2:25 ng tanghali. Medyo kumulimlim ang langit. Umalis na ang mag-ina pagkatapos. Bumalik ako sa simbahan. Ganun pa din at marami pa ring tao. Kinakain ko pa din ang kakanin na ibinigay sa akin ng nanay ng batang natulungan ko. Masarap pala. Bumili din ako ng sago sa gilid ng Plaza Rodriguez. Medyo naiinip na rin ako kasi hindi ko pa nakikita si Patrick, at saktong malapit na ang tinakdang oras niya. Medyo nalungkot ako. Paano na kung hindi dumating si Patrick? Ano ang gagawin ko? Magagalit ba ako sa kanya? O kailangan ko na naman siya unawain kung bakit hindi niya ako sinipot.
Nang ako ay nakapunta sa loob ng simbahan ay nakita ko ang ganda at elegante ng loob. Napatingin ako dahil para akong nasa loob ng isang simbahan sa Europa. Baroque style na medyo may pagka-chinese touch. Sa harap ng simbahan, nakita ko si Señor Sto. Niño. kulay pula ang suot niyang damit. Kakatapos lang kasi ng piyesta ng dito, kaya ganun pa din ang damit nito.
Agad bumuhos ang napakalakas na ulan. Ang kaninang walang-wala na tao sa loob ay biglang dumami para sumilong. Medyo nalungkot ako dahil mukhang hindi nga makakapunta si Patrick. Alas 2:45pm na kasi eh. Nagbigay ako ng taning ng isang oras para hintayin siya.
3:05 ng hapon. Wala pa din siya. Tapos na akong magdasal at halos napakinggan ko na lahat ang mga kanta ko sa mp3. Tinigilan ko munang nagpatugtog at nagpasyang lumabas. Mabilis tumila ang ulan. Medyo lumiliwanag na din. Nagdesisyon akong lumabas sa loob ng simbahan.
Sa labas, me biglang yumakap sa likod ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya nagpasiya akong tignan siya sa harapan. Biglang gulat ko na si Cheney pala ang nasa likod ko. Tumingin ako sa kabilang tabi at nakita ko si Lei na napaka-gwapo dahil sa suot niyang t-shirt na fitted na kulay green at pantalon na maong na faded.
"Hey, why are you here, guys?" tanong ko sa kanila na may pagkamangha.
"Well, ahm.. We're just here para magsimba. Niyaya ako ni Lei para magsimba muna tapos pupunta kami sa SM Manila to unwind." sabi ni Cheney habang nakayakap sa akin ng mahigpit.
Lumapit sa akin si Lei. Sabay halik sa pisngi ko.
"Big bro, sorry kung na-late ako ah?!" sabi niya habang nakatingin siya sa akin.
Suot na pala ni Lei ang salamin na ibinigay ko sa kanya. Mas gumuwapo siya kaysa sa akin. Kung aayusan ko lang to, malamang mas marami ang magkakagusto dito kaysa sa akin.
Nagpasiya akong hindi sabihin ang dahilan kung bakit ako nandito. Mahirap na. Kahit bigo akong makita si Patrick, buti na lang at dumating sina Cheney at Lei para samahan ako at mawala na rin ang lungkot dulot ng hindi pagsipot ni Patrick sa usapan.
Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Lei.
"Baby bro, ano ulit yung sinabi mo aa akin kanina, bakit ka nagso-sorry sa akin?" sabi ko habang tinatanggal ko ang headset ko sa tenga ko.
"Ah eh, kuya wala. Wala lang akong masabi kaya ko lang nasabi ko sa'yo iyon."
Nagpasiya sila Lei na pumunta sa harapan. Nagdasal kami. Pagkatapos niyon ay nag-usap kami kung ano ang gagawin nila sa SM Manila. Me bibilhin lang pala si Lei at nagpasama lang pala siya kay Cheney. Biglang dumating sa amin ang isang pari na pamilyar para sa akin.
"Si Father!! Si Father!! Cakie si father!!" sigaw ni Cheney sa akin.
"Teka, cakie, wala akong matandaan!! Si father?!"
Tinitigan kong mabuti ang pari. Medyo matanda na siya. Wala siyang gaanong buhok sa tuktok at suot ang uniform ng isang seminarista. Me dalang bible at rosary.
"Father Michael!! Father Michael!!"
Sigaw ni Cheney.
Tumayo si Cheney sabay hinawakan ang kaliwang kamay ko. Sa kanan ay hinatak ko si Lei at sabay kaming tumakbo papunta sa pari.
"Oh Cheney, Iha?! Pagpalain ka ng Poong Maykapal." Sabi ni Father Michael kay Cheney habang hinahawakan siya sa balikat nito.
"Father, Kamusta po!! It's been a year since we didn't see each other ah?!"
"Oo nga, ambilis ng panahon!! Teka sino ba iyang mga kasama mo? Iyan ba ang mga kaibigan mo noong bata ka pa?" tanong ni father habang pumupwesto sa upuan para umupo.
Tumabi kami sa isang gilid malapit sa altar ng simbahan para dun kami mag-usap. Maamo ang mukha ng pari. Medyo naalala ko na siya na nakita ko siya minsan sa buhay ko.
"Father, I would like to introduce to you, my BF, si Jacob po." sabi ni Cheney habang tinuturo ako kay father.
Biglang napasingkit ng mata si father sa akin. Parang me naalala siya. Hindi ko alam sa puntong iyon pero, batid ko na kilala rin niya ako.
"Oh I see!! Naaalala ko na!! Si Jacob!! Right!!" pagkamanghang sinabi sa akin ni Father habang nakangiti sa akin at tinatapik ang kaliwang balikat ko.
Mukhang naalala ako ni father, pero ako, malabo pa din. Parang me pumapasok sa isip ko na kilala ko siya, pero hindi ko maalala, hanggang sa may sinabi siya sa amin na biglang nagbalik sa akin sa pagkabata.
"Yung Jacob na iyakin noon bata!! I knew him!!(sabay ngiti sa akin) Iho, natatandaan mo pa ba ako?! Ako yung pari na nagsuplong sa iyo noong nawawala ka! Remember?"
Naalala ko na siya. Yung father na nagsuplong sa akin para hanapin ko ang mommy ko noong nawawala ako! Biglang bumalik lahat sa akin ang alaala ng pagkabata ko.
"Opo, father, ako nga po iyon!! Medyo lumaki na po ako ngayon, pero naalala ko pa rin kayo." sabi ko habang napakapit sa kamay ni Lei sa kaliwa.
Binasbasan ako ni Father gamit ang kanang kamay niya. Napapikit ako. Ramdam ko sa kanya ang intense na pagbabasbas dahil first time ko lang na-experience na basbasan ako ng ganyan.
Nang pagkatapos ay tumingin siya kay Lei. Bigla siyang kinabahan. Sa hindi mawaring dahilan ay lumayo ng bahagya si Lei kay Father. Ang mga mapupungay na mga mata nito ay biglang lumaki at napayuko ng hindi oras sa paring kausap ko.
"Cheney, who's him?(sabay turo kay Lei) I supposed siya si Patrick?! Isn't he?" sabi ni father habang tumingin si Cheney sa kanya.
Tumayo si Cheney. Agad niyang hinatak papalayo si Father sa harap namin. Nagtaka kami ni Lei at kung bakit niya ginawa iyon sa pari. Sa isang sulok malapit sa unang mahabang upuan ng simbahan sila nag-usap. Mukhang seryoso at mysteryoso ang mga kilos at galaw na ginagawa ni Cheney kay Father. Agad na bumulong si Cheney sa pari. Sabay ngiti pagkatapos bulungan. Nang pagkatapos ay tumayo ang dalawa at lumakad papunta sa amin ni Lei.
"Oh, Lei!! Nice name!! Do you know what, the "Lei" in latin word means law? Batas iho! Ipinangalan sa iyo ang batas kaya sana, magamit mo ang kahulugan ng pangalan mo sa pang araw-araw mong ginagawa. May God bless you."
Lumapit si Lei kay father at binasbasan niya ito. Tulad ng pagbabasbas niya sa akin kanina. Napatayo si Lei at agad niyang niyakap si father.
"Oo iho, naiintindihan kita! Naiintindihan kita." sabi ni Father habang nakayakap si Lei sa kanya.
Bumalik si Lei pagkatapos yakapin si father. Mukhang naging magclose silang dalawa pagkatapos. Naaaninag ko kay Lei ang mga masasayang araw na nakasama ko si Patrick sa simbahan noon. Sana, siya na lang si Patrick, sana siya na lang!!
"Wow, this would be the most unforgettable moment in my life, cakie, imagine, si father na nagsuplong sa'yo ay nandito! halos kumpleto na tayo, kulang na lang at mag-celebrate tayo ng reunion together with father!!" sabi ni Cheney habang masayang hinahawakan ang dalawa kong mg kamay sa harapan niya.
Totoo ang sinabi ni Cheney, isang reunion sa aking nakaraan ang nagaganap ngayon. Si father na nag-alaga sa akin noong nawawala ako, si Cheney na kalaro ko noon, at si...
"Teka, kulang lang tayo ng isa at kumpleto tayo!! Si Patrick!!" sigaw ni Lei habang bumabalik sa upuan para umupo.
Si Patrick nga ang kulang. Kaso wala siya. Hindi siya pumunta. Sayang at dapat sana ay masaya kaming nagre-reunion na apat dito. Walang anu-ano ay bigla akong nalungkot. Masaya nga kami, kaso wala naman ang one true love ko. Nangako siya sa akin na makikipagkita siya sa akin dahil nami-miss na daw niya ako, pagkatapos hindi siya sumipot sa usapan namin. Bigla akong napayuko sabay lumuha.
"Unfair ka, Patrick!! Unfair ka!!" sigaw ko habang umiiyak ng hindi oras.
Biglang tumahimik ang lahat. Si Lei ay nakatingin sa akin na parang naawa. Ganun din si Cheney. Bigla akong nilapitan ni father at niyakap niya ako.
"Alam mo iho, mukhang matindi ang pagnanasa mo na makita si Patrick hindi ba?! Actually nandito siya..,.. Nandito siya sa puso mo, kaya wag ka nang malungkot!" payo sa akin ni father habang yakap-yakap niya ako.
"Pwede ba, let's just be happy!! Let's celebrate this reunion kahit wala si Patrick!! Teka father, me camera ako sa bag, magpi-picture lang tayo ah?!" sabi ni Cheney habang binubuksan ang dalang bag para hanapin ang camera.
Napatigil ako sa pag-iyak. Nang nakita ni Cheney ang camera ay agad siyang nagpatawag ng isang tao para kuhanan kami ng camera. Nikon ang tatak. Mukhang mumurahin, pero ayos na rin sa akin iyon. Nang tipong kukuhanan na kami, walang anu-ano ay inakbay ni Lei ang balikat ko at dinikit sa dibdib niya at sabay biglang nag-flash ang ilaw.
"Ano ka ba, Lei!! Ang sakit nun ah!!" sabi ko habang inaayos ko ang sarili ko pagkatapos gawin ang nakakainsultong pag-akbay sa leeg ko.
"Sorry, big bro.. Hindi lang ako nakapagtimpi. Matagal ko na kasi na hindi ko nagagawa yun eh, hehehehe....."dahilan ni Lei sa pag-aakbay niya sa akin sa leeg ko.
Agad na kinuha ni Cheney ang camera at tinignan. Nang tinignan ko ay laking gulat ko na may naalala ako sa ganung posisyon na ginawa naming apat sa picture.
Yung mga bata pa kami!! Tama!! Yung picture sa sentimental box ko na nag-iisa. Kaming tatlo ni Cheney at Patrick!! Sa digital camera ni Cheney nakita ko ang pagkakapareho ng posisyon naming tatlo sa nag-iisang picture ko noong bata pa kami. Si Cheney, naka-piece sign pagkatapos nakaakbay si Lei sa balikat ko!
"Ang ganda ng kuha, Cheney!! Isa pa ulit!!" sabi ni Lei habang nakatingin sa kuha naming apat sa camera.
Biglang dinapuan ng hilo si Cheney. Napaupo siya. Inalalayan ko ang likod niya at dinala sa upuan. Kumuha ako ng kahit anong gamot sa bag niya para inumin niya at nang nakakita ay agad na ibinigay sa kanya. Tinignan ko ang mukha niya. Parang nanghihina na hindi ko mawari. Tinulungan ako ni Father na kunin sa kanya ang camera at baka mabasag niya samantala, tulalang pinagmasdan kami ni Lei na animo'y hindi alam ang gagawin.
Nagpasya kaming umuwi na at hindi na naming tinuloy ang pagpunta sa SM Manila.
"Father, Salamat at tinulungan ninyo kami na alalayan si Cheney, sa totoo lang po, may taning na po ang buhay niya. Kung may chances pa, siguro not more than 30% na lang, kasi nasa terminal stage na ang sakit niya. Sana father, tulungan ninyo kaming magdasal para kay Cheney. Sana magmilagro po!! At sana, makasama namin si Cheney ng napakatagal pang panahon!!" sabi ni Lei habang inaalalayan namin si Cheney.
"Oo iho, gagawin ko. At kung kailangan ninyo ng spiritual support, please!! Don't hesitate to get me in touch. Si Cheney minsan naging katulong ko sa pag-aayos ng simbahan noong bata pa yan, kaya isa siya sa pinakaimportanteng anak-anakan ko. Basta, if you need some help, just call me here, and I'll be there in a hurry!!" sagot ni father kay Lei.
Nang umuwi kami ay agad kaming nagtungo sa bahay ni Cheney para makapagpahinga siya agad. Dinala namin siya sa kwarto niya. Nang sumunod na oras na iyon ay mas lumala ang sitwasyon ni Cheney. Tumaas ang lagnat nito hanggang sa nanginginig na at nadidiliryo. Hindi na kaya ng mga maintenance support na gamot ang pakiramdam nito kaya napagdesisyunan na ng pamilya nila na tumawag ng ambulansiya patungo sa UST Hospital.
Kasama ko si Lei na pumunta sa ambulasiya. Nasa loob kami ng hospital. Gabi na noong nakapunta kami. Nanginginig pa din si Cheney. Kasabay nun ang excessive sweating niya na akala mo binuhusan ng tubig sa buong mukha niya. Medyo nag-iiba na ang kulay ni Cheney. Nagkukulay talong siya na pati sa kamay ay kitang-kita na rin at nagiging malamlam na lumalaki ang maga ng ilalim ng mga mata niya.
"Kaya mo iyan Cheney!! Don't loose hope!! We're here too support you!! Don't ever give up!!" sabi ko habang hawak-hawak sa kamay niya habang naglalakad papunta sa Emergency Room.
Pinahinto na kami sa labas ng duktor. Umiiyak ang mommy ni Cheney samantala, hindi alam ng daddy ni Cheney kung ano ang gagawin. Siya lang kasi ang nag-iisang anak nilang babae kaya sobra-sobra ang pag-aalala nila sa kanilang anak. Agad kong pinaupo ang mommy ni Cheney sa upuan malapit sa ER. Andun din si Lei at sising-sisi sa ginawa niyang pag-invite kay Cheney na sumama sa kanya.
"This is all my fault, kuya!! This is all my fault!! Sana ako na lang ang nagkasakit, kuya!! Sana ako na lang ang pinapahirapan ng ganito, hindi si Cheney!!! This is so wrong!!!" sigaw niya habang umiiyak sabay tadyak ng malakas sa nakitang empty mineral bottle sa baba niya.
Tumayo si Lei sabay suntok sa dingding ng hospital gamit ang kaliwang kamao. Limang beses niyang ginawa iyon na malalakas at malulutong. Napansin ko din na mabilis magdugo ang mga kamao nito kaya nagpasiya akong pigilan siya sa ginagawa. Talagang malakas siya. Napahiga ako sa ibaba nang tinangka ko siyang pigilan sa ginagawa niya.
"Aaaarrrrrrggggggghhhhhhh!!!!"
Sigaw niya habang umiiyak habang nagwawala sa hospital!
"This is so wrong!! Dapat ako ang naghihirap ng ganyan!! Dapat ako!!"
Tumayo ako at sinubukang lumapit kay Lei. Sinampal ko siya biglaan ng malakas para matauhan siya sa ginagawa niya. Mahirap para sa aming tatlo na harapin ang kalagayan ni Cheney kaya wala akong nagawa kundi pakalmahin ko si Lei gamit ang sampal na ginawa ko sa kanya.
Itutuloy .....
Read more...