The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 7

Friday, October 14, 2011

Author's Note: Maraming salamat po sa mga nagbabasa nito.. I'm really really really sorry dahil uber late ang update ko :( Sorry po dahil naghintay kayu ng mejo matagal... Dami kasing mga homeworks na tinatambak sakin mga teachers ko everyday..sorry po talaga..


I would like to thank the following : russ , Rue , Erwin, dada , Roan , Jayfinpa , Darkboy13 , Mars , Jack , jm , wastedpup , kushu , Ace , mhei , jojie (and ur friend hehe) , MArc , royvan24 , mc , warren , patrick , Icy , Jasper Paulito , R3b3L^+ion , Mark Gonzales , superman , kenji , -SLUSHE_LOVE- , -jj- , -RL , John143 , Jaceph Elric , mcfrancis , eman_cruz , xndr. At sa lahat ng anonymous and silent readers ng MSOB and LOL. :) Siyempre I would like to thank my kuyas : kuya Jeffrey, kuya jm , kuya Liger , kuya Harvey :D , kuya coffee prince , kuya kenji , kuya kambal ko and kuya Vince ko. :) And lastly, I would like to thank the 2 persons who made all of this possible, kuya mike and kuya jayson :). Para sa mga hindi ko po nabati, eto na lang, MWAH! :)

Anyway, eto na po yung episode 7! Enjoy! :)

Episode 7 - Goodbyes and Hellos

"Sam..we're here to visit you.." sabi ni papa ng nakangiti..

Wew! Akala ko kung anu na eh!

Masyado ka kasing praning!

Sorry naman! iba kasi yung kutob ko eh!

"Kamusta ka na anak?" tanong ni papa.

Nagulat ako sa aking narining. "Marunong ka pong magtagalog papa?"

"Siyempre naman anak!" sagot niya. Tumawa naman ang mga kuya ko.

"Okay naman po ako papa..kayo po?" tanong ko.

"I'm fine too." tugon niya ng nakangiti.

Bigla akong nilapitan ni mama Amy..hinawakan niya ang mga kamay ko.."Sam anak...Pwede ka na bang sumama sa amin?"

Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya..Sh*t ayan na...Tama ang kutob ko..eto na ang pinakakinatatakutan kong manyari... Nakangiti lang silang lahat sa akin at naghihintay sa isasagot ko..

Sasama ka ba?

Hindi ko alam...

Gusto mo bang sumama?

Hindi ko alam....

Hindi mo alam?! Puro ka na lang hindi mo alam!

Eh hindi ko nga alam eh! Ikaw nasa utak ko, bakit hindi ikaw ang magsabi sakin kung ano nasa loob nito?!

...........

Oh ano?! bakit hindi ka makasagot?! Ang hirap hirap ng sitwasyon ko!

Nakikipagtalo ako sa boses sa utak ko ng biglang lumapit sa akin si mommy..

"Ah eh Amy,.Pwede ko muna ba siyang kausapin?" tanong ni mommy..

"Sige.." at nagngitian silang dalawa..

Niyaya ako ni mommy na pumunta sa kusina at doon nag-usap,.Hinawakan niya ang mga braso ko.

"Anak.." mangiyak-ngiyak siya ngunit nakangiti pa rin sa akin.

"Mommy.."

"Gusto kong malaman mo na....ayos lang sa amin ng daddy mo kung sasama ka na sa mga totoo mong magulang.." at tuluyan nang pumatak ang luha niya... "Karapatan mong makasama sila..At alam kong gusto ka na nila makasama..."

"Mommy.." tumulo na rin ang luha ko..Niyakap ko siya.

"Anak,..nanay rin ako...alam ko ang pakiramdam kapag nawalay sa akin ang anak ko..Mas matindi pa nga ang nararamdaman ni Amy..14 years siyang nangungulila sa'yo..."

"Ipinapamigay mo na po ba ako sa kanila mommy?" Patuloy pa ring tumutulo ang mga luha ko.kumals ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Hindi kita ipinamimigay anak..Kung pwede nga lang dito ka na lang..."

"Eh bakit niyo po ako binibigay sa kanila?" 

Niyakap lang ako ni mommy..Biglang lumitaw si daddy sa pintuan.

"Anak?." malungkot ang mukha ni daddy.

"Daddy.." agad akong yumakap kay daddy..niyakap niya ako ng mahigpit.

"Anak ko,.." sabi ni daddy.."Ako na dito Rosalie..puntahan mo muna sina Amy sa labas.."

Nakayakap pa rin ako kay daddy ng magpaalam sa amin si mommy..Niyaya ako ni daddy na umupo muna..Pinunasan niya ang mga luha ko at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Mga ilang minuto rin ang nakalipas,..

"Alam mo ba anak, ang saya saya ko nung dumating ka sa amin ng mommy mo..Kasi nagkaroon na kami ng anak...Lalo na lalaki ka..este, babae pala..." tumawa si daddy..

Natawa rin ako.."Daddy.."

"Tanggap naman kita diba?..dahil mahal kita anak ko.."

"Salamat po daddy.."

"Siyempre kasi anak kita..hindi man kita kadugo, magkarugtong pa rin ang puso.." niyakap ko siyang muli.. 

Mga ilang minuto rin siguro ang nakalipas na puno ng katahimikan bago siya magsalita muli..

"Anak..Kailangan mo nang sumama sa kanila..."

Tiningnan ko siya. unti-unting muling namumuo ang mga luha sa aking mga mata.


Ayaw na ba nila sa akin? Bakit nila ako ipinapamigay?

Sam, mahal ka nila..at ginagawa lang nila kung ano ang mas makakabuti sa'yo..kung ano ang dapat...kung ano ang tama..


"Hindi ka namin ipinamimigay..hindi ka namin ipinagtatabuyan....Ipinauubaya ka namin sa kanila...dahil sila ang tunay mong pamilya..."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya..tumulong muli ang mga luha ko.

"Anak, huwag mo sanang isiping hindi ka namin mahal...Mahal na mahal ka namin ng mommy mo anak ko..ginagawa lang namin kung ano ang nararapat..Hindi ka namin pwedeng ipagdamot sa mga tunay mong pamilya..masasaktan rin sila kung hindi ka sasama sa kanila..masakit man para sa amin..pero kailangan eh.."

Hindi pa rin ako nakasagot..tuluyan na akong humagulgol..Niyakap ako ni daddy..Hinayaan niya lang akong umiyak habang nakayakap ako sa kanya..Hinaplos niya ang ulo ko..

Inangat niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko..Hinalikan niya ako sa noo.."Lagi mong tatandaan anak..na mahal na mahal kita..Mahal na mahal ka namin ng mommy mo.." Nginitian niya ako.

"Mahal na mahal ko rin po kayo.."

So does this mean na sasama ka na sa kanila?

Excited much? tingnan mo na lang kung ano ang susunod na mga mangyayari sa..Agua Bendita..

Gaga! Agua Bendita ka jan?! Taong tubig ka teh? More like shokoy!

Gaga!


Bato bato sa langit, tamaan wag magalit!


Mali! Mali yang kasabihan mo na iyan!


Ha? Anong mali dun?


Bato bato sa langit,.......


O?


Ang tawag dun ay asteroids!!!


Loka loka!


:P

Pumunta na kaming muli sa sala ni daddy..Mukhang kinakabahan din sila sa magiging desisyon ko..


Ayokong iwanan sina mommy at daddy, dahil mahal ko sila..ayoko ring saktan sila mama at papa dahil mahal rin nila ako..at siyempre kahit hindi ko pa sila ganun kakilala, nanay at tatay ko pa rin sila..


So anu na?


Excited talaga teh?! Maghintay ka nga! Patience is a virtue!


Che!


Kaagad lumapit sa akin si mama Amy.."Anak?"

Huminga ako ng malalim...mahirap tong desisyon na to..Pero I have to do this..

"Sasama na po ako sa inyo mama.."

Kaagad akong niyakap ni mama..tuwang-tuwa siya sa kanyang narinig..maging si papa ay yumakap na rin sa akin.Nakita ko namang nakangiti lang sa amin sina mommy at daddy, pati na rin ang mga kuya ko..Lahat ay mukhang masaya, except kay Sai..Halatang pilit lang ang mga ngiti niya..Pero hindi ko na lang pinansin yun.



"Uhmm mama, pwede muna po ba akong magpaalam sa mga kaibigan ko?" tanong ko kay mama Amy.

"Sure anak!".

Lumabas ako ng bahay para pumunta sa bahay nila Macky..Kapitbahay lang namin sila kaya, konting hakbang lang, nandun na ako..Pinapasok ako kaagad ng katulong nila, naabutan kong nakaupo sina Macky at Coleen sa sala nila habang nagtatawanan at nanood ng tv..Natanaw ko naman sa dining area sina Cathy at kuya Marco..Mukhang sila na dahil ang sweet sweet nila..Hindi naman ako nagselos..

Naku!


Oo na sige na! Nagseselos ako! Pero konti lang ha!!!


Wala naman akong sinasabing nagseselos ka ah! Ikaw tong defensive! hahaha


Hayy nako!


Oo, nakaramdam ako ng selos, pero konti lang ha..Promise, konti lang talaga..Anyway,.

"O Av! Nandiyan ka pala!" sabi ni Macky.

"Ahh ehh..magpapaalam lang kasi ako sa inyo.." tintry kong wag umiyak..ayokong magburst out ulit ung mga luha ko, baka umiyak pa rin tong dalawa na to..

"Bakit??" tanong ni Coleen.

"Aalis na kasi ako.." sabi ko sa kanila. Nakayuko lang ako dahil ayokong makita nilang pumatak ang luha ko.

"Aalis ka? Saan ka pupunta?" tanong ni kuya Marco.

Tiningnan ko siya..Malungkot ang mukha niya..Ganun rin sina Macky at Coleen..Pinilit kong ngitian sila.."Sasama na kasi ako kila kuya." Pero biglang pumatak ang mga luha kong kanina pa namumuo.

Kaagad akong niyakap nung dalawa, sina Coleen at si Macky...Niyakap ko na lang din sila at hinayaang pumatak ang aking mga luha..Umiiyak na rin sila..

"Eto yung ayaw ko eh,..Yung mag-iiyakan pa tayo.." sabi ko sabay bitaw ng maikling tawa..

"Kailan ka ba aalis?" tanong ni Coleen.

"Mamaya na..kaya dumaan muna ko dito..para magpaalam sa inyo.." Pilit ko silang nginitian..kahit mahirap..kasi iiwanan ko tong mga abnormal pero mga mababait at mapagmahal kong mga kaibigan.."Wag kayung mag-alala, dadalawin ko naman kayo dito palagi.."

Niyakap nila kong dalawa muli.."Mamimiss ko kayung dalawa.."

"Mamimiss ka rin namin Av." sabi ni Macky.

"Sam.." Pag-cocorrect ko sa kanya..

"Ay oo nga pala,..Sam.." at nginitian niya ako..

Lumapit sa akin si kuya Marco..Nginitian ko siya...Niyakap niya ako ng mahigpit..Yumakap na lang rin ako sa kanya..Hindi kami nagsasalita..Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako sa mga mata..Biglang pumatak ang luha sa kanyang mga mata..Hinalikan niya ako sa noo at muling niyakap.

Ehem ehem, may nakakalimutan ka ata.


Ha? ano?


Si Cathy, gaga! Ang landi mo!


Ay shoot ou nga pala!


Kumalas ako sa pagkakayakap niya..Nginitian ko siya at tinignan si Cathy.. "Cathy."

"Hm?" tanong niya.

"Kapag pinaiyak ka nito sabihin mo sakin ha? Uupakan natin yan." sabi ko ng nakangiti. Tumawa naman silang lahat..

"Kaya mo ba akong upakan?" tanong ni Marco..

Nginitian ko lang siya..."Mamimiss kita kuya.."

"Mamimiss din kita..Pakabait ka dun ha? Wag sakit ng ulo? Wag ka na rin papakidnap!"

Natawa ako sa sinabi niya.."Sige, sasabihin ko sa mga kidnappers na wag ako ang kidnapin!"

"O sige na, pupuntahan ko pa si Van."

Niyakap nila akong muli..Nagpaalam sa isa't isa, at umalis na..Ang hirap magpaalam sa mga kaibigan mo..Lalo na sa mga kaibigan mong talagang parte na ng puso mo..Mahirap..Masakit..Nakakalungkot..Pero kailangan tanggapin..Makikita ko pa naman sila ulit..kaya let's think positive, sabi nga nila,.

Sunod kong pinuntahan si Van..Sa kanya ako pinakamahihirapang magpaalam..Iiyak na naman ako..Sumakay ako ng tricycle dahil nasa kabilang dako pa ng baranggay namin ang bahay nila..Dumating ako roon at naabutan kong nagwawalis sa labas ang nanay niya.

"Tita, good morning po,." bati ko kay Tita Ana. Nagmano ako sa kanya.

"Av anak, good morning din..Tulog pa si Van, ikaw na ang gumising." sabi ni tita.

"Sige po." pumasok ako sa loob ng bahay nila at dumiretso sa kwarto ni Van..Nakita kong nakahiga pa siya sa kanyang kama at himbing na himbing pa ang tulog..Lumapit ako sa kanya at humiga sa tabi niya.,Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya, at iniyakap ang aking kamay sa kanyang katawan..Tinitigan ko ang mukha niya, yung matangos niyang ilong, yung mapupula't malalambot na labi niya. Nasa ganoon akong pag-aadmire sa mukha niya ng bumukas ang kanyang mga mata..Lumitaw ang mga gray niyang mga mata..Nginitian ko siya at nginitian rin niya ako..Hinalika niya ako sa labi..

"Good morning." sabi niya..

"Good morning.." Hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko.

"Bakit ka umiiyak? May problema ba?" tanong niya..

Hindi ako nakasagot kaagad at tuluyan na akong umiyak..Ang hirap pala nito! Ni hindi ko man lang masabi na aalis na ako..


Kaya mo yan! Nakasurvive ka nga sa bingit ng kamatayan e, yan pa kaya?! Kayang kaya mo yan!


Niyakap ko siya ng mahigpit..

"Bunso ko? Bakit ka umiiyak? Anong problema?"

"Kuya...kinukuha na ako ng mga totoo kong magulang.."

Hindi siya sumagot..sa halip ay niyakap niya ako ng mahigpit..

"I'm sorry..." sabi ko.

"Shh...Wala kang dapat i-pag-sorry.."

"Okay lang sa'yo?"

"Kung ako ang tatanungin, hindi..Dahil magkakalayo tayo..at ayokong malayu ka sa akin..Pero kailangan mong gawin to..pamilya mo sila, dapat lang na sumama ka sa kanila.."

Hindi ako sumagot..

"Magkikita pa naman tayo diba? Pwede naman kitang dalawin dun, diba?"

Tinignan ko siya at nginitian..Hinalikan niya akong muli sa labi at nagyakapan kaming dalawa..



============================================


Dumating kami sa bahay nila, este bahay namin pala..Nakakamangha yung bahay nila, namin pala..Mansion...mali, hacienda! parang isang buong street yung daan mula sa gate papunta sa bahay..Sa daan, makikita mo yung mga puno, mga halaman at bulaklak na nakatanim. Yung bahay naman, PALASYO!

Eleganteng elegante! Pang-mayamang pang mayaman! Sinalubong kami ng 3 katulong. Pagpasok ko sa loob, nakita ko ang isang malaki't magandang chandelier na nakasabit sa kisame, ang mga paintings na nakasabit sa dingding at ang isang malaking family picture nila..Grabe wala akong masabi sa nakita ko..Sobrang ganda talaga ng bahay..Hinatid ako ni kuya Ken sa kwarto ko. Pagpasok ko ng kwarto ko, namangha akong muli..Ang laki! Malaki na yung kwarto ko nuon, pero ngayon, mas doble pa! May sariling bathroom, may sariling walking closet, may balchony..Ang laki nung kama, King size...May shelf ng books, at binilhan na rin nila ako ng sarili kong computer..

"Kuya, may laptop naman ako eh, bakit ka pa bumili ng desktop?" tanong ko.

"Eh mapilit si daddy eh..ibili ka raw, kaya ayan..At hindi lang iyan..Try sliding that door,." sabay turo sa isang furniture na parang isang cabinet..

I-ni-slide ko yung pinto at laking gulat ko sa nakita ko.. Isang 46-inch LCD tv..tapos sa ilalim nun, may PS3 with Move, at XBOX 360 with Kinect.

"Kami ng kuya Max mo ang bumili niyang mga consoles na yan para sa'yo. We also bought you some games,. Sana magustuhan mo.."

"Thank you kuya!!!!" niyakap ko siya..Ang bait naman talaga ng mga kuya ko.

Pagkatapos akong itour ni kuya Ken sa buong bahay, plus yung swimming pool, at yung baketball court, kumain na kami..masaya kaming kumakain..pero everytime na mapapatingin ako kay Sai ay matulis ang tingin nito sa akin,.

Anong problema niyang kambal mo?


Malay ko?


Oh well,.


Hindi ko naman ginawang big deal iyon..Hindi ko na lang pinansin..Dedma na lang..Natapos ang kainan, at natulog na ako.

==========================================

First day ko sa school nila Sai..Siyempre, nagtransfer ako ng school..nagshift rin ako ng course dahil iyon ang hiling ni papa, nahihiya naman akong tumutol kay pumayag na ako..so I decided to take Business Admin, katulad ng course ni Sai...Unang araw ko, and Sai didn't even bother teaching me the ways through the campus.

Kainis yang kambal mo ha!


Hayaan mo na lang..


Simula nung dumating ako sa bahay, ang sungit sungit na niya sa akin..Pag may tinatanong ako, sasabhin niya, "Bakit ba ang kulit kulit mo? Ang dami-dami mong tanong!"

Anyway, buti na lang ay may nagtour sa akin..Si Harvey..Siya raw ang assigned para magtour sa mga transferries..

"Hi! You must be Sam Wilson,. I'm Harvey del Rosario.." iniabot niya ang kamay niya sa akin.

"Hello, nice to meet you." sagot ko naman. Kinamayan ko siya.

Mabait si Harvey..Gwapo siya actually..Matangkad, moreno, maganda ang built ng katawan, mapula yung mga labi niya, may brown na mga mata, matangos ang ilong. Malakas din ang appeal..Pero siyempre, hindi ako nagpatukso, may boyfriend na kaya ako..

Buti naman alam mo na dapat wag ka magpatukso.


Siyempre! Ako pa?!

Inilibot niya ako sa buong campus. Inexplain ang mga rules, student code of conduct, pinakilala ako sa mga school administrators, principal, sa dean, sa lahat! Naikot nga namin ang buong school eh!

Sa unang class ko, College Algebra, nagulat ako na kaklase ko pala si Harvey..Parehas pala kami ng course na kinuha,..Nakahabol naman ako kaagad sa mga topics dahil naintindihan ko ito kaagad..Mataas naman kasi ang mga nakuha kong grades sa math nung highschool pa ako..

Natapos ang mga morning subjects ko at lunch break ko na..Pumunta ako ng canteen at bumili ng pagkain..Hindi naman ako gutom kaya napagpasyahan kong magsandwich na lang and then bumili ng iced tea,.Nakakita ako ng isang bakanteng table malapit sa bintana..Ewan ko ba, favorite spot ko yung somewhere malapit sa windows..Anyway, so ayun naupo ako..Kumakain ako ng biglang may kumalabit sa akin..Paglingon ko,

"Hey Sam!" nakangiti niyang bati sa akin.


--------------------------------
Until the next episode,
Sam.






contact me @:
FB : vince_blueviolet@yahoo.com (message na lang po kayo, say your blogger name or sabihin niu n lng po na nabasa nio tong story na ito sa site na ito.)
YM : binz_32@yahoo.com

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP