Showing posts with label The Best Thing I Ever Had. Show all posts
Showing posts with label The Best Thing I Ever Had. Show all posts

The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 10

Thursday, November 17, 2011

Author's Note: I would like to thank all the people who supported this story..Maraming maraming salamat po sa lahat ng tumangkilik nitong akda ko simula pa nung una..Nakakatuwa kasi I never thought na maraming magbabasa nitong story kong ito, coming from a sixteen year old amature writer..Hindi niyo po alam kung gaano ako kathankful at kung gaano niyo po ako napapasaya sa mga comments niyo..Thank you thank you po talaga sobra!!! I love u all!!! mwah!!!


I would like to thank the following :
Jack , zenki ,Mars ,kushu, Jayfinpa, mj, wastedpup, Roan, Rue, russ , MArc , R3b3L^+ion , jm , dada ,  Darkboy13 , jm ,Ace , mhei , jojie (and ur friend hehe) , royvan24 , mc , warren , patrick , Icy , Jasper Paulito , Mark Gonzales , superman , kenji , -SLUSHE_LOVE- , -jj- , -RL , John143 , Jaceph Elric , mcfrancis , eman_cruz , xndr , allan , joed , alejandro, senn. At sa lahat ng anonymous and silent readers ng MSOB and LOL. :)
Siyempre I would like to thank my kuyas : 
kuya Jam, kuya Daren, kuya kenken, kuya Win, kuya jamespot, kuya Liger, kuya Lance , kuya Harvey, kuya kambal ko , kuya dendenpot , kuya kenji , kuya jennor , kuya Jeffrey, kuya jm, kuya Vince(love u!).
salamat din sa mga bestfriends kong sina Coleen and Macky! Thanks girls! Love ya! :D
And lastly, I would like to thank the 2 persons who made all of this possible, kuya mike and kuya jayson

sa mga ndi ko po nabati, maraming salamat po and mwah!!! :D

anyway, eto na po ang finale!! enjoy reading!

Episode 10 - Everyone is Meant to Say Goodbye - The Finale


SAM WILSON

“I’m Sav..your other twin brother..” sabi ng lalaking nasa harap ko na kamukhang kamukha ko.

“Ano?! Kakambal din kita? I thought dalawa lang kami ni Sai,..” sabi ko…Bakit hindi nila ako pinakilala sa kanya??

“Matagal na tayong magkakilala..” sagot naman niya.

Teka, coincidence lang ba ito? Bakit niya nasagot yung tanong ko? Eh nasa isip ko lang naman yung tanong ko?

“Dahil nababasa ko yung iniisip mo Sam..” sagot ulit niya,.

Biglang nanlaki ang mga mata ko.. “This is so creepy…”

“Wala pa yan,..meron pang mas creepy jan..” sabi niya ng nakangiti,.

Sh*t ano ba to?? Bakit ganito…natatakot na ko…Boses? Boses? Asan ka?

Pero walang sumagot na boses..sa halip, si Sav ang sumagot.

“Nandito ako..sa harap mo Sam..” sabi niya.

“Ano??” nagtatakang tanong ko.

“Hindi mo ba nakikilala ang boses ko?” sabi niya.

Nagi-isip ako.. Pamilyar nga ang boses niya, pero hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig..

Nagbuntong hininga siya.. “Ano ba teh?! Nakakaloka ka huh! Chuchugiin na kita jan eh!”

Nagulat ako sa narinig ko.. “Ikaw?!” sabi ko.

“Tumpak teh! Ang slow mo huh! Kung hindi pa ko magsalita ng ganito hindi mo ko makikilala!” sabi niya.

“Ikaw yung boses sa utak ko…pero…pero paano?”

“Okay, ieexplain ko sayo..Halika.” yaya niya sa akin..

Inabot niya ang kamay niya sa akin, hinawakan ko naman ito.. Pagkatapos ay bigla na lang nagliwanag ang paligid. Nasilaw ako sa liwanag kaya tinakpan ko ang mga mata ko, ng mawala ang liwanag, nakita ko na lang na nag-iba ang paligid..nasa ospital kami..nakatayo kami sa tapat ng nursery..May tatlong bata na nasa loob..

“Si Sai yan..” Turo niya sa isang malusog na bata.

“Ako yan..” turo naman niya sa baby sa gitna na may iba’t ibang apparatus na nakakabit sa katawan.

“Ako tong huli?…” tanong ko..sabay turo sa isa pang baby na katulad ng nauna, ay may mga apparatus din na nakakabit sa katawan..

“Oo Sam..ikaw yan..” sagot niya.. “Parehas tayong mahina ang puso nung pinanganak tayo..Si Sai lang ang malusog at maayos nung pinanganak..”

Napatitig lang ako sa 2 baby..Nakakawa nga silang tingnan..Maya maya, biglang dumating si Papa..Nakatingin siya sa mga baby..tahimik lang siya, maya maya’y nag-umpisa nang pumatak ang kanyang mga luha..Habang nakikita ko si papa na umiiyak, parang gusto ko siyang yakapin..

“Papa..” sabi ng isang bata na lumapit kay papa.

“Si kuya ken…” sabi ko.. Nasa apat o limang taon pa lamang siya noon..Nakilala ko siya kaagad dahil hindi nagbago ang ichura niya, lumiit lang, tapos mas cute..

Binuhat siya ni papa.. “Look Kenny, these are your little brothers, Sai, Sav, and Sam..” sabi ni papa sabay turo sa aming tatlo..

“Sam!!” sabi ni kuya Ken..

Parang nanlambot yung puso ko..Ewan ko..kasi pangalan ko yung binanggit niya..Naiyak ako..

“Baby pa lang tayo, mahal ka na talaga ni kuya Ken..” sabi ni Sav.

Hindi na ko nakasagot..nakatitig lang ako kila papa at nakangiti habang pumapatak ang aking mga luha..

“Papa, what’s that?” tanong ni kuya sabay turo sa mga tubong nakakabit sa aming katawan..ang cute ng boses niya..

“Uhhm..those things are tubes connected to your brothers’ body to help them breathe..” sagot ni papa.

“hmmm?” sabi ni kuya ken na mukhang litong-lito, mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ni papa..

Natawa na lang si papa at niyakap siya ng mahigpit..

“Can I hug Sam?” tanong ni kuya Ken, na lalo naman nagpaiyak sakin..

“Iyakin ka talaga.” Singit ni Sav.

“Alam mo ikaw, panira ka talaga ng moment!” sumbat ko sa kanya.

“Oh sorry na po..” sabi niya.

“Yes you can hug Sam..You can hug him after he get out of the hospital.” Sabi ni papa ng nakangiti.

“Yehey!” sabi ni kuya Ken..

Nasa ganoon akong pagtitig sa mag-ama ng biglang nagsalita ulit si Sav.

“Namatay ako noong baby pa tayo..Nabuhay ka..nung namatay ako, naging mabuti ang kalagayan mo..mahirap mang paniwalaan,..pero nagsakripisyo  ako para mabuhay ka..dahil gusto kitang mabuhay..ikaw ang bunso namin Sam..sa ating magkakapatid, ikaw ang pinakapinahahalagahan naming lahat..kaya hindi rin ako nagsisisi sa ginawa ko..” pagsasalaysay ni Sav.

Napatitig ako kay Sav..niyakap ko siya ng mahigpit at nag-iiyak sa kanya.. “Thank you Sav..thank you..kuya..”

“Anu ba yan! Ang drama mo! Pati ako naiiyak sayo eh..” sabi niya..

Natawa naman ako sa sinabi niya.. “Utang ko pala sa’yo ang buhay ko..”

“Naku, wag mo na isipin yun..ginawa ko lang kung ano ang dapat..kung hindi ko ginaw ayun, marahil parehas tayong namatay,.” Sabi niya.

“So paano ka naging boses sa utak ko?” tanong ko.

“Nung mamatay ako, hindi talaga ako tuluyang namatay, kasi, kaya ka nabuhay, sumanib ako sa’yo..” sabi niya.

“Ha? Ang gulo naman..” sabi ko sabay punas sa mga luha ko.

“Diba nga mumu na ako dahil nga tigok na ko, para mabuhay ka, pumasok ako sa body mo. Basta! Mahirap iexplain!” sabi niya.

“Hmmm..sa tingin ko mejo gets ko na..” sagot ko.

“Kaya ako’y ikaw,..at ikaw ay ako..” sabi niya.

“Pelikula lang teh?”

“Gaga! Tumigil ka nga! Seryoso ko no!”

“okay.”

Natahimik kaming dalawa..

“Teh, wag kang masyadong seryoso, di bagay sau, nagmumuka kang lesbiana!” bulong ko.

Binatukan niya ako.. “Uuum!! Lesbiana pala huh! Gusto mong bawiin ko buhay mo?! Halika na nga!”

Tumawa na lang ako..Nagliwanag muli ang buong paligid at bumalik na kami sa sementeryo kanina..

“Teka, patay na ba ko?” tanong ko..Kasi, kanina pa kami magkasama tapos ngayon ko lang naalala kung anong nangyari.

“Hindi pa..Buhay ka pa..” sabi niya.

“Kung buhay pa ko, bakit ako nandito?” tanong ko..

“Nandito ka, para papiliin..”

“Papiliin? Papiliin saan?”

“Aalis na kasi ako sa katawan mo..kailangan ko nang pumunta sa langit..” sabi niya.

“Sa langit ka pupunta teh?” sarcastic na tanong ko sa kanya.

Nakatanggap ulit ako ng isang matinding batok.. “Ummm!! Pasalamat ka magkapatid tayo! Kung hindi, naku!!”

Napatawa na lang ako..“So what does that have to do with me?” tanong ko.

“Ikaw ang shunga mo talaga..okay, diba nga parte ako ng katawan mo, so pag umalis ako jan, magiging mahina na yung katawan mo, pwede kang mamatay..”sabi niya.

“Teka, mamatay ako??”

“Oo nga! Paulit-ulit? Parrot teh? O unli lang?”

Napatulala lang ako..

“Pero wait lang..pwede ka pa rin namang mabuhay,..kaya lang may kundisyon..” sabi niya.



SAI WILSON

Ng imulat ko ang mga mata ko, nakita ko ang sarili ko sa isang lugar na kung saan ay puti ang buong kapaligiran.. Wala kang maaaninag na bagay, siguro nga’y walang kahit anong bagay na narito. Lumingon lingon ako sa aking paligid..

“Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko..

Paglingon ko sa likod ko, nakita kong may isang lalaking nakatayo, nakatalikod siya..

Teka, parang kilala kita..

“Sam?” tanong ko sa lalaking nakatalikod..Hinawakan ko ang balikat niya at iniharap siya sa akin..nakapikit siya’t umiiyak..

“Sam!” sabay yakap ko sa kanya.. “I’m sorry Sam…hindi ko sinasadya.. I’m sorry..” nag-umpisa na ring pumatak ang aking mga luha..

Umiiyak siya ngunit ako’y nagulat ng bigla niya akong itulak palayo sa kanya.

“You killed me Sai!” sabi ni Sam. Punung-puno ng galit ang kanyang mga mata habang pumapatak ang kanyang mga luha.. noon ko po lang siya nakitang magalit ng ganoon katindi.. “You killed me!!”

“No Sam..hindi ko sinasadyang masaktan ka..please forgive me..” pagmamakaawa ko sa kanya.

Lumapit siya bigla sa akin at sinakal ako..

“Sam, I can’t breathe!” sinubukan kong tanggalin ang kamay niya ngunit masyado siyang malakas..parang hindi si Sam ang nasa harap ko..

“You’re gonna pay Sai!!!”

Nagising akong niyuyugyog ako ng isang tao.. “Sai! Sai!”

Pagbukas ng mga mata ko, nakita ko si Harvey na nakahawak sa magkabila kong balikat. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit.. “I’m sorry…I’m sorry…I didn’t mean to..I’m sorry..” at humagulgol ako sa kanya.

Niyakap naman ako ni Harvey.. Tumingin ako sa kanya.. “I’m sorry Harvey..I’m really sorry..”

Pinunasan niya ang mga luha ko at nginitian niya ako.

“Hindi ka galit sa akin?” tanong ko.

“Magalit man ako sa sa’yo ngayon, wala ring saysay kung mag-aaway pa tayo, sa ngayon, kailangan tayo ni Sam..” sagot naman niya..

Medyo gumaan naman ang loob ko sa sinabi niya kahit na alam kong may galit pa rin siya sa akin.. “I’m really sorry Harvey..sa lahat ng ginawa ko…I’m sorry..”

“Bakit mo ba kasi nagawa yun? Wala namang ginagawa sa’yong masama si Sam eh..” sabi niya.

Napayuko ako..

“Nagseselos ka ba?” tanong niya. Inangat niya ang mukha ko.

Tumango ako sa kanya.

“Hindi mo kailangan magselos, sa binibigay na atensyon ng mga tao sa kakambal mo Sai..ilang years niyo siyang hindi nakasama..siyempre gusting mag-catch up ang pamilya mo sa mga oras na hindi nila nakasama si Sam..Hindi yun rin naman ang gusto mo noon pa? Ang makita na ulit ang kakambal mo? Pero bakit mo ginawa to?”

“Kaya nga nag-sisisi na ko Harvey..Mali ako..Naging masama ako kay Sam..hindi naman siya ang may kasalanan ng lahat ng to..Pero siya pa rin ang sinisi ko..Kaya gusto kong manghingi ng tawad sa kanya..at itama ang lahat ng mali ko..sa kanya..at sa iyo na rin..”

Niyakap niya ako..

“Does this mean na okay na tayo?” tanong ko.

“Oo..Just don’t this again..Please??”

Tumango ako.. “Thank you..”

Pumunta kami ni Harvey sa tapat ng kwarto ni Sai..nasa ICU pa rin siya..unstable pa rin siya..Sa labas ng kwarto ni Sam, naroon sina mama, papa, at sina kuya. Nilapitan ko si mama..

“Mama I’m sorry…”

“No anak…I’m sorry..” at pumatak ang luha ni mama.. “Dahil sakin kaya ka nagkaganito..”

“No ma, it’s my fault..I’m sorry..”

“Shh…ako ang may kasalanan..kung hindi ko lang siguro ipinikit ang mata ko, sana nakita kita..kung hindi ko sana hinayaang mabuhay ako sa nakaraan, hindi ka siguro magagalit kay Sam..I’m sorry anak ko..” at niyakap ako ni mama. “I missed my son..”

“I love you ma..” habang umiiyak kaming magkayakap.

“I love you too anak..” at yumakap na rin sa amin si papa at sina kuya..

Gumaan ang loob ko dahil dito..Pero hindi pa rin tapos ang lahat.. Sabi nina mama, Sam had fractures on his legs and arms,tapos nag-internal bleeding pa raw siya dahil sa pagkakabagok ng ulo niya..Hindi ko mapigilang hindi mapaluha habang tinitingnan ko siya..may benda ang ulo niya..pati na rin ang braso niya..Habang tinititigan ko siya, mas nagi-guilty ako sa ginawa ko..

Dapat hindi kosa kanya ibinunton ang galit ko..wala siyang kasalanan.. Lord..iligtas niyo po ang kakambal ko..please..




SAM WILSON

“Kundisyon?” tanong ko.

“Oo..”

“Ano?” tanong ko.

“Mabubuhay ka, pero…pero…”

“Pero????” lumapit ako sa kanya.

“Atat lang teh?” sabi niya.

Binatukan ko siya.. “Umm!! Just go straight to the point!”

“Pero mawawala ang ala-ala mo!” sigaw niya sakin.

“Galit ka?!”

“Hindi, nagpapaliwanag lang..” sabi naman niya.

Napatahimik ako…Nun ko lang narealize na dapat pala nashock ako sa narinig ko..o kaya naman eh, nalungkot..ito kasing si Sav eh, panira talaga.

“Aba at ako pa ang panira huh?” singit niya.

Ayy oo nga pala naririnig niya ang mga sinasabi ko sa utak ko..tanga ko talaga..

“Tanga ka talaga!” sabi niya sabay tawa.

Nakatikim siya ulit ng isang batok.. “Umm!”

“Aray ha, nakakailan ka na!”

“Pwede ba tumahimik ka muna just for once?”

At hindi na siya nagsalita..tumalikod muna ako sa kanya at naupo..tumingin sa malayo,.Mga ilang segundo rin ang nakalipas bago ko maclear-out ang isip ko..

Gusto ko pa rin namang mabuhay…pero mawawala lahat ng ala-ala ko..para na rin akong namatay nun..so dapat ba piliin ko na lang mamatay at sumama sa kanya sa langit? O pipiliin kong magstay na lang sa lupa, at harapin ang kung ano mang mangyayari sa akin doon? Mahihirapan ako..since nga mawawala na lahat ng ala-ala k..and what’s worst is, it’s permanent..wala nang way para maibalik ko lahat ang ala-ala ko..so magsstart na naman ako ng panibagong buhay ko? Sayang naman ang mga masasayang ala-ala diba? Eh kung mamatay na ko, madadala ko lahat ng ala-alang iyon sa kabilang buhay..yun nga lang, malulungkot silang lahat kapag nawala ako..mamimiss ko silang lahat…pero kung mabubuhay naman ako, para na rin akong nawala..nandun nga ang katawan ko, wala naman ang sarili ko…yung totoong ako.. hay..bakit ba kailangan ko pang pagdaanan toh?? Arrgghhhh..

Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang sumingit si Sav.

“Oh ano? Nakapagdecide ka na ba?”

“Mukha ba kong nakapagdecide na? Kita mong isip ako ng isip dito eh!”

“Sorry naman!”

Biglang sumagi sa isip ko si Van.. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?galit pa kaya siya sa akin??



VAN ROMERO

“Sam please answer the phone…please…”  Ilang beses kong tinatawagan si Sam pero hindi siya sumasagot..

Ang tanga tanga ko kasi! Bakit hindi ko napansin kaagad na hindi siya yung nasa picture? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? Anong klase akong boyfriend!! Arrgggg!! Wala kang kwenta Van!!Wala kang kwenta!!!

Nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang mag-ring ang phone ko..

“Hello?”

“Van!” parang pamilyar ang boses niya.

“Harvey?” tanong ko.

“Ako nga.. Did you know about what happened?”

“Oo, alam ko na.kasama mob a si Sam ngayon? I want to apologize to him..” sabi ko..

“Sam’s in the hospital!”

“Ano?!” gulat na tanong ko.. “Anong nangyari sa kanya?!”

“He fell off the stairs..Pumunta ka na lang dito sa ospital.” Sabi ni Harvey.

Sinabi na sakin ni Harvey ang ospital kung saan dinala si Sam at kaagad akong nagpunta roon..Ilang oras rin ang biyahe..Pero ang nasa isip ko lang, ang makarating kaagad kay Sam..Pagkadating ko sa ospital, nakita ko kaagad si Harvey na naghihintay sa akin sa lobby ng ospital.

“Van! Buti naman nandito ka na..” Bati sa akin ni Harvey

“Asan siya?” tanong ko.

“Halika, sumunod ka sa akin.”

At sinundan ko agad si Harvey.. Nakailang ikot rin kami at narrating na namin ang kwarto niya.. nasa ICU pa rin siya..pero makikita mo siya mula sa malaking bintana ng kwarto..nasa labas naman lahat ang pamilya niya..

Hindi ko maiwasang maluha sa aking nakita..nagsimula na akong umiyak at naramdaman ko na lang na may tumapik sa likod ko.. Si kuya Ken..

Ibinigay niya sa akin ang singsing na ibinigay ko kay Sam noon..
Sa pagkakakita sa singsing, lalo akong napahagulgol..Kinuha ko ito at tinitigan..hinalikan ko ang singsing..

Bunso ko…wag kang susuko…nandito lang ang kuya…please bunso..wag mo kong iiwan..mahal na mahal kita…





SAM WILSON

“Ano na?” tanong ni Sav.

“Sandali lang!” sagot ko naman.

“Aba! Anong petsa na teh?!”

“Atat ka naman! Sa tingin mo ba madali para sa akin to ha?!”

Natahimik naman siya..

Nag-isip muli ako…makalipas ang ilang minuto..

“Nakapag desisyon na ko..” sagot ko..




SAI WILSON

Pumunta kaming lahat sa chapel ng ospital para doo’y magdasal..Naiwan si Van kay Sam..alam kong may kasalanan pa ko kay Van.. At nagsorry naman ako sa kanya..hindi niya ako sinagot ngunit inintindi ko na lang siya…sana lang ay mapatawad nila ako ni Sam..

Habang nakaluhod ako sa chapel,.

Lord..alam ko pong marami akong naging kasalanan..sa inyo, sa pamilya ko, sa ibang tao..at lalo nap o sa kapatid ko…sa kakambal ko…sa sarili kong kadugo..Patawarin ninyo po ako...Hindi ko po sinasadyang masaktan si Sam..Hindi ko po sinasadya..I’m not religious..pero sabi nila pag humiling ako sa iyo, ibibigay mo..kakapalan ko na po ang mukha ko..Isa lang naman po ang hinihiling ko..Please let my brother live..please…wag niyo po kunin si Sam sa amin.. Mahal na mahal po namin siya..please Lord..nagmamakaawa po ako sa inyo…Wag niyo po siyang kunin..

Umiiyak ako habang nagdadasal.



VAN ROMERO

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Sam..nakasuot ng mga damit na parang sa mga doctor kapag nag-ssurgery..Nilapitan ko si Sam..hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at idinikit ito sa pisngi ko..

“Bunso…si kuya to…” habang tumutulo ang luha ko.. “Kung naririnig mo man ako ngayon,..I’m sorry.. I’m sorry kasi hindi kita pinaniwalaan..I’m sorry kung hindi ako nagtiwala sa’yo..I’m sorry bunso ko..sana mapatawad mo pa si kuya..”

Ngunit wala siyang kahit anong response.

“Bunso ko…wag kang susuko…wag kang bibitiw…wag mo kong iiwan..please…mahal na mahal kita bunso ko…mahal na mahal kita…”

Umiiyak ako doon ng mag-umpisang humingang malalim si Sam..Bigla akong nabahala.

“Sam!”

Tinignan ko yung machine kung saan makikita mo ang heartbeat niya. Mabilis ang tibok ng puso niya, pagkatapos ng ilang segundo’y nagging straight yung line..wala na siyang heartbeat..

“Sam! Sam! NO! Sam!”

Tumawag kaagad ako ng doctor..kaagad namang dumating ang mga doctor…dumating rin ang mga Wilson..

“What’s happening? Sam! Sam!” sigaw ng mama ni Sam.

Nakatingin lang kaming lahat,.lahat ay umiiyak..

Sam please…don’t leave me…please…

Ngunit hindi siya nabuhay…Tumigil na ang doctor..tumingin siya sa amin at umiling..

“Time of death, 3pm.” Sabi ng doctor..

“Sam!!!” sigaw ng mama ni Sam..

“bunso ko!” sigaw ko naman..

Kaagad akong lumapit sa kanya..

“Bunso!! Bakit mo ko iniwan?! Bakit?!!” habang umiiyak ako sa tabi niya..

Umiiyak rin ang mga Wilson..

Biglang lumabas ang mama ni Sai..sinundan naman siya ng asawa nito at ni Sai..

Nilapitan ako ni Ken at hinimas ang likod ko..

“Akala ko ba mahal mo ko?! Bakit mo ko iniwan?! Bunso!!!” humahagulgol pa rin ako habang nakahawak sa kamay niya..

Nasa kalagitnaan kami ng iyakan..ng nagulat kami ng biglang umubo si Sam na parang nasamid at umangat ang ulo nito..Kaagad siyang humigop ng hangin at bumukas ang kanyang mga mata..

“Sam!!!” sabay sabay naming sigaw nina Max at Ken.



SAM WILSON

Para akong nalunod ng magising ako..Pagbukas ko ng mata ko, nakita ko kaagad ang kisame ng isang kwarto..naramdaman kong may mga nakahawak sa akin..pagtingin ko, nakita ko ang mga kuya ko na nakangiti ngunit may luha sa kanilang mga mata, at si Van..

Teka, bakit natatandaan ko pa rin sila? Sav? Sav??

Hiniling ko sa Diyos na huwag na lang kunin ang ala-ala mo..Para na rin hindi ka mahirapan..kapalit na rin ito ng oras na nagkasama tayo..

Thanks Sav…thank you! I love you!

I love you too bunso…pakabait ka ha? Alagaan mo ang sarili mo..pangalawang buhay mo na ito, kaya ingatan mo..

Paano ka?

Aalis na ko..Kaya mo na naman ang sarili mo…

Thank you talaga! Iniligtas mo nanaman ako…Utang ko talaga sa’yo lahat, simula pa nung baby pa tayo..hindi ko alam kung paano ako makakapagpasalamat sa’yo..

Wag mo nang intindihin yun..basta alagaan mo na lang ang sarili mo at ang mama..

Opo..kuya..

Paalam na bunso ko..

Paalam kuya..i love you!

Mahal din kita bunso…mahal na mahal..

Naluha ako sa pag-alis ni Sav...

Napakabait niya,..simula pa nung baby pa kami, isinakripisyo niya ang sarili niya para sa akin..pagkatapos ngayon, hiniling pa niya na wag na lang mawala ang ala-ala ko..Ang bait talaga niya..nakakainis man siya minsan, malambot pa rin talaga ang puso niya..Kungdi dahil sa kanya, wala ako dito ngayon..

Tumingin ako kay Van.. “Kuya..”

Kaagad niya akong niyakap..“Bunso ko!!” ang higpit ng yakap niya.

“Max! Call mama and papa!” sabi ni kuya Ken..

Humarap sa akin si Van at hinawakan ang magkabila kong pisngi..hinalikan niya ako sa noo.. “bunso ko…”

Nginitian ko siya..

Sunod naman akong niyakap ni kuya Ken.. Maya-maya’y dumating na sina mama kasama ng mga doctor.. gulat ang mga mukha nilang lahat.

“It’s a miracle!” sabi ng doctor… “Paanong??” taking taka ang doctor.

“Anak!!” kaagad akong niyakap ng mga magulang ko..

“Ma..Pa..”

Pagkatapos ay sinuri ako ng doctor… “This is unbelievable...” hindi pa rin makapaniwala ang doctor.. “Paano kang nabuhay? You just died!”

Natawa naman ako sa reaksyon ng doctor.

It’s a long story..



Lumipas ang mga araw at unti unting gumaling ang mga sugat na natamo ko.. Himala ring naghilom at gumaling ang mga nabali kong buto..sa loob ko, marahil ay gawa rin ito ni kuya Sav..Alam kong siya ang nagpagaling ng mga ito..

Okay naman kami ni Sai..hindi naman ako nagalit sa ginawa niya..abot nga ang paghingi ng tawad niya sa akin..sinabi ko naman sa kanya na okay na kami.. Dinalaw rin ako sa ospital nina mommy, daddy, Marco, Macky at Coleen.

Dumating na rin ang araw ng paglabas ko sa ospital..Magaling na ang mga sugat ko..pati ang mga pilay ko…ang galing nga eh, ang bilis kong gumaling..Thank you talaga sa kakambal ko na nasa heaven! Hiniling kong dumaan muna sa puntod ni Sav bago kami umuwi..Sinamahan ako nila akong lahat..

Kuya..okay na ko..thank you talaga ha…Utang ko sa’yo lahat..babawi ako sa’yo kuya..promise…

Naiwan kami ni Sais a puntod at nauna na sa kotse sina mama.

“Sam..”

“hmmm?”

“Sorry…sa lahat..” sabi niya..

“Sai..diba napag-usapan na natin toh?”

“Oo pero..gusto ko lnag ulit manghingi ng tawad..ang dami kong kasalanan sa’yo..sorry talaga..”

“Kalimutan na lang natin ang mga nangyari okay? Wag mo nang alalahanin yun..” sabi ko sabay ngiti..

Niyakap niya ako..tinugon ko naman ang yakap niya.. “Thank you Sam..ang bait mo talaga..thank you!”

Habang kayakap ko si Sai, naramdaman ko ang malamig na hangin na umihip..

Kuya Sav..alam kong naririnig mo ko ngayun..gusto ko ulit magpasalamat sa’yo..thank you talaga..

At ayun..okay na kami ng kambal ko..okay na ang lahat..okay na kami ni Van..hindi nga siya umalis sat abo ko nung nasa ospital ako eh..at nung dumating kami sa bahay namin, nandoon din siya, hinihintay ako..magkakasama kaming kumain..magkatabi rin kaming natulog ni Van noon…sa kwarto,

“Bunso ko..” sabi niya habang magkayakap kaming dalawa..

“Yes po kuya ko?”

“Sorry ha…”

“Sorry po saan?”

“Sorry kasi hindi ako naniwala sa’yo noon..na nagpadalos dalos ako sa mga ginawa ko..sorry talaga..”

“Kuya, kalimutan nap o natin yung nangyari noon..Wala na po yun..Wag mo na pong intindihin yun..” Wala na naman kasi talaga sa akin iyon..tapos nay un eh..what’s important is what we have now..

Niyakap niya ako ng mahigpit.. “Thank you bunso..I love you..”

“I love you too kuya ko…”

At hinalikan niya ako sa labi.. at magkatabi kaming nakatulog.

Lumipas ang mga araw, at bumalik na sa dating takbo ang buhay ko..Hindi na masungit sa akin si Sai..actually, sweet na siya sa akin ngayon..kapag may nang-aaway sa akin, siya ang umaaway..silang dalawa ni Harvey. Ay oo nga pala! Sila na! oo! Sila na! O diba bonnga? Masayang masaya pa nga silang dalawa ng ibinalita nila sa akin na sila na.. Kapag may problema silang dalawa, sa akin sila tumatakbo at humihingi ng advice..tinutulungan ko naman sila…

Kami naman ni Van, maayos ang relationship namin..may mga misunderstandings minsan pero naaayos naman kaagad..Ang promise pa nga niya sa akin, kapag naggraduate kami ng college, pupunta kami sa America..dun kami maninirahan at papakasalan daw nya ako doon..

Naging maayos na ang buhay ko..wala ng away..wala ng gulo…naranasan ko ng magmahal..ang mahalin..ang masaktan..ang sumaya..ang malungkot..ang matakot..ang mamatay..ang mabuhay muli..at sa lahat ng karanasan ko..isa lang ang masasabi ko..kahit na ganito ang nagging buhay ko,

THIS IS THE BEST THING I EVER HAD..


-------------------------
Goodbye!
Sam / Av.


 Again, thank you po ulit!!! MWAH!

contact me @: 
fb: vince_blueviolet@yahoo.com
ym : binz_32@yahoo.com

(message na lang po kayo, say your blogger name or sabihin niu n lng po na nabasa nio tong story na ito sa site na ito. thanks!)

Read more...

The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 9

Tuesday, November 8, 2011

Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.

            Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)

            Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
             PEBA ENTRY - PANTALAN
             http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html


            Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
             PEBA FB PAGE
             http://www.facebook.com/PEBAWARDS

             Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
             PEBA PIC ENTRY
             http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater

             Pang-apat, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
             POLL VOTING

             Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)


Author's Note : I and my friend Domo are so sorry for the late update..Busy po kasi talga..sorry po!! :(


I would like to thank the following :
Jack - maraming salamat po! Naku, malay mo po, kalahi rin si Sai! Joke.anyway, thanks din po sa pagbabasa :D
zenki - Si Sai lang naman po kasi ang problema eh! Joke. Sana nga po maging ok na sila..thanks din po! :)
Mars - Naku! Magandang issue po yan ah! Pero tingnan na lang po naitn kung ano ang mga mangyayari sa mga next chapters.
kushu - Hehehe, maraming salamat po! :D
Jayfinpa - Baka po tama ang hunch niu..pero baka hindi rin..lol..tingnan na lang po natin sa mga next chapter..thanks po!
mj - Maraming maraming salamat po at nagustuhan niyo itong akda kong ito..at dahil jan, may kiss ka! MWAH! hahaha thank u po tlga :)
wastedpup - C Van nga ba?? Tingnan po natin sa chapter na to,.hehe ingat ka rin po!
Roan - Heheh ou nga po eh, masyado kasing mahilig sa mga kuya si Sam..anyway, thanks po!! :)
Rue - Naku! Mas bitter pa nga sa ampalaya si Sai eh! hahaha! Ano nga ba talaga ang nangyari sa nakaraan?? Hmmm di ko rin po lam eh! hahah, tingnan na lang po natin sa chapter na to hehe..
russ , MArc , R3b3L^+ion , jm , dada , Roan , Darkboy13 , jm ,Ace , mhei , jojie (and ur friend hehe) , royvan24 , mc , warren , patrick , Icy , Jasper Paulito , Mark Gonzales , superman , kenji , -SLUSHE_LOVE- , -jj- , -RL , John143 , Jaceph Elric , mcfrancis , eman_cruz , xndr , allan , joed , alejandro, senn. At sa lahat ng anonymous and silent readers ng MSOB and LOL. :)
Siyempre I would like to thank my kuyas : 
kuya Win - IKR?! ang sarap niyang ihampas sa pader!! lol..Ako nga rin po eh, yan din ang wish ko..pero jan ka naman kaya okay na ko dun :P BTW, nikikilig kaya ako palagi sa story mo! wahahaha
kuya jamespot - Ewan ko ba jan kay Sai! ang uber bitter!! lol..ayiieee!! ikaw kuya huh, Harvey na pala ikaw ngaun ah,..ayiee! lol.
kuya Liger - thanks po talaga kuya ah..kasi lagi kang nanjan para sakin..thank u po tlga.. :) (Ayan po ah, happy na ko hehehe..)
kuya Lance - salamat din po sau..sa mga advice na binibigay mu sakin at dahil napapangiti niyo po ako, lalo na nung kumanta ka po :)..salamat po!
kuya Harvey - OPO! di na po ako iiyak! heheh, kakapagod din kaya..hehe anyway, thanks din sau kuya..sa lahat..thanks po tlga.. :)
kuya kambal ko , kuya dendenpot , kuya kenji , kuya jennor , kuya Jeffrey, kuya jm, kuya Vince. And lastly, I would like to thank the 2 persons who made all of this possible, kuya mike and kuya jayson :).
Para sa mga hindi ko po nabati, eto na lang, MWAH! :)

Anyway,sa lahat po ng naghintay, (kung meron pang naghihintay nito xD ) eto na po yung episode 9! Enjoy! :)

Episode 9 - S.S.S.

"Kuya!" sabi ko habang yakap yakap siya ng mahigpit.

"Mukhang namiss ako ng bunso ko ah.." sabi niya habang yakap yakap niya ako..

"Naku! Eh namiss mo rin naman ako!"

Assuming teh?!

Sige, pustahan tayo o! Ipapaputol ko lahat ng daliri ko, pati sa paa, kapag sinabi niyang hindi niya ako namiss!

Naku hayaan mo na! Hindi bagay sayu ang maging isang powerpuff girl.

Whatever!

"Hindi kaya!!" sabi naman niya..

"Ah ganon?!" pagtataray ko sa kanya.

WAHAHAHA! Pano ba yan?! Talo ka! Paputol mo na yang daliri mo!

"Hindi lang kita namiss,.MISS na MISS kita ng SOBRA SOBRA!" sabi niya at niyakap akong muli ng mahigpit..Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo.."I love you.." sabi niya ng nakangiti..

"I love you too.." at nginitian ko rin siya,. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi..Namiss ko ng sobra yung halik niyang iyon..Mainit..masarap..punong-puno ng pagmamahal..Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang may umextra.

"Ehem ehem.." boses galing sa likuran ko..Bigla akong napatigil at nilingon kung sino iyon..Si Harvey..Nakangiti lang siya sa amin..

"Mukhang namiss niyo talaga ang isa't isa ah." sabi ni Harvey.

"Ah eh kuya, this is Harvey. Friend and classmate ko sa school..Harvey, this is Van..my boyfriend.." pakilala ko sa kanila sa isa't isa.

"Nice to meet you pre." sabay abot ng kamay ni Harvey para kamayan si Van.

"Nice to meet you too.." At kinamayan naman siya ni Van..

Pagkatapos nilang magkamayan, nagpaalam na si Harvey sa amin.

"Ah eh Sam, kailangan ko ng umalis..may pupuntahan pa kasi kami ng mga parents ko." sabi ni Harvey.

"Ganun ba? Sige ingat ka Harvey.." sagot ko naman sa kanya at nginitian siya.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap.."Bye" sabi niya habang nakayakap sa akin..

Waaaah! ano to? Bakit ganito? Bakit may yakap pang kasama??

Naku! Eh gusto mo naman!

Gusto? Hello! Una, nagulat ako, wala akong sinabing kinikilig ako or something..Pangalawa, VAN IS RIGHT IN FRONT OF US!

Naku patay kang bata ka!

Hindi ako nakapagreact sa ginawa niyang iyon..Parang nanigas lang ako at dilat na dilat ang mga mata..Mga ilang Segundo rin ang nakalipas at kumalas na siya sa hug niya sa akin..Nakangiti lang siya sa akin..Pagkatapos at hinarap niya si Van at kinamayan ulit ito.

“Sige pre una na ko..Nice meeting you ulit.” Paalam ni Harvey.

“Sige, ingat ka pre.” Sabi naman ni Van.

Nakalabas na si Harvey ngunit wala pa rin akong kibo. Tinignan ko si Van at mukhang nagtatampo or….nagseselos..Nakatitig lang siya sa akin..kalmado ang kanyang mukha..ngunit nakikita ko sa mga mata niya..na may iba siyang nararamdaman..Kaya ang ginawa ko, kinuha ko ang kamay niya, at hinawakan iyon ng mahigpit..

“Tara, punta tayo sa kwarto.” Anyaya ko sa kanya ng nakangiti.

Sinuklian naman niya ako ng ngiti at tumango. Umakyat kami sa kwarto ko..Namangha naman siya sa laki nito.

“Wow! Ang laki naman ng kwarto ng bunso ko! Pwede na tayong tumira dito ah! Kasama ang mga anak natin!” sabi niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya.. “Oo, kasama ng mga ANAK natin.” Pageemphasize ko sa word na anak..Kasi nga diba, paano kaming magkakaroon ng anak, eh wala naman akong anu,.alam niyo na..

“Gusto mo ba, gumawa na tayo ng baby?” tanong niya sa akin sabay bitaw ng isang pilyong ngiti.

Tinulak ko ang noo niya. “Ummm! Baby ka jan?!” sabay talikod sa kanya papunta sa kama.

Kaagad naman niya akong hinablot at niyakap sa likuran.. “Sige na bunso…please..” pagmamakaawa niya.

“Diba nag-usap na tayo sa bagay na iyan?” humarap ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Nakayakap naman siya sa magkabilang side ng baywang ko..

“Opo..” disappointed na tugon niya.

“Sorry ha..kung hindi pa ako handa..”sabi ko.

“Ayos lang..kaya ko naman maghintay eh..basta para sa’yo.” Sabi niya sabay bitaw ng isang matamis na ngiti..

Hinalikan ko siya sa labi. “Thank you..”

“I love you..” sabi niya.

“I love you too..” at niyakap ko siya ng mahigpit.

Itinour ko siya sa bahay namin.. Nagswimming din kami sa pool..naglaro ng ps3..mga bagay na namiss kong ginagawa naming noon.. Nakapag-usap rin sila ng mga magulang ko. Gayon din sa mga kuya ko..Si Sai lang ang hindi..Pagkatapos niyang kumain, umakyat na kaagad siya sa kwarto niya at naiwan kaming lahat sa sala na nagkukuwentuhan..doon na rin siya nagpalipas ng gabi, tutal wala namang pasok kinabukasan..

Magkatabi kami sa kama ko..Nakapatong ang ulo ko sa kaliwang balikat niya, nakapatong ang paa ko sa kanyang tiyan at magkahawak ang kaliwang kamay ko at kanang kamay niya na nakapatong sa kanyang dibdib..Nakayakap naman sa akin ang kaliwang kamay niya..

“Namiss ko to..sobra..” sabi niya.,.

“Ako rin...namiss kita..sobra…” sagot ko naman.

“Bunso..”

“Po kuya?”

“Lagi mong tatandaan…kahit magkalayo man tayo..kahit minsan lang tayo nagkakasama..mahal na mahal kita..” sabi niya..

Tiningnan ko siya at tumitig sa mga mata niya.. “Opo..mahal na mahal din po kita..”

“Minahal kita noon…minamahal pa rin kita hanggang ngayon..at pinapangako ko sa’yo, ikaw lang ang mamahalin ko sa habang panahon..” sabi niya.

Ang saya saya sa pakiramdam kapag naririnig mo iyong linya na iyon..lalo na galing sa taong mahal na mahal mo..

“Ikaw lang ang laman ng puso ko..” sabi ko naman.

“Alam ko..dahil kahit na ilang beses ka nang umiyak ng dahil sakin, tinanggap mo pa rin ako..at minahal ng buong buo..kaya napakaswerte ko..dahil mayroon akong isang cute, malambing at mapagmahal na bunso, partner,..at asawa, sa future..” sabi niya ng nakangiti.

Kinilig ako ng sobra sa sinabi niya.. “Asawa?”

“Bakit ayaw mob a akong maging asawa mo?” tanong niya.

“Siyempre gusto!”

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, Gustong gusto ko! Gusto ko lang ulit marinig na  sabihin mu ulit na asawa mo ako..

Ang landi mo!

Wag ka nga munang umepal jan!

Hmff!

“Yun naman pala eh!. Teka, asaan yung singsing na binigay ko sa’yo noon?” tanong niya.

“Ayan oh.” Sabay pakita ko sa kanya ng kaliwang kamay ko.

Kinuha niya ang singsing at tumayo siya.. “Oh san ka pupunta?” tanong ko.

“Sandali lang..” Pumunta siya sa gilid ng kama at lumuhod sa harap ko..

“Waaahh! Ano to?” tanong ko.

Hinawakan niya ng kanyang dalawang kamay ang singsing.. “Av..este Sam..bunso..will you marry me?”

Hindi ako makapag-salita..Parang na-overwhelm ako ng kilig..mga ilang Segundo rin siguro ang nakalipas bago ako makasagot ng.. “Yes kuya..”

Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang singsing..pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit..

“Engaged na tayo ah..at etong singsing na to, ang patunay at simbolo ng pangako ko sayo, na papakasalan kita..” sabi niya.

Hindi na ako nakasagot sa sobrang kasayahan na aking nararamdaman. Ang saya pala ng ganito..

Grabe teh! Kinikilig ako sa inyo!!

Nakatulog kaming magkayakap..Kinabukasa’y umuwi na si Van,. Sabi naman niya na dadalawin ulit niya ako kapag maluwag ang schedule niya..Lumipas ang mga araw at ganoon pa rin ang takbo ng buhay ko..pumapasok ako sa eskwela, kasama ko si Harvey na kumakain araw-araw pati na ang ibang mga kaibigan namin, araw araw rin akong tinetext ni Van at gabi-gabi niya akong tinatawagan,. At ganoon pa rin ang pakikitungo sa akin ni Sai..Hindi ko nalang muna siya pinapansin..naisip ko, mapapagod rin siyang iwasan ako..mapapagod rin siyang mainis sa akin..

Isang araw, habang kumakain kami nina Harvey sa cafeteria, bigla akong nakarecieve ng message galing kay Van...pagbukas ko, ang nakalagay,

ANONG IBIG SABIHIN NITO?!!

Pagkatapos ay may picture.. nagulat ako sa nakita kong picture,. Picture ko to at ni Harvey na magkahalikan!

Ano toh?! Bakit may ganito?! Hindi ako to!! Hindi naman kami naghalikan ni Harvey ah! Never kaming naghalikan!

Kaagad kong tinawagan si Van..sumagot naman siya kaagad.

“Van, fake yung nakita mo..hindi ako yun!” pagdedepensa ko sa sarili ko..biglang natigil sa pagkukuwentuhan ang mga kasama ko at napatingin sa akin.

“Kung hindi ikaw yun eh sino?! Bakit mo ko niloko Sam?! Bakit!!” sabi niya.

“Hindi kita niloloko kuya..hindi talaga ako yung nasa picture!” tumulo na ang luha ko..napansin naman iyon ng mga kasama ko at si Harvey..

Biglang naputol yung linya..ibinaba na niya ang phone niya..Sinubukan ko itong tawagan ulit ngunit hindi niya sinasagot..Iyak ako ng iyak..

“Sam, ano nangyari?” tanong ni Harvey..

Tumingin ako sa kanya at ibinigay ang cellphone ko..Nakita niya ang picture na sinend sakin ni Van.

“Saan to galing?” gulat na tanong niya.

“Sinend yan sa akin ni Van…” sagot ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

“Pero, fake to…” sabi niya.

“Sinabi ko na sa kanya na fake yan..pero hindi siya naniwala..” sagot ko.

Natahimik lang si Harvey at nakatitig lang siya sa picture..maya-maya,

“Teka, sa tingin ko hindi to fake..” sabi ni Harvey..

“Ha? Paanong hindi magiging fake yan?! Hindi naman tayo naghalikan ah!” sagot ko agad.

“Ako nga ang nasa picture,..pero hindi naman ikaw ang nasa picture Sam!” sabi niya.

Nagtaka ako.. “Ano? Anong ibig mong sabihin?”

“Tingnan mo.” Sabay pakita sa akin ni Harvey ng picture.. “May butas sa tenga yung nasa picture,..wala ka namang butas sa tenga diba?” sabi ni Harvey.

Oo nga! Bakit hindi koi to napansin kaagad?!

“Teka, so ibig sabihin…si…” sabi ko.

“Tama…hindi ikaw to..ang kakambal mo to…at alam ko na kung kalian nangyari ito..” sabi niya..

“Si Sai…” ang nasabi ko na lang..

Lintik na Sai na yan!Walangya siya! Sisirain pa niya relasyon namin ni Van! Hindi na talaga siya nakontento!

Bwisit talaga yang kakambal mo! Naku kung ako sa’yo papatayin ko na yan!

Arrgghhh!!

Kaagad kong tinext si Van about it dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko..sa text ko:

Kuya, hindi ako yung nasa picture. Si Sai po yun..tingnan mung mabuti, may butas sa tenga yung nasa picture, wala naman akong butas sa tenga diba?. Si Sai yun kuya..hindi ako..please maniwala ka.. L
Sinubukan kong hanapin si Sai ngunit sabi ng mga kaklase niya sa mga una niyang mga klase ay hindi ito pumasok..Dahil wala na naman akong klase, umuwi na ako kaagad para tingnan kung nasa bahay nga siya.Sinabi sa akin ni manang na naroon nga siya sa kwarto niya..Kaagad akong dumiretso patungo sa kwarto niya at kinatok ang kanyang pinto.

“Sai! Sai! Lumabas ka jan!” sigaw ko.


 --------------------------------------------------------------------


Sai Wilson

Simula pa nung bata pa ako, ni hindi ko nakitang nagging masaya para sa akin si mama..at alam ko kung bakit, dahil sa tuwing makikita niya ako, si Sam ang naaalala niya..Lagi siyang nalulungkot dahil nararamdaman kong hinihiling niya na sana ay hindi na lang nawala ang kakambal ko..Ni hindi nga ako kayang tingnan ng mabuti ni Mama eh, dahil lagi niyang nakikita ang kakambal ko sa akin..Pero kahit ganon, pinilit ko pa ring mapalapit sa Mama ko. Ginawa ko ang lahat para matuwa siya sa akin..Lagi ko siyang pinagsisilbihan, ipinagluluto ng pagkain, ipinaghahanda ng paborito niyang juice.. Pinagbutihan ko rin ang pag-aaral ko.. I always try to be the best in class, para maipagmalaki ako ng Mama.. Naging valedictorian ako nung elementary..Ang saya saya nina kuya at ni Papa..Pero si Mama, umattend nga siya ng graduation ko, nararamdaman ko pa ring hindi siya masaya..Nakangiti nga siya ngunit hindi talaga siya masaya..When I graduated highschool, salutatorian lang ako..pero gaya ng inaasahan, hindi pa rin siya nagging masaya para sa akin..

Simula nga noong bata ako, nagkakaroon ako ng mga panaginip, dreams that seems like explaining me what happened that day, the day when we lost Sam..Sa panaginip ko, may dalawa raw magkakambal na bata..naglalaro sila ng buhangin..pagkatapos ay umalis raw ang isa para kumuha ng tubig sa dagat..paglingon nito, nakita niyang may isang lalaking hawak-hawak ang kakambal niya..Agad itong tumakbo papunta sa lalaki at pinagpapalo ng dadala niyang plastic na timba na may tubig dagat. Ngunit itunulak siya ng lalaki at natumba ang bata..iyak ito ng iyak, tinatawag ang pangalan ng kakambal..mabilis nakalayo ang lalaki at naiwan lang ang isang bata roon na iyak ng iyak….

Sa tuwing gigising ako at napapanaginipan ko iyan, lagging tumutulo ang luha ko.. I’m not really sure kung iyon nga ang nangyari kay Sam dati dahil hindi ko na ito naalala..
Lahat ng ito’y sinasabi ko kay Harvey..Bestfriend ko noon si Harvey…Sa kanya ko sinasabi lahat ng problema ko,.Siya ang laging tinatakbuhan ko..Sa kanya ako umiiyak..isang mabuting kaibigan si Harvey..parang magkapatid na nga ang turingan namin niyan..pero nung sinabi niya sa akin na gusto niya ako, itinaboy ko siya..dahil ayokong maging bakla ako..pero nung nawala na sa akin si Harvey, hindi ko alam kung bakit pero, lagi ko na lang siyang hinahanap-hanap..Lagi ko siyang namimiss. Kahit na hindi ko siya pinapansin sa school, paraan ko lang yun para kalimutan ang kung ano mang nararamdaman para sa kanya..Dahil hindi ako bakla..hindi ko siya pwedeng mahalin..hindi ako ganun..HINDI!!
Pero hindi ko napigilan ang nararamdaman ko para sa kanya…Mahal ko na yata siya..Alam kong mali ito..at alam kong magagalit sina mama sa akin ang mga magulang ko..Pero buo na ang loob ko..sasabihin ko na kay Harvey na gusto ko rin siya..At manghihingi sa kanya ng tawad sa pagtaboy sa kanya noon..Sana’y matanggap niya ako..Pero sasabihin ko ito pagkatapos ng birthday ko.
Dumating ang birthday ko..ang birthday namin ni Sam..Every year, idinadaos namin ang aking kaarawan sa lugar kung saan nawala si Sam, dahil yun din ang araw na nawala siya, sa araw ng birthday namin nung 2 years old kami..14 years na ang nakakalipas, pero hindi pa rin nakakalimutan ng lahat ang nangyari..kaya umaasa pa rin kaming makikita namin si Sam, lalo na ang mga kuya ko..Si Sam raw kasi ang bunso namin..kaya mahalaga para sa mga kuya, lalo na sa panganay namin na si kuya Ken, dahil sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ni Sam..Ang wish ko noon nung birthday ko, ay sana, makita na namin si Sam,..Wala pang ilang oras ang wish ko, nagkatotoo na,..nakita na namin si Sam. Pero hindi ko alam kung magiging masaya ba ako.. Lahat sila, gusting makuhang muli si Sam. Nakita kong muli ang mga ngiti ni Mama na matagal kong hindi nakita nung nakita namin si Sam..

Simula ng dumating si Sam sa bahay, napunta na sa kanya lahat ng atensyon.. Lagi silang nagkukulitan nina kuya, lagi siyang may pasalubong galing sa kanila, laging tumatawa si Mama, lagi siyang isinasama ni Papa sa labas.. Feeling ko, hindi ako nag-eexist sa bahay.. Kahit na kinakausap nila ko..Iba pa rin sila kay Sam.

Bakit ganun sila kay Sam? Bakit sakin hindi? Anong meron kay Sam na wala ako? Ginawa ko naman ang lahat para maging masaya sila..ginawa ko ang lahat! Pero bakit kulang pa rin?! Bakit?! Akala ko pag dumating si Sam magiging okay na ang lahat…pero bakit ako ang nakalimutan? Bakit?! Sana hindi na lang bumalik si Sam! Siya ang may kasalanan nito! Mas okay pa nung wala siya. Kesa ngayon na binabaliwala na lang ako ng lahat..Sana namatay na lang siya noon!

Pati sa school, siya ang bida.. Siya na lang palagi.. Inagaw pa niya sa akin si Harvey..Hindi ako nakapagtapat kay Harvey dahil sa pagdating ni Sam. At ng malaman kong magkatulad pala kami ng sekswalidad, mas lalo akong nabahala dahil baka agawin nga niyang tuluyan sa akin si Harvey..Lumipas ang mga araw at linggo, unti-unti kong napapansing mas napapalapit sila sa isa’t-isa. Kaya napagdesisyunan ko ng lapitan muli si Harvey, bago pa siya mawala sa akin ng tuluyan.. Isang araw, hinintay ko si Harvey sa labas ng gate sa school after class. Buti na lang, hindi niya kasama si Sam.

Malayo pa lang siya’y natatanaw ko na siya..Nakita niya ako ngunit ako’y kanyang iniwasan..Kaya hinabol ko siya’t pinigilan.

“Harvey!” sigaw ko sa kanya.

“What?!” sagot naman niya.

“Can we talk? Please?”.

Pumayag naman ito kahit na kitang kita ang pagkairita niya sa akin..Pumunta kami sa isang park malapit sa school,.doon kami dati naglulunch palagi..bibili lang kami ng food sa Mcdo, tapos dun kami kakain.

Pagkaupo naming sa isang bench..

“Harvey…I’m sorry..” nakayukong sabi ko sa kanya..

Hindi siya sumagot kaya inulit ko muli ang aking sinabi.. “Harvey…I’m sorry..please forgive me for what I’ve done before..i want my bestfriend back..” at tumingin ako sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata namin, ngunit matulis ang tingin niya sa akin..

“Sorry? Itinaboy mo ko Sai! Pinandirihan dahil ganito ako! And now you’re here telling me you want me back? Anong nakain mo? O baka naman nabagok yang ulo mo?” sabi niya.

“Look Harvey, I’m here in front of you, nagsosorry..nanghihingi ng tawad para sa nagawa ko..hindi para makipag-away sa’yo.” Sabi ko.

“Well save those for someone else instead…Hindi ko kailangan yan.. It’s too late Sai..” at tumayo na ito at naglakad palayo sa akin..

Hinabol ko siya.. “Bakit si Sam nakakusap mo?! Bakit siya sinasamahan mo?! Ngayon mo lang naman siya nakilala ah?! Bakit ako?! Ako na bestfriend mo! Bakit mas gusto mo pa siya kaysa sakin?!”

Napatigil siya at lumingon siya sa akin.. “You know why I like Sam? Because he’s not you!” sabi niya.

Halos gumuho ang buong mundo ko ng marinig ko ang sinabi niya..So galit na galit pa rin siya sa akin..At pagkatapos ngayon aagawin siya sa akin ni Sam.. Mang-aagaw talaga yang Sam na yan! Lahat inagaw niya sa akin! Humanda siya!

Kinabukasan, sa school, naglalakad ako papuntang cafeteria,.Inis na inis pa rin ako kay Sam..At mas naasar ako nung tinawag niya ako. Ayaw niya akong tigilan kaya sinuntok ko siya sa mukha..Para madala siya..Nakita ko kung paano siya tinulungan ni Harvey..Alalang alala si Harvey para sa kanya..Mas tumindi ang galit ko sa kanya..Kailangan kong makaisip ng paraan para makaganti kay Sam..At nakaisip na ako kung paano..Humanda ka Sam..sigurado akong pagsisisihan mong bumalik ka pa sa buhay namin..

Sabado, tamang tama ang araw na to para isagawa ang plano ko..Siyempre, isasama ko na sa paghihiganti ko si Harvey, magsama silang dalawa ni Sam..humanda sila..

Tinawagan ko ang mga kaibigan ko at sinabi sa kanilang ayain makipag-inuman sa kanila si Harvey..Madali naman nilang napapayag si Harvey…Hindi alam ni Harvey na naroon ako.

Sige Harvey, ikaw ang gagamitin ko para mapabagsak si Sam.

Madaling nalasing si Harvey kaya naisagawa ko kaagad ang aking plano..Pinabuhat ko si Harvey sa mga kaibigan ko at ipinapasok sa isang kwarto,. Ng mailock ko ang kwarto, nilapitan ko siya at kinuha ang cellphone ko sa bulsa..Hinalikan ko siya at kinuhanan kami ng litrato habang magkalapat ang labi namin.

Habang nakatingin ako sa litrato, nakangiti ako..Tumingin ako kay Harvey. “Ang tanga tanga mo talaga Harvey..Ngayon, magbabayad kayo ni Sam,.”

I cropped the picture.. ang tinira ko lang, yung mukha naming dalawa, tinanggal ko yung part ng buhok ko dahil magkaiba kami ng buhok ni Sam, kaya mahahalata agad kung hindi ko ito tatanggalin.. “Ayan okay na, bukas, isesend ko na to..” sabi ko tumawa..Natulog ako ng masayang masaya..Dahil sa wakas, makakaganti na rin ako kay Sam..at kay Harvey.

Kinabukasan, sinend ko ang litrato kay Van, sa boyfriend ni Sam..Sa message..

(yung picture)

Eto ba ang sinasabi mong loyal?? Pinagpalit ka na niya! Kawawa ka naman.

Pagkasend ko, tumawa lang ako. Minabuti kong wag nang pumasok. At nagstay sa bahay..Hindi naman malalaman ni Sam na ako ang gumawa nun..wala silang pruweba..at kahit si Harvey, walang magagawa..

Ang galing ko talga! Umpisa pa lang to Sam…Humanda ka pa sa mga susunod..
Nakatulog pala ako at nagising sa lakas ng katok sa pinto..

“Sai! Sai! Lumabas ka jan!” si Sam..

 -----------------------------------------------------------------------------------

Sam Wilson

Lumabas si Sai ng kwarto niya. “Ano ba ha?! Natutulog ako ang ingay ingay mo!” sigaw niya sa akin.

“Bakit mo ako sinisiraan kay Van ha?!” sabi ko.

Oo alam kong masamang magbintang pero may proof ako kaya nasa lugar ako para gawin to.,

Sige teh!Go go go! Let’s go Ateneo! Este Ate lang pala!

Tumahimik ka nga muna!

Anyway,

“Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong alam sa mga sinasabi mo!” pagdedepensa niya sa kanyang sarili at nagsimulang maglakad patungo sa hagdan.

Hinarang ko siya, nasa likod ko ang hagdan,. “Alam kong ikaw ang may gawa nito! Dahil ikaw yung nasa picture! Ayan oh! May butas ba ko sa tenga?! Wala naman diba! Pero ikaw! Ayan!” turo ko sa picture pagkatapos ay tinuro ang tenga niya.. Hindi siya nakasagot at natulala lang sa picture.

“Bakit ba galit na galit sakin ha?! Ano bang ginawa ko sa’yo!” nag-umpisa ng tumulo ang luha ko.

“Hindi mo alam kung bakit?! Hindi mo alam?!” Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata.. “I hate you Sam! Dahil simula ng dumating ka, inagaw mo na ang lahat sa akin!”

“Wala akong inaagaw sa’yo Sai, alam mo yan.” Sagot ko sa kanya.

“Mang-aagaw ka Sam! Inagaw mo sakin ang mga magulang natin, ang mga kuya natin, at pati na si Harvey!” sumbat pa niya. “Lahat ng pagmamahal, napunta na sa’yo! Wala nang natira sa akin! Alam mo minsan nga hinihiling ko na lang n asana ako na lang yung nawala, para ako yung minamahal, ako yung binibigyan ng atensyon.. Ang swerte mo nga eh! Ang dali dali ng buhay mo!” tumulo na rin ang luha sa kanyang mga mata.

“Bakit sa tingin mo ba naging madali lang sakin ang lahat?! Ha?! Kinailangan kong iwanan ang mga taong mahal ko..para lang sumama sa inyo!” sumbat ko naman sa kanya,. “Sa tingin mo madali lang ang buhay ko?  Hindi moa lam ang mga pinagdaanan ko! Nalagay na ko sa bingit ng kamatayan,..Humarap na rin ako sa maraming problema, kasama na ang pagtanggap na ampon lang ako ng mga kinalakihan kong mga magulang..Ang hirap! Ang sakit! Pero kinaya ko!”

“Araw-araw kong kailangan harapin ang buhay ko na inagaw mo sa akin lahat! Ikaw ang mahal, ikaw ang bida, ikaw ang magaling!” tinutulak niya ako habang sinasabi niya sa akin ang tatlong linyang kanyang sinabi.. Hanggang sa nadulas ang paa ko at nalaglag ako sa hagdan.. Tumama ang ulo ko sa mga steps at nagdilim na lang ang buong kapaligiran at iyon ang huli kong naalala.

---------------------------------------------------------


Sai Wilson

“SAM!!” sigaw ko.. Hindi ko sinasadyang itulak siya sa hagdan..Wala akong intensyong itulak siya..Hindi ko alam na ganun ang mangyayari…. Kaagad akong kumaripas papunta sa kanya, na ngayo’y nasa sahig na ng unang palapag..nagpagulonggulong siya mula sa 2nd floor hanggang sa 1st floor.

Ng itaas ko ang ulo niya, mabilis na umagos ang dugo.. “Sam! Sam! Wake up Sam!” sabi ko habang tumutulo ang luha ko..

“SAM!” sigaw ng tao sa likuran ko. Si kuya Ken..kaagad itong lumapit sa amin at kinuha si Sam sa akin.. “Anong nangyari?!” nangagalaiti ang mukha ni kuya.

“K-kuya..I’m s-sorry..hindi ko sinasadya..” nakayuko kong sabi sa kanya..

“Sh*t Sai!!” at tumayo ito dala dala si Sam.. Sumunod ako sa kanya..tinulungan ko siyang maisakay si Sam sa kanyang kotse..Mabilis na pinatakbo ni kuya Ken ang kanyang kotse papunta sa ospital.

Nakatitig lang ako kay Sam, nakapatong ang ulo niya sa aking mga hita, habang pumapatak ang luha ko sa kanyang mukha..

Sam please be okay..please..

Nakarating kami sa ospital at kaagad dinala si Sam sa emergency room..punong-puno pa rin ng dugo ang aking mga kamay at ang shorts ko..Nakatulala lang akong naghihintay roon habang pumapatak ang luha..Si kuya Ken naman, hindi mapakali sa kakalakad..maya maya’y dumating na sila Mama, Papa, at kuya Max..

“Anak! Asan si Sam?! Where’s my son?!” alalang alalang tanong ni mama kay kuya Ken.

“He’s still inside ma..” sagot naman ni kuya..

“Ano bang nangyari?!” galit na tanong ni kuya Max.

Natatakot ako pero sumagot pa rin ako..kasalanan ko naman kasi talaga… “It’s my fault..I-I’m sorry..” sabi ko habang humahagulgol.

Nagulat na lang ako ng biglang hablutin ni kuya Max ang kwelyo ko’t itinayo ako at idinikit sa dingding,. “Put*ng in aka Sai!” galit na galit si kuya Max.

“Max tama na!” pagpipigil ni kuya Ken.

“Oras lang na may masamang mangyari kay Sam, magbabayad ka Sai.” Pagbabanta sa akin ni kuya Max. Pagkatapos ay binitawan na niya ako..

Napaupo lang ako dun at humagulgol..Natatakot man ako sa sinabi ni kuya Max, nilagay ko na rin sa utak ko na I deserve it..

Nilapitan ako ni papa at inangat ang ulo ko..pinunasan ang mga luha ko..Niyakap ko si papa.. “I’m sorry pa..I’m so sorry..” at humagulgol sa kanya.

“Shhh..tama na anak..let’s just hope n asana walang masamang mangyari sa kanya..okay?” sabi naman ni Papa.Tumango na lang ako..

 Ilang minuto ang nakalipas, lumabas na ang doctor..

“Doc, how’s my son? Is he going to be okay?” tanong kaagad ni mama..

“Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya..Kailangan siyang masalinan ng dugo as soon as possible..” sabi naman ng doctor.

“Ako po! Ako po ang magdodonate, we’re twins, kaya I’m sure na match na match ang mga dugo namin.” Presenta ko kaagad..Napatingin sa akin silang lahat..Buo na ang loob ko..gagawin koi to…kung ito lang ang mkakaligtas ng buhay ni Sam, gagawin ko..

“Alright,..” tumawag siya ng isang nurse.. “Sumunod ka na lang sa nurse para makuhanan ka na ng dugo.”

Sinundan ko ang nurse at sinamahan ako ni papa..pumasok kami sa isang kwarto at kinuhanan ako doon ng dugo.. 2 bag ng dugo ang kinuha sa akin..sinabi sa akin ng nurse na magpahinga muna raw ako dahil baka hindi ko pa raw kayaning tumayo..sinunod ko naman siya..mejo nahihilo rin kasi ako..hindi ko namalayang nakatulog pala ako..

 -----------------------------------------------------

Sam Wilson

Nagising ako sa isang sementeryo.

Teka, bakit ako nandito?! Anong ginagawa ko dito?Patay na ba ko?

Tumayo ako at tumingin sa paligid..pagtingin ko sa kinatatayuan ko, nasa harap ako ng isang lapida.. ang nakasulat..

Baby Steve Ace Vincent Wilson

Sav Wilson? Sino to?

“Ako yan..”  sabi ng isang pamilyar na boses..

Paglingon ko, laking gulat ko sa aking nakita..kamukhang kamukha ko siya..

“Sai?” tanong ko.

“Hindi ako si Sai..I’m Sav..your other twin brother..” sabi niya.

“What?!.” Ang tangi kong nasabi.


----------------------------------
like the first 2 seasons, the 10th episode is the finale..so the next episode would be the last..
Catch the last episode of The Best Thing I Ever Had entitled “Everyone is Meant to Say Goodbye”
Don’t miss it! Mwah!

See ya at the last episode,
Sam.

contact me @: 
fb: vince_blueviolet@yahoo.com
ym : binz_32@yahoo.com

(message na lang po kayo, say your blogger name or sabihin niu n lng po na nabasa nio tong story na ito sa site na ito. thanks!)

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP