DAGLAT presents: SEE LAU III
Tuesday, June 28, 2011
Here pipz! ang pinakahuling libro ng SEE LAU!
Sana po ay maibigan ninyo ang huling bahagi sa buhay nila Martin, Fierro at Cris.
Sa susunod pong handog ng Daglat ay sana samahan natin sina
Harold, Gabby, Kenneth at Sean sa kanilang pakikipagsapalaran
at sariling pakikibaka sa buhay. TEE LA OK: Ang Unang Umaga.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa mga comments po ninyo, so, ngayon pa lang po ako magbabasa ng comments eh.. hehehe..
May reply po akong ilalagay sa last part ng book II. :-)
Pero wastedpup! Iba ka! Hahaha..
Master KUYA BX and Kuya Jayson
Mama D and Kuya Zach!
emray08! bawal ka na sa page na'to! Mula sa SEE LAU part 5 hanggang book3! Bawal ka na magbasa!
Ang thumbnail po natin sa see lau ay hindi angkop sa naging ending kaya onting pasensya na lang po.
----------------------------------------------------------------------------------------
(Sir Dane Aquino, our character for Martin)
SEE LAU: Ang Ikatlong Aklat
Unang Bahagi: /oo-nang/ - /ba-ha-gee/
Isa – Dalawa – Tatlo – Apat
“Mart, Congrats pare! Ilang oras na lang!” maligayang bati kay Martin ng isa niyang bagong kaibigan.
“Oo nga eh! Kinakabahan na ako ng sobra.” sagot naman ng binata.
“Iba ka na talaga pare!” bati ulit nito sabay tapik sa likod ni Martin.
Isang matipid na ngiti lang ang itinugon ni Martin sa bating iyon ng kaibigan niya. Pagkaalis nito ay nahulog sa isang malalim na pag-iisip ang binata. “Anim na taon na din pala!” wika niya kasunod ang isang malalim na buntong-hininga. Inilingon niya ang mga mata sa dakong walang tinutunton at muling nabalik sa kanyang alaala ang anim na taong nakaraan.
“Martin!” sabi ng lalaking kanina pa nakabuntot sa nag-iisang binata sabay hawak sa likod nito.
“Cris.” sagot ni Martin saka napayakap sa binata. “Bakit ganuon?” tanong pa niya saka unti-unting dumaloy ang luha sa kanyang mga mata.
Hinigpitan ni Cris ang yakap sa binata at inalo ito. Hindi man niya batid ang hirap na dala ay alam niyang kailangan ni Martin ng isang kaibigan.
“Akala ko ayos na ang lahat, pero bakit biglang ganito ang nangyari?” tanong pa ni Martin sa binata. “Akala ko si Kuya Perry na ang soulmate ko, pero bakit iba na ang nangyari?” tanong pa ulit nito.
“Martin! Ssshh” pang-aalo pa ulit ni Cris. “May mga bagay lang talaga na akala mo iyon na pero hindi pa pala.” tila pagpapayo pa nito.
“Pero Sir Cris! Napakasakit!” sabi pa nito. “Mahal ko si Kuya Perry at kaya ko siyang ipaglaban, pero kung iisipin kong may isang bata ang masisira ang pamilya dahil sa akin, nanghihina ako!” sumbong pa ni Martin.
“What do you mean?” tila naging interesado ang binata sa sumbong ni Martin.
“Sir Cris! Nakabuntis si Kuya Perry at bestfriend ko pa! Ang sakit, kasi akala ko may direksyong maganda itong pesteng pagmamahalan namin pero bakit ba bigla na lang nagkaganito.” sumbong pa ulit ni Martin.
“Sige Martin! Iiyak mo lang yan. Ilabas mo lang lahat ng sama ng loob mo.” Lalong higpit pa na yakap ang ibinigay ni Cris.
Maya-maya pa at tumahan na si Martin, pahikbi-hikbi ngunit makikita mo na kahit papaano ay may paggaan sa pakiramdam.
“Ahh Martin!” si Cris ulit sa pagbasag sa katahimikan.
“Bakit Sir Cris?” tanong ni Martin.
Isang malalim na bunting-hininga bago muling nagsalita. “Sumama ka sa akin, gagantihan natin si Fierro.” saad ni Cris saka tumingin ng diretso sa mga mata ni Martin.
“Wait lang ah!” nag-aalangang tugon ni Martin. “Nahihirapang mag-process ang utak ko eh. Pakilinaw.” sabi pa ng binata.
“Sumama ka sa akin! Pagtulungan natin si Fierro. Ibalik mo sa kanya ang lahat ng sakit na pinadama niya sa’yo ngayon. I mean, gumanti ka, pahirapan mo siya, pagbayarin mo siya.” paglilinaw ni Cris.
Napangiti naman si Martin sa suhestiyon na iyon ni Cris. “Maganda sana, kaso…” biting sabi ni Martin.
“Kaso ano? Hindi mo kaya kasi mahal mo si Fierro? Kasi hindi mo kayang makitang nahihirapan si Fierro? Kasi naaawa ka sa bestfriend mo? Kasi may inosenteng madadamay? Kasi ano Martin?” tanong Cris. “Martin! Sinaktan ka nila! Ginago ka, winalanghiya ka, tinarantado ka.” mabibigat pa nitong paratang.
“Pero hindi tamang gumanti ako. Oo, nagkamali sila pero ginusto ba nila iyon? Hindi ako martir pero alam ko namang hindi ako makakamove-on kapag gumanti ako. Hindi din naman siguradong sasaya ako kung gaganti ako. Alam mo iyon? Lalo ko lang pahihirapan ang buhay ko kung gaganti ako at ako na mismo ang nagtanggal ng karapatang sumaya ako kung gaganti ako at magtatago ng sama ng loob. Hindi ako magiging Masaya kung dito sa puso ko may itinatagong paghihiganti.” paliwanag ni Martin.
“Ano yun Martin? Hahayaan mo na lang iyon?” tanong ni Cris.
“Oo! Basta sana maging masaya sila, kasi ako pipilitin kong maging masaya.” sabi ni Martin.
“Papaano ka magiging masaya Martin! Sabihin mo nga?” tanong ni Cris.
“Magiging masaya ako kung hahayaan ko silang maging masaya at tatanggapin kong magiging masaya sila.” sagot ni Martin. “Gets mo ba?” tanong pa nito.
Read more...