Chapter 2: Ang mga Pangarap ni Fredo

Sunday, November 14, 2010

By: Jayson Patalinghug
email: king_sky92@yahoo.com
skype: jayson_patalinghug
blog: www.jaysoncnu.blogspot.com
-------------------------------------------------------
Salamat sa sumubaybay at nag comment sa kwento kung "Ang mga Pangarap ni Fredo" Sana po ay patuloy niyo itong subabayan at patuloy po kayong mag comment para naman ma improve o ganahan ako sa pag update.hehehe.
-------------------------------------------------------


Di ko maipaliwanag ang aking naramdaman sa aking natuklasan. Ina ako ni Fredo ngunit di ko man lang alam ang tunay na pinagdaanan ng aking anak. Kung nangyari sa kanya iyon, malamang nasa impyerno na ang aking anak, agad kong kinuha ang aking bibliya at agad na binuksan ang Unang Corinto capitulo 6 bersikulo 9-10 na nagsasaad:
“9   O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mgamapakiapid sa kapuwa lalake. 10  Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.”
Sa pagkabasang kong iyon, umiiyak ako. Di ko matanggap na nasa empyerno ang aking mahal na anak. Nagbihis ako at nilagay ang diary at bibliya sa aking bag at nagtungo sa simbahan. Sadya kong tinanong ang pangulong pastor kasi alam kong iba ang magiging opinyon ng aking asawa. Nang makariting ako sa simbahan agad akong dumaretso sa opisina ni Ptr. Rafael.
“Oh Theresa, napasyal ka? Halika maupo ka dito. Gusto mo ba ng maiinom?” pagbati sa akin ni Pastor ngunit di na ako nagpa ligoy ligoy pa.
“Pastor Rafael, kung ang lalaki ba nakipag talik sa kapwa lalaki, may pag asa pa ba siyang mapatawad?” tanong ko agad kay pastor.
“Theresa, ayon sa Unang Corinto kapitolo 6 bersikulo 9 hanggang 10 ang ganitong uri nga gawain ay kinayayamutan ng Diyos at ang sinumang lalaki na nakikipag talik sa kapwa lalaki ay di makakapasok sa kaharian ng Diyos.” Ibinalik lang sa akin ni Pastor Rafel ang bersikulong binasa ko kanina sa bahay.
“pero pastor, what if humingi siya ng tawad? What if nagsisi siya? Maari bang mapatawad pa siya ng Diyos?” tanong ko ulit sa kanya.
“Kapatid, ang Diyos ay pag ibig at makikita natin iyan sa libro ni Juan kapitulo 3 bersikulo 16. Ibang usapan na kapag tunay ang pagsisi at pagpakumbaba ng isang tao. Mabait ang Diyos at kaya niyang magpatawad. Basahin mo ang bersikulo 11 ng Unang Corinto Kapitulo 6 sinasaad dito na “ At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni't nangahugasan na kayo, nguni't binanal na kayo, nguni't inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios.” Ibig sabihin nun kapatid na pinatawad na tayo ng Diyos, basta wag lang tayong bumalik sa putik na ating pinangalingan.” Paliwanag ni Pastor Rafael.
“Paano kung namatay siyang hindi nakapagsisi? O namatay siyang di alam ang katotohanan? Paano kung nagpakamatay siya?” at humagulhol na ako habang nag uusap kami ni Pastor Rafael.
“Kapatid, the law of God is fixed and He is Just to judge those who sinned against him and those who violated the law” alam na niya kung bakit ako nagtanong, nakuha na niya iyon sa aking mga mata.
“salamat pastor aalis na po ako” nilisan ko ang simbahan at naglakad lakad sa plaza. Iniisip ko kung nasaan na ang aking bunso ngayon. Nasa empyerno kaya siya? Gustong kong isipin na nasa langit siya ngunit wala akong makitang rason o pahayag sa bibliya na magsasalba sa kanya. Muli kung binuksan ang kanyang diary at binasa ang kasunod na pahina:
Kinagabihan, nagtungo ako sa silid ng aking ina, naguguluhan kasi ako sa mga nangyari. As always nasa study table si mama nagbabasa ng bibliya.

“Ma pwede ba akong magtanong?”

“Hmm pwede later na anak, nag-aaral pa kasi ako para sa connect group bukas eh. Maaga akong susunduin nina sister Beth at Sister Leah bukas.” Sagot niya sa akin na di man lanng ako tiningnan.

“Ma, okay lang po ba na maghubad si kuya o si papa at harap ko? Kasalanan ba iyon?” tanong ko sa kanya kahit sabi niyang later na.

“Anak, okay lang walang masama doon! Pwede bang sa kuya o sa papa mo nalag itanong iyan? Nadidisturbo ako eh. Okay lang ba? Naiiritang sagot ni mama sa tanong ko. Alam kong kapag ganoon ang sagot niya eh dapat di ko na siya kinukulit. Lumisan ako sa kwarto nila at bumalik sa kwarto ko. Nandoon si Uncle Kris, walang saplot ang katawan maliban sa puting brief na suot suot niya. 

Nakakamangha talaga ang kanyang katawan, sana paglaki ko ganyan ang maging katawan ko. Kinawayan niya ako.

“fredo halika, tabi ka sa akin...” (Torrid Scene) kung gusto nyong mabasa ang part na ito paki email nalang po ako sa king_sky92@yahoo.com magrereply ako sa inyo once I get the email. Paki indicate sa email nyo kung nakapag comment na kayo sa entry ng MSOB sa FB and FS.

Di ko na kayang basahin pa ang sumunod na pahina, napahamak na ang aking bunso sapagkat di ko man lang siya nabigyan ng panahon noong kinailangan niya ang aking gabay. Sinisisi ko ang aking sarili, ngayon ang aking bunso ay nagdurusa ng dahil sa aking mga pagkukulang. Humagulhol nalang ako ng iyak, di alintana na nasa plaza ako. Hapon na ng maisipan kung umuwi, pula at namaga ang aking mga mata.
-itutuloy-

Read more...

Chapter 8: Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

By: DALISAY
e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I am SINGLE. Available and Negotiable. :)

-------------------------------------------------------------------------

The kiss sent shivers down his spine. It made his knees even weaker. Good grief he wasn't standing. Isinisigaw ng isip niya na lumayo siya sa lalaking ito ngunit iba ang sinasabi ng kanyang katawan, ng kanyang puso. Ano ba ang mayroon ang lalaking ito at nagkakaganoon siya?

Umangat ang kamay niya para itulak ito ngunit hinuli lamang ni Pancho ang kamay niya.

"L-let me go" pagkaraan ng ilang sandali ay sabi niya ng pansamantalang bitiwan nito ang kanyang labi.

"You're free to go anytime,sweet. The question is do you want to?"

Noon niya naunawaan na binitiwan na nito ang kanyang kamay. Naka-alalay na lamang ng bahagya sa kanyang baba ang mga daliri nito. Anumang oras ay maari siyang umatras at tumayo upang makahakbang palayo rito, ngunit naroroon pa rin siya at parang naka-glue na sa pagkakaupo.

Inipon niya ang kanyang willpower para lamang manghina ulit ng bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya upang siilin siya ng banayad na banayad na halik.

To put it simply - It was perfect.

Read more...

Chapter 5: Ang Kuya Kung Crush ng Bayan

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

---------------------------------------------------------------------------


“Shittttt! Bakit ba ako nagkakaganito!” Sigaw ko sa sarili sa hindi maipaliwanag na matinding lungkot at bahid na selos. Ewan ko ba, di ko talaga lubos na maintindihan ang naramdaman. Nalilito, nagagalit na naaawa sa sarili… ewan. At maraming katanungan ang bumabagabag sa isip, “Bakit ako nalulungkot na hindi ko nakasama sa pagtulog si Kuya Rom? Bakit ako nagseselos na kasama niya ang girlfriend niya? Bakit ko siya hinahanap-hanap? Bakit siya ang laman ng isip ko sa mga oras na iyon?”

At dahil sa sobrang lungkot na naramdaman, itinakip ko na lang ang kumot sa buo kong katawan upang di mahalata ang pag-iiyak ko.

“Hoy, Jason! Anong ginagawa mo d’yan!” Nagulat na lang ako noong sabay sa tanong na iyon, may tumampal sa may bandang tiyan ko. 

Dali-dali ngunit hindi ipinahalata na ipinahid ko ang kumot sa mga luha ko at nagkunyaring nagising sa pambulabog na iyon. “Arrggggh! Natutulog ang tao eh!” protesta ko at hinawi na ang kumot na nakatakip sa may ulo. Noong tiningnan ko kung sino iyon, mukha ni Paul Jake ang nakita ko, nakaupo sa tabi ko at binitiwan ang isang ngiting nakakaloko.

Si Paul Jake ay kasama namin sa team. Isa din siya sa pinakamagaling na spiker na hinahangaan ko sa team. Syempre matangkad sa height niyang 5’10. In fairness guwapo rin si Paul Jake bagamat medyo maitim ang balat nito ngunit makinis naman, lalo na ang mukha. Makapal at kulot ang buhok, may moustache pero inaahit, matangus ang ilong at ang mga mata ay mistulang nangungusap kapag tinitingnan ka. At malakas ang appeal. Iyon bang lalaking-lalaki kapag maglakad, pomorma, magsalita, at kumilos. Sa boses pa lang masasabi mong confident na confident sya sa sarili. Barako, astig. At dahil ako nga ang bunso at pinakamaliit sa team “Kuya” din ang tawag ko sa kanya.

Read more...

Sensya Na Bro... Ako Ang Secret Admirer Mo

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

---------------------------------------------------------


Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Francis, 17 years old at nasa second year college. Apat kaming magkabarkada sa school – ako, si Jojo, si Larrie at Wency. Nineteen years old na silang tatlo at nasa third year college. Dahil na rin sa pareho kaming meyembro ng college volleyball varsity team kaya kami naging close sa isat-isa. Si Larry at Wency ay may mga kanya-kanya ng girlfriends ngunit ako at si Jojo ay wala pa.

Ok naman ang samahan namin except kay Jojo na talagang nayayabangan kami. Nanjan yung ipagyayabang na ang ganda-ganda raw ng girlfriend nya, wala namang maipakita kahit picture. Ipinagyayabang din nya na naging girlfriend nya yung muse na pantasya ng bayan at kung sinu-sino pang mga magaganda sa campus. Kahit iyong chick na nakasama lang nya sa sasakyan ay ipinagyayabang na na may crush daw ito sa kanya.

Ganyan ka ilusyonado at bilib sa sarili si Jojo. Hindi naman talaga sya kagawapuhan pero in fairness, masculine na masculine ang dating at kahit maitim ang balat, makinis naman ang mukha. At hindi lang yan, may magandang mga lips na match naman sa mapuputing ngipin na pansinin ang symmetry kahit hindi pantay. Kapag ngumiti ito ay nakakabighani.

Read more...

Chapter 2: In Love With Brando

By: JoshX

 
Akala ko ay umaga na nang magising ako sa pagkakatulog. Pero mali pala ako dahil pagkamulat ko ay bukas pa ang ilaw sa aking kuwarto at wala pa ang karaniwang dampi ng papasikat na araw sa aking mukha na lampasan sa bintana na may kurtinang kulay asul. Isa pa ay nanakit ang aking ulo at ilang parte ng aking katawan. Saka biglang bumalik sa aking alaala ang mga nangyari, ang naging ekwentro ko kina Jimson, Collin at Bino. Paano ako nakarating dito sa aking silid? Hindi na rin ako naka-uniporme. Sa mesita sa isang tabi nakapatong ang damit kong may mantsa ng dugo na hinubad ng kung sinomang nagdala sa akin dito at isang maliit na palanggana lulan ang isang ice bag.
  
Sa kuwadraduhing alarm clock na nakapatong sa side table ko nalaman na maghahating-gabi na pala. Katabi nito ang isang maliit na pasong kulay brown na natatamnan ng isang uri ng cactus mahigit sa limang pulgada ang taas. Kung hindi lang ito kulay green at walang mga tinik para itong isang jumbo hotdog na nakatusok sa paso. Nang tingnan ko ng malapitan ay may nakataling card sa paso, “Para sa’yo Utoy. From: Kuya Brando.”
  
Doon ko pa lang napansin na may kasama pala ako sa aking silid. Si Kuya Brando, nakatalikod sa akin at nakaharap sa kabilang bintana at halos pabulong sa kausap sa kaniyang cell phone para hindi ako magising. Nakasuot ng yellow na semifit na polo shirt at straight cut na pantalong maong na kulay itim. Lalo siyang pumuti sa kulay ng shirt niya.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP