STRATA presents: This I Promise You - Part 1

Saturday, February 19, 2011

By Emray


Part 1
Ang Simula

“Russ!’ bati ni Ariel kay Russel. “Tulungan na kita d’yan.” pagboboluntaryo pa ng tulong ng binata.
“Nakita mo namang may kamay ako di’ba.” sarkastiko at asar na tugon ni Russel dito. “Close ba tayo para tawagin mo akong Russ?” pagmamaldito pa nito kay Ariel
“Eto naman! Ikaw na nga lang ang tutulungan ikaw pa ang galit.” may himig ng tampo na wika ni Ariel.
“Bakit? Sino ba ang may sabing nagpapatulong ako?” sagot pa din ni Russel.
“Alam mo, para kang babae kung kumilos at magsalita ngayon.” saad naman ni Ariel na pilit pinipigil na magalit kay Russel. “Bakla ka ata pare!” may pang-aasar pa sa tinig nito.
Biglang natigilan si Russel sa tila pagtumbok ni Ariel sa tunay niyang katauhan. Namula sa pagkapahiya dahil sa sinabing iyon ni Ariel, isang lihim na pilit at matagal na niyang tinatago.
“Kapal!” mahinang usal ni Russel saka lumakad palayo kay Ariel.
“Pare!” papalapit na bati ni Ronnie kay Ariel. “Wala ka pala kay Russel eh!” kantyaw pa nito.
“Makikita mo pare! Isang araw babagsak din sa akin iyong baklang iyon.” tila pagbabanta at paninigurado ni Ariel. “Kung sa mga babae nga kaya kong magpalit weekly at kahit may kasabay hinahabol pa din ako ng mga bisexual, kaya sisiguraduhin kong babagsak sa akin iyang Russel na yan.”
“Ang hangin mo pare!” pang-iinis ni Ronnie na sanay na sa kayabangan ng kaibigan. “Baka naman kasi pare mali ka lang ng amoy kay Russel?” tumatawang saad pa nito na kilalang-kilala ang kaibigang si Ariel at alam din niyang silahis ito ngunit hindi naman niya magawang iwanan.

Read more...

Dreamer C10

Chapter 10
Almost There

“Ah, Emil!” simula ni Benz habang nasa loob sila ng sasakyan.
“Bakit?” tanong ni Emil na may matipid na ngiti.
Matapos ang pagtatagpo nilang apat ay nag-aya nang umuwi si Benz. Hindi niya inaasahan na bigla na lang bubulaga sa harap niya si Julian at ang mas higit pa dito ay hindi niya alam kung papano ito ipapaliwanag kay Emil. May pangamba sa kanya na baka magbago ang pagtingin ng binatang scriptwriter sa kanya. Isa pa ay nasaktan din siya sa nakitang ang Julian na dating sa kanya ay napunta na sa iba. Nawala na din ang lahat ng pag-asa niya na magbabalik sa kanyang piling ang binata. Ayaw niyang masira ang relasyon ni Julian sa kinakapatid niyang si Ken at higit pa ay ayaw niyang masaktan si Ken kung mababawi niya si Julian dito. Hindi niya alam kung ano sa dalawang problema ang una niyang haharapin – ang pagpapaliwanag ba kay Emil ng katotohanan o ang tuluyang pagkalimot kay Julian.
Si Emil naman ay nasa gitna pa din ng pag-iisip sa kung ano ang nangyari kanina. Patuloy at paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang diwa ang – “He is my newest buddy!” na sinabi ni Julian. Mga katagang mitsa kung bakit tila nawalan na ng gana ang puso niya para asahang may mapapala pa ang paghihintay niya kay Ken.
“Iyong sa nangyari kanina.” tila nahihiyang simula ni Benz kay Emil.
“Alam ko na ‘yun.” nakangiti pa ding sagot ni Emil.
“Ano kasi, hindi iyon tulad ng iniisip mo. I mean, please, magpapaliwanag muna ako.” nagkakanda-utal na wika ni Benz.

Read more...

Dreamer C9

Chapter 9
Ken + Julian = Emil – Benz

“Happy New Year Emil!” sigaw ni Benz ng sumapit na ang alas-dose. Inalog-alog ang bote ng champagne at sabay tapat sa mukha ni Emil kasunod ang isang makaka-asar na tawa.
“Naman!” inis at asar na anas ni Emil.
“Bagong taon na bagong taon naasar ka.” panunuya ni Benz sabay abot ng tuwalya kay Emil.
“Kasi naman kung makapang-asar ka parang wala ng bukas.” sarkastikong sagot ni Emil. “Sabi ko na nga ba, gagaguhin mo lang ako kaya mo ko inaya dito.” wika pa ni Emil sabay hablkot sa tuwalyang inaabot sa kanya ni Benz.
“Eto naman!” tila may lambing sa tinig ni Benz sabay kuha ulit sa tuwalya kay Emil. “Namiss ko lang ito.” pahabol pa niya sabay punas sa mukha ni Emil.
Napahinto ang mundo ni Emil sa ginawang iyon ni Benz, wari ba ay biglang pinalis nito ang inis niya para sa binatang direktor na kanina lang ay kinaasaran niya. Ibang gaan sa pakiramdam ang mayroon siya lalo’t higit pa ay ang nakakatunaw nitong tingin sa kanyang mga mata at ang mapanuksong ngiti nito. Si Benz naman ay tila nadala na sa sitwasyon nila kung kaya naman ang kaninang mapang-asar na tawa ay napalitan ng isang simpatikong ngiti at may kasamang mga titig na minamasdan ang kabuuan ng mukha ni Emil. Sa pakiramdam ni Benz ay nawiwili siyang titigan ang maamong mukha ni Emil at natutukso siyang angkinin ang mga labi nito.

Read more...

Dreamer C8

Chapter 8
Let Me Heal the Pain

“What makes you deserving for the position?” tanong ni Mr. Ching, ang may-ari ng isang kilalang glossy magazine sa Pilipinas, kay Emil.
“My application form shows the reasons but what is important, I always dedicate myself fully and offer earnest effort and loyalty.” nakangiting sagot ni Emil sa tanong.
“Hindi ko alam ang kwento kung bakit mo iniwan ang Last Dance at Kanluran ng Pilipinas, pero kung pakakawalan ko pa ang isang writer na katulad mo, that will be the biggest mistake I will do.” saad ni Mr. Ching.
Napangiti naman si Emil sa sinabing ito ni Mr. Ching na sa wari niya ay alam na niya kung ano ang resulta ng pag-aaply na ginawa niya.
“Tanggap ka na, and to make this deal more formal magkakaroon tayo ng contract signing by next week and is effective for two years.” nakangiti na ding wika ni Mr. Ching.
“Thank you Sir.” wika naman ni Emil. “Promise, pagbubutihin ko po.” tila pangako ni Emil sa kausap.
“Aasahan ko ‘yan.” sagot ni Mr. Ching. “See you next week and please wait for our call sa schedule.” tila pamamaalam pa nito.
“Okay po.” maikling sagot ni Emil saka lumabas sa opisina ng Editor-in-Chief ng Metro-Cosmo.
“Yeeessss!” buong lakas na naibulalas ni Emil pagkalabas ng pintuan.
“Pagbubutihin ko na talaga ‘to.” sabi ni Emil sa sarili. “Wala na naman sigurong aberya dito.” patuloy pa niya.
Agad siyang umuwi sa bahay ng Ninong Mando niya dahil alam niyang makakasama sa nanay niya pag nakita siya nito. Higit pa ay naaawa siya sa sarili dahil sa tuwing hihilingin niya ang pagmamahal ng ina ay lagi siyang bigo at pinagtatabuyan nito. Para sa kanya, hanggang pangarap na lang ang kaya niyang gawin para sa pagmamahal ng ina.

Read more...

Dreamer C7

Chapter 7
Friendship: Tomorrow’s Light

“Ano na?” puno ng pag-aalalang tanong ni Benz kay Emil. “Saan kita ihahatid?” tanong pa nito.
“Kahit saan!” maikling sagot ni Emil na ramdam ang sinseridad sa mga sinsabi ni Benz.
“Hindi pwedeng kahit saan.” tila pagtutol ni Benz. “Saan nga?” pilit ni Benz.
Walang malinaw na sagot na sinabi ni Emil. Nanatili na lamang itong nakatahimik na tila ipinapaubaya kay Benz kung saan man siya dalin nito.
“Alam ko na!” tila may ideyang pumasok sa ulo ni Benz. “Ihahatid na kita pauwi!” nakangiting wika nito.
“Wag!” pakling tutol ni Emil kay Benz.
“Bakit?” may pagtatakang tanong ni Benz sa binata.
“Basta wag!” tila may pagpapakiusap sa mga mata ni Emil.
“Sabi mo!” sagot naman ni Benz na lalong nag-alala sa kalagayan ni Emil base sa reaksyon nito.
“Basta, kahit saan wag lang dun!” wika ulit ni Emil sabay lingon sa mga mata ni Benz na tila nakikiusap.
Agad na umiwas ng tingin si Benz dahil sa palagay niya ay hindi niya kakayanin at matutunaw siya sa tingin ni Emil. Hindi niya maunawaan kung bakit biglang may umuusbong na kakaibang damdamin sa kanya. Hindi siya sigurado kung pag-ibig ba ito, kakaiba sa nararamdaman niya para kay Julian o kahit na sinong minahal niya. Isa lang ang alam niya sa ngayon, ang alagaan ang lalaking kaharap niya.

Read more...

Dreamer C6

Chapter 6
Break-Up: Moving Out

“Julian! Please naman ayusin na natin ito.” tila pakiusap ni Benz kay Julian.
“Sorry Benz!” biting sagot ni Julian.
“Sorry for what?” tanong naman ni Benz na nagsimula nang makaramdam nang kakaibang kaba.
Nanatiling tahimik si Julian.
“Sorry for?” tanong ulit ni Benz kay Julian at naghihintay at umaasa sa isang positibong sagot.
“It’s over. It’s enough.” malungkot na wika ni Julian.
Nagulantang ang buong mundo ni Benz sa sinabing iyon ni Julian. Hindi niya inaasahan ang ganitong sitwasyon na sa hinagap ay hindi niya nagawang maisip.
“Hindi mo na ba ako mahal?” tanong ni Benz ka kita sa mga mata nito ang labis na sakit.
“Hindi sa ganuon Benz.” tila pagtutol ni Julian sa mga sinabing iyon ni Benz.
“Then, bakit mo ako iiwan? Bakit ka makikipaghiwalay?” wika ni Benz na nangingilid sa magkabilang mata ang mga luhang nais nang kumawala.
“May iba ka na?” tanong ulit ni Benz
“It’s not like that!” kontra ulit ni Julian.
“If not, then how come that you were breaking up with me?” agad na tanong ni Benz kay Julian na pinipilit magpakatatag at magpakapormal sa harapan ni Julian.
“I need some space Benz.” tila pakikiusap ni Julian.
“I will give you what you want but please, don’t break up with me.” pakiusap ni Benz.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP