Chapter 1-3 : Si Utol At Ang Chatmate Ko
Tuesday, March 1, 2011
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Note: Thank you Mike for sharing your stories in LOL.
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
*****************************************
This photo is credited to Vin Cri. He is the MSOB official model of Enzo |
Tawagin niyo lang ako sa pangalang Enzo, 15 years old at nasa first year year college pa lang sa kursong Business Administration.
Bunso ako sa dalawang magkakapatid na lalaki. Ang totoo, mag-half brother lang kami ng kuya kong si Erwin, na nasa 3rd year college, dahil ang tunay niyang ama ay isang Lebanese, anak sa pagkadalaga ng mama ko. Nagtrabaho kasi ang mama bilang nurse sa ibang bansa noong dalaga pa ito at doon, nabuntis. Dahil sa nangyari, ipinasiya niyang umuwi na lang sa Pinas. Ang plano kasi ay susunod ang papa ni Kuya Erwin at dito na sila magpakasal. Ngunit ang masaklap, hindi tinupad ng papa ng Kuya ko ang pangako niya. Hanggang sa nakahanap ang mama ko ng isang lalaking Pinoy na nagmahal sa kanya, tanggap ang kanyang mapait na karanasan, at inampon pa niya ang kuya Erwin noong makasal na siya sa mama ko. Ang lalaking ito ay ang papa ko. Simula noon, naging isang buong pamilya sila at noong ipinanganak ako, sobrang saya ang naranasan ng papa ko, at syempre, ng lahat dahil mahal din naman ako ng mama ko at ng Kuya Erwin ko.
Si Kuya Erwin ay maputi, matangkad na kahit sa edad niyang 19 ay umaabot na yata ng 6 feet. Maputi, matangos ang ilong, brown ang buhok, may magandang mga mata at kilay, mamumula-mula ang mga pisngi… at dahil athletic, may magandang hubog ng katawan. Flawless kumbaga. Dahil Lebanese ang lahi at 50% mixed ng Pinoy, napakaganda ng resulta. Tipong artista talaga ang angking kakisigan ng kuya ko. Kahit saan kami magpunta niyan hindi pwedeng hindi mapatingin o mapalingon ang mga tao sa kanya… Ma-babae, ma-bakla, nagkaka-crush sa kanya ang mga ito. At kahit nga mga lalaki, nababakla at ang mga tomboy ay nagiging babae uli. Kaya dahil dito, pakiramdam ko, out of place ako lagi sa kuya ko. May 5’5 lang kasi ang height ko, payat, at bagamat hindi naman pangit, pero ewan, sobrang naiinsecure ako sa porma niya na nagkakaroon na tuloy ako ng inferiority complex at mababang pagtingin sa sarili.
Diggy the SUACK's official model of Kuya Erwin |
Pero in fairness din naman, mabait sa akin si Kuya. Kahit palagi kong inaaway niyan at paminsan-minsan ay pinapatulan din ako, ramdam kong mahal niya ako. Natatandaan ko noong maliliit pa lang kami at inaaway ako ng mga kabataan, binubogbog niya ang mga nang-aapi sa akin. Hanggang sa edad kong 15 ay over-protective pa rin ang kuya ko sa akin. Lahat ng lakad ko mino-monitor, pati mga kaibigan ko, kinikilatis at pinagsasabihan kapag may napapansin sa kanilang hindi niya nagustuhan. Minsan nga talagang inaaway ko na lang siya sa sobrang pagka-epal. Pero kahit ganoon, iniisip ko na lang na ginawa niya iyon dahil talagang mahal niya ako. Iyan din kasi ang paliwanag ng mama ko sa akin. Ayaw daw ng kuya ko na mapahamak ako. Palibhasa kasi, gustong-gusto daw nitong magkaroon ng kapatid na babae (nalaman ko ito sa mama ko). E, hindi na nagkaanak pa ang mama. Kaya din siguro, kina-career na lang niya ang pagtrato sa akin na parang isang kapatid na “babae”. Ang di lang niya alam, babae nga ang kapatid niya, nasa lalaking katawan lang, nyahaha!
Chickboy si Kuya Erwin. Maraming babae, at kapag may nagka-crush sa kanya, pinapatulan ang mga ito lalo na kapag maganda. Kahit nga mga teachers niya na bata pa kapag type niya ay hindi pupwedeng walang mangyayari. Malakas ang loob, walang takot, at tila sigurado sa lahat ng ginagawa. Iyon ang malaking kaibahan namin na lalong nagpapatindi ng insecurity ko at pagbaba ng tingin sa sarili. Kasi, nasa kanya na ang lahat samantalang ako, heto, ganito lang at... sa lalaki pa nagkakagusto. Ito ang lihim na itinatago-tago ko sa kanya. Sino ba ang hindi takot na magsabi sa isang maton na kapatid na kakaiba ka, na lalaki ang gusto mo, di ba? Shittt! E di nabugbog ako? At syempre, nand’yan din ang mga magulang ko na maaaring hindi ako matanggap at itakwil ako kapag nalaman nila ang aking pagdadalaga (hehe). Hayyyyy buhay naman o! Kaya ang hirap ng kalagayan ko talaga mga ateng! 15 years old lang ako ngunit pakiramdam ko ay pasan ko na ang daigdig.
Dahil sa inferiority complex at pagkamahiyain, ang tanging naging outlet ko na lang ay ang internet. Sumasali ako sa mga chatrooms, social sites, at nakikipagkaibigan sa virtual na mundo. Ngunit dahil sa kulang sa tiwala sa sarili, hindi ako naglalagay ng sariling ritrato ko sa mga profiles ko.
Isang araw, may naka-chat akong isang lalaki sa internet, si Zach. Basketbolista daw siya, pogi, at curious lang sa mga ganoong klaseng pakikipag-chat. At ako lang daw ang napagbigyan niya!
“Ah… oK, fine!” ang sarcastic ko na lang na sabi sa sarili. Marami naman kasi akong naexperience na ganoong klaseng makikipag-chat na ipangalandrakan talaga sa iyo na guwapo sila, lalaki, curious lang, walang planong pumasok o sumali sa ganitong mundo… at ang swerteswerte ko dahil pinagbigyan niya. Charing! Sa bandang huli pala ay malalaman mo na lang na mas malandi pa kysa sa iyo, hmpt! Kaya, hindi ko na sineryoso pa ang sinabi niya. At ang sagot ko na lang, “Sige nga, pakita mo sa akin sa cam ang ipinagmamalaki mong hitsura?”
At ininvite nga niya ako sa cam niya. At ambilis ha.
Aba… noong bumulagta na sa mga mata ko ang kanyang anyo, tooo palang hayop sa porma ang dyaske! Napa- “Shitt!” talaga ako mga ateng. Kahit naka-upo lang, halatang matangkad ang kumag, gwapo, may dimples, ang ganda ng ngiti at mga mata, matipuno ang katawan, at kasing edad din ni Kuya! At sa tingin ko, hindi purong Pinoy e. Parang may lahing puti din. Ang lakas talaga ng appeal ng hinayupak at doon pa lang ay mistula na akong lumulutang sa ulap sa di maipaliwanag na admiration sa kanya. Nakakabighani, nakaka-mesmerize, nakaka-L! Naka-faded jeans siya na may butas-butas, walang damit pang-itaas, lantad na lantad ang matipunong katawan, pansin ang ganda ng abs. Lalaking-lalaki! Tangina, nagninginig ba ako sa excitement. Grabe. Na-love at first sight?
“Ey... ganda ng porma naten ah!” ang nai-type ko.
“O ngayon... naniwala ka na? Hindi ako bakla, tol. Curious lang”
“Ok… Pero kung di ka bi, discreet o gay, ano ang trip mo?”
“Wala lang. Pumasok lang sa kukote ko. Gusto ko lang may magawang kakaiba, ma-experience na kakaiba, ma-widen ang understanding ko sa mundo...”
“Waahhhh! Kakaiba din ang trip nitong tao na to!” sigaw ko sa sarili. “Ok...” sagot ko.
“Hindi Ok tol... show me your face or I’ll change my mind”
“Bah, englisen ba ako?” Sambit ko sa sarili. At pinakawalan ko ang pamoso kong linya sa mga ca-chat na nagrerequest sa akin ng face pic o silip sa cam. “Eh... wala akong face pic now eh…”
At doon na nagsimula ang problema ko. Kasi, bigla ba amang nag log out ang kumag noong masabi ko ang linyang iyon.
Kaya dali-dali kaagad nag type ang lola niyo. “Wait! wait! Mag upload na pow at now na!!!”
At nakita ko na muling nag-online si pogi sabay sabing, “I’m waiting!”
Kaya sa takot na mawala siya, hindi na ako nag-isip pa, inapload ko ang may limang picture ng kuya Erwin ko. May naka-shorts lang, may naka-swimming trunk siya sa beach na nakadapa, may naka-bonnet habang gumagala sa isang sikat na tourist spot sa Tagaytay, may naka-jeans at body-fit na t-shirt. Puro mga pamatay na kuha ng kuya ko na daig pa ang modelong shoots.
“Okies... Kita mo na?” tanong ko kaagad noong ma-upload na.
Pinagmasdan ko talaga ang mukha niya kung ano ang kanyang reaksyon sa pagkakita niya sa pictures. At , mga ateng, bakat na bakat sa mukha niya ang pagkamangha at nakita ko na lang sa mukha niya ang nakaka-excite na ngiti.
“Shittt! Is that you, pal?” ang na-type kaagad nya.
“Yeah, y?” kunyari, nagulat pa ako.
“Are you really gay? Or what?”
“Y have you said so?”
“Mas mukhang straight ka pa kesa akin tingnan eh, hahahaha!”
“I’m discreet!”
“Oh, I c! That’s good.” Sabi niya.
“Naglalaro ka ba ng basketball?” tanong niya.
“Yup!” ang naisagot ko rin. At ewan ko rin ba kung bakit ko naisagot iyon, di kaya ako marunong.
“That’s nice. Let’s play basketball together one day?”
At syempre, “Ok...” ang isinagot ko, hindi binigyang importansya ang sinabi.
“So...?” sabi ko.
“So what?”
“Friends?”
“Sure? But how about c2c?”
Nabigla na naman ako sa nabasa. Ngunit nakahanap kaagad ako ng alibi. Pamilyar kasi sa akin ang mga tanong na iyon at gasgas na rin ang linya ko na ito, “Sorry, tol sira cam ko ngayon.”
“Ah… So, next time?”
“Sure!”
At iyon ang simula ng pagkakaibigan namin ni Zach. Sobrang happy ko talaga sa pagkakaibigan naming iyon. Sa tanang buhay ko, noon lang ako nakadama ng ganoong sigla at saya.
Kaso… may malaking problema. Syempre, ritrato ni Kuya ang ipinakita ko sa kanya at sa sunod naming pagcha-chat, ay dapat daw naka c2c na kami. Demanding ba.
Kaya nabuo sa isip ko ang isang maitim na balak.
Byernes iyon ng gabi noong mag-chat uli kami ni Zach. Iyon kasi ang araw at oras na napagkasunduan naming mag-chat muli. Kasi, walang pasok kinabukasan, at libre kaming pareho sa schedule.
Handa na ang lahat sa side ko. Ready na ang webcam, at si kuya Erwin ay nakaupo na rin sa harap ng computer at camera. At ako? Nasa harap ni kuya, at handa na rin kasama ang aking laptop…
(Itutuloy)
------------------------------------
Si Utol At Ang Chatmate Ko [2]
Kung bakit pala nakumbinsi ko si Kuya Erwin na sumali sa chat, ganito ang kuwento namin.
Syempre sobrang pamo-mroblema ko kung paano mapagbigyan si Zach na maka-chat niya ang ka-chatmate niyang ako ngunit kuya ko ang mukha, pinaplano ko talagang maigi ang gagawin.
Biyernes ng gabi ang usapan namin ni Zach na mag-chat at mag c2c. Alam kong maagang darating ang kuya galing sa school kapag ganoong araw kaya noong pagdating na pagdating niya kaagad ay nilambing ko.
“Nagugutom ka Kuya? Gumawa ako ng chocolate cake, baka gusto mo, paborito mo pa naman...”
“May kabulastugan ka na namang ginawa no?” Ang bulyaw niya kaagad, natunugan ang plano ko sa pagbungad pa lang sa pintuan.
Syempre, deny to the max ako. “Wala ah! Bakit sa bawat lambing ko ba sa iyo ay mayroon na kaagad akong ginawang hindi maganda. Kuya naman o...”
“Alam ko na ang style na iyan eh!” ang banat uli niya.
“Wala talaga kuya! Gusto ko lang makipag-bonding sa Kuya ko. At pagkatapos mong kumain, mag-inuman tayo kuya ha? At doon na sa kwarto ko para di nila mahalata ni Mama. Wala din namang pasok bukas eh. Kuya ha?”
Inihagis niya ang kanyang knapsack sa sofa at dumeretso na ng kusina, bubuntot-buntot ako. Naupo siya sa harap ng mesa, halatang gutom at naghintay na ihain ko na ang ipinagmamayabang kong cake.
Dali-dali ko namang inilabas ang cake at kumuha pa ako ng softdrink sa ref at binuksan ito. “sige Kuya, kain ka lang at tapos, may ipapakita din kasi ako sa iyo eh…”
Kumain naman siya, gutom na gutom at halos maubos ang isang buong cake. “Kuya ha?” pagfollow-up kong may dalang lambing gawa ng hindi niya pagsagot sa naunang sinabi ko.
“Meron… meron talagang hindi magandang nangyayari dito, naaamoy ko eh.” Ang sarcastic niyang sagot.
“Meron nga Kuya… ipapakita ko sa iyo sa kuwarto ko. Mag-inuman muna tayo.”
“O, tingnan mo di umamin ka rin!” ang pagmamalaking sagot niya, ramdam ang pagkapanalo na tama nga ang hinala niya. “OK… pero siguraduhin mong magustuhan ko iyang ipakita mo ha? Dahil kapag hindi, babatukan kita”
“Yeheeeyyyy!” Sigaw ko. “Syempre naman. Type mo kaya ang magaganda.” Ang parinig ko. Alam ko kasing weakness niya ang magagandang babae. Ilang beses na kayang napasok ko ang kwarto niya na nakakalat ang mga ritrato ng mga nakahubad na babae at nangangamoy chlorox ang kuwarto.
“Babae ba kamo? At maganda?” ang mabilis naman niyang tugon, ang mga mata ay tila lumaki pa.
“Opo!” ang sagot ko namang padabog. Syempre, hindi naman kasi babae iyon.
“Ay kung ganoon, di dalian na natin…” ang bigla namang pagbaba ng boses niya.
“Grrrr!” Sa sarili ko lang. “Kapag babae talaga, lumalabas ang pagkamanyak!”
At nag-inuman nga kami sa kuwarto ko. Syempre, dahan-dahan lang ang pag-inum ko samantalang sinulsulan ko talaga si Kuya na damihan at bilisan ang pag-inum.
Noong med’yo nalasing na si Kuya. “Nasaan na ang sinabi mo?” tanong niya, halatang atat na atat na sa inaakalang makitang magandang babae.
At doon, pumasok na ang plan B ko. Drama. Kunyari, biglang nalungkot, ang mukha ay nagmamakaawa. At syempre, dahil sa nakakalungkot naman talaga ang nangyari sa akin na heto na-inlove sa isang taong nagkagusto lang sa message ko sa screen ngunit sa mukha ng kuya ko nakatatak ang isip na hitsura ko, hindi mahirap ang magkunyaring malungkot at mapaiyak. “Kuya… may kasalanan ako sa iyo” ang sabi ko, pinilit ang sariling umiyak at papatak ang mga luha. At dahil na rin sa takot na baka hindi tatalab ang drama ko, aba, pumatak nga ang mga luha ko, naki-kontsaba yata sa aking plano.
“Tangina, sabi ko na nga ba eh….” Ang sambit niya, halatang naiinis. “Ano na naman iyan?”
“K... kasi Kuya, in-love na in-love ako sa ka-chatmate ko eh...” ang sabi ko, umiyak pa rin at sabay hagulgol.
“Tangina. Ano kung na-inlove ka? Normal naman iyan. Maliban na lang kung sa lalaki ka na-in love? Bakit? Lalaki ba iyan?”
“H-hindi ah!” ang bigla ko ring pagdeny, halos manlaki ang mga mata ko sa gulat sa tanong niya.
“Kung ganoon, bakit ka umiiyak d’yan? At ano ang kinalaman ko sa tanginang pag-ibig na yan?”
“Iyon na nga kuya eh… Kasi, picture mo ang naipakita ko sa kanya.” Sabay hagulgol na naman ako na mistulang batang kaawa-awa.
“Shiitttttt!” ang nasabi niya, sabay batok sa akin.
“Arekuppp! Sakit noon ah?” pag-react ko.
“Hindi ka na lang kasi nagpakatotoo. Gago ka. Tingnan mo ngayon… Paano na iyan?” nahinto siya nang sandali, tila napaisip. “Sabagay, sa akin mapupunta ang babae mo kung magkataon.” Ang dugtong niya.
“Manyak talaga!” sigaw naman ng utak ko. “G-ganoon na nga Kuya. Pero pwede ba kuya, ikaw ang magpakita sa cam at ako ang makikipag chat sa kanya?”
Nag-isip uli siya. “E… di sige! Huwag ka nang umiyak. Putragis na to, ginawa pa akong front!”
“Yeheeyyyyy!” sigaw ko sabay yakap sa kanya na agad ding kumalas sa pagkakayakap ko.
“O siya. Nababakla ka na yata. Paano ba ang gagawin nating setup?” tanong niya.
“Kunin mo muna ang laptop sa kuwarto mo kuya…”
Kinuha naman niya ang laptop niya habang inayos ko ang laptop ko, ikinabit ang camera ngunit nakafocus ito sa mesa sa harap ko kung saan si kuya uupo. Sinadya ko talagang magkaharap ang mga computer namin upang hindi niya masilip ang ka-chat ko.
Noong makabalik na si Kuya, pinaupo ko siya sa silyang inilaan ko para sa kanya. “Bale magkunyari ka lang na nagchachat kuya, habang ako ang tunay na ka-chat niya… d’yan ka uupo o...” sabay turo sa pwesto niya.
“Abat... Tangina! E… paano ko makikita ang babaeng iyan?”
“Huwag mo na siyang tingnan kuya, surprise ko na lang sa iyo, please??? Baka agawin mo pa kasi eh.”
“Arte mo tol! Insecure ka talaga, sobra.”
“Hmp! Insecure naman talaga ako eh!” pagmamaktol ko pa.
“O sige, sige! Dalian mo!” ang sambit niya. Siguro iniisip din niya na pasasaan pa at makikita din niya ito.
At nag-chat na nga kami ni Zach. Ako ang tunay na ka-chat at nakikita ko siya samantalang si Kuya naman na nagkunyaring nag-chat ang nakikita ni Zach na ako.
“Eyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!” message ni Zach. Mahaba siya ha na parang tuwang-tuwa talaga na naka-chat ako.
“Elllloooooooooooooooooooooooooooooooooowwwwwwwwwwwwwwwww!!!!” sagot ko din. Nasaan cam mo?
“Invite kita, sabi niya. Invite mo din ako...”
So nagc2c na nga kami. At muli, napa-“Shit!” uli ako. Grabeh, bagong paligo, bagong gupit, naka puting body-fit shirt na bagay na bagay sa katawan. Naramdaman ko na naman ang panginginig sa sobrang excitement na nasilayan siya. “Huh! Para akong nilalagnat!” sigaw ko sa sarili.
Noong makita na niya si Kuya na nakaupo lang at nagkunyari ding magtype, sinabihan ko si kuya na, “Smile kuya! Tinitingnan ka na niya!”
Nag-smile naman si Kuya na animoy gago, hindi nakikita yung ka chat at dinidiktahan ko na lang kung anong gagawin.
“Shiitttttt! Ganda ng smile, hahaha!” message ni Zach.
“Kuya, maganda daw ang smile mo!” sabi ko kay Kuya na lalo namang ginanahang ngumiti. “First time mo sigurong nakakita ng ganitong klaseng smile huh?” ang message ko naman kay Zach.
“Sobra! You look awesome!”
“Aba... may pa-awesome-awesome pa to!” Ang inis ko namang nasabi sa sarili. Syempre, the more na gaganahan siya kay kuya, the more na nawawala na ang sarili kong identity at siya na talaga ang hahanap-hanapin. “Really? Thanks ah!” ang nasagot ko.
“Pede tagilid ka ng konti? Side view sa left”
“Kuya, side view daw sa left!” sigaw ko kay kuya.
Side view naman sa left si Kuya, nakangiti pa rin.
“Sa right?” message uli niya.
“Amfffff! Ginawa na niya kaming uto-uto ha? Mamaya, may ipapagawa din ako sa iyo” sa isip ko lang. Nakaplano na kasi sa isip ko na pahubarin siya. “Kuya, sa kabila naman daw!” sabi ko kay kuya.
“Tangina! Kailangan pa ba yan?” ang pagmamaktol ni kuya ngunit nag side view pa rin.
“Huwag kang magsalita! Mapapansin ka! Smile ka lang walang reklamo eh!” ang sabi kong pasigaw.
“Opo!” ang sarcastic namang sigaw ni Kuya. “OK... happy now?” ang message ko kay Zach.
“Hahaha! Absolutely!”
“O ikaw naman, tanggalin mo iyang t-shirt na suot mo.” Biro ko.
“Yun lang ba?” sagot din naman niyang biro sabay tanggal sa t-shirt, bumulagta sa mga mata ko ang maskuladong katawan, malalaking biceps.
“Waaahhh! Palaban to! Sarap!” sa isip ko lang. “Ganda katawan!” message ko.
“Ikaw naman...”
“Hubarin ang t-shirt?” tanong ko.
“Yup!”
“Kuya! Hubad daw ng t-shirt!” sabi ko kay kuya.
Natawa naman si Kuya, siguro malaswa, iniisip na pinagpapantasyahan siya at iniisip na sa bandang huli ay siya talaga ang hahanap-hanapin noong “babae” na akala niyang ka-chatmate ko. Kaya hubad kaagad siya, sabay pose pa-pogi at nakangiti na naman.
“Kita mo na?” message ko uli.
“Yeah! Nice body! Hahaha! Ganda pa ng posing!”
“Thanks!” message ko. “Kuya! Ganda daw ng posing mo” ang sabi ko kay Kuya na tuwang-tuwa naman.
“Can you stand up and stay a bit farther from the cam? I want to see how tall you are”
“Kuya! Tayo ka daw, malayo-layo sa cam para makita ang tangkad mo.”
Walang magawa si Kuya kungdi ang tumayo sa camera. At aba, nabigla naman ako noong nagsasayaw-sayaw pa na tila isang macho dancer, iniinggit ang ka chatmate ko. At ang galing pang gumiling-giling ni Kuya ha, daig pa ang isang tunay na macho dancer. Tapus, binuksan ng kaunti ang zipper sa pantalon dahilan ng pag usli ng puting garter ng brief niya.
Kitang-kita ko naman ang pagkaaliw ni Zach, tawa nang tawa sa ginawa ni Kuya.
Nasa ganoong pagtatawa si Zach sa nasaksihan noong wala sa isip kong magtype ng message, “You like it?”
Nakita ko naman ang pagkabigla ni Zach noong makitang may message siya sa monitor samantalang sa cam niya ay nagsasayaw pa ako (na si Kuya pala) malayo sa laptop. Nahalata kong gumagalaw ang mga mata niya, pinagmasdang maigi ang paggalaw ng video at pagkatapus tiningnan naman ang message kong lumabas sa chatbox, tila naguguluhan.
“Dude, you can’t message me while you’re dancing far from your keyboard, right?”
Mistula namang sinapak ang ulo ko sa nabasang message niya, nataranta at hindi malaman kung sisigawan si kuya at ihinto na ang pagsasayaw o sasagutin si Zach at kung sasagutin man ay kung anong expalanation ang sasabihin ko.
Dahil sa hindi kaagad ako nakasagot. Nagmessage uli siya. “Shit! You are fooling me! I’m out of here! F*** You!” At bigla na lang siyang naglog out.
“Kuyaaaaaaa! Wala na siya!” Sigaw ko kay kuya.
“Bakit?” Tanong naman ni Kuya na nabigla at napahinto sa kanyang pagsasayaw.
(Itutuloy)
------------------------------------------
Si Utol At Ang Chatmate Ko [3]
Dali-daling lumapit sa laptop ko si kuya at sinilip ang screen. “Anong nangyari?” Tanong niya.
“E… nagmessage kasi ako sa kanya habang nagsasayaw ka doon” ang pag-explain ko sa kanya.
Noong marinig ang sinabi kong iyon, bigla na naman akong binatukan. “Tanga ka kasi…” sabay balik sa upuan niya, halatang nagmamaktol sa pagkapurnada ang gimik niya.
Syempre, ano pa ba ang magagawa ko kungdi ang kamutin ang ulong nasapak. Katangahan ko rin naman kasi. Kaso nga, sobrang panghinayang ko sa biglang pag log out ni Zach, kinabahan na baka hindi ko na uli siya maka-chat. Hirap pala nang ma-inlove! Grabeh. Noon lang ako nakaranas ng ganoon.
“Makaalis na nga!” ang sambit ni Kuya.
Parang wala na akong napansin pa sa sinabi at pag-alis ni Kuya sa kwarto ko. Magkahalong inis sa sarili, takot, lungkot ang naramdaman. Pakiramdam ko nanginig ang kalamnan ko at di maintindihan kung iiyak o i-umpog ang ulo sa semento.Tiningnan ko sa list ko kung nandoon pa rin ang YM ni Zach. Ngunit wala na rin ito, dinelete na rin niya ako. “Arggghhh!” sigaw ko sa sarili.
Buti na lang na memorize ko ang YM niya kaya nagsend ako ng message sa kanya. “Zach, sorry naman o… Bigla kasing pumasok yung makulit kong kapatid at pinakialaman ang laptop ko…” ang sumagi sa utak kong alibi. At ewan ko rin ba kung bakit iyon ang pumasok sa utak ko. Ss sobrang pagkadesperado ko na nga talaga.
Naghintay ako. Walang sumagot. Naghintay pa rin ako, nagbakasakaling sumagot siya ngunit nakatulog na lang ako sa mesa kaharap ng laptop, wala pa rig sagot ang message ko.
Syempre, lungkot na lungkot ako. Isang buong lingo ang nakaraan at araw-araw ko siyang mini-message, at ganoong alibi ang ginamit ko. Dahil sa sobrang lungkot, lagi na lang akong nagmumukmok sa kwarto, nag-iiyak, hindi na halos kumakain, walang ganang makipag-usap, tulala.
Napansin ito ng kuya ko, lalo na ang pangangayayat ko. At dahil na rin siguro sa awa, kinausap niya ako. At syempre, kagaya ng ibang Kuya, sa akin din ang bagsak ng lahat ng sisi. “Ikaw kasi, tanga! Naki kuntsaba na nga ako sa kagaguhan mo, sinira mo naman.”
“Hindi ko naman sinadya iyon Kuya… Parang mamatay na ako kuya sa sobrang lungkot!”
“Tanga! Hayaan mo, sasagutin ka rin noon.” Sabi niya.
“Paano na lang kuya kung hindi?”
“Ay… kadaming isda sa mundo! Gusto mo ng tilapia? Gusto mo ng talakitok? Gusto mo ng isdang bato? E, di maghanap ka! Mahirap ba yan? Huwag mong sirain ang buhay mo nang dahil lang sa isang babae… Kalimutan mo siya! Hindi siya nababagay sa iyo.” Ang payo niya na para bang napakadaling gawin, palibhasa, playboy.
Kinbahan na naman ako ng konti sa pagkarinig ng salitan “babae”. Syempre, lalaki iyon si Zach. “T-tulungan mo ako Kuya please…” ang nasambit ko na lang.
“Oo tulungan kita.” Sagot niya.
“Promise?” paniniguro ko.
“Tangina! Kailan ba kita hindi tinulungan. Kahit ganyan ka ka-kulit…” hindi na itinuloy pa niya ang sasabihin. Alam niyang alam ko ang ibig niyang ipahiwatig. Ramdam ko naman kasing mahal ako ng kuya ko eh, kahit palagi ko itong inaaway.
Gi-give up na sana ako sa pangungulit ko kay Zach noong isang gabing binuksan ko ang laptop ko, may message akong nabasa sa YM. Galing sa kanya! “May email ako sa iyo, check it and prove what you’ve said to me.”
Mistulang matatae naman ako sa sobrang excitement sa nabasa, nanginginig at nakakabingi ang kalampag ng dibdib.
Binuksan ko kaagad ang email ko at may message nga siya. “Magkita tayo ngayong darating na Byernes. Dalhin mo ang sinabi mong kapatid mong sabi mong makulit at nakikialam sa laptop mo, to prove na seryoso ka sa sinabi mong paliwanag. Alas 6 ng gabi, sa isang sea foods restaurant sa may pier.”
“Patay na!” Ang sigaw ko sa sarili. Alam ko ang seafood resto at lugar na iyon. Cowboy ang sistema dun, masarap ang barbecue na manok, kamayan, at pwedeng mag inuman. Ang problema lang ay kung papaano kukumbinsihin si Kuya na sumama kapag nalaman niyang lalaki pala ang ka-chatmate ko. “Ah, bahala na!” Sabi ko sa sarili.
Agad-agad kong pinuntahan sa kwarto niya si Kuya at kinausap.
“Kuya! Sumagot na ang ka chatmate ko?”
“Ha!” ang sabi niyang nagulat at natuwa na rin. “Anong sabi?”
“Makipagkita daw siya sa akin, sa iyo pala, at dalhin ko daw ang kapatid kong nangungulit sa pagchat na ako pala.” Ang sabi ko.
“Anong sabi mo?” sagot naman ni Kuya na naguguluhan.
Kaya ipinaliwanag ko sa kanya na ang ginawa kong dahilan ay habang nakikipagchat siya sa “babae” niya at nagsasayaw na, biglang pumasok ang kapatid niya, na ako, at kinulit ang keyboard, kaya ganoon ang lumabas, na may message kahit na nagsasayaw pa siya malayo sa keyboard. “Payag ka Kuya?” tanong ko.
“Anong araw ba?” tanong niya.
“Byernes Kuya, mga alas 6 ng gabi.”
“Shittttt!” Expression ni kuya. “Badtrip naman iyang schedule mo! E date namin iyan ni Lani e!”
Mistula namang binuhusan ako ng isang drum na malamig na tubig at kasamang lumanding sa ulo ko ang drum. Alam ko mahirap kontrahin kapag date na niya kay Lani ang pag-uusapan. Sa lahat kasi ng kasalukuyang girlfriend ni Kuya, kay Lani siya patay na patay at takot na takot. Patay na patay yata siya sa babaeng iyon e. Kaya babagyo man, lilindol o babaha, sigurado ako, on time pa ring makakarating si kuya sa venue ng date nila, kahit n pati ang venue mismo ay binaha, gumuho, o tinamaan ng kidlat.
“Kuya… i-postpone mo na lang ang date mo kay Lani!” sambit, nagbakasakaling pagbigyan kahit alam ko na ang sagot.
“Ano ka? Lahat tol pwedeng i-postpone huwag lang ang date kay Lani, ano ka ba?”
Bakat sa mukha ko ang sobrang pagkadisappoint sa narinig kay Kuya. Nakakalungkot, syempre at hindi ko rin alam kung ano na naman ang iaalibi ko kay Zach. “Kuya naman eh…” ang nasambit ko na lang.
“E, kung gusto mo, sa ibang araw na lang. Sabihin mo sa babaeng iyan na may emergency, o kaya, na magkakasakit ka sa Biyernes.”
“Kuya naman eh. Hindi nakakatawa no!” ang pagdadabog ko sabay walk out.
Ngunit hindi ko pa rin binawa ang schedule ko kay Zach. Iyon bang takot na kung sasabihin kong hindi kami matutuloy ay bigla na naman siyang mawala. “Arrrgggggghhhhh!” Sigaw ng utak ko, hindi malaman ang gagawin.
Habang papalapit ang nakatakdang araw ay lalo akong naging tensiyonado. Panay pa rin ang pakiusap ko kay Kuya ngunit talagang hindi daw pupwede at wala daw apgbabago sa kanilang date ni Lani.
Hanggang sa dumating ang araw ng Byernes. Balisang-balisa na ang utak ko, hindi malaman kung ano ang gagawin. Lumipas ang alas dos ng hapon, alas tres, alas kwatro… At namalayan ko na lang ang sariling nagmadaling naghahalungkat ng maisusuot at lumabas na ng bahay at sumakay ng tricycle patungo sa lugar kung saan namin napagkasunduan ni Zach na magkita. “Bahala na!” sambit ko sa sarili.
5:45 nandoon na ako sa mismong restaurant. Di ko lubusang maisalarawn ang tindi ng kabang naramdaman. Syempre, first time kong makita ang crush ny buhay ko in person at hindi ko rin alam kung sasapakin niya ako kung malaman niyang ang ka-chatmate niyang inaakala ay hindi makakarating. So ang ginawa ko, umurder kaagad ako ng beer, tatlo para kapag dumating na ang pinakahihintay kong si Zach ay malakas na ang loob ko at handa na ang sarili kung ano man ang mangyayari. Kaya noong idinilever na ang beer, lagok, lagok, lagok pa.
Eksaktong alas 6 na at naubos ko na rin ang beer. Med’yo umiikot na ang paningin ko bagamat handa na ako sa kung ano man ang mangyari.
Maya-maya, heto at may pumasok na kamukhang-kamukha ni Zach. “Waaahhhh! Ang wafu niya sa personal! Shiiitttt!” sigaw ng utak ko. Naka staright-cut na faded black jeans, puting body-fit t-shirt na may blue and yello stripes sa balikat, ang harapang dulo nito ay sinandyang isiniksik sa ilalim ng pantalon, ipinalabas ang buckle ng kanyang sinturon na siyang nagpalitaw sa umbok ng kanyang harapan. “Arrgggghh! Hayop sa porma!” Pakiramdam ko ay naglulundag ang puso ko sa pagkakita sa kanya sa ganoon ka guwapong porma. Daig pa niya ang mga modelo sa kanyang anyo.
Habang nakatayo siya sa may pintuan, kitang-kita ko naman na iniikot ng paningin niya ang kabuuan ng loob ng restaurant. Alam ko, mukha ni kuya ang hinahanap niya.
Kumaway ako. Kaway, kaway, kaway.
Aba, hindi ako pinansin. Tingin ng tingin pa rin siya sa paligid. Lalo tuloy akong kinabahan.
Maya-maya, pumasok na siya sa restaurant, marahil ay naisip na wala pa ang hinihintay niya at magreserve na lang ng table. Nakita kong sa direksyon ko ang tumbok niya. “Arrggghhh!” Sigaw ng utak ko. “Bahala na!”
At noong makadaan na siya sa mesa ko, bigla akong tumayo, at, “Z-zach???” ang sambit ko sa kanya.
“Yeah?” ang sagot naman niya, halata sa mukha ang labis na pagkabigla, ang mga mata ay seryosong nakatingin sa mukha ko kinikilatis ito nang maigi at halos sasabihin na lang na “Kilala ba kita?”
“P-pwedeng umupo ka dito?” ang sambit ko, itinuro ang bakanting upuan paharap sa akin sa mismo ding mesa.
“Me? Why?”
“Englisero talaga” sa isip ko lang. “Hinahanap mo si Kuya Enzo, di ba?”
“Yeah? Bakit? Where’s he?” ang tanong niya kaagad.
“May sakit po si Kuya kaya di siya makapunta” ang sabi ko. Ito na lang kasi ang pumsok sa isip kong alibi.
“Ah…” ang naisagot niya, bakas sa mukha ang pagka disappoint. Hinila niya ang upuang nireserve ko para sa kanya at naupo dito. “He’s ill? Of what?” ang tanong niya.
“A.. e… kagabi pa siya nilalagnat eh. At hayun… hanggang nagyon ay hindi pa makatayo, hindi makakain, nagsusuka, nahihilo.”
“Hindi ba dinala sa ospital?”
“Baka kapag hindi pa siya gumaling haggang bukas, dadalhin na po…” Pino-po ko pa talaga siya.
“Ah… Ok. Say my regards to him na lang. I’ll pm him too.” Ang sabi niya at akmang tatayo na.
Syempre, gusto ko pa siyang magtagal kaya, “Aalis ka na?” ang tanong ko, ipinahalata na nabitin ako sa kanya.
“Oo. Bakit?” tanong naman niya.
“E… k-kung gusto mo, tayo na lang mag-usap.” Ako man ay nabigla rin sa nasabi ko, hindi makapaiwalang ang isang “demure” at mahiyaing katulad ko ay makapagpropose ng ganoon. Iyon bang feeling na matinding hiya bagamat gusto mo ring huwag siyang umalis pero di mo kayang sabihihing “huwag ka munang umalis”. Pero… nasabi ko rin ito! Waahhh! Ganyan ako ka desperado.
Kitang-kita ko naman sa mga mata niya ang pag-aagam-agam samantalang ramdam ko naman ang pamumula ng aking face sa matinding hiya sa nabitiwang salita. Tinitigan niya ang mukha ko, nag-isip, kinagat-kagat ang labi.
“Syeettt!” Sigaw ng utak ko, mistulang kinukorot-kurot ang singit ko sa pagkakatitig niya sa akin. “Ang ganda ng kanyang mukha, ang ganda ng kangyang mga mata na pakiwari ko ay nangungusap, ang ganda ng kanyang mga pulang labi! Ang gwapo gwapo talag ng kumag!” sambit ng utak kong heaven na heaven. Syempre, napansin ko ang mga iyon kahit na iniiwasan ko kunyari ang mga tingin niya dahil sa sobrang kaba at guilt sa kasinungalingang ginawa at hiya na rin dahil may pagnanasa ako sa kanya.
“Hmmm… Ok. Why not?” ang naisagot niya.
Ramdam ko naman ang paglulundag ng aking puso at mistulang narinig ko pa ang sobrang lakas ng pagtibok nito na ang tunog ay “Zach-Zach- Zach-Zach- Zach-Zach- Zach-Zach- Zach-Zach- Zach-Zach- Zach-Zach!!!” Grabe mga ateng! Parang nahirapan akong huminga. “Thank you po!” ang nasambit ko hindi masukat ang sobrang kagalakan sa narinig na sagot niya.
So iyon. Umupo muli siya at kinawayan ang waiter na noong lumapit ay nag-order siya ng 4 na beer at barbeque na manok at steak para sa aming dalawa.
“Mukhang umiinom ka na ah!” ang tanong niya. “alam ban g kuya mo na umiinom ka na?”
“Opo…”
“Ilang taon ka na ba?”
“Fifteen po.”
“Ah… 19 na ako. Pero kahit na, Huwag mo akong popo-in. Zach na lang.” ang sabi niya at napahinto sandali, tiningnan uli ako. “O kung gusto mo, kuya.”
“Pati edad pal pareho sila ni Kuya. Waahhhhh! Type!” sigaw ko sa sarili. “S-sige! Kuya Zach na lang ang itatawag ko sa iyo.”
Ngumiti siya sabay sabing, “Good!”
“Syeetttttttt! Pamatay ang ngiti ng kumag. Kitang-kita ang pantay at mapuputing mga ngipin, ang mga kissable na mga labi, ang dimples. Wooaaahhhh!” sigaw ko sa sarili.
Tahimik.
Dumating ang inorder niyang pagkain at ang beer. Kumain kami na walang imikan, tahimik lang na mistulang inaalala namin ang mga namatay sa bagyong Ondoy. Marahil ay gutom na gutom lang din naman siya.
Anyway, nasa ganoon kaming eksena noong biglang may nagsalita sa harap ng ko, “Tol! Andito ka rin? Akala ko ba ay wala kang lakad ngayon!”
Sa pagkarinig sa boses, tarantang inangat ko ang mukha ko at tiningnan ang nagsalita. At pakiwari ko ay may pumutok na rebentador sa aking mukha at nawalan ako na ulirat noong makitang si Kuya pala ang nakatayo sa harap ko, kasama ang kanyang girlfriend na si Lani!
Napatingin si Zach kay Kuya samantalang si Kuya naman ay napatingin din kay Zach. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Nagtitigan sila.
Alam ko, ang titig ni Zach ay may dalang pagkalito at katanungan kung ang taong nakita niya ba ay ang siyang chatmate niya; samantalang ang titig naman ni Kuya ay nagtatanong kung bakit isang lalaki, at gwapo pa ang ka date ko.
(Itutuloy)
0 comments:
Post a Comment