Dreamer C15

Sunday, February 27, 2011

Chapter 15
Brotherly Love

“Sino siya pare?” tanong ni Mando kay Tino.
Humugot muna nang isang malalim na buntong-hininga si Tino bago nagsalita – “Siya ang tatay ni Vince.” diretsong sinabi ni Tino kay Mando.
“Anong sinasabi mo Tino?” galit na wika ni Mando.
“Pare, siya si Donald ang tunay na tatay ni Vince.” giit ni Tino.
“Ako ang tunay na tatay ni Vince!” pilit ni Mando. “Ako lang at wala nang iba.” sabi pa nito.
“Pare!” simula ni Donald. “Alam ko namang mapamahal na sa iyo ang anak ko!” sabi pa nito. “Pero, huwag mong ipagkait sa kanya ang karapatan bilang isang anak ko.” sagot pa ni Donald.
“Anak ko si Vince!” pilit na giit ni Mando. Pinipilit niyang huwag bumigay na kahit na nga ba ang katotohanan ay nais nang bumigay ng mga tuhod niya dahil sa nalamang balita na iyon. “Anak ko so Vince at hindi mo anak! Maliwanag!” buong diing wika pa nito na pinipilit palakasin ang sarili.
“Pero pare!” wika ni Tinos aka nasa aktong papalapit kay Mando.
“Huwag kang lalapit!” pigil ni Mando. “Umalis na kayo dito!” saad pa nito.
“Mando naman!” wika ni Tino.
“Sabi ko umalis kayo dito!” nanggigilaiting wika ni Mando.
“Sige, aalis kami ngayon, pero sana isipin mo si Vince. Karapatan ni Vince na malaman ang buong katotohanan. Wala kang karapatan para ipagdamot sa kanya iyon.” pamamaalam ni Tino.
“Hindi Tino!” awat ni Donald. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakikita si Vince!” wika nito. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakikita ang anak ko!” madiing wika ni Donald.

Read more...

Dreamer C14

Chapter 14
Moving-on: Vaughn to the Rescue

“Vaughn” bati ni Benz pagdating sa usapang lugar nila ni Vaughn. “Kanina ka pa ba?” tanong nito sa kaibigan.
“Hindi naman! Kadarating ko lang din.” sagot naman ni Vaughn dito.
“Galing nang Last Dance mo, consistent number one sa ratings ah!” panimulang bati ni Vaughn kay Benz.
“Salamat tol! Pero muntikan na nga iyon sa KNP!” sagot ni Benz.
“Anyways, kamusta ka na nga pala?” tanong ni Vaughn dito.
“Eto, tulad nung nakaraan emo pa din ng konti!” sagot ni Benz.
“Tungkol na naman ba iyan sa nagong pulot mong utol?” tanong ni Vaughn kasunod ang isang malalim na buntong hininga. “Baka nama kay Julian pa din?” wika nito sabay tingin kay Benz at tumitig sa mga mata nito.
“Basta pare!” sambit ni Benz. “Napakagulo!” wika pa nito. “Hindi ko na nga maintindihan pa ang sarili ko. Alam mo ba pare, halo-halo na nadarama ko.” tila pagsusumbong pa ni Benz kay Vaughn.
“Normal lang yan pare, ilang araw pa lang naman ang nakakalipas nang maghiwalay kayo ni Julian tapos ngayon naman nang malaman mong kapatid mo si Emil.” Pagpapanatag ni Vaughn sa kaibigan.
“Sana nga pare!” saad ni Benz. “Alam mo, iyong kay Julian, salamat kay Emil kasi mabilis akong nakapagmove-on. Iyong kay Emil lang talaga ako naguguluhan.” sabi ulit ni Benz. “Alam mo ba iyong pakiramdam na, kuya na nga niya ako. Tanggap ko na na kapatid ko siya, na ako ang kuya niya, pero may kirot pa din pag nakikita kong may pumoporma sa kanyang iba.” tila paglalabas ni Benz ng emosyon kay Vaughn.

Read more...

Dreamer C13

Chapter 13
Vince and Ken

Tatlong araw na ang nakakalipas buhat ng mangyari ang aksidenteng iyon kay Emil na kung saan ay napakalaking pagbabago ang ginawa nito sa buhay nila at sa takbo ng mga pangyayari.
“Sigurado ka bang kaya mo na?” nag-aalalang tanong ni Ken kay Emil.
“Oo naman!” dagling sagot ni Emil. “Saka kailangan na nating masimulan iyong projects sa Metro-Cosmo saka dapat makapagsubmit na ako ng first part ng story ko. Malapit na ang release nang January issue nang Metro Cosmo.”
“Nakahanda na ba ang mga gamit mo?” tanong ni Mang Mando kay Emil pagkapasok.
“Opo!” sagot ni Emil saka ito namano sa ninong niya na bagong dating na sinundan naman ni Ken ng pagmamano.
“Tara na at naghihintay na ang sasakyan nating tricycle.” wika pa nito.
“Sige po Ninong.” nakangiting sambit ni Emil.
“Si Tito naman!” tila may tampo sa himig ni Ken. “May kotse naman po ako tumawag pa kayo ng tricycle.” tugon pa ng binatang artista.
“Nakakahiya naman kasi sa’yo Ken.” sagot naman ng ninong ni Emil.
“Wala po iyon sa akin.” sagot ni Ken. “Mas makakatipid pa din po kung sa kotse ko na lang tayo sasakay.” wika pa nito.
“Ikaw na bata ka!” wika pa ni Mando. “Hala, sige, papabalikin ko na sa paradahan iyong tricycle.”
“Tama tito!” napangiting sagot ni Ken. “Saka ayos nga kung sa kotse kasi hindi makakasagap ng pollution si Emil saka mas kumportable pa ang biyahe.”

Read more...

Dreamer C12

Chapter 12
Is This Real

Naguguluhan, nabigla, nagulat at nahulog sa malalim na pag-iisip – iyan ang magandang paraan para ilarawan ang saloobin nila Benz, Ken at Vince. Kapwa sila iisa ang laman ng isip at iisa ang bagay na gumugulo sa kanila. Isang katotohanan ang walang pasabing sumampal sa kanilang mukha. Mga bagay na kanilang naiisip, ang katotohanang si Emil ay kapatid ni Benz. Higit pa ay may hindi maipaliwanag na damdamin si Benz sa bagong tuklas na lihim. Sa balitang dala sa pagdating nang kanyang ama ay siya namang pagpanaw nang kanyang diwa na ngayon ay lumilipad sa kawalan. Ganito ang nasa isipan nila bago tuluyang pumasok sa loob para kuhanan ng dugo.
Pagkapasok ng tatlo ay nagkalakas ng loob si Choleng na lapitan si Tino.
“Choleng!” nangingiti at alangang bati ni Tino kay Choleng.
Isang malutong na sampal ang ipinambati ni Choleng kay Tino.
“Walanghiya ka!” agad na bulyaw ni Choleng. “Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa amin!” sumbat pa nito.
“Choleng.” tanging nasambit ni Tino.
“Iwanan mo na kami ng tuluyan. Huwag ka ng magpapakita pa.” naiiyak na wika ng ina ni Emil kasunod nito ang paghampas sa dibdib ni Tino.

Read more...

Dreamer C11

Chapter 11
The Revelation

“Salamat nga pala at hindi ka pumayag na sa inyo tayo matulog.” simula ni Emil sa usapan at pagbasag na din ng katahimikan.
“Alam ko naman kasing hindi ka pa kumportable.” simpatikong sagot ni Benz kay Emil.
“Salamat talaga.” pasasalamat pa din ni Emil. “Saka nga pala, bukas pipirma na ako ng kontrata kaya hindi ako pwedeng sa inyo matulog.” saad pa niya na may isang nakakagigil na ngiti.
“Ayan, ngingiti ka.” wika ni Benz saka nito pinisil ang pisngi ni Emil. “Saan ka nga pala pipirma ulit ng kontrata?” tanong pa nito.
“Sa Metro-Cosmo, nag-apply ako dun kahit contributor lang.” sagot ni Emil. “Iyon kasing isang tao d’yan sinira ang future ko as scriptwriter.” pasaring pa nito at isang mapang-asar na tawa.
“Nagpaparinig ka?” tanong ni Benz kay Emil.
“Bakit? Tinamaan ka ba?” balik na tanong ni Emil. “Iilag kasi sa susunod.” habol pa niya saka nag-iwan ng isang makakaloko at mapang-asar na ngiti.
“Aba’t!” wika ni Benz saka kiniliti si Emil.
“Ano ba!” saad ni Emil. “Mag-drive ka na nga lang.” galit-galitang habol pa nito.
“Asus! Nagkukunwaring galit.” asar ni Benz na may pahabol na nakakagagong tawa.
Kinaumagahan sa loob ng Metro-Cosmo –
“Tagal naman!” asar na usal ni Benz. “Anong oras ba kasi ang usapan ninyo?”
“Bakit ka ba kasi sumama pa kung mag-iinarte ka lang?” tila inis na ding sagot ni Emil.

Read more...

STRATA presents This I Promise You part 5 - finale

Strata presents

This I Promise You


Part 5

Final Bout!

“Nasaan si Russel?” nag-aalalang tanong ni Ariel kay Melissa nang mapansing hindi pa din ito bumabalik sa opisina nila.

“Nasa office na po ninyo.” nakangiting sagot ni Melissa.

“Huh?!” nagtatakang tugon ni Ariel. “Kanina ko pa hindi nakikita si Russ!” sagot pa ni Ariel.

“Papaanong mangyayari ‘yon Sir Ariel, kasi pagkaakyat namin diretso na siya sa opisina ninyo.” napaisip pang sagot ni Melissa.

“Never mind!” sagot ni Ariel saka iniwan ang dalaga.

“Saan naman kaya nagsuot iyon?” nagsisimulang mag-alalang tanong ni Ariel sa sarili.

“Sir Ariel!” tawag na habol ng sekretarya ni Ariel sa kanya.

“Bakit?” nahihiwagaang tanong ni Ariel.

“Pinapabigay po ni Russel sa inyo.” sabay abot ng folder sa binata.

“Ano ito?” nagtatakang tanong ni Ariel saka kinuha ang folder.

“Nag-request po ng leave si Russel, approved by the board at effective po ngayon.” sagot ng sekretarya saka lumakad palayo kay Ariel.

Nahihiwagaan man dahil sa biglaang leave na iyon ni Russel ay agad naman itong nag-alala para sa binata.

“Ano bang pumasok sa kukote ng mokong na iyon at naisipan niyang mag-leave!” may asar na wika ni Ariel sa sarili. “Hindi man lang personal na nagpaalam sa akin!” dagdag pa nito.

Nag-aalala man para kay Russel ay pinilit niyang ipagwalang-bahala na muna ang pag-aalala para dito. Pinilit ituon ang pansin sa mga trabahong nakahilera sa lamesa niya.

Maagang pumasok si Ariel kinabukasan at nagbabaka-sakaling mayh iiwanang bakas si Russel sa opisina nila. Pumunta sa human resource department para kuhain ang records ni Russel subalit sa kasamaang palad ay bawal magpakita ng records ng mga empleyado at higit pa ay wala sa mga kamay nila ang profile ni Russel dahil nasa file ito ng board para sa promotion ng binata. Hinanap si Melissa para sa number nito subalit sa kasamaang palad ay hindi pumasok ang dalaga at napag-alaman niyang nagfile din ito ng leave. Ipinagtanong niya sa opisina kung ano ang number at address ng binata subalit wala sa kanila ang may alam.

Tatlong araw nang hindi pumapasok si Russel at dito unti-unting naramdaman ni Ariel ang pag-aalala para sa binata, ngunit higit pa ay ang pagsambulat ng isang damdaming pilit man niyang itanggi ay kusang kumawala sa kanyang kalooban. Minamahal na niya si Russel! Sapat nang dahilan ang pag-aalala niya dito upang mapatunayang mahal niya ang binata. Ang mga gabing ligalig ang puso niya sa pag-iisip kung ayos lang ba si Russel, ang mga oras na wala siya sa kundisyon para magtrabaho dahil sa tuwing makikita niya ang bakanteng upuan ni Russel ay nararamdaman niya ang pagkukulang.

“Sir Ariel! Si ir Russel po nasa labas.” tawag ng sekretarya ni Ariel sa kanya.

“Talaga?!” biglang siglang saad ni Ariel saka nagmamadaling lumabas sa opisina niya.

“Russ!” tawag pa ni Ariel pagkakakita kay Russel.

Samantalang unti-unting bumalik ang sakit ng nadurog na puso ni Russel sa pagkakakita kay Ariel at muling bumabalik sa alaala niya ang ginawa nito sa kanya.

“Sir Ariel!” pormal na sagot ni Russel saka nagbitiw ng isang mapait na ngiti.

“Good to see you back!” maligaya ang puso ni Ariel sa pagkakakita kay Russel. Nagniningning ang mga mata niyang tinitigan ang anyo ng binta. “Bakit hindi ka man lang nagpasabing mag-leave ka.” may himig ng pagtatampo pa nitong tanong.

Mapait na ngiti lang ang sinagot ni Russel sa mga sinabing iyon ni Ariel. Sa katotohanan ay nais na niyang umiyak dahil muli’t-muling bumabalik sa alaala niya ang masakit na nakaraan. Ang oras na nalaman niyang pinaglalaruan lang pala siya ni Ariel.

“Come on!” aya pa ni Ariel saka inakbayan si Russel. “Usap tayo sa office!” saad pa ng binata.

“I am here for my formal resignation!” simula ni Russel pagkapasok nila sa opisina.

“Hah?!” nabiglang sagot ni Ariel na hindi pa man nakakaupo ay agad ding napatayo dahil sa sinabing iyon ni Russel. “Bakit?” naguguluhan at natatakot na tanong pa ni Ariel.

“It’s not your business Sir! It is something personal!” katwiran ni Russel.

“Akala ko ba at peace na tayo?” singit ni Ariel. “Bakit ganyan ka na naman sa akin?” tanong pa ulit nito.

“Sorry Sir!” tanging sagot ni Russel.

“Please Russ! Tell me why are you resigning?” pilit ni Ariel saka nilapitan ang binata.

“The management knows my reason and as is said it is something very personal.” sagot ulit ni Russel.

“Please Russ!” pamimilit ni Ariel saka hinawakan sa mga kamay si Russel.

“Is this part of your plan Ariel?” nagngingitngit na bulong ni Russel sa sarili. Biglang pumanglaw ang anyo ni Russel, nais na namang kumawala ng mga luha sa kanyang mga mata sa isiping panlilinlang lang ulit ang ginagawa ni Ariel sa kanya ngayon. Naghuhumiyazw sa ingit ang kanyang damdamin sa isiping isang patibong na naman ang ginagawa ni Ariel para mahulog ang loob niya dito.

“I’m sorry Sir!” sambit ni Russel saka lumakad palayo para maitago ang luhang dahan-dahan ng tumutulo mula sa kanyang mga mata.

“I love you Russel!” walang pag-aalinlangang sinabi ni Ariel.

Biglang napahinto si Russel sa sinabing iyon ni Ariel. Tulad ng inaasahan niya ay sasabihin iyon ng binata at kasama ito sa plano nitong pagpapa-ibig sa kanya.

“I really love you Russel!” ulit ni Ariel sa sinabi.

“Is this part of your plan Ariel?” sarkastikong tanong ng lumuluhang si Russel.

“What do you mean Russel?” maang na tanong ni Ariel dito.

“Hindi mo na ako maloloko Ariel! I know your plan of making me fall then setting me aside broken and wasted!” madiing turan ni Russel.

“Russel I love you! That’s what I really feel!” pagsusumamo ni Ariel kay Russel.

“Shut up Ariel!” pigil ni Russel sa kasinungalingan ni Ariel. “Narinig ko kayo ni Sir Ronnie! Narinig ko kung ano ang plano mo sa akin at kung papaano mo ako itatapon ng parang basura!” kumawala ang kimkim na galit ni Russel.

“Let me explain Russel!” pigil ni Ariel. “Mahal na kita talaga!”

“Explain?” tanong ni Russel. “Para ano? Para lokohin ulit ako? Para itanggi na hindi totoong paglalaruan mo lang ako? Na mahal mo talaga ako? It’s enough Sir Ariel! It’s enough!” pagwawakas ni Russel saka mabilis na lumakad palabas ng opisina ni Ariel at mabilis na lumabas sa building na iyon.

Hinabol ni Ariel si Russel subalit lubhang naging mabilis ang binata at hindi na niya naabutan ito. Dumiretso sa kotse niya ng makitang pasakay ito ng taxi at hinabol niya ang sasakyan nito.

“Russel!” tawag ni Melissa sa kaibigan. “Saan ka pupunta?” tanong ni Melissa pa dito subalit tuloy lang sa paglakad si Russel.

“Hoy Russel!” sigaw ulit ni Melissa kay Russel na ngayon ay pumara ng ng taxi.

“Ano bang problema mo?” tanong ni Melissa ng maabutan si Russel na nagawang makasakay sa kaparehong taxi.

“It’s over Mel!” simula ni Russel.

“What happened?” nag-aalalang tanong ni Melissa dito.

Walang pag-aalinlangang sinimulan ni Russel ang kwento niya sa lahat ng nangyari.

“Friend! Magtiwala ka sa puso mo!” pagpapayo ni Melissa sa kaibigan. “Ang puso ay may kakayahang kumilatis sa laman ng puso ng isang tao!” makahulugang wika pa ni Melissa.

“Ano?” naguguluhang tanong ni Russel sa kaibigan.

“Hayaan mong ang puso mo ang magsabi kung ano ang katotohanan! Ang utak natin madami na iyang pinapaniwalaan kaya hindi na malinaw na makakabasa ng puso ng tao. Magtiwala ka sa puso muna, kalimutan mo muna ang galit at hayaan mong ang puso mo ang kumilatis at magsabi kung ano ang totoo sa sinasabi ni Ariel.” nakangiting pagpapayo ni Melissa.

Napangiti lang si Russel sa sinabing iyon ni Melissa. “Paano nga kung talagang mahal ako ni Ariel? Paano kung mahal na nga talaga niya ako?” pag-aalinlangang wika ni Russel sa sarili.

“Para na po mama!” sabi ni Russel. “Kaw na muna magbayad Mel!” nakangiting tugon ni Russel dito saka bumaba.

Walang alinlangang tumawid sa kabilang kalsada para makasakay sa kabila pabalik kay Ariel nang walang anu-ano at isang nakakabinging busina ang narinig.

Napaupo si Russel sa nakitang malapit na siyang mabangga ng kotse at pasasalamat na lang niya at hindi siya nito nahagip. Nawalan ng malay si Russel dala ng takot at ngayon ay napahandusay sa kalsada. Bumaba mula sa kotse ang driver ng kotse at isinakay si Russel sa kotse nito.

Ilang sandali pa at nagising na si Russel. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.

“Ariel?” tila inaaninag kung sino ang nasa harapan niya ngayon.

“Russel.” nag-aalalang sagot ni Ariel.

“Ikaw nga Ariel.” masayang paninigurado ni Russel.

“Mahal na mahal kita Russel.” saad ni Ariel saka hinalikan sa noo ang binata. “I really love you!” naluluha nitong dagdag.

“Ariel! Totoo ba yan?” tanong ni Russel.

“Totoong totoo.” sagot ni Ariel. “I will prove to you Einstein’s Law of Relativity para lang patunayang karapat-dapat ako sa’yo.” sabi pa ni Ariel.

Matitipid na ngiti ng kagalakan lang ang sagot ni Russel sa sinabing iyon ni Ariel.

“Our past will not cross their roads for no reason, and that is to bind us in the future. Our present will be the essential key to hold this binding moment that I am willing to sacrifice my wholeness for you. I can’t change my past but my future will be solely yours. Madami man akong pagkakamali sa nakaraan at kung babaguhin ko iyon, sisiguraduhin kong ikaw lang ang una kong hahanapin para sa simula pa lang ay tama na ang lahat ng gagawin ko sa buhay. Hindi ko man kayang ipaliwanag ang Law of Relativity scientifically, pero kaya kong ipaliwanag ang Law of Relativity ng puso ko para sa puso mo. Kasi mahal na mahal kita!” pagwawakas ni Ariel.

“Mahal na mahal din kita Ariel, sa simula pa lang.” tanging nasabi ni Russel.

“I love you Russ!” sabi ulit ni Ariel saka niyakap ang nakahigang si Russel. “Please spent the rest of your life with me.” pakiusap pa ulit ni Ariel kay Russel.

“I will, even my next life!” sagot ni Russel.

“I love you!” puno nang kaligayahang tugon ni Ariel saka ginawaran ng halik sa labi si Russel.

END

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP