Tuyo ng Damdamin
Tuesday, July 26, 2011
Nais ko alng ibahagi ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng pag susulat .. salamat Kay J sa pag papaunlak sakin .. :D
-----------------------------------------------------------------
Napakaraming bagay ang gumugulo sa aking ispan, napakaraming katanungan na hinahanapan ng kasagutan.Marahil para sa iba ay madaling sulosyunan.
Ngunit sa akin at isa itong tila pag susulit na hindi ko napaghandaan.
Patuloy akong anaguguluhan sa aking nararamdaman, patuloy ang pagsilip at pagtuklas kung saan nga ba ako nabibilang, may puwang sa puso na nagsasaad na mali ito at hindi wastong damdamin ang sa kapwa ay magisnan, at sa isang bahagi ay puwang na nagsasabing bakit hindi ko subukan ng akin itong malaman.
Marami na rin akong nasaktan, mga dahilang kaibigan lang ang hangganan, ngunit ang totoo nyan ay hindi ko lamang maintindihan. Kahit gaano ko kagusto ang babaeng aking napupusuan ay tila ang sarili ko ang syang nagsasabing huwag ko munang simulan.
Una kong nagisnan ang mga taong nagbigay dahilan, nang damdaming umusbong ng hindi inaasahan, kasagsagan ng aking kabataan ng akoy mahumaling sa masidhing kamunduhang pagnanasa na bumuo sa mundong aking kinabibilangan.
Sabi nga choice mo daw kung saan ka papanig, ano ang mas nakakalamang at ano ang nararapat? Katanungang hindi ko alam ang pinagmulan..
Mga pagkakamali, ganyan ko tingnan ang mga nagawa kong sala, mabuti man o masama, hindi ko lubos maisip na nagawa kong maging mahalay di lamang sa aking mga pinsan at maging sa kabarkada. Nagging dahilan ito ng pang araw araw na paghahanap sa kapirasong laman. Totoo ang kasabihan na once you pop you can stop, parang sigarilyo na hinahanap hanap at mahirap tigilan. Naglaon naman at natugunan ng aking isipan ang katanungan sa issue nay an.. nasarapan ba ako ? tama kaya na ginagawa ko ito ??
Naranasan ko nang iwasan, maiwanan at tingnan nila ng kakaiba. Tagos hanggang sa kalamnan.
Masaklap, ang iniingatan mong ihemplo ng isang maayos na tao ay nadungisan ng dahil sa isangdi mapagkakailang kasalanan na alam ko naming kanilang hinahanap hanapat nais balikan.
Gaano ba kadaling magmahal? Kadalasan kasi ay maraming nagsasabi sayo ng mahalagang salita nay an, ngunit hanggang saan nga ba talaga ang kayang marating nyan. Napakaraming tao na kasi nakapagsabi nyan sa akin , madalas ay sa text, gusto nilang minamadali ang lahat, at kapag sinabi mo naming ganito , iiwan ka na nila , susuko… masasabi mo ba itong tunay at tapat ?
Mga kasinungalingan , bagamat alam kong mayroon akong pagkakamali ay kumakapit ako sa sarili kong dahilan upang maikubling mali ako.. di ko matanggap sa sarili na nagkasala ako, pero sa huli anong mapapala ko sa d pag sasabi ng totoo? Kung lahat naman ng tunay ay lalabas mismo sa bibig mo.
Lagi ko na lamang iniisip na nagiisa ako , kahit ang totoo ay napakaraming nariyan para damayan ako. Nalulungkot , bahagi nay an ng buhay ko simula ng pumanaw ang ama ko, madalas walang nagtatangol sa iyo, walang nagpangaral, walang nagturo, kailangan matuto ka sa buhay n gang inaasahan ay sarili mo, nakakapagod na intindihin sila , habang ang ginagawa nila y kinukutya ang mga bagay na nagagawa mo.
Gaano ba nila alam ang tunay na nararamdaman ko ?
Minsan ay ninais ko na rin wakasan ang aking buhay, pinilit isiksik sa sarili na wala na akong halaga sa mundo. Lahat ng pinahalagahan ko ay ang siyang sumusira sa pagkatao ko, ang siyang humahamak sa mga kilos ko, ang siyang patuloy na nagbibigay dahilan saking sumuko sa buhay na kapiling ang mga suliraning naibibigay nila. Pero kahit pa man ganoon ay pang unawa pa rin ang nangibabaw sa pagkatao ko.
Salamat sa musikang nagbigay tawid sa akin, nilanaw ang isip kong huwag sumuko sa laban ng buhay, na mayroon pang magandang bukas na maaring magbago sa takbo ng buhay na meron ako, na dapat harapin ko ang lahat ng problema kaakibat ng damdaming kinahaharap ko. Aabanga ko na lang ang pasya ng kamatayan ko. At pag tuunan ng may kasamang ngiti ang nalalabi pang kinabukasan.
Natutunan kong unawain ang maraming bagay, ngunit hanggang sa ngayon ay patuloy pa ding naguguluhan . saan nga ba ako tutungo? Kaibigan ?