Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 11)
Saturday, November 5, 2011
Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga grammar flaws kayo na makikita, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.
Salamat din sa mga:
Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)
Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, Erion, coffee prince(tsaka na ang revelation, Baka ma-spoil yung story eh.. Hehehehe.. Darating tayo dun..), anonymous(my mentor pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) Nitro, zenki( hindi na nagpaparamdam sa pagko-comment ko.;(() ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!
ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!
(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)
Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.
DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.
To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:
Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: http://www.twitter.com/pINNOHy
------------------------------------------------
Part 11
"It was all started since when I was in college. I'm just an in-the-closet bisexual that time. Mahirap itago ang sexual preference ko especially kay daddy, alam mo naman iyon, diba? I was a sophomore student in Mapúa back then, at nagwoworking student ako sa Jolibee that time. I'm also a member of fraternity group named ALPHA KAPPA RHO. Ka-brotherhood ko si Robinson, ang one true love ko, at nagkaroon kami ng relasyon na lingid sa kaalaman ng fraternity ay bawal ang bakla, even the man-to-man relationship."
"Sekreto ang relasyon naming dalawa, at ang nakakaalam ng iyon ay si Susan, isa sa mga kaibigan ko. Magkaparehas kami ng course ni Robbie. BS Marine Engineering. Actually, the truth of that was, hindi ko dapat seseryosohin si Robinson, kaso time flies by, I realized, mahal ko siya."
"May nangyari sa amin ni Robinson, maybe 3 times bago niya ako iwanan. Maganda at matipuno ang katawan ni Robinson. Magaganda ang mga mata nito, hazelnut brown na mahahaba ang pilik-mata. Akala ko nga, contact lense yun, but when I looked into it, it was all natural pala. Ang buhok niya ay kulay reddish black na kung aakalain mo, parang foreigner, well anyway talagang may lahi siya. Half German-American ang daddy niya samantalang half chinese naman ang mommy niya. Matangkad siya, probably nasa 5'10" ang height niya at naging varsity player sa NCAA. Halos nasa kanya na ang lahat. Looks, Brains, and Talents. Marami na ang ngtangkang lumigaw sa kanya, pero he was not yet prepared to be committed."
"Ang pinakaromantic at hinding-Hindi ko makakalimutan ay ang pag-OOJT namin sa MV Kleinstein Weïnegört. Sabay kaming nag-OJT noon at wala nang taga Mapúang estudyante maliban sa amin. Malaya kaming nagmamahalan sa barkong itinuring naming paraiso dahil karamihan sa mga pasahero ay mga bisexual at gay. Nagkaroon kami ng sexual intercourse, especially habang naglalakbay kami sa buong SouthEastAsia. Ang saya ng bawat moment namin."
"Dun sa barko ay nagpropose sa akin para magpakasal si Robinson, pero parang tinaksilan ako nito noong nakita kong nagde-date sila ni Susan. Nagpaliwanag siya pero hindi ako naniwala. Talagang inaway ko siya noon at agad naming tinapos ang relasyon namin ng hindi ko pinariringgan ang side ng dalawa."
"Lumipas ang mga panahon at kami ay nakapagtapos na ng college at may mga trabaho na kami. Si Susan ay nakapasa sa nursing board exam, samantala, kaming dalawa naman ni Robbie ay nakapasa din sa Marine Engineering Licensure Exam noong 1986. Pagkatapos noon, ay hindi ko na alam ang nangyari sa kanila after."
"Pero may mga balita din akong natanggap this past months na pumunta ng ibang bansa sina Robinson at Susan. sabi daw ay may anak sila pero hindi sila kasal. Nasa Dubai daw si Robinson at balita ko din daw ay dun siya ngtatrabaho as executive officer in charge ng isang sikat na shipbuilding company. " kwento ni kuya Kenneth habang napapansin ko na medyo napapaluha siya.
"You know what, Jacob, if I could turn back time, I really would listened to them. Sana hindi nagsa-suffer ang friendship at relationship namin ni Robinson ng ganito. Gusto kong ayusin lahat, even the moments that we shared for the both of us. Kaya, Jacob, you must learn from my experience para hindi ka magiging katulad ko."
Para akong nagising sa sinabi sa akin ni kuya Kenneth. Tulad ko, naging discreet pala siya. Nagmahal pala siya, nasaktan, at ngayon ay unti-unting natututo at tumatayo.
Alas kwatro y media na pala nang natapos kaming mag-usap ni Kuya Kenneth.
"Tandaan mo lahat ng sinabi ko sa'yo Jacob! Mahalin mo kung ano ang tinitibok ng puso mo, huwag ang isip mo. The mind tells you the smart thing to do, but the heart tells you what you’re going to do anyways. Nagkokontrol lang iyan sa mga ginagawa mo, pero hindi niya kinokontrol ang pagmamahal na nararamdaman mo sa isang taong katulad niya." Pangaral ni Kuya Kenneth sa akin.
Tama, tama nga si Kuya Kenneth. Bigla akong nabuhayan ng loob para buhaying muli sa puso ko si Patrick. Ang pagkakawala ko ng pag-asa na mahalin si Patrick noon ay nanumbaling muli. Tama! Mahal ko si Patrick, at batid ko na alam din niya kahit anong mangyari.
Hindi ko na pala namamalayan na hindi ako nakatulog. Medyo parang nahihilo ako ngayon. Kaya ko kayang pumasok ng ganito? Paano ko haharapin si Lei? Halos parehas lang kung iisipin ang pagmamahal ko na nararamdaman ko kay Patrick para kay Lei. Buhay si Patrick para sa akin ngayon, at buhay na ang pag-asa ko na balang araw ay mamahalin niya ako. Papaano na si Cheney? Siya ang dahilan kung bakit ako naging matapang na kalimutan si Patrick. Siya rin ang nagturo sa akin para magmahal ako ng lubusan na halos walang kapalit. Hay!! Gulong-gulo na ako!!
Agad akong nagtungo sa CR, nagsepilyo at naghilamos. Hindi na ako naligo kasi bawal pala maligo ang mga puyat at hindi nakakatulog ng magdamagan. Binuksan ko ang TV at saktong saktong ipinalalabas ang Unang Hirit. Ginising ko si mommy para sumabay sa akin ng pag-alis at ako na rin ang nagluto ng aming makakain. Nagtimpla ako ng kape sa pitsel na pangkaraniwan na naming ginagawa at pagkatapos ay sabay kaming kumain ni mommy.
"Ano nangyari diyan sa kanang pulso mo?" Sabi ni mommy sa akin.
Biglang nahalata ni mommy ang gasa sa kanang pulso ko. Hindi ko alam ang isasagot ko, agad akong naghanap ng masasagot sa kanya, para maitago ko ang dahilan.
"Ah eh, mom, nasugatan ako along my way home kasi biglang umulan. Hindi ko pinansin na mayroon palang pako sa gilid ng nilalakaran ko kaya instead na nasugatan yung binti ko, ay yung kanang wrist ko ang napuruhan." Depensa ko sa tanong ni mommy.
"Ah.. Ganun ba? Next time, you should have to be careful especially when you're walking outside! You are prone in accident, as I notice these days ah?!"
"Oo nga mom eh.."
Natapos na akong kumain at agad na nagpaalam kay mommy. Agad akong pumanik sa taas para kunin ang bag ko at sabay suklay ng buhok at nagpabango ng booster Lacoste for men na padala pa ni kuya Kenneth noong nasa ibang bansa siya.
Alas sais na ng umaga nang ako ay nakapunta ng school. Medyo maaga ng di-inaasahan. Walang masyadong traffic. Nakita ko si Nikol na kausap si Cheney. Sabay bati sa akin. Agad kong hinalikan si Cheney sa lips sabay tingin sa sugat ko. Agad niyang tinanong kung saan ko daw ito nakuha at binigyan siya ng sagot na katulad sa sinagot ko kay mommy.
Ayos at nakaabot ako ng Flag Ceremony. Napansin ko na wala pa sa pila si Lei. Asan kaya siya. Alalang alala ako dun sa kinakapatid kong iyon? Lumipas ang ilang minuto ay isa-isang pumapanik sa respective classrooms ang mga estudyante. Minamanmanan ko pa din si Lei sa pila pero wala pa din. Wala akong choice kundi mag cutting sa klase at hindi muna papasok na una ko pa lang ginawa sa buhay ko para pumunta sa kanila.
Agad akong pumunta sa bahay nila. Naabutan ko ang Tita niya na papaalis na ng bahay nila.
"Tita, papasok po ba si Lei?"
"Ah iho, hindi siya papasok ngayon! Ang taas ng lagnat niya! baka hindi niya makayanan na pumasok kaya hinayaan ko siyang mag-absent."
"Ah ganun po ba, Baka pwede naman akong pumasok Tita, kakamustahin ko lang siya!"
"Sige, dapat sana ay ila-lock ko ang gate, pero hindi na. At saka isa pa, nasa kwarto siya ni Tifanny kasi ayaw niyang gamitin ang kwarto niya. Puntahan mo na lang siya, ikaw na ang bahala, iho."
Pumunta ako sa loob ng bahay nina Lei. Inilagay ko ang sapatos ko sa gilid ng pintuan nila at sabay panik ko sa itaas. Tumungo ako sa kwarto ni Tiffanny at nakita ko siyang naka-kumot. Pumunta ako sa harap niya at agad na hinipo. Ang init niya, sobra!!
"Ang init ni Lei ah!!" Sabi ko habang hinihipo ang noo at leeg nito.
Naisipan kong bumaba at kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig. Kumuha din ako ng paracetamol sa itaas ng ref at pagkatapos ay pumanik.
Binalikan ko si Lei. Hinipo ko ulit ang noo nito at ganun pa din ang init niya. Ginising ko siya.
"Lei, baby bro, wake up!! Hey!"
Agad na nagising si Lei. Nang binuksan niya ang kanyang mga mata at nang kaagad niya akong nakita ay bigla siyang tumalikod.
"Why you are here?! Di ba you told me, hindi mo ako mahal?! Umuwi ka na! Ayaw kitang makita pa!" sigaw ni Lei habang tinataboy niya akong palayo sa kaniya.
"Baby bro, I know, it's my fault. I'm here to apologize for what I had done yesterday. I really don't know what to do when that moment happened kaya nasabi ko iyon sa iyo." paliwanag ko sa kanya.
"Lier!! You're just a lier!! You're like other people out there who doesn't love me! Mga makasarili!! Egoist!!" depensa niya sa akin.
"Baby bro, I'm not what you're talking about! I love you, please forgive me!!" pagmamakaawang sinasabi ko sa kanya habang nakaluhod.
Para hindi na siya magalit sa akin, naghanap ako ng paraan para pansinin niya ako. Nagpunta ako sa ref at binuksan, at sa di-inaasahan, nakita ko ang snickers bar na favorite din niya. Kinuha ko iyon at agad isinarado ang ref. Pumanik ako at bigla kong nakita ang isang punit na page ng notebook na nakalukos sa gilid ng panghuling hagdanan. Binuksan ko iyon at nakita ko ang nilalaman.
Sorry Jacob!! I still do love you!!
Sorry Jacob!! I still do love you!!
Sorry Jacob!! I still do love you!!
Iyon ang nakasulat sa harap at sa likuran ng page na lukot. Napansin ko din ang mga faded na ink na nasa papel. Pabilog ito at anim na piraso ito kung oobserbahan. May date ito, Aug.15, 1997. Agad ko itong inayos at tinupi. Inilagay ko sa bulsa ko at pumunta kaagad sa kinaroroonan ni Lei.
"Lei, can I enter?"
"Sige kuya, pasok ka na!!"
Nagulat ako nang narinig sa kanya ang salitang kuya. Ibig sabihin, napatawad na niya ako. Ngumiti siya sa akin at bahagyang itinaas ang ulo nito sa harapan ng hinihigaan niya.
"Kuya, Sorry din dun sa nangyari sa atin kahapon ah!!"
"Ah, So Ibig sabihin pinapatawad mo na rin ako?!"
"Ganun na nga kuya!!"
Agad kong nakita sa kanya ang mga ngiti na nakita ko sa kanya dati habang kami ay magkasama. Ibinigay ko sa kanya ang kinuha ko sa fridge.
"Oo nga pala, I bought you something that will bring back your smile."
Binigay ko ang Snickers kay Lei. Tuwang-tuwa niyang kinuha ito sa akin. Agad niya ito inihati at ibinigay sa akin ang kalahati. Pagkatapos ay tinoss niya na parang iinom ng wine ang snickers niya sa snickers ko.
Nang natapos ay pinainom ko siya ng gamot. Agad naman niya itong ininom. Sabay ngiti sa akin at niyakap. Ramdam ko sa kaniya ang pagmamahal na dati ay naramdaman ko kay Patrick kaya niyakap ko din siya na napakahigpit. Nang natapos ay umupo siya sabay hawak sa kanang kamay ko at tinitigang mabuti ang gasa na nakakabit sa pulso nito.
"Kuya, what's happened to this?"
"Oh nothing, It's just a minor bruises that I got yesterday."
"Kuya, please don't tell a lie to me! I know, that is not the main reason.."
Wala na akong magagawa pa! Agad kong sinabi ang dahilan ng pagkakaroon ko ng sugat sa pulso ko. Tinanggal ko ang gasa ng sugat ko at ipinakita ko ito kay Lei. Nagulat siya at sinabing hindi iyan isang ordinaryong sugat.
"I know kuya, it's hard, but please! Sabihin mo sa akin ang lahat-lahat!!"
Itutuloy..
Read more...