By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Chapter 1
|
aka Boss Aljun |
“Jun! Jun!” ang sigaw ng best friend kong si Fred habang nagtatakbo itong lumapit sa akin, bakat sa mukha ang ibayong saya. Nasa library ako noon, nagbabasa ng libro. Dahil sa di napigilang pagsigaw niya sa pangalan ko, lahat ng tao sa loob ng library ay napalingon.
Si Fred ay ang ang kauna-unahan kong kaibigan sa school na iyon. Transferee lang kasi ako at nasa first year ng kursong Liberal Arts. Confirmed gay si Fred ngunit acting straight naman bagamat paminsan-minsan ay lumalabas din ang tunay na kulay.
“Hinaan mo nga ang boses mo! Ano ka ba? Nakakahiya sa mga taong nag-aaral!” ang pigil na boses kong sagot sa kanya.
“Nakabili ako ng raffle ticket! Heto o, tig-iisa tayo!” sagot niyang pinigilan na rin ang pagsigaw.
“E, ano ngayon? Ano ba ang mayroon sa mga tickets na iyan at para kang natatae na hindi makahanap-hanap ng kubeta?” ang sagot kong pigil din ang boses.
“Doon na nga tayo sa botanical mag-usap para hindi tayo nakakaistorbo rito!” Mungkahi niya.
“Sige nga, sabihin mo sa akin kung ano ang mayroon sa ticket na iyan kung bakit para kang inaatake ng kalandian sa inasta mo?” ang tanong ko kaagad noong makaupo na kami sa damuhan sa lilim ng malaking mahogany ng botanical garden.
“May narinig ka ba tungkol sa taonang pinakaaabangan at kinababaliwang paraffle dito sa campus?” tanong niya sa akin.
“Hindi. Bakit? Ano ba ang nakakabaliw sa paraffle na iyan?” ang sagot kong may kaalituhan sa ibinigay niyang trivia.
“Hindi mo alam talaga? As in virginly innocent ka kung ano ito? As in wala talagang nakapagsabi man lang sa iyo kung anong klaseng paraffle mayroon ang campus na ito taon-taon?”
“Wala nga at hindi ko alam, ano ka ba? First year college pa lang ako, ngayon pa lang nakatungtong sa college na ito, ikaw pa lang ang kaibigan ko dito at wala namang tsismoso na lumapit sa akin, ikaw p lang! Ano yan?”
“Ay oo nga pala. Wala ka pala talagang kamuwang-muwang. O sige, ito, sasabihin ko na at huwag kang mabigla ineng ha? Itong paraffle na ito ay paraffle ng mga… lalaki!” napahinto siya at pinagmasdan ang aking reaksyon.
Syempre, lumaki ang mga mata ko sa gulat, hindi malaman kung matawa o mainis sa iniisip na niloko lang ako ng kaibigan.
“O ano? Nagulat ka…” sabi niya sabay tawa. “
“Ibig mong sabihin totoo talagang lalaki ang papremyo sa paraffle na iyan?” tanong ko uli.
Tumango siya, bakat sa mukha ang pigil na pagtawa, ang mga mata ay nakatutok sa akin.
Syempre naman, hindi ko lubos maisip na mayroon palang ganyang klaseng pa-raffle. Sa biro lang naman nangyari ang ganyan kasi, gaya ng “umulan ng mga lalaki”, “bumaha ng mga tite”, at ngayon pala, “parafle ng mga lalaki!” Parang weird. “Sandali, paano nangyari iyan? At sino ang may pakana niyan?” tanong ko uli.
“Sabi ko na nga bang magka-interes ka eh.” Ang biro ni Fred.
“Hindi ako interesado ah! Nawiweirdohan lang ako!” ang bigla ko ding pagtutol.
Read more...