The Letters 1

Thursday, June 30, 2011

NOTE: Collaboration po namin ito ng aking friend na si Dhenxo Lopez. Nawa po'y inyo iyong maibigan. :)

Our blog:
Unbroken's blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/

This is the first part. Ako po ang nagsulat nito.
-Unbroken-

Quick Note:I dedicate this novel sa mga nagbasa ng Terrified. Kahit ilan lang kayo. Haha. Salamat ng marami!


March 16,2009


Kupal kong diary/journal/spring notebook,


Fuck. Ang sakit ng ulo ko. I just had one hot steamy sex with someone I met sa isang bar sa Malate. Goodness Gracious,he was so big. But I must admit that I had a very good time. I just so love sex. I just so love hooking up and flirting with guys sa bars. I think that this is really my thing. Who knows? True love might meet me there.


Okay. So ang sakit nga ng ulo ko diba? Grabe yun,alam mo yung feeling na lasing na lasing ako tapos i'll have a good sex? Chemical Fun! Just heaven. Ang sarap. Pero pag gising mo,disaster!


I'm thinking of not going to work today. Tinatamad ako. Ang sakit pa ng ulo ko eh. Wag nalang kaya akong pumasok? Nadedemonyo na naman akong gumimik ngayong gabi.


Ewan ko ba kung bakit ako nagkaganito. Dati naman okay ako nung nasa Isabela pa ako. Masaya at simple ang buhay,di ko alam ang paginom at pagyoyosi. Clean-living ika nga. Pero masaya naman ako sa Maynila. Though napakalaki nga lang talaga ng pinagiba ko nang mapadpad ako dito.


Nung una ayaw ko sumama sa Maynila,nung nagtagal na,napapayag ako ng tita ko. Pangako nya kasi sakin na pagaaralin nya ako ng Nursing dito sa Maynila. Well.tinupad naman nya,yung nga lang naobliga na rin akong huminto dahil kulang na sa pera. Sayang nga at mga Duty nalang ang kulang ko.


Naobliga din ako magtrabaho. Awa naman ng Diyos,napasok ako sa bilang isang ESL teacher. Madali lang ang trabaho,Petiks kung petiks,kahit papaano naman ay okay ang sahod. Di ko lang maintindihan kung bakit parang nawawala ako sa landas? I mean bakit parang nagiging makamundo ako? I feel so lost. Nangungulila ako sa pagmamahal. I just need someone to tame the devil in me.


* * *

So ayun,nalabanan ng mabuting ako ang masamang ako. Pumasok ako ngayon sa trabaho.


Same typical office set-up. Ang daming cubicles kung saan nandun ang stations naming mga teachers. Isang computer per teacher. May headset,phone etc. We have to call our students then have classes with them. 10 minutes per class so hindi na din naman masama. IN fact,napakaentertaining nga ng mga trabaho.


Okay naman ang mga tao sa office. Mababait naman silang lahat,isa pa wala namang kaso sa kanila kahit bakla ako,so keri lang. People in the office knows that I'm gay,wala naman akong tinago. Syempre may mga nanghinayang,pero natanggap din naman nila ako.


“Chris,may mga bagong trainee oh.” sabi sa akin ng isa kong kasama.


“Really? Naku,hayaan mo sila. Magtrabaho nalang tayo.” sabi ko.


“Okay. Arti mo.” pabirong sabi nito.


“Gaga. Hayaan mo na,di naman natin ikakayaman ang mga bagong trainee. Buti sana kung may malalandi dyan.” pabiro kong sagot.


“Te,malay mo naman no. Don't lose hope.” sabi nito.


“Gaga.”


Narinig ko nalang na pinapakilala ng TL ko ang bagong member isa-isa. Hindi ko masyadong pinansin kasi makikilala ko rin naman sya pag turn ko na syang makilala eh. So ayun na nga.


“Bakla.” tawag ni Ate Joy sa akin na seatmate ko.


“Yes Straight?” sabi ko.


“Moreno yung bago. May nunal.” nanchichismis na sabi nito sa akin.


“Ayy talaga? Hayaan mo sya.” sabi ko,sounding so aloof.


“Echusera. Kagandahan?” nangiinis nitong sabi.


“Ewan ko sayo.”


Patuloy ako sa pagtatype. Hinantay ko nalang na lumapit sa akin ang aming TL o Team Leader na si TL Mary. Ilang segundo pa,nakita ko na syang nakabungisngis with her braces. Nasa likod na nga nya ang Trainee.


“Uhhmmm. Teacher Chris.” tawag nito bilang pagkuha ng atensyon ko.


“Yes TL?” nagigiliw-giliwan kong sabi.


“Uhhmm.” sabi nito sabay hawi ng buhok papunta sa kanyang tenga.


“Uhmm,we have a new member for the team.” dugtong nito.


Nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Nagaantay akong ipagpatuloy nya ang pagpapakilala sa amin ng bagong empleyado. Bakit parang natetense ang TL ko? Mukha ba akong masungit?


“Uhhhm,Yes. Uhhm. Yes. This is Teacher George.” sabi ni TL sa akin.


Ngumiti ito bilang respeto. Muling bumanat si TL.


“Ahhh Teacher Chris,he'll be sitting here.” sabay turo sa bakanteng upuan sa kanan ko.


“Ahh okay. Sure sure.” sabi ko rito sabay ngiti.


“Nice meeting you Chris.” sabi ni George sa akin.



Tila huminto ang mundo ko ng masilayan ko ng husto si George. Di ko alam pero parang he made an impact sa akin. Di naman sya kagwapuhan,sakto lang. Tama nga si Ate Joy,moreno nga sya at may nunal. Sakto lang talaga sya. Pero I can't take my eyes off of him. Weird.


Inaalyze ko ang mukha nya.


“Teacher Chris?” sabi ni TL.


“Uhh yes? “


Nakita kong nakaumang ang kamay ni George,imposing a handshake. Nagulat ako. I took his hand and we did a firm handshake. Ngumiti ako sa kanya. Ganun din sya sa akin. Hindi ko alam,pero parang may something. May Spark,parang Meralco.


“Teacher Chris,are you okay? Namumula ka.” concerned na sabi ni TL.


I instantly checked myself in the mirror and see myself blushing. I felt an iota of mortification within me. Nakakahiya. Kinikilig ba ako?


“I'm okay TL. Thanks.” sagot kong pagiwas sa panunuksong nangangamoy.


“Okay. Teacher Chris,iiwan ko muna dyan sa tabi mo si Teacher George. Kindly assist him if he has questions ha? Be kind.” sabi ni TL.


“Yes TL.”


Ayun na nga. Tumabi na sa akin si George. Bakit parang iba ang pakiramdam ko? Nahihiya ako sa kanya. Alam mo yun? Nakakainis. Para akong teenager na kinikilig twing nakakatabi ang campus crush. Di to maganda.


“Bakla namumula ka oh?” pangiinis ni Ate Joy sa akin.


“Ako? Namumula? Hindi ah! Nakakainis ka Ate Joy!”


I looked at the mirror again. Dumbfounded,Yeah. I'm blushing.


This is just not right.



Laters,
Chris.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP