No Boundaries - C18

Saturday, February 5, 2011

Pag-amin kay Andrew ng Katotohanan

“Sa wakas at naayos na din ni Nicco lahat ng papel niya” masayang pagbabalita ni Andrew “talagang dito na siya mag-aral kasama natin”
“Oo nga eh, salamat sa tulong ninyo ah” pagsang-ayon ni Nicco.
“Wala ka dapat ipagpasalamat, ayos lang yun” sagot naman ni Andrew.
“Salamat talaga” giit ni Nicco “buti na lang may mga kuya akong gaya ninyo.” masayang dagdag ni Nicco.
“Siya nga pala, paano na yan, magkakahiwa-hiwalay tayo bukas” sambit ni Andrei.
“Oo nga pala, hiwa-hiwalay tayo bukas” sang-ayon ni Andrew “si Nicco sa College of Liberal Arts, si Kuya Andrei sa College of Engineering at ako sa College of Accountancy”
“Bakit ganuon?” tanong ni Nicco “di ba nakapag-enroll na tayo online? Ano pa ba ang kailangan nating gawin?”
“Kukunin pa natin ung katibayan na nakaenroll na tayo. Papakita natin sa College Offices ung resibo galing sa bangko saka ung pinirint natin galing sa site.” Pagpapaliwanag ni Andrei.

“Ganun ba iyon, di ko alam kasi eh” sabay ang nakakalokong ngiti.
Kinabukasan, maagang nakatapos si Nicco kaya mas nauna siyang makauwi sa tinutuluyan nilang bahay na malapit sa unibersidad na kanilang pinapasukan. Hindi niya namamalayan na nakatulog na pala siya. Samantala, kasunod niyang naka-uwi si Andrew at nakita nitong mahimbing ang tulog ni Nicco. Nilapitan siya ni Andrew at kita dito na nakakaramdam ito ng matinding kaba. Dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ng nahihimbing na si Nicco. Napalunok muna siya ng laway bago tuluyang inangkin ang mga labi nito. Sandali lamang at agad din niyang inilayo ang mga labi. Wari niya ay sobra sa kaligayahan ang kanyang nararamdaman sapagkat matagal na niyang inaabangan ang ganuong pagkakataon. Ang pagkakataong masolo si Nicco. Lagi kasing kasama ni Nicco ang kuya Andrei niya. Nasa gitna siya ng pag-iisip at pagnamnam sa mga labi ni Nicco ng dumating ang kuya Andrei niya.

“Andrew” bati nito “bakit ka nakalupasay sa sahig?” tanong nito.
Nagulat si Andrew at nanghinayang dahil anduon na ang Kuya Andrei niya “Wala naman, masyado lang kasi ako napagod kaya dito na muna ako napaupo” agad niyang sagot.
“May gusto sana akong sabihin sa’yo kapatid ko” tila kinakabahang sinabi ni Andrei.
“Ano naman iyon?” magkahalong pananabik at kaba ang nararamdaman ni Andrew sa mga sandaling iyon “para atang napakahalaga ng sasabihin mo at seryoso ang dating mo ngayon”
“Seryoso talaga to, tungkol kay Nicco” sabi ni Andrei “pero ipangako mo, walang ibang makakaalam nito. Sa iyo ko lang sasabihin” pahabol ni Andrei.
Biglang nakaramdam ng kaba si Andrew ng mga sandaling iyon, inipon niya ang lakas para makapagsalitang muli “sige, pangako ililihim ko, ano ba iyon?”
Nagdadalawang isip pa din si Andrei kung dapat ba niyang sabihin sa kakambal pero hindi niya napigilan ang sarili para magsalita “Mahal ko si Nicco” panimula niya “at mahal din niya ako” dugtong pa niya.
Tila nawasak ang mundo ni Andrew sa narinig, nanatiling tahimik ang buong paligid “Bro, sana maintidihan mo kung ano ang nararamdaman ko. Simula pa ng una kong makita si Nicco iba na ang pakiramdam ko. Lagi pakiramdam ko ibang Andrei ako.” Sabi ni Andrei.
“Kuya..” sabi ni Andrew “naiintidihan kita, wag kang mag-alala” nakangiti niyang saad, subalit umiiyak na ang puso niya at ang nasa loob niya ay iba –“naiintidihan kita kasi pati ako ay iniibig at minamahal na din si Nicco. O Nicco, bakit ba labis akong nasasaktan dahil sa iyo, kung kailan handa na akong aminin ang nararamdaman ko, saka ko nalamang hindi din pala pwde dahil masasaktan ang mahal kong Kuya.” biglang bumakas ang lungkot sa mukha ni Andrew.
Napansin iyon ni Andrei kaya naman “ayos ka lang ba bro?”
“Oo ayos lang ako” sagot ni Andrei. Pero sa loob loob at kung tunay na nararamdaman “hindi ako ayos kuya, ang sakit.”
Nanatiling tahimik ng magsimulang magsalita ulit si Andrei “Ipinagkakatiwala ko sa iyo ang sik—“ hindi na nagawa pang ituloy ni Andrei ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Andrew.
“May nangyari na sa inyo?” tanong ni Andrew “paano at kelan nagsimula?” sunod na tanong nito.
“Wala pang nagyayari sa amin, dalawang halik at yakap pa lang” sagot ni Andrei “hindi na hihigit pa dun ang gagawin namin hangga’t hindi pa kami tinatanggap ng mga kapatid niya at ni Papa” dagdag pa niya. Mula duon ay kinuwento ni Andrei ang lahat.
Malungkot man si Andrew ay pinilit niyang huwag ipahalata iyon sa kapatid. “Wag ka mag-alala, ligtas sa akin ang sikreto ninyo.”
Pansin man ni Andrei ang lungkot sa kapatid ay hindi na lang niya pinansin pa. “Salamat bro, salamat. Matutuwa si Nicco dahil alam mo na ang tungkol sa aming dalawa.”
Kinagabihan ay kinausap ni Nicco si Andrew.
“Kuya Andrew” nakangiting bati nito.
Tila nawala ang lungkot sa puso ni Andrew dahil sa tawag na iyon ni Nicco. “Bakit Niccollo Emmanuelle Ray?” nakangiting turan nito.
“Magpapasalamat lang po ako sa iyo kasi natanggap mo kami ni Kuya Andrei” sabi ni Nicco.
“Ah iyon ba, wala iyon” biglang nalungkot si Andrew ng maalalang pagmamay-ari na ng kakambal niya ang pinakamamahal na si Nicco.
Tahimik ang pagitan ng dalawa ng magsalita ulit si Nicco “Hindi tayo dapat magbigay ng limitasyon sa pagmamahal dahil hindi natin hawak ang puso ng bawat isa. Hindi tayo dapat magbigay ng limitasyon dahil hindi natin at hindi kailanman mababasa ang nasa puso at isipan ng iba. Maging ang sarili nga natin minsan ay maaaring hindi natin naiintidihan.” Sabay ang isang ngiting sapat na para mapagaan ang loob ni Andrew.
Sa isang dako ng puso ni Andrew ay tila may nagsasalita “Tama ka walang limitasyon, kaso bakit hindi ako ang napili mo? Nicco, labis akong nasasaktan”
“Halina kayo dito sa loob, kumain na tayo” sigaw ni Andrei sa dalawa at agad din naman silang sumunod sa pinakamatanda sa kanilang tatlo.
Sa katotohanan, mahirap ang buhay na pinagdaanan ng kambal. Lalo’t higit ng mamatay ang kanilang mama. Apat silang magkakapatid at puro mga lalaki. Tila ang pagpasok sa pulitika ng kanilang ama ay isang malaking sumpa. Hindi nila nadanasan ang kumain ng sama-sama o kaya ay mamasyal. Tanging ang kanilang mama lang ang kanilang nakakausap dahil ang papa nila ay laging wala sa bahay. Mayroon din silang limang kapatid sa labas. Iyon ay bunga ng pagtataksil ng papa nila. Higit pa doon, namatay ang mama nila.
Pinatay ang mama nila sa harapan nila. Ang hardinerong labis nilang pinagkatiwalaan at tinuring nilang ama ay siya ang mismong kumitil sa buhay ng ina. Ginahasa muna ito sa harap nila bago pinatay. Wala ang papa nila nuon, maging si Aling Martha at mga kapatid ay wala din. Kalagitnaan ng gabi, mahimbing ang tulog ng lahat, kumukulog at kumidilat, malakas ang ulan kung kayat lalong walang makakarinig sa malakas na iyak ng dalawang bata. May awa naman kahit paano ang hardinerong magnanakaw at tinira silang buhay, sinabit sila sa may malaking bintana na may busal sa bibig samantalang ang kanilang ina ay hinati sa tatlo.
Mula ng araw na iyon ay lalong lumayo ang loob ng kanilang ama sa kanila. Ang mga kapatid nila ay tila nasira ang buhay. Maagang nagsipag-asawa at hindi lang sa iisang babae nagkaanak, hindi sa dalawa kundi sa tatlo o apat. Sila na kambal ay laging naikukumpara sa mga pinsan nila, kesyo mas magagaling sa kanila, mas maabilidad, mas matalino at kung anu-ano pa. Nang minsang maikwento nga ito kay Nicco isa lang ang nasabi niya “we need not to compare ourselves to others because we are different and uniquely designed for something that best suits us.”
Simula ng mamatay ang mama nila ay wala na ni isa sa mga kamag-anak nito ang nagpakita pa sa kanila. Maging ang kanilang lolo at lola ay tila nawala ang amor sa kanila. Hindi din nila malilimutan na isinisi sa kanila ang pagkamatay ng kanilang ina. Tanging sila lang ang naging magkaagapay at nagtutulungan sa buhay. Pag may problema ang isa andyan ang isa at nakaalalay. Pero hindi lahat ng problema ay pwede mong masabi, hindi lahat ng sakit ay pwedeng ihingi ng karamay, dahil sa bagay na pwedeng ikaw ang makasakit sa taong mahal mo pag sinabi mo pa iyon. Ganuong ang naging sitwasyon sa pagitan ng kambal ng dumating sa buhay nila si Stephanie at Nicco.
Pagkatapos ng hapunan ay naghanda na sila ng mga gamit para umuwi ng San Isidro. Pinipilit ni Andrew na ipakitang masaya siya sa harap ng dalawa. Gayunpaman, ramdam ni Andrei ang sakit na naidulot nito kay Andrew kaya naman pinipilit niya itong pasayahin at paminsan-minsan ay gumagawa ito ng pag-alo na hindi mababatid ng kakambal na pansin niya ang kalungkutan nito.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP