Showing posts with label Idol ko si Sir. Show all posts
Showing posts with label Idol ko si Sir. Show all posts

Book 2 : Idol ko Si Sir

Saturday, November 13, 2010

By: Michael Juha
Philippine Copyright 2009ISBN No. 978-971-011-022-3

All rights reserved.

Esaktong isang taon ang lumipas simula nung huli kaming magkita ni Sir James. Sa isang taon na malayo ako sa kanya, marami din ang nangyari. Tumulong ako sa pagpapatakbo ng negosyo namin habang ipinagpatuloy naman ang pag-aaral ng MA in Business Administration tuwing Sabado. Tuwang-tuwa ang mommy dahil kahit wala pa akong karanasan sa pagdadala ng tao at pagpapatakbo ng negosyo, nakita nya ang kakaiba kong approach na naging dahilan upang tumaas ang morale ng mga empleyado. Ganado silang magtrabaho at masaya sila sa trabaho nila. Ipinadama ko sa kanila na kahit anak ako ng may-ari, pweding-pwedi nila akong lapitan upang mahingi-an ng advice o tulong. Kahit makikipag-biruan pa sila sa akin ok lang, sa tamang lugar at oras nga lang. Kahit anong liit na bagay na natatandaan ko tungkol sa mga buhay-buhay ng mga empleyado, ipinadama ko sa kanila iyon.

Malaking bagay iyon upang maramdaman nila ang pagpapahalaga. Gaya na lang nung malaman kong nakakuha ng honors ang anak ng isa sa mga janitors namin, pinatawag ko kaagad. “Kumust po Mang Domingo. Nabalitaan kong nakakuha ng honors ang panganay mong si Marlon! Congratulations po! Heto, may regalo ako para sa kanya, de-bateryang kotse. Sabihin mo po sa kanya na magsikap pa kamo para marating nya ang kung ano man ang gusto nyang maging paglaki.” At ang sarap ng pakiramdam nung makitang tinanggap ni Mang Domingo ang regalong para sa anak nya na mangiyak-ngiyak sa sobrang galak, hindi makapaniwalang naalaala ng amo nya ang isang maliit ngunit importanteng personal na bagay sa kanya.

Read more...

Book 1 : Idol ko si Sir

Wednesday, November 10, 2010

Philippine Copyright 2009


By: Michael Juha
ISBN No. 978-971-011-022-3
All rights reserved
--------------------------------------------------------------------

Magsi-second year college ako, 18 years old lang nung inilipat ng mommy sa probinsya upang dun na mag-aral. Sa Maynila kasi, kahit magagaling ang schools ay halos walang nangyayari sa pag-aaral ko, dahil sa bisyo at barkada. Siguro nakita nya na pag sa Maynila ako mag-aaral, walang ring patutunguhan dahil na imbes ang mga subjects ko ang ipasa, kung anu-anong bisyo nalang ang natututunan.

Nag-iisang anak lang ako. Nung puslit pa lamang ay namatay na rin ang daddy kong kano, kaya’t mom ko na lang ang nag-alaga sa akin. Actually, hindi naman mahina ang ulo ko, in fact, nasa gifted level ang IQ. Sadya lang talagang ayokong mag-aral at ewan ko rin ba, parang may kulang. Feeling ko wala akong kakampi sa mundo at dahil sa kahit na anong bagay ay naibibigay ng magulang, hindi ko naranasang maghirap. Sa pakiwari koy napaka boring ng mundo, walang ka-challenge challenge. Yan ang naisiksik sa utak ko simula nung bata pa lang. Kaya enjoy na enjoy ako sa barkada at sa bisyong sugal, droga, at kung anu-ano pa.

Siguro masasabi ko ring ang lahat ng bagay ay nasa akin na – hitsura, tangkad, kaginhawahan. Ngunit ang lahat ng to ay hindi ko iniisip o na-aappreciate man lang. Parang may iba akong hinahanap. Kaya nung mag-decide ang mommy na sa probinsya na ako mag-aral, pumayag na rin ako. “Ok lang... baka dun ko pa matagpuan ang challenge na hinahanap-hanap”, sabi ko sa sarili.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP