Unexpected Love Chapter 21
Sunday, May 15, 2011
Dali dali kong kinuha ang aking cell phone at tinawagan si insan....
Ring...ring....ring.....
Pero walang sumagot sa kabilang linya natatakot ako na baka si insan ay kanila na ring pinag initan dahil sa kanyang pag kami sa amin ni Jom at ang kanyang pag sang-ayon sa relasyon namin ni Jom. Di ko pa alam ang mga susunod kong gagawin lalo na andito ako sa ospital, agad-agad kong tinawgan si Paul, di ko alam kung anidito pa siya sa Pilipinas...
Ring.....ring....ring.....
Kablang linya....
Ako: hello paul..
Kabilang linya....
Ako: pwede mo ba akong matulungan...
Kabilang linya....
Ako: pwede pumunta ka na lang dito ngayon.. nasa ospital ako ngayon sa may ICU dito na lang ako mag papaliwanag please....
Kabilang linya.....
Agad din niyang binaba ang telepono, ilang minuto lang ang nag lipas ay agad kong nakita si Paul na tumatakbo. Pagka kita na pagkita ko sa kanya ay agad ko siyang sinalubong ng yakap sabay iyak...
Paul: Jam... Jam... please... anu problema?
Ako: Paul.... si tita anabeth....(habang umiiyak parin)
Paul: bakit anu nangyari sa kanya?
Ako: di ko alam... naaabutan ko na lang siya walang malay....
Paul: si Jom asan siya?
Ako: di ko rin alam eh... pag baba ko kanina sa kanilang bahay ay wala na akong inabutan kundi si tita na naka handusay na lang...
Paul: kumusta si tita?
Ako: Critical pa ang kanyang kondisyon ang sabi nga ng doktor ay mabuti nga at umabot pa kami kasi daw kung natagalan pa ay di na siguro naagapan pa...
Bakas sa mukha ni Paul ang pagkalito mula sa mga nangyayari, kaya pinilit kong maging mahinahon at doon ko sa kanya ikinuwento lahat ng nangyari simula ng huli kaming nagkita...
Paul: wait..... you mean may kakambal si Jom?
Ako: oo...
Paul: asan siya ngayon? Andito ba siya?
Ako: di ko nga rin alam, pareho sila ni Jom nawawala, di ko na alam pa ang gagawin ko, Paul...
Paul: tahan na... sila anton at aelvin alam na ba nila....
Nawala sa isip ko sila, kaya agad kong dinukot ang aking cellphone at tinext ko sila tungkol sa kalagayan ngayon i tita. Ilang minuto lang din ay agad ko rin silang nakita at bakas din sa kanilang mga mukha ang labis na pag aalala kay tita na nagsilbi na ring ina naming buong barkada, di ko nga alam kung anu ang nagawa kong kasalanan para parusahan ako ng ganito at idamay pa ang mga tao sa paligid ko...
Sa loob ng ospital ay doon kami nagkausap-usap kung papanu ko makakausap si Joana, may kutob kasi ako na may alam siya kung asan sila Jom, pero pinipigilan siya ng kanyang kuya...
Anton: sige tol, ako susubukan ko na puntahan si Joana... ako bahala doon...at ako na rin ang bahala mag paliwanag sa skwelahan kung sakalaing di ka makapasok pati ang mga notes na kakailanganin para sa nalalapit na exam ay ako na bahala don...
Aelvin: ako tol dito ako tutulong sayo sa loob ng ospital, tutulungan kita sa pagbabantay kay tita para naman makapag pahinga ka..
Paul: ako na bahala sa mga gastusin dito, wag ka nang mag alala Jam... sa ngayon angkailanang nating alalahanin ay kung papanu natin matutunton ang kinaroroonan ni Jom at ni Jeffrey...
Ako: maraming salamat, di ko talaga alam kung anu na gagawin ko ngayon, siguro ay nagpakamatay na ako ngayon kung wala kayo ngayon dito..
Paul: Jam... wag ka magisip ng ganyan... sa sinabi mo tungkol sa inyo ni Jom ay di ako magagalit sayo dahil sa alam ko na ikaw naman talaga ang mahal niya pero sana wag ka nang magisip ng ganyan, dahil diyan ako sayo magagalit, ang Jam na kilala ko ay palaban... kaya wag kang magiisip ng ganyan...
Para nabawasan ang bigat na aking dinadala sa mga oras na iyon dahil sa kanila, lalong lalo na kay Paul na kahit na ilang taon aming di niya nakasama ay batid parin sa kanya ang pagiging isang tunay na kaibigan... kahit na nga di na niya responsibilidad na sagutin ang gastusin dito ay sinagot niya parin... lumalim na ang gabi at pansamantalang nag paalan muna sila sa akin para rin daw pag handaan nila ang mga gagawin namin, ako naman ay panadaliang umuwi sa bahay nila Jom para mag palit ng damit... pag pasok na pag pasok ko sa loob ng bahay ay bigla akong nanlumo nang muling sumariwa sa akin ang pag-aalala kung asan sila Jom at Jeffrey, agad akong umakyat sa kwarto at kumuha ng ilang damit pampalit at saka na rin ako nagpalit ng damit, pag baba ko ay narinig kong nag ring ang aking cellphone at nagulat ako nang makita kong pangalan ni Jom ang nagregister sa caller ID... sinagot ko ito sabay pindot ng record at loudspeaker ng phone ko..
Ako: hello Jom...
???: hello insan..... kumusta ka na....
Ako: brad???
Brad: oo ako nga... bakit nagulat ka anu? Bakit ka nga pala napatawag sa kapatid ko kanina?
Ako: brad bakit nasayo ang cellphone ni Jom!!!
Brad: tsk..tsk...tsk.... wag mainit ang ulo insan, ay di na pala... dahil tinalikuran mo na ang sarili mong pamilya dahil lang sa isang bakla....
Ako: brad anung pinagsasabi mo.... itinakwil ako, ayaw kong umalis pero napilitan akong umalis para na rin sa kaligtasan ng buhay ko....
Brad: pero di yan ang alam ko... alam mo Jam, ikaw na nga sana ang papalit sa dady mo bilang isa sa pinakamataas na tao ng ating ankan pero tinalikuran mo lang kami dahil lang sa isang tao...
Ako: Brad!!! Wag kang magsasalita ng gnanyan!!! Asan si Jom!!!
Gusto mo ba siyang marinig.... ooopppsss busy pala siya....
Ako: asan siya!!!!
Read more...