Unexpected Love 19

Sunday, May 8, 2011

by Third

Note: Guys sorry ha kung ngayon lang naman ako naka pag update... hehehehe...

eto na po ang UeL 19... mejo malapit na po ito sa finish lie na goal ko kung papanu amg end ang story....

again salamat po sa mga nag aabang ng UeL... sana naman masatisfy ko kayo sa chapter na ito mejo naging busy lang ako these past few days at saka andito po ako sa bahay ng bayaw ko wala internet kaya di ako nakaka update lagi...sa mga lagi nag comment salamat ha.... keep it up... saka di na rin ako nakakapg basa naku... panu na yan.. kawawa na ako di na ako updated.... hay buhay....

**********************************

Pag mulat ng aking mga mata ay si ang maamong mukha ni Jom ang agad na bumungad sa aking mukha. Tulad nang unang beses ay isang matamis na halik ang muli kong ibinigay sa kanya.

Ako: magandang umaga mahal ko....

Jom: magandang umaga din mahal....

Nanuna siyang bumangon at saka pumasok sa loob ng banyo, pero nang makahubad na siya at naka pasok na loob ng banyo ay muli siyag sumilip at nagsalita..

Jom: mahal.....

Ako: anu yun?

Jom: di ka ba sasabay sa pagliligo?

Ako: bakit po?

Jom: wala lang natanong ko lang baka kasi gusto mo... (sabay bitaw ng isang pilyong ngiti)

Alam ko na kung anu ang tinutukoy niya na baka gusto ko, pero tumanggi na lang ako.

Ako: mahal, siguro naman kaya mo nanaman ang sarili mo sa loob ng banyo diba...

Pero bigla siyang lumabas ng banyo na wala kahit na anung saplot at saka sumayaw sayaw sa harap ko na tila inaakit ako habang nagsasalita...

Jom: maaahaallll....... ayaw mo ba talagang sumabay???

Ako: aaaayyyyaaaawwww....

Jom: baaakkkiiittt???

Ako: naku Jom alam ko ang nasa isip mo kaya itigil mo muna yan...dahil marami tayong
problema pwede ba...

Ang medyo seryoso kong tugn sa kanya.. tumigil naman siya sa kanyang ginagawa pero sa halip na bulaik sa banyo ay sinugod niya ako at saka nilock sa kama gamit ang kanyang mga kamay.

Read more...

Ang Kuwento Ng Pag-ibig Ni Speed

Note: Ang kwentong ito ay orihinal na nakapost sa blog ng aking kaibigan na si Mike Juha. I have reposted this story dito sa LOL dahil gusto kong ishare ito sa mga LOL readers na hindi pa nakabasa nito. Naantig ang ako sa kwento ni Speed at sana ay magbigay ito ng inspirasyon sa lahat ng nakaranas o dumaranas ng matinding dagok sa buhay.

*************************

Last September 6, 2002, uwian na kami noon when my adviser called my attention. Nung makalapit na ako sa kanya, pinagalitan niya ako dahil sa attendance sheets na hindi ko kaagad naibigay sa kanya.If I am not mistaken, malapit na kasi ang release of cards noon. Dagdag pa ang mga accusations being charged against me. Ni hindi man lang niya ako binigyan ng explanations dahil sabi niya, kahit saang anggulo ko raw tingnan ay ako talaga ang may kasalanan. Hanggang sa lumabas ako ng campus na umiiyak ako, walang pakialam kung tinitingnan ako ng mga tao sa daan habang ang mga luha ko ay bumabagsak sa damit ko at sa lupa. Habang daan ay may isang grupo ng mga tambay na ako’y napagtripan. Hinablot nila ang bag ko at ang mga gamit ko ay bumagsak sa lupa. Umiiyak na ako noong panahong iyon at nagmamakaawa sa kanila na kung maaari ay ibalik na nila ang gamit ko. Hanggang sa dumating ang isang tao na babago sa takbo ng buhay ko. Hindi ko alam na magiging bahagi rin siya ng buhay ko. Iniligtas niya ako sa mga tambay na iyon.


“Heto na ang gamit mo. Sa susunod magiingat ka, maraming mga gago dito. Pag alam nilang tatanga tanga ka, mapapagtripan ka talaga.” Sabi niya, sabay abot ng mga gamit ko na pinulot niya mula sa lupa. 



“Salamat ha. Pero wala akong maipambabayad sa iyo eh.” Tugon ko sa kanya habang kinukuha ko ang mga gamit ko at inilalagay sa bag kong nasira.



Nagulat na lang ako ng bigla siyang nangiti, “Sandali, humihingi ba ako ng kapalit?” Tanong niya habang nakangiti at nakatingin sa akin.



Hindi kaagad ako nakasagot. “Ha? Ah… eh…..” 



“Ako nga pala si Jerome.”sabay abot ng kamay niya sa akin.



Ngunit hindi ko na nagawang magpakilala pa sa kanya. Kumaripas na lang ako ng takbo ngunit narinig ko pa siyang sumigaw, “sandali, hindi ko pa alam ang name mo!!! Hoy!!!”



Kinagabihan ng araw na iyon, hindi ako mapakali. Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko. “Sino kaya siya? Bakit kaya niya ako iniligtas sa mga iyon? Ang bastos ko naman sa kanya kanina. Hindi man lang din ako nagpakilala ng pormal. Sana makita ko pa siya para makabawi din ako at makapagpasalamat.”


Read more...

Ang Buhay at ang Ibon

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
site: http://www.angbahaghari.com



------------------------------

Palagi kong nakikita ang dalawang ibon na iyon sa labas lang ng bintana ng aking kwarto. Hindi ko alam kung anong klaseng ibon ang mga iyon o anong pangalan ngunit may brown na kabuuang kulay ang mga ito, may matingkad na dilaw ang kanilang mga bibig, at kapag lumilipad, makikita ang tatlong stripes na puti sa gilid ng kanilang mga pakpak. 

Ngunit ang nakapagbigay pansin sa akin ay ang pagiging palagi nilang magkasama na tila ang isa’t-isa ay hindi mabubuhay kapag nawala ang isa. Minsan nakikita kong mistula silang nag-uusap, minsan naman ay parang naghahalikan, o nagkikilitan sa kanilang mga tuka. Kapag nanginginain sa damuhan sa ilalim ng malaking kahoy na kanilang paboritong pahingahan, ang isa’t-isa ay nasa di kalayuan lang. Kapag lilipad naman, sabay din silang tutungo sa magkaparehong direksyon at lugar. 

Halos kada alas tres ng hapon ay nandoon sila sa ilalim ng malaking punong kahoy na iyon na nasa kabila lang ng kalsada sa tapat ng aking bintana. At araw-araw sa ganoong oras din, lihim ko silang pinagmamasdan.

Isang araw, napansin kong isang ibon na lang ang naglalakad, palundag-lundag na nanginginain sa damuhan. Laking pagtataka ko kasi hindi naman ganoon ang palagi kong nakikita. Noong lumipad ito patungo sa isang sanga, nakita kong may pugad na pala sila at habang ang isang ibon ay naglimlim, ipinagdala naman ito ng pagkain ng isang ibon.

Namangha ako sa ipinamalas nilang galing. Kasi, una, bakit nagdala ng pagkain para sa naglimlim na ibon ang partner niya? Naisip din kaya ng ibon ito? May naramdamang awa din kaya ang isang ibon para sa naglimlim na partner niya? Pangalawa, hindi naman sila marunong mag-isip ngunit bakit alam nilang kailanganin nila ang pugad? Paano nila ginawa ang pugad? Bakit alam nilang limliman ang itlog upang maging inakay ang mga ito? Saan nila nalalaman ang mga ito? Ito ba ay talagang animal instinct lamang? 

Inamin ko, nainggit ako sa kanila. Iyon bang sa pagbuo pa lang ng pugad nila na pareho nilang pinaghirapan, parang ang sarap ng feeling kung ang mahal mo ay ganoon din, pareho kayong maghirap sa isang bagay na para sa inyong dalawa o sa inyong magiging pamilya. At isa pa, habang ang isang ibon ay naghirap sa paglimlim, di natiis ng kapareha niya na pabayaan na lang siyang magugutom. Parang ang sweet naman. 

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP