Daglat: TEE LA OK III Part 1
Saturday, December 3, 2011
I am really planning to post the third book when i finished e-tee-na-neem, kaso hanggang ngayon hindi ko pa tapos iyong part 1 book 1 eh.. hahahaha.. READERS, hope you like this one and please leave comments and suggestions.. SALAMAT..
Daglat Series presents
Tee – La – Ok III
Unang Bahagi: /oo - nang/ - /ba-ha-gee/
Titik A, Bilang 1
“Good Morning!” panimulang bati ni Gabby sa guard na nakabantay sa parking area.
“Good morning Sir!” sagot nito.
“Bago ka ba dito? Para kasing ngayon lang kita nakita.” tanong pa ni Gabby sa kaharap.
“First day ko po ngayon!” sagot nito. “Sino po ba ang kailangan ninyo?” tanong pa nito.
“Huwag mong ginaganyan si Sir Gabby!” biglang singit ni Joel. “Kung gusto mong magtagal sa trabaho dapat irespeto mo siya.” pananakot pa ni Joel.
“Hay!” inis na sabi ni Gabby. “I changed Joel!” tutol pa nito.
“So, ibig sabihin Sir, pwede na namin kayong biru-biruin?” nakangising tanong ni Joel.
“Well, honestly I’m doing this for Harold.” diretsang sagot ni Gabby. “Kaya kung gusto mong manatili sa trabaho better know your place at huwag mong samantalahin ang pagiging mabait ko.” habol pa nito saka pindot sa elevator.
“Sir!” awat ng guard. “Sa entrance po kayo dumaan. Mga Executives lang po ang pinapadaan dito.” sagot pa ng guard.
“I’m the President!” sagot ni Gabby.
“Kaya nga papasukin mo na kami.” dugtong pa ni Joel.
“Pero Sir, iyong president po kanina pa sa loob.” sagot nito.
“Hay!” naasar nang sagot ni Gabby.
“Just in time!” panimulang bati ng babaeng iniluwa ng elevator.
“Ma!” nagtatakang saad ni Gabby.
“Oo hijo!” sagot naman ng ginang.
“Tell this guard that I’m the President.” saad ni Gabby.
“Sorry dear!” paumanhin ng ginang. “You are not the president anymore. Remember, mas pinili mo si Harold kaysa sa akin.” sagot pa ng ginang.
“But ma?!” tutol pa sana ni Gabby.
“If you want this company back, alam mo na ang gagawin mo.” pangungundisyon pa ng ginang.
“Joel! Come with me! Mula ngayon hindi na si Gabby ang sasamahan mo.” utos pa nito saka muling pinindot ang elevator.
“Ma’am?!” naguguluhang wika ni Joel.
“If you don’t want to go with me Joel, samahan mo na lang ang Sir Gabby mo at pareho kayong maghirap.” pananakot naman ng ginang kay Joel.
“But ma!” tutol ulit ni Gabby.
“Enough! Pinili mo ang hampas-lupang iyon kaya magsama kayo.” sagot pa ng ginang.
“Anung alam ninyo ma sa pagpapatakbo ng kumpanya?” tanong ni Gabby sa ina.
“It can be learned.” sagot ng ginang.
“Pero ma, ngayon pa ninyo pag-aaralan? Aren’t you afraid na baka malugi ulit ang kumpanya natin? Ang daming competitors sa global market and agawan sa investments.” turan pa ni Gabby.
“Akala mo ba ikaw na ang pinakamagaling na negosyante sa mundo? Ang dami d’yang pwedeng maging advisers at huwag mo akong minamaliit Gabby! Kaya kong hawakan ang kumpanyang pinagyayabang mo.” sagot ng ginang.
Natahimik si Gabby –
“Hoy!” tawag ng ginang sa guard. “Huwag mong papasukin iyan dito ng walang appointment sa akin.” bilin pa nito. “Joel, if you want your job follow me.” utos pa nit okay Joel.
Napatingin naman si Joel kay Gabby. May pag-aalinlangan pa kay Joel kung sasama ito sa nanay ni Gabby o mananatili sa poder ni Gabby.
“Sige na Joel, sumama ka na.” utos ni Gabby na agad namang sinunod ni Joel.
Pagkasakay ng kotse ay unang tinawagan ni Gabby si Harold –
“Good morning Rold!” bati ni Gabby kay Harold.
“Good morning din! Ang aga mong napatawag?” tanong ni Harold.
“May gagawin ka ba ngayon?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Wala naman. Bakit?” sagot na tanong ni Harold.
“I really miss you! I’ll pick you up. Gayak ka na, I’ll be there in thirty minutes.” sabi ni Gabby saka pinindot ang end call.
Sa pagsundo kay Harold sa bahay ng Tito Caretaker –
“Anung pumasok sa kukote mo at naisipan mo akong puntahan? tanong ni Harold.
“Di ba sinabi ko ngang miss na kita.” sagot ni Gabby saka napabuntong-hininga.
“Alam mo, nagiging habit mo na ang pagbubuntong-hininga.” puna ni Harold sa binata.
“So? What are you trying to say?” tanong ni Gabby.
“It is unpleasant. Para bang napakalaki ng problema mo sa mundo.” sagot ni Harold.
“I am used to it. It will be hard for me to change. Just accept the fact that your partner always breath deeply.” sagot ni Gabby saka inakbayan si Harold.
“Hindi ba tayo magpapaalam kay Tito?” tanong ni Harold.
“Nakapagpaalam na ako bago ka bumaba. That’s enough.” sagot ni Gabby.
“Naku naman! Ganyan ba talaga ugali mo?” tanong ni Harold.
“Sanay kasi akong sa akin nagpapaalam ang mga empleyado ko, plus I’m living alone kaya wala akong sinasabihan ng goodbye or ingat ka.” sagot ni Gabby. “Siguro ganito lang talaga ang mga mayayamang bachelors na nabubuhay mag-isa.” komento pa ni Gabby.
“Well, ibahin mo na ngayon. Masanay ka na, kasi hindi ka na mag-isa.” sagot ni Harold.
“That’s it! You got it right! You must now live with me. Sa bahay ko na ikaw uuwi mula ngayon.” pagbabalita ni Gabby.
Napanganga naman si Harold sa sinabing iyon ni Gabby. “Hindi pwede.” tutol pa nito.
“It’s my house and bahay mo na din.” nakangising tugon ni Gabby.
“Pero…” tutol pa sana ni Harold.
“No more buts!” madiing turan ni Gabby na punung-puno ng kapangyarihan saka inalalayan si Harold papasok sa kotse.
Maghapong gumala sina Harold at Gabby. Pumunta sa Manila Ocean Park at nakipaglaro sa mga isda duon at duon na din nananghalian. Sila na nga ata ang nagbukas ng MOP dahil sa sobrang aga nilang nakabantay at nakatanod para sa pagbubukas nito.
“See! Napakaaga naman kasi natin.” reklamo ni Harold habang nakatayo sa labas ng MOP.
“Maupo ka nga muna!” saad ni Gabby saka hinatak paupo sa kanya si Harold.
“Ano ka ba? Baka may makakita.” reklamo ni Harold habang nakakandong siya kay Gabby.
“Loko ka din! Alam na ng buong Pilipinas na boyfriend kita kaya ayos lang iyan.” sagot ni Gabby saka pinulupot ang kamay sa katawan ni Harold.
“Nakikiliti ako.” nangingiting reklamo ni Harold habang kumikinig na naging sanhi para lalong higpitan ni Gabby ang yakap sa binata.
“Saan ka ba nakikilit? Sa yakap ko o sa sinabi ko?” tanong naman ni Gabby saka idiniin ang baba sa likod ni Harold.
“Wala!” sagot ni Harold.
“Wala pala!” reaksyon ni Gabby saka kiniliti sa likod si Harold.
“Sige na! Sa pareho.” natatawang sagot ni Harold.
Pagkatapos nilang mamasyal sa Manila Ocean Park ay diretso naman sila ng Star City at duon nagkulitan. Inisa-isa nila ang bawat rides at sinulit ang ride-all-you-can na bracelet sa kamay.
“Alam mo bang huling punta namin dito nila Martin, nanuod pa kami ng ballet show. Ang galing ni Liza Macuja and malamang kung wala ako sa samahan nila Sean at Kenneth, nag-audition na ako sa Ballet Manila.” sabi naman ni Harold habang kumakain ng hotdog.
“Very gay-ish!” komento naman ni Gabby.
“Bakit naman? Hindi naman komo’t nagbaballet ay gay-ish na.” tutol ni Harold.
“Guilty ka kaagad.” komento ni Gabby saka pinahiran ang dumi sa labi ni Harold. “Pwede bang labi ko na lang ang mag-alis ng dumi sa labi mo?” nakangiting banat ni Gabby.
“Topak ka talaga!” komento ni Harold na napangiti ng lihim na sinabing iyon ni Gabby. “Sikaran kaya kita.” dagdag pa nito.
“Hay!” muling napabuntong-hininga si Gabby. “Napakapakipot mo talaga.” komento pa nito. “Can’t you accept the fact that you’re mine and I am free to do whatever I wanted?” tanong ni Gabby dito.
“Topak ka! Hindi mo ako pag-aari, I have my own freedom and hindi mo ako dapat ikumpara sa isang gamit o bagay na pwedeng angkinin. Hindi ako private property mo okay!” tutol ni Harold.
“Hay! It’s not what I meant!” tutol ni Gabby. “Imagine, there are private properties, my intellectual property, and you are my heart’s property.” tugon ni Gabby.
“Dami mong alam!” sagot ni Harold.
“Yeah! Ang dami ko na ding nabola.” sagot ni Gabby na may yabang.
“Meaning binobola mo lang ako ngayon?!” sarkastikong tanong ni Harold.
“Paano kita bobolahin…” itutugon sana ni Gabby.
“…hindi naman ako bola! Luma na yan!” kontra ni Harold.
“…kung nagsasabi ako ng totoo!” sagot ni Gabby. “Ang hilig mo kasing umeksena!” dagdag pa ni Gabby.
“Ewan ko sa’yo!” sagot ni Harold saka tumayo.
“Bakit? Saan ka pupunta?” awat ni Gabby saka hinabol si Harold.
“Sasakay ng rides!” tugon ni Harold na sa katotohan ay may kilig na nararamdaman.
“Sama na ako!” suhestiyon pa ni Gabby saka umakbay kay Harold.
Bago pa man umabot ng alas-dose ay inaya na ni Gabby si Harold na umuwi. Sa isang fine dining dinala ni Gabby si Harold para kumain ng kanilang late midnight dinner. Iba ang aura ng lugar, open-space ang lugar at aakalain mong nasa isang sinaunang panahon ka dahil sa vintage na itsura niyon. Sinundo sila ng isang vintage car mula sa parking lot na nasa labas ng gusali hanggang sa may entrance gate at pagkatapos ay sinakay sila ng kales. Habang nakasakay sa kalesa ay nalalanghap nila ang sariwang hihip ng hangin na tila ba may binubulong sa kanila. Ang kanilang daanan ay napapalamutian ng mga bulaklak ng iba’t-ibang kulay, hugis, laki, anyo at uri. Nang sapitin nila ang likuran ng gusali, habang madilim ang buong paligid ay may isang Aristocrat-themed table na nakaset-up sa gitna na nasa loob ng isang octagon-shaped kiosk na may nakakasilaw na liwanag.
Pagkababa nila ng kalesa ay duon lang niya napansin na may mga tila guardia-sibil na nakapila sa harap nila ay ngayon nga ay itinaas ang mga espadang dala-dala. Duon siya inakay ni Gabby para dumaan papunta sa lamesang nasa gitna. Ramdam na ramdam ni Harold na isa siyang Aristokrato nuong panahon ng mga Kastila sa Pilipinas. Pagkadating sa gitna ay biglang lumamlam ang ilaw at tumugtog ang isang awiting Europeo. May dumating na din para mag-serve sa kanila ng pagkain at mayroon din silang tagapaypay na may malalaking pamaypay.
“Bakit? May ano?” tanong ni Harold kay Gabby.
“I’ll try my best to be a gentleman Harold so please don’t act like stupid.” sarkastikong pakiusap ni Gabby kay Harold.
“At nagpapaka-gentleman ka pa niyan?” tanong ni Harold dito.
“Most apparently!” sagot ni Gabby.
“Know what, that song is my grandma’s favorite. Nung bata nga ako, she always sing Granada for us or sometimes O Sole Mio.” nakangiting pagbabalita ni Harold.
“It’s not my type actually. I just appreciate operatic songs and just to complete this set-up.” sagot ni Gabby. “My grandpa told me that Granada was his ex-lover’s favorite song kaya lagi din itong nag-paplay sa ancestral house namin.” saad pa nito.
“Hindi ka ba nagtataka kung sino iyong may dahilan ng switching natin?” tanong ni Harold kay Gabby na humugot nang pag-uusapan mula sa kawalan.
“Sometimes, yes! But it doesn’t matter for me anymore. What is important is that I have you.” nakangiti at simpatikong pahayag naman ni Gabby.
“Kasi ako hanggang ngayon ay curious kung sino ba siya. He or She is not a stranger I think kasi imposibleng co-incidence lang na sa akin natapat para makapalit mo.” turan ni Harold.
“What are you trying to say?” tanong ni Gabby.
“This person might be common for both of us.” sagot ni Harold. “A common friend, a common relative, a common stranger.” dugtong pa ni Harold.
“Yeah! A common stranger kaya pwede lang Harold, huwag mo nang pag-akasayahan ng oras iyong tao na iyon ngayong gabi. Let’s talk about him or her next time.” sagot naman ni Gabby. “This night is made for us kaya don’t waste it.” habol pa ni Gabby.
Naintindihan naman ni Harold si Gabby kaya sinagot niya ito ng matipid na ngiti. Mahigit isang oras din silang nanduon nang mag-aya si Harold na umuwi na.
“Sige na, ihatid mo na ako kila Tito Caretaker.” nakangiting pakiusap ni Harold kay Gabby habang bumibyahe.
“Hindi ka na uuwi sa Tito Caretaker mo ngayon.” sagot ni Gabby.
“Huh?!” tanong ni Harold.
“You’ll be staying with me from now on.” pagbabalita pa ni Gabby. “And your Tito Caretaker knows about it so you don’t have anything to worry.” habol pa nito.
“It seems planado mo na ang lahat.” sagot ni Harold na hindi magawang magalit kay Gabby dahil gusto din niya ang ideyang iyon.
Sa labas ng bahay ni Gabby ay may nakabantay na madaming guwardiya.
“Excuse me but what are you doing here?” tanong ni Gabby sa isang nakabantay duon.
“Inutusan po kami ni Ma’am Fabregas na bantayan ang bahay.” sagot nito.
“I’m here, you can go now.” pag-uutos pa nito saka akmang papasok.
“Sir!” awat ng isa. “Bawal po kayong pumasok.” sabi pa nito.
“This is my house!” katwiran ni Gabby.
“Napag-utusan lang po kami.” sagot pa nito.
Naiwan naman ang pagtataka kay Harold sa takbo ng mga pangyayari –
“Please excuse me! I’ll talk to my mom!” madiing utos ni Gabby.
“Hindi nga po pwede!” pigil nang isa pa.
“Anung hindi pwede eh bahay ko nga ito!” galit na bulyaw ni Gabby. “I’ll call a police at ipapahuli ko kayo for trespassing.” pagbabanta pa nito.
“Anung ingay to?” tanong nang papalabas na ginang.
“Ma!” nausal ni Gabby.
“Ikaw pala! Ipanabalot ko na lahat ng gamit mo, nandito ka ba para kunin lahat?” tanong pa nito.
“Ma! Bahay ko ‘to.” sagot ni Gabby.
“Not anymore dear! Di ba pinili mo si Harold? Face the consequences.” sagot ng ginang saka sinenyasan ang mga nasa likod niyang ilabas na ang mga gamit ni Gabby.
“I bought this using my money ma!” katwiran ni Gabby.
“You used FabConCom’s money at nakapangalan sa FabConCom and meaning, hindi mo ito property.” sagot ng ginang. “If you want this property back to you, alam mo na ang gagawin mo.” dugtong pa ng ginang. “Iyong kotse, di ba sa FabConCom din yan? Inilabas na namin iyong kotse mong nakapangalan sa’yo at iyan lang ang makukuha mo.” paalala pa nito.
“Kahit gumapang man ako sa lupa hindi ko iiwan si Harold.” sagot ni Gabby saka hinatak ang natulalang si Harold. Wala siya sa kundisyon para makipagtalo sa ina at lalong sawa na siyang kausapin ito at paulit-ulit na tutulan ang pagmamahal niya kay Harold.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat kanina?” tanong ni Harold habang bumibyahe sila sa walang patutunguhan. “Para akong tanga kanina na walang alam.”
“Sasabihin ko din talaga sa’yo pagkauwi, pero masyadong mabilis si mama.” katwiran ni Gabby.
“Saan mo balak tumira?” tanong ni Harold na imbes na magalit ay mas naawa pa siya sa mahal na si Gabby.
“Let’s stay at the hotel and we’ll find a condo unit tomorrow.” sagot ni Gabby. “I withdrew half of my money at the bank because I know this will happen at malamang i-hold din ni mama ang bank accounts ko lalo na at extension iyon ng FabConCom account. Dapat nga lahat na, kaso may policy sila kaya matatagalan pa bago ako makapag-withdraw ulit, pero at least kahit half may pang-simula na tayo.” pagpapanatag ni Gabby kay Harold na tila ba may plano na agad ito sa kanila.
“Ayaw mong bumalik na lang sa mama mo? I’ll be fine and okay.” may pilit na ngiting suhestiyon ni Harold.
“Harold!” wika ni Gabby saka inihinto ang kotse. “Ngayon pa ba kita isusuko? Now that I’m sure na ikaw ang kulang sa buhay ko. Remember what I told you? Ako na lang si Cinderella at nakahanda akong pasukin ang mundo mo. I don’t care kahit bumalik ako sa simula basta ikaw lang ang kasama ko.” puno ng sinseridad na pagpapakalma ni Gabby kay Harold saka hinawakan sa kamay ang binata.
“Pero…” tututol pa sana si Harold kahit nba sa kaibuturan niya ay tuwang-tuwa siya.
“No more buts! Basta, ikaw ang pinili ko at handa akong panindigan iyon hanggang sa huli.” pangako ni Gabby saka muling hinawakan ang manibela.
“I love you Gabby!” tanging tugon ni Harold saka idinantay ang ulo sa balikat ni Gabby at niyakap ng isa niyang kamay ang dibdib nito.
Napangiti na lang si Gabby saka hinalikan si Harold sa ulo.
“Kung sa Tarlac kaya tayo magsimula? Then, kapag stable na tayo, saka tayo lumabas sa Manila.” suhestiyon ni Harold.
“Sabi ng mahal ko!” sagot ni Gabby saka biglang u-turn ang ginawa at pinaharurot ang kotse.
“Bakit ang bilis mo namang magdesisyon?” nagtatakang tanong ni Harold.
“Actually, I am thinking the same, iyon nga lang naunahan mo na ako.” nakangiting tugon ni Gabby. “Hindi pa masyadong risky sa competition, di tulad sa Manila. There are more chances to extend our business.” sagot ni Gabby.
“Business-minded ka talaga.” puna naman ni Harold kay Gabby.
“Yeah! I am trained to be like this. There’s no doubt, namana ko sa lolo ko itong ganitong attitude.” sagot ni Gabby. “The worst thing, he almost killed his friends who betrayed him because of business.” sagot ni Gabby.
“Wala na akong masabi! Ngayon alam ko na kung bakit ka ganyan.” napabuntong-hiningang nasabi ni Harold.
“Ano ba ang akala mong sasabihin ko?” tanong ni Gabby.
“Na gusto mong makatulong sa mga kababayan ko kaya sa Tarlac tayo.” sagot naman ni Harold.
“Business po ito, hindi charity. Per part na din ng business ang charity.” pampalubag naman ni Gabby kay Harold.
“Ewan!” tugon ni Harold.
Hindi nga nagtagal at narating nila ang bahay nila Harold sa Tarlac. Salamat na lang sa SCTEX dahil naging mabilis kahit papaano ang byahe nila.
“It seems that you’re from an Aristocratic family.” puna ni Gabby habang minamasdan ang kabuuan ng bahay.
“My greater grandfather is the former General in Tarlac.” maikling tugon ni Harold. “Iyong lolo ni nanay at si nana yang may-ari nitong bahay.” dugtong pa ni Harold.
Puno ng pagtataka ang mukha ni Gabby sa nalaman niya tungkol kay Harold. Pumasok na nga sila sa loob ng bahay at duon nakita ni Gabby na ang lahat ng bagay duon ay puro antigo. Sa tantiya niya ay matibay ang mga dingding at mahirap pasukin kaya kahit laging walang tao sa bahay ay panatag si Harold na walang mawawala.
“Alam ko iyang itsura na ‘yan! May pinipilit kang intindihin.” pinangunahan na ni Harold si Gabby. “At nagtataka ka kung bakit ako naging hampas-lupa at patay-gutom.” pagsagot pa nito.
“Yeah! Almost a week na tayong mag-boyfriend, but still, I don’t know half of your story.” komento pa ni Gabby.
“Sapat nang malaman mong middle men kami nang pamilya ko at naging mahirap lang ako ng mamatay nga ang mga magulang ko.” sagot ni Harold.
“Naikwento mo na iyan.” sagot ni Gabby.
“Iyon lang naman ang kwentong alam kong i-share sa’yo.” sagot ni Harold saka inalis ang nakabalaot na maalikabok na plastic sa isang mahabang upuan.
Inikot ni Gabby ang kabuuan ng bahay at talaga namang nakakamangha na makitang alaga at likas na maganda ang bahay ni Harold. Hindi din ito nakakatakot tirahan kung ihahambing sa ibang ancestral house dahil maaliwalas at maliwanag ang bahay.
“Sino ito?” tanong ni Gabby habang tinitingnan ang isang lumang photo album sa nakalagay sa ilalim ng side table.
“Sino?” tanong ni Harold saka nilapitan si Gabby. “Iyan ang lola ko.” sagot nito. “At iyan naman ang lolo ko.” sabi pa ni Harold saka tinuro ang kasama ng tinanong ni Gabby.
“She looks familiar!” saad ni Gabby.
“Black and white iyang pictures na’yan kaya malamang sa oo madaming kamukha kasi walang kulay. Kahit nga portrait minsan magkakamukha.” sagot ni Harold.
“Siguro nga!” sagot ni Gabby saka inilipat sa kasunod na pahina ang album.
Sa kalagitnaan ng album –
“Lolo ko to ah!” biglang nasabi ni Gabby kay Harold.
“Asan?” tanong ni Harold. “Sabi ni nanay iyan daw ang pinakamatalik na kaibigan ni lolo.” sabi ni Harold. “Natutuwa naman ako, kasi kung nagkataon tadhana talaga na pinaglapit tayo.” nakangiting komento pa ng binata.
“Do you have any recent picture of your lolo?” namumutla at kinakabahang tanong ni Gabby kay Harold.
“Wait!” sagot ni Harold saka kinuha ang isa pang medyo bagong photo album. “Ito oh!” sabi ni Harold saka pinakita ang latest picture nang lolo niya bago mamatay.
“Siya ba…” nabibilaukang saad ni Gabby. “Kailan siya namatay?” tanong pa ng binata.
“Bakit ka nagkakaganyan?” may pag-aalalang tanong ni Harold kay Gabby.
“Just answer my question.” pamimilit ni Gabby.
“Napoposes ka na naman!” nakangising komento ni Harold. “A year before I was born. Co-incidence nga eh! Kasi ang death anniversary niya ay ang birthday ko.” sabi pa ni Harold.
“Are you sure?” hindi pa din mapanatag na tanong ni Gabby na lalong nakaramdam ng kaba sa katawan.
“Oo naman!” sagot ni Harold. “Bakit naman ganyan ka kung makakilos na.” tanong pa ng binata.
“Wala!” sagot ni Gabby saka niyakap si Harold. “Harold! Sana mapatawad mo ako pag nalaman mo ang katotohanan.” bulong sa isip ni Gabby habang inaalala ang mga naganap nuong September 27, 1989.”
“Magpahinga na tayo at baka nasobrahan ka ng pagod.” suhestiyon ni Harold saka pinuntahan ang isang silid duon at kinarga lahat ng dala nilang gamit.
Niyakap ni Gabby si Harold habang nakahiga at minamasdan niya ang maamo nitong mukha. Hinahaplos-haplos ang buhok saka minsan-minsan ay dinidikit dion niya ang pisngi sa pisngi ng binata. Nang masigurado niyang mahimbing na ang tulog nito ay agad siyang bumangon at umupo sa may bintana.
“I thought everything is right,
I believe we have a good fight,
And this is something we might,
Yet the future is dimming in sight.” tugmang ngayon ay naglalaro sa isipan ni Gabby.
“Bakit ba Harold? Bakit ba sa pamilya mo pa nakagawa ng malaking kasalanan si lolo? Ano na ngayon ang mangyayari sa atin? Ayokong mawala ka! Ayokong kamuhian mo ako! Ayokong iwanan mo ako!” naluluhang saad ng diwa ni Gabby.
“My strength is not enough to say goodbye,
My courage is not enough for my last smile,
My will is not enough leave you many miles,
My soul will only rest, if you’ll be forever mine.” muling pinaglaro ni Gabby ang isip para bumuo ng panibagong tugma ayon sa nararamdaman.
“I’ll do the opposite Harold! I wont say goodbye nor give my last smile nor to leave you many miles apart. Handa akong palambutin ka ulit kung sakaling kamuhian mo ako, handa akong amuin ka ulit kung sakaling isumpa mo ako at handa akong habulin ka kahit sa dulo ng mundo kung sakaling iwanan mo ako.” pagpapalakas ng loob sa sarili ni Gabby para sa isang pangyayaring hindi pa nagaganap.
“Stars only shine in darkness,
Soaps lather through rudeness,
Rainbow comes out from sadness,
Why will I give up for my happiness?” tugmang pilit na nagpapanatag kay Gabby.
Ilang minuto din siyang nakatingin sa langit at nagmumuni-muni, ilang sandali din siyang nag-iisip kung panahon nang magsabi kay Harold o hindi at ilang minuto din siyang pilit pinapakalma ang sarili bago mapagdesisyunang tabihan si Harold na himbing na himbing na sa pagkakatulog.
Dala na din ng pagod ay tinaghali ng gising si Gabby. Mag-aalas dos na nang hapon ng magising ang binata at ang una niyang hinanap ay si Harold. Nang hindi niya ito nakita sa loob ng silid ay agad siyang lumabas at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.
“Gising na pala ang yum ko!” bati ni Harold kay Gabby.
“What’s with you at yam ang tawag mo sa akin?” tanong ni Gabby na bagamat napangiti ay tinago ang sayang kumiliti sa kanya.
“Napanaginipan ko kagabi na mayroon daw isang tao na tumatawag sa akin ng yum!” sagot ni Harold. “Feeling ko talaga totoo kasi kinilig ako.” dugtong pa ng binata.
“So, if I will call you yam, kikiligin ka din?” tanong ni Gabby.
“Maiinis!” sagot ni Harold.
“Why?” may pagtatakang tanong ni Gabby.
“Kasi pag ikaw na ang nagsabi, may pagkasarkastiko kasi. Ang lalabas niyan nang-iinis ka! Hindi naman kasi ako yummy para tawaging yum.” litanya naman ni Harold.
“All the while you think yum is shortcut for yummy?” tanong ni Gabby.
Tango lang ang itinugon ni Harold na napatawa naman si Gabby.
“Bakit ka tumatawa?” tanong ni Harold.
“It’s YAM and not YUM! Shorcut for you are mine!” paglilinaw ni Gabby. “I first notice YAM, duon sa isang favorite kong story writer sa isang blog. He uses DAK or dahil akin ka, I told myself na pag nagkaruon na ako ng bagong boyfriend or girlfriend, I’ll call him the same way but here comes YAM, mas pleasant sa tenga.” paliwanag pa ni Gabby.
“Sorry naman!” inis na tugon ni Harold.
“Ang Yum ko!” malambing na sabi ni Gabby sabay yakap kay Harold mula sa likod at inamoy-amoy pa ito. “Nag-iinarte pa!” dugtong pa nito.
Iba ang naging reaksyon nang puso ni Harold sa ginawang iyon ni Gabby. Feeling talaga niya ay isa siyang yummy na tao na inaangkin ng isa pang yummy na binata, dahil ang YAM ay may dalawa nang kahulugan. Lihim na napangiti si Harold dahil sa unang pagkakataon ay naramdaman niyang buong sinseridad siyang nilambing ni Gabby.
“Ano na ang plano mo?” simulang tanong ni Harold kay Gabby.
“To start my new life with you.” sagot ni Gabby na patuloy sa pagkain.
“Ano ba yan, labas sa ilong.” kontra ni Harold.
“Please stop contradicting my word especially when it comes to you! I really feel what I am saying. Hindi ako marunong mambola!” sagot ni Gabby.
“Tama bang pangaralan pa ko.” napangiwing sagot ni Harold.
“How’s your restaurant?” tanong ni Gabby. “And your land?” kasunod nitong tanong.
“Kung gusto mo bisitahin natin iyong restaurant mamaya.” suhestiyon ni Harold. “Lalo na at hindi pa ako nakikita ni Luis sa loob ng isang taon.”
“Luis?” napakunot na tanong ni Gabby.
“Iyong kababata kong pinag-manage ko ng resto habang nasa Manila ako.” sagot ni Harold. “Saktong graduate siya nang mamatay si Tatay kaya ipinagpatuloy ko sa Manila ang pag-aaral.” sagot ni Harold.
“Okay! Akala ko may something sa inyo.” sagot ni Gabby.
“Wala!” tutol ni Harold. “Lalaki ako dito!” dugtong pa niya.
Napangiti na lang si Gabby at mabilis na tinapos ang pagkain.
Nalaman ni Harold na naging mahirap ang buhay ng kanilang restaurant habang wala siya at ang pinapadalang pera sa kanya ay sariling ipon na pala ni Luis.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” puno nang pag-aalalang tanong ni Harold kay Luis.
“Alam ko kasing gagraduate ka na at ayokong mag-alala ka pa.” sagot ni Luis. “Alam mo namang ako na ang naging kuya mo mula pagkabata ngayon pa ba kita papabayaan.” sinserong turan pa nito.
“Harold it’s enough!” awat ni Gabby kay Harold na nakatunog nang kung anung lansa kay Luis. “Hindi pa helpless ang restaurant, konting strategy lang.” sabi pa ni Gabby habang palinga-linga.
“Ginawa na nga namin ang lahat.” tutol ni Luis.
“Siguro hindi pa lahat, kasi kung lahat sana naisalba ninyo agad ang resto.” mayabang na tugon ni Gabby.
“Ang yabang mo ah!” inis na sagot ni Luis.
“I know!” sagot ni Gabby saka inakbayan si Harold. “Rold! Tara na!” aya ni Gabby na wari bang hindi nakikita si Luis.
“Gabby ano ba?!” asar na tanong ni Harold.
“Anung ano ba?” tanong ni Gabby.
“Anung problema mo?” tanong ulit ni Harold.
“I’m jealous!” direktang sagot ni Gabby.
“Iyon lang pala!” tugon ni Harold na pumawi sa inis niya sa binata. “Next time maging mabait ka sa kanya and wala kang dapat ikaselos kasi natural na mabait sa akin si Luis.” dugtong pa nito.
“I’ll trust you! Pero sa akin ka lang!” sagot ni Gabby saka muling umakbay kay Harold na tila ipinaghihiyawan sa buong mundo na sa kanya lang ang binatang iyon.
“Don’t you trust me?” tanong ni Harold.
“I trust you but not Luis!” sagot ni Gabby. “I smell something’s really fishy.” komento pa nito.
“Huwag kang isip bata.” saad naman ni Harold na napapangiti dahil sa pagseselos ni Gabby tila bata.
Isang buwan! Kita ang improvement ng Restaurant nila Harold at Gabby. Mula sa location, sa pangalan at sa ambiance ng lugar. Kung dati ay malayo ito sa bahay nila Harold at nasa highway, binili ni Gabby ang katapat na lupa ng bahay ni Harold at duon inilipat ang restaurant. Hind naman kasi liblib ang lugar ni Harold at tama lang para sa mga naghahanap ng somewhere to hang-out, mas relaxing, mas refreshing at mas astig. “It’s Gabhor!” ang bagong pangalan ng restaurant, pangit man pakinggan pero interesting pa din kung maririnig. Ginawang modern-aristocratic ang tema kung saan naghalo ang Colonial at modern touches. Hindi din problema ang parking spaces dahil sa bakanteng lote na katabi niyon at ng bahay nila Harold na malaunan ay mabibili na din nila. Ang lumang bahay nila Harold ay naging isa ding attraction, dahil may free tour sa loob kung buong pamilya na may sampung miyembro ang pupunta at kakain sa resto, samantalang may extra-fee kung irerequest lang. Ngayon naman ay pinaparenovate nila ang restraurant sa highway para maging isang establishment na paparentahan ang kada pwesto. Siyempre, dahil sa Construction Company galing si Gabby ay gumawa siya ng espesyal na disenyo para agaw pansin din ang structure ng building.
Lalong na-utilize ang lupang sakahan na iniwan ng tatay ni Harold, dahil every inch, nagagamit at walang nasasayang na lugar.
“Ang galing naman ng yam ko!” bati ni Harold kay Gabby.
“Ikaw lang naman ang walang tiwala sa akin.” sagot ni Gabby.
“Hindi din! Bakit ko naman ipagkakatiwala sa’yo ang puso ko kung wala akong tiwala di ba?” sagot ni Harold.
“Natututo na ang yam ko!” sagot ni Gabby saka ginulo ang buhok ni Harold.
“Ano nga ang gagawin mo sa Manila bukas?” tanong ni Harold.
“I’ll be fixing our papers para makapag-extend na tayo na Manila.” sagot ni Gabby. “Itatapat ko ito sa FabConCom at sa subdivision ni mama! I’ll show them that I can stand on my own.” sagot pa ni Gabby.
“Do you think it’s time to fix the gap between you and your mom?” tanong ni Harold.
“Hindi pa Harold! Matatagalan pa tayo.” sagot ni Gabby. “But don’t worry, bibilisan ko para sa’yo.” paninigurado pa ni Gabby.
Kinabukasan. Maaga ngang lumuwas ng Maynila si Gabby. Si Harold ang mag-isang naiwan para i-manage ang restaurant at makipag-kwentuhan na din sa mga nagtatrabaho para sa kanila.
“Harold!” tawag ni Luis. “May humahanap sa’yo, nakaabang na sa pinto ng bahay ninyo.” pagbabalita pa ni Luis.
“Sino daw?” nagtatakang tanong ni Harold.
“Ewan ko! Basta puntahan mo na lang.” sagot ni Luis na napakibit-balikat na lang.
“Ma’am!” natitigilang wika ni Harold nang makita ang panauhing nasa pintuan nang bahay nila.
“Kamusta na Harold? Hindi mo man lang ba ako papapasukin?” tanong pa nito.
“Pasensya na po.” paumanhin ni Harold na labis ang kabog ng dibdib.
Sa loob ng bahay –
“Ano po ang sadya ninyo?” kinakabahang simulang tanong ni Harold.
“Hindi na dapat tinatanong iyan Harold dahil it is obvious that you stole Gabby from me.” sagot ng ginang. “I am here to get him back.” sagot pa ng ginang.
“Sorry Madam! Pero hindi ko po ibabalik si Gabby sa inyo.” matapang na sagot ni Harold. “Hindi ko po ninakaw o inagaw si Gabby. Siya po ang nag-volunteer na sa akin sumama at wala po akong magagawa kung ayaw niya sa inyo.” saad pa nito.
“Matalas talaga ang dila mo!” sagot ng ginang. “Sa pagkakaalam ko isang bagsak na business ang mayroon ka at si Gabby lang ang nagpalago nun! Hindi naman kaya ginagamit mo lang si Gabby para sa sarili mong interes?” balik na tanong pa nito. “Well, I wont be surprised kung ganuon nga, kasi di ba lahi mo naman iyon.” komento pa nito.
“Ma’am! Tandaan ninyo nasa pamamahay ko kayo! Wala kayong karapatang laiitn ako at ang pagkatao ko! Wala po kayo sa teritoryo ninyo o sa posisyon para maliitiin ang katulad ko.” nanggigigil na pahayag ni Harold.
“I am here to offer you money of any amount plus a career better than this, but I guess paninindigan mong malinis ka at mahal mo si Gabby kaya you will refuse my offer.” direktang winika ng ginang.
“Kahit anuman po ang sabihin ninyo hindi ko hihiwalayan si Gabby maliban na lang kung siya na mismo ang magsabi. Kahit na gumapang ako Madam sa putik, basta’t sabihin ni Gabby na hindi niya ako iiwan tama na sa akin iyon!” sagot ni Harold.
“And you will let Gabby to suffer sa kahirapan?” tanong pa ulit ng ginang. “Kung mahal mo si Gabby dapat hindi mo hayaang mabuhay si Gabby sa hindi siya sanay.” wika pa nito.
“You should ask your self similar question madam! Kung mahal mo po ang anak ninyo, hindi ninyo siya gigipitin ng ganito. Kung mahal mo po si Gabby, you will accept him whoever he is, kung sino ang mgat taong mahal niya at hahayaan siyang sumaya.” kalmadong pagbabaliktad ni Harold. “Gabby is willing to start again kasama ako, at nakikita ko pong determinado siyang patunayan ang sarili ninyo.” dugtong pa nito.
Gulat na gulat ang ginang sa ginawang pagsagot na iyon Harold. “Matalino kang bata ka kaya hindi na ako magdududa kung napaikot mo si Gabby!” wika pa ng ginang. “Pero mamahalin mo pa kaya si Gabby pag nalaman mo kung sino ang pamilya niya?” tugon ng ginang.
“Nakahanda po akong tanggapin ang nakaraan niya madam!” sagot ni Harold.
“Listen to me first darling! Handa ka na bang kasuklaman si Gabby pag narinig mo ang kwento niya?” tanong ng ginang saka nagsimulang magkwento.
Nanginig si Harold habang pinapakinggan ang kwento ng ginang. Hindi niya alam kung papaano sasagot o kung papaano ipapatigil ang kwento ng ina ni Gabby. Maluha-luha siyang sa bawat detalye ay nasasaktan siya. Umuusbong ang pagkamuhi para sa taong kaharap at halu-halong emosyon para sa taong pinakamamahal. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso na wari bang gusto niyang patayin ang taong kausap at ang mga pigil na luha ay nagbabadya ng isang malaking unos na dapat kaharapin.
“And I’m sure, alam lahat ni Gabby ang mga nangyari dahil may isip na siya nuon.” pagwawakas pa ng ginang.
Pilit na pinatatag ang sariling nagsalita si Harold – “Handa po akong tanggapin si Gabby kahit na anung klase ng pamilya meron siya!”
“Matigas kang bata ka! Pero nakikita ko, naguguluhan ka!” sagot ng ginang saka lumabas ng bahay. “Tawagan mo ako pag handa ka ng ibalik sa akin ang anak ko.” sabi pa nito bago makalabas ng pintuan.
Sa gitna ng pag-iisa ni Harold –
“Gabby! Totoo ba ang lahat? Ang sakit, puro na ngayon sakit ang nasa puso ko! Hindi ko akalaing ganyang uri pala ng pamilya mayroon ka. Akala ko ayos na ang lahat bakit bigla na lang ganito!” naiiyak na bulong ni Harold sa sarili. “Hindi ko akalaing ang lahi mo pala ang may kasalanan ng lath. Hindi ko ala kung kasusuklaman ba kita, kung magagalit ako sa’yo, kung isusumpa ba kita, kung lalayuan kita. Ayokong isipin na magkakalayo tayo dahil nasasaktan ako, pero ngayon at naalala ko ang kahapon namumuhi ako sa pmilya mo. Ayokong iwanan ka, pero ikaw ang bagong magpapaalala sa akin ng bawat sakit at bawat kirot.” naguguluhang wika ni Harold sa sarili na patuloy pa din sa pag-iyak.
Buong araw na wala sa kundisyon si Harold na nagkikilos at naggagagawa. Hindi niya magawang ituon ang buong atensyon sa pagtatrabaho.
“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Luis.
“Ah, oo!” sagot ni Harold na medyo nagulat pa sa tawag ni Luis.
“Wala ka ata sa kundisyon.” tanong ni Luis.
“Medyo masama kasi ang pakiramdam ko kagabi pa.” pagsisinungaling ni Harold.
“Kilala kita Harold! Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling. Madali lang sa’yo ang umarte na parang wala lang pero hindi mo ako maloloko.” sagot ni Luis.
“Ayos nga lang talaga ko.” katwiran ni Harold. “Wait lang, may tumatawag sa akin.” paalam pa ni Harold.
“Gabby!” sagot ni Harold saka lumayo kay Luis.
“Makakaluwas ka ba ngayon ng Manila?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Bakit?” tanong ni Harold.
“Si Mama kasi, naaksidente kung pwede sana bantayan nating dalawa.” pakiusap ni Gabby.
“Sige! Puntahan kita d’yan.” sagot ni Harold na mas inalalang kailangan ni Gabby nang kadamay.
“Salamat yam!” sagot ni Gabby.
Imbes na sumagot ay pinindot na lang ni Harold ang end call.
“Sino iyon?” tanong ni Luis.
“Si Gabby! Pinapasunod ako ng Manila.” sagot ni Harold.
“Di ba masama pakiramdam mo?” tanong ni Luis.
“Kailangan ni Gabby ng karamay ngayon. Naaksidente ang mama niya.” sagot ni Harold.
“Samahan na kita.” suhestiyon ni Luis na kilala na si Harold na hindi ito papapigil.
“Ako na lang.” sagot ni Harold saka nginitian si Luis at dumiretso sa bahay para kumuha ng ilang pirasong damit.
Sa Manila –
“Kamusta na ang mama mo?” unang tanong ni Harold kay Gabby na naghihintay sa kanya sa lobby ng ospital.
“She’s fine. Sabi ng doctor she’ll wake up by tomorrow.” sagot ni Gabby na kita pa din ang pag-aalala.
“Mainam.” sagot ni Harold saka tinabihan si Gabby sa upuan.
“Bakit ang tamlay mo?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Kailangan ko bang maging masaya dahil naaksidente ang mama mo?” may pagkarkastiko sa tinig ni Harold.
“Sorry!” napangiting tugon ni Gabby. “Ang yam ko talaga! Kung makaarte.” komento pa ni Gabby saka madiing inakbayan si Harold.
“Tara na sa kwarto ng mama mo.” aya ni Harold kay Gabby.
“Excited?” tanong ni Gabby. “Let’s eat first.” aya pa nito.
Tumingin lang si Harold kay Gabby na tila ba gusto niya ang ideyang kumain muna dahil sa totoo lang ay hindi pa siya handing harapin ang ina ni Gabby lalo na at sariwa pa ang mga sinabi nito sa alaala niya.
“Miss, please bring these bags to Room 517.” pakiusap ni Gabby sa receptionist ng hospital.
“Okay Sir!” nakangiting tugon nito.
“Thank you.” sagot ni Gabby saka umalis at binalikan si Harold.
Sa may di-kalayuang kainan –
“Kanina ko pa napapansin na ang tamlay ng timpla mo. It is something weird.” nag-aalalang tanong ni Gabby.
“Nag-aalala lang ako para sa mama mo.” tugon ni Harold.
“Please Harold! Alam ko may tinatago ka.” pakiusap ni Gabby saka hinawakan sa kamay si Harold.
“Gabby!” tugon ni Harold na may pag-aalinlangan sa susunod na hakbang.
“I’ll be true to you Harold! FabConCom and another family business lost its sales and declined on its stocks. Madaming investors ang nagback-out at still, nasa process na ng pagkalugi.” simula ni Gabby. “I want to help mama to run our business kasi I am in demand sa mga investors ng company. I can say, madali na din para sa atin ang tanggapin ni mama.” pagpapakalma ni Gabby kay Harold.
“Alam mo Gabby! Ayoko sanang sumabay sa problema mo, but I think it is time for you to know na galling sa bahay ang mama mo.” simula ni Harold na hindi mapigilan ang sarili para magkwento kay Gabby.
“Then?” tanong ni Gabby na biglang nakaramdam ng kaba.
“As expected, she wants us na maghiwalay but is refuse to.” sagot ni Harold.
“Salamat Harold!” sagot ni Gabby na napangiti sa sinabing iyon ni Harold.
“But there’s one thing that bothers me!” madiing hugot ni Harold.
“What about?” tanong ni Gabby.
“Totoo ba na alam mo ang nangyari nuong September 27, 1989?” tanong ni Harold kay Gabby.
Natigilan si Gabby at hindi alam kung papaano sasagutin si Harold.
“I am asking you Gabby! Please magsabi ka naman ng katotohanan.” pamimilit ni Harold na unti-unting bumigay ang luha sa mga mata.
Tumango lang si Gabby –
“Thank you for your honesty.” nakangiting tugon ni Harold.
“Galit ka?” napakalungkot na tanong ni Gabby kay Harold. “Alam ko dapat matagal ko nang sinabi sa iyo ang totoo kaso natatakot akong iwasan mo ako at malayo ka sa akin. I don’t want to live without you Harold. Lalo na at sa napakadaming tao sa mundo, sa napakadaming tao kong nakilala at kakilala, ikaw lang ang nagpalabas ng kung sino ako.” paliwanag pa ng binata.
“I understand.” sagot ni Harold. “Of course! Iyon ang initial reaction ko pero mas matimbang pa din kung gaano kita kamahal.” sabi pa ulit nito.
“Talaga?” napangiting tugon ni Gabby.
“Oo!” sagot ni Harold. “Pero sana hayaan mo muna akong makapag-isip, magpalipas ng lahat at hayaan mo akong mapatawad ang buo mong pamilya.”
“Harold!” tanging nasabi ni Gabby.
“Sa ngayon, ang mama mo muna ang isipin at alalahanin mo. Mas makakabuti sa kanya kung medyo didistansya muna ako sa iyo. Unahin mo na ding asikasuhin iyong sa kumpanya ninyo kami na lang muna ni Luis ang bahala sa business natin.” pamimilit ni Harold.
“Are you doing this for my mother and our company or you just need distance? Kasi kung si mama at ang kumpanya ito, you need not to do this. Pero kung kailangan mo ng space, willing ako para pagbigyan ka. Naiintindihan naman kasi kita.” paliwanag ni Gabby.
“I’m doing this for both. Para ngang sobrang co-incidence di ba? I need some space saka nagkaroon nang ganito. Parang naniniwala na ako sa destiny na binigyan ako ng reason para makapag-contemplate.” sagot ni Harold.
“Okay Harold! Pero sana hindi mabago ang tingin mo sa akin. Sana maging masaya pa din ang kwento ng buhay natin. Ayokong mawala ka, at ayokong mawala ang yam ko!” puno nang pag-aalalang sinabi ni Gabby.
“Don’t worry! Sa’yo at sa’yo lang din ako babalik.” paninigurado ni Harold na may matipid na ngiti.
Matapos kumain ay pinuntahan na muna ni Harold ang mama ni Gabby at saka nagpaalam –
“I will wait for you kahit gaano katagal basta, hihintayin kita.” pakiusap ni Gabby.
“Sabi mo yan yam ah!” sagot ni Harold saka yumakap kay Gabby, tumalikod at naglakad na palayo.
Mabibigat ang mga paa ni Harold para sa mga hakbang na iyon. Ayaw niyang iwanan si Gabby, ayaw niyang mawlaay sa taong pinakamamahal, ayaw niyang lisanin ang taong nagbibigay sa kanya ng saya. Ang dami niyang ipinagpalit para kay Gabby, ang dami niyang iniwan at taong tinalikuran para sa pag-ibig niyang iyon. Kinalimutan niya ang dating paniniwala at isinakripisypo ang kapakanan ng marami. Naging makasarili siya para bigyang daan ang pagmamahalan nilang sa buo niyang akala ay may patutunguhan. Pero ngayon, kailangan niyiang talikuran ang taong sanhi ng lahat nang iyon dahil mas matimbang sa puso niya ang sakit na nararamdaman para sa sinapit ng pamilya niya sa lahi ni Gabby. Masakit man, pero kailangan niyang gawin, dahil muling nanariwa ang sugat nang nakaraan. Hindi niya alam kung kaya ba niyang mapatawad ang buong angkan nito o kung kayaq ba niyang pakiharapan pa ang mnga taong iyon. Kahit na nga ba walang kasalanan si Gabby, pero nabahiran na ang pagmamahal niya para dito ng mga duda at mantsang ang kanyang nuno ang may gawa.
Samantalang –
“Good evening Sir! Isa po akong concern citizen at gusto ko lang pong sabihing may kakilala akong NPA na gumagala sa Manila.” sabi ng mahiwagang tinig.
“Sino ka ba at bakit ka namin papaniwalaan?” tanong ng commanding officer ng army na nakaduty.
“See the pictures I sent to you! Di ba obvious para maniwala kayong NPA nga iyang tao na iyan?” sagot naman ng lalaki.
“Ikaw pala ang nagpadala ng mg pictures dito? Anung pangalan mo? Gaano mo kakilala itong lalaki na’to?” tanong pa ng commanding officer.
“He’s my friend and dahil nga sa nalaman kong sikreto niya, sa tingin ko dapat ninyong malaman para sa pagsugpo ng terorismo.” sagot ng tinig saka binaba ang tawag.
“Hello!” sabi ng commanding officer.
“Do you finished the research about this man?” tanong ng commanding officer sa mga kasamahan.
“Yes sir! And napatunayan pong totoo lahat ng informations na binigay ng asset natin.” sagot naman ng isa.
“So, tuloy na natin ang plano!” madiing utos nito saka naman tila mga langgam na nag-unahan ang mga sundalo sa pagpunta sa kanilang pwesto. “Siya ang pang-limang huhulihin ng grupo.” dugtong pa nito.
Read more...