Terrified 11
Monday, June 13, 2011
AUTHOR:Unbroken/Rovi
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
NOTE: Thanks for reading. Malapit na itong matapos. Sana po magustuhan ninyo.
Usok.
Langit.
Fog?
Bakit maulap?
Hindi ko alam kung tama ito. But this totally feels right. Maputing usok. Kakaibang pakiramdam. It brought me to a certain nostalgia. It made me realize things that happened in the past and it made me feel an extreme euphoria. Hindi ko alam kung tama ito pero alam kong dito ako sasaya.
Nakita ko ang dahan-dahang pagiba ng mukha ni Raf. Batid sa kanyang mukha ang matinding saya sa aming mga ginagawa. Kita ko ang naglalagablab na pagnanasa sa kanyang mga mata. On my part, ibayong kilig at libog ang kumukurot sa aking kabuuan.
Patuloy kami sa paglanghap ng usok na nakakaadik. Iba ang dala nito lalo na sa akin na matagal nagpigil para dito. Patawarin nyo ako, alam kong pinilit nyong itama ang mga kamalian ko in the past at sobrang naaappreciate ko yun. Pero alam kong mas sasaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Sobrang saya ko sa ginagawa ko. I never felt this happy. I never felt this contented. This is such a very different thing to me. This is the thing that I entirely want to happen for the rest of my life.
“Jared, mahal kita.”
“Mahal din kita Raf.”
Dumampi ang kanyang mga labi sa akin. Parang isang kamelyong uhaw na uhaw sa tubig, ganoon din ang aking mga labing uhaw na uhaw sa kanyang mga halik.
“Sasama ka ba sa akin?”
“Saan Raf?”
“Sa kung saan man ako pupunta.”
“Saan naman iyon?”
“Basta. Sasama ka ba?”
“Siguro.”
“Bakit siguro? Nagdududa ka pa ba sa akin Jared?”
“Ha? Hi-hindi naman.”
“Eh bakit ayaw mo sumama?”
“Ha? Saan ba kasi tayo pupunta?”
“Basta. Sa lugar na dati pa natin dapat pinuntahan.”
Nalito ako sa mga pahayag ni Raf. Saan kami pupunta? At bakit dapat kasama ako? Di na ba kami babalik? Paano na ang pamilya ko? Paano na si Kath? Paano na ang kapatid kong si Mikey?
Nahalata ata ni Raf ang mga agam-agam na bumabalot sa aking isipan. Tumingin ito sa aking mga mata at nakita ko ang pagbuntong-hininga nito.
“Mukhang nahihirapan ka magdesisyon kung sasama ka ah.”
“Ha? Hi-hindi naman.”
“Kung halfhearted ka sa atin, mabuti pang tapusin na natin kung ano man ito.”
Naalarma ako sa narinig. Iiwan na naman ako ni Raf? Bakit? Pagkatapos ng lahat ng sinakripisyo ko para lang mapasunod sya at maging masaya sya? Bakit parang ganoon kadali nya akong bitawan? Bakit parang kayang-kaya nya akong iwanan?
“Sumagot ka Jared.”
Bakit parang ang dali nyang magdispose ng tao? Bakit parang ang dating eh minamanduhan nya ako sa lahat ng desisyon na dapat ako ang nagpapasya? Bakit parang inuutusan nya ako?
“Aalis na ba ako o hindi. Sumagot ka.”
Rinig ko ang pagtaas ng kanyang boses. Ramdam ko ang awtoridad sa kanyang bawat salita. Muli, naramdaman ko na napapailalim ako sa kanyang mga salita.
“Sa-sama naman ako.”
“Sigurado ka?”
Mas naging matigas ang kanyang pagsasalita. Mas naramdaman ko ang galit. Naramdaman ko nalang ang panginginig ng aking mga tuhod. Lahat ng mga iniisip ko ay parang bulang nawala. Mas nanaig ang takot ko na mawala sya sa akin. Parang batang mawawalan ng kalaro, ako ay dali-daling tumango.
“O-oo. Sasama ako sa'yo.”
A smile flashed through his face.
“Dalhin mo na lahat ng gamit mo.”
“Ha? Bakit?”
“Aalis na tayo dito. Magsisimula tayo ulit. Ikaw lang at ako. Tayong dalawa sa ating sariling bahay. Sa ating sariling mundo.”
“Sa-saan tayo pupunta?”
“Naihanda ko na lahat. Wag kang magalala. You're going to have more than what you are having right now.”
“Ta-talaga?”
“Oo.”
Ang talim ng kanyang mga mata. Naramdaman ko ang matinding paninindigan sa kanyang mga salita. Bukod pa doon, nakaramdam ako ng pangamba para sa aking sarili.
For some strange reasons, sumang-ayon ako.
“O-oo sige. Sasama ako. Saan tayo magkikita bukas? At anong oras?”
“Ganitong oras din. Madaling araw. Mga 12:30 am siguro.”
“Si-sige. Saan?”
“Sa may intersection. Kahit saan don. Madali nating matatanaw ang isa't-isa.”
“Intersection? Diba marami ng naholdap at napatay don? Wag don. Ayoko.”
“Hindi yan. Ako ang bahala sayo.”
“Ha? Sige.”
Ginawaran ako ni Raf ng halik sa aking mga labi. Tumayo ito at ngumiti.
“Aasahan kita bukas ng gabi. Pag di ka dumating di mo na ako makikita ulit. Kahit kailan.”
May pagbabanta sa kanyang tono. Nakaramdam muli ako ng pagkaalarma.
“Oo sige.”
Mabilis na lumabas si Raf sa kwarto. Naiwan akong mag-isa sa loob ng aking kwarto. Muli, ako ay niyakap ng lamig. Isang nakakapanindig balahibong sensasyon.
Pinikit ko ang aking mga mata.
Huminga ng malalim.
Nagring ang aking telepono.
“Hello?”
“Kuya?”
“Mikey. Bakit?”
“Di ka daw nagpapasok sa office. Cancelled na din daw ang kasal?”
“Oo.”
“Bakit?”
“Paano mo nalaman lahat?”
“Marami akong mata.”
“Mikey, this is not the best time to fool around.”
“Kuya, ano ulit yung pangalan nung guy na nawala nalang bigla years ago?”
“Bakit? Nagbalik na sya.”
“Gusto ko lang malaman.”
“Raf.”
Tumahimik si Mikey sa kabilang linya.
“Ba-bakit Mikey?”
“Wala lang kuya. Natanong ko lang.”
“Bakit nga?”
“Natagpuan na kasi yung bangkay na hinahandle nung isang barkada kong pulis.”
“Okay.”
“Dati pa daw napatay yung lalaking yun. 5-6 years na din ang nakakalipas. Ngayon lang naresolve yung kaso.”
“Anong kinalaman nyan satin? HA?” may bahid ng sarkasmo ang aking tono.
“Wala naman kuya. Baka lang kasi magkainteres ka.”
“Bakit?”
“Raf kasi yung name nung napatay na lalaki.”
Ako naman ang natahimik.
“Ba-bakit daw napatay yung lalaki?”
“Hmmm.”
“Bakit nga Mikey!”
“Pusher yung Raf na yun. May kausap daw na kukuha ng depektos. Di nagkasundo sa presyo kaya ayun dinukot daw at pinatay.”
Nakaramdam ako ng kakaiba sa mga sinasabi ni Mikey sa akin. Di ko alam pero naramdaman ko nalang ang biglaan paglaki ng aking ulo sa kilabot. Di ko alam kung ano bang nangyayari sa akin. Siguro ay dala lang ito ng aming hinithit kanina. I shouldn't be paying attention. Walang connection ang mga sinasabi ni Mikey. Wala.
“I see.”
“Kuya? Bakit parang nagcacrack ang boses mo?”
“Ha? Hindi ah.”
“Saan pala napatay yung Raf? I mean saan nangyari yung pangdurukot?”
“Saan pa ba kuya? Eh di sa may intersection. Alam mo naman na pugad ng patayan ang lugar na yun.”
Mas lalong bumilis ang kabog ng aking puso.
Naputol ang linya ng telepono.
I T U T U L O Y . . .