Si Alexis At Si Mario - complete
Friday, February 25, 2011
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Note from LOL Admin: This story is written by Mike Juha which is a deconstruction of the story entitled "The Last Leaf" by O' Henry. Ikakatuwa po ng may akda kung mag-iiwan po kayo ng commento pagkatapos ninyong mabasa ang kwentong ito.
********************************
Alexis. Hindi pangalan ng iyan tao kundi pangalang ng puno ng kahoy na nakatayo sa harap mismo ng bintana ng kwarto ko. Ako ang nagbinyag sa kanya sa pangalan na iyan. Simula kasi noong isinilang ako ay siya ring pagsibol ng puno sa mismong lupa na tapat pa sa aking kuwarto. Sabi ng mga magulang ko, sabay daw kaming isinilang sa mundo niyan. At ang malaking ipinagtataka nila ay kapag daw dinadapuan ako ng karamdaman, ang mga dahon niya ay nagkalaglagan o di kaya nalalanta. Para bang may koneksyon ang buhay namin.
Weird? Siguro ganyan talaga ang buhay; minsan weird… O, baka dahil lang ito sa panipaniwala, pamahiin, o sheer coincidence kaya nabibigyan ng kahulugan ang mga ito.
Nasa elementary na ako noong personal ko nang inaalagaan Alexis. Habang lumalaki siya, pakiramdam ko ay naging malapit ang kalooban ko sa kanya. Kapag may problema ako, doon ko ipinapalabas ang mga hinaing ko kay Alexis. Sa ilalim ng kanyang lilim, tila isa siyang taong kinakausap ko. At gumagaan naman ang pakiramdam ko kapag nakapagpalabas ng ng aking mga himutok kay Alexis. Kapag masaya naman ako, binabahagi ko rin ito sa kanya na parang isang taong kadikit ko na talaga sa buhay.
Ewan, pero pakiwari ko ay ramdam din niya ang mga nararamdaman ko. Kapag malungkot ako o kaya ay may iniindang sakit sa katawan, nagkalaglagan ang mga dahon niya, o nalalanta. Kapag Masaya naman ako, mistulang ang saya-saya din niya. Masiglang pumapagaypay ang kanyang mga dahon sa bawat ihip ng hangin.
Iyan ang kuwento ng buhay namin ni Alexis.
Read more...