Chapter 3 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

Thursday, November 25, 2010

Photobucket
AAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!"


"Ano ba iyan Manong?" inis na tili ni Mandarin sabay pukpok pa sa salamin na nakapagitan sa kanila ng driver.

Hindi inasahan ni Bobby na bibilis ang takbo nila kaya nagulat siya ng husto ng umarangkada sila. Hindi naman ganoon ang magpatakbo ang driver na iyon kagabi kaya nagtataka siya. Parang may mali sa nangyayari. Sabi niya pa sa sarili.

"Nakaka-inis talaga." maktol pa rin ng kasama.

Napapangiting inalalayan na lang niyang muli ito para maka-upo ng maayos. Ibinaba nito ang paldang lumilis paitaas ng aksidenteng mahulog ito kanina sa upuan dulot biglang pagbilis ng sasakyan. Nanghihinayang siya pero hindi tamang doon sila maglampungan nito. Marami namang motel sa madadaanan nila. Mamaya na lang siguro.

"Okay ka lang ba?" tanong niya rito sabay haplos sa pisngi nito.

"Ah, oo. Nakakahiya, nahulog ako." namumulang pahayag nito.

"Okay lang iyon. Hindi mo kasalanan iyon. Baka nagmamadali si Manong."

"Ang sabihin mo, baka naiinggit. Kwidaw ka!" sumimangot pa ito at hinampas ang salamin. "Umayos ka manong. Sasamain ka sa akin talaga!" animong tigre nitong sabi.

Read more...

Chapter 2 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

task force enigma : rovi yuno
RRRRRIIIINNGGGG!!!! RRRRRIIIIINNNNGGGG!!!!

Ang ingay na iyon ng alarm clock ang bumulahaw sa tulog ni Bobby. Sinulyapan niya ang maliit na orasan. Labing-lima bago ang alas-siyete ng umaga. Tama lang ang oras ng gising niyang iyon para makapaghanda at makapasok sa non-formal education school na pinapasukan niya. Computer Hardware Servicing ang kinukuha niyang kurso.

Pinilit niyang tumayo at mag-inat. Ginawa rin niya ang routine na kinasanayan niya tuwing umaga. Konting sit-ups at push-up. Ilang counts din ng pagbubuhat sa kanyang dumbbell na nasa silid niya. Dalawampung minuto ang lumipas at pawisan na siyang lumabas saka tinungo ang maliit na kusina nila.

Naroon ang kanyang Tiya Edna na nagsa-sangag ng kanin. Kumulo ang sikmura niya pagkaamoy ng masarap na pagkain. Kumuha siya ng mga plato sa lagayan at pati na rin ng mga kubyertos at baso. Nilingon siya ng inahin.

"Gising ka na pala." magiliw na bati nito sa kanya.

"Opo Tiya. Kanina pa ho." nakangiti rin niyang balik rito. Bunsong-kapatid ito ng kanyang ama. Ito ang nag-alaga sa kanya ng pinalad silang matira sa pananalanta ng isang napakalakas na bagyo noon na tumama sa Gitnang Luzon. Napilitan silang ibenta ang lupain ng makabawi sila at nakipisan sa mga kamag-anak sa Maynila.

Ginawa nito ang lahat para matapos niya ang high school. Pagtuntong niya sa edad na disi-otso ay natapos niya ang pahinto-hintong pag-aaral sa sekondarya. Nagpasya siyang mag-apply muna na magtrabaho sa kung saan-saan para makatulong dito at maka-alis na rin sa mga kamag-anak nila na noo'y dumadaing na rin ng kagipitan gawa ng pagkakapisan nila doon.

Nang maka-ipon ay inaya niya itong pumisan kasama siya sa isang entraswelo na malapit rin sa kanilang mga kamag-anak. Isa't kalahating libo ang bayad doon kada buwan. Hindi pa kasama ang kuryente at tubig. Salamat at may katipiran silang magtiyahin at hindi nila problema ang pagiging aksayado sa mga bagay na kailangan nila.

Humila siya ng silya at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng katawan na pinawisan sa ehersisyo. Inilapag ng tiyahin ang umuusok pang sinangag at saka binuksan ang nakatakip na sinangag na dilis, tuyo at piniritong itlog. Naghiwa ito ng kamatis at inilagay sa platito kasabay ang isang platito ng sukang-negros na iniregalo sa kanila ng isang kapitbahay.

Kumalam agad ang sikmura niya sa nakahain ngunit bahagyang nag-alala na baka napagod ang tiya sa dami ng nakahain na iyon. Bawal ang mapagod dito ng husto. "Tiyang, baka naman napagod kayo sa paghahanda ng mga ito. Huwag na kayo masyadong magkikilos." paalala niya habang iniaabot ang bandehado rito.

"Ako nga ay huwag mong masyadong alalahanin Bobby, kay napapagod ako kapag hindi ako nagkiki-kilos. At ano bang nakakapagod sa mga ire. Nagprito lang ako at kaunti lang ang sinangag ko na tirang kanin kagabi." mahabang turan nito.

Read more...

Chapter 5 : In Love With Brando

By JoshX


Nang maramdaman ng interviewer ang aking presensiya ay pumihit siya paharap sa akin. Kinurot ko pa ng pino ang aking kanang hita para masiguro na hindi halusinasyon ko lamang ang nangyayari.
  
Nagpikit ako ng mata. Nagbilang. One…two...three...four…five. Natakot pa ako na baka sa muling pagdilat ko hindi pala siya. Kapangalan lang pala niya. Ibang tao pala. Lord sana po..sana po siya na talaga..sana siya talaga!
  
Pagmulat ko naroon pa rin siya sa harapan ko. Totoo nga ang nangyayari. He’s flesh and blood right in front of me! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang kasiyahang nararamdaman ko nang mga oras na iyon. No exact words can describe it. Iyon ngang may bagay ka lang na hinahanap na ng matagal at nang hindi mo na ito hanapin ay kusa mo namang natagpuan ay sobrang saya mo na with matching pangiti-ngiti pa, heto pa kaya na for the last ten years at halos araw-araw kong naiisip ay bigla na lang lilitaw nang hindi ko inaasahan. Siguro heaven ang pakiramdam. Iyon na iyon parang nasa langit na ako.

Read more...

Chapter 4 : In Love With Brando

By JoshX

Mas mainit ang sikat ng araw nang umagang iyon kahit mag-aalas-sais pa lamang kumpara noong mga nagdaan. Isa na yata ito sa epekto ng tinatawag na climate change. Wala pang tatlong kilometro ang naaabot namin ni Harry sa pagja-jogging ay halos tumagaktak na ang aking pawis mula sa aking unat at bagsak na itimang buhok pababa sa aking mukha. Nag-sando na nga lang ako at jogging pants na kulay gray na may stripes na maroon pahaba sa magkabilang gilid.
  
“Kaya pa ba?” nakangiting tanong ni Harry na para bang minamaliit niya ang aking kakayahan. Medyo binagalan ang pagtakbo para umantabay sa akin. Ang guwapo nito sa suot na puting Hanes T-shirt na semi fit at UB jogging pants kagaya ng suot ko. Moreno ang balat na makinis at semi-kalbo ang gupit. Sa ganda ng katawan nito ngayon na alaga sa gym, height na 6’1”, matangos na ilong na bumagay sa may kanipisang mga labi at pair of expressive black eyes ay hindi mo aakalain na siya ang patpating si Harry na ipinagtanggol ko sa mga bullies na sina Jimson, Collin at Bino mahigit sampung taon na ngayon ang nakakaraan.
“Kaya pa.” nakangiting tugon ko. Maalat ang butil ng pawis na dumaloy sa aking labi. Kinuha ko ang lalayan ng aking t-shirt, iniangat at sandaling nagpunas ng mukha. Nakalimutan ko kasing magdala ng towel na pampunas. Napatingin tuloy si Harry sa lumitaw kong six pack abs at sa makinis kong balat na maputi kumpara sa kaniya. Medyo naalangan ako sa mga ganoong pagkakataon kaya, “Meron ka din niyan,” sabi ko na tinapik pa ng marahan ang kaniyang tiyan na ikinagulat naman niya. “Mas maganda pa ang pagkaukit.”
Napangiti naman siya. “Iyan ang gusto ko eh…at hindi lang naman ‘yan. Lahat ng ikaw.”
“Sira ka talaga, sabi ko sa iyo hindi tayo talo.” Bigla kong binilisan ang pacing ng pag-jogging ko.
“Iiwanan mo ba ako?” kunwa’y naiinis na tanong niya.
“Oo kung babagal-bagal ka.”
“Ganon.” Sabi niya pagkuwa’y patakbo na ang ginawa niya.
Binilisan ko din para sabayan siya. Pagkatapos malampasan ang sampung naggagandahang mga bahay sa aming subdivision ay unti-unti na rin kaming bumagal.

Read more...

Chapter 3 : In Love With Brando

By JoshX


Iyon na yata ang pinakamahabang Sabado sa buhay ko. Dahil ramdam ko ang unti-unting pagkatuyo ng tubig ulan sa suot kong damit habang nakaupong naghihintay sa labas ng gate sa pagbabalik ni Kuya Brando. Umalis si Kuya Rhon na pinilit din naman akong papasukin sa loob para magpalit ng damit pero galit ako sa kaniya kaya hindi ko siya pinansin, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Si Tiya Beng ay nasa out of town din.
  
Napakabagal pala talaga ng lakad ng orasan kapag may hinihintay ka samantalang sobrang bilis naman kapag natatakot ka o ayaw mong dumating. Pero kapag sinukat mo parehas lang naman talaga ang tiktak nito, nasa paraan lang kung paano mo gagamitin ng tama. Kaya tama ba ang ginagawa kong pagmumukmok? Alam kong mali pero ito yata ang mas gusto ko munang gawin sa ngayon.
  
Magtatakipsilim na nang unti-unti kong naramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking mukha. Para akong mangangatal na hindi ko mawari samantalang mainit naman sa loob ng aking katawan. Nanghihina din ako dahil na rin siguro sa wala pang laman ang aking sikmura simula kaninang umaga.

Read more...

Chapter 14 to 15 : Ang Kuya Kung Crush ng Bayan

By: Mikejuha

email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
---------------------------------------------------------------



Mistulang nakakita ako ng multo sa nasaksihan. Bumalikwas kaagad ako sa pagkahiga at pinulot ang t-shirt at jeans na nagkalat sa sahig at dali-daling isinuot ang mga iyon.


Nagising naman si Julius at tila normal lang itong kinuskos ang mga mata, tumagilid sa direksiyon ko. “G-gising ka na pala kuya…” ang ang sambit niya, nakatingin sa akin habang pilit kong itinaas ang pantalon.

“Ah… O-o. Maliligo na ako, Julius. May tubig ba ang banyo?” ang sambit ko, halata sa boses ang mistulang panginginig ng boses sa magkahalong hiya at pagkalito.

Agad-agad naman itong bumalikwas din, itinakip ang kumot sa harap niya na tila alam na nakahubad lang siya, hinahanap sa kama ang shorts na siyang suot-suot bago matulog sabay sabing, “Ah... mag-iigib muna ako kuya, walang pondong tubig ang banyo.”

“Ay, huwag na kung ganoon. Sa ilog na lang ako maliligo.” Ang mabilis kong sagot sagot gawa ng pagkahiya.

“Ah… sige Kuya, sasamahan na rin kita doon.”

Noong makita na ni Julius ang shorts na pamapatulog, agad niya itong isunuot. Iyon lang ang suot-suot niya habang lumabas kami ng kuwarto. Ako naman ay nagpalit din ng shorts pampaligo. Sa porma na iyon ni Julius na naka-shorts lang at walang saplot ang pang-itaas na katawan, hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa ganda ng hubog ng kanyang katawan. 

Noong nasa gilid na kami ng ilog, dinig ko ang mga tilamsik ng tubig nito. Parang ang sarap pakinggan; nakaka-relax. Subalit nangingibabaw pa rin ang lungkot na gumagapang sa aking pagkatao. Naalala ko kasi si Kuya Rom; may sakit na dulot ang ilog na iyon sa aking alaala dahil sa ilog na iyon ko itinapon ang singsing na ipinagkatiwala niya sa akin, ang pilit na pagsalba niya nito na halos magpakamatay na sa pagsisisid maibalik lang ang singsing. At bago pa dito, naalala ko rin ang pinakaunang nangyari sa akin kasama siya na hinding-hindi ko malilimutan; noong muntik akong malunod at sinagip niya ako. Doon nagsimula ang paghanga ko sa kanya.

Read more...

Chapter 11 to 13 : Ang Kuya Kung Crush ng Bayan

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
---------------------------------------------------------------

Noong matanggal ko na sa daliri ang singsing, pumwesto ako sa parteng may pampang sa isang gilid ng ilog kung saan ito malapit sa malalim na parte. Inindayog ko na ang kanan kong kamay upang pakawalan ang singsing noong sa likuran ko ay may biglang sumigaw. “Huwaaaggggg!!!”


Si Kuya Romwel, halatang kagagaling pa sa laro, naka pambasketball shorts lang at sando, at nakasapatos pa.



Ngunit nabitiwan na ng kamay ko ang singsing. Pakiwari ko’y naging slow motion ang lahat, ninais ng isip ko na ipahinto ang paglaglag nito sa sa tubig. Ngunit huli na. Agad-agad itong lumubog kasabay ng pagtilamsik ng tubig sa pagtama nito sa ilog. Simbilis naman ng kidlat si Kuya Rom na du-mive sa pampang at tinumbok ang parte kung saan nalaglag ang singsing. 



Nabigla ako sa bilis ng mga pangyayari. Kitang-kita ko sa mukha ni Kuya Rom ang tindi ng pagnanasa nitong ma-retrieve ang singsing. 



Nakailang sisid na si Kuya Rom at ramdam kong hapong-hapo na siya sa kasisisid. Naramdaman ko naman ang gumapang na tindi na pangongonsiyensya sa utak ko. Alam ko, hindi na naglalaro si Kuya Rom. Seryosong-seryoso siya sa paghanap sa singsing. Pakiramdam ko, namumutla na kung mapaano si kuya Rom gawa ng hindi pa rin niya nilubayan ang pagsisid.



Ewan, hindi ko rin maintindihan kung bakit sobra niyang pinahalagahan ang singsing na iyon na sa tingin ko ay kahit malaki at makinang, ay isang stainless lang naman.



May matinding pagsising namayani sa utak ko at nag-uumapaw ang kagustuhang tulungan na lang sana siya sa pagsisid. Ngunit dahil hindi ako marunong lumangoy, hindi ko rin magawa ito. Gusto kong sumigaw na “Kuya, huwag mo nang hanapin, baka mapaano ka pa!” ngunit hindi ko masabi ito gawa nang alam ko, galit siya sa ginawa ko.



May kalahating oras na siguro ang nakalipas at sumusisid pa rin siya. Maya-maya, hapong-hapo at kibit-balikat siyang bumalik sa parteng may dalampasigan, pansin ko ang sobrang panghihina niya na halos hindi na makaya ang sarili sa paglalakad. At pagkarating na pagkarating kaagad sa parteng buhanginan, ibinagsak bigla ang lupaypay na katawan, habol-habol ang paghinga at nakatihaya, ang mga kamay na latang-latang ay nakalatag sa kanyang gilid.


Read more...

Chapter 3 : Unbroken

By:Rovi Yuno
Fb:Iheytmahex632@gmail.com
“The greatest thing you'll ever learn is just to love and be loved in return. “
-Moulin Rouge

Gulat na gulat kami ng makita naming nakatingin samin lahat ng tao sa loob ng restaurant.
May mga nakangiti. May mga halatang nagulat. May mga ibang nagpakita ng pagkadismaya.
Hindi namin sila masisi dahil mukha talaga kaming mga lalaki. Wala kang makikitang bakas ng kabaklaan sa aming porma.

“Uh-oh. They are all looking at us now hon.” Sabi ni FR.

“Yeah. They are all staring at us.” sagot ko habang magkatapat pa din ang aming mga labi.

“So,what now? Tuloy ang kiss o hindi?” nanunubok nyang sagot.

“Ohhh. We can't do it here FR. Sorry.” sabi ko habang umaatras ang mukha ko sa mukha nya.

Whew. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Hindi ko na sinubukang tumingin sa mga tao dahil alam ko na nakatutok ang mga mata nila sa amin. Kitang kita ko sa mukha ni FR ang pagkadismaya. Mababakas sa kanyang mga mata na inaasam nya talaga na halikan ko sya in public.
But I just can't. Ramdam ko din na pinagusapan kami ng mga taong walang alam sa ganitong klaseng relationship.

Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Walang gustong magsalita. Walang gustong kumibo. Tahimik si FR dala marahil ng pagkapahiya at disappointment. Di naman ako nagsasalita dahil ramdam ko pa din ang malakas na kabo ng dibdib ko ng dahil sa nangyari.
Nabibingi na ako sa katahimikan kaya ako na mismo ang bumasag nito..

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP