Showing posts with label Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako. Show all posts
Showing posts with label Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako. Show all posts

EPILOGUE : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

Monday, November 22, 2010

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: Catch me on DZMM later. Tatawag ako. Hahaha

Maganda ang panahon ng araw na iyon. May mangilan-ngilang foreigner at Pilipino ang nasa laot din tulad niya habang nakasakay sa surfboard. Kahit paano ay naaaliw siya at napapalipa ang kanyang oras ng hindi niya kailangang mag-isip. He dreaded the idea of getting home. Magiging mag-isa na naman siya at di na naman niya mapipigilang mag-isip.

Nang matapos mag-surf ay nagliwaliw pa siya ng kaunti sa isla. Tumingin-tingin siya sa mga souvenirs na nasa mga tindahan. He was in Siargao. Pero hindi siya doon nagtatago. Paiba-iba siya ng destinasyon. He can't afford to stay in one place for he didn't want Pancho to see him again. The last time he saw him ay nasaktan pa niya ito sa kakapilit na mag-usap sila.

Sa nakalipas na limang buwan ay ganoon ang sistema niya. Gamit niya ang sariling yate na binili niya sa isang kaibigng taga-Marina ng magpasya siyang lumayo dahil sa mga natuklasan. May kalakihan iyon kaya halos gawin niya ng bahay iyon. Convenient para sa kanyang naglalagalag.

Nakakatawa na para sa edad niyang iyon ay saka siya nag-istokwa. Pero iyon talaga ang nararamdaman niya. Para kasing sasabog na ang pakiramdam niya kung hindi siya lalayo muna. Nahihirapan pa rin siyang tanggapin na ng dahil sa pera ay halos maubos ang kanyang pamilya. Puro may intensiyon ng paghihiganti ang nakapalibot sa kanya kaya kahit si Pancho ay hindi niya makuhang mapalapit ulit. Natatakot na siyang sumugal.

Read more...

Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako 18

By: Dalisay
E-mail: paulit-ulit na lang? hahaha... angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: isa pa ito. hahaha... dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: In a relationship.


Nakatayo lang siya sa bintana ng hospital suite na yun. Sa taas ng palapag na iyon ay nakikita niya halos ang kabuuan ng Quezon City. Halos said na ang pakiramdam niya.
Wala ng natirang maaari pang maramdaman. Nakakalungkot na with all the wealth na nakapalibot sa kanilang pamilya ay hindi iyon naprotektahan mula sa dalawang bagay. Inggit at Paghihiganti.

Tiningnan niya ang dalawang taong natitira sa kanya ngayon. Isa sa mga ito ang salarin, ayon sa mga pulis subalit wala pa siyang balak alamin iyon. Parehas na hindi pa rin nagigising mga ito bagama't stable na ang kalagayan. Mukhang iniiwasan ng isa't-isa ang makaharap siya. Ngunit anu't anupaman ay kailangan nilang magharap-harap. May nagbabantay na pulis sa loob kung sakaling magising ang mga ito. Pinakiusapan na rin niya ang mga naging kaibigang alagad ng batas.

Naalala rin niya si Pancho. Huli niya itong nakita noong araw na may humabol sa kanila. Luckily, may nabuhay sa isa sa mga nakasagupa nila at iyon ay nasa pangangalaga na nila Rick. Mukhang nakarekober na raw ito at ngayon nga ay naghahanda ng sinumpaang salaysay sa mga pulis.

Sinulyapan niya si Elric. Nadale lang ito ng pagkakataon. Hindi para rito ang pagkawala ng brakes ng sasakyan niya. Para sa kanya dapat iyon. A strong pang on his chest came as he remembered how his brother insisted that he talk to Pancho alone and take a cab going home after they talk.

Read more...

Chapter 17 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blogspot: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I eat bullets for breakfast.

Who is this man, really? Iyon ang tanong na nag-uumukilkil sa isip ni Gboi. Kanina habang nakikipaghabulan sila sa daan hanggang sa tulay ay halos kalmado lang ito. He knows killer stance when he sees one. At nakita niyang lahat iyon kay Pancho. Parang natural na lamang dito ang bumaril at magpatama ng bala sa katawan ng kalaban. Hindi niya mapigilang mangilabot sa naisip. Dapat pa siyang magtiwala dito?

Napalakas yata ang bugha niya ng hangin. Nakakunot-noong tiningnan siya ni Pancho.

"Anong problema?" tanong nito.

"Wala. Naisip ko lang yung nangyari kanina."

"Alin duon?"

"Yung pakikipaghabulan natin, ano ka ba?" takang tanong niya.

"Ah, akala ko yung halikan natin pagkatapos nun." pilyong sabi nito.

Umingos siya. "Sira-ulo. Iyon pa ang naisip mo pagkatapos ng nangyari. Muntik na tayong mamatay kanina ah."

Tumawa ito. "Eh, pinapakalma lang kita. Nanginginig ka kasi. Hindi ko alam kung paano kita kakalmahin." maamo pang sabi nito.

Natigilan siya. Naalala nga niya na nanginginig pala siya sa kaba kanina. Hindi dahil sa takot kung hindi sa kaligtasan nila. Hindi pa malinaw kung bakit sila hinabol at kung bakit pinatay ang kanyang ama at madrasta. May tinawagan pa nga ito kanina. Nakilala lang niyang si Rick iyon ng banggitin nito ang pangalan ng huli. Nagtatawanan pa ang mga ito habang nag-uusap sa pagkaka-alala niya.

"Hello." ani Pancho pagkatapos ilapat ang cellphone sa tainga.

"Kailangan ko ng clean-up. Nasa flyover iyon. Malapit sa Robinson."

Tumawa ito at inalis sa tainga ang aparato saka ini-loud speaker.

"Hello. Hello! Gboi okay ka lang ba? Si Rick ito."

"Okay lang ako tinyente."

"Good. Naipadala ko na doon sina Perse at Rovi sa crime scene. Lang'ya, napuruhan ninyo yung dalawa. Ni hindi niyo man lang dinis-able para makuhaan pa namin ng statement." reklamo nito.

"Hindi rin kami bubuhayin nun. Kami ang papatayin ng mga iyon."

"Pero Pancho, pare, mahirap i-cover up itong isang ito. Sagot na ni Perse ang police. Takaw atensiyon lang sa media. Si Rovi na ang bahala sa mga katawan. May nakuha yata silang mga id duon sa kotse na tutukoy sa dalang humabol sa inyo. Si Jerick na ang bahala kapag naipadala na sa kanya."

"Salamat pare, ang haba ng sinabi mo. Pwede namang okay na lang sabihin mo." pang-aasar ni Pancho.

"Ungas ka talaga p're. Ako na nga aayos ng gusot mo. Ipina-news block out ko na nga ito. Ganyan ka pa umasta, Parang asal." pagtatampo pa ni Rick.

"Ayun, nagtampo pa si Colonel Pulpol. Huwag kang magtago sa pagiging tinyente uy. Mas mataas ka pa kay Major Tiyaga. Pero salamat p're, kahit wala na ako sa serbisyo nakuha mo pa rin akong tulungan."

"Ayos ah, dramahan na ba to? Kadiri ka Pancho. Nakikinig pa naman si Gboi. Bawas pogi points tuloy ako." anito sabay tawa.

"Ha? Bakit nadamay ako? Huwag ako, busy ako!" pakikisakay niya.

"Tang ina p're, pumoporma ka pa eh alam mong nabakuran ko na. Maghanap ka ng iba. Asikasuhin mo na lang yung gusot ko." si Pancho

Nailang siyang bigla sa sinabi nito. Di tuloy niya mapigilang sumagot. "Hoy, andito lang ako. Kung makapag-usap kayo parang bagay lang akong pwedeng ipasa kung kani-kanino ah." galit-galitan niyang sabi.

"O siya pare, ingatan mo yang kasama mo. Kapag nalingat ka, hahablutin ko sa iyo iyan." birong banta nito.

"Ulol. Subukan mo!" sabay patay nito sa aparato.

Naiinis na tumingin ito sa kanya pero di na nagsalita. Hanggang makalagpas sila sa eskinitang iyon at nakalipas na ang sapung minuto ay saka lang ito nagsalita ng bumontong-hininga siya.

"Actually Pancho, I don't know what to feel right now."

"What do you mean?"

"I don't know if I should trust you. Considering all this--"

Hindi na niya natapos ang sasabihi ng ilapat nito ang hintuturo sa kanyang labi. It sent wonders on his system. Nagsimulang rumigudon ang kanyang puso. Nagdouble-time ang lahat ng senses niya at hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin.

"Don't say that. I think its time for you to listen well." idinikit siya nito sa isang bahagi ng pader sa walang katao-taong iskinitang iyon. "Pwede ba?" at saka siya nito iginiya paupo.

"Please listen carefully, kung may tanong ka, ipapaliwanag ko pero patapusin mo muna ako. Okay?" his voice husky as he speak. Hindi siya makapagsalita. Parang ang buong sistema niya ay kinain na ng kawalang sentido-kumon. Parang naipasya na ng sariling katawan na makinig na lamang dito.

"Noong nasa resort tayo ni... ni..."

"Jim?" pagpapatuloy niya ng sinasabi nito. Ayaw yata nitong sabihin ang pangalan ng huli.

"Oo. Iyong tumawag ay nagsabi ng kung gusto ko ay magsanib pwersa kami sa pagpapabagsak sa iyo dahil alam daw niya ang motibo ng paglapit ko sa iyo. Sa pamilya mo. Narinig mo ang saogt ko na hindi ako interesado."

"Yes, at pagkatapos noon ay tumawag si Tita Mildred na nasa ospital si Daddy." sabi niya.

"Then pagkagaling ko sa hospital ay tumuloy ako sa mansiyon ninyo para tumulong sa mga pulis. Doon ko nakita ulit si Rick na dati kong kakilala. The same time ay nagtext naman sa akin ang isang unknown number na dahil sa hindi ko pagtulong ay may ginawa na siyang hakbang."

"At ang hakbang na iyon ay ang pagpatay niya kay Daddy." kumpirmasyon iyon kaysa sa tanong.

Tumango ito. "Nagtext ulit siya na isang kamag-anak daw ang mawawala kahapon. Kaya nagpunta doon si Rick para magpanggap na driver mo sana at naiwan kami ng mùga kasama niya sa van di kalayuan sa inyo."

"Pero hindi natuloy ang pagdi-disguise niya dahil sa pagkamatay ni Tita Mildred. Napurnada ang misyon niya at kinailangan niyang umaksiyon dahil sa krimen. Naunahan kayo ng salarin." pagpapatuloy niya sa sasabihin nito.

"Ganoon na nga ang nangyari. So imposible na ako ang may gawa nito. Sa totoo lang ay maari na kitang di paki-alaman. Pero..."

"Pero ano?"

"Pero ayaw ng puso ko. Maniwala ka o hindi Gboi, minahal kita kahit hindi ko sinasadya. Kaya kahit galit ka sa akin, wala akong paki-alam. Lalapit at lalapit pa rin ako sa iyo kahit ipagtabuyan mo ako. Lalo na at nasa panganib ka. Hindi pwedeng magtagumpay ang mga iyon sa balak nila." madamdaming pahayag nito.

Gusto niyang maniwala sa sinasabi nito. Pero pinipigilan siya ng sariling damdamin kapag naaalala niya ang panlolokong ginawa nito sa kanya.

"Niloko mo ako Pancho. Hindi na ako maaring magtiwala sa taong kayang gawin ang lahat makapaghiganti lang. Ni hindi kita kilala. Maaring iniligtas mo ang buhay ko sa kapahamakan but I never asked for that. I may sound ungrateful but that's just it. I won't tolerate myself from being hurt again ng dahil lang naniwala ako sa matatamis mong salita." galit niyang sabi.

"Hindi kita niloloko ngayon Gboi. I understand that you are upset right now--"

"Upset? What do you know about I'm feeling Pancho? Please, spare me the theatrics. Spare me your drama. I won't let you hurt me again." Naiinis na tumayo siya at umalis.

"Gboi!" habol nito. Nagulat siya ng bigla siya nitong hatakin at bumagsak sila sa isang tagong bahagi ng eskinita.

"Keep down, sweetheart." saka nito inilabas ang baril. "Nasa iyo pang isang baril diba?" tanong nito. Inilabas niya ang kwarenta y singko mula sa likuran.

"Bakit?" tanong niya.

"May bumabaril sa atin. Hindi mo ba naramdaman? Ayan o, may daplis ka." saka nito diniinan ang sugat sa balikat.

Napasigaw siya sa sakit. "Sira-ulo ka. Bakit mo diniinan?" asar na tanong niya.

"Eh para kang timang na nagtatanong pa diyan. Kung di ka ba naman masyadong madrama eh di sana wala kang sugat."

"Aba't..." hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil narinig nila ang mga tama ng baril mula sa di kalayuan na tumama sa pinagtataguan nila.

"Tayo, bilis. Kailangan nating matakasan itong mga ito." iyon na naman ang panganib sa boses nito.

"Ilan ba sila?"

"Mukhang tatlo." yung dalawa nasa kanan, iyong isa sa kaliwa. Napansin mo ba itong iskinita na ito?" tanong nito pagkatapos magpaliwanag.

"Ah oo. Pa-krus. Anong plano mo?"

"Magpapakita ako sa kanila na tatakbo don. Kapag may lumitaw. Barilin mo agad. Doon ka lang sa gilid. Tambangan mo iyong nag-iisa sa kaliwa." bilin nito sa kanya. Kinuha nito ang bakal na basurahan na de-gulong at saka iyon pinaandar.

"Anong gagawin mo diyan?"

"Magbibilyar ako." sarcastic na sagot nito.

"Timang, eh co-coveran naman kita."

"Doon lang iyon sa isa. Eh, paano yung sa dalawa?"

Napa-isip tuloy siya. Oo nga pala, tatlo ang kalaban nila. Tinulungan niya itong itulak at ng malapit na itong lumabas ay malaks nito iyong itinulak saka sumakay doon. Mabilis siyang pumwesto at ng nakita niyang tumayo ang lalaki sa kaliwa mula sa pinagkukublihan nito ay mabilis niya itong pinaputukan. Tinamaan ito sa dibdib saka bumagsak habang nakikipagpalitan naman ng baril si pancho na nasa loob ng makapal na bakal na basurahan.

Tinulungan niya ito at ilang palitan lang ng putok ay tumumba na ang dalawang nasa kanan. Mabilis na tumalon palabas ng basurahan si Pancho at lumapit sa kanya.

"Ang galing mo." nakangiting sabi nito.

"Ang baho mo naman." nakakalokong tawa niya rito.

"Oo nga noh?" sabi nito saka tumawa. Nilapitan nito ang isang lalaking humabol sa kanila at kinuha ang wallet nito saka hinubad ang suot nito at ipinalit sa sariling damit. Inutusan din siya nito na kunin ang wallet ng napatay niya. Hindi man niya alam kung para saan iyon ay may ideya na siya. Sinabihan din siya nito na makipagpalit ng damit sa napatay niya. Umayaw siya.

"I won't wear a dead man's shirt!" matigas niyang sabi. Nagkibit-balikat lang ito at hindi na siya kinulit pa. Kinuha nito ang sumbrero ng dalawang nabaril nila saka ipinasuot sa kanya.

"Para sa disguise." sabi nito ng tumanggi siya.

Hinawakan nito ang kamay niya at saka siya inakay palabas ng kabilang eskinita. Kaswal silang lumabas habang ang mga tao ay nagtitinginan dahil sa kanilang magkahugpong na kamay. Hindi siya makatingin sa mga ito kaya nanatili siyang nakayuko.

"Relax. Inggit lang iyang mga iyan." bulong nito sa kanya.

"You'll be sorry for this." mariing sabi niya.

"Nah, you'll enjoy this. Hi girls!" nakangiti pang bati ng hudyo sa mga nagdaang mga babae. Kinikilig na nagtawanan ang mga ito.

"Sayang naman. Ang gu-gwapo pa naman nila." narinig pa niyang sabi ng mga pa-cute na talipandas.

Mabuti at naka-tawag na ito ng taksi at mabilis silang sumakay papunta sa kanilang mansiyon. Nang tingnan niya ang relos ay mag-aalas-syete na pala ng umaga. Nang tignan niya ang cellphone ay nakita niyang ang napakaraming missed calls from Atty. Pangan. Agad niyang tinawagan ang abogado.

"Thank god at tumawag ka Gboi." exasperated na sabi nito.

"Why? What is it Attorney?" nalilito niyang tanong rito.

"Nasaan ka ba? Naririto ako sa ospital. Naaksidente pareho sina Elric at Mercy. Pumarito ka sa St. Lukes. Pronto." nagmamadaling wika nito.

"What? How did that happen? Iniwan namin si Aunt Mercy sa Hotel habang si Elric ay dapat nasa mansiyon na sa mga oras na ito. Naroon na ang katawan ng Tita Mildred dapat." natatarantang wika niya.

"Unfortunately, Elric drove too fast at yung breaks ng sasakyan ay hindi gumana. Bumangga siya sa isang puno sa central island. Si Mercy ay nakitang itinulak sa kalsada at nabundol ng sasakyan. The culprit was nabbed by the bystanders. Bugbog-sarado nga eh. She's here na. Si Elric ay ipina-transfer ko na from Medical City." mahabang paliwanag nito.

"Okay thanks Attorney. I'll get there as soon as I can." tinapos na niya ang pakikipag-usap dito at binalingan ang nakakunot-noong si Pancho.

"What is it?"

"Elric and Aunt Mercy is on the Hospital right now. We should hurry. Mukhang gusto talaga kaming ubusin ng kung sino man ang taong ito." nakatiim-bang na sabi niya.

"Calm down. Mahuhuli rin natin siya. Let's just pray na walang mangyari sa kanila." saka nito hinawakan ang kamay niya. He felt comforted and assured sa kabila ng sitwasyon ng dahil lang sa paghawak nito sa kamay niya. Tinawagan naman nito sina Rick ulit upang gawin ang clean-up sa location nila kanina saka sinabi ang pangalan ng mga lalaking nakasagupa nila mula sa mga wallet ng mga ito.




KATRINA rushed to the hospital as soon as the plane landed on the airport. Hindi niya nakuhang makarating sa burol ng kanyang Tito Armand and now ang Tita Mildred niya ay patay na rin. Ikinabigla niyang lalo na nasa ospital si Elric at ang mayordoma dahil sa mga freak accidents ng mga ito.

What on earth is happening with Gboi's family? Are they being annihilated? But why?

She asked the information for the directions of the rooms. Hindi niya kabisado ang kabuuan ng Saint Lukes. Nakita niya ang mga pulis sa labas ng kwarto. Agad siyang pumasok sa kwarto ni Elric at hinanap si Gboi.

"Oh honey, I came as soon as I heard the news. Busy kasi sa branch namin sa Ohio." umiiak na sabi niya. "I'm sorry about Tito Armand and Tita Mildred." she kissed Gboi's lips. He responded. A cold one. She looked at him. His face devoid of any emotion.

"It's all right honey. Everything will be all right." pagpapalubog niya sa kalooban nito. She hugged him. He kept still.

"Thanks Katrina. Nailibing na rin si Tita Mildred kanina. Both of them are still in coma. And I think I have to tell you something." malamig na sabi nito sa kanya.

Kinabahan siya. She remained poised. "What is it honey?" she asked nervously.

"I'm calling the wedding off."

"O-of course. It is. For a while right?"

"I dont think you heard me right. It's off. For good." his face still passive.

"W-what do you mean its off? For good?" she parroted.

"There will be no wedding that will take place. No wedding." mariing sabi nito.

"What?!" she shrieked. "Explain this Gboi!"

"What is there to explain? I just said there will be no wedding. Matalino ka naman di ba?" di nakatiis na sikmat nito sa kanya.

"I deserve some good explanations here Gboi. Not just because you said it so!"

"I'm calling off the wedding because I don't want to merge with your company. Because if I do the merging I would become rich than I already am and you will be dead because of it!" hysterical na sabi ni Gboi sa kanya.

"I don't believe you honey. Please don't do this. Lets get on with the wedding even without the merger." she said sobbing.

"I still can't. There's another reason."

"Don't tell me... there's another party?" she hissed.

"No. That's not it."

"Then what?"

"I'm gay. And you're quite right. I'm in love with somebody. But its a man." he said casually.

Se went still. her mouth formed an O but opted not to speak further. Naiiling na umalis siya sa pagkakayakap dito. Naninikip ang dibdib niya.

"I-it can't be. We had sex right?" she said when finally her voice came back.

"I screwed women and men in the metro. Please don't forget to take that into consideration." naiiling na sabi nito.

"How dare you!" she slapped him.

"Well I guess I deserve that." hinaplos nito ang nasaktang pisngi.

"How dare you!" she tried slapping him again but he caught her hand. "No dearie, not twice. That's a No No!" then he pushed her. He turned his back and sat on the couch.

"You are so gonna pay for this!" she threatened.

"Have it your way!" he said nonchalantly.

Itutuloy...

Read more...

Chapter 16 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blogspot: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: Thanks Jayson!


Napalunok siya ng marinig ang boses ni Pancho sa kabilang linya. Hindi siya halos makahinga. Noon niya na-realize na nami-miss na niya ito ng sobra. He ached for him. Mabuti na lang at wala ito sa harap niya kung hindi ay nakita na nito ang agad na pagiging uneasy niya. Nang maalala niya ang panloloko nito at kung paano nitong binalak na gamitin siya sa balak nitong paghihiganti ay umapaw ang sanlaksang galit sa kanyang damdamin. Mas pinili niya ang magalit. Mas safe iyon.

"What are you up to Pancho?" malamig niyang tugon.

"I don't have anything to do with these killings Gboi. Hindi ako ang may pakana nito kung iyon ang iniisip mo." diretsong tugon nito na waring nababasa ang nasa isip niya.

"Well its very convenient for you to invent one lie after another. Siyempre, sino pa ba ang pwede naming pagbintangan eh ikaw lang ang alam kong may motibo."

"Oo. May motibo ako, noon, ay ang ipaghiganti ang kapatid ko sa walang-hiyang kapatid mo. Pero nagbago ang isip ko ng mamatay ang Papa mo. Naisip ko na wala--"

"Oh! Tell that to the marines Mr. Vergara. I have nothing to do with your vengeance in the first place. Bakit kailangang idamay mo ako." putol niya sa sinasabi nito sa mapait na tono.

"Lagi kang ganyan. Hindi mo ako pinagbibigyang magsalita. You always cut me--"

"I really love to cut you, for real Pancho. Big time."

Read more...

Chapter 15 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

Sunday, November 21, 2010

By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p) blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!


"Are you sure about this?"

Tanong iyon ni Pancho kay Lt. Rick Tolentino habang nasa isang van sila di kalayuan sa mansiyon ng mga Arpon. Pinagplanuhan nila ang gabing iyon. Mula kasi ng makatanggap siya ng mga text sa isang anonymous na mukhang may masamang balak sa pamilya nila Gboi ay hindi na siya mapakali.

Noong gabi ng imbestigasyon sa kamatayan ng Don Armando Arpon ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa hinihinala niyang salarin. Nakakapangilabot iyon. Nakasaad doon na dahil sa hindi niya pagtulong dito ay gumawa na ito ng hakbang.

And he did. He took Don Armando's life. The culprit may be delusional because he was keeping him updated of the happenings. He also said that one of the family members is going to die soon. Kaya nandoon sila ngayon. Nagbabantay.

Sa paki-usap ni Gboi ay naging sikreto ang operasyon. Kay Rick na ito nakipag-usap. Nami-miss na niya ito. Ngunit may panahon para sa pag-uusap nila. Ang importante ay ang kaligtasan nito at ng ibang miyembro ng pamilya nito.

Read more...

Chapter 14 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blogspot: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was born to stand out.

Kung kaya mo ng sabihing mahal mo akoTulala lang si Gboi habang nakatitig sa kabaong ng kanyang ama. Ikalawang araw na iyon at walang patid ang pagdating ng mga bisita para makiramay. Nagkalat din ang media sa labas na humihingi ng reaksiyon at kumpirmasyon kung totoo nga ba ang kumalat na balita na isang murder case ang pagkamatay na iyon ni Don Armando Arpon.

May mga bumabati sa kanya ng pakikiramay ngunit hindi na niya masyadong pinagkaka-abalahan na sagutin iyon. Hindi pa nagsi-sink in ang lahat sa kanya. Kahit pa kinausap na siya ng pulis na kaibigan ni Pancho na may hawak ng kaso ukol sa pagkakapaslang ng ama.

Solido at kongkreto ang ebidensiya. May nakuhang mga holen na naging dahilan ng pagkadulas ng kanyang ama sa ituktok ng kanilang hagdanan. Isa sa mga holen ay may bahid ng dugo na nakompirmang nag-match sa kanyang ama. Ngayon ay binabalot ng pag-aalala para sa kanyang kaligtasan ang kanyang puso.

Hindi niya matukoy kung sino ang dapat paghinalaan. Marami siyang gustong sisihin. Kasama na ang sarili niya. Tiningnan niya ang kanyang madrasta na tulad niya ay namamaga ang mata. Hindi pa ito tumitigil na kaka-iyak at madalas na nase-sedate ng dahil doon.

Read more...

Chapter 13 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

Thursday, November 18, 2010




By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blogspot: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I have a huge crush on Channing Tatum!
-------------------------------------------------------------------------


Halos panawan ng ulirat si Gboi sa nalaman. Hindi na niya naabutang buhay ang kanyang ama. Namatay ito minutes before they arrived in the Hospital. Nangatal ang buong pagkatao niya sa nalaman. Halos ayaw gumalaw ng katawan niya sa pagka-shock sa balita. Namanhid ang buong katawan niya. Halos hindi na siya makahinga.

The flashbacks of how he fought with his father flooded his mind. Naninikip ang dibdib niya sa pagka-alalang iyon. Parang sinasakal siya. Pinilit niyang humakbang ngunit hindi niya talaga kaya.

Nananakit na rin ang mata niya sa pagpipigil ng pag-iyak. He didn't want to believe that news. No freaking way. Malakas ang ama niya ng iwan niya ito nung isang araw. Hindi siya makapaniwalang basta na lamang itong malalaglag sa hagdan ng mansiyon nila.

Naalala pa niya kung paano siya sinalubong ng mayordoma nilang si Manang Mercy. Umiiyak ito ng maabutan nila sa labas ng operating room. Ang kanyang madrasta ay naroroon din at kasama si Elric na pilit na kinakalma ito. His stepmother is almost hysterical na kinailangan na itong i-sedate ng mga nurse at ngayon nga ay nasa isang room na ng hospital.

Si Pancho ay nagpaalam na tatao muna sa mansiyon dahil naiwan doon ang mga pulis. Natuklasan ng madrasta niya na nawawala sa higaan nila si Don Armando kaya lumabas ito ng silid at hinanap ang esposo. Nagulat na lamang daw ito ng makitang ang paakyat na asawa ay bigla na lang dumausdos pabalik at pababa ng hagdan na ikinabagok nito.

Read more...

Chapter 12 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

Wednesday, November 17, 2010




By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p)
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!


Kung kaya mo ng sabihing mahal mo akoKANINA pa naiinip si Pancho sa lamesa nila ni Gboi. Paano ay kasama pa rin nila hanggang ngayon si Jim or James na ayon na rin dito ay palayaw nito. Ang dalawa lang ang kanina pa nag-uusap kahit na panaka-naka ay sumasabat siya. Kinakain ng matinding inis ang sistema niya sa kaalamang hindi niya solo ang atensiyon ngayon ni Gboi.

Pinagmasdan niya ang nagsasalitang si James. Gwapo rin ito at halatang maykaya sa buhay. Ito pala ang may-ari ng napakaganda at napakasosyal na resort na iyon na paborito niyang puntahan dati pa. Napakaganda doon at moderno ang halos lahat ng facilities. Mukhang pinagkagastusan talaga ng may-ari. At ito nga iyon ngayon sa harap niya.

"You can use one of the yachts here, Gboi. Promise pare, walang bayad yun. Treat ko na sa iyo since matagal din tayong hindi nagkita." nakangiting sabi ni James kay Gboi. Ipinatong pa nito ang kamay sa hita ng huli na bahagya na lang niyang sinulyapan.

Naramdaman niya ang uneasiness ng kasama. Ngali-ngaling singhalan niya ang nagpapapansing si James. Kanina pa niya napapansin ang mga pasimpleng hawak nito sa katawan ni Gboi ngunit hindi lang siya kumikibo. Duda pa nga niya ay gusto iyon ng huli.

Napansin din niya ang panakaw na sulyap ni Gboi sa kanya. Alanganin ang pagkakatingin nito. Mukhang may malalim na ugat ang matagal ng di pagkikita ng dalawang ito. Nararamdaman niya ang pagnanais na sigawan si James kung hindi lang ito technically ay nagiging isang mabuting host sa kanila.

Read more...

Chapter 11 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

Tuesday, November 16, 2010

By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p)
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!

Kung kaya mo ng sabihing mahal mo ako
GBOI stretched his arms to reach the man beside him but he was not there. Napaangat ang ulo niya at tiningnan ang parteng hinigaan nito. It's still warm. Naamoy niya pa ang amoy ni Pancho sa bedsheet at sa mga unan. Napangiti siya.

Last night they made love thrice. Pagkatapos ng "bakbakan" nila sa ibaba ng log-house ay umakyat sila sa itaas para ipagpatuloy iyon sa silid nito. He wantonly surrendered to him. Naaalala pa niya kung paano nito pinaligaya ng husto ang pakiramdam niya. Nag-init na naman ang katawan niya sa pag-alalang iyon...

*****

Panco's breath was still rugged. But his eyes speaks volumes of expression he visibly showed him. He was amazed how wonderful and powerful his grips are. Bahagya pang nananakit ang anit niya sa bahagyang pagsabunot nito sa kanya as he cum. Okay lang, although its been a while since he last tried mouth-fucking.

He was big. As big as life itself. He could not believe how he was able to make this big man moan and groan in pleasure. Ngayon nga ay nakatingin pa rin ito sa kanya. Bahagyang nananakit ang puson niya at ang kanyang sariling arousal ay hindi pa rin humuhupa.

Pancho smiled and kissed his forehead. Napakalambing ng gesture na iyon na nakapagpatunaw sa kanyang puso. Niyakap niya ito at sumubsob sa malapad na dibdib nito. It felt heaven. Naramdaman niya ang hininga nito sa batok niya. It was a very silent night. Tanging ang mga paghinga at huni ng mga pang-gabing insekto lamang ang maririnig sa paligid.

Read more...

Chapter 10 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ak

Monday, November 15, 2010

By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p)
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!
---------------------------------------------------------------------------

It was Friday night. Isang nakakabinging-katahimikan ang namamagitan ngayon sa pagitan nilang dalawa ni Pancho. Kanina pa niya ito hindi iniimik. At bakit hindi, labag sa kalooban niya ang pagsamang ito sa lalaki. Labag nga ba? Tudyo ng isang bahagi ng isip niya.

Minabuti niyang sabayan ang awitin na pumapailanlang sa stereo ng sasakyan. Napahalukipkip siya sa lamig na pumapasok sa sasakyan. Hindi na nila ginamit ang aircon at hinayaan na lamang na bukas ang mga bintana ng bahagya. Nasa kahabaan na sila ng SLEX. Bahagyang naka-recline ang upuan niya.

Napalitan ang hinahum niyang kanta ng isang malamyos na awitin mula kay Fergie. Alam niya ang awiting iyon pero nunca niya iyong kakantahin sa harap ni Pancho. Naghum na lamang siya sa saliw ng awiting iyon at bahagyang pumikit.

Ever since I was a baby girl I had a dream
Cinderella theme, crazy as it seems
Always knew that deep inside that there would come a day
When I would have to way, make so many mistakes...

I couldn't comprehend as I watched it unfold
This classic story told I left it in the cold
Walking through an open door that led me back to you
Each one unlocking more of the truth...

"Who's song is it?" narinig niyang tanong sa kanya ni Pancho. Hindi siya nagdilat ng mata at itinuloy ang pagha-humming.

I finally stopped tripping on my youth
I finally got lost inside of you
I finally know that I needed to grow
And finally my maze has been solved...

Read more...

Chapter 9: Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p)
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!
----------------------------------------------------------------------------

GBOI was restless. Kanina pa siya nakatitig sa kisame ng kanyang silid habang nakahiga sa kanyang kama. Pabaling-baling din siya kaliwa't-kanan. Isa lang ang dahilan ng lahat ng iyon. Si Pancho.

Mabuti na lang at kumatok ang kanyang sekretarya sa kanyang opisina upang sana ay may papirmahan. Bahagya pa itong nagtaka na naka-lock ang pinot. Marahil ay kagagawan iyon ni Pancho.

Naguguluhan siya sa mga huling sinabi nito sa kanya. Ano kaya ang ibig nitong sabihin? Was he professing something deep? Inalala niya ang mga sinabi nito.
"Naniniwala lang ako na kapag gusto mo ang isang tao ay dapat na ipaglaban mo ito. Sa kaso nating dalawa, alam ko na alam mo na mayroong "tayo". bakit parang hirap kang tanggapin iyon at nilalabanan mo? Hindi ka ba napapagod sa kakaiwas sa akin?"

Noon lang siya nakarinig ng mga ganoong salita patungkol sa kanya. Ipaglalaban daw siya nito. Ano siya, girl? Umasim ang mukha niya sa naisip. Maganda lang pakinggan pero hindi malapit sa katotohanan. Ano bang malay niya kung sugo pala ito ni Elric? Ngunit walang alam si Elric sa tunay niyang pagkatao.

Read more...

Chapter 8: Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

Sunday, November 14, 2010

By: DALISAY
e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I am SINGLE. Available and Negotiable. :)

-------------------------------------------------------------------------

The kiss sent shivers down his spine. It made his knees even weaker. Good grief he wasn't standing. Isinisigaw ng isip niya na lumayo siya sa lalaking ito ngunit iba ang sinasabi ng kanyang katawan, ng kanyang puso. Ano ba ang mayroon ang lalaking ito at nagkakaganoon siya?

Umangat ang kamay niya para itulak ito ngunit hinuli lamang ni Pancho ang kamay niya.

"L-let me go" pagkaraan ng ilang sandali ay sabi niya ng pansamantalang bitiwan nito ang kanyang labi.

"You're free to go anytime,sweet. The question is do you want to?"

Noon niya naunawaan na binitiwan na nito ang kanyang kamay. Naka-alalay na lamang ng bahagya sa kanyang baba ang mga daliri nito. Anumang oras ay maari siyang umatras at tumayo upang makahakbang palayo rito, ngunit naroroon pa rin siya at parang naka-glue na sa pagkakaupo.

Inipon niya ang kanyang willpower para lamang manghina ulit ng bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya upang siilin siya ng banayad na banayad na halik.

To put it simply - It was perfect.

Read more...

Chapter 7 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako,

Saturday, November 13, 2010

By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p)
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!
------------------------------------------------------------------------

It was Gboi's third day as president of their company. Dapat ay noong mga nakaraang araw pa siya nag-assume ng office subalit iminungkahi ng kanyang ama na magbakasyon muna siya.

So, he took the liberty of going on a week vacation sa grand villa nila sa isla ng Mindoro. Presko ang hangin doon at tiyak na makakapag-pahinga siya ng maayos from the stress. And so he's back and on his third exciting day as the new company president.

Nasa opisina siya at ngayon ay pinag-aaralan naman ang libro ng kumpanya. It was under Elric's department. Isa raw ito sa magagaling na empleyado doon ayon na rin sa matatandang department heads.

Natural na hindi siya agad maniwala at ipakuha ang evaluation reports nito kasabay ng sa iba pang department head. Para hindi halata. Pasable naman ang mga nabasa niyang reports tungkol dito.

Nahilot niya ang sentido sa pagkaka-alala ng naging sagutan nila ng kapatid pagkatapos ng kanilang meeting kanina. Hindi talaga maaaring magtapos ang linggong iyon na wala silang magiging pagtatalong magkapatid.

"I'd like to talk to you my dear brother." walang pakundangan nitong salita pagka-adjourn niya ng meeting nila.

Hindi na makapag-hintay ang kumag. "Alone." patuloy pa nito na patungkol naman sa sekretarya niyang nakatayo lang sa tabi niya na ni hindi nito tinatapunan ng sulyap.

Read more...

Chapter 6 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

Friday, November 12, 2010

By: DALISAY
e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: Let's get one thing straight. I'm not.
---------------------------------------------------------

Ninais magwala ni Pancho pagkatapos ng eksenang iyon sa pagitan nilang dalawa ni Gboi sa likod-bahay. Hindi siya makapaniwalang naapektuhan siya sa ginawa niyang paghalik dito. Walang-wala iyon sa hinagap niya na maaari siyang makaramdam ng atraksiyon sa paglalapat ng kanilang mga labi.

He could still taste his lips. Naaalala pa rin niya ang pakiramdam ng pagkakahugpong na iyon ng kanilang mga dila. It was divine! Divine?! What in the world was that? Anong nangyayari sa kanya?

Hindi kaya siya ang nababakla sa kanilang dalawa ni Gboi. Sigurado siyang lalaki siya. Hindi na rin mabilang ang naikama niyang babae. At lahat ng iyon ay siniguro niyang masasatisfy sa kanilang mga pagtatalik. So ano itong nangyayaring kakaiba sa kanyang damdamin? Isa itong malaking kalokohan!

Kalokohan nga ba? Kung ganoon nga, why in the world would he thought about Gboi's lips as sweetest and the softest pair he ever tasted. There's nothing soft and sweet with the man in the first place dahil hindi mo aakalaing may nadarama itong atraksiyon sa kapwa lalaki. Nagawa na niyang pumatol sa mga katulad nito ng dahil lamang sa tawag ng pangangailangan at kuryosidad.

Hindi siya kailanman nagkaroon ng damdamin na ganoon kasidhi sa kapwa niya anak ni Adan kahit gaano pa kagaling ang mga ito na magpaligaya sa kanya. All of his male to male sexual encounters are for his benefit.

Hindi pa kagandahan ang buhay nila noon dahil hindi pa siya nakokontak ng kanyang ama. Nang magpangyaring nakita na siya ng ama na nasa Japan ay itinigil na rin niya ang pagpatol sa kapwa lalaki. There's no need for that anymore.

Read more...

Chapter 5 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

Thursday, November 11, 2010

By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p)
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!
-----------------------------------------------------------------

Pancho's lips is now slowly descending on his. Napaatras siya, pinagana niya ang ng husto ang utak niya. Hindi maaring basta na lamang siyang halikan nito. Mabilis na umangat ang kamay niya. His fingers curled and splayed automatically, he wanted to hit Pancho's face hard with the heel of his hand. That would have hurt another man had his hand hit its target.

But Pancho wasn't just another man. Ni hindi man lang nakuha ng kamao nya na makalapat sa mukha nito. He realized that a moment too late. Instead, strong fist grabbed his wrist and he was pulled and was rammed into chest that was massive as the rock of Gibraltar.

At bago pa makagawa ng kahit na anong ingay si Gboi, Pancho's mouth was on his, stealing the breath from his lungs. He stiffened. But, he's stillness is only temporary. Soon, Heat burned through him. Naramdaman niya ang mainit na likidong tila tumatagos sa kanyang mga buto. Mas matangkad lang ng ilang pulgada sa kanya si Pancho, ngunit sa pagkakataong iyon, tila tinakasan na ng lakas ang kanyang katawan at napaliyad na lamang siya sa sensasyon na kanyang nadarama.

He clung to him as soon as the kiss deepened. Namalayan na lamang niyang naka-kapit na ang kanyang kamay sa batok ni Pancho. His lips were soft yet firm. Bagay sa nagmamay-ari ng mga pares na iyon. Gboi felt the muscles of his stomach contract as Pancho's slick and wet tounge slid erotically over his.

Read more...

Chapter 4 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

By: DALISAY
e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com

---------------------------------------------------------------------

Isang mahinang katok ang gumambala sa pananahimik niya sa kanyang silid. "Senyorito, bumaba na raw po kayo sabi ng Papa ninyo."anang isang kasambahay nila mula sa pinto.

"Pakisabi na susunod na." at agad niyang tinapos ang iniinom na isang shot ng Jack Daniels mula sa bar counter ng kanyang kwarto.

Bumungad ang malamyos na tugtugin ng banda na inarkila para sa gabing iyon. Isang jazz band ang kasalukuyang nagpe-perform. Paborito niya ang awitin.

You love me especially different every time
You keep me on my feet happily excited
By your cologne, your hands, your smile, your intelligence
You woo me, you court me, you tease me, you please me
You school me, give me some things to think about
Ignite me, you invite me, you co-write me, you love me, you like me
You incite me to chorus, ooh
Ooh...


Hinayon niya ng kanyang tingin ang mga naging bisita nila para sa gabing iyon. Nakita niya mula sa pintuan ng kanilang mansiyon ang kanyang ama na malapit sa entablado katabi ang kanyang madrasta.

Pamilyar na mga mukha ang nakikita niya ngayon. But somehow , It bore him to know that these familiar faces are actually the plastics of their so-called "Elite Society".

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at tuluyang lumabas ng mansiyon. Napuno ng mga bisita na magwe-welcome sa kanya ang kanilang bakuran. Sa laki niyon, hindi pa rin nakuhang magsiksikan ng mga tao sa kanilang hardin. Why, kahit na may fountain sa gitna ng garden nila ay di pa rin ito mukhang crowded. Maganda ang pagkaka-ayos ng setting.

"There you are, Sweetheart."si Katrina iyon. Ang kanyang nobya ng pitong taon. Nakangiti niya itong sinalubong. He didn’t expected what she would do next. She kissed her full on the lips. Isang malalim na halik na kanya namang agad na tinugon.

"I missed you, Sweetheart. How was your flight?"nakangiti nitong sambit pagkatapos ng kanilang halikan.

Read more...

Chapter 3 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

Wednesday, November 10, 2010

By: DALISAY
e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com

------------------------------------------------------------------------------

Isang nakaka-binging katahimikian ang namagitan sa kanilang dalawa ni Gboi. Alam na niyang nakuha niya ang atensyon nito ng husto. Hindi niya akalaing ganoon kadaling makakapag-establish siya ng panibagong plano para sirain ang kapatid nito. Kailangang magbayad si Elric sa kahit na anong paraan.

“Ay!! Aym su-re Ser por ay hab islep her. Ay dedn’t min tu bi isleyping her.” Tinig iyon ni Britney mula sa likuran. Muntik ng makapag-preno ng wala sa oras si Pancho kung hindi niya naalala na kasama nila ang talipandas na iyon sa likuran.

“Ano ka ba naman Britney! Nakakagulat ka! Sa susunod, mag-inat ka naman muna.” Naiiling na sambit ni Pancho. Tiningnan ni Gboi ang bading sa likuran. Mukhang pinagprituhan na ng itlog ang mukha nito. Bahagya tuloy siyang napangiwi sapagkat sa kanya ito nakatingin.

“Haw ar yu ser?” nakangiting sabi nito sa kanya. Napansin niya ang bahagyang pagsulyap ng katabi niya sa kanya kaya hindi niya maangilan ang nagsalitang monster.

“I’m okay, Britney.” At bahagya itong nginitian bago umayos ng upo.

“Ser, wud yo like to eat? Ayl by Mcdu.” Biba pa nitong pakikipag-usap muli sa kanya.
“No, I’m okay.” At bahagya lang itong nilingon. “Sigi na Ser. Ayl buy Mcdu por yo.” Muli nitong paanyaya.

Sasagot sana siya kung hindi lang siya inunahan ng nagmamaneho. “Hindi kumakain si Sir ng Mcdo, Britney.” Nang-iinis na wika nito. Hindi niya pinatulan ang pang-iinis sa kanya nito at sinagot si Britney.

“No, I’m still full Britney. And besides, He’s right. I don’t eat fastfood. But, maybe next time.” Sabay ngiti rito.

Nakita pa niya ang bahagyang pagsinghap nito sa pagngiti niyang iyon. Noon niya naunawaan na nagpapa-cute ito at mayroong crush sa kanya.

Tiningnan niya si Pancho na katabi niya. Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito na parang sa isang nang-uuyam na ngiti. Hindi niya napigilang punahin iyon.

Read more...

Chapter 2 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

By: DALISAY
e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details:If you think you know it all and you are perfect, try walking on water.
-----------------------------------------------------

Hindi inasahan ni Carmencito na isang makisig na lalaki ang kanyang susunduin. Hindi niya kasi ito nakita kahit sa larawan man lang. Pinagmasdan niya ito ng husto habang may kausap sa cellphone.

Hindi nakaligtas sa kanya ang panaka-nakang pagsulyap nito sa kanya partikular sa pagitan ng kanyang mga hita. Alam na niya ang ibig sabihin nun at hindi siya bobo para hindi mahinuhang isa itong bading.

Walang kabakas-bakas sa mukha nito na maaari itong magkagusto sa kapwa lalaki. Paano’y napakaraming babae ang na-link na dito. Ayon sa pagkaka-alam niya. Patunay lamang doon ang kausap nito ngayon na sa balita niya ay siyang pakakasalan nito.

Ah, marahil ito ay isang silahis. Marami na siyang na-engkwentro na katulad nito. Mayroong hayagan ang pang-iimbita sa kanya at ang iba ay talagang hanggang tingin lamang ang paanyaya. Hindi sa pagmamayabang ay may hitsura naman kasi talaga siya. Siya raw ang epitome ng tall, dark and handsome.

Hindi niya alam kung paano iyon pakikitunguhan sa simula ngunit nabatid niyang sa adbentahe niya na rin ang pagkakaroon ng isang magandang mukha. He had tan skin na sa pagkakabilad niya madalas sa araw ay ipinagpapasalamat niya na hindi nasusunog ng husto.

Mapalad siguro siya. Ang katawan niya ay alaga sa gym at sa pagbabanat ng katawan simula pagkabata.

Ngunit ang pinaka asset niyang matatawag ay ang kanyang kulay tsokolateng mata. Marami ang nagsasabing ang mga mata pa lang niya can speak volumes of expression just by staring to anyone in particular. Pwede na niyang iparating agad ang ibig niyang makuha sa titig pa lamang.

Read more...

Chapter 1 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

By: DALISAY
e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!
---------------------------------------------------------------

“G-L-A-M-O-R-O-U-S. We flyin’ first-class, up in the sky. Poppin’ champagne, livin’ my life…”

Gboi took a deep sigh and turn the iPod’s volume even louder. He couldn’t stand flying at iyon mismo ang idinahilan niya sa ama. Hangga’t maaari ay ayaw niyang bumalik ng Pilipinas ngunit isang insidente ang nagpabago sa kanyang desisyon.

Bumisita siya noong nakaraang buwan lang sa kanyang ama para kamustahin ito. Sa durasyon ng pananatili niya sa mansion ay hindi sinasadyang narinig niya ang pag-uusap ng kanyang ama at madrasta.

“You know very well that Elric would like to be the President of the company. Why can’t you give him that? It’s not as if you didn’t know how much he loved and worked hard for the company.” Litanya ng kanyang stepmother.

“And you know very well that I am giving it to my son Gboi.” Sagot ng kanyang ama na si Don Armando Arpon sa esposa.

Sumimangot na sumagot ang maybahay nito at hindi man lang ikinaila ang disgusto sa kanya sa sumunod na sinabi.

“Your son doesn’t seem to be interested in joining the company, Armando. Why, he would love to travel here, there and everywhere just so he could get away with your persistence. Unlike my Elric, He didn’t give you any headache from day one up until these last fifteen years. Why couldn’t you just give him the presidency” mahabang litanya ng bruhildang stepmother niya sa ama.

Bumuntong-hininga ang matandang don. “Your right about that Mildred. I could’t seem to know my son anymore. Lagi na lang kaming nagtatalo nitong mga nakaraang taon. Ngayong umuwi na siya, inaasahan ko na ang pagkukusa niya sanang tumulong ngunit parating hindi ko siya mahagilap. Last I heard, He’s in Amanpulo.” Nahahapong sambit ng ama.

Nakita niya ang kislap ng kasakiman sa mata ng madrasta na bahagya na lang naitago ng nag-angat ng paningin ang ama. Yumapos ito sa esposo at nagsabing,

“Give Elric a chance sweetheart. It won’t hurt because we’re family. Don’t you worry a thing about the business once his there.” Ngiting aso ito mula sa tanaw niya habang nakayakap sa ama.


That incident cemented his decision to come back home for good. Hindi maaring mapunta kay Elric ang lahat ng pinaghirapan ng ama. Inayos niya ang lahat ng dapat ayusin sa America at muling nagbalik ng bansa upang markahan ang teritoryo na dapat ay sa kanya.

Hindi niya habol ang mana. Sa edad niyang bente-kwatro, he earned his first millions. In dollars. Pagkatapos niya ng kolehiyo sa America ay nag-apply siya bilang isang graphic designer sa isang prestihiyosong kumpanya sa bansang iyon.

Dahil sa husay at galing nakuha niya agad ang mga pinakamataas na posisyon sa nakalipas na tatlong-taon. Sa dami ng nagtiwala sa kanya, naisipan niyang magtayo ng sariling kumpanya kung saan ang mga kliyente nila ay ang mga dati na niyang kilala at loyal sa kanya.

Nakakalula kung iisipin na ang mga kumpanyang katulad ng Dreamworks Animation, Nugget Market at Qualcomm ay hindi binitiwan ang serbisyo niya.

Kaya maaaring hindi maintindihan ng sinoman kung sakaling habulin niya ang pwesto sa kanilang kumpanya. Why, his company’s even bigger than that of the Arpon Developers at Arpon Telecoms’ assets. He had all the money in the world so what more could he ask for. Pwede niya na iyong ipaubaya sa kanyang mga stepbrothers. Kina Elric at Jorge. Ngunit hindi maari.

Read more...

Prologue

Tuesday, November 9, 2010

Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

By: Dalisay
e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
blogspot: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: Let's get one thing straight. I'm not.
---------------------------------------------------------------------

“Hindi ko kayang tumawid Kuya!!!!.” Maarteng sigaw ng kapatid niyang si Ara. 

“Hindi ko talaga kaya, please Kuya, huwag na tayong tumawid sa hanging bridge na ‘yan.” Dagdag pa nito sa kanyang pag-kairita.

“Paano mong kakayanin ang lahat ng bagay kung sa tuwina’y gusto mong laging may naka-alalay sa’yo. Paano ka matututo?”. Sigaw niya rito na sinagot lang nito ng matinis na tili.

Ganoon palagi ang eksena sa pagitan nilang magkapatid sa loob ng mahabang panahon. Lagi siyang ang taga-alalay rito kapag sinusumpong ng kaartehan. Palibhasa at bunso ito at malaki ang agwat ng kanilang edad.

Noong bata pa sila, ang kinatatakutan naman nito ay multo. Kaya lagi na lang may dala-dala itong agua bendita at rosaryo sa pagtulog. Ilang ulit na nilang ipinaliwanag rito ng kanilang Tatay Ben na walang multo at hindi totoo ang mga iyon. Ngunit kahit anong pagpipilit nila ay hindi nila ito napahinayon sa kaisipang iyon. Pero, lahat ng iyon ay sa nakaraan na lang niya aalahanin…


“Hanapin mo siya Ito. Gusto kong hanapin mo ang gumawa nito sa kapatid mo.” Vindictive ang mga salitang iyon ng kaniyang Tatay Ben.

Hindi kailanman ito naging ganoon sa tanang panahon na kasa-kasama nila ito. Tuwina’y lagi itong mahinahon at may nakahandang ngiti sa mga labi.

Dati itong pari, ngunit ito’y nagbitiw sa serbisyo ng makilala ang kanyang ina. Sampung taong gulang na siya noon. Nauunawaan niya ang tsismis na maaring ikabit sa kanilang pamilya ng dahil sa pagkaka-igihang iyon ng kanyang ina at Tatay Ben.

Ngunit nagplanong magpakasal ang dalawa. Isang taon ng preparasyon ang hinintay ng mga ito na hindi nagkaroon ng katuparan sa biglaang pagka-aksidente ng kanyang ina ng minsang lumuwas ito ng Maynila.

Bigla ay naging ulilang lubos siya. Dinamdam niya ng husto ang pagkamatay ng ina. Hindi niya kilala ang kanyang ama. Iniwan lang nito ang kanyang ina at hindi niya alam kung nalaman nito na nabuntis nito ang kanyang ina.

Kinupkop siya ni Tatay Ben at hindi na ito muli pang nagkaroon relasyon sa iba. Hindi rin naman ito makababalik pa sa pagkapari. Tatlong-taon ang lumipas ng iwanan sa harapan ng kanilang tahanan ang isang sanggol na babae at pinangalanan nilang Ara.

Anak ito ng isang belays na naki-usap sa kanyang Tatay Ben na alagaan ang bata pagkapanganak nito dito. May nakalakip na sulat at pagkakakilanlan ang sanggol ng iwan ito sa kanila na nagkumpirma sa balaking iyon ng ina nito.

Inalagaan nila ang sanggol. Binantayang maigi at pinrotektahan sa abot ng kanilang makakaya bilang dalawang lalaki sa pamilya.
Spoiled it okay Tatay Ben at tanging siya lang ang sumasawata rito paminsan-minsan.

Natuwa sila na lumaki itong magandang dalaga bagama’t natakot rin ng tumuntong ito sa edad na labing-lima ay nagging lapitin ng manliligaw. Ngunit mukhang hindi naging ang lahat ng pag-iingat na ginawa nila para rito.

Sinulyapan niya ang magarang kabaong na kinalalagayan ng kapatid. Hindi pa rin siya makapaniwalang ang laman niyon ay ang pinakamamahal nilang bunso.

Nasa estado pa rin siyang gustong tanggihan ang ideya na kapag sinulyapan niya iyon ay ang hapis na loob ng kanyang kapatid ang makikita at makikita niya roon. Hindi niya nailarawang-diwa na maaring mangyari ang ganoon dito.

God!! She was only sixteen! sigaw ng isip niya.

Tatlong araw na ang nakalipas ng makatanggap sila ng tawag sa kaibigan ni Ara na nasa isang klinika ito sa kabilang bayan. Hindi niya maisip kung bakit ito naroroon bagam’t may naka-ambang kaba sa kanyang dibdib tungkol sa kalagayan nito.

Hindi niya halos mapaniwalaang ang kapatid na nagsabing magpupunta lang sa kaibigan sa Maynila ay iyon at walang malay na nakahimlay sa isang higaan sa loob ng klinikang iyon at naliligo sa masaganang dugo. Ito ay isang abortion clinic sa kanyang pagkabigla.

Itinawag niya sa pulis ang pangyayari habang kinukwestiyon ang kaibigan nitong nakilala niya sa pangalang Samantha. Itinali rin niya ang aborsyonista para hindi makawala. Sa pagdating ng mga pulis, inatake ang aborsyonista habang dinarakip na naging sanhi para ikamatay nito.

DOA ang kanyang kapatid sa ospital. Masyadong maraming dugo na ang nawala rito. Panay naman ang paliwanag ng umiiyak na kaibigan nito sa kanya. “ I tried to stop her Kuya, pero she won’t listen. Mas mahalaga sa kanya ang desisyon ng lalaking iyon kaysa sa sarili niyang buhay. I’m telling her to stop this nonsense at umuwi na kami but Elric was here too. He told me to shut up. Tapos he threw us money. Napakawalang-hiya niya Kuya!!!”

Ang talipandas na lalaking iyon. Hindi na nga nakuhang panagutan ang kapatid niya ay nagawa pang ipapatay ang sariling anak. Anong klaseng tao ito?

Hindi siya makapaniwalang ganun-ganun lang nito tinrato ang kanyang kapatid. Bente-mil tapos wala na? Paalam na?

Nag-iwan pa ito ng salita sa kapatid niya na “This is all you’re getting from me Ara. Pagkatapos nito ayoko ng makita pa ang mukha mo kahit kalian. Get rid of that child. I don’t want complications dahil ikakasal na ako.” Sabay hagis daw nito ng salapi sa kapatid niya.

Ikakasal na pala ang hayup na lalaking iyon ay pinakai-alaman pa si Ara. Ipinagtanong niya ang tunay na pangalan nito sa iba pang kaibigan ng kapatid ngunit sa kasamaang palad ay sa pangalang Elric lang ito nakikilala. Mukhang napaghandaan ito ng tinamaan ng magaling.

Mali rin ang address na ibinigay nito sa kapatid sa Quezon City ng puntahan niya ito doon. Naipagtanong-tanong na rin niya kung may litrato itong naiwan kasama ang kapatid niya ngunit mukhang naitapon na ito ng kapatid niya ng minsang mag-away ang mga ito. Ngunit ngayon lang iyon. Sisiguraduhin niyang hindi magtatagal ang pagtatago nito. Makikita rin niya ito.

Muli niyang sinulyapan ang ataul ng kanyang kapatid. Hindi niya matagalan ang pagtitig doon. Hinawakan niya sa balikat si Tatay Ben.

Lumingon ito at nagsabing, “Ipangako mo Ito. Ipangako mo.”

Puno ng lambong ang mga mata nito at sumulyap ulit sa kabaong na nasa harapan nila.

“Ipinapangako ko. Magbabayad ang gumawa nito sa iyo Ara. Magbabayad ang hangal na tumapos sa mga pangarap naming para sa iyo at umagaw ng kabataan mo. Ipinapangako ko.” Tiim-bagang na wika niya sa kawalan….

Itutuloy...

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP