MY LIFE'S PLAYLIST (chap 12)

Thursday, August 18, 2011



Author's Note: Salamat po sa mga readers. Nalaman ko lately na meron din palang mga silent readers ng story na sobrang nagpasaya sa akin dahil nakakwentuhan ko sila. Well I guess kilala na nila ang sarili nila. Apir tayo mga pards!




Pagkakarating ko sa bahay sinalubong ako ng magulang ko. Kinailangan kong magpakita ng pilit na ngiti at saya kahit sa totoo lang parang namamatay na ako sa loob.

Dumiretso agad ako sa kama para magpahinga. Kinuha ko ang celphone ko para magpatugtog at patulugin na lang ang sarili ko habang nakikinig sa mga kantang nilalaman nito. Pagkakakita ko sa phone 15 miss calls and 36 messages. Lima sa mga calls na yun galing sa mga kaibigan kong nangangamusta or nakikipagkulitan lang while sa text walo dun ay GM lang. As expected yung natira ay galing lahat kay Rex.

Sa totoo lang nagi-guilty rin ako sa ginawa kong pag-iwan sa kanya sa party. Well I guess inunahan ako ng takot ko. Mahirap lang ang pamilya ko. At kung ibabase ko sa mga telenovela at movies isa lang ang kababagsakan ng tulad ko sa pangyayari, pananakot at pangmamaliit mula sa magulang ng minamahal ko. Di ko rin sigurado pero sa kabutihan lang din ni Rex ang nasa isip ko. Gusto ko syang magkaron ng masaya, tahimik at normal na pamilya at alam kong kung ako ang pipiliin nya darating rin ang panahon na magsisisi sya na hindi nya nakuha ang ganung buhay.

Di ko na binasa yung mga message at alam kong masasaktan lang ako anu pa man ang laman nun. I marked them as read at nilipat ng folder. Punta na lang ako sa music player at nagsimulang lasingin ang utak ko ng mga kantang posibleng magbago ng mood ko. Kaya lang pagkakabukas ko palang sa ramdom song, ito na ang bumungad sa akin. Nagustuhan ko ‘tong kantang ‘to dati pero di ko expect na mararamdam ko ang bawat salita sa kantang ‘to tulad ngayon.



Natapos sa ang kanta ngunit nawala sa isip kong naka-repeat one ang setting ng kanta. Di ko na nagawang ilipat ang kanta or palitan ang settings dahil hinanghina na ako.

---------------------

May pasok pa talaga kami this week pero tinext ko na lang si Reina at Liezel na pakisabi sa prof namin na kinailangan kong umalis dahil sa family matter. Wala na rin kaming dapat ipasa sa school dahil maaga kong nagawa ang mga requirements. Di na rin naman kailangan pang kumuha ng classcard dahil napatupad n gang automation ng enrolment at dahil dun ganun din ang pagpapakita ng grades. It be posted on the university website isang lingo bago mag enrolment for second sem.

Tinabi ko na muna ang sim ko at bumili ako ng bago. Ang nakakaalam lang nang pagpapalit ko ng sim ay ang pamilya ko at si Reina na naging taga-update ko kung anu na nangyayari. Nagpaalam ako na pupunta muna ako sa batangas kina Auntie Nessa na ate ng tatay ko.

--------------------

Tulad ng dati sinalubong ako nina auntie Nessa at ni uncle Sonny na para bang sobrang saya nila. Pinatuloy nila ako sa isang kwarto kung saan kumpleto ng gamit. At oo, mayaman nga po sina auntie Nessa ko dahil na rin yun sa abogado si uncle sonny at sya ang naging mayor ng bayan nila dati.

Kinabukasan, nagpaalam akong maglalakad lakad muna sa dalampasigan pero makalanghap ng preskong hangin. Pagkakarating ko sa dalampasigan umupo ako sa docking station ng isang bangka nina auntie. Nagtampisaw ako at inihiga ko naman ang aking likod. Maulap ng araw na ‘yon. Malamig ang hangin. Parang isang nakakapagpakalmang awitin ang dala ng dagat. Nakatingala lang ako sa kalangitan. Pakiramdam ko parang pansamantala akong nakalaya sa lahat ng bigat ng kalooban ko. Di ko na namalayang nakatulog na ako sa aking kinalulugaran.

Nagising ako dahil sa ulan. Buti na lang at di ko dala ang celphone ko nasabi ko sa sarili ko. Di ako umalis sa pagkakahiga ko. Ewan ko ba pero dahil sa ulan naiyak ulit ako at nagbalik lahat ng problema ko.

Nagsisigaw ako sa lugar na ‘yon nang

“Bakit ‘di ba ako pwedeng sumaya? Anu bang nagawa kong pagkakamali?!”

--------------------

Ilang oras din ako sa dalampasigan habang umuulan. Sinundo na ako nina auntie dahil daw nag-aalala na sila sa ‘kin. Pagkakabalik ko sa bahay nila naligo ako at natulog na. Kinaumagahan at nagising ako na parang hinanghina. Di ako makatayo at ang init ng pakiramdam ko. Nakaramdam din ako nang matinding pananakit ng tyan ko. Nawala sa isip kong hindi na pala ako nakakainom ng gamot at di na ulit ako nakakakain ng nasa oras. Buti na lang at biglang pumasok si uncle Sonny dahil hapon na at hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto.

“Oh anak nilalagnat ka na pala. May nararamdaman ka pa bang iba?” tanong sa akin ni uncle Sonny habang nakahawak sa noo ko dahil tiningnan nya temperatura ko.

“Uncle, may ulcer po ako at di ko na kaya ang sakit ng tyan ko.” ang nasabi ko habang naluluha na ako sa sakit.

“Honey, ipatawag mo nga si mang Andoy para magamit natin ang van at kailangan nang madala sa ospital ‘tong si Kikoy!” ang pagtawag ni uncle kay auntie.

Binuhat na ako ni uncle palabas ng bahay hanggang sa papasok ng van. Mabilis naman ang pagda-drive ni mang Andoy at di katagalan nakarating na kami sa pinakamalapit na ospital. Di ko na nalaman pa kung anung sumunod na nangyari dahil nagdilim na ang paligid pag pasok palang namin ospital.

-----------------------

“O mabuti at gising ka na.” ang bati sa akin ng pamilyar na mukha.

“Kakilala ko po kayo?” tanong ko sa aking kaharap.

“Hay naku kabataan talaga. Masyado na talagang makakalimutin. Uncle ako ni Rex. Remember me, Doc Ash?” sagot sa akin ng aking kaharap.

“Wah!!! Aw ang sakit!” ang napatigil kong pagsigaw sa pagkagulat.

“Kasi naman wag OA di ba! Sa ngayon ok ka na. Di ulcer ang naging problema mo nung nakaraang lingo, appendicitis.” sabi ni Doc Ash.

“Hala panu naman ako nagkaroon ng ganun?” ang pagtataka ko.

“Pasalamat ka na lang at nadala ka ng maaga dito. Kung nagkataon wala ka na. O heto pinapaabot sa akin yan ni Rex.” pagbibigay ni Doc Ash ng isang envelop.

Agad kong binuksan ito at binasa ang nilalaman.

Kirk,

Sa totoo lang miss na miss na kita. Aaminin kong nasaktan ako sa bigla mong pag-alis dun sa party. I thought magkasama tayong haharap kay mommy at daddy para sabihin nating nagmamahalan tayo. Tipong anu pa man ang sabihin nila at least magkasama tayo.

Hinanap kita sa school at punta pa ako sa bahay nyo. Pero wala ka sa inyo at ayaw naman sabihin ng parents mo kung nasan ka. I guess you need some time alone. I texted you na kung di ka pa babalik or wala ka man lang reply bago magsimula ang enrolment tatanggapin ko na ang maagang kasal na pinipilit ni dad. Kasi ikaw lang talaga ang magiging lakas ng loob ko para lumaban sa desisyon nila eh.

Nakausap ko si Yana tungkol sa bigla mong pag-alis sa party. Well I guess I needed to give you all the explanations you needed. Kung di mo nabasa o nareceive yung mga text ko sasabihin ko na lang ulit dito sa sulat. It was true na ako ang sumunod sa kanya nung college. Totoo rin na sya yung niligawan ko nung vacation. Pero di ba busted ako sa kanya. Sino bang sumalo sa ‘kin nung malungkot ako. Sino ba yung taong nag-effort para pasiyahin ako inspite of the obvious sadness sa kanya. Di ba ikaw yun! Kaya nga ikaw ang pinilit ko maging akin.

Isang pinakamalaking katotohanang masasabi ko ay ang ikaw ang aking ngayon. Ikaw ang mahal ko ngayon kahit si Yana pa ang aking nuon, sa ‘yo naman ako nakakita nang isang bukas na sasaya ako.
Mahirap pang tanggapin na si Yana ang papakasalan ko dahil sa sakit na dulot ng di nya pagsagot sa akin dati pero mas masakit pala yung pagkawala mo sa akin.

Kung nababasa mo ‘tong sulat na ‘to it could be possible na kinasal na kami ni Yana.Gusto kasi ni Dad na masira man ang merger ng company thru documents, tuluyan nya pa ring makukuha ang company thru me and Yana.

I truly loved you.

Rex




“This can’t be!” ang sigaw ko.

Sinubukan kong tumayo at kalasin ang dextrose na nakakabit sa akin.

Ngayong sigurado ko na ako pala ang minamahal ni Rex, I can’t let him marry Yana. At for sure biktima lang din si Yana ng magulang nya. Epal na mga magulang yan, gawin bang business deal ang anak.

Di pa ako tuluyang nakakatayo bumagsak ulit ako sa sahig. I guess wala pa akong lakas.

“Hmmm kasi kung anu anu pa ang binabalak. Pwede naman manghingi ng tulong di ba!” ang sabi ni Doc Ash.

“Ikaw na ata ang fairy godmother ko!” ang nasabi ko kahit hinanghina pa ako.

“Loko! Fairy Godmother ka dyan! Gusto mo bang tulong o hindi?” tanong ni Doc Ash with matching pananakot.

“Wah syempre gusto!” sagot ko.

“Badtrip ka kasi eh. Bakit ngayon ka lang nagising. Ito ang araw ng kasal ni Rex. 9:36am ngayon. 3PM sharp ang start ng wedding sa Malate Church.”

“No way!"

"Yes way! Tara na. Suotin mo 'to."

"So talagang expected mo na Tito Doc 'tong moment na 'to?" ang tanong ko sa kanya kasi parang handang handa sya.

“Eh binasa ko yung sulat nung wala ka pang malay eh” nasabi ni Uncle Doc.

“WAH! Pero teka bakit mo nga pala po ako tutulungan” pagtataka ko lang.

"Para 'to sa pamangkin ko. Ayoko syang matulad sa akin. Naging sunudsunuran ako kay Papa at kuya. Think of this as my revenge against my kuya!" sagot nya sa akin with an evil grin.

Parang mahabang kwento rin pala ang buhay nitong uncle ni Rex. Someday gusto kong malaman din ang pinagdaanan nya.

Ok mind set: Bawiin si Rex. Sabihin kong mahal na mahal ko sya at piliin ang buhay kasama sya kahit anu pa mangyari.

“Oh anu pang tinutunganga mo dyan? Magbihis ka na sa likod at hihintayin kita dito. We need to stop that wedding.”

“Tito Doc di ba natin pwedeng tawagan na lang si Rex?”

“Both Yana and Rex are inaccessible. Siniguro yan nang asawa ni Kuya.” Sagot ng uncle ni Rex.

Well I guess his parent’s will do everything to get the deed done. Mahusay ang mga epal.

Nagmadali na akong magpalit ng damit. Medyo nagtataka lang ako bakit parang kasama sa mga importanteng tao sa kasal ang damit ko. Paglabas ko nagtanggal na ng coat ng doctor si Uncle Ash at nakaporma rin syang kasama sa kasal.

Ang masasabi ko lang eh, I have a bad feeling about this.


------------



May motor din si Uncle Doc Ash (ang gulo ng tawag ko sa kanya no. Di kasi ako sure kung anung dapat kong itawag sa kanya eh). Bumyahe na agad kami, nagtext na lang ako kina uncle Sonny na may dapat akong puntahan.

Buti na lang magaling din ‘to si Uncle Doc sa pagmomotor, ang expected kong byahe namin ay seven hours or more pero umabot kami sa church ng 3:24pm.



Pumasok kami mula sa gilid na pinto. Nakalusot kami sa bantay sa main gate. Narinig ko na lang sa speaker sa church na “Sa loob ng simbahang ito. Meron bang tumututol o di nais magpatuloy ang pag-iisang dibdib nina Rodrigo at Arriana?”

“Akopmmmm” di ko na napagpatuloy ang pagsigaw ko. Para akong ginapos ng isang malaking lalaki sa kanyang braso at tinakpan ako sa bibig. Paglingon ko sa tabi ay ganun rin si Uncle Doc, may isang malaking manong rin na nakapayakap at nakapigil ang isang kamay sa bibig nya.

“Mukha naman walang tumututol sa kasalang ito Kung gayon..” natigilan ang pari dahil sa narinig na ingay sa tagiliran.

“Ahmm!” sigaw ng mamang nakahawak sa akin dahil nagawa kong diinan ang paa nya.

“I knew you’d come!” sigaw ni Rex. Kitang kita sa kanya ang saya sa laki ng ngiti habang naluluha pa ang kanyang mga mata.

“Alam kong darating talaga si friend Kirk” ang sabi naman ni Yana.

Rinig na rinig ang pagkakasabi nila dahil sa micropono na nakatapat para sa bride and groom.

Parang kidlat sa bilis na nakapunta agad si Rex sa harap namin. Ginawaran nya ng suntok sa tagiliran ang manong na bumubuhat sa akin. Sa sakit ng suntok na nagawa ni Rex nabitawan agad ako ni manong.

Si Uncle doc naman siniko na ang manong na mukhang goons kaya nakakalas na rin sya.

“Rex, catch!” sigaw ni Uncle doc kay rex na binato ang susi ng motor.

“Thanks Uncle. I owe you one.” Sagot ni Rex.

“Stop them!” sigaw ng tatay ni Rex.

“Hijo don’t do this!” sigaw naman ng kanyang mommy.

May dumating na anim pang mukhang goons na ewan. Kung iisipin nakakapagtaka at walang baril ang mga tao dito. Well I guess the church didn’t allow guns to be present at this holy matrimony.

“Even though I love Rex, I still value my friendship with Kirk kaya AHHHHHHHHHHHHH!!!” biglang irit ni Yana sa microphone na nagawang makapagpabingi sa mga tao sa loob ng church.

Hinatak ako ni Rex papalabas sa pinto na dinaanan rin namin kanina ni Uncle Doc. Kasunod rin namin si Uncle Doc.

“I’ll hold them off while you escape!”

“Thanks uncle, I really owe you big time!” sabi ni Rex.

“Wah I love you na Uncle Doc! Super thank you!” sigaw ko.

Super savior ko ngayon si Yana at si Uncle Doc. Ngayon nasa top na sila ng list ng mga taong dapat kong magantihan ng good deed. But then I’ll do that when all this fuss is over.

Nagtatakbo kami hanggang makarating kami sa motor ni Uncle Doc. Sumakay agad sya at umangkas naman ako sa likod.



Binilisan nya ang pagpapaandar at pumunta kami sa dorm nya.

“Wait for me here. Kukunin ko lang ang mga gamit ko huh.” paalam ni Rex sa akin.

After a few minutes nakabalik rin agad sya. Dala dala nya ang isang malaking bag.

“Next is your house.” Sabi nya sa akin. Kinuha nya na yung kotse nya at ayun na ang ginamit namin.

This feeling is just so great. Pakiramdam ko nasa action film kami. Tipong may chase at kung anu anu pa. Grabe. Nakaka-excite. Haist baka naman maghyper ventilate ako sa sobrang saya.

Pagkakarating namin sa bahay kinuha ko na ang mahahalaga kong gamit. Pagkakakita ko sa kay mama nagsabi na ako ng maikling paalam.

“Ma, kung may maghanap sa akin dito sabihin nyong ‘di nyo ko anak. At yung kasama ko po pala sa baba, si Rex. Naalala nyo naman po sya di ba?! Sya po ang bf ko. Pasensya na po at ngayon ko lang nasabi.

“Ingat ka anak!” paalam ni mama after kong humalik sa pisngi nya at humangos ako palabas. Nung lumingon ako nakita ko na lang si mama na lumuluha while waving good bye.

I guess hinayaan na ako ni mama. After all naging responsable akong anak at naging mabuti akong kapatid sa mga kapatid ko. Ako halos ang nag-aalaga sa buong pamilya since parehong may work si mama at papa. Since mas flexible dati ang oras ko, ako ang tagalaba, tagaluto at tagalinis ng bahay. I think ayun ang dahilan kaya hinayaan na ako ni mama at di na sya kumontra or nagalit man lang.
Sumakay na agad ako sa sasakyan pagkakalabas ko ng bahay. Pinaandar na agad ni Rex ang kotse hanggang naisipan namin tumigil muna sandali.

“So now, where to?” tanong ko kay Rex.

“Eh ikaw? San mo ba gusto?” tanong nya sa akin.

“Anywhere. Basta kasama kita ok na yun!”

“Alam mo ang cheesy mo!”

“Hoy Mr. Kirk Chua! Di mo ako masisisi, ikaw may kasalanan nito!”

“Halalalalala gumaganyan ka na?”

Niyakap nya na lang ulit ako ng mahigpit habang pareho kaming nasa sasakyan.

“Basta ayoko nang mawala ka ulit ok?”

“Opo. Di ko naiisipin kung anu yung sa tingin kong makakapagpasaya kung di rin naman pala yun yung talagang ikasasaya mo”

Kumulas sya sa pagkakayakap at hinalikan ako.

Parang iba ang pakiramdam. Parang sobrang ramdam ko at that moment na mahal na mahal nya ako. As in onti na lang ok na talaga sa akin mamatay at that moment.

“Aw”

“Why what happened?” tanong sa akin ni Rex sa bigla kong pamamaluktot sa sakit.

Binuksan ko ang tuxedo ko. Napahawak ako sa tagiliran ko. Pagkakakita ko rito mapula ang aking kamay. Nagdilim na lang ang aking paligid sa takot ko sa aking nakita.

Read more...

The Best Thing I Ever Had - Season 2 Episode 5


Author's Note: Maraming thank you po sa lahat ng mga nag-comment and ang nagbasa ng mga episodes. heheh. specially to: kuya MArc, kuya Jayfinpa, kuya Roan, kuya ken(dark_ken) :) and sa / sa mga Mr. Anonymous lol. Thanks din po kay kuya Coffee na sinusubaybayan talga ang  simula pa nung una.. i love u na tlga kuya coffee! xD lol. Anyway, This is it!!! All new episode of The Best Thing I Ever Had! Enjoy Reading!


Episode 5 - Confessions
"Ano ba yung sasabihin mo kuya Marco?" tanong ko.

"Ahh eh..Av..wag ka magagalit ha?" sabi niya. Parang kinakabahan siya.

"Kuya Marco, magagalit ako sa'yo kapag hindi mo pa sinabi yang sasabihin mo. Sabihin mo na kasi." pamimilit ko. Gusto ko na kasing bumalik sa pagtulog. Kasi naman tong si kuya Marco eh, sasabihin lang eh ang dami pang acheche-acheche. hay nako. Istorbo pa tuloy sa beauty rest ko. *sigh

"Av..." tumigil siya ng saglit at huminga ng malalim. "May..may.."

"May?????" tanong ko.

"G-g-g..g-gusto kita Av." sabi niya.

Napatigil ako sa sinabi niya. Gusto niya ko? as in gusto talaga?


Hay nako, that's what I keep on telling you pero ayaw mo maniwala.


Natulala ako ng mga ilang segundo. Parang nagfreeze ang paligid.

"Av?? Av nandyan ka pa ba?" tanong niya.

"Ah.o-oo.,."

"S-sorry ha.." sabi niya.

"Bakit ka naman nagsosorry? Wala ka namang kasalanan."

Wala talaga! Dahil ikaw ang may kasalanan!


Kasalanan? Oo, kasalanan ko, kasalanan kong naging sobrang cute and attractive ako. tama?


Che! Kapal mo!


"Sinubukan kong tanggalin sa sarili ko to. Dahil alam kong hindi tama..at alam kong may mahal ka nang iba..si Van...pero hindi ko na talaga mapigilan eh..matagal ko ng itinatago sa'yo to..matagal ko na ring gustong sabihin pero, nauunahan ako ng takot..takot na baka layuan mo ko.." tumigil siya sandali at huminga ng malalim. "kaya naman nung nalaman ko na wala na kayo ni Van.lumakas ang loob ko, dahil nakita kong may chance na ko sa'yo..mahal kita Av."


Naramdaman ko ang sincerity ni kuya Marco.. Naiintindihan ko kung gaano ito kahirap para sa kanya Ganyan din ang naramdaman ko noon kay Van, natakot akong sabihin sa kanya dahil baka layuan niya ako.Naduwag akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. At ngayon, si Marco ang nasa ganoong sitwasyon..


"Sorry Av.." sabi niya.

"Kuya, hindi ka dapat magsorry.." sabi ko na lang.


"K-kung ganon okay lang sa'yo??"

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Okay nga lang ba sakin to? Bahala na! 


"Ahh ehh..o-oo naman kuya. Okay lang yun." ang nasabi ko na lang.


Sh*t bakit ko sinabing ok lang? Argh. Kainis ka tlga Av!!! 

"Talaga?! Salamat Av! Ang bait mo talaga!" tuwang tuwa siya.

"Ahh ehh kuya Marco, magpapahinga na ko..bukas na lang tayo mag-usap..inaantok na kasi ako eh." sabi ko.

"Ahh sige,. Goodnight Av! Sweet Dreams!" sabi niya.

"Sige kuya, goodnight. bye!." ibababa ko na sana ang phone ko ng marinig ko ang pabulong niyang sinabi na "I love you.".. "Ano yon?" tanong ko.nagkunwari akong hindi ko nadinig.

"Ahh eh wala, sige tulog ka na. see you tomorrow!" sabi niya.

"Sige, bye." at ibinaba ko na ang phone ko.

Actually, hindi naman talaga ako inaantok. Parang nawala yung antok ko at nagising ang katawang-lupa ko dahil sa conversation naming iyon. Grabe. ganito ba talaga ako kaattractive para magkagusto sa akin tong mga lalaki na to. Una si Van, tapos si Ram, tapos ngayon si Marco na? Sino kaya susunod? Buong student body na magkakagusto sa akin?


Grabe teh huh! ang kapal mo talaga! Kalerky ka! Aminin mo nga sa akin? Ginayuma mo yang mga yan no?


Gaga! Hindi ako witch para mang-gayuma no! Kung meron mang witch satin dalawa, ikaw yun! Witch pati ugali!


Hay nako. Whatever. Pero eto huh. I must say, ANG HABA NG HAIR MO TEH!


I KNOW RIGHT?


Daig mo pa ang hair ni Rapunzel sa sobrang haba ng hair mo! Biruin mo, nawalan ka nga ng prince charming, may dumating namang iba. at take note, 2 pa yung dumating!


Napangiti tuloy ako. Pero maya-maya, napalitan din ito ng isang malungkot na mukha.

O ano namang drama mo? You should be happy! Let's celebrate and party party! say Unkabogable!!


Vice ganda teh?


Oo! anyway, so bakit nga super sad ka ever ka nanaman?


Napaisip lang kasi ako. Diba nga may gusto yung dalawa sa akin.


O?


Paano kung hindi ko naman maibalik sa kanila yung pagmamahal na ibinigay nila sa akin. Ayokong may masaktan sa kanila. or even worse, ayokong parehas sila eh masaktan ko.


Bakit sino ba kasi talaga ang mas gusto mo?


Ewan ko.,.Ram had been so nice, sweet ang thoughtful to me since the day I met him.. Marco was always there for me especially nung time na kailangan ko talaga ng makakapitan. Parehas silang naging sobrang bait sa akin. At ayokong may masaktan ako sa kanila.


Mahirap nga yan. Pero pwede wag mo munang isipin yan? Sa ngayon, just go with the flow ka muna. Tapos chaka ka na magdecide.


*sigh.  At nakatulog na ako.

The next day, I did the same routine na ginagawa ko every school day. Gigising, kakain, maliligo, magbibihis, tapos papasok na. Sabay-sabay kaming pumasok sa klase nina Macky, Coleen, Marco, at yung isa pa naming kaibigan na si Ella. Sa daan, hindi mawawala ang tawanan namin dahil sa pagka-random ni Ella. Ewan ko pero basta ang random random ng mga sinasabi niya. Kapag siya na nagsalita, laging off-topic pero nakakatawa. Para nga siyang si Cat Valentine ng Victorious sa sobrang pagkarandom. (Para po sa mga hindi nakakakilala kay Arianna Grande a.k.a. Cat Valentine of Victorious, i-google niyo na lang po. lol)

One time nga, nag-uusap kami about sa kung mag-aaudition ba si Macky para sa lead ng isang play sa school.
----memory recall------

"Kayang kaya mo yan!" sabi ni Coleen.

"Ehh kinakabahan ako. mukhang maraming mas magaling sa akin eh." sabi ni Macky.

"Alam mo Max(Macky), talented ka. Yakang-yaka mong patumbahin yang mga yan. Kaya go lang ng go!!" pag-ch-cheer-up ko kay Macky.

"Kung gusto mo ng gulong!" singit ni Ella..

Nagkatinginan kaming tatlo nila Coleen at sabay-sabay naming nasabi. "Anu raw?!?". Nagtawanan kaming lahat. "Go lang ng go, kung gusto mo ng gulong!" Corny pero natawa kami ng bonggang bongga.

Anyway, back to the present. Nagpunta na kami sa klase namin. Nagrerehearse kami ng isang song number nung araw na iyon para sa isang program sa school. Break namin ng may lumapit sa aking kaklase ko.

"Av, may nagpapabigay sa'yo o." sabi ng kaklase kong si Emmee, sabay abot sa akin ng isang red rose na may ribbon at kasamang envelope.

"Sino daw ang nagpapabigay?." tanong ko sa kanya.

"Ayaw ipasabi eh, basta ibigay ko na lang daw sa'yo."sabi ni Emmee.

"Okay, sige salamat ha." sabi ko na lang. Pumunta ako sa likod ng stage at sumunod sa akin sina Macky at Coleen.

"Ayiiieee! Sino naman yang admirer mo?" tanong ni Coleen,. Parang mas kinikilig pa siya kaysa sa akin.

"Hindi ko nga alam eh. Ito may sulat tingnan natin." sabi ko.

Sa sulat :

Av,

Seeing your face completes my day,
You always make me smile in every single way.
Simple, cute and funny,.the things I like in you.
Also, those are the thing that made me fall inlove with you.
I wish you'll give me a chance to prove to you.
That I really really love you.

Love,
M.R.


"M.R.?" tanong ko.

Marco Rosales!
OMG.


"That's my obnoxious big brother..Hindi ako pwedeng magkamali, yan ang pirma niya. Hay nako, kahit kailan talaga, ang corny talaga ng kuya ko,." sabi ni Macky.

"Corny? Ang sweet nga eh..diba Av?" ang kinikilig kilig na sabi ni Coleen.

"Abnormal talaga yang kuya mo Max! Talagang magkapatid kayo!" sabi ko sabay tawa. Pero sa loob loob ko, kinikilig ako. Ang sweet kaya! Ikaw ba naman bigyan ng ganun? Hindi ka kikiligin? diba?


In fairness, sweet yang papa Marco mo.


"Siya lang ang abnormal no!" depensa ni Macky.

"Okay sabi mo eh." sabi ko na lang.

Nasa ganun kaming pag-uusap ng biglang may tumapik sa likod ko. Si Van. laking gulat ko ng makita ko siya.


"Van.." sabi ko.

"Av..

"Anong ginagawa mo dito ha?!" ang mataray na sabi ni Coleen. "Umalis ka na nga dito kung ayaw mong kaladkarin kita palabas!"

"Oo nga,.Ang kapal rin naman ng mukha mo para magpakita pa kay Av pagkatapos ng nangyari! Umalis ka na nga kung ayaw mong kalbuhin kita!" sabi naman ni Macky.

"Girls, stop. Iwan niyo muna kami. please." sabi ko.

"Sure ka Av?" tanong ni Macky.

"Yes. I'll handle this."

"Sige. Coleen, tara na." sabi ni Macky.

"Oras lang na malaman kong pinaiyak mo tong kaibigan namin, ihanda mo na yang sarili mo." pananakot ni Coleen kay Van.

Hindi naman sumagot si Van. "Coleen. please. iwan mo na kami. ako nang bahala dito." sabi ko. At umalis na ang dalawa. Napansin kong nag-iba ang itsura ni Van. Parang pumayat siya. At wala na rin yung masigla niyang mukha. Napalitan na ito ng lungkot. Para akong maiiyak sa nakita kong lagay niya.

Wait lang Av, magpakatatag ka, wag kang magpapa-apekto.


Tama. Dapat hindi ako magpa-apekto sa kanya.


"Bakit ka nandito?" and tanong ko sa kanya habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Gusto sana kitang makausap,."sabi niya. Mararamdaman mo rin ang lungkot sa boses niya.

Dapat wag magpa-apekto, kaya mo to Av. Ajah!.


"Gusto kong malaman mo ang totoo." sabi niya.

--------------------
Until the next episode,
Av.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP