Ang Kwintas, Ang Snickers at Si Patrick. (Part 23)
Sunday, December 11, 2011
Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.
Salamat din sa mga:
Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)
Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!
ATTENTION READERS!!:
Guys, eto yung part ng series ko na pinaka-importante at pinakamahalaga sa buhay ko, bale, tatlo ito. Ito yung pangalawa sa huling episode na pinakamalungkot na dumaan sa buhay ko. Hinding-hindi ko ito makakalimutan dahil dito ako umiyak habang ginagawa ko itong part ng series ko. Mahirap sa umpisa pero, unti-unti ko namang nakakayanan dahil nandiyan sa aking tabi ang Patrick ng buhay ko. Well anyways my Patrick, advance happy 23rd Birthday sa'yo, sa 15 yung b-day niya. I Love You!! And for Cheney.. Kahit kailan, hinding-hindi kita makakalimutan, as long as I have my memories of you, it will always be the same, forever!! I love you too, my Cakie!!!
ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!
(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)
Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.
DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.
To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:
Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)
---------------------------------------------
Part 23
"Pwede ba, itigil na natin ang lahat ng ito!! Natutulog lang si Cheney! Don't make her disturb. Let's celebrate life.. C'mon!!" sigaw ko habang ang lahat lahat ng tao sa paligid namin ay nag-iipon kung saan nandun si Cheney.
Dumating si Lei at bigla akong sinapak. Masakit yun at sa tingin ko, para akong nagising ng hindi oras.
"Tangina mo!! Kuya!! Wag mong takasan ang lahat-lahat!! Patay na si Cheney!! Lumapit ka sa kanya at tignan mo sya!! Talagang masakit kuya!! Pero wag mong ilayo ang realidad sa isipan mo!! Kailangan mo siyang harapin!!"
Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla akong nanginig. Ramdam ko Ito hanggang sa ulo ko pababa. Para akong na-kuryente. Nanghina akong bigla nang natauhan ako sa narinig ko. Totoo nga, iniwan na kami ni Cheney.
Agad akong tumakbo papunta sa kanya. Hinila ko papalayo ang mga tao na nakaharang sa dinadaanan ko, hanggang sa nakita ko si Cheney na wala ng buhay na nakahiga sa mga binti ng mommy niya.
"Cheney, this is so wrong!! This is so wrong!!"
Hinipo ko ang buhok niya, pagkatapos, ay hinawakan ko ang mga kamay niya. Malamig siya. Hindi tulad ng mga tipikal na araw na hinahawakan ko ang mga maiinit at malalambot na mga palad nito. Pagkatapos ay kinuha ko siya sa pagkakahiga at hiniga sa harap ko. Niyakap ko siya. Unti-unting pumapatak ang luha ko. Patak na nagiging parang agos na dumadampi sa mga pisngi ko at nahuhulog sa maamong mukha ng cakie ko.
"Cheney!! Nasaan yung ipinangako mo sa akin!! Why did you leave us!! Makasarili ka talaga, Cheney!! Makasarili ka!! Iniwan mo kami ni Lei ng ganung-ganun na lang!!"
Lumapit sa akin si Lei, inakap niya kaming dalawa. Napansin ko din na umiiyak siya sa likuran ko. Dama ko ang sakit niya dahil sa mga patak ng luha na bumabakat sa damit ko.
"Cheney!! Bakit mo kami iniwan!! Bakit!!!"
Ramdam ko na nanginginig si Lei habang yakap niya kaming dalawa. Samantala, yumakap na rin sa amin sina Nikol, Joseph, Hiro at Shaine. Ramdam ko ang bigat nila, pero wala na akong pakialam. Ang importante, nandun kaming lahat na sama-samang tumatangis sa pagkawala ni Cheney.
Tumawag si Tita ng ambulansya at sabay kuha sa mga bangkay ni Cheney. Alas 10:25pm siya nang nawala sa amin. Multiple organ failure ang kinamatay niya at hindi sa Leukemia. Habang dinadala sa ambulansya ang walang buhay na si Cheney, agad lumapit sa akin si Lei sa harapan. Umiiyak pa din siya. Kinuha ko ang ulo niya at nilagay sa dibdib ko. Wala na nga si Cheney, pero ang sakit ng pagkawala niya ay nararamdaman namin sa kabila ng kanyang ngiti at maamo niyang mukha.
Sumama kami sa punerarya. Napagdesisyunan ng pamilya niya, pati na rin kami na wag nang palitan ang suot niya na ilalagay sa kabaong. Tinignan ko muna si Cheney bago siya i-embalsamo. Maganda siya. Maamo ang mukha niya na parang hindi nahirapan sa pagkamatay. Para nga siyang natutulog kung iisipin eh. Nang habang tinitignan ko siya ay bigla kong naalala ang pagkabata namin. Si Patrick na iniwan ako, pagkatapos si Cheney na nawala naman sa buhay ko.
Lumapit sa akin ang mommy niya.
"Alam mo Iho, bago siya namatay, may sinabi siya sa akin na hinding-hindi ko makakalimutan. Mahalin mo daw si Lei, tulad ng pagmamahal mo kay Patrick. Alam mo iho, saludo rin ako sa anak ko eh, kahit na sa pinakahuling sandali ng buhay niya, hindi siya nagdamot, bagkus, ibinigay niya ang pagmamahal niya na dapat siya lang ang nakikinabang at hindi ang ibang tao."
Sabay niyang kinuha ang mga kamay ko at inilagay sa puso ni Cheney.
"Wala man sa atin si Cheney, Tandaan mo iho, nasa puso natin siya, kaya we're just come up to decide that we're not embalming Cheney's heart. I want to remain it to her body, for her to live those memories to us in her heart."
Napaiyak ako sa sinabi ni Tita, hindi niya isasama ang puso ni Cheney sa i-eembalsamo. Nandun pa din ang sakit, kirot at hapdi na nadarama. Sana, matutuhan kong tanggapin ang katotohanang wala na siya sa piling namin. Tulad ni Patrick, kahit namaalam na siya, mananatili pa rin ang kanyang alaala sa puso ko, magpakailanman.
Ayaw ko pang bitawan sa Cheney nun. Ayaw kong ilayo siya mula sa mga kamay ko. Wala akong pakialam kung i-eembalsamo siya. Hindi ko alam sa puntong yun kung anong gagawin. Sa sobrang sakit, hindi ko na natiis na umiyak sa harapan ng isang mahal na wala ng buhay.
"Cakie ko, kung iiwan mo ako, tulad ni Patrick, sana hindi mo na lang ako minahal. Dapat iniwan mo na ako simula pa nung iniwan ako ni Patrick!! Sana hindi ako nahihirapan ng ganito, at sana, kinalimutan mo na lang ako!!"
Agad na hinimas ni Tita ang likod ko habang umiiyak sa kanya. Agad niyang kinuha ang aking mga kamay sa dibdib ni Cheney. Naglaban ako, pero kaagad na kinuha ng staff ng punerarya ang katawan ni Cheney kaya hindi ko na natuloy pa na hawakan siya kahit isang saglit.
Biglang dumating si Jayson, kasama sina Nikol at Shaine. Hindi niya alam na namatay na si Cheney kaya laking gulat niya na nalaman ang kinahantungan ni Cheney sa huli.
"Bro, sorry, kahit masakit, alam ko, in gods will, matututuhan mo siyang tanggapin."
Kinuha ako ni Lei at sinamahan para umupo. Hindi ako nagsalita. Ayaw kong makatanggap ng lahat ng masasakit na salita na nagpapaalala ng pagpanaw ng mahal ko. Nakatulala pa rin ako sa isang tabi para unti-unting tanggapin ang lahat.
"Sorry Jayson, pero I think, we should let my Big Bro alone. Mahirap para sa kanya na marinig lahat ng tungkol kay Cheney ngayon kaya let's just give him some time to be in private." sabi ni Lei habang hinihimas ang likod ko.
"Jay, labas lang kami. Kapag kailangan mo kami, just ask us." sabi ni Shaine habang lumalayong kasama sina Lei at Jayson.
Isang napakasakit na pangyayari sa buhay namin ang pagpanaw ni Cheney. Hanggang ngayon ay damang-dama ko pa rin ang sakit ng pag-iwan sa akin ng Cakie ko. Para akong sinapak, tinadyakan, binugbog at higit sa lahat, nilunod ng kanyang pangungulila para sa kanya.
Hindi ko na matiis ang lahat. Napagdesisyunan ko na umuwi na lang. Dire-diretso akong lumabas ng punerarya na tipong parang me susugurin. Hindi ko din napansin na dumaan ako sa harapan ng baby bro ko, kaya nang nakita niya ako ay kaagad na patakbong sumunod siya sa akin.
"Teka kuya, saan ka pupunta?!"
"Uuwi ako!! I don't wanna see Cheney on her wake tomorrow!! Sinungaling siya!! Ayaw kong magpakita kahit kanino, at pwede ba, lumayo ka na rin sa akin!! Ayoko kayong maalala, ayokong nangyayari ito sa akin!! Ayokong nahihirapan ako!!"
Mabilis akong naglakad papalayo sa kanya. Binilisan niya ang paghabol sa akin hanggang sa napigilan niya ako at sinampal.
"Sa pagkakataong ito, kuya ako naman ang sasampal sa iyo. Kuya alam mo, pare-pareho lang tayo. Huwag kang makasarili. Hindi ka lang iniwan ni Cheney, pati din kami! Si Tita, ako, ang mommy ni Patrick, tayo, tayong lahat na nagmamahal at tumitingin sa kanya palagi! Huwag mong iinog sa mundo mo ang pagkawala ni Cheney, dahil ayaw na ayaw kong nasasaktan ka!!"
Hindi ako nakinig kay Lei. Matigas pa rin ang ulo ko. Makasarili si Cheney! Tulad siya ni Patrick na iniwan ako ng maraming taon. Wala na akong pagmamahal sa puntong yun. Kailangan ko na ring mawala!!
"Lumayo ka sa akin!! I don't need your opinion and I DON'T NEED YOU in MY LIFE ANYMORE!!"
Inakap ako ni Lei. Patuloy pa rin akong naglaban. Kahit sobrang napakahigpit na ng yakap sa akin ni Lei ay pinipilit ko pa rin na kumawala sa mahigpit niyang pagkakayakap sa dibdib ko.
"Leave me alone!! I don't wanna see you, even everybody!!"
Nanlaban pa din ako. Gumawa ako ng paraan para makatakas sa higpit ng bisig niya hanggang sa tinapakan ko ang paa niya.
"Aw.. Tangina mo Jacob!! Makasarili ka!!"
Bigla akong nagising sa puntong yun. Hindi na niya ako tinawag na kuya. Parang nasaktan ako. Biglang sumikip ang dibdib ko na parang humihigpit kapag naaalala ko ang mga binitiwang salita. Hindi ako makagalaw. Gusto kong sumigaw. Gusto kong umalis sa harapan niya pero ayaw ng puso ko. Nanatili pa rin akong nakatayo hanggang sa napaluhod ako habang tinitignan ni Lei.
"Mali ito Lei!! Ayaw kong nakikitang nahihirapan si Cheney. Ayaw kong naaalala ang kanyang mga ngiti, ang tawa niya, ang mahahaba niyang mga buhok at higit sa lahat, ang pagmamahal na pinagsaluhan namin. Siguro parehas lang kaming makasarili, pero despite of that, mahal ko pa rin siya!!"
Luha. Iyak. Tangis. Iyan ang namayani sa akin habang nakaluhod sa gitna ng daanan na pinapanood ng maraming tao. Siguro hindi pa nila nararanasan na mawalan ng mahal sa buhay. Para silang nanonood ng isang shooting sa pelikula, na ako ang bida na nangungulila sa leading lady niya.
"Halika kuya at ipapasan kita."
Kinuha ako ni Lei at pinasan ako sa likod. Para kaming kapatid. Naalala ko tuloy sa kanya ang ginagawa ko kay Cheney kapag nalulungkot ito. Inilapag ko ang ulo ko sa balikat niya. Dun ako nagsimulang umiyak. Naramdaman ko na umiiyak din siya. Para kaming bata kung tutuusin, pero sa puntong yun, naramdaman ko ang pagkalinga ng isang kaibigan na minsan ay tinaboy ko. Unang gabi yun ng pagkalugmok ng loob ko na kauna-unahan sa buong buhay ko.
Umaga. Alas siyete. Parang sumakit ang ulo ko sa nangyari kagabi. Hanggang ngayon, masakit pa din ang nangyari sa akin. Wala na si Cheney. Ang pinakamamahal kong si Cheney ay pumanaw na. Hindi ko pa tanggap. Nananakit pa din sa puso ko ang pighati ng pagkawala ni Cheney sa akin. Ayaw ko pang tanggapin ang katotohanan sa likod ng nangyayari sa akin ngayon.
Gusto kong mapag-isa. Gusto kong magalit sa sarili ko. Gusto kong isisi ang lahat sa nangyari kay Cheney. Hindi ko na siya mahahawakan. Hindi ko na siya masisilayan. Ang tanging nasa akin na lang ay ang alaala ng kanyang pagkatao.
Tumagal ng ilang oras at napansin ni mommy na hindi ako lumalabas sa kwarto. Hindi ko rin sinasagot ang mga tawag at text ng mga kaklase ko at ni Lei. Nag-aalala na siya sa akin dahil sa kalagayan ko.
Ilang gutom at uhaw ang lumipas sa akin. Wala akong pakialam. Gusto kong mapag-isa!! Gusto kong ilasap sa sarili ko ang tindi ng paghihirap at sakit sa puso ko sa nangyari sa akin. Akala ko ba, mahal ako ni Cheney? Nasaan siya ngayon? Bakit hindi niya tinupad ang pangako niya sa akin? Akala ko ba, mahal niya ako? Wala siyang pinagkaiba sa lahat ng taong minsan ay minahal ko tapos ay iniwan ako ng ganun na lang. Walang umuunawa sa akin! Walang nagmamalasakit sa akin! Sana hindi na lang talaga ako nabuhay!! Iniwan niya akong nag-iisa ngayon sa buhay ko, makasarili silang dalawa!!!
"Anak, tumatawag sina Lei at Joseph sa'yo!! Sasagutin ko ba?!"
"Mom, wala akong pakialam sa kanila!! Sino ba sila?! Nararamdaman ba nila ang nararamdaman ko?! Mga plastic sila!! Hindi ko sila mapagkakatiwalaan!!"
"Anak, pwede ba kitang makausap saglit? Nag-aalala na kami ng daddy mo sa'yo?!"
"Please mom!! Just give me a privacy!! I want to be alone!! Wala na akong pakialam sa mundo ko!! Hindi sila patas sa akin!!"
Kinalabog ko ang pintuan gamit ang bangkito na nakakalat sa kwarto ko. Ayaw kong nakakarinig ng kahit anong ingay na mula sa kanila. Ano? Masaya na ba sila? Masaya na ba sila na naghihirap ako ng ganito? Masaya na ba silang nangungulila kay Cheney samantalang sila ay walang pakialam sa akin? Ganyan lang sila kasi namatay si Cheney!!
Biglang may tumawag sa CP ko, gamit ang ringtone na pinasa sa akin ni Cheney. Bigla ko na naman siya naalala. Masakit para sa akin na pakinggan ang lahat ng naaalala ko kay Cheney. Inihagis ko ang Cellphone ko at sa hindi sinasadya ay nabasag ko ang salamin. Me kung anong pumasok sa isip ko na kunin ang bubog na kumalat sa nabasag na salamin. Tama! Tutal, iniwan na naman ako ni Patrick at wala na rin sa buhay ko si Cheney, kailangan ko na ring wakasan ang buhay ko. Hindi na ako kumpleto!!
Agad kong kinuha ang bubog sa sahig. Kinuha ang pinakamalaking bahagi ng bubog. Tinitigan ko munang mabuti ang hugis at talim kung sa isang saglit ng pagkakasaksak ko sa sarili ko ay kaagad akong mamamatay. Matalim nga! Nasugatan ang hintuturo ko ng tinangka kong hawakan ang talim ng bubog. Itinutok ko ang pinakatusok ng bubog sa sarili ko.
"Cheney, kung mamamatay ka lang, sasama na ako!! Gagawin ko ito para sa atin!!"
Umiyak ako. Bigla kong naalala ang mga masasayang alaala sa akin ni Cheney. Napapikit ako sandali. Unti-unti kong dinidinan ang tusok ng bubog sa aking tyan nang biglang bumagsak ang pintuan sa harap ko.
"Tangina mo, kuya!! Wag mong gagawin yan!!"
Si Lei. Siya na naman! Bakit ba niya akong pinipigilan sa bawat pagtatatangka na ginagawa ko? Mahal ko siya, pero hindi ako sigurado kung mapagkakatiwalaan ko ang pagmamahal niya. Kahit ilang beses ko rin na pinaramdam sa kanya ang pagmamahal ko, sana, hindi siya katulad nina Cheney at Patrick na nang-iwan sa akin.
"Wala kang pakialam!! Sino ka ba sa tingin mo? Bakit? Kaya mo bang alisin sa akin ang sakit ng pagkamatay ni Cheney? Kaya mo bang ibalik siya sa buhay ko?Hindi ba, naging makasarili ako? Hindi lang kayo nawalan ng mahal sa buhay, ako din!!"
"Alam ko kuya, mali yang gagawin mo. Mas magagalit pa si Cheney kapag gagawin mo yan. Ayaw kong masaktan ka ng ganyan!!"
"Lumayo ka, kundi isasaksak ko ang bubog sa sarili ko, umalis ka!!"
Imbis na lumayo ay mas naging matigas ang ulo nito. Lumapit siya. Kung sa tingin niya na hindi ko gagawin ang pagpapakamatay ko, well he's so wrong!! Gagawin ko ito dahil wala na akong pag-asa para mabuhay pa!
Wala talaga akong choice. Idiniin ko ang pinakatusok ng talim ng bubog sa tiyan ko. Ramdam ko ang hapdi. Kung tutuusin, wala pa nga ang hapdi ng nararamdaman ko ngayon sa hapdi ng nararamdaman ng puso ko sa pagkawala ni Cheney sa buhay ko.
"Kuya wag!! Mahal kita! Tulad ng ipinangako ko sa'yo, hinding-hindi kita iiwan at pababayaan!!"
Bigla akong napahinto. Naalala ko si Patrick. Agad kong naalala ang pag-ibig niya sa akin, pero hindi, iniwan niya ako. Sinaktan din niya ako tulad ni Cheney. Parehas lang sila. Iniwan nila akong nag-iisa sa kabila ng pagmamahal ko sa kanila. Tama lang na gagawin ko ito.
Napayuko ako. Tinignan ko ang sugat na nakuha ko sa pagdiin ng bubog sa tiyan ko. May nakita akong bakat ng dugo sa sando ko. Natakot ako, kaya ipinikit ko ang mga mata ko para hindi mapansin ang sakit at dugong unti-unting lumalabas sa sugat ko.
Bigla kong naramdaman na may kumuha sa hinahawakan ko. Si Lei. Siya ulit. Agad niya akong itinulak sa double deck. Hindi na ako nagpasyang gantihan siya dahil nakita ko na nagdudugo ang kanyang kamay. Pumapatak ito hanggang sa ibaba. Siguro, natamaan siya ng talim na nakuha niya sa bubog na ginamit ko para magpakamatay.
"Ano, masaya ka na? Eto, kamay ko!! Nagdudugo!! Pinilit kong agawin yang nakatutok sa tyan mo!! Kung may hinala ka pa sa pag-ibig ko sa'yo pwes, eto tikman mo."
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, agad niya akong hinalikan. Bigla akong napapikit. Oo nga! Naramdaman ko ang pagmamahal niya sa mga labi ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang sasabog. Hindi ko mawari. Hindi ko matanto. Nang natapos kong halikan si Lei ay agad akong bumitiw sa kanya.
"Masakit Lei!! Masakit para sa akin na iwanan ako ni Cheney!! She just left me without formal goodbyes! Para akong sinaksak! Bakit?! Bakit niya ako iniwan?!"
"Kuya, lahat ng nangyayari sa buhay natin may dahilan. It's all about destiny. Siguro, Cheney is not destined for you to be loved by her. Mahirap! Kahit ako nahihirapan din. Masakit pero pinipilit kong tanggapin ang katotohanang wala na siya. Wala na talaga!!"
Bigla akong umiyak. Umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung nakakailang iyak na ako sa buong isang araw pagkatapos ng pagpanaw ni Cheney. Para akong bata na iniwan ng nanay na pupunta sa malayong lugar. Hindi ko maipaliwanag ang damdamin ko nun. Parang ayaw maubos ang mga luha ko. Walang katapusan. Walang katiyakan.
"Alam mo kuya, kahit ilang beses mong saktan ang sarili mo, kahit magpakamatay ka at tumalon sa building, sa tingin mo, matutuwa si Cheney sa'yo? Tulad ng sinabi ko, magagalit siya! Di ba nangako ka sa kanya na hindi ka iiyak? Nasaan na ang pangako mo? Ikaw ang hindi tumupad ng pangako niya! Ikaw!"
Tumahimik ako. Biglang napatitig siya sa akin. Itinaas niya ang sando ko at tinignan ang sugat sa tiyan. Nagdudugo ito, agad na itinapat niya ang sugatan ding kamay sa sugat sa tiyan ko. Nagdurugo rin ito. Idinikit niya pagkatapos ang ibabaw ng tiyan ko at ang kanyang sugatang kamay.
"Parehas nga tayong nasaktan! Kuya!! Tignan mo!! Nagdudugo hindi lang ang sugat na natamo natin sa kamay at tiyan, kundi ito.. Puso natin! Puso na minsan pinatatag ng pag-ibig natin sa buhay. Ngayon nasugatan tayo, bukas, inaasahang gagaling ito at hihilom. Kaya kuya, hindi ka nag-iisa!!"
"Baby bro!!"
Agad na niyakap ko si Lei. Madiin. Sa puntong ito, ayaw ko siyang pakawalan. Baka mawala siya tulad ng pagkakawala ni Cheney at Patrick sa buhay ko. Umiyak ulit ako, pero sa pagkakataong yun may kasamang hagulgol. Iyak at pagtangis sa pangungulila ng dalawa kong minahal, si Patrick at Cheney.
Buong gabi akong tumangis sa pagkawala ni Cheney. Si Lei, napagdesisyunan niya na bantayan ako at hindi umuwi. Nasa tabi niya ako palagi. Buong gabi kong dinamdam ang pagkalungkot sa pagpanaw ng cakie ko.
"Cakie... Cakie ko!! Bakit ansakit!! Mukhang di ko ito kakayanin!!"
Hindi ko namamalayan sa pagtangis ko, nakatulog ako. Siguro, mga limang oras din yun. Alas 7:00am ako nung bumangon. Linggo at araw ng pagsimba. Wala si mommy at daddy ng mga araw na iyun dahil lagi silang pumupunta sa simbahan ng Tondo para magsimba kapag linggo. Ayaw ko pang bumangon. Ayaw kong makita ang umaga ng hindi pa natatanggap na wala na si Cheney.
Samantala, napatingin ako sa kabilang double deck. Wala si Lei. Bumaba ako para hanapin siya. Nang nasa baba ay nakita ko ang mga nakahain sa lamesa ng mga favorite ko at higit sa lahat, ang nagpangiti sa akin, Ang snickers chocolate bar na favorite namin ni Cheney.
"Oh!! Seems like you already woke up!! Heto, I just prepare something special for you. I hope, you will like this."
Nakita ko si Lei. Nilalaba ang damit ko. Tuwing linggo ko ginagawa yun para makatulong kina mommy. Naka-shorts siya na mukhang pinahiram ni mommy sa kanya. Wala siyang salamin sa mata at basang-basa ang mga paa nito. Siya pala ang nagluto ng pagkain. Mukhang asikasong-asikaso niya ako.
"Halika Baby Bro ko, sabayan mo si Big Bro kumain!!"
Itinigil niya munang maglaba. Lumapit siya sa akin at sinabayan akong kumain. Masarap in fairness ang luto niya. First time ko lang na ipinagluto ako ng kahit sinuman, maliban sa mommy ko.
"Ok ka na? Big bro? Kung gusto mo, kukuha na kita ng juice or iced tea."
"You're not sipping coffee every breakfast?"
"Not actually!! Hindi ako umiinom ng kape every morning. Kapag gabi lang."
"Oh.. I see!! Teka, mukhang nabilaukan ka, I'll get some juice inside the fridge."
Kinuha ko ang Juice na tinimpla kahapon. Hindi pala ako nakakain ng isang araw kaya naramdaman ko ang gutom sa buong katawan ko. Agad na ibinigay ko sa kanya ang pineapple juice at nginitian niya ako pagkatapos.
Nag-usap kami tungkol kahapon. Medyo ok na ang pakiramdam ko ngayon. Actually parang nawala ang pagluluksa ko kay Cheney sa pagkamatay niya. Unti-unti akong tinutulungan ng baby bro ko. Sana matulungan ko siya na harapin ang kinabukasan ng hindi kapiling si Cheney.
Nang natapos ay bumalik siya sa ginagawa. Pagkatapos daw niyang maglaba ay pupunta siya sa simbahan ng Tondo para magsimba. Niyaya niya akong sumama at pumayag naman ako.
Inabot kami ng 3 oras na nag-prepare para makapunta sa simbahan. Maraming tao sa loob. Nandun din ang tipikal na pamumuhay ng mga taga-Tondo. Napansin ko na hinawakan ni Lei ang kamay ko at hindi ko naman siyang binigo na ipahawak yun. Para kaming mag-syota, kahit sa totoo lang na bestfriend ko siya at kinakapatid pa.
"Iho.. Oo, kayong dalawa, Kamusta kayo? Kamusta na si Cheney? Magaling na ba siya?!"
Si father Michael. Nakasalubong namin siya habang papasok sa loob ng simbahan. Kinausap siya ni Lei, samantala medyo dumistansiya ako ng kaunti sa kanya. Baka bumalik ang sakit ng pagkawala niya, kapag tinanong niya ako.
"Father, pwede ba, kayo ang mag mass sa final wake ni Cheney sa Wednesday?!" Sa St. Joseph lang po siya nakaburol, malapit sa QC. Kung gusto po ninyo, sumama po kayo sa akin."
Nalaman na ni Father ang nangyari kay Cheney. Kinukuha na lang ni Lei ang confirmation nito kung available siya sa huling misa ng GF ko.
"Sige iho, kung gusto mo, pati sa libing niya ay ako na ang magma-mass. Pakisabi na lang sa mga parents niya tungkol dito. Sumalangit nawa ang aking alaga!! Hay panginoong mahabagin, napakabata pa niya!!"
Lumapit si Father sa akin pagkatapos kausapin si Lei. Tinapik niya ang aking mga balikat at ngumiti.
"Iho, alam mo, ang swerte mo!! Namatay siya na ikaw lang ang minahal niya! Bihira sa isang relasyon ngayon na nagsasama hanggang kamatayan, kaya sobra kitang pinagmamalaki!!"
Napayuko ako. Ayaw kong isipin si Cheney ngayon, pero mukhang ipinagkakaloob ng langit sa akin na magsalita tungkol sa kanya. Gusto kong makinig sa mga payo niya, pero nasasaktan naman ako.
"iho, sa puntong ito, ramdam ko ang kalungkutan mo. Nakikita ko din sa mga mata mo ang pangungulila sa kanya. Huwag kang mag-alala, kahit wala siya sa iyo, physically, nandyan naman siya sa puso mo, kahit kailan! Ayaw ni God na nalulungkot ka."
"Sorry po, father pero, Kung ayaw po ni God na mangyari sa akin ito, eh bakit niya ako pinahihirapan ng ganito? Bakit niya inalis si Cheney sa amin? Unfair din po siya minsan!"
"Iho, hindi totoo yan! Kahit nasasaktan si God sa nangyayari sa atin kapag tayo ay nawalan ng mahal sa buhay, kailangang mangyari ang dapat mangyari. Huwag kang mag-alala, nandyan naman siya at he will give his helping hand to comfort us. May plano si God kung bakit niya kinuha sa inyo si Cheney, at kung anuman yun, well maganda ang plano niyang yun as I supposed."
Nabasa ko din ang scriptures sa bible sa gilid ng simbahan na nakadikit sa dingding.
"when they call on me, I will answer; I wll be with them in trouble. -Psalm 91:15"
Nakita agad ito ni Father. Tinignan rin ako ni Lei. Agad niyang hinawakan ang mga kamay ko.
"Alam mo iho, masakit na mawalan ng mahal sa buhay. Dama ko rin yun dahil minsan sa buhay ko na nawalan rin ako. Tulad mo, nagplano rin ako na wakasan na ang lahat sa buhay ko. Itinaboy ko rin pati kaibigan ko, pati ang Panginoon na kinilala ko. Sa tingin ko nun, parang pinabayaan nila ako, pero, Mali ako. Lahat ng nasa isip ko ay lingid na mali sa katotohanan. Pinadama nila sa akin na nandiyan sila. Hinayaan nila akong tumangis. Umiyak. Iiyak ang lahat hanggang sa lumuwag ang pakiramdam ko at unti-unting gumagaling ang sugat sa puso ko."
Tama si father. Sa sandaling yun, umiyak ako. Kinuha ako ni father mula sa kinauupuan ko at niyakap. Dama ko na para akong niyayakap ni God. Siguro alam niya ang pinagdadaanan ko. Kahit masakit sa puso ko ang nangyayari ay kailangan kong magpakatatag, para ito sa akin at para rin ito kay Cheney.
Pagkatapos akong umiyak sa dibdib ni father ay nakaramdam ako ng kalayaan. Biglang nawala ang sakit at hapdi ng nararamdaman ko mula sa puso ko. Binasbasan niya ako pagkatapos.
"Iho, ang gusto ko, harapin mo ang pagsubok na ito ng buong puso. Nanonood si Cheney sa atin. Alam kong masakit para sa kanya na umalis siya sa buhay natin pero, tutulungan niya tayo. Dadamayan niya tayo hindi sa pamamagitan ng pagpapakita o pagpaparamdam niya sa atin, kundi siya ang magsasabi kay God ng lahat ng nararamdaman natin sa puntong ito. Gusto kong pumunta ka sa burol. Kahit man lang sa huling pagkakataon, kailangan mo siyang makita. Masakit Oo, na nakikita natin ang mahal natin na natutulog sa kabaong na parang hindi nahihirapan, pero kailangan mo siyang harapin. Kailangan na iparamdam mo sa kanyang harapan ang nararamdaman mo, kahit masakit, kahit mahapdi, kailangan niyang makita yun, kaya iho, wag mong ipasawalang bahala ang lahat. Mahal mo siya at mahal ka rin niya."
May kinuha siya sa bulsa at ibinigay sa akin. Isang papel. Kailangan ko daw buksan at basahin yun sa necrological service ni Cheney. Gusto niya raw na makabasa, hindi lang ako, kundi ng lahat ng mga mahal niya sa buhay kung ano ang nasa maliit na papel. Sana ay maintindihan daw kung bakit na pinili niya na iwanan kami sa kabila ng pinangako niya sa akin, at sana maunawaan ko raw siya sa desisyon na ginawa niya.
Lumipas ang tatlong oras na nahimasmasan ako sa piling ni Father Michael. Binasbasan niya kaming dalawa habang nasa labas ng simbahan. Sasamahan daw siya ni Lei na pumunta sa huling lamay ni Cheney sa martes para magmisa sa harapan niya at maging leader na rin sa necrologic service niya sa araw na yun.
Lumabas kami ni Lei na tangan ang panibagong pag-asa. Sana unti-unti kong matanggap sa puso ko ang sakit ng pagkawala ni Cheney, at sana matutuhan ko rin na mamuhay sa aming nakaraan na walang hapdi sa puso kapag naaalala ko siya.
Habang naglalakad ay may nakasalubong kami na pamilyar sa akin. Yung tindera na pinagbilhan namin ng singsing nina Patrick at Cheney noong bata. Napansin kong tumanda siya. Nagkaroon ng puting buhok na dati naman ay wala sa kanya noon.
"Manang, Kamusta po?! Ako po ito, yung bata noon na bumili ng singsing nyo na sinungitan ninyo dati?"
"Ah, iho ikaw nga!! Yung kasama mo na dalawang mukhang foreigner na gwapo at maganda, teka, asan na ba sila ngayon?"
"Mukhang hindi na po kayo masungit simula nung bumili ako sa inyo ah, ay.. Ok naman po. Yung isa po nasa ibang bansa, tapos po yung isa..."
Bigla akong tumahimik saglit. Ayaw ko nang banggitin si Cheney na patay na kaya hindi ko na tinuloy ang pagkakasabi ko kung nasaan na kaming lahat ngayon.
"Ah.. Iho, ang tinutukoy mo ba ay yung batang babae? Ah.. Siya ang sinasabi ko na mag-ingat noong bata pa kayo. Kung tutuusin, siya ang naging kasangkapan para matuloy ang pagmamahalan ninyong dalawa ng kababata mo. Yung mukhang foreigner ba yun? Oo, yung lalaki! Kayo ang sinasabi ko na magkakatuluyan balang araw. Isa yung tadhana na talagang nakatakda na mangyayari sa inyo sa hinaharap. (sabay tingin kay Lei) teka.. Mukhang siya! Siya nga ang makakatuluyan mo balang araw. Siya yung bata na kasama mo noon na bumili sa akin ng singsing! Sigurado ako!"
Tumingin ako kay Lei. Mukha nga siyang foreigner. Tumingin din siya, parang gusto niyang sabihin sa akin na hindi totoo ang mga sinabi sa akin ng matandang tindera. Hindi ko na muna siya kinibo at bumalik ng tingin sa matanda.
"Sigurado po ba kayo? Eh noong 2nd year ko lang po siya nakilala eh. Isa pa, hindi po siya yung bata na sinasabi ninyo, nasa abroad na po yun at doon na po nag-aaral!"
"Basta iho, hindi ako nagsisinungaling!! Siya ang nakatakda sa'yo, kahit sumpain ako dito ng mahal na poong Sto.Niño ngayon!! Ipinapangako ko sa iyo, makikita mo ang walang hanggang kaligayahan sa kanya.(at dumukot sa kanyang bulsa habang nagsasalita) ah eto.. Eto iho isang kandila, batid ko na nagluluksa kayo ngayon sa pagpanaw ng kaibigan ninyo, kaya gamitin ninyo ito sa altar sa loob ng simbahan. Bilis, bumalik kayo at ipagdasal ang mahal ninyo sa buhay. Mahal kayo nun at mukhang kailangan niya kayo ngayon para magdasal sa kaluluwa niya. Huwag ninyo rin kakalimutan na ipagdasal ninyo ang isa't-isa, mas papagtibayin niyan ang nakatakda sa inyo na mahalin ang isa't-isa. Sige na't bumalik na kayo!! Magmahalan kayo tulad ng sinabi ko sa inyo!!"
Umalis kami ni Lei na nagmamadali para pumunta sa altar ng Sto. Niño sa loob at magsindi ng kandila para sa kanya. Bumalik akong muli sa matandang tindera at nagpasalamat.
"Salamat po... Aling— ah basta, maraming Salamat po at nagkita po tayong muli!!"
"Iho, Linda, Aling Linda na lang ang itawag mo sa akin. Walang anuman yun. Simula pa nung umpisa ko kayong makita noong bata pa kayo, ramdam ko na kayo nang dalawa ang magkakatuluyan! Sige humayo kayo't ipagdasal ang kababata ninyo at kayong dalawa!!"
Umalis akong patakbo at bumalik kay Lei. Mukhang nag-alala sa akin sya sa akin. Ipinatong ko nag kanang kamay ko sa balikat niya at ikinwento ang lahat ng narinig sa matanda simula noon una kaming nagkakilala hanggang ngayon. Naliwanagan siya pagkatapos.
Nang nakarating kami sa altar ay agad kong sinindihan ang kandila na binigay sa amin ng matanda. Pumikit ako at pagkatapos ay nagsimulang magdasal. Ipinagdasal ko ang kaluluwa ni Cheney pagkatapos ang pagmamahalan namin ni Patrick. Ipinagdasal ko rin na sana wag akong iwanan ni Lei dahil mas kailangan ko siya ngayon. Gayun din ang ginawa ni Lei. Pumikit siya at nagsimulang magdasal, pero sa puntong yun, taliwas sa ginawa kong pagdadasal. Umiiyak siya na unti-unting pumapatak ang mga luha sa ibaba ng altar. Agad kong hinimasmasan siya gamit ang kaliwang kamay ko. Pagkatapos ay niyakap ko siya sa harap ng altar at ipinangakong hinding-hindi iiwan kahit kailan.
5 minutes kaming nasa loob ng simbahan. Nang nakalabas kami ay napansin naming nawala ang matanda, hanggang sa nakita namin siya sa gilid ng pintuan na nagdadasal. Nagpaalam kaming dalawa sa kanya at napagdesisyunan na umuwi na ng bahay para doon magpahinga. Nakatakda kong puntahan si Cheney sa huling lamay niya sa martes para makita at masilayan siya sa huling pagkakataon. Matanggap ko kaya siya sa puso ko na wala na siya sa buhay ko?
Itutuloy...
I LOVE YOU CAKIE!! :(( Read more...