The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 2
Sunday, September 11, 2011
Author's Note: First of all, maraming maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay niyo sa kwento ng buhay ni Av Lopez. Maraming maraming salamat po,.Hindi ninyo po alam kung gaano ninyo ako napapasaya dahil sa mga comments and reactions niyo :) Pangalawa, I would like to apologize kung mas late na po ang update ko compared noon. Back to school na po kc ulit ako, tpos torture pa mga homeworks ng mga teachers ko kya mejo busy na -.- tpos may extra family events achuchu-achuchu pa. hayys. anyway, i would like to thank the following: Isang bonggang mention para kay russ (ayan po ah, unang-una ka pa para tlgang uber bonggang mention! lol) , Rue , Erwin Fernandez , dada , Arl , Roan , Jayfinpa , Darkboy13 , Mars , Jack , jm , wastedpup , kushu , Ace , mhei , jojie (and ur friend hehe) , MArc , royvan24 , mc , warren , patrick , Icy , Jasper Paulito , R3b3L^+ion , Mark Gonzales , Jay! , superman , kenji , -SLUSHE_LOVE- , -jj- , -RL , John143. At sa lahat ng anonymous and silent readers ng MSOB and LOL. :)
Siyempre I would like to thank my kuyas : kuya Jeffrey, kuya idol (coffee prince) , kuya kenji and kuya Vince ko. :)
And lastly, I would like to thank the 2 persons who made all of this possible, kuya mike and kuya jayson :).
Ay wait may nakalimutan ako,. IKAW! oo ikaw! wala lang. di na tayo bati! yaw ko na sau! >.<
ayan, kapag ba naman po may nakalimutan pa kong batiin eh ewan ko n lng xD. tlgang binalikan ko pa lht ng nagcomment simula nung una kaya i'm sure wala akong nakalimutan jn hahaha. anyway, eto na po yung episode 2! enjoy reading! :D
Episode 2 - Am I Really Av Lopez?
Hala! sino toh?! Aba! hindi porket gwapo ka eh magpapayakap na ko kaagad sa'yo!
Naku kunyare ka pa!
He's a complete stranger,..pero..para ngang kilala ko siya,.parang iba yung feeling ko sa kanya eh.
ano? natatakot ka? masaya ka ba? or...nalove at first sight ka na?!
Gaga!
Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin. "Uhmm, excuse me but you must have mistakenly thought I was someone else.." sabi ko sa kanya.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "No, I can't be wrong. YOU ARE SAM!" sabi niya.
Aba! ang kulit! Sabi nang hindi ako yung Sam na sinasabi niya eh,. naku isa pang pamimilit eh saSAMpalin ko na to!
"I'm sorry but I'm not that 'SAM' you're talking about." at talagang in-emphasize ko yung pangalan na Sam.. "My name's Av,. not Sam. okay?" ang medyo inis kong sabi sa kanya.
"But.." at hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang lumapit ang isa pang lalaki.
"Kuya Ken, we have to.." hindi din natapos ang sasabihin niya ng biglang napako ang tingin niya sa akin. Nagulat ako sa nakita ko. Nanlaki ang mga mata namin ni kuya Caloy. Kamukhang kamukha ko siya! As in parang pinagbiyak na mangga! The eyes, the nose, the lips.
OMG.Bakit kamukha ko siya?
Magkaiba lang kami ng haircut. Semi-kalbo ang buhok niya, ako naman, nakamohawk, yung parang may palong ng manok sa ulo, haha..
Wow teh! gwapo ka pala kung naging lalaki ka!
Tama naman ang boses..Parang nabighani ako sa itsura nung taong kamukha ko. Gwapo siya. Astig tignan. Lalaking lalaki. Mas malaki ang katawan niya sa akin ng kaunti at mas matangkad ng mga ilang inches. Mas dark ng kaunti ang skin tone niya kaysa sa akin.
"Sam.." bulong ng lalaking kamukha ko..
Naku eto pang isa na to. Sam ng Sam, hindi naman ako si Sam.
Pero hindi mo ba naisip kung bakit kayo magkamukha?
Natahimik ako..Maya-maya'y may lumapit na isang babae.."Mga anak, come on! We have to go now! May pupun-" hindi rin natapos ang sasabihin niya ng mabaling sa akin ang tingin niya..Tumingin siya sa lalaking kamukha ko.."Oh my gosh.." sabi niya.. biglang nagtubig ang mga mata niya.."Sam..anak ko.." sabi niya,. lalapit na sana siya sa akin ngunit bigla akong tumakbo palayo sa kanila. Sinundan naman ako ni kuya Caloy.
"Anak ko! sandali! bumalik ka!" sinubukan niya akong habulin, pero hindi siya nagtagumpay. Narinig ko ring sumisigaw yung Ken ng, "Sam! Wait!" ngunit hindi ko sila pinansin lahat. Naiwang nakatayo't nakatulala lamang ang lalaking kamukha ko.
Patuloy akong tumatakbo. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. May side sa pagkatao ko na gusto ko silang yakapin. Pero may side din naman na pumipigil sa akin na gawin ko iyon. Hindi ko pinapansin ang buong paligid ko..Nagulat na lang ako ng biglang may isang sasakyang bumusina sa harap ko.
"Av!" sigaw ni kuya Caloy.
Parang biglang nagising ang buong diwa ko. Muntik na pala ako masagasaan ng isang sasakyan. Buti na lang ay nakapagpreno ang driver kaagad. Biglang pumatak ang luha ko. Nilapitan ako ni kuya Caloy at hinawakan ang magkabila kong braso. "Bakit ka tumawid? Muntik ka na masagasaan!" sabi niya. Pero hindi pa rin ako nagsasalita at patuloy na pumapatak ang aking mga luha. Niyakap niya ako't itinabi sa daan. Nanghingi na rin siya ng paumanhin sa driver ng sasakyan. Buti naman at mabait ang driver at hindi na nakipag-away pa. Umuwi kami sa bahay nila ngunit hindi pa rin ako nagsasalita. Nakita ako ni nanay Solidad at nagtanong kung anung nangyari ngunit hindi pa rin ako sumagot at tumuloy sa kwarto. Naupo ako sa sulok ng kwarto.
Bakit ko siya kamukha? Bakit nila ako tinawag na Sam? At bakit niya ako tinawag na anak?? Ampon lang ba ako? Pero...hindi...hindi pwede...anak ako ng mommy at daddy ko..I am Ace Vince Raven Lopez.. I'm not Sam.
Pero paano kung hindi nga talaga ikaw si Av Lopez? Paano kung ikaw nga talga yung sinasabi nilang Sam? Baka kakambal mo yung nakita mo..Hindi naman siguro pwedeng basta kamukha mo lang siya, diba?
Kailangan ko nang makauwi.Kailangan kong malaman ang totoo. At makakasagot lang nito ay ang mga magulang ko.
Paano kung ampon ka nga lang talaga? Anong gagawin mo?
Hindi ko alam...
Nasa ganoon akong pagmumuni-muni ng biglang lumapit sa akin si kuya Caloy at naupo katabi ko. "Kilala mo ba yung mga tao na yun? Sila ba ang pamilya mo?" tanong niya.
"Hindi ko sila kilala.." sagot ko.
"Eh bakit kamukhang kamukha mo yung isa dun? At bakit ka tinawag ng babae na anak ka niya? At isa pa, diba Av ang pangalan mo? Bakit ka nila tinatawag na Sam?" sunud-sunod niyang tanong.
"Hindi ko alam..." yung lang ang nasagot ko.
Hindi na muling nagtanong si kuya Caloy.. Siguro naramdaman niyang hindi ko talaga alam kung bakit nga ganun.
"Kailangan ko ng umuwi kuya..."sabi ko.
"Pero Av,." sabi niya.
Hinawakan ko ang mga kamay niya't tinignan siya sa mga mata. "Kuya please..." sabi ko habang tumutulo ang luha ko..
Pinunasan niya ang mga luha ko't sinabi. "Sige,. ihahatid na kita pauwi."
"Salamat kuya pero huwag ka ng sumama kuya, kailangan ko tong gawing mag-isa..Ituro mo na lang sa akin ang sakayan..Dito ka na lang. bantayan mo na lang si nanay Solidad." sabi ko.
"Sigurado ka?" tanong niya.
Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.
"Sige." sabi niya.
"Salamat kuya." at niyakap ko siya.
Inihanda ko na ang aking sarili. Kinuha ko yung mga dati kong damit, ipinahiram naman sa akin ni kuya ang mga damit niya para iyon na lang daw ang suotin ko. Hindi na kasi natanggal ang stain ng dugo sa mga dati kong damit. Nagpaalam na ako kay nanay Solidad pero sinabi ko naman sa kanyang dadalawin ko rin sila. Hinatid ako sa sakayan ni kuya Caloy. Naisipan ko munang dumaan sa resthouse namin. Nagbabakasakali akong may tao doon, since doon ako huling nakita ng mga tao.
"Kuya pwede mo muna ba akong samahan sa resthouse namin?" tanong ko. Pumayag naman siya. Sinabi ko kung saan ang resthouse namin at napag-alaman kong malapit lang din pala iyon. Mga ilang barrio lang ang lalampasan at naroon na kami.
Pagdating sa resthouse namin, nakita ko na kaagad ang sasakyan namin sa labas. Agad akong kumatok sa pinto. "Mommy! Mommy!" sigaw ko habang ako'y kumakatok sa pinto.
Ng bumukas ang pinto'y nakita ko si Daddy. "ANAK!" tuwang tuwang sabi ni daddy. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Daddy!" sabi ko naman. Pumatak muli ang luha ko. Ang saya-saya ko. Biglang nawala lahat ng mga katanungan ko sa aking isip. Napalitan ito ng saya dahil nakita ko ng muli ang aking mga magulang..
"Thank God at buhay ka anak ko!" sabi ng daddy ko habang yakap yakap niya ako. Hinalikan niya ako sa noo. "Rosalie! Rosalie! Halika dito! Nandito na ang anak natin!"
Agad namang pumunta si mommy papunta sa amin. "Anak!!!!" sigaw ni mommy. Mangiyak-ngiyak siya sa sobrang tuwa. Agad niya akong niyakap ng mahigpit. "Mommy!" sabi ko. Umaagos na talaga ang mga luha ko ngayon. Namiss ko ng sobra ang mga yakap ng mga magulang ko. "Anak ko..salamat sa Diyos at hindi ka niya pinabayaan. Araw-araw kong pinagdadarasal na sana ay nasa mabuti kang kalagayan." sabi ni mommy. Mga ilang minuto rin ang nakalipas ng biglang mapansin ni daddy si kuya Caloy.
"Av anak, sino tong kasama mo?" tanong ni daddy.
"Mommy, Daddy, si kuya Caloy po, siya po ang nakakita't nag-alaga sa akin nung nahulog ako sa bangin." sabi ko.
"Magandang araw po!" bati ni kuya Caloy kina mommy at daddy.
Kinamayan ni daddy si kuya Caloy, "Maraming salamat sa'yo at hindi mo pinabayaan ang anak namin. Babawi kami sa'yo," sabi ni daddy.
"Naku huwag na po, ayos lang po iyon." sagot naman ni kuya Caloy.
Nginitian lang ni daddy si kuya Caloy. "Basta babawi kami sa iyo,."
Ngumiti lang din si kuya Caloy. Nilapitan naman siya ni mommy. Niyakap siya ni mommy. "Maraming salamat. Napakabait mong tao."
"Wala pong anuman. Mabait rin naman po ang anak ninyo kaya hindi naman po ako nagsisisi na tinulungan ko po siya." sagot naman ni kuya Caloy. "Sige po mauna na po ako, hinihintay pa po kasi ako ng nanay ko."
"Sige mag-iingat ka ha." sabi ni mommy.
Nilapitan ko si kuya Caloy at niyakap ko siya. niyakap rin naman niya ako. "Salamat kuya. Utang ko sa'yo ang buhay ko."
"Wala yun tol! Dadalawin mo kami ni nanay ha?" sabi niya.
"Ou, dadalawin ko kayo ni nanay Solidad. Kapag maayos na ang lahat. Pangako." sabi ko.
"O sige na. Hinihintay na ko ni nanay. Ingat ka dito ha?" sabi niya.
Tumango ako. "Ingat ka rin kuya!" sabi ko. At umalis na si kuya Caloy.
Pumasok na kami sa loob. Dumirecho ako sa kwarto ko dun at naligo. Habang naliligo ako, biglang bumalik sa aking isipan ang nangyari sa beach kanina. Napatulala tuloy ako habang nasa harap ako ng shower. Umaagos ang malamig na tubig galing sa shower papunta sa katawan ko habang nakatulala lang ako doon na parang statwa't hindi gumagalaw.
Kailangan ko na talagang malaman ang totoo.
Tama. kailangan mong malaman ang mga sagot sa mga tanong mo.
Totoo bang anak ako nina mommy at daddy? At kung ampon lang ako, paano ako napunta sa kanila? Pinaampon ba ako? Pinamigay? Ako ba talaga si Sam?
Bakit hindi mo iyan itanong sa mga magulang mo?
Tama. kailangan ko ng mga sagot nila.
Agad kong tinapos ang pililigo ko't nagbihis. Bumaba ako papunta sa dining area. Nakahanda na ang pagkain namin at nakaupo na ang daddy at mommy ko. Umupo na rin ako. Habang kumakain,.
"O anak, hindi mo pa ginagalaw yang pagkain mo, hindi ka ba nagugutom?" tanong ni mommy.
"Mommy..Daddy..may itatanong po ako sa inyo..sana po sabihin niyo po sa akin ang totoo.." sabi ko habang nakayuko.
"O sige anak, ano ba yung itatanong mo?" tanong ni Daddy.
Itinaas ko ang mga mukha ko. "Mommy...Daddy...Anak niyo po ba talaga ko?" tanong ko. biglang pumatak ang luha ko,.
Biglang nagtinginan sina mommy at daddy. "S-siyempre naman anak! Anak ka namin ng mommy mo!" sabi ni daddy.
"May nakita po kasi akong babae kanina. Tinawag niya akong anak. Anak daw niya ako. Tapos, may nakita rin po akong lalaking kamukhang kamukha ko.." sabi ko.
Natahimik ang mga magulang ko sa sinabi ko.
"Mommy, daddy, please...sabihin niyo po sa akin ang totoo." sabi ko habang umaagos ang luha ko. "I want to know the truth!"
Nilapitan ako ni mommy at niyakap ako. "I'm sorry anak..I'm sorry.." at umiiyak na rin si mommy.
"Pauwi kami ng mommy mo noon sa bahay natin sa Cabanatuan galing dito." sinimulang kinuwento ni daddy ang nangyari. "Malakas ang ulan. Nakasakay kami sa kotse. Habang binabaybay namin ang kalsada sa isang bayan sa Cavite, biglang napansin ng mommy mo ang isang bata sa tabi ng daan..Huminto kami at bumaba ang mommy mo. Nakita ka niyang basang-basa, nanginginig sa lamig at umiiyak. Mga 2 taong ka pa lang nuon. Kinuha ka ng mommy mo at dinala ka namin sa ospital dahil mataas ang lagnat mo.." huminto si daddy para magpahid ng luha.
Pinagpatuloy naman ni mommy ang kwento. "Ipinagamot ka namin..Sabi ng mga doctor, buti raw ay naipagamot ka namin kaagad, dahil kung hindi ay baka raw mas malala pa ang naging kalagayan mo. Habang nasa ospital ka kasama ko, napagpasiyahan naman ng daddy mo na hanapin ang mga magulang mo. Ngunit siya'y nabigo. Ilang araw rin ang nakalipas at nailabas ka na rin namin sa ospital. Niyakap mo nga ako at tinawag mo akong mommy. Ang saya saya ko nung araw na iyon. Wala kasi kaming anak ng daddy mo. Hindi kami biniyayaang magkaroon ng anak. Hanggang sa dumating ka." Hinawakan ni mommy ang magkabila kong pisngi at ngumiti sa akin habang parehas na pumapatak ang mga luha namin,.
"Kaya napagpasyahan naming ampunin ka." sabi ni daddy,."Kaya naaalala mo ba nung bata ka pa? Nung tinatanong mo samin kung nasaan ang mga baby picture mo?"
"Opo..ang sinabi ninyo sa akin ay nasunog lahat ng iyon dahil nasunog ang bahay natin nuong dalawang taong gulang pa lang ako." sagot ko.
"Tama.." sagot ni daddy. "Patawarin mo kami anak." nilapitan niya kami ni mommy at niyakap ako.."Hindi naming intensyong saktan ka..Hindi rin namin intensyong itago sa'yo ang lahat..Sasabihin naman talaga namin sa iyo,. hindi lang kami makahanap ng tamang oras. Pero ngayong alam mo na. Sana huwag kang magalit sa amin ng mommy mo." sabi ni daddy.
"Hindi naman po ako nagagalit sa inyo daddy. Nagpapasalamat pa nga po ako sa inyo. Dahil naging napakabait niyong magulang sa akin. At itinuring niyo akong isang tunay ninyong anak. Napakalaki po ng utang na loob ko sa inyo." sagot ko.
"Mahal na mahal ka namin anak." sabi ni mommy.
"Mahal na mahal ko rin po kayo mommy, daddy." sagot ko. at niyakap ko si mommy ng mahigpit at tuluyan ng humagulgol,.Nakayakap naman sa likod ko si daddy. Lahat kami'y umiiyak habang nakayakap sa isa't-isa.
Kinagabihan, nagpunta ako sa dalmpasigan at naglakadlakad.
Paano na kaya ako ngayon?. Ngayong alam ko nang ampon ako, sino talaga kaya ako? Ako kaya talaga si Sam?
Ikaw nga talaga siguro si Sam.
No..I'm not Sam.. I'm Av.. I'm Av Lopez. Anak nina Vincent at Rosalie Lopez. at hindi yun magbabago.
Pero kailangan mong tanggapin ang totoong ikaw. Ikaw si Sam. Anak nung babae kanina. Kakambal nung gwapong lalaki. At siguro eh kapatid ka ni kuyang gwapo na mukhang foreigner!
Nag-isip ako ng matagal,. Tama ka. kailangan ko ngang tanggapin..Pero paano? Iyan ang tanong na bumabagabag sa utak ko hanggang sa aking pagtulog.
Paggising ko, naghilamos ako't bumaba sa sala. Nagulat ako sa aking nakita. Naroon si kuya Caloy at ang mga magulang ko na nakaupo. Naroon rin yung babae kahapon. May kasama siyang isang lalaking foreigner, na possibly eh asawa niya, and possibly tatay ko. May kasama rin silang 3 lalaki pa, yung dalawa kahapon at may isa pa, ang mga possible brothers ko. Nakatingin lang silang lahat sa akin. Parang nanigas ang buo kong katawan habang nakatayo sa hadganan.
This is it teh!
Pwede bang mag-back-out? Or pwede time-out muna? Wait lang kukuha muna ko ng lakas ng loob sa bag ko.
Gaga! Harapin mo na! It's now or never!
Ugghh..Pano toh?! Somebody help me!
--------------------------
Until the next episode,
Av? or Sam? Read more...