The Best Thing I Ever Had - Season 2 Episode 8

Thursday, August 25, 2011


Author's Note: Maraming maraming maraming thank you po sa mga readers!!!!! thank you thank you thank you ng bonggang bonggang major major! lol. I would like to thank the following: (parang sponsors lang ng artista lol)
wastedpup - the president of Marco-Av love team fans club and anti AvRams lol
dark_ken - KUYA!!!!! lol., kaya lang feeling ko ang sama sama ko kasi parang inagaw kita dun sa isa mo pang bunso. >.<..
Jayfinpa- sana po hindi ka madisappoint sa part na to, hahaha i tried my best naman po lol
MArc, Darkboy13, Jack, Roan, warren, Superman and Mr. Anonymous na member din ng Marco-Av fans club. lol..also, I would like to thank my friends Macky and Coleen for helping me out. :) thanks guys love ya! And ciempre, thank you kay kenken ko :D mwah!

Anyway, enough with those,.this is episode 8 of The Best Thing I Ever Had Season 2! Enjoy reading! just leave comments below or send me a feedback, thanks! :)

Episode 8 - Confused

----------------------------------------
Everybody in the room is expecting me to say yes. But I don't think that's what in my mind.

Eh ano ba kasi talaga ang nasa isip mo?


Hindi ko alam.. Nabablanko ako!

Hindi ko talaga alam ang isasagot ko,. I'm not yet sure if he's the right one for me. I don't want to hurt him din naman. I don't want to humiliate him in front of everybody. Argghhh pano ba to? anong gagawin ko? Eh kung magkunyari na lang kaya akong himatayin para hindi na lang ako makasagot? 


Gaga! ikaw ang sama mo talaga! bakit mo naman yun gagawin sa kanya? eh kita mo namang mahal na mahal ka niya o.


Eh anong gagawin ko?! 


Sumagot ka na ng yes or no!


Arrgggghhh! Sana may bumagsak na UFO galing sa langit, or sana biglang lumidol, or terrorist attack?!


Gaga! edi ipinahamak mo naman lahat ng tao dito!


"Wag Av!" ang sabi ng boses na nanggaling sa likod ko.

O? sinong panira sa moment? 


Lumingon ako. Si Van! Anong ginagawa niya dito?


"Bakit ka nandito?!" ang pasigaw na tanong ni Ram.

Nilapitan ako ni Van at hinawakan ang magkabilang balikat ko,. "Av, niloloko ka lang niya. Wag kang maniniwala sa kanya,. ginagamit ka lang niya." sabi ni Van.

Nakatingin lang ang lahat sa amin na parang isang teleserye ang pinapanood. "Ako?! niloloko ko si Av? Teka, sino nga ba satin dalawa ang nangloko sa kanya ha?!" sagot ni Ram.

Hindi ako makapagsalita,. Parang nagfreeze ang buong katawan ko sa gitna nilang dalawa. "Anong sinabi mo?!" sabi ni Van na halatang galit siya.

"Ikaw ang manloloko!" sigaw ni Ram.

Nag-init ang ulo ni Van na bakas na bakas sa kanyang mukha ang matinding galit. In a split of a second, Van rushed towards Ram and gave him a punch in the face. Nagkagulo ang mga kaklase ko at dali daling umakyat sa stage. Agad ding sinuntok ni Ram si Van sa mukha. Nagbugbugan ang dalawa. Agad akong hinila nila Macky palayo sa kanilang dalawa. Sinubukang awatin ng mga kaklase ko ang dalawa ngunit sadyang malakas ang mga ito at talagang hindi natinag sa pakikipagsuntukan sa isa't isa.

Well don't just stand there! DO SOMETHING!!!!!


I finally came back to my senses. Ewan ko kung anung nangyari sa akin. "Tama na!" sigaw ko. pero hindi pa rin sila nagtigil. "TAMA NA!!!!" sigaw ko ulit. Lumapit ako para awatin sila ngunit bigla nila akong naitulak pabalik at natapilok at tumumba. Tumama ang ulo ko sa sahig. "Arrggh! Aray!" sigaw ko.

"Av!" sigaw ni Coleen at Macky,. Tinulungan nila akong makatayo.

Napigilan na ng mga kaklase ko ang dalawa. Pumipiglas piglas pa sila habang hawak hawak ng mga lalaki kong kaklase ang mga katawan nila. Parehas na may dugo sa kanilang mga labi. Tumingin sa akin si Van at napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha. "Av." sabi niya

"Epal ka talaga kahit kailan! Kita mo? Dahil sa'yo nasaktan si Av!" sabi ni Ram kay Van.

"Ikaw ang may kasalanan nito!" sabi ni Van.

"Shut up! Kung ayaw niyong tumigil! Sige! Magpatayan kayong dalawa diyan! Magsama kayo!" sabi ko sabay walk-out.

"Av sandali!" sigaw ni Van. susundan na niya sana ako ng bigla siyang harangin ng teacher ko.

"Hep hep! Anong kaguluhan to?" tanong ni Miss Mercado, ang acting class instructor namin. "Kayong dalawa! Mr. Romero and Mr. Chua! In the office now!" sabi ng teacher ko. "The rest of you, stay here and wait for me til I get back."

Paika-ika akong lumalakad palayo. "Mr. Lopez!" Tumigil ako at humarap sa kanya. Biglang kumirot ang ulo ko. Naramdaman kong may dugong lumabas dito. Lumapit siya't napansin ang dugo sa ulo ko. "Oh my gosh! Ms. Rosales! samahan mo si Av papunta sa clinic bilis!"

Hindi na ako umimik. Dinala ako ni Macky sa clinic. Agad namang ginamot ang sugat ko sa ulo ng school nurse. Pinapunta ko na si Macky sa klase dahil baka pagalitan pa siya ng teacher namin. Nung una'y ayaw pa niyang pumayag pero napilit ko rin siyang bumalik sa klase.

 Hinilot din ng school nurse ang natapilok kong paa. Hindi ko namang maiwasang hindi mapaluha sa sobrang sakit ng paa ko. "Aray!" nasigaw ko.

"Sorry pero tiisin mo lang. Sandali na lang to." sabi ng nurse.

Tumango lang ako sa kanya. Pasalamat ka gwapo kang nurse ka kung hindi! naku baka sinipa na kita! Ang sakit kaya!


Yan ang napapala! Hindi pa kasi nadala noon,.


Tumahimik ka na nga lang kung wala kang magandang sasabihin! 


At hindi na sumagot ang boses. Nakaupo ako sa gilid ng kama ng biglang bumukas ang pinto. Si Marco.

"Av!" dali-dali siyang lumapit sa akin. "Nalaman ko ang nangyari, ano ayos ka lang ba? Anong masakit sa'yo?" ang alalang alalang tanong niya,. Bakas sa mukha niya ang sobrang concern para sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

Natouch ako sa sobrang concern na ipinakita niya. Hindi ko namalayang bumagsak na pala ang luha ko. "O bakit ka umiiyak?" tanong niya. Pinunasan niya ang mga luha ko sa pisngi.

Hindi na ako sumagot at niyakap lang siya at umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, basta kusa na lang bumagsak ang mga luha ko. Siguro dahil sa sakit na nararamdaman ko dulot ng pagkatapilok ko at pagtama ng ulo ko sa sahig. Siguro rin dahil sa nahihirapan na ko sa sitwasyon ko ngayon. Sino ba naman kasi ang hindi maprepressure diba? Ikaw ba naman ang maging dahilan ng awayan ng dalawang tao na laging nauuwi sa sakitan, hindi ka mabobother? Ang hirap kayang isiping nag-aaway ang mga tao dahil sa'yo. Parang kapag sila yung nakikita mong nasasaktan dahil sa'yo, mas masakit ang dulot nito sa'yo.


Niyakap niya rin ako't hinimas himas ang aking likod. "Sige, iiyak mo lang iyan,. Nandito lang ang kuya Marco. hindi kita iiwan." sabi niya. Hinigpitan

Ang bait talaga ni kuya Marco. Lagi siyang nandiyan para sa akin..Whenever I'm with him, I feel so secured. Yung feeling na alam mong walang mananakit sa'yo dahil ipagtatanggol ka niya,.


So naiinlove ka na sa kanya?


Mabait si Marco. Sweet.. Naiinlove? Hindi ko alam..Parang...Ata..Baka..Maybe?.


Naku!


Hindi ko alam.,basta ang alam ko, I feel peace when I'm with him.


Simbahan teh?


Che! Pero alam mo, thankful ako na lagi siyang nandiyan para sa akin. Kahit na alam niyang mahal ko pa rin si Van, hindi siya sumusuko. Kung pwede nga lang na siya na lang ang mahalin ko. Kung pwede ko nga lang burahin sa puso ko si Van.


Pwede naman eh! You just have to try. Ang problema kasi sa'yo, masyado mo siyang minahal, kaya ayan, nasasaktan ka at nahihirapang makalimutan siya,.


Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa matanggal sa puso ko yang abnormal na mokong na Van na yan eh. 


Kaya mo naman eh! Ayaw mo lang!


Gusto ko kaya!


Kung gusto mo, edi sana, nakalimutan mo na siya ngayon,. eh hello? ang tagal na kaya nyong wala! Napagiiwanan ka na ng panahon!


Bakit? HELLO?????? 16 pa lang po ako, napagiiwanan ka dyan!


My point is, it's time to move on teh!


Nasa ganoon akong argument with the voice on my head ng biglang magsalita si Marco. "Sino ba sa kanilang dalawa ang gusto mong una kong bugbugin?" tanong niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tumawa. Pinunasan ko ang mga luha ko. "Kuya talaga." sabi ko.

"Seryoso ako Av." Seryoso ang mukha niya. "Patay sakin yang dalawa na yan." sabi niya.

"Kuya,." hinawakan ko ang pisngi niya. "I appreciate your concern. Pero please..wag na." sabi ko sa kanya.

"Pero Av, nasaktan ka! Tingnan mo oh, nagkaroon ka ng injury dahil sa dalawang." sabi niya.

"I know kuya..Pero ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nangyari sakin toh..besides, ayoko rin namang madamay ka pa. at masira ang pagkakaibigan niyo dahil sa akin." sabi ko.

"Oo, kaibigan ko sila. Pero kapag ikaw na pinag-usapan. Walang kaibigan kabigan.." sabi niya.

Ang sweet naman! Mahal na mahal ka talaga!


Niyakap ko siya. Pagkatapos ay humarap muli sa kanya. "Thank you kuya. Pero please. Wag na nating palakihin pa ang gulo. Okay?" sabi ko sabay ngiti.

Hinalikan niya ako sa noo. "Ikaw lang naman ang iniisip ko Av. Pero kung yan ang gusto mo. Sige. Pero next time na saktan ka nila o kahit sino man, magbabayad sila." sabi niya habang nakalapat ang mga palad niya sa pisngi ko.

Nginitian ko siya at tumango. Pinauwi na ako ng nurse dahil mas makakabuti daw sa akin ang magpahinga na lang. Wala naman kaming teacher sa next class ko kaya okay lang na umabsent ako. Besides, kung may teacher man, excuse naman ako kaya okay lang. Nagpasundo ako sa driver namin. Unusual nga eh, hindi naman kasi ako nagpapahatid or nagpapasundo sa driver namin. Kahit kasi pinipilit ako ng daddy na magpahatid sa driver namin, lagi kong sinasabi sa kanya na gusto ko ring matutong maging independent. Matutong mabuhay ng walang luho. Maging normal teenager. Anyway, pagdating ko sa bahay, si manang lang ang tao. Nasa work pa sina mommy at daddy. Agad akong Umakyat sa aking kwarto at natulog. Paggising ko, nakita ko si kuya Marco na nakaupo sa couch sa kwarto ko at nanonood ng tv. "Kuya Marco?" tanong ko habang kinukuskos ang mata ko.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko sa kama. "Sorry nagising ba kita?" sabi ni kuya Marco.

"Hindi naman.. anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Tinawagan ko kasi ang mommy mo para sabihin ang nangyari. .Ipininakiusap niya rin sa akin na samahan daw kita dito sa bahay niyo at bantayan ka,." sabi niya.

Naku! oo nga pala! hindi ko pa sinasabi sa kanila! Patay ako kay daddy pagdating mamaya. Papagalitan na naman ako ni daddy pag dating nun! Arggh.


"Salamat kuya ah." sabi ko na lang.

Nginitian niya ako. Biglang may kumatok sa pinto. "Pasok!" sabi ko.

"Av, may bisita ka sa baba." sabi ni Manang.

"Sino daw po manang?" tanong ko.

"Si Van at Ram daw." sabi niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kuya Marco. Nagtataka ako kung bakit sila nandito. "Sige po manang susunod na po ako sa baba." sabi ko. Naghilamos ako ng mukha at sabay kaming bumaba ni Kuya Marco. Naabutan naming nakaupo ang dalawa sa magkabilang dulo ng couch.

"Anong ginagawa niyo dito?!" ang galit na tanong ni Kuya Marco.

Lalapitan na sana sila ni kuya Marco pero hinarang ko ang kamay ko."Kuya. please." sabi ko. Nakapagpigil naman si kuya Marco sa nais niyang gawin. "Anong ginagawa niyo dito?" ang mahinahon kong tanong sa kanila.

"Nandito ako para mag-sorry sa nagawa ko. Hindi ko sinasadyang masaktan ka Av." sabi ni Ram. Nagmamakaawa ang mga mata niya.

"Ako rin Av. Hindi ko sinasadyang manggulo. Ayaw lang kasi kitang masaktan. Pero, nasaktan pa rin kita. Kaya sorry." sabi naman ni Van. Malungkot din ang mukha niya.

"Pero sinaktan niyo pa rin si Av!" sabi ni kuya Marco.

"Kaya nga nagsosorry eh,." sabi ni Van.

"Bakit? sa tingin niyo ba magiging okay na ang lahat after niyo magsorry?" sabi ni Marco,.

"Teka nga, bakit ba nakikielam ka ha? Si Av ang pinunta namin dito. Hindi ikaw! Sino ka ba sa akala mo ha?" tanong ni Ram.

Biglang natahimik si kuya Marco. Napahiya siya. Naawa ako sa kanya. Ipinagtatanggol lang naman niya ako. Tumawa si Ram. I have to do something.

"Will you please stop it!" sabi ko. "Wala kang karapatan para pagsalitaan ng ganyan si kuya Marco!".sabi ko.

"Bakit? Kaano-ano mo ba siya? eh kaibigan mo lang naman yan." sabi ni Ram.

"Siya?".lumapit ako kay kuya Marco at umakbay sa braso niya. "Siya ang boyfriend ko." sabi ko.

Boyfriend?!?!.




-----------------------
Until the next episode,
Av.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP