Barn Storm

Monday, April 9, 2012

Read more...

Perfect Two - Episode 8


Author's note: I'm really sorry for the late update. Busy po kasi sa school. I'm really really sorry.
Thank you so much sa mga nagbasa at nagcomment sa last episode. Hindi ko na po iisa-isahin, isang malakaing thank you na lang po para sa inyong lahat.

Anyway, this is episode 8 of Perfect two. Enjoy reading and just leave feedbacks below! :)

Episode 8 - Sorry (Part 1)



I caught him as he fell into my arms.

“What the heck happened?” I asked him furiously yet keeping my voice down, trying not to wake up the people sleeping inside the house.

“Napag…tripan ako diyan….. sa kanto..” He answered, as he tried to catch his breath.

“What?” I was shocked.. Why would he get into a fight? Actually, why is he there on the first place? Why would he go outside, walk down the street, late at night, oh correction, early in the morning, not thinking that there could be danger waiting for him in every corner that he turned?

But I saved the questions for later. Right now, the main concern is healing his wounds. Tinulungan ko siyang makaakyat sa kwarto ko. I tried to be as quiet as possible,. I don’t want to wake up anyone, especially my parents.. Because if they see this, they’re going to be furious, they’re gonna call the cops, the ambulance, the mayor, and probably even the president of the United States! Okay, maybe not..But you got the point.

I tried to lift his heavy body up as we go up every step of the stairs. I just smelled that scent in his breath,. Alcohol.

“Uminom ka?” bulong ko sa kanya.

“Konti lang naman..” sagot niya.

Eventhough he said na konti lang ang nainom niyang alak, I’m sure na he’s lying to me. Well, I don’t want to jump into conclusions but, after the incident yesterday, I felt like every single person in this world is lying to me… But yeah, I was just infected of that not-to-trust-anyone-anymore virus. Hindi mo naman kasi ako masisisi, I’m just being careful.

We reached my room. Inihiga ko siya sa kama ko, took of his shoes at kumuha ako ng mga gamot para malunasan ang kanyang mga sugat, at pati na rin ng isang palangganang may tubig at bimpo para mapunasan ang kanyang katawan. Kumuha na rin ako ng damit para makapagpalit na rin siya.

Hinubad ko muna ang suot niyang t-shirt at pinunasan ang kanyang katawan. Maganda ang katawan ni Paul, dahil nga sporty siya, physically fit siya. He has those 6 pack abs. Pero hindi ko muna binigyang pansin iyon.

“Ano ba naman kasi itong taong to oh! Maglalasing-lasing, tapos ayan, magpapabugbog pa..Hay nako.” Sabi ko na lang habang pinupunasan ko siya.

Hinawakan niya ang kamay ko. “I’m sorry..” sabi niya habang nakapikit siya.

Napabuntong hininga na lang ako.. Anu pa bang magagawa ko? Alam mo naman na hindi kita matitiis eh! Hmf! Gwapo mo kasi eh!

Pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa kanya. Napapaliyad naman siya’t napapaungol ng kaunti kapag nahahawakan ko ang mga sugat niya. Nag-sosorry na lang ako everytime I do so.

Pagkatapos ko siyang punasan at gamutin at lagyan ng band-aid ang mga sugat niya, binihisan ko na siya. Buti na lang at parehas lang kami ng size nitong si Paul, kaya naipahiram ko pa sa kanya ang isa kong T-shirt. Iniligpit ko na ang mga ginamit ko pagkatpos ko siyang tulungan magbihis. Pagbalik ko sa kwarto, nakita ko siyang nakatitig sa kisame. I was staring at his gorgeous face when I noticed a tear fell off his eye.

Nagulat ako sa nakita ko.. It was the first time I saw him cried. The first tear I ever saw that left his eye. And not just one tear, but a lot. Because now he’s crying. I closed up the door and went next to him. I sat on the edge of the bed as he wiped his tears off his cheeks.

“Do you want to talk about it?” tanong ko sa kanya. Mukhang may problema tong tao na ito..and whatever it is, I know na mabigat yun..kasi ngayon ko lang siya nakitang nagkaganyan,.

Hindi siya sumagot. But instead, bumangon siya’t niyakap ako.

“Paul.” Hinawakan ko ang kamay niya. “Ano bang nangya-”

Hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

“I’m sorry Vin..I’m really sorry..” sabi niya habang umiiyak sa likod ko.

“What are you sorry for? I told you, okay lang..I’m your bestfriend, kaya dapat lang na tulungan kita. Lalo na ngayon na may problema ka. I understand naman Paul. You don’t have to say sorry.” Sagot ko sa kanya, thinking na he was apologizing for the trouble he caused when he came here drunk and wasted.

“No Vin. You don’t understand.” Sabi niya.

“What?” naguluhan ako sa sinabi niya. “Bakit? Ano ba yun?”

“I heard you..” sabi niya.

“You heard me???” naguguluhan na talaga ako.

“I heard you and Frank, talking at the park.”

Nanlaki ang mga mata ko. No, he didn’t just say that.. tell me I’m just dreaming..tell me this in not true!! This can’t be…No!

“I followed you.. I was curious on what are you gonna talk about, because you seem like you have a problem.. I didn’t mean to eavesdrop but…”

Napatayo ako at napalayo sa kanya.

“Anong narinig mo?” tanong ko.

“Everything..” sabi niya.

And that killed me. Napatulala ako at napasalampak sa sahig..Now he knows that I’m this…I’m gay… Now he knows…Now he’s gonna hate me… Not he’s not gonna be friends with me anymore,. Now he’s gonna think that I’m just a dork walking down the hallway.. an outcast..

“I’m really sorry Vin..it’s my fault…ako ang dahilan kung bakit ka nasakatan…I’m sorry..” at patuloy lang siyang umiiyak..

I tried to compose myself..

“It’s not your fault Paul…It’s mine… I was the one who chose to do this… not you..” sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko siya matingnan..Hiyang hiya ako..

Tumayo siya at nilapitan ako. Niyakap niya akong muli. “No..I was the reason kung bakit niya yun ginawa sa’yo..I was the reason kung bakit ka niya sinaktan.. So it’s my fault..”

Napayakap lang ako sa kanya ng mahigpit, at umiyak..

Mga ilang segundo rin siguro kaming magkayakap ng bigla akong kumalas sa yakap niya. Natahimik kaming dalawa..

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa sahig..

Makalipas ang ilang segundo,.

“So what now? Now that you know I’m…I’m…gay..” sabi ko.

“What do you mean?” tanong niya.

“You know what I mean..” sabi ko.

Napabuntong hininga siya. Inangat niya ang mukha ko. “Nothing’s going to change. You’re still my bestfriend, and I’m yours.” Sabi niya ng nakangiti.

“Hindi ka ba naiilang?” tanong ko at ibinaling ang tingin sa iba..

“Hindi naman siguro..Hindi ka naman magbabago diba? And, parang nahahalata ko na rin noon pa..Nung umiyak ka nung nag-away tayo. Chaka yung sa inyo ni Frank...Pero hindi ko na lang pinansin..wala ka naman kasing masamang ginagawa..and isa pa, you’ve been a great bestfriend.” Sabi niya ng nakangiti.

Totoo ba yung sinasabi niya? Mukhang hindi naman totoo..Isang straight, na gwapo, hot at campus crush na tulad niya, okay lang na magkaroon ng isang gay bestfriend?? Mukhang lasing na talga to..Pero,.on the other hand..okay na rin..pero…ewan!

“As long as hindi ka magkakagusto sakin..You don’t have feelings for me or anything, don’t you?” tanong niya.

Nagulat ako sa tinanung niya. He caught me..what do I do?!

“Of course not! Totally not... You’re not that hot Paul so don’t be so conceited!” Palusot ko na lang… Patay..

Ngumiti lang siya sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at pumunta na sa kama..

“So ano, diyan ka na lang matutulog sa sahig?” tanong niya.

At tumayo na rin ako para humiga sa tabi niya..Nakaharap siya sa akin ngunit ako nama’y nakatalikod sa kanyang humiga.

“Vin.” Bulong niya.

“hmm?” ngunit hindi ako humarap sa kanya.

“I’m sorry ulit..” sabi niya.

Napangiti na lang ako. “Matulog ka na nga!”

Nabawasan na nga ng isa ang problema ko, ang pagtago sa bestfriend ko kung ano ako.. I thought it would be hard, but it turned out, na hindi ko na kailangan mamroblema pa.. Tanggap naman niya ako kung ano ako.. hindi ko nga lang alam kung paano or bakit.. Pero ang mahalaga, tanggap niya ako.. Kaya lang, the end of one problem caused the birth of the other.. I lied to him..may nararamdaman naman talaga ako para sa kanya..Noon pa.. at ngayon, kailangan ko pa ring magpanggap,.. so parang wala pa ring nagbago..hays..Sana  bukas paggising ko wala na akong problema..

At nakatulog na kaming dalawa..

Nagising akong may isang anghel sa harap ko.. Ang gwapo niya. Tinitigan ko siyang mabuti..His bushy eyebrows..his thin lips that seems like seducing me..his nose..his whole face…it feels like they’re inviting me to him.. Pero nagpigil ako.. I don’t want to take advantage over him..lalo na ngayon..ngayon na tanggap niya ako..kahit na may doubt pa rin ako kung tanggap nab a talaga niya ako..

So I closed up my door of fantasy and stood up to face the reality. I washed my face with cold water, hoping it would also wash away the fairytales on my mind and wake me up into the real world. Pagbalik ko sa kwarto, naabutan ko siyang nag-iinat na ng kanyang mga braso.

“Good morning!” bati niya sa akin.

Inirapan ko lang siya.

“Hmmm? Anong problema mo?” tumayo siya at lumapit sa akin..

“Paano natin i-eexplain sa kanila to?” sabi ko.

“Oh right..” napatingin siya sa sahig at napakamot sa ulo. “I got it! Sabihin natin na kaninang umaga ako nagpunta dito..at uhmm..nasiraan ako ng kotse malapit dito kaya nakituloy na lang ako.. Sounds believable?” tanong niya sabay ngiti.

“Argghh…ewan..bahala ka nang mag-explain sa kanila..” lalabas na sana ako ng kwarto ng bigla na akong pigilan.

“Teka..hindi mo man lang ako tutulungan dito??”

“Hayy…Oo na sige na..” at napilitan na lang ako..

“Ayiee. The best ka talaga.” Sabay yakap sakin ng mahigpit. “Pa-kiss nga!”

“Yuck Paul!” sabi ko. Pero deep inside, gustong gusto ko!!

“Ahh yuck pala huh.” At sinimulan na niya akong kilitiin.

“Paul ano ba! Tama na nga! Magising sila mommy o!” pagbabawal ko sa kanya.

“Kiss ko muna.” Sabay nguso niya.

“Umm! Kiss-kis mo sa pader!” sabay tulak ko sa noo niya.

“Vin.”

“Ano na naman?” tanong ko.

“Ang sakit ng labi ko..Parang may kumagat!” hinawakan niya ang labi niya at saka ngumiti sa akin.

“Excuse me Mr. Rivera, hindi ko kinagat yang labi mo no!” sumbat ko sa kanya.

“Bakit sinabi ko bang ikaw? Bakit parang defensive ka?” Nakangiti siyang lumapit sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng inis..“Pasalamat ka gwapo ka. Kung hindi naku!” Bulong ko.

“Ano yun?” tanong niya.

“Wala! Sige na maghilamos ka na! Magtoothbrush ka na rin! Ang baho ng hininga mo!” sabi ko sabay tawa.

“Ang yabang mo naman!” sabi niya.. “Hmp!” At tumalikod na siya papunta sa banyo.Hinintay ko muna siya bago ako bumaba.

Pagkababa namin, nagulat sila ng makita nila si Paul.

“Oh Paul anak, nandito ka pala. Anong oras ka dumating?” tanong ni mommy.

“Good morning po tita, tito,.” Sabay beso-beso sa mommy ko at mano sa daddy ko. “Kaninang madaling araw po ako dumating, nasiraan po kasi ako malapit dito kaya tinanung ko po kay Marvin kung pwedeng dito na lang po ako makitulog.” Pag-eexplain niya.

“Hindi ko na po kayo ginising. Ayaw ko naman po kasing maistorbo kayo sa pagtulog.” Dagdag ko pa. Napatingin sa akin si Paul at ngumiti.

“Ahh ganun ba..O siya siya, halina kayo’t kumain na tayo.” Pag-yaya sa amin ng daddy ko..mukha namang naniwala sila sa paliwanag ni Paul..

Habang kumakain,.

“San galing yang mga pasa mo kuya Paul?” tanong ni Ian kay Paul ng mapansin niya ang mga pasa sa pisngi ni Paul.

Sh*t. Pano to? Anong sasabihin namin? Nagkatinginan kaming dalawa.

“Ah eh..Nagkainitan lang kasi sa practice namin kahapon. Pero oaky lang ako, galos lang to.” Palusot na lang niya.

“Ayos ka lang ba anak?” tanong ng mommy ko sa kanya.

“Okay lang po ako tita.” Sagot na lang niya.

“Huwag kang pumapatol sa mga basag-ulo diyan ha. Baka mapuruhan ka pa. Lumayo ka na lang, hayaan mo na lang sila. Mga walang patutunguhan ang mga buhay ng mga iyon” payo naman ng daddy ko.

“Yes po tito.” Sagot naman niya.

Natapos kaming kumain at bumalik na kami sa aking kwarto para mag-ayos ng mga gamit niya.

“O, eto yung bag mo kahapon, hindi mo na binalikan dito sa bahay.” Sabay abot sa kanya ng bag na may marumi nong mga damit. “Nandiyan na rin yung suot mo kaninang umaga.”

“Thanks.”

“Ano ba talagang nangyari sa’yo?” tanong ko sa kanya.

“Napagtripan nga ako diyan sa may kanto niyo..” sabi niya.

“Eh ano naman kasing ginagawa mo diyan?” tanong ko ulit. Hindi naman kasi ako kumbinsido sa sinabi niya.

“Can’t we just not talk about it Vin? Please.” Parang iniiwasan niya ang topic.

“But Paul nasugatan ka oh, alanganamang palampasin natin to. I-report natin sa police.” Suggest ko.

“Wag na okay lang ako Vin.” Parang naiinis na siya sa kakulitan ko.

“But Paul.”

“Vin I said stop!” nagalit siya sa akin at napasigaw siya.

Napatigil naman ako at napatulala..napatingin sa sahig..

“I’m sorry..” lumapit siya sa akin.

“No, don’t be..Ako dapat ang mag-sorry..ang kulit ko kasi…hindi na dapat kita kinulit..” binigyan ko na lang siya ng isang pilit na ngiti.

Hindi ko na dapat siya pinakielaman.. Hindi ko na dapat siya kinulit ng ganun..

“I’ll be downstairs, just call me if you need anything.” At lumabas na ako ng kwarto.

Bumamaba ako at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Pagkatapos ay umupo ako katabi ng  mommy ko na nanonood ng TV sa sala. Maya-maya’y bumaba na rin si Paul dala ang mga gamit niya.

“Sige po tito, tita, alis na po ako..salamat po.” Paalam niya sa mga magulang ko.

“Sige anak mag-iingat ka,.” Sabi naman ni mommy.

“Sige kuya, Ian,” paalam naman niya sa mga kapatid ko.

“Bye Vin,” paalam niya sa akin.

“Bye..ingat.” sabay bitaw ng isang pilit na ngiti.

At umalis na siya..pagkaalis niya’y pumunta kaagad ako sa kwarto ko. Pagtingin ko sa desk ko, may isang note na nakalagay.

“I’m sorry” ang sabi sa note, pagkatapos may sad face pa sa dulo.

Napangiti na lang ako.

Si Paul talaga,. Kahit anong gawin niya sakin, kahit sobrang inis or galit ko pa sa kanya, hindi ko pa rin siya matiis. Hay..mukhang tinamaan na talaga ako sa bestfriend ko.


Lunes ng umaga.. May pasok na naman..Pero parang ayaw ko pang pumasok..mukhang hindi pa rin ako nakakpag-get over sa long weekend namin. Nagpunta kasi kami ng famil ko sa isang waterpark. At nag-enjoy ako ng sobra. Parang ayaw ko na ngang umalis eh, lalo na kasi ang cute nung lifeguard! Lol!

Anyway, so ayun, kahit ayaw kong pumasok, pumasok pa rin ako..

Nasa locker ako at kinukuha ko ang mga notebook ko ng biglang may kumalabit sa akin. Pag-lingon ko, bumulaga sa akin ang aking knight in shining armor. Joke!

“Good morning babes!” sabay ngiti sa akin.

Natawa naman ako sa sinabi niya. “Ulul! Babes ka diyan!”

“Ayiiee napatawad na niya ko.” Sabi niya.

“Ewan ko sa’yo.” sabay talikod ko sa kanya.

“Sorry na.” nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

OMG, nasa public kami! Kung sa bahay okay lang, pero dito? NO!

Sasawayin ko na sana siya ng biglang may nagsalita.

“Ano to?! Pinagpapalit mo na talaga ako?!” sigaw ng isang tao sa gilid naming.

Natawa naman ako sa sinabi nitong isa na to. Eto pa isang abnormal.

“Hay nako abnormal day ba ngayon? Bakit ang dami atang nakawala sa mental at nagkalat sa paligid.” Parinig ko sa dalawa.

“Bleh RL!” sabay dila ni Paul kay RL, yakap yakap pa rin niya ako. “Ako lab ni Vin ikaw hindi!”

“Alisin mo nga yan!” at tinanggal ni RL ang mga kamay ni Paul na nakaakap sa akin. “Akin lang siya! Diba Papa?” sabay tingin sa akin.

“Ah ehh…Papasok na ko sa class ko, see you later! Bye!” sabay sara sa locker namin at naglakad palayo sa kanila.

“Sandali lang Pa!” sigaw ni RL.

Pero hindi ko na siya nilingon. Natatawa-tawa pa rin ako habang naglalakad ako palayo sa kanila. Hay nako, tong dalawang mokong talaga na to.Tsk Tsk.

Well, Monday turned out to be fine. Everything was going the way it’s supposed to be, and I didn’t see anyone that can ruin my day.. *cough*, Frank, *cough*.. lol.

“Hindi ka ba sasabay samin pauwi?” tanong sa akin ni RL.

“Ah eh, may dadaanan lang muna kasi ako..kaya mauna na kayo..” sabi ko na lang sa kanila.

“Gusto mo bang samahan kita?” tanong ni Paul.

“Wag na,.kaya ko na tong mag-isa..ingat na lang kayo.” At nagpaalam na ako sa kanila.

Sumakay ako ng bus para puntahan ang isang lugar na matagal ko nang hindi napupuntahan.

Pagdating ko doon, napansin kong parang walang nagbago sa lugar na iyon. Naroon pa rin ang mga magaganda’t makukulay na bulalak sa paligid, ang mga punong matataas, ang mga squirrel na tumatakbo sa damuhan, at ang favorite spot ko, ang isang bench sa harap ng ilog. You can see the Manhattan Skyline from up here. Umupo ako sa bench at nilanghap ang simoy ng hangin.

I miss this place. Hindi ko alam kung bakit pero, may nagtulak sa akin para magpunta ulit dito..bigla kasi siyang pumasok sa isip ko.

Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ko ang isang kwintas. Sa kwintas na ito’y nakalagay ang isang silver na singsing. Tinignan ko ang singsing at binasa ang nakaukit dito.

“K loves M” iyang ang nakaukit sa singsing.

“Nasa iyo pa rin pala iyan.” Biglang may nagsalita sa likod ko.

“Oo. Hindi ko naman kasi maitapon..sayang naman..” sabi ko.

“Kamusta ka na Theo?” siya lang ang tumatawag sa akin ng Theo, short for Theopher..

“Okay lang naman..ikaw?

“Eto..kahit papano okay lang naman.” Sagot niya.

Tumabi siya sa akin. Tiningnan ko siya habang nakatingin siya sa malayo.

“Kenneth….”



Until the next episode,
Vin.



contact me @: binz_32@yahoo.com

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP