Beautiful Andrew : Chapter 2

Monday, December 5, 2011

By: Glenmore Bacarro


Naging malapit sina Andrew at Carl sa isa’t isa, halos lagi silang magkasama na nakikita sa kabuuan ng hospital, kung minsan ay nakakasama din nila si nurse Nel. Sweet at mabait sa kanya sina Carl at nurse Nel, at sa ilang araw nilang magkakasama ay hindi niya mapigilan ang mahulog ang loob kay Carl. Ang hospital ang naging tagpuan nila, matagal na ding hindi naka confine si Andrew, dumadalaw dalaw na lang din ito sa hospital para sa kanyang check up na kung siya lang ang masusunod ay hindi na niya gagawin, kung hindi lang dahil sa kung minsan ay sinusumpong siya ng panghihina at pagsusuka, at higit sa lahat sa hospital lang niya lagi nakikita si Carl. Halos ginawang bahay na ni Carl ang hospital, hindi niya alam kung saan ito nakatira bukod sa isang kwarto sa hospital na kanyang pinagtatambayan pag naroon ito. Ang tanging alam lamang niya ay ulila na siyang lubos at ang namayapa nitong ama ay stock holder sa hospital na ‘yon.

Himalang wala itong cellphone, kahit halos lahat na yata ng tao sa mundo ay gumagamit nito, natanong niya minsan at tanging kibit balikat lang sagot nito sabay sabing aanhin niya pa ito? Ayaw man niyang aminin ay tuluyan ng nagagapi ng pag ibig ang lahat ng kanyang takot, hindi niya kayang ipagtapat kay Carl ang nararamdaman dahil sa tuwing nagbabalak siya ay parang lumalayo si Carl sa kanya, para bang nagtatayo ito ng pader sa pagitan nila kapag nagtatangka siyang ipadama dito ang lihim niyang pagibig. Ngunit alam niya, sa bawat salita at tingin sa kanya ni Carl ay mayroon din itong nararamdaman para sa kanya, kailangan lang niya itong paaminin, ngunit papaano?

---

 “But why Carlo?!...’di bat handa na ang lahat? Bakit ngayon umaatras ka?!” halos pasigaw na ang boses ni Nel, dinig na dinig ito ni Andrew habang papalapit siya sa pinto ng Conference Room, sinabi ni nurse Jamie na dito raw niya matatagpuan sina Nel at Carl.


“I told you my reasons, Nel… I just can’t.” mahinahon na sagot ni Carl.


“No, Carl... you should do it, please… for me, for all of us” tila nagmamakaawa na ang boses ni Nel.

“I changed my decision, I’m ready for the consequences… you can’t chance my mind Nel. I don’t want you to understand, I just want you to know.” Pagtatapos ni Carl.


“But Carl,” garalgal ang boses ni Nel, pagdakay halos pabulong itong nagsalita “it’s because of him, right? Its Andrew.”


Kumabog ang dibdib ni Andrew pagkarinig niya sa kanyang pangalan, pipihitin na sana niya ang pinto ng biglang may kung anong kirot ang sumirit sa kanyang dibdib, parang sasabog ito at waring gustong kumawala ng nagpupumiglas niyang puso, sisigaw sana siya para humingi ng tulong ngunit wala ng namutawing salita sa kanyang bibig dahil tuluyan na siyang nawalan ng ulirat, mabuti na lamang at makapal ang balabal na nakabalot sa kanyang ulo kaya hindi ganon kalakas ang hampas ng kanyang ulo sa sahig.


Pagdilat ng kanyang mga mata ay mukha agad ni Carl na alalang alala ang kanyang nabungaran.

“Are you okay beautiful?” nakangiti ngunit nagaalalang tanong nito, hinalikan niya ito sa noo.


Napangiwi si Andrew sa tinuran nito ngunit tumango na lamang siya at iginawi ang paningin sa dalawang taong naguusap sa may pintuan, sina Dr. Santos at nurse Nel.

Lumapit ang mga ito ng may pagaalala, “How’re you feeling Mr. Tabuso?” tanong ni Dr. Santos. Tahimik lang na nakamasid si Nel, idinako nito ang paningin kay Carl at dagling tumango.


Tumango din si Carl na naintindihan ang ibig sabihin ni Nel, masuyong hinalikan nito ang kamay ni Andrew, tumalikod at tinungo ang pinto.

Masuyo ang halik at ramdam niya na puno ng pagmamahal, ngunit bakit kung minsan ay umiiwas ito.
Naguguluhang itinuon niya ang paningin kay Nel, matipid na ngiti ang isinukli niya dito.


“Ahmm…Mr. Tabuso, we really have to do the operation” walang pasakalyeng paliwanag ni Dr. Santos, “base sa mga signs and symptoms mo, maaring lumala o kumalat na ang mga cancer cells”  dagling tumigil saglit ang doctor “Mr. Tabuso, you have a high chance of survival, kung papaya ka lang sana… we are just concern sa kalagayan mo, Andrew” lumambot ang boses na pagpapatuloy ng doctor.


“Give me time to think doc.” Ang tanging nasagot niya at tumalikod sa dalawa, ayaw na niyang magi sip, gusto niyang mapag isa.

Lumabas ng kwarto ang dalawa, iiling iling si Nel at may mapait na ngiti sa kanyang mga labi, sa isang saglit din ay napatiim bagang sya, tila ba may kung anong iniisip na nagpaparanas sa kanya ng galit at sakit.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP