Showing posts with label Unbroken. Show all posts
Showing posts with label Unbroken. Show all posts

Chapter 12: Unbroken

Friday, February 4, 2011

"Unbroken 12"
"THE FINALE"
-It's Unbroken.-
-unbroken-


Ramdam ko ang init ng katawan ni Daniel. Nalalasap ng aking balat ng init ng kanyang paghinga. Sa pagkakalapat ng aming mga katawan ay ramdam ko ang pagpintig ng kanyang puso. Hindi pa rin umaalis ang kotse. Tahimik lahat ng tao rito. Walang gustong bumitaw sa aming dalawa. Nararamdaman ko ang pagdiin ng yakap ng aking lalaking pinakamamahal. Piniga ko pa ang aming mga katawan. Lalong diniinan ang pagkakadikit nito. Ayoko ng maalis ang init ng kanyang katawan sa akin.

Dahan dahang naramdaman ko ang pagdausdos ng kanyang katawan. Bumitaw sya mula sa aming pagkakayakap at tumitig sa akin. Nangungusap ang mga mata nito. Natutunaw ako sa titig ng kanyang mapanuksong mga mata. Inilapat nya ang kanyang noo sa akin,nagtatama ang aming mga ilong. Tila ba nageespadahan ang mga ito. Mula sa ganoong posisyon ay nasilayan ko muli ang pagguhit ng pakurbang linya sa kanyang mga labi. Namalas ko ulit ang ngiti sa kanyang mga labi. Wala pa ding nagbago,ramdam ko pa din na malakas si Daniel. Wala pa ding nagbago,alam kong kaya ni Daniel to. Alam kong magtatagal pa kami,magkasabay kaming tatanda at sabay kaming mamamatay.

Mula sa ganoong posisyon ay dahan dahang dumampi ang kanyang malambot na labi sa akin. Nalasahan ko muli ang tamis nun. Di ko maipaliwanag,automatic na lumaban ang aking mga labi. Ramdam ko ang pagmamahal. Ramdam ko ang sinseridad. Ramdam ko na parang walang nangyari,na hindi sya umalis at hindi nya ko iniwan. Halik palang niya ay parang nakabawi na sa lahat ng sakit na naidulot nya sa akin. Nasa ganoon kaming tagpo ng magsalita si Pixel.

Read more...

Chapter 10 to 11 : Unbroken

Anybody's Heart
“The heart that you broke,it wasn't just anybody's heart.”
-Katharine Mcphee,Anybody's Heart.


Kakaibang intensity ang aking naramdaman ng muling magtama ang labi namin ni Daniel. Ibang-iba ito. Muli kong naramdaman ang lambot ng mga labi nya. Muli kong nalasahan ang tamis ng kanyang laway at bango ng kanyang hininga.. Muli kong nasaksihan ang kanyang mukha. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama. Hindi ko mawari kung anong dapat kong maging reaction sa nangyayari. Basta ang alam ko,sobrang kakaiba ang nararamdaman ko ng muli kong nalasap ang mga halik ni Daniel.


Patuloy ang pagtutungali ng aming mga labi. Masiglang nanunuod ang buwan at ang mga bituin. Kitang kita nila ang nagaalab naming mga emosyon kasabay na rin ang pagdampi ng malamig at mapanuksong hangin sa aming mga balat. Kumalas si Daniel mula sa pagkakahinang ng aming mga
labi at tumitig sa akin. Gustong kong matunaw sa mga titig nya. Alam ko sa  sarili ko na hindi din magiging okay. Mali na ito. Makakasakit ako ng tao. Ayokong masaktan ulit. Ayoko masaktan si Carlos.


Carlos. Naalala ko si Carlos. Ang lalaking nagtyaga sa akin mula ng binasura ako ni Daniel. Si Carlos na hindi man lang ako iniwan kahit minsan. Si Carlos na naging tapat at nagparamdam sa akin na mahalaga pa rin ako after ako iwanan ng lalaking pinahalagahan ko. Si Carlos na mabait.
Si Carlos na mahal na mahal ako. Tila malakas ang naging impact sa akin ng pagpasok ni Carlos sa isip ko. Naalala ko na kung gaano nya ako minahal ay ganun naman ako binasura ng lalaking nasa harap ko para sa babaeng binuntis nya. Mula sa tuwa,unti-unti akong binalot ng galit.


“FR. Happy Birthday.” Malambing na sabi ni Daniel.

Read more...

Chapter 8 to 9 : Unbroken

“Unbroken 8”
Say Goodbye
“Words are like scissors in your hands.”
~Katharine Mcphee,SAY GOODBYE~


Nagitla ako sa aking nabasa. Hindi ko alam kung anong dapat kong ikilos. Magiging masaya ba ko para sa kanya at sa bago nya? Magiging bitter ba ko dahil ako dapat ang kasama nya sa States?Ano ba dapat kong maramdaman. Again,Unlimited Luha na naman. Kahit ako naguguluhan na sa mga nangyayayri. Si Daniel pupunta sa States? Bakit? Anong aayusin nya? Teka. Ano ba to? Bakit pa nya ko kailangan itext at may pa “HON-HON” pa? Bakit pa ba ko naapektuhan? Bakit pa ba ko umiiyak? Bakit ba sobrang sakit pa rin? Di ko namalayan na hikbi na pala ako ng hikbi na parang batang nawalan ng laruan. Talunan na talunan. Durog na durog.

Dali dali naman akong kinomfort ng naalimpungatang si Pixel.


“Uyy? Best? Hala? Bakit ka umiiyak hala?”natatarantang sabi nito


“Best.” At muli na naman akong bumigay.


Sumubsob ako sa kanyang dibdib na parang bata. Yinakap ako ng mahigpit ng aking matalik na kaibigan. Isang yakap na alam king kailangan ko as of the moment. Patuloy pa din ako sa paghagulol habang patuloy nya akong tinatanong kung anong nangyari. Marahil sya din ay nagtataka na ng husto sa mga nangyayari. Patuloy ako sa pagluha ng bigla nyang kong hinarap sa kanya. Tumitig sya sa aking mga mata at nagwika.

Read more...

Chapter 5 to 7 : Unbroken

 “Unbroken 5”
If no one will listen”
“I will be here,if no one will listen.”
-Kelly Clarkson

Eversince talaga takot ako sumasakay sa eroplano. Hindi ko maintindihan pero di ako mapakali. Hindi ko alam kung anong ayos ba dapat. Dapat ba simpleng upo lang? Dapat ba sa kanan ako nakatingin? Kaso kita ko naman yung katabi ko. Dapat ba sa kaliwa? Kita ko naman yung  mga ulap. Natutukso akong tumingin sa ibaba pero pag nakita ko naman eh nahihilo na ako sa takot dahil mataas. Whew.


Naupo ako sa assigned seat sa akin. Ikinalma ang sarili. Pinipilit kong ipakita sa mga kasama ko sa eroplano na hindi ako takot sumakay dito. Na kunwari ay matapang ako at lalaking lalaki. Hindi ko ipapakita sa kanila na nanginginig ang mga tuhod ko habang nagaantay ng paglipad ng eroplano.
Kunwari ay beterano na ako sa pagsakay dito. Muli,for nth time,muling pumasok sa isip ko si Daniel. Siya ang unang taong nakasama ko sa pagsakay ng eroplano. Siya ang nagturo sa akin kung paano magayos ng seat belt.Siya ang nagpapakalma sa akin when my knees start trembling. Siya ang nagiging dahilan kung bakit kalmado akong nakakatiis sa loob ng eroplano. Kahit medyo shaky ang pagtakeoff ng piloto,gagawa sya ng paraan para maiiwas ang atensyon ko sa pagtakeoff.

Nandung kwentuhan nya ko ng kung anu-ano. Nandung kakantahan nya ko para matawa ako. Nandung bigla nya akong pipitikin sa tenga para madistract. Noon yon. Pero sa ngayon,sa tingin ko kailangan kong labanan ang takot ko sa pagsakay sa eroplano. At ako'y nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

“Ilang saglit na lamang po ay lilipad na ang eroplano. Maari lamang po na pakisuot ng maayos ang ating mga sinturong pangkaligtasan.” Mahinahon at nakangiting sabi ng stewardess.

Read more...

Chapter 4 : Unbroken

Friday, December 17, 2010

By:Unbroken
EMAIL:iheytmahex632@gmail.com
FOLLOW MY BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
----------------------

2.1:Eyeglasses
Sadness flies away on the wings of time.
-Jean de La Fontaine
-------------------------



“Danieeelllllllll!!!!”.


Dali dali akong tumakbo paran habulin si Daniel. Nagmistulang runner para habulin ang isang taong
bigla nalang maging mailap pagkatapos ng tatlong taong pagsasama. Tuloy tuloy akosa pagtakbo.
Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga sa katatakbo at kaiiyak. Napakasakit pero gusto ko pa rin malaman kung bakit nya ako hinawalayan.


Biglang nawala si Daniel sa kawalan. Pinipilit kong hanapin pero wala talaga. Naisipan kong bumalik sa hotel para makausap sya. Nagmadali ako baka hindi ko na sya maabutan. Pagdating ko sa lobby ay dali dali akong tumakbo patungo sa elevator. Sumakay at pinindot ang 15th floor. Bumukas ang elevator. Walang sinayang na minuto para makarating sa kwarto. Tama ang aking hinala. Nandoon sya. Nageempake.

Read more...

Chapter 3 : Unbroken

Thursday, November 25, 2010

By:Rovi Yuno
Fb:Iheytmahex632@gmail.com
“The greatest thing you'll ever learn is just to love and be loved in return. “
-Moulin Rouge

Gulat na gulat kami ng makita naming nakatingin samin lahat ng tao sa loob ng restaurant.
May mga nakangiti. May mga halatang nagulat. May mga ibang nagpakita ng pagkadismaya.
Hindi namin sila masisi dahil mukha talaga kaming mga lalaki. Wala kang makikitang bakas ng kabaklaan sa aming porma.

“Uh-oh. They are all looking at us now hon.” Sabi ni FR.

“Yeah. They are all staring at us.” sagot ko habang magkatapat pa din ang aming mga labi.

“So,what now? Tuloy ang kiss o hindi?” nanunubok nyang sagot.

“Ohhh. We can't do it here FR. Sorry.” sabi ko habang umaatras ang mukha ko sa mukha nya.

Whew. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Hindi ko na sinubukang tumingin sa mga tao dahil alam ko na nakatutok ang mga mata nila sa amin. Kitang kita ko sa mukha ni FR ang pagkadismaya. Mababakas sa kanyang mga mata na inaasam nya talaga na halikan ko sya in public.
But I just can't. Ramdam ko din na pinagusapan kami ng mga taong walang alam sa ganitong klaseng relationship.

Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Walang gustong magsalita. Walang gustong kumibo. Tahimik si FR dala marahil ng pagkapahiya at disappointment. Di naman ako nagsasalita dahil ramdam ko pa din ang malakas na kabo ng dibdib ko ng dahil sa nangyari.
Nabibingi na ako sa katahimikan kaya ako na mismo ang bumasag nito..

Read more...

Chapter 2 : Unbroken

Tuesday, November 16, 2010

“You found me when no one else was looking. How did you know
just where I would be?”
-Kelly Clarkson,You found Me.



Natapos ang dinner namin ni FR. Halatang buso na busog sya. Kitang kita mo sa kanyang mga mata na nageenjoy sya sa mga nangyayare. Parang batang nakakain ng chickenjoy. Namumutawi sa kanyang mata ang sobrang ligaya.

Patuloy kami sa pagrecall ng nakaraang tatlong taon ng pagsasama.
Pinagusapan ang mga dahilan ng away,narealize ko na sobrang bababaw lang ng dahilan. Minsan pagod ako sa work,minsan wala sya sa mood. Pero wala pa kaming napagaawayan na grabe ang dahilan. Mahal na mahal namin ang isa't isa.

Nasa gitna kami ng magandang usapan ng biglang..

“Aarrrgghhhh brown out!”. Tangan ng mga nasa restaurant sabay sabay.

Natawa ako. Dahil sa nawalan ng ilaw ang chandelier,naging ang mga tea light candles ang nagsilbing tanglaw ng mga tao dun. Para sa akin,mas naging romantiko ang setting. Naiilawan kami ng isang maliit na kandila.
Mas mahihirapan ako nito gawin ang aking plano.

Read more...

Chapter 1 : Unbroken

Friday, November 12, 2010

“Unbroken”
-by: Unbroken

❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿
Thanks for asking me to share this story.
I am so grateful that there are people who appreciate the things I do.
Thank you very much.

❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿



Beginnings are scary. Endings are usually sad, but it's the middle that counts the most.
~Sandra Bullock:Hope Floats~

Al Fresco. Isang Spanish-themed restaurant dito sa Palawan. Masasabi kong romantiko dahil sa dampi ng malamig na hangin at sa magandang tunog na nagmumula sa pianistang nakapula. Bibihira ang makikita mong pumapasok sa resto. Iilan ang costumer. Isa na marahil sa dahilan e ang presyo ng pagkain dito. Hindi masyadong affordable,ika nga nila “Pang Sosyal”.

Maganda ang lugar,nasa gitna ang pianista at nakapaikot sa kanya ang mga mesa. Ang mga mesa ay may barnis na brownish red at makikita mong antique na ang mga ito. Malamlam naman ang liwanag na nagmumula sa mga chandelier. Nakakadagdag ng ganda in ang liwanag na nagmumula sa mga scented tea light candles na natatagpuan sa bawat mesa.

Romantiko. Isa sa mga pinakaperpektong gabi. Mahangin. Maliwanag ang langit. Puno ng mga estrella ang kalangitan. Isang magandang gabi para sa isang masakit na balak.

“Masarap kaya dito?”. Nausal ko.

“Ewan. First time ko dito eh. Masarap kaya?”. Tangan nya habang pinapaikot ang kutsara sa platong wala pa ding laman.

“Inulit mo lang ehh,order na tayo.” At ako'y nagpakawala ng ngiting mapait.

Dumating ang waiter pagkatapos kong sumenyas. Formal kung formal ang drama. Tamang Tuxedo si Kuyang Waiter. Kinabog pa ang aming outfit. Naka-beret lang ako na Von Dutch,body fit na Yellow Polo Shirt at Checkered na shorts. Si F.R naman ay nakaglasses na salong salo ng kanyang matangos na ilong. Itim na sando na nagemphasize sa kanyang maputi ang maganda nyang katawan at shorts na checkered.

Walang special sa gabing ito,nanatili lang kami sa resort ngayong Pasko,treat ko na rin ito sa kanya dahil 3 years na kami kinabukasan.
3 taong punong-puno ng ala-ala. Mga ala-alang mahirap bitawan.

“Sir,eto na po ang order nyo.isang Lengua Estofada,isang chicken pastel, isang roasted turkey at vegetable mix. Okay na po?” Tanong ng waiter na nakangiti.

“Hon,ang dami mong inorder,Doom's day na ba bukas? May bitay ba? Hahaha.” Pabirong sabi ni F.R na halatang gutom na.

“Nasa public place tayo,walang “hon-hon”. Inis kong sagot.

“Ay,Sorry.” sabay yuko.

“Okay,sige okay na.” Baling ko sa waiter.

“Pakidala nalang yung wine at yung dessert. Thanks!” dagdag ko pa.

Tumango ang waiter. Nagpaalam. Umalis. Naiwan kaming dalawa,
inumpisahan ko na kumain. Nagutom ako kakahiyaw sa panunuod ng beach volleyball na dinadaos ng resort taon taon.

“Oh? FR.kumain ka na. Ano pa inaantay mo?”. Tanong ko.

“Wala po. Sige kakain na.” matabang nyang sagot.

“FR ko, wag ka na po magalit kanina okay? Gutom lang ako kaya kita nasabihan ng ganun,okay? Smila ka na please?” paglalambing ko sa kanya.

“Hmmmm,sige na nga. Pasalamat ka mahal kita. Hahaha”. Pabiro nyang sabi.

“Bakit ganun din naman ako ahh,hindi lang talaga akon showy. Pero I really do love you. Okay FR?”.

“Hmmm. Opo Bossing Daniel. I believe you po. Tara,Kain na tayo.”
sabay pakawala ng isang ngiting nakakaloko.

Eyeglasses. Pantay pantay ang ngipin. Pula ang labi. Makinis ang mukha. Matangos ang ilong. Perpekto kong maituturing si FR. Isang peklat lang sa may noo ang makikita mo sa kanya pero okay naman. Nagkapeklat sya mula sa isang aksidente sa motorsiklo few years ago.

“Hon,masarap pala dito. Okay yung Chicken Pastel,mas masarap pa sa gawa ni mommy.” sabi nya habang punong-puno ang bibig.

Natawa nalang ako dahil para syang bata kung kumain. Ang bilis sumubo at tuloy tuloy. Nakapabilis din nya ngumuya.

“Oo,masarap nga din,FR,try mo tong vegetable mix,okay din naman. Wag mo muna ko I-”Hon”. Mamaya nalang. Baka madami pa makarinig.” sagot ko sa kanya.

“Sorry po,naglalambing lang naman eh”. Sabi nya habang ngumunguya.

“Okay lang sana eh,kaso pareho tayong lalaki. Gets mo?”

“Oo. Alam ko. Pero bakit pag babae sa babae okay lang sa mata ng tao?”

“Hayyy. Naiintindihan kita FR. Kahit ako din ehh gusto kita lambingin in public. Kaso Dapat maging maingat pa din tayo. Hindi naman lahat ng tao tanggap ang ganito. Ayoko naman na mapaaway tayo dito pag may nagcomment sa paglalambingan natin diba? Mahal kita. Okay? Bossing? Pag-alo ko sa mukha nyang malungkot.

Tumango sya,halatang nalungkot sa sinabi ko. Ganyan kasi sya eh,gusto nyang laging pinaparamdam nya na mahal nya ko. Sobrang naapreciate ko kaso minsan eh wala na sa lugar. Pero dahil mahal na mahal ko si FR,inintindi ko. Naisip ko lahat ng sakripisyo namin para maisalba ang aming relasyon na ilang ulit ng muntikang mawala.Naaalala ko pa nga nung mga panahong halos mapatay ako ng tatay ko nang malaman nya na ang kaisa isa nyang anak na lalaki ay lalaki din pala ang gusto. Woman trapped in a man's body. Hindi ako iniwan ni FR,sinamahan nya ako sa lahat. Sinalo nya lahat ng masasakit na salita na sinabi ng tatay ko sa amin.

Mahal na mahal ko sya. Hindi ko kaya na mawala sya. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Sadyang mapaglaro ang tadhana...

ITUTULOY...

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP