Pag-ibig ng Walang Muwang

Sunday, July 17, 2011

Nakakailang storya na ba akong nilalathala sa blog na’to pero hindi ko pa nakukwento ang sarili kong kwento. Sa tingin ko kasi ay walang excitement ang sarili kong kwento, walang kilig, walang drama, walang kung anumang mga twists. Sobrang plain, sobrang simple at nuknukan ng babaw kaya malamang na walang magka-interes na basahin.

I believe that majority of you knows that I’m happily committed, yet hindi ko pa nagagawang magladlad ng sarili kong kapa. Yeah, at some point ang bahid dungis ko ay nakikita but nasa denial stage pa din ako sa mga nakakapansin. I am afraid to go out my shell and be proud and loud, kung sana ang sitwasyon ko ay kasing dali tulad ng sa mga naisusulat ko malamang matagal na akong out. I do fear the unknown, sobrang pressured para sa mga expectations, laging na-kukumpara sa mga ate kong high achievers (ikaw ba naman kasi ang magkaruon ng kapatid na accelerated, consistent honor students at mga summa cum laude).

Sa kung saan pa man, bakit ko ba naisipang isulat ngayon ang walang excitement kong kwento? Ang sagot ay dahil kahapon, July 16, 2011 ay namatay na ang unang taong nagbigay sa akin ng kahulugan sa salitang pag-ibig. Siya din ang ikalawang namatay sa mga dumaan sa buhay kong minahal ko.


Ito ang kwento namin ni Ryan –
“Class, pasabihan sila nanay na sa lunes ay sa labas na lang sila ng school maghintay.” sabi ni Ma’am Reyes ang aking teacher nuong Grade 1. Biyernes na at huling araw sa unang linggo nang pasukan kaya naman ipinagbabawal na ang pagpasok ng mga magulang sa loob ng eskwelahan.
“Opo!” koro naman naming tugon na animo mga mababait na bata.
“Excuse me Ma’am!” tawag ng isang mama sa aming gurong si Ma’am Reyes.
“Bakit po?” tugon ni Ma’am.
“Bakit po nasa section C si Ryan?” tanong ng lalaki sa aming teacher. “Ang sabi po ni Ma’am Lita ay sa pilot po isasama ang anak ko.” reklamo pa nito.
“Ano po ang pangalan Sir?” tanong ni Ma’am Reyes.
“Ryan!” tugon ng lalaki. “Ryan Cris Mendoza.” pagbubuo nito sa pangalan.
Sandaling bumalik ang aming guro sa kanyang lamesa at tila may hinahanap na pangalan sa master list ng aming section. Pagkatapos tingnan ay muli nitong binalikan ang lalaki sa pintuan –
“Isiningit nga ni Ma’am de Guzman ang pangalan niya sa master list ng I-A.” sagot ni Ma’am Reyes. “Sige na Ryan, humanap ka na ng upuan.”
Mula sa may gilid ng pintuan ay pumasok sa loob ang isang batang lalaki na chinito, Moreno at maayos at malinis tingnan. Ibang-iba sa ayos at bikas ko na maputi, almond shape ang mga mata, may katabaan (tatlo kasi ang lahing nasa ugat ko, half Filipino, fourth Chinese at fourth Spanish) at marungis at nanggigitata sa pawis. Hindi ko na alam kung ano pa ang napag-usapan ni Ma’am at ng tatay ni Ryan dahil napako na ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko alam ngunit sa pakiramdam ko ay may kung anung magneto ang kagwapuhan ni Ryan kaya naman nahuhumaling akong titigan siya, may kung ano din sa damdamin kong nagwawala ngunit hindi ko maintindihan. Bumilis ang tibok ng puso ko na nuong mga oras na iyon ay hindi ko pa alam ang ibig sabihin, walang malisya, walang kung anung kahulugan, basta nakakawili lang siyang titigan. Isa lang ang sigurado ko, nakaramdam na ako ng hiya ng lingunin niya ako at mahuling nakatingin sa kanya. Tanda ko pa, agad kong binawi ang titig ko sa kanya kahit na nga ba hindi ako sigurado kung sa akin siya nakatingin at kahit lahat kaming magkakaklase ay sa kanya nakatingin.
“Duon ka na lang umupo sa tapat ni Emilio!” kasunod na narinig ko kay Ma’am Reyes.
Kilala na ako ni Ma’am Reyes dahil dapat talaga ay nuong nakaraang taon pa ako Grade 1 dahil pasado at perfect ko ang tila entrance exam nang paaralan kong pinapasukan (Tanda ko pa, kasi naging usapan ako sa buong angkan namin kaya nag-eecho at paulit-ulit). Ngunit dahil sa 5-year old ako at hindi ako pasado sa age qualification na 7-year old, pinag-kinder na lang muna ako.
Nakayuko ako at hindi makatingin habang papalapit si Ryan sa akin. Hindi ko alam kung ngumiti ba siya sa akin o kung kinamusta ba at nagpakilala. Ang alam ko lang, nakakakabog ng dibdib ang presensya niya, nakakabagabag at nakakaloko.
Nagpatuloy ang klase, at nandito na, Math ang unang subject, oras na para mag-solve at magsulat (astig di ba! First week pa lang Addition agad ang tinira namin. Memorable sa akin ito kasi dito ko nalamang magaling sa Math si Ryan.) Ang siste kasi sa classroom nuong panahon ko ay mga long table lang at mga upuan ang nakaikot sa table, dahil nga katapat ko si Ryan, obvious na magkaharap kaming magsasagot.
Kamote ako sa Math, aminado ako dahil nakakatamad at wala akong tyaga sa pag-cocompute. Ang five items na seatwork ay madaling natapos ni Ryan, number three pa lang ang sinasagutan ko eh tapos na siya. Bumibilang pa ako sa kamay nuon at gumagawa ng stick para makapag-solve pero siya, walang kadumi-dumi ang papel. Siguro, naiilang din ako sa kanya kaya naging mabagal akong magsagot.
“Hindi ka pa tapos?” tanong ni Ryan sa akin. Naaalala ko pa kung gaano kaamo ang mukha niya nang itanong niya sa akin ito, ang matipid na ngiting mayroon siya na lalong nagpasingkit sa mga mata niya, ang labi niyang sa unang pagkakataon ay nakita ko.
Iling lang ang tugon ko, dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang magsagot kaysa sa lumandi, dahil nag-iikot si Ma’am Reyes.
Natapos ang klase, umuwi ako ng bahay at muling bumalik ng eskwelahan dahil maghapon ang klase. Dahil nga sa bagong pasukan ay wala akong kakilala o kaibigan man lang. Hindi din kasi ako ang tipong social animal dahil mahiyain ako at mababa ang confidence sa sarili. Ang gusto ko, ako ang unang nilalapitan dahil ayoko sa rejection na baka ma-out of place ako. That time, I’m contented with my neighborhood friends, and isa akong soloista na mas gustong nag-iisa.
Nakita ko si Ryan, mag-isa at sa pakiwari ko ay may sarili ding mundo na kagaya ko. Nasa sulok at nakatingin sa iba habang naglalaro.
“Emilio crush ka daw ni Eloisa!” bati sa akin ng isa kong kaklase sabay turo sa papalapit namang si Eloisa.
“Akala ko ba secret lang natin iyon?” inis na sabi ni Eloisa sa mga kaibigan niya. Malinaw pa sa utak ko ang pagkapahiya sa mukha ni Eloisa. “Huwag kang maniwala sa kanila!” sabi pa sa akin ni Eloisa saka tumakbo palayo.
Iyon ang panahon na napaisip ako sa salitang crush, unang beses ko kasing narinig. Inosente kasi ako kaya hindi ko alam ang kahulugan nuon, pero sigurado ako, Eloisa acted so weird that time kaya naging curious ako about that word. “Ano iyong crush?” tanong ko sa sarili ko at kailangan masagot ako kung ano ibig sabihin nun. Luminga-linga ako para humanap ng mapagtatanungan at nakita kong lahat ng mga kaklase ko ay naglalaro habang hinihintay na dumating si Ma’am Reyes.
“I-A pasok na kayo sa room!” sabi ng pinsan kong Grade V na that time. Katabi lang kasi namin ng room ang V-A kaya sila na din ang naging bantay ng section namin pag-nalalate si Ma’am Reyes.
Tila walang naririnig ang mga kaklase ko kaya tuloy lang sila sa paglalaro.
“Bahala kayo, lalabasin kayo ni Ma’am Almirante!” pananakot pa ni pinsan na running for Valedictorian sa batch nila (kitam, malaki ang pressure sa akin para mag-excel).
Kahit limang araw pa lang kami ay nakikita naman namin si Ma’am Almirante at itsura pa lang nito ay nakakatakot na. Mestisa, matanda, mataray, mataas ang kilay, at kahit ngumiti ay katatakutan mo pa din.
Dala ng takot ay mabilis na tumakbo papasok sa room ang mga kaklase ko, para silang mga langgam na ginulo.
Sa loob ay patuloy pa din akong ginugulo ng salitang crush. Kaya naman sa kati ng dila ko –
“Ano iyong crush?” tanong ko kay Ryan na sa unang pagkakataon ay kinausap ko.
“Crush?” tanong din na tugon ni Ryan. “Mahal mo na pag crush mo.” sagot ni Ryan. (Ito kasi ang alam naming kahulugan ng crush, iyong mga inosente at walang muwang. Hahahaha! Grade two ko na nalaman na ang crush pala ay paghanga)
“Nagka-crush ka na ba?” tanong ko. Hindi ko sigurado kung curiosity o follow-up question lang ito sa tanong ko o interesado lang talaga akong malaman, matagal na kasing panahon kaya mahirap nang alalahanin ang real and actual emotions.
“Wala pa!” sagot ni Ryan. (Sa ordinaryong nobela na katha ng isip malamang isang makahulugang ngiti o kaya naman ay oo ang sagot ni Ryan saka pipilitin ni Emilio si Ryan para sabihin)
Ito ang una naming usapan at dito nagsimula ang aming pagkakaibigan.
Matagal-tagal na din kaming magkaibigan ni Ryan at lagi din kaming magkasama. Sa tuwing maglilinis ng room pag-uwian ay harutan kami ng harutan. Habulan sa ibabaw ng table o kaya naman ay nag-iikutan kami sa table ni Ma’am. Lagi kasi kaming nagpapaiwan para maglinis, matagal pa kasing naghihintay ang service ko para sa uwian ng Grade VI kaya may oras pa kaming maglinis at makipaglaro madalas ay kasama namin ang anak ni Ma’am Reyes na naging kaibigan na din namin. (Naman! Dagdag sipsip points kaya to. Hahaha)
Sa tuwing tanghali naman ay lagi din kaming magkasama at maagang pumapasok. Natatandaan ko pa nga na 11:30 ang uwian ng Grade VI kaya 11:45 na akong makakauwi, tapos kakain saglit saka susunduin ng service ng 12:00 at nasa school na ako ng 12:15 and maghihintay ng 45minutes para sa 1 o’clock na klase. Lagi siyang nauuna sa aking pumasok sa tanghali, bakit nga hindi, may grocery store sila na hundred steps lang mula sa eskwelahan namin. (Iyon kasi ang sinabi niya sa akin nuong una niya akong ayain sa grocery nila. Tama nga naman, dahil binilang namin mula gate at 100 big steps nga talaga.)
Iiwanan namin ang gamit namin sa room saka kami pupunta sa grocey store nila, walang malisya kaming naglalakad na magka-holding hands at pa-sway-sway pa. Nabigyan ko lang ng malisya iyon nuong nasa high school na ako. Maganda naman ang pakikitungo sa akin ng mga magulang ni Ryan, lalo na ang tatay niya dahil naging adviser niya ang nanay ko nuong highschool. (Just this year, napagtanto kong 1/3 ng mga nakatira sa bayan ko ay kilala si nanay. Biro ko nga kay nanay na pag tumakbo siyang konsehal, hindi na kailangang mangampanya dahil tiyak na ang panalo.)
Pagbalik namin ng room ay lagi kaming may bitbit na yakult. Kahit na tig-isa kami ay nagsha-share kami at bubuksan lang ang isa pag ubos na ang isa. Bumibili ng cotton candy sa labas saka namin kakainin pagpasok. Pag-uwian naman sa hapon ay mangga ang titirahin namin pagkalabas ng school, at laging siya ang taga-lagay ko ng bagoong na umaapaw at lalagyan pa ng asin sa ibabaw. (Imagine the taste!)
Umabot din kami sa multiplication at akong si tamad mag-compute ay nagsimula nang magloko at bumagsak sa mga seatworks. Hindi pa iyan, mas nakakaloko ang division na nagpapasakit sa kamay ko. Laging and’yan si Ryan, laging bukas ang papel niya para sa akin. Madalas ding magkaroon ng mga meetings ang mga teachers kaya naman napakahahabang seatwork ang ipapagawa sa amin at walang bantay. Kahit hindi namin subject ang Math ay magbibigay ng addition at subtraction problems na may four digits at multiplication at division na two digits, minsan sasamahan pa ng problem solving. Sa ganitong panahon, hindi ipinagdadamot ni Ryan ang sagot niya sa akin, pero sa iba, ayaw niyang ipakopya.
“Di ka pa rin tapos?” tanong ni Ryan.
“Ang hirap kasi!” sagot ko saka bitaw sa lapis at bilang sa kamay.
“Kopya ka na lang.” alok niya sa akin.
“Ayoko!” tanggi ko na lagi ko namang ginagawa.
Kinuha niya ang papel ko at ang lapis saka siya nagsulat ng sagot.
“Akin na yan!” tutol ko saka kinuha ang lapis ang papel. “Magagalit si Ma’am!” dagdag ko pa.
“Wala naman si Ma’am!” sagot nito.
“Kahit na! Sabi ni nanay huwag akong kokopya!” sagot ko.
“Baka mawala ka sa section A!” sagot niya. Hindi ko na maalala kung may pag-aalala ba sa mukha niya, pero ang sigurado ako, nahiya akong bigla sa mga mata niya.
Nakaramdam ako nuon ng takot nang sabihin niyang mawawala ako sa pilot. Iyon kasi ang isang bagay na ayokong mangyari. Kilala sa eskwelahan ko ang mga ate ko at lahat ay First Honorable Mention nuong makatapos sila, sunud-sunod na taon. Consistent pilot sections sila at madalas ilabas ng eskwelahan para ilaban sa mga contest. Bata pa lang ako, may pressure nang matularan ko sila at ayaw kong masabihang hindi ako katulad nila.
“Fast reader kaya ako!” pagmamalaki ko na totoo naman talaga dahil nuong nakaraang nag-pabasa ay pumangalawa ako sa may pinakamabilis na bumasa at may comprehension sa English at nanguna sa Filipino.
“Lagi namang bagsak sa Math!” kontra ni Ryan.
“Pero hindi pa din ako mawawala sa A!” sagot ko saka muling nagsagot. (Last 2008 nang maglinis ako ng gamit ay nakita ko pa ang actual na papel na sinasabi ko, kaya naalala ko pa itong scene na’to. May nakita din akong mga papel niya sa GMRC at take note hindi pa burado ang mga nakasulat medyo malabo nga lang ang pencil lead.)
Madalas ding absent sa hapon si Ma’am Reyes kaya naman ang I-A ay hahatiin para i-distribute sa ibang section. Siyempre alphabetical ang ayos kaya naman si ako na delos Reyes at si Ryan na Mendoza ay napakalayo ng agwat. Sa section D ako laging inilalagay ay si Ryan ay sa section H. Sa section D ko nakilala si Efren, (at may love triangle na agad! Hahaha!) kapitbahay pala namin ang kumag and during my high school days, nalaman kong half-brother ko pala ang kuya niya (rumor lang pala! Come to think, mga kapatid na ni tatay ko ang nagsasabi sa amin ng mga ate kong kapatid nga namin, do you think rumor pa din ba?)
Mahilig mamikon si Efren at laging ako ang sentro ng pang-iinis niya at pang-aalaska kapag nasa section D ako. Lagi kasing sa kanya ako natatabi dahil absenera iyong seatmate niya. Maputi si Efren, singkit din at gwapo kung gwapo (last month nang mapadaan ako sa kanila nakita ko siya at halos hindi nag-iba itsura niya, patay na nga din pala si rumor half-brother ko).
Nang minsang absent si Ma’am Reyes na sa pagkakaalala ko ito na iyong huling beses na nalipat ako sa section D dahil malapit na din ang bakasyon –
“Emilio baboy!” pang-iinis ni Efren.
Siyempre dahil nagtuturo si Ma’am Rubiano nuon at bilang I-A dapat maging ehemplo kami sa pag-aaral kahit hindi naman sa totoong buhay ay nakikinig lang ako kay Ma’am at hindi siya pinapansin.
“Hoy baboy!” sabi pa ni Efren saka sinundot ang likod ko.
Siyempre no reaction pa din ako, dahil nga sa sanay na akong iniinis ni Efren at hindi naman ako masyadong pikon ay ayos lang sa akin.
“Efren! Huwag kang maingay!” sita ni Ma’am Rubiano habang nasa gitna ng klase.
“Bleh!” at dinilaan ko na lang si Efren dahil napagalitan na ito.
Recess, tulad ng mga nakakagawian ni Ryan sa tuwing magkaibang section kami napapadpad, dala nito ang lunch box at hinihintay ako sa tapat ng room samantalang ako ay may 10 piso sa bulsa para bumili ng lugaw na may straw at juice na dos pesos. Sa ilalim ng puno ng mangga kami kumakain ng magkasabay at lagi niya akong hinahatian sa baon niya. Dahil sandali lang ang recess na 15minutes ay babalik kami ulit sa room.
Naabutan namin ni Ryan si Efren kasama ang barkada niya na nasa harap ng pintuan at masama ang titig sa akin.
“Sige Ryan!” paalam ko sa kanya.
“Sumbong mo sa akin pag ininis ka ulit!” paalala naman ni Ryan sa akin bago umalis.
“Hoy!” harang sa akin ni Efren pagpasok ko ng pinto.
Kinabahan ako ng oras na iyon dahil sa buong buhay ko, ayokong mapatawag ang magulang dahil nakipag-away o nakipagbabag ako. May inaalagaang imahe kasi si ako na dapat ingatan at protektahan. Sa batang edad kong iyon ay ang nasa isip ko, ang imaheng iniingatan ng pamilya ko. Pakiramdam ko ay aawayin na talaga ako ni Efren, susuntukin at babangasan.
“Hoy Efren!” sabi ulit ni Ma’m Rubiano na sakto namang kasunod ko.
Nakahinga ako ng maluwag dahil andun na si Ma’am Rubiano at pakiramdam ko ay panatag ako at ligtas.
“Lampa!” pang-iinis ulit ni Efren.
“Who wants to read the direction?” tanong ni Ma’am Rubiano.
Tulad nang nakakaraang lipat ko dun, lahat nang galing sa I-A ay nagtaas nang kamay kasama ako at dadalawa lang sa Section D (ang isa sa dalawang iyon ay naging classmate ko nuong grade 2 hanggang grade six at batch salutatorian namin, partner ko sa mga singing contest at intermission number at naging GF ko.)
“Emilio!” tawag sa akin ni Ma’am Rubiano.
“Encircle the object that does not belong to the group.” diretso kong basa na sa kung tutuusin ay napaka-simple na nito para sa akin.
“Kala mo kung sinong matalino!” pang-iinis ni Efren pagkaupo ko.
“Lampa! Pakopyahin mo ako!” pamimilit sa akin ni Efren habang nagsasagot kami ng seatwork.
Ayos lang naman sa akin na magpakopya dahil lagi ko namang pinapakopya is Efren, pero hindi ko alam kung bakit ako tumalikod sa kanya at inilayo ko ang papel ko.
“Wuhahahahahaha!” malakas kong iyak na kumuha ng atensyon kay Ma’am Rubiano na may kausap na teacher sa labas. “Isusumbong kita sa tito kong pulis! Ipapapulis kita!” umiiyak ko pang banta, palibhasa pulis ang isa kong tito at Air Force ang isa pa at ang lolo kong pumanaw ay nagsilbi sa konseho at sa bayan kaya may yabang ako sa ganung bagay.
“Bakit?” nag-aalalang tanong ni Ma’am Rubiano saka tingin sa kamay ko. “Efren!” baling ni Ma’am kay Efren na nakitang may hawak na gunting.
Oo, tama nga! Ginupit ni Efren ang balat ko sa kamay at kahit na maliit lang ang sugat siguro 3cms lang, masakit iyon para sa isang batang lampa na tulad ko. Sa tuwing makikita ko ang peklat, natatawa na lang ako at siyempre naaalala ko si Ryan.
“Ayaw po kasing magpakopya!” paninisi ni Efren sa akin.
Maliit nga lang ang sugat pero mahirap patigilin ang dugo. Sa kaliwang kamay ako ginupit at kaliwang kamay din ang gamit ko pagsusulat.
Pagka-uwian ay tulad ng inaasahan, naka-abang na sa akni si Ryan sa tapat ng classroom ko at nakangiti.
“Bakit mukha kang umiyak?” tanong ni Ryan. “Napaano ‘to?” tanong pa niya habang hawak ang kamay ko.
Kasunod kong lumabas si Efren na kitang galit pa din sa akin.
Sa pagkakatanda ko nuon ay hinatak ko na si Ryan paalis pero nang lumingon ako ay nakikipagtitigan ito kay Efren.
“Lalaban ka!” huli kong narinig kay Efren saka sinugod ng suntok si Ryan.
Iyon ang unang beses na nakakita ako ng nag-aaway sa harap ko. Pinilit kong umawat at pumagitna pero maging si Ryan ay ayaw paawat dahil gumaganti din ng suntok at nakikipagbuno din kay Efren.
Maya-maya pa at dumating na si Ma’am Castillo, teacher ng I-E na katabi ng I-D. Si Ma’am Castillo na ang umawat sa dalawa. Naawa ako nuon kay Ryan dahil alam ko namang napasubo lang siya sa pakikipag-away at wala sa ugali nito ang basag-ulo pero higit pa ay naawa ako kay Efren na kahit na sinaktan ako ay naguguilty pa din ako dahil mapapatawag ang magulang niya dahil sa akin, at ngayon naman ay may bagong kaso.
“Ikaw Ryan! Section A ka pa naman din nakikipag-away ka!” unang sita ni Ma’am Castillo kay Ryan. “Ikaw naman Efren! Kung sinu-sino na lang ang inaaway mo. Kanina si Emilio ngayon si Ryan!” pagalit pa nito. (Hanggang ngayon nga ay nagtataka ako kung bakit kilala kami ni Ma’am Castillo.)
“Si Efren po ang nauna Ma’am!” singit nang isang umepal na kaklase ni Efren.
“Kahit sino ang nauna, dalin ninyo dito ang magulang ninyo bukas!” sagot ni Ma’am Castillo.
Sinamahan ko si Ryan hanggang sa grocery store nila at sa labas ay naupo muna kami habang inaayos ko ang suot niya polo.
“Bakit ka nakipag-away?” tanong ko kay Ryan.
“Sinaktan ka kasi.” sagot ni Ryan.
“Kahit na! Napasama ka pa tuloy.” sagot ko.
Tahimik ang pagitan namin at walang umiimik.
“Lagot ka kay Tito Phillip!” pananakot ko. “Saka dapat hindi mo na inaway si Efren.” paninisi ko pa.
“Dapat kitang iganti.” narinig kong sinabi ni Ryan.
“Bakit?” tanong ko naman.
“Di ba boyfriend kita.” sagot niya.
“Anung boyfriend?” inosente at walang muwang kong tanong. Sa totoong buhay, opo, wala akong ideya kung ano ang salitang boyfriend.
“Crush mo ako, crush kita kaya mag-boyfriend tayo.” sagot ni Ryan.
Natigilan ako sa sinabing iyon ni Ryan. Paano niya naramdamang crush ko siya? Oo, totoo naman kasi na nadevelop na ako sa kanya, bestfriends kami at totally attached ako sa kanya, ito ang unang beses na nakaramdam akong iba ako sa ibang lalaki d’yan. Ito ang panahong namukadkad ang pakpak ko bilang isang tutubi. Pero mas kinagulat kong malamang crush din niya ako.
Aha! Ito ang pangyayaring tumatak sa isip ko kaya naman sa tuwing makikita ko ang peklat sa kamay ko, naalala ko si Ryan dahil nalaman kong ang meaning pala ng boyfriend ay “crush mo ako, crush kita kaya mag-boyfriend na tayo.”
Hindi na namin naituloy ang usapan dahil sinundan na ako ni Tata Lito, ang service ko at sinusundo. Pumasok na din siya sa loob ng grocery store nila at hinintay akong makaalis bago tuluyang pumasok sa loob.
Fast Forward na tayo –
Tanging si Tito Phillip lang ang pumunta ng school at hindi kasama si Ryan. Hindi ko naman nagawang makausap si Tito Phillip dahil tinambakan kami ng seatwork ni Ma’am Reyes habang nakikipag-usap sa mga magulang. Tanging ang lola ko ang pumunta para sa akin dahil nga hindi pwede sina tatay at nanay. Mula nuon, hindi ko na nakita pa si Ryan at lumipat na siya ng ibang eskwelahan nuong grade 2.
Fast Forward ulit –
Muli kong nakita si Ryan nuong grade IV kami, ako ay IV-A at siya naman ay IV-C, pero ipinagtataka ko lang ay bakit tila ba hindi niya ako kilala at para bang wala siyang naaalala. Pag nginingitian ko ay hindi ako pinapansin at tumatalikod lang.
Nuong grade V naman ako ay muli siyang lumipat ng eskwelahan at nalaman kong naging estudyante siya ng Tita ko nang makita ko ang Annual Book nila at si Ryan Cris Mendoza ang Valedictorian nila.
Ngayong college ay nauso ang Friendster at Facebook at sinubukan kong makipaglapit ulit kay First Bestfriend na First Boyfriend na din pala. Pero ang nakakaloko sa lahat –
Base sa pagkakaalala ko sa PM namin sa Friendster –
Emilio: Salamat tol sa pag-add! Naaalala mo pa ba ako?
Ryan: Nope! Sino ka ba?
Emilio: Bien Emilio Aguirre delos Reyes. Classmate mo nuong Grade 1.
Ryan: Hindi talaga bro! Sorry.
Emilio: Ako iyong lagi mong pinapakopya sa Math.
Ryan: Sorry but I can’t remember.
Emilio: Okay!
At nireview ko ang profile niya at tumawag sa akin ng atensyon –
“I studied elementary in three schools: Montessori School of San Isidro from Grades 1-3; San Isidro Central School during Grade 4 and St. Luke Academy from Grade 5-6 and until High School.”
May palaisipan sa akin ngayon, totoo bang naging magkaklase kami at naging kami? Pero ako, sigurado akong oo, dahil ang mga papel niyang nakuha ko sa mga lumang gamit ko, ang sugat ko sa kamay, malinaw niyang itsura at ang alaalang naiwan niya sa akin, ang birthday niya, ang mga gusto niya at ayaw, mga strengths and weaknesses, (naging classmate ko nuong high school ang classmate niya mula grade 5-6 at lahat ng sabihin ko tungkol kay Ryan ay tumpak at sakto sa Ryan na kilala nila maliban sa kung saan siya nag-aral nuong grade 1) lahat iyon ay tumutukoy na totoo ang alaala ko. Pero bakit ganuon, iba ang nasa memorya niya sa laman ng memorya ko?
Sa ngayon, sana ay bumalik na ang alaala niya at maging maganda ang paglalakbay niya sa kabilang ibayo ng buhay. Maging mapayapa nawa ang iyong bagong lakbayin! (Pero umaasa akong hindi ikaw ang nakasama sa aksidente, makita lang kita na buhay ayos na sa akin kahit kalimutan mo ako habang-buhay.)

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP