Jed, I love You
Monday, May 16, 2011
by Jayson Patalinghug
Note: Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. Alin mang pagkakahawig sa totoong buhay o tao o pangyayari ay hindi po sinasadya ng may akda. Naglalaman din po ito ng sensitibong eksina sa pagitan ng dalawang lalaki. Kung hindi po kayo komportable sa ganitong kwento ay maari po lamang na lisanin ninyo kaagad ang blog na ito.
Nais ko din pasalamatan si Jethro Patalinghug sa pagpayag niyang maging model sa mga posters ng aking mga kwento. Sana ay magustuhan ninyo it at magsilbi itong inspirasyon sa inyong mga buhay.
Labis ko pong ikakatuwa kong mag-iiwan kayo ng commento matapos ninyong basahin ang kwentong ito.
-Admin Jayson
*****************************************
Ano ba itong nasa isip ko? Ang isiping pwede kong sabihin sa kanya ang aking nararamdaman at sasabihin din niya sa akin na mahal niya ako pagkatapos ay magyayakapan kami at maghahalikan ay isang kahibangan. Si Jed na yata ang pinaka perpektong lalaki para sa akin. Masarap sana kung totoo ang lahat ng aking mga agam-agam. Kailan pa ba ako matututo? masakit ang katotohanan.
“Pasensya ka na Jay… pero alam mo namang babae ang gusto ko.” Malinaw pa ang mga katagang iyon sa aking ala-ala. Para itong isang sibat na tumusok sa aking puso… napakasakit…walang kasing sakit. Hindi iyon ang inaasahan kong mangyari pagkatapos ko siyang mahalin ng lubos-lubos sa loob ng dalawang taon. Siya lang ang lahat para sa akin na kahit ang tumingin man lang sa ibang gwapong lalaki ay isang malaking kasalanan na para sa akin. Sabi ko sa aking sarili na matatanggap ko kung isang araw, sasabihin niyang magkaibigan lang talaga kami, pangako ko sa sarli ko na magiging matatag ako kapag sinabi niya sa akin na hindi lalaki na tulad ko ang type niya. Ngunit tila may sariling utak yata ang aking puso, ginagawa nito ang gusto nitong gawin, at ang katotohananang mawalan ka ng taong sobrang mahal mo ay nagdudulot ng sakit na di mo makokontrol. Napaka tanga ko talaga nang maniwala ako sa aking sarili na kaya kong ihandle ang mareject ng taong mahal ko. At ngayon, ang sakit ay tila walang katapusang batis na nagdudulot ng matinding paghihinagpis.
Marahil ay gawa-gawa ko lang ang lahat. Ang aming relasyon…ang aming samahan. Ang bawat dampi ng kanyang mga kamay sa aking katawan, ang mga bulungan, tawanan, at ang mga makahulugang titig. Sobrang mahal ko siya na niloloko ko na ang aking sarili, pilit na kinikombense na totoo ang lahat ng mga iyon. Pinaniwala ko ang aking sarili na gwapo ako, sexy at maari ding balang araw ay magkakagusto din siya sa akin. Haaay…kahit kailan di niya ako minahal, ang lahat ay pawang pangarap lamang na kahit ang pinaka simpleng bagay na ginagawa niya ay binibigyan ko ng kahulugan. Yung parang baka mahal din niya ako ngunit nahihiya lang siyang umamin. Pero mali ako. Naiinis ako sa katotohanang babae ang gusto niya. Walang babae ang magmamahal sa kanya ng gaya ng pagmamahal ko. Walang babae ang makakapagpatawa sa kanya gaya ng ginagawa ko, walang babae ang nakaka alam ng kanyang mga problem at mga sekreto, o makapagbibigay sa kanya ng kanyang mga kailangan gaya ng pwde kong ibigay. Wala. Pero, hindi pa rin ba iyan sapat? Isinilang lang ako sa maling katawan.
Read more...
