Task Force Enigma: Cody Unabia 3
Thursday, March 10, 2011
CHAPTER 3
Busyng-busy sa pagngatngat ng straw ng binili niyang mocha frappe si Kearse habang nakatitig sa monitor ng mac notebook niya. He was slumped lazily on the comfortable sofa at the slightly dimmed corner of the cafe. Madalas siyang doon maglagi kapag nababagot siya sa loob ng bahay o di kaya naman ay gusto niya ng ibang ambiance kapag nagsusulat. Isa pa, walang paki-alam ang management ng cafe kahit ilang oras ng nakasalampak ang customer doon at isang piraso lang ng kape ang i-n-order. Ganoon kaluwag ang establishment and that's just the way he liked the place. So comfy. For his own comfort.
Binalikan niya sa ala-ala ang ilang eksena ng nobelang kanyang isinusulat. Pero kahit anong gawin niya, every effort was futile. Paano ba naman, ang tagilid niyang utak ay nangungulit na sa halip na ang kanyang pagsusulat ang intindihin, ang lalaking hubo't-hubad na nagngangalang Cody ang inaatupag ng tinamaan ng magling na utak niya.
"Haay!!" frustrated na sabi niya.
Sinubukan niyang mag-type ng ilang salita pero talagang si Cody at ang nakakalokang paghalik nito sa kamay niya ang sumasalimbay sa isip niya. Nakukulta na siya sa kakaisip kung bakit nito ginawa iyon. Naalala niyang bigla ang eksena pagkatapos ng halik na iyon.
"Thank you Kearse." ani Cody saka hinalikan ang likod ng palad niya.
Napasinghap siya sa ginawa nito.
No, understatement iyon. Naloka siya. Bakit siya hinalikan nito sa kamay? Feeling tuloy niya ang tanda na niya at pang-medieval times ang paraan ng pasasalamat at pagpapakilala na ginawa nito.
Ano bey?! Malanding sigaw ng isip niya.
Snap out of it Kearse! sigaw naman ng kabilang bahagi.
Natigilan siya. Nang mapagtuunan niya ng pansin ang lokong si Cody ay nakita niya ang kakaibang kislap ng mata nito. Para bang tuwang-tuwa sa nakikitang kalituhan sa mukha niya. Binawi niya ang kamay at pilit nagseryoso kahit gustong-gusto niyang tumambling ng 360 degrees pabalik-balik sa kwarto.
Read more...