Chapter 13 to 15 : Si Utol at Ang Chatmate Ko
Sunday, March 20, 2011
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Note: Thank you Mike for sharing your stories in LOL.
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
********************************************************************
Vin Cri AKA ENZO |
Mistulang nasa suspended animation ang aking isip. Naalimpungatan ko na lang na itinulak ko si Zach at akmang lalabas ng banyo upang lapitan si kuya. Subalit noong lapitan ko na sana siya bigla ding tumalikod ito at dali-daling umalis.
Tumakbo ako hanggang sa may pintuan ng banyo. “Kuyaaaaaa!” sigaw ko.
Ngunit tuloy-tuloy lang si kuya palabas at hindi man lang lumingon.
Bigla akong nanlalanta. Nahuli niya kami ni Zach sa akto. At ang nangingibabaw sa akin ay ibayong kaba sa galit na nakita ko sa mga mata ni kuya.
Tiningnan ko si Zach na itinuloy ang pagsa-shower, parang wala lang nangyari. Noong makita niyang nakatingin ako sa kanya, nagsalita, “Halika na! Ituloy natin…”
Parang bigla riin akong nawalan ng gana sa nakitang reaksyon niya na parang wala lang hindi man lang naisip kung nasaktan ba ako o nagalit ba ang kuya ko sa akin, bagamat naisip ko ring normal lang marahil ang reaksyon niyang iyon dahil dapat lang naman talaga na magalit ang kuya ko. Ngunit sa kabilang banda naisip ko rin na dapat din sana niyang respetuhn ang galit ni kuya at hindi na niya sasabihin pa sa akin na ituloy panamin ang naunsyaming romansa dahil kung tutuusin, siya din ang dahilan kung bakit nangyari ang ganoon at nahuli tuloy kami. Parang ano ba to? Sinadya ba niya iyon upang pagselosin si kuya na siyang tunay niya talagang type? Wala bang halaga sa kanya ang naramdaman ko? Ang naramdaman namin ni kuya?
Hindi ako sumagot sa sinabi niyang iyon bagkus nanatili akong nakaupo lang at nagyuyukyok sa gilid ng pintuan, hindi malaman kung babalik pa ba sa shower o tuluyang hahabulin na si kuya.
Ngunit lumapit sa akin si Zach. At bagamat hubo’t-hubad pa ito, hindi naiilang na ipangalandrakan pa sa mukha ko ang tayong-tayong pagkalalaki niya at inabot ang aking kamay upang patayuin ako. “Tol... huwag mong masyadong isipin iyon. Natural lang na magalit ang kuya mo. Halika na, sabay na tayong maligo.”
At ewan ko rin ba. Sa pagkakaita ko sa kanyang nakakaengganyong mukha at napaka-sweet na pananalita at sinabayan pa ng isang nakabibighaning ngiti na ang mga mata ay nanunukso, bigla na lang akong tumalima sa kanyang paghatak sa aking kamay at tumayo na rin, tuluyang nabura lahat sa isip si kuya.
Read more...