Beautiful Andrew : Chapter 9

Friday, December 23, 2011


Mula ng gabing iyon ay hindi na nakita ni Andrew si Carl, paminsan minsan ay nagkakasalubong sila ni Nel ngunit gumagawa siya ng paraan upang maiwasan ito.

Nawala ang dating pagkakaibigang naguugnay sa kanilang dalawa, nakakaramdam parin siya ng sakit sa tuwing nakikita niya si Nel at ang hindi maiwasang pagka sabik niya kay Carl. Natapos na ang Christmas at New Year, at halos mangangalahati na ang bwan ay wala siyang nagging balita kay Carl.

Si Ali ang kanyang naging laging kasama, sa konting panahon ng pagkakilala mula ng gabing iyon sa kanyang kwarto ay naging matalik silang magkaibigan, gayung hindi na kinailangan ni Ali na magtagal sa hospital ay lagi parin niyang sinasamahan si Andrew sa mga pagbisita niya, napagdesisyunan niya na ipagpatuloy ang pagpapaopera, kahit pa nawalan na siya ng dahilan para mabuhay. Napangiti siya sa kaisipang iyon, kung minsan ay tinatanong niya ang sarili kung aatras kaya siya ay magpapakitang muli si Carl? Ilang araw na lamang ay ooperahan na siya.

“Namimiss mu siya ano?” tukso ni Ali, tulad niya ay may pagkamahinhin din si Ali, at halos pareho sila ng lahat ng gusto, at ang lubos niyang ipinagpasalamat ay ng malaman niyang mas malambot pa pala ito sa kanya at hindi siya nito type, dahil kung nagkataon dahil sa mga matang yon ay baka maipagkanulo pa siya ng sariling init sa katawan. 


“Alam mu namang, ikaw ang constant reminder niya…” na ang tinutukoy niya ay ang malaking pagkakahawig nila ni Carl ng mata “kung minsan pinagsisisihan kong nagging kaibigan pa kita, kung bakit ba naman sa dinami dami ng kwartong papasukin ko eh doon pa ako nation.” Pmbibiro niya sa kaibigan.

“Ahahaha…kung alam ko lang muntik mu na akong ginahasa ng gabing iyon.”


“Tarantado!” nahawa siya sa halakhak nito.


Sumeryoso bigla si Ali ngunit may mga ngiti parin sa labi “At least ngayon nakakatawa ka na.” aniya.

Napangiti siya pero bumakas parin sa kanyang mukha ang pangungulila.

“I miss him so much” bulong niya. Ilang beses na ba siyang umakyat sa rooftop ng hospital at nagbabakasakaling nandoon si Carl ngunit lagi siyang bigo hanggang sa tuluyan na siyang hindi pumupunta sa lugar na iyon dahil sa mga alaalang pilit niyang kinakalimutan.


Bukas makalawa na ang operasyon ni Andrew, bumisita siya sa hospital para sa mga final instruction ni Dr. Santos, at habang hinihintay ang doctor ay naisipan niyang magmeryenda sa cafeteria.

“Ali told me na umatras ka sa operasyon.” Boses ni Nel, napahinto siya sa pagnguya at hinarap ang nurse.


“Why are you doing this Andrew? Akala ko ba handa kana sa lahat, bakit bigla kang umatras?” pigil ang galit sa boses ni Nel.

Naguguluhang napatitig lamang si Andrew, alam niyang hindi under ni Dr. Santos si Nel pero imposibleng hindi nito alam na tuloy ang operasyon.


“Ali went hear yesterday, sinabi niyang pupunta ka ditto ngayon to call the operation off.”


Si Ali, ngayon ay naintindihan na niya, si Ali ang may pakana. Hindi siya nakapagsalita agad dahil kailangan niyang nguyain at lunikin muna ang punung puno niyang bigbig.

“Kung mahal mo s-sya, sundin mo kung ano ang gusto niya. Gusto ni Carl ang gumaling ka Andrew, gawin mo ang lahat para mabuhay ka…kung mahal mo siya, gawin mo ‘to” seryoso at nangingilid ng luhang turan ni Nel “a-at p-pagkatapos nito, handa akong m..m-magparaya” bumuntung hininga ito at pinunasan agad nito ang luhang papatak na sa kanyang kaliwang mata.

Napamaang si Andrew at hindi nakasagot, hindi niya nahanap angboses para klaruhin ditto ang maling akala. Haloi na niya marinig si Nel dahil sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

“Handa akong magparaya Andrew, just live…stay alive, that’s what he wants.” Humakbang na palayo si Nel. Naiwang nakatulala si Andrew, nawalan na rin siya ng lakas upang habulin pa ito.


“I want you to live and see my miracle…” pumasok sa isip niya ang minsang tinuran ni Carl.

“be like those birds, they fly, they sing and they can make that tree spring to life again, every after goodbyes, every after sunset.”

May kung anong bikig sa kanyang lalamunan ng maalala niya ang mga salitang iyon ni Carl, napapikit siya upang hindi sumungaw ang mga luha sa kanyang mata, si Carl, siya lamang ang tanging laman ng kanyang puso, ang kanyang iniibig.

Read more...

Hiling Chapter 16: The Knights Wish Granted

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP