Ang Buhay at ang Ibon
Sunday, May 8, 2011
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
site: http://www.angbahaghari.com
------------------------------
Palagi kong nakikita ang dalawang ibon na iyon sa labas lang ng bintana ng aking kwarto. Hindi ko alam kung anong klaseng ibon ang mga iyon o anong pangalan ngunit may brown na kabuuang kulay ang mga ito, may matingkad na dilaw ang kanilang mga bibig, at kapag lumilipad, makikita ang tatlong stripes na puti sa gilid ng kanilang mga pakpak.
Ngunit ang nakapagbigay pansin sa akin ay ang pagiging palagi nilang magkasama na tila ang isa’t-isa ay hindi mabubuhay kapag nawala ang isa. Minsan nakikita kong mistula silang nag-uusap, minsan naman ay parang naghahalikan, o nagkikilitan sa kanilang mga tuka. Kapag nanginginain sa damuhan sa ilalim ng malaking kahoy na kanilang paboritong pahingahan, ang isa’t-isa ay nasa di kalayuan lang. Kapag lilipad naman, sabay din silang tutungo sa magkaparehong direksyon at lugar.
Halos kada alas tres ng hapon ay nandoon sila sa ilalim ng malaking punong kahoy na iyon na nasa kabila lang ng kalsada sa tapat ng aking bintana. At araw-araw sa ganoong oras din, lihim ko silang pinagmamasdan.
Isang araw, napansin kong isang ibon na lang ang naglalakad, palundag-lundag na nanginginain sa damuhan. Laking pagtataka ko kasi hindi naman ganoon ang palagi kong nakikita. Noong lumipad ito patungo sa isang sanga, nakita kong may pugad na pala sila at habang ang isang ibon ay naglimlim, ipinagdala naman ito ng pagkain ng isang ibon.
Namangha ako sa ipinamalas nilang galing. Kasi, una, bakit nagdala ng pagkain para sa naglimlim na ibon ang partner niya? Naisip din kaya ng ibon ito? May naramdamang awa din kaya ang isang ibon para sa naglimlim na partner niya? Pangalawa, hindi naman sila marunong mag-isip ngunit bakit alam nilang kailanganin nila ang pugad? Paano nila ginawa ang pugad? Bakit alam nilang limliman ang itlog upang maging inakay ang mga ito? Saan nila nalalaman ang mga ito? Ito ba ay talagang animal instinct lamang?
Inamin ko, nainggit ako sa kanila. Iyon bang sa pagbuo pa lang ng pugad nila na pareho nilang pinaghirapan, parang ang sarap ng feeling kung ang mahal mo ay ganoon din, pareho kayong maghirap sa isang bagay na para sa inyong dalawa o sa inyong magiging pamilya. At isa pa, habang ang isang ibon ay naghirap sa paglimlim, di natiis ng kapareha niya na pabayaan na lang siyang magugutom. Parang ang sweet naman.
Read more...
