No Boundaries - C24

Saturday, February 5, 2011

Paglantad ng Katotohanang Itatago sa Lahat

Isang linggo na lang at malapit nang matapos ang klase. Kita ang pananabik sa tatlo na muling makabalik sa San Isidro, higit sa kanila ay si Andrew na sabik ng masilayan muli si Stephanie. Sa isang linggong yaon ay talong linggo na ding iniinda ni Nicco ang pananakit ng kanyang likod, batok at leeg. Paminsan-minsan nga ay nararamdaman din niya na namamanhid ang mga ito. Inisip na lang niyang dahil iyon marahil sa puyat at pagod. Madami na din ang nakakapansin na madalas niyang ibinibiling ang kanyang ulo. Una sa mga nakapansin nito an gang Andrei niya.
“Nicco ko” panimula ni Andrei “sumasakit pa rin ba ang likod mo?” may pag-aalala sa himig nito.
“Ah, wag mo na lang akong alalahanin” sabi ni Nicco “mawawala din ito pamaya-maya” dugtong niya sabay ang isang ngiti.
“Ganuon ba, sige hahagurin ko na lang ulit mamaya” saad ni Andrei “sabihin mo sa akin pag hindi pa din umaayos.”
“Sige ba Mahal ko.” sagot nito.
“Kay aga nagpapalanggam kayo dito” nakangiting sambit ni Andrew “patingnan mo na kaya sa doktor yan?” dugtong pa nito.
“Huwag na, pahinga lang ang kailangan nito.” Sagot naman ni Nicco.
“Kasi naman masyado kang nagpapakapuyat, ayaw mo namang magpatulong sa amin.” Wika ni Andrei.
“Alam ko namang busy kayo, saka pagkatapos nito, tapos na ang stress. Mahabang pahinga naman ang kasunod kaya ayos lang din.” Sagot ni Nicco na may himig ng kasiguraduhan.
“Naku, basta dapat maayos na iyan, dapat gumaling ka nab ago dumating ang graduation mo.” Sabi ni Andrew.
“Huwag kayong nag-alala ayos lang talaga ako.” pagdepensa nito sa sariling kalagayan “maligo na kayo para makapasok na tayo.

Maagang pumapasok ang mga ito. Pagdating sa silid-aralan ay nagsimula na namang maramdaman ni Nicco ang pamamanhid ng kanyang batok at likod. Sumabay pa dito ang sakit ng knayang ulo. Dumukdok na lang si Nicco sa lamesa niya. Hindi niya namalayang nakaidlip pala siya, napansin na lang niya iyon ng tabigin siya ng katabi niyang si Tiffany at sinabing nasa harap na ang prof nila. Nakaramdam ng kaunting ginhawa si Nicco matapos ang isang matinding kirot mula sa kanyang likod. Natapos ang klase na wala sa konsentrasyon si Nicco. Patuloy niyang iniinda ang panankit ng kanyang likuran.
Katulad ng dati, siya ang unang nakauwi sa bahay. Nagluto saka hinintay ang pagdating ng kambal, gaya ng mga nauunang araw, darating si Andrew pagkatapos ay si Andrei. Laging sabay-sabay sila kung kumain. Kaya naman pagkadating ni Andrei ay agad itong pinagpalit ng damit ni Nicco habang hinahanda nila ni Andrew ang pagkain. Saktong labas ni Andrei sa kwarto ay nakahanda na ang mga pagkain sa mesa.
“Sarap talagang magluto ng asawa ko.” papuri ni Andrei.
“Nagjojoke ka na naman Kuya Andrei’ kontra ni Andrew.
Sa ganoong paraan ay nagsisimula na ang kulitan nilang tatlo.
“Masakit pa ba ang likod mo?” tanong ni Andrei kay Nicco.
“Hindi naman masyado” matipid na sagot ni Nicco.
“Sige hahagurin ko iyan bago ka matulog” may paglalambing na wika ni Andrei.
“Ako Kuya Andrei? Pahagod din ng likuran ko.” singit ni Andrew.
“Ano ka sinuswerte? Si Nicco ko lang ang pagsisilbihan ko” sabay ang tawa ng tatlo.
Nang gabi ngang iyon ay hinagod ni Andrei ang likuran ni Nicco. Kahit naman kaunti ay nawala ang pananakit nito. Naging mahimbing ang tulog ni Nicco. Tinabihan na din siya ni Andrei at nakatulog sila ng magkayakap. Kinaumagahan, naunang nagising si Nicco at naghanda ng pagkain. Pareho ang naging takbo ng araw nila.
Nang sumunod na araw ay nakaramdam ng sakit ng buong katawan si Nicco. Tatlong araw na lang ang nalalabi sa araw bago magbakasyon. Pinilit niyang bumangon ng araw na iyon. Nakapasok pa din naman siya subalit ng maghahapon na ay hindi na talga niya kinaya kung kayat hindi na niya tinapos pa ang klase.
Pagkauwi ni Andrew ay agad niyang napansin na nakahiga sa sahig si Nicco. Hindi pa nakkapagpalit ng uniporme, hindi tulad ng dati. Binuhat niya ito patuyngo sa higaan nito. Hinintay niya si Andrei na makauwi, tinext din niya ang kapatid para bumili na lang ng pagkain sa labas.
Pagkauwi ni Andrei ay una niyang hinanap si Nicco.
“Nasa kwarto, mataas ang lagnat” sagot ni Andrew.
Agad namang pinuntahan ni Andrei si Nicco. Hinalikan sa noo at sinabihan ng “I love you.”
Nawala ang lagnat ni Nicco kinaumagahan ngunit bumalik din ng hapon. Kahit hindi niya gaanong kaya ay pinilit niyang umarte na para bang wala siyang dinadaing na karamdaman. Kahit pansin ng kambal ang ginagawang iyon ni Nicco ay hindi na lang nila pinapansin, ayaw din naman kasi nilang bigyan pa ng alalahanin siu Nicco. Kinabukasan ay ganuon din ang nangyari. Sa pagkakataong ito ay may tumulong dugo mula sa bibig ni Nicco. Napansin ito ng mga kaklase niya. Pinipilit siyang pumunta ng clinic subalit tinanggihan niya iyon.
Hindi na niya tinapos pa ang klase, ayos lang naman iyon sapagkat wala na silang ginagawa pa at alam ng mga prof niya ang nangyari sa kanya. Kinuha niya ang calling card ni Dok Matthew na binigay sa kanya ng huli silang magkita. Araw ng biyernes iyon at huling araw ng klase. Tamang araw din iyon dahil nasa ospital sa maynila ang doktor na pakay niya. Tinawagan niya ang mga kuya-kuyahan niya at nagpanggap na may pupuntahan lang dahil may tinatapos silang final presentation mula sa batch nila. Pinayagan naman siya ng mga ito sa kundisyong uuwi bago mag-alas-diyes ng gabi.
Sa kabutihang palad ay anduon ang duktor na hanap niya.
“Nicco, napasugod ka atang bigla” tanong ng duktor kay Nicco. “buti na lang at wala na akong mga pasyente ngayon.”
“Kasi po Dok” may pagaalinlangan pa din sa kanya kung tama ba ang gagawin niya.
“Ituloy mo lang Nicco” pagpipilit ni Dok Matthew.
Kinuwento na nga niya ang lahat sa kaibigang doktor. Kahit tapos na ang shift ng doktor ay sumailalim si Nicco sa mga pagsusuring medical. X-ray, blood test, blood count, urine test, at madami pang iba. Batid kasi ng duktor kung anong maaring karamdaman ni Nicco. Ninais makasigurado ng doktor na tama ang magiging pagsusuri niya sa batang si Nicco.
“Nicco, bumalik ka na lang bukas ng umaga” sabi Doktor “bago ako pumunta ng seminaryo ay dapat makasigurado muna ako sa kalagayan mo.” dagdag pa nito.
“Sige po Dok, salamat po ng madami” sagot ni Nicco.
Pagkauwi ay tila nanghihina padin si Nicco. Kimanusta sioya ng kambal at bakas sa mukha nila, lalo na si Andrei na labis ang pag-aalala para sa kanya. Matapos makakain ay uminom si Nicco ng gamot na binigay sa knaya ng doktor. Naibisan ang sakit na nararamdaman niya. Matapos nito ay balik ang sigla niyang nakipagbiruan sa mga kuya-kuyahan niya. Nakapagkulitan at nakipag-asaran tulad ng dati. Nagtataka man ang dalawa ay masaya pa rin sila dahil bumalik ang dating sigla ni Nicco.
“Mga Kuya ko” panimula niya “hindi muna ako makakasama sa inyo pabalik ng San Isidro” malungkot nitong sinabi.
“Bakit naman?” halos sabay na tanong ng kambal.
“Hindi pa kasi kami nakakatapos gawin ung final presentation namin” pagdadahilan niya “baka siguro pagkatapos na lang ng graduation ako makauwi.” dugtong pa nito. Sa isip ni nicco –“Mainam din ang magsinungaling minsan para maprotektahan mo sila sa pag-aalala.”
“Sige si Andrew na lang ang uuwi bukas.” sabi ni Andrei.
“Hindi kuya Andrei ko, sumama ka na pag-uwi” pamimilit nito.
Naging mahaba ang diskusyon ng dalawa sa bagay na ito, sa huli ay nagwagi si Nicco at napapayag niyang umuwi si Andrei. Dinaan niya sa lambing ang mahal niyang kasintahan kayat sa bandang huli ay bumigay ito sa nais niya. Ayaw man ni Andrei na iwan ang mahal na katipan ay ginawa pa din niya kalakip ang pangakong mag-iingat ito. Kaya naman kinabukasan ng magpaalam ang dalawa ay dali-daling naghanda si Nicco para pumunta ng ospital.
“Dok, magandang umaga po.” bati ni Nicco.
“Magandang umaga din. Umepekto ba ang gamot?” tanong ng duktor.
“Opo, guminhawa po ang pakiramdam ko kagabi.” Masayang bati nito “Ano na po ang resulta ng mga test na ginawa natin kahapon?” tanong ni Nicco bagamat kinakabahn ay pinilit niyang kalmahin ang sarili.
Nagusap ng masinsinan si Nicco at si Dok Matthew. Sinabing lahat ni Dok Matthew ang tungkol sa kalagayan niya. Unti-unti ay umagos ang mga luha sa maga mata ni Nicco ng malaman ang katotohan. Ipinagpatuloy lang ni Nicco ang pagluha. Ilang minuto din siyang tahimik na umiiyak ng magsalita itong muli “Dok, wala po sana kayong pagsasabihan nito kahit na sino.” pakiusap ni Nicco.
“Sige iho, pero tandaan mo, kahit gaano pa man natin itago ang katotohanan, ang katotohanan mismo ang maglalantad sa sarili nila. Ang mas masakit nito ang taong inaalala nating huwag masaktan ay doble ang sakit na mararamdaman dahil sa desisyon nating itago sa kanila ang katotohanan. Maaring sisihin nila ang sarili nila dahil sa mahabang panahong pinagkait natin sa kanila ang totoo ay hindi sila nakagawa ng paraan para makatulong o makakilos.” tila paalala ni Dok Matthew.
Sumagot si Nicco kahit nahihirapan “Mas mainam na itago na muna natin ang katotohanan lalo na at hindi pa handa ang mga tao. Sa ganiotng mga pagkakataon, mas maganda na kung unti-unti silang sanayin patungio sa paghahanda sa kanila ukol sa tinatagong katotohanan. Pag alam nating handa na ang lahat at hinog na ang bunga base sa nakikita natin, saka natin ihayag ang mga bag yna dapat nilang malaman.” mahinahong sagot ni Nicco.
“Sige iho, iyan ang kagustuhan mo. Sa ngayon ay reresetahan kita ng gamot para maibsan ang mga pananakit na nararamdaman mo.” sagot nito.
“Salamat pod ok” tanging nasabi ni Nicco.
“Higit sa lahat kung kailangan mo ng kaibigan para makausap, andito lang ako.” Pahabol ng doktor.
Walang nagawa si Nicco kundi ang ngitian ang doktor. Pagkatapos nga ng usapang iyon ay pinatatag niya ang kalooban dahil alam niyang siyang mag-isa lang ang haharap sa problemang ito. Alam niyang masasaktan ang Kuya Andrei niya pagnalaman ito. Gabi na ng makauwi si Nicco. Lumibot pa siya sa baywalk para makapag-isip ng maayos. Pagkauwi ay muli niyang inisip ang mga bagay na gagawin. Hindi niya mapigilang umiyak sa isiping iiwan na niya ang mahal niyang Andrei, magkakalayo na sila ng mahal niyang Andrei.
Nang gabi ding iyon ay kinausap ni Nicco ang Diyos, alam niyang ang Diyos lang kanyang pwedeng kapitan sa mga oras na iyon. Alam niyang isang malaking tulong ang kayang ibigay ng dakilang manlilikhang ito. Alam niyang sa bawat pagdadaanan pa niya ay kaya nitong tulungan siya para malusutan ang bawat pagsubok.
Sa isip-isip niya, ito na ba ang sinasabing love is bounded by chances? Pero nanatili siya na naniniwala na love knows NO BOUNDARIES, as long as the feeling stays inside your heart, it will travel the endless roads, it will continue to conquer great journeys and will give selfless emotions. Keep the love burning inside your heart so that you can proudly say, I love unbounded. I am proud that I break the barriers and love NO BOUNDARIES.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP