The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 9

Tuesday, November 8, 2011

Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.

            Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)

            Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
             PEBA ENTRY - PANTALAN
             http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html


            Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
             PEBA FB PAGE
             http://www.facebook.com/PEBAWARDS

             Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
             PEBA PIC ENTRY
             http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater

             Pang-apat, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
             POLL VOTING

             Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)


Author's Note : I and my friend Domo are so sorry for the late update..Busy po kasi talga..sorry po!! :(


I would like to thank the following :
Jack - maraming salamat po! Naku, malay mo po, kalahi rin si Sai! Joke.anyway, thanks din po sa pagbabasa :D
zenki - Si Sai lang naman po kasi ang problema eh! Joke. Sana nga po maging ok na sila..thanks din po! :)
Mars - Naku! Magandang issue po yan ah! Pero tingnan na lang po naitn kung ano ang mga mangyayari sa mga next chapters.
kushu - Hehehe, maraming salamat po! :D
Jayfinpa - Baka po tama ang hunch niu..pero baka hindi rin..lol..tingnan na lang po natin sa mga next chapter..thanks po!
mj - Maraming maraming salamat po at nagustuhan niyo itong akda kong ito..at dahil jan, may kiss ka! MWAH! hahaha thank u po tlga :)
wastedpup - C Van nga ba?? Tingnan po natin sa chapter na to,.hehe ingat ka rin po!
Roan - Heheh ou nga po eh, masyado kasing mahilig sa mga kuya si Sam..anyway, thanks po!! :)
Rue - Naku! Mas bitter pa nga sa ampalaya si Sai eh! hahaha! Ano nga ba talaga ang nangyari sa nakaraan?? Hmmm di ko rin po lam eh! hahah, tingnan na lang po natin sa chapter na to hehe..
russ , MArc , R3b3L^+ion , jm , dada , Roan , Darkboy13 , jm ,Ace , mhei , jojie (and ur friend hehe) , royvan24 , mc , warren , patrick , Icy , Jasper Paulito , Mark Gonzales , superman , kenji , -SLUSHE_LOVE- , -jj- , -RL , John143 , Jaceph Elric , mcfrancis , eman_cruz , xndr , allan , joed , alejandro, senn. At sa lahat ng anonymous and silent readers ng MSOB and LOL. :)
Siyempre I would like to thank my kuyas : 
kuya Win - IKR?! ang sarap niyang ihampas sa pader!! lol..Ako nga rin po eh, yan din ang wish ko..pero jan ka naman kaya okay na ko dun :P BTW, nikikilig kaya ako palagi sa story mo! wahahaha
kuya jamespot - Ewan ko ba jan kay Sai! ang uber bitter!! lol..ayiieee!! ikaw kuya huh, Harvey na pala ikaw ngaun ah,..ayiee! lol.
kuya Liger - thanks po talaga kuya ah..kasi lagi kang nanjan para sakin..thank u po tlga.. :) (Ayan po ah, happy na ko hehehe..)
kuya Lance - salamat din po sau..sa mga advice na binibigay mu sakin at dahil napapangiti niyo po ako, lalo na nung kumanta ka po :)..salamat po!
kuya Harvey - OPO! di na po ako iiyak! heheh, kakapagod din kaya..hehe anyway, thanks din sau kuya..sa lahat..thanks po tlga.. :)
kuya kambal ko , kuya dendenpot , kuya kenji , kuya jennor , kuya Jeffrey, kuya jm, kuya Vince. And lastly, I would like to thank the 2 persons who made all of this possible, kuya mike and kuya jayson :).
Para sa mga hindi ko po nabati, eto na lang, MWAH! :)

Anyway,sa lahat po ng naghintay, (kung meron pang naghihintay nito xD ) eto na po yung episode 9! Enjoy! :)

Episode 9 - S.S.S.

"Kuya!" sabi ko habang yakap yakap siya ng mahigpit.

"Mukhang namiss ako ng bunso ko ah.." sabi niya habang yakap yakap niya ako..

"Naku! Eh namiss mo rin naman ako!"

Assuming teh?!

Sige, pustahan tayo o! Ipapaputol ko lahat ng daliri ko, pati sa paa, kapag sinabi niyang hindi niya ako namiss!

Naku hayaan mo na! Hindi bagay sayu ang maging isang powerpuff girl.

Whatever!

"Hindi kaya!!" sabi naman niya..

"Ah ganon?!" pagtataray ko sa kanya.

WAHAHAHA! Pano ba yan?! Talo ka! Paputol mo na yang daliri mo!

"Hindi lang kita namiss,.MISS na MISS kita ng SOBRA SOBRA!" sabi niya at niyakap akong muli ng mahigpit..Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo.."I love you.." sabi niya ng nakangiti..

"I love you too.." at nginitian ko rin siya,. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi..Namiss ko ng sobra yung halik niyang iyon..Mainit..masarap..punong-puno ng pagmamahal..Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang may umextra.

"Ehem ehem.." boses galing sa likuran ko..Bigla akong napatigil at nilingon kung sino iyon..Si Harvey..Nakangiti lang siya sa amin..

"Mukhang namiss niyo talaga ang isa't isa ah." sabi ni Harvey.

"Ah eh kuya, this is Harvey. Friend and classmate ko sa school..Harvey, this is Van..my boyfriend.." pakilala ko sa kanila sa isa't isa.

"Nice to meet you pre." sabay abot ng kamay ni Harvey para kamayan si Van.

"Nice to meet you too.." At kinamayan naman siya ni Van..

Pagkatapos nilang magkamayan, nagpaalam na si Harvey sa amin.

"Ah eh Sam, kailangan ko ng umalis..may pupuntahan pa kasi kami ng mga parents ko." sabi ni Harvey.

"Ganun ba? Sige ingat ka Harvey.." sagot ko naman sa kanya at nginitian siya.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap.."Bye" sabi niya habang nakayakap sa akin..

Waaaah! ano to? Bakit ganito? Bakit may yakap pang kasama??

Naku! Eh gusto mo naman!

Gusto? Hello! Una, nagulat ako, wala akong sinabing kinikilig ako or something..Pangalawa, VAN IS RIGHT IN FRONT OF US!

Naku patay kang bata ka!

Hindi ako nakapagreact sa ginawa niyang iyon..Parang nanigas lang ako at dilat na dilat ang mga mata..Mga ilang Segundo rin ang nakalipas at kumalas na siya sa hug niya sa akin..Nakangiti lang siya sa akin..Pagkatapos at hinarap niya si Van at kinamayan ulit ito.

“Sige pre una na ko..Nice meeting you ulit.” Paalam ni Harvey.

“Sige, ingat ka pre.” Sabi naman ni Van.

Nakalabas na si Harvey ngunit wala pa rin akong kibo. Tinignan ko si Van at mukhang nagtatampo or….nagseselos..Nakatitig lang siya sa akin..kalmado ang kanyang mukha..ngunit nakikita ko sa mga mata niya..na may iba siyang nararamdaman..Kaya ang ginawa ko, kinuha ko ang kamay niya, at hinawakan iyon ng mahigpit..

“Tara, punta tayo sa kwarto.” Anyaya ko sa kanya ng nakangiti.

Sinuklian naman niya ako ng ngiti at tumango. Umakyat kami sa kwarto ko..Namangha naman siya sa laki nito.

“Wow! Ang laki naman ng kwarto ng bunso ko! Pwede na tayong tumira dito ah! Kasama ang mga anak natin!” sabi niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya.. “Oo, kasama ng mga ANAK natin.” Pageemphasize ko sa word na anak..Kasi nga diba, paano kaming magkakaroon ng anak, eh wala naman akong anu,.alam niyo na..

“Gusto mo ba, gumawa na tayo ng baby?” tanong niya sa akin sabay bitaw ng isang pilyong ngiti.

Tinulak ko ang noo niya. “Ummm! Baby ka jan?!” sabay talikod sa kanya papunta sa kama.

Kaagad naman niya akong hinablot at niyakap sa likuran.. “Sige na bunso…please..” pagmamakaawa niya.

“Diba nag-usap na tayo sa bagay na iyan?” humarap ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Nakayakap naman siya sa magkabilang side ng baywang ko..

“Opo..” disappointed na tugon niya.

“Sorry ha..kung hindi pa ako handa..”sabi ko.

“Ayos lang..kaya ko naman maghintay eh..basta para sa’yo.” Sabi niya sabay bitaw ng isang matamis na ngiti..

Hinalikan ko siya sa labi. “Thank you..”

“I love you..” sabi niya.

“I love you too..” at niyakap ko siya ng mahigpit.

Itinour ko siya sa bahay namin.. Nagswimming din kami sa pool..naglaro ng ps3..mga bagay na namiss kong ginagawa naming noon.. Nakapag-usap rin sila ng mga magulang ko. Gayon din sa mga kuya ko..Si Sai lang ang hindi..Pagkatapos niyang kumain, umakyat na kaagad siya sa kwarto niya at naiwan kaming lahat sa sala na nagkukuwentuhan..doon na rin siya nagpalipas ng gabi, tutal wala namang pasok kinabukasan..

Magkatabi kami sa kama ko..Nakapatong ang ulo ko sa kaliwang balikat niya, nakapatong ang paa ko sa kanyang tiyan at magkahawak ang kaliwang kamay ko at kanang kamay niya na nakapatong sa kanyang dibdib..Nakayakap naman sa akin ang kaliwang kamay niya..

“Namiss ko to..sobra..” sabi niya.,.

“Ako rin...namiss kita..sobra…” sagot ko naman.

“Bunso..”

“Po kuya?”

“Lagi mong tatandaan…kahit magkalayo man tayo..kahit minsan lang tayo nagkakasama..mahal na mahal kita..” sabi niya..

Tiningnan ko siya at tumitig sa mga mata niya.. “Opo..mahal na mahal din po kita..”

“Minahal kita noon…minamahal pa rin kita hanggang ngayon..at pinapangako ko sa’yo, ikaw lang ang mamahalin ko sa habang panahon..” sabi niya.

Ang saya saya sa pakiramdam kapag naririnig mo iyong linya na iyon..lalo na galing sa taong mahal na mahal mo..

“Ikaw lang ang laman ng puso ko..” sabi ko naman.

“Alam ko..dahil kahit na ilang beses ka nang umiyak ng dahil sakin, tinanggap mo pa rin ako..at minahal ng buong buo..kaya napakaswerte ko..dahil mayroon akong isang cute, malambing at mapagmahal na bunso, partner,..at asawa, sa future..” sabi niya ng nakangiti.

Kinilig ako ng sobra sa sinabi niya.. “Asawa?”

“Bakit ayaw mob a akong maging asawa mo?” tanong niya.

“Siyempre gusto!”

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, Gustong gusto ko! Gusto ko lang ulit marinig na  sabihin mu ulit na asawa mo ako..

Ang landi mo!

Wag ka nga munang umepal jan!

Hmff!

“Yun naman pala eh!. Teka, asaan yung singsing na binigay ko sa’yo noon?” tanong niya.

“Ayan oh.” Sabay pakita ko sa kanya ng kaliwang kamay ko.

Kinuha niya ang singsing at tumayo siya.. “Oh san ka pupunta?” tanong ko.

“Sandali lang..” Pumunta siya sa gilid ng kama at lumuhod sa harap ko..

“Waaahh! Ano to?” tanong ko.

Hinawakan niya ng kanyang dalawang kamay ang singsing.. “Av..este Sam..bunso..will you marry me?”

Hindi ako makapag-salita..Parang na-overwhelm ako ng kilig..mga ilang Segundo rin siguro ang nakalipas bago ako makasagot ng.. “Yes kuya..”

Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang singsing..pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit..

“Engaged na tayo ah..at etong singsing na to, ang patunay at simbolo ng pangako ko sayo, na papakasalan kita..” sabi niya.

Hindi na ako nakasagot sa sobrang kasayahan na aking nararamdaman. Ang saya pala ng ganito..

Grabe teh! Kinikilig ako sa inyo!!

Nakatulog kaming magkayakap..Kinabukasa’y umuwi na si Van,. Sabi naman niya na dadalawin ulit niya ako kapag maluwag ang schedule niya..Lumipas ang mga araw at ganoon pa rin ang takbo ng buhay ko..pumapasok ako sa eskwela, kasama ko si Harvey na kumakain araw-araw pati na ang ibang mga kaibigan namin, araw araw rin akong tinetext ni Van at gabi-gabi niya akong tinatawagan,. At ganoon pa rin ang pakikitungo sa akin ni Sai..Hindi ko nalang muna siya pinapansin..naisip ko, mapapagod rin siyang iwasan ako..mapapagod rin siyang mainis sa akin..

Isang araw, habang kumakain kami nina Harvey sa cafeteria, bigla akong nakarecieve ng message galing kay Van...pagbukas ko, ang nakalagay,

ANONG IBIG SABIHIN NITO?!!

Pagkatapos ay may picture.. nagulat ako sa nakita kong picture,. Picture ko to at ni Harvey na magkahalikan!

Ano toh?! Bakit may ganito?! Hindi ako to!! Hindi naman kami naghalikan ni Harvey ah! Never kaming naghalikan!

Kaagad kong tinawagan si Van..sumagot naman siya kaagad.

“Van, fake yung nakita mo..hindi ako yun!” pagdedepensa ko sa sarili ko..biglang natigil sa pagkukuwentuhan ang mga kasama ko at napatingin sa akin.

“Kung hindi ikaw yun eh sino?! Bakit mo ko niloko Sam?! Bakit!!” sabi niya.

“Hindi kita niloloko kuya..hindi talaga ako yung nasa picture!” tumulo na ang luha ko..napansin naman iyon ng mga kasama ko at si Harvey..

Biglang naputol yung linya..ibinaba na niya ang phone niya..Sinubukan ko itong tawagan ulit ngunit hindi niya sinasagot..Iyak ako ng iyak..

“Sam, ano nangyari?” tanong ni Harvey..

Tumingin ako sa kanya at ibinigay ang cellphone ko..Nakita niya ang picture na sinend sakin ni Van.

“Saan to galing?” gulat na tanong niya.

“Sinend yan sa akin ni Van…” sagot ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

“Pero, fake to…” sabi niya.

“Sinabi ko na sa kanya na fake yan..pero hindi siya naniwala..” sagot ko.

Natahimik lang si Harvey at nakatitig lang siya sa picture..maya-maya,

“Teka, sa tingin ko hindi to fake..” sabi ni Harvey..

“Ha? Paanong hindi magiging fake yan?! Hindi naman tayo naghalikan ah!” sagot ko agad.

“Ako nga ang nasa picture,..pero hindi naman ikaw ang nasa picture Sam!” sabi niya.

Nagtaka ako.. “Ano? Anong ibig mong sabihin?”

“Tingnan mo.” Sabay pakita sa akin ni Harvey ng picture.. “May butas sa tenga yung nasa picture,..wala ka namang butas sa tenga diba?” sabi ni Harvey.

Oo nga! Bakit hindi koi to napansin kaagad?!

“Teka, so ibig sabihin…si…” sabi ko.

“Tama…hindi ikaw to..ang kakambal mo to…at alam ko na kung kalian nangyari ito..” sabi niya..

“Si Sai…” ang nasabi ko na lang..

Lintik na Sai na yan!Walangya siya! Sisirain pa niya relasyon namin ni Van! Hindi na talaga siya nakontento!

Bwisit talaga yang kakambal mo! Naku kung ako sa’yo papatayin ko na yan!

Arrgghhh!!

Kaagad kong tinext si Van about it dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko..sa text ko:

Kuya, hindi ako yung nasa picture. Si Sai po yun..tingnan mung mabuti, may butas sa tenga yung nasa picture, wala naman akong butas sa tenga diba?. Si Sai yun kuya..hindi ako..please maniwala ka.. L
Sinubukan kong hanapin si Sai ngunit sabi ng mga kaklase niya sa mga una niyang mga klase ay hindi ito pumasok..Dahil wala na naman akong klase, umuwi na ako kaagad para tingnan kung nasa bahay nga siya.Sinabi sa akin ni manang na naroon nga siya sa kwarto niya..Kaagad akong dumiretso patungo sa kwarto niya at kinatok ang kanyang pinto.

“Sai! Sai! Lumabas ka jan!” sigaw ko.


 --------------------------------------------------------------------


Sai Wilson

Simula pa nung bata pa ako, ni hindi ko nakitang nagging masaya para sa akin si mama..at alam ko kung bakit, dahil sa tuwing makikita niya ako, si Sam ang naaalala niya..Lagi siyang nalulungkot dahil nararamdaman kong hinihiling niya na sana ay hindi na lang nawala ang kakambal ko..Ni hindi nga ako kayang tingnan ng mabuti ni Mama eh, dahil lagi niyang nakikita ang kakambal ko sa akin..Pero kahit ganon, pinilit ko pa ring mapalapit sa Mama ko. Ginawa ko ang lahat para matuwa siya sa akin..Lagi ko siyang pinagsisilbihan, ipinagluluto ng pagkain, ipinaghahanda ng paborito niyang juice.. Pinagbutihan ko rin ang pag-aaral ko.. I always try to be the best in class, para maipagmalaki ako ng Mama.. Naging valedictorian ako nung elementary..Ang saya saya nina kuya at ni Papa..Pero si Mama, umattend nga siya ng graduation ko, nararamdaman ko pa ring hindi siya masaya..Nakangiti nga siya ngunit hindi talaga siya masaya..When I graduated highschool, salutatorian lang ako..pero gaya ng inaasahan, hindi pa rin siya nagging masaya para sa akin..

Simula nga noong bata ako, nagkakaroon ako ng mga panaginip, dreams that seems like explaining me what happened that day, the day when we lost Sam..Sa panaginip ko, may dalawa raw magkakambal na bata..naglalaro sila ng buhangin..pagkatapos ay umalis raw ang isa para kumuha ng tubig sa dagat..paglingon nito, nakita niyang may isang lalaking hawak-hawak ang kakambal niya..Agad itong tumakbo papunta sa lalaki at pinagpapalo ng dadala niyang plastic na timba na may tubig dagat. Ngunit itunulak siya ng lalaki at natumba ang bata..iyak ito ng iyak, tinatawag ang pangalan ng kakambal..mabilis nakalayo ang lalaki at naiwan lang ang isang bata roon na iyak ng iyak….

Sa tuwing gigising ako at napapanaginipan ko iyan, lagging tumutulo ang luha ko.. I’m not really sure kung iyon nga ang nangyari kay Sam dati dahil hindi ko na ito naalala..
Lahat ng ito’y sinasabi ko kay Harvey..Bestfriend ko noon si Harvey…Sa kanya ko sinasabi lahat ng problema ko,.Siya ang laging tinatakbuhan ko..Sa kanya ako umiiyak..isang mabuting kaibigan si Harvey..parang magkapatid na nga ang turingan namin niyan..pero nung sinabi niya sa akin na gusto niya ako, itinaboy ko siya..dahil ayokong maging bakla ako..pero nung nawala na sa akin si Harvey, hindi ko alam kung bakit pero, lagi ko na lang siyang hinahanap-hanap..Lagi ko siyang namimiss. Kahit na hindi ko siya pinapansin sa school, paraan ko lang yun para kalimutan ang kung ano mang nararamdaman para sa kanya..Dahil hindi ako bakla..hindi ko siya pwedeng mahalin..hindi ako ganun..HINDI!!
Pero hindi ko napigilan ang nararamdaman ko para sa kanya…Mahal ko na yata siya..Alam kong mali ito..at alam kong magagalit sina mama sa akin ang mga magulang ko..Pero buo na ang loob ko..sasabihin ko na kay Harvey na gusto ko rin siya..At manghihingi sa kanya ng tawad sa pagtaboy sa kanya noon..Sana’y matanggap niya ako..Pero sasabihin ko ito pagkatapos ng birthday ko.
Dumating ang birthday ko..ang birthday namin ni Sam..Every year, idinadaos namin ang aking kaarawan sa lugar kung saan nawala si Sam, dahil yun din ang araw na nawala siya, sa araw ng birthday namin nung 2 years old kami..14 years na ang nakakalipas, pero hindi pa rin nakakalimutan ng lahat ang nangyari..kaya umaasa pa rin kaming makikita namin si Sam, lalo na ang mga kuya ko..Si Sam raw kasi ang bunso namin..kaya mahalaga para sa mga kuya, lalo na sa panganay namin na si kuya Ken, dahil sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ni Sam..Ang wish ko noon nung birthday ko, ay sana, makita na namin si Sam,..Wala pang ilang oras ang wish ko, nagkatotoo na,..nakita na namin si Sam. Pero hindi ko alam kung magiging masaya ba ako.. Lahat sila, gusting makuhang muli si Sam. Nakita kong muli ang mga ngiti ni Mama na matagal kong hindi nakita nung nakita namin si Sam..

Simula ng dumating si Sam sa bahay, napunta na sa kanya lahat ng atensyon.. Lagi silang nagkukulitan nina kuya, lagi siyang may pasalubong galing sa kanila, laging tumatawa si Mama, lagi siyang isinasama ni Papa sa labas.. Feeling ko, hindi ako nag-eexist sa bahay.. Kahit na kinakausap nila ko..Iba pa rin sila kay Sam.

Bakit ganun sila kay Sam? Bakit sakin hindi? Anong meron kay Sam na wala ako? Ginawa ko naman ang lahat para maging masaya sila..ginawa ko ang lahat! Pero bakit kulang pa rin?! Bakit?! Akala ko pag dumating si Sam magiging okay na ang lahat…pero bakit ako ang nakalimutan? Bakit?! Sana hindi na lang bumalik si Sam! Siya ang may kasalanan nito! Mas okay pa nung wala siya. Kesa ngayon na binabaliwala na lang ako ng lahat..Sana namatay na lang siya noon!

Pati sa school, siya ang bida.. Siya na lang palagi.. Inagaw pa niya sa akin si Harvey..Hindi ako nakapagtapat kay Harvey dahil sa pagdating ni Sam. At ng malaman kong magkatulad pala kami ng sekswalidad, mas lalo akong nabahala dahil baka agawin nga niyang tuluyan sa akin si Harvey..Lumipas ang mga araw at linggo, unti-unti kong napapansing mas napapalapit sila sa isa’t-isa. Kaya napagdesisyunan ko ng lapitan muli si Harvey, bago pa siya mawala sa akin ng tuluyan.. Isang araw, hinintay ko si Harvey sa labas ng gate sa school after class. Buti na lang, hindi niya kasama si Sam.

Malayo pa lang siya’y natatanaw ko na siya..Nakita niya ako ngunit ako’y kanyang iniwasan..Kaya hinabol ko siya’t pinigilan.

“Harvey!” sigaw ko sa kanya.

“What?!” sagot naman niya.

“Can we talk? Please?”.

Pumayag naman ito kahit na kitang kita ang pagkairita niya sa akin..Pumunta kami sa isang park malapit sa school,.doon kami dati naglulunch palagi..bibili lang kami ng food sa Mcdo, tapos dun kami kakain.

Pagkaupo naming sa isang bench..

“Harvey…I’m sorry..” nakayukong sabi ko sa kanya..

Hindi siya sumagot kaya inulit ko muli ang aking sinabi.. “Harvey…I’m sorry..please forgive me for what I’ve done before..i want my bestfriend back..” at tumingin ako sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata namin, ngunit matulis ang tingin niya sa akin..

“Sorry? Itinaboy mo ko Sai! Pinandirihan dahil ganito ako! And now you’re here telling me you want me back? Anong nakain mo? O baka naman nabagok yang ulo mo?” sabi niya.

“Look Harvey, I’m here in front of you, nagsosorry..nanghihingi ng tawad para sa nagawa ko..hindi para makipag-away sa’yo.” Sabi ko.

“Well save those for someone else instead…Hindi ko kailangan yan.. It’s too late Sai..” at tumayo na ito at naglakad palayo sa akin..

Hinabol ko siya.. “Bakit si Sam nakakusap mo?! Bakit siya sinasamahan mo?! Ngayon mo lang naman siya nakilala ah?! Bakit ako?! Ako na bestfriend mo! Bakit mas gusto mo pa siya kaysa sakin?!”

Napatigil siya at lumingon siya sa akin.. “You know why I like Sam? Because he’s not you!” sabi niya.

Halos gumuho ang buong mundo ko ng marinig ko ang sinabi niya..So galit na galit pa rin siya sa akin..At pagkatapos ngayon aagawin siya sa akin ni Sam.. Mang-aagaw talaga yang Sam na yan! Lahat inagaw niya sa akin! Humanda siya!

Kinabukasan, sa school, naglalakad ako papuntang cafeteria,.Inis na inis pa rin ako kay Sam..At mas naasar ako nung tinawag niya ako. Ayaw niya akong tigilan kaya sinuntok ko siya sa mukha..Para madala siya..Nakita ko kung paano siya tinulungan ni Harvey..Alalang alala si Harvey para sa kanya..Mas tumindi ang galit ko sa kanya..Kailangan kong makaisip ng paraan para makaganti kay Sam..At nakaisip na ako kung paano..Humanda ka Sam..sigurado akong pagsisisihan mong bumalik ka pa sa buhay namin..

Sabado, tamang tama ang araw na to para isagawa ang plano ko..Siyempre, isasama ko na sa paghihiganti ko si Harvey, magsama silang dalawa ni Sam..humanda sila..

Tinawagan ko ang mga kaibigan ko at sinabi sa kanilang ayain makipag-inuman sa kanila si Harvey..Madali naman nilang napapayag si Harvey…Hindi alam ni Harvey na naroon ako.

Sige Harvey, ikaw ang gagamitin ko para mapabagsak si Sam.

Madaling nalasing si Harvey kaya naisagawa ko kaagad ang aking plano..Pinabuhat ko si Harvey sa mga kaibigan ko at ipinapasok sa isang kwarto,. Ng mailock ko ang kwarto, nilapitan ko siya at kinuha ang cellphone ko sa bulsa..Hinalikan ko siya at kinuhanan kami ng litrato habang magkalapat ang labi namin.

Habang nakatingin ako sa litrato, nakangiti ako..Tumingin ako kay Harvey. “Ang tanga tanga mo talaga Harvey..Ngayon, magbabayad kayo ni Sam,.”

I cropped the picture.. ang tinira ko lang, yung mukha naming dalawa, tinanggal ko yung part ng buhok ko dahil magkaiba kami ng buhok ni Sam, kaya mahahalata agad kung hindi ko ito tatanggalin.. “Ayan okay na, bukas, isesend ko na to..” sabi ko tumawa..Natulog ako ng masayang masaya..Dahil sa wakas, makakaganti na rin ako kay Sam..at kay Harvey.

Kinabukasan, sinend ko ang litrato kay Van, sa boyfriend ni Sam..Sa message..

(yung picture)

Eto ba ang sinasabi mong loyal?? Pinagpalit ka na niya! Kawawa ka naman.

Pagkasend ko, tumawa lang ako. Minabuti kong wag nang pumasok. At nagstay sa bahay..Hindi naman malalaman ni Sam na ako ang gumawa nun..wala silang pruweba..at kahit si Harvey, walang magagawa..

Ang galing ko talga! Umpisa pa lang to Sam…Humanda ka pa sa mga susunod..
Nakatulog pala ako at nagising sa lakas ng katok sa pinto..

“Sai! Sai! Lumabas ka jan!” si Sam..

 -----------------------------------------------------------------------------------

Sam Wilson

Lumabas si Sai ng kwarto niya. “Ano ba ha?! Natutulog ako ang ingay ingay mo!” sigaw niya sa akin.

“Bakit mo ako sinisiraan kay Van ha?!” sabi ko.

Oo alam kong masamang magbintang pero may proof ako kaya nasa lugar ako para gawin to.,

Sige teh!Go go go! Let’s go Ateneo! Este Ate lang pala!

Tumahimik ka nga muna!

Anyway,

“Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong alam sa mga sinasabi mo!” pagdedepensa niya sa kanyang sarili at nagsimulang maglakad patungo sa hagdan.

Hinarang ko siya, nasa likod ko ang hagdan,. “Alam kong ikaw ang may gawa nito! Dahil ikaw yung nasa picture! Ayan oh! May butas ba ko sa tenga?! Wala naman diba! Pero ikaw! Ayan!” turo ko sa picture pagkatapos ay tinuro ang tenga niya.. Hindi siya nakasagot at natulala lang sa picture.

“Bakit ba galit na galit sakin ha?! Ano bang ginawa ko sa’yo!” nag-umpisa ng tumulo ang luha ko.

“Hindi mo alam kung bakit?! Hindi mo alam?!” Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata.. “I hate you Sam! Dahil simula ng dumating ka, inagaw mo na ang lahat sa akin!”

“Wala akong inaagaw sa’yo Sai, alam mo yan.” Sagot ko sa kanya.

“Mang-aagaw ka Sam! Inagaw mo sakin ang mga magulang natin, ang mga kuya natin, at pati na si Harvey!” sumbat pa niya. “Lahat ng pagmamahal, napunta na sa’yo! Wala nang natira sa akin! Alam mo minsan nga hinihiling ko na lang n asana ako na lang yung nawala, para ako yung minamahal, ako yung binibigyan ng atensyon.. Ang swerte mo nga eh! Ang dali dali ng buhay mo!” tumulo na rin ang luha sa kanyang mga mata.

“Bakit sa tingin mo ba naging madali lang sakin ang lahat?! Ha?! Kinailangan kong iwanan ang mga taong mahal ko..para lang sumama sa inyo!” sumbat ko naman sa kanya,. “Sa tingin mo madali lang ang buhay ko?  Hindi moa lam ang mga pinagdaanan ko! Nalagay na ko sa bingit ng kamatayan,..Humarap na rin ako sa maraming problema, kasama na ang pagtanggap na ampon lang ako ng mga kinalakihan kong mga magulang..Ang hirap! Ang sakit! Pero kinaya ko!”

“Araw-araw kong kailangan harapin ang buhay ko na inagaw mo sa akin lahat! Ikaw ang mahal, ikaw ang bida, ikaw ang magaling!” tinutulak niya ako habang sinasabi niya sa akin ang tatlong linyang kanyang sinabi.. Hanggang sa nadulas ang paa ko at nalaglag ako sa hagdan.. Tumama ang ulo ko sa mga steps at nagdilim na lang ang buong kapaligiran at iyon ang huli kong naalala.

---------------------------------------------------------


Sai Wilson

“SAM!!” sigaw ko.. Hindi ko sinasadyang itulak siya sa hagdan..Wala akong intensyong itulak siya..Hindi ko alam na ganun ang mangyayari…. Kaagad akong kumaripas papunta sa kanya, na ngayo’y nasa sahig na ng unang palapag..nagpagulonggulong siya mula sa 2nd floor hanggang sa 1st floor.

Ng itaas ko ang ulo niya, mabilis na umagos ang dugo.. “Sam! Sam! Wake up Sam!” sabi ko habang tumutulo ang luha ko..

“SAM!” sigaw ng tao sa likuran ko. Si kuya Ken..kaagad itong lumapit sa amin at kinuha si Sam sa akin.. “Anong nangyari?!” nangagalaiti ang mukha ni kuya.

“K-kuya..I’m s-sorry..hindi ko sinasadya..” nakayuko kong sabi sa kanya..

“Sh*t Sai!!” at tumayo ito dala dala si Sam.. Sumunod ako sa kanya..tinulungan ko siyang maisakay si Sam sa kanyang kotse..Mabilis na pinatakbo ni kuya Ken ang kanyang kotse papunta sa ospital.

Nakatitig lang ako kay Sam, nakapatong ang ulo niya sa aking mga hita, habang pumapatak ang luha ko sa kanyang mukha..

Sam please be okay..please..

Nakarating kami sa ospital at kaagad dinala si Sam sa emergency room..punong-puno pa rin ng dugo ang aking mga kamay at ang shorts ko..Nakatulala lang akong naghihintay roon habang pumapatak ang luha..Si kuya Ken naman, hindi mapakali sa kakalakad..maya maya’y dumating na sila Mama, Papa, at kuya Max..

“Anak! Asan si Sam?! Where’s my son?!” alalang alalang tanong ni mama kay kuya Ken.

“He’s still inside ma..” sagot naman ni kuya..

“Ano bang nangyari?!” galit na tanong ni kuya Max.

Natatakot ako pero sumagot pa rin ako..kasalanan ko naman kasi talaga… “It’s my fault..I-I’m sorry..” sabi ko habang humahagulgol.

Nagulat na lang ako ng biglang hablutin ni kuya Max ang kwelyo ko’t itinayo ako at idinikit sa dingding,. “Put*ng in aka Sai!” galit na galit si kuya Max.

“Max tama na!” pagpipigil ni kuya Ken.

“Oras lang na may masamang mangyari kay Sam, magbabayad ka Sai.” Pagbabanta sa akin ni kuya Max. Pagkatapos ay binitawan na niya ako..

Napaupo lang ako dun at humagulgol..Natatakot man ako sa sinabi ni kuya Max, nilagay ko na rin sa utak ko na I deserve it..

Nilapitan ako ni papa at inangat ang ulo ko..pinunasan ang mga luha ko..Niyakap ko si papa.. “I’m sorry pa..I’m so sorry..” at humagulgol sa kanya.

“Shhh..tama na anak..let’s just hope n asana walang masamang mangyari sa kanya..okay?” sabi naman ni Papa.Tumango na lang ako..

 Ilang minuto ang nakalipas, lumabas na ang doctor..

“Doc, how’s my son? Is he going to be okay?” tanong kaagad ni mama..

“Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya..Kailangan siyang masalinan ng dugo as soon as possible..” sabi naman ng doctor.

“Ako po! Ako po ang magdodonate, we’re twins, kaya I’m sure na match na match ang mga dugo namin.” Presenta ko kaagad..Napatingin sa akin silang lahat..Buo na ang loob ko..gagawin koi to…kung ito lang ang mkakaligtas ng buhay ni Sam, gagawin ko..

“Alright,..” tumawag siya ng isang nurse.. “Sumunod ka na lang sa nurse para makuhanan ka na ng dugo.”

Sinundan ko ang nurse at sinamahan ako ni papa..pumasok kami sa isang kwarto at kinuhanan ako doon ng dugo.. 2 bag ng dugo ang kinuha sa akin..sinabi sa akin ng nurse na magpahinga muna raw ako dahil baka hindi ko pa raw kayaning tumayo..sinunod ko naman siya..mejo nahihilo rin kasi ako..hindi ko namalayang nakatulog pala ako..

 -----------------------------------------------------

Sam Wilson

Nagising ako sa isang sementeryo.

Teka, bakit ako nandito?! Anong ginagawa ko dito?Patay na ba ko?

Tumayo ako at tumingin sa paligid..pagtingin ko sa kinatatayuan ko, nasa harap ako ng isang lapida.. ang nakasulat..

Baby Steve Ace Vincent Wilson

Sav Wilson? Sino to?

“Ako yan..”  sabi ng isang pamilyar na boses..

Paglingon ko, laking gulat ko sa aking nakita..kamukhang kamukha ko siya..

“Sai?” tanong ko.

“Hindi ako si Sai..I’m Sav..your other twin brother..” sabi niya.

“What?!.” Ang tangi kong nasabi.


----------------------------------
like the first 2 seasons, the 10th episode is the finale..so the next episode would be the last..
Catch the last episode of The Best Thing I Ever Had entitled “Everyone is Meant to Say Goodbye”
Don’t miss it! Mwah!

See ya at the last episode,
Sam.

contact me @: 
fb: vince_blueviolet@yahoo.com
ym : binz_32@yahoo.com

(message na lang po kayo, say your blogger name or sabihin niu n lng po na nabasa nio tong story na ito sa site na ito. thanks!)

Read more...

The Last Kiss (Chapter 9)

Chapter 9

Bad Luck Really!

THE LAST KiSS (CHAPTER 1). <— CLiCK THiS to READ THE CHAPTER 1

THE LAST KISS (CHAPTER 8) <— CLiCK THiS to READ THE CHAPTER 8

In the cafeteria, I got off the loading line with a salad and three slices of pizza on my tray. I really am hungry. What with all those cleanings of the mess I and Seth did, and after hearing Mrs. Pascal’s punishment, I’d really do with a big meal for lunch. We have to raise money, maybe, to replace the bags of oil? And guess what? I’m gonna work with Seth. I wonder why other people really love seeing me suffering.

I balanced my tray on my left hand and brushed my messy wet hair with my fingers. I’d just taken a bath. What with all those oil bathe all over me. That was when I saw Seth behind me.

I started off; he’s right behind me. He’s wearing his red and white jacket which bore the wildcat logo of the school on the left chest. And on its back were the letters C and H. I knew that even if he doesn’t turn his back on me. I knew that because Lance also had a jacket like that one. They were both members of the school’s basketball team.

“Hey” he said from behind me. I turned. His wet blonde hair, pretty face, straight nose, and blue eyes were seemed gleaming from within.

“Hey” I retorted.

“So where do we sit down?”

“We?” I raised an eyebrow at him. “I’m sooo not sitting with you. Bad luck’s lurking around when I’m with you.”

I started walking. And he followed me like a puppy.

“Aren’t we going to talk about what should be our plan for raising money?”

“No!” I snapped. “Maybe . . . later!”

“But-“

“Please. Just please leave me alone just this moment, ‘kay?”

“I’ll have a practice later.”

“Tomorrow, then.”

My usual table was now sliding towards me. Seated already; Arielle and Kirsten, and Rolf also, who all looked up then gawked. Who am I bringing with me? Arielle was opening a soda. She broke in mid-action; the soda bubbled through the half-open tab.

“Mrs. Pascal wants to hear our plan tomorrow.”

“Just go,” I said. “Hey guys!” I sat right next to Arielle.

Then Seth slid his tray on the table and sat right next to Rolf, opposite me. “Okay, we’ll talk here. I should’ve known that you just wanted to lead me here.”

“What?” I shot a look at him. “Are you impaired now? I said go away.”

“You know, you two could make good friends if you stop spatting with each other,” Kirsten broke a piece of bread and put it in her mouth.

“I agree with you, Ms. Knelling.” Mrs. Pascal appeared behind me. “You two, you’re not kids anymore. Stop baffling. I want to hear your plan tomorrow at nine. I’ll be in my office.”

Then just like that. She sprinted away.

“See?” Seth giggled in success.

“What plan is she talking about?” Arielle asked, motioning towards Mrs. Pascal who was now standing by the doorway, talking to a student who I recognized was Samantha, from my Trig class.

I glanced at Seth who’s now shaking hands with Rolf and saying “Good to know you, man!”.

I bit my lip.

“Mrs. Pascal wants us to raise money for like . . . god-only-knows how much! Probably to replace the bags of oil. She won’t tell.” I rolled my eyes.

“So what you gonna do?” I glanced at Rolf who took a big bite from his burger.

“Hey, Seth!” Arielle pointed her fork at him. “You bake, right?”

“Well, yeah?” he shrugged.

“Why don’t you just bake cupcakes and sell them. Like that one you bake for every hot chick her in school last Valentine in exchange of a kiss. That’s so crazy off you.” Seth blushed. “Oh, anyway! I love that cupcake I didn’t want to eat it.” Then she turned to me and I looked down, knowing what she’ll gonna say. “Too bad Riley liked it, and ate it!”

Seth then turned to me and laughed, “You did?”

“No and Yes!” I answered. “No, I don’t like it. But yes, I did eat it!”

“Oh!” he laughed again. “I can’t remember you’d given me any kiss.”

“And what do you think if I smack that pizza of yours all over your face?”

“Jeez!” he frowned. “Seriously, Rile. Can’t you have a little sense of humor?” He paralleled his thumb and index finger. “At least just like this?”

“I used to have it.” I extended my arms and snorted. “It’s as big as this actually. But when I met you, it was all gone.”

“Where have it gone?”

“Okay. That’s enough kids!” Kirsten waved her hands in front of us.

I released a heavy sigh and then bit my lip.

“That’s a cool idea, really.” I said and turned to Seth who was grinning. Utter jerk! “Can you do that?”

“Sure” he sounded so amused of himself. “For you I can!”

“Whatever!”

“You might as well sell coffees and hot chocos and cappuccino also. We can borrow chairs and tables and it would be kinda like a cafĂ©. That sure would help you sell cupcakes easily.” Kirsten said, wiping her mouth with a tissue for crumbs.

“That’s a bright idea!” Rolf agreed. I looked at him and our eyes met. We smiled to each other. “I’d love to help.”

“Me, too,” Arielle said.

“Ditto!” Kirsten giggled.

“Well, thank you guys. But you really don’t need to…” I was babbling and Seth cut me off as he said, “Cool! That’s so nice of you. Thanks!” Then he turned to me and waggled his brows.

I rolled my eyes at him. “So, we’re done in here. You can go and kill yourself now.”

“Oh! You still need me, Rile!”

“Rile!” Arielle snapped at me. “You’re so rude. Let him eat lunch with us.”

Arielle cut a piece of cake on her plate, forked it, and brought it to Seth’s mouth, who was so amused and mouthed something that sounds like hmmm, yummy, darling!

I looked down to my tray and smiled. I took a pizza with my hand, brought it to my mouth and stopped. Rolf was staring at me, and then he smiled warmly, gently and sweetly. Oh, he sure was pretty.

I suppressed a smile while nibbling, getting conscious.

“Let’s have a toast for that!” Arielle declared, raising her can of soda.

“Oops! Sorry. I haven’t got myself a soda.” I shrugged.

“You can have mine, Rile,” Seth offered. He reached for his soda but accidentally pushed it aside. It fell on the floor and rolled under the table.

He bent and picked it up.

“Sorry,” he smiled at me weakly.

I suddenly found myself smiling at him but was glad because he was not looking for he was about to open his can of soda.

“Do not. . .” I yelled but was too late. The soda burst out and spilled all over my face. “… open it yet.” I continued in a broken whisper.

I bit my lip, stunned.

“Oops!” Seth bit his lower lip. “Maybe you’re right. Bad luck’s really lurking around.”

I stared at him and I know I looked like I was about to eat him alive and whole.

“Hell, no.” Seth said in a whisper.

TO BE CONTiNUED . . .

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP