Daglat Presents: TEE LA OK III - part 5 (END)

Saturday, January 7, 2012

I AM ASKING FOR YOUR FORGIVENESS IN ADVANCE!

SALAMAT PO SA INYONG LAHAT NA WALANG SAWA SA PAGSUPORTA SA AKING MGA ISINULAT..

Mula kina:
Nicco, Andrei at Andrew ng No Boundaries

Alexis at Rico ng My All
Adrian at Mikko ng Forbidden Kiss
Kenneth at Emil at Benz at Vaugh ng Dreamer

JC at Marco ng Kulay ng Amihan
Russell at Ariel ng This I Promise You
Phillip at Arman ng Bulong ng Nakaraan (mga lolo nila Harold at Gabby)

Fierro at Martin ng See Lau
(xncia na, Tee La Ok seems to be my last story at baka hindi ko na maituloy ang naka-line up kong projects kaya roll call muna sa mga naisulat kong kwento)

LABIS PO AKONG NAGPAPASALAMAT.. Sa mga tumangkilik sa kwento nila Gabby at Harold na sa simula ay kasama na nila sa paglalakbay, nawa'y lagi tayong maging masaya at pinagpapapala..






Ikalimang Bahagi: /ee-ka-lee-mang/ - /ba-ha-gee/

Titik E, Bilang 5

“Sigurado ka na ba Rold?” tanong ni Joseph kay Harold na nakatingin sa labas ng bintana ng opisina niya.

“Kung hindi ngayon, kailan pa?” sagot ni Harold. “Six years! Sapat na naman siguro ang six years.” dugtong pa ng binata.

“Handa ka na ba?” kasunod na tanong ni Joseph.

“No choice na ako kung hindi maging handa.” sagot ni Harold.

“May thirty minutes pa, pwede pang magbago ang isip mo.” komento ni Joseph.

“Wala ng atrasan Joseph!” nakangiting tugon ni Harold.

“Basta pinsan, pag kailangan mo ng tulong andito lang ako.” pagdamay ni Jospeh sa pinsan niya.

“Salamat tol!” sagot ni Harold saka nagbitiw ng isang malalim na buntong-hininga saka muling lumingon sa bintana.

“Gabby! Ang unang taong minamahal at pinag-alayan ko ng buhay, ng lahat. Tinalikuran ko ang sarili kong prinsipyo para bigyang daan ang akala kong happy ending na matutupad. Nabigo ako, nabigo tayo, nasira ang lahat ng plano natin ang lahat ng pangako mo, ang lahat lahat sa pagitan natin. Gusto kitang balikan, yakapin at sabihing buhay na buhay ako, pero anim na taong lipas iyon, natatakot na akong muling mamatay, masiraan ng bait at mapahamak dahil sa pagmamahalan. Hindi ko kayang mamahay sa puso ko ang galling sa pamilya nang taong walang awa at walang puso. Hindi ko na kaya pang ipaglaban ang pagmamahal ko para sa’yo. Mahirap man pero nakalimutan ko na kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal, salamat sa’yo at sa pamilya mo.” bulong ni Harold sa sarili.

Samantalang –

“Good afternoon Mr. Fabregas!” simulang bati ni Joseph kay Gabby.

“Good afternoon Mr. Collantes.” tugon ni Gabby. “I heard you visited my restaurant at Tarlac.” tila pagsisimula ng kwentuhan ng binata. “And Luis told me that you’re his regular customer.” saad pa nito.

“Yeah! My brother really loves your chicken clucks and fountain of youth soft tea.” sagot naman ni Joseph.

“Honestly, it is my former fiancée’s recipe and he also loved it.” sagot ni Gabby na may matamis na ngiti dahil muli niyang naalala si Harold. “Speaking of your brother, will he come today?” pag-iiba naman ni Gabby sa usapan.

“Yeah!” sagot ni Joseph. “He also requested for a closed door meeting.” tugon ni Gabby.

“That’s okay with me! Only my fiancée and I will see you.” tugon ni Gabby.

“Sorry to interfere on your plans but he wishes to meet only you and remain his privacy to others.” paumanhin naman ni Joseph.

“Well…” nag-iisip na saad ni Gabby saka tiningnan si Riza na naka-kapit pa sa braso niya.

“It’s okay with me.” sagot ni Riza.

“I really wish Andrew Collantes to see my Riza.” malungkot na pahayag ni Gabby.

“Well, one of these days. Maybe after your wedding.” sagot ni Joseph.

Gumamit ng elevator paakyat saka huminto sa sixth floor at –

“Future wife of Mr. Fabregas, you can stay inside our office with your staffs.” sabi ni Joseph saka binuksan ang opisina nila ni Harold.

“Thank you Mr. Collantes.” nakangiting pasasalamat ni Riza pagkapasok.

“Let’s go to the conference room!” aya naman ni Joseph kay Gabby.

Hindi mawari ni Gabby ngunit naging mabilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay may isang hindi inaasahang mangyayari na gugulo at maghahatid ng pangamba at kaguluhan sa kanya. Lalong naging mabilis ang tibok ng puso ni nang pinihit na ni Joseph ang knob ng pinto.

“You can seat wherever you wish.” saad ni Joseph. “To tell you honestly, my family owns the ancestral house in front of your restaurant.” simula pa nito ng usapan.

“Oh!” nasabi ni Gabby. “For what I know, it is owned by my ex-fiancée named Harold and he legally inherited it from his parents.” sagot ni Gabby na medyo nabigla sa sinabi ni Joseph.

“I forgot to tell you that Harold is my cousin. It only happened that my father is Harold’s mom’s half brother that’s why I don’t have same pendant Harold has.” sagot pa ni Joseph saka abot kay Gabby nang kape.

“What a surprise?” nagulat na sinabi ni Gabby na hindi pa din kumbinsido sa sinabi ni Joseph. “Are you sure your brother will come? He’s fifteen minutes late.” komento pa ni Gabby na iniba na ang usapan dahil ayaw niyang pabola pa sa kausap.

“I’m sorry I’m late.” pambungad ni Harold pagkapasok ng pinto. “Let’s start our business.” aya pa nito.

“Harold?!” gulat na nasabi ni Gabby saka nabitawan ang hawak na tasa ng kape. Diretso tingin at wari bang nakakita ng multo, tulala, hindi makapaniwala.

“What’s the problem Gabby?” tanong pa ni Harold.

“I really thought you changed your mind Andrew!” pahayag ni Joseph.

“Sabi ko sa’yo, Harold is back!” tugon ni Harold. “Tara na Gabby, simulan na natin ang meeting.” aya pa nito kay Gabby.

“Harold? Is that really you?” ulit na tanong ni Gabby saka napatayo at lumapit kay Harold. Maluha-luha niyang hinaplos sa mukha ng binata at tinitigan ito sa mga mata. “Tell me, am I dreaming?” tanong pa ulit ng binata na may kakaibang ngiti sa nakita.

“Oo naman!” sagot ni Harold saka bitaw sa haplos na iyon ni Gabby at iwas din sa titig nito.

Muling nagbalik ang dating pakiramdam, ang nakaraan. Muling tumibok ang puso ni Harold, mabilis na mabilis at ngayon niya lang ulit ito naramdaman sa loob ng anim na taon. Pakiwari niya ay kinukuryente siya ng titig na iyon ni Gabby na nanunulay sa mga mata niya at kinikiliti ang kanyang kaibuturan. Ang haplos naman ng binata ay tila ba isang haplos nang hangin na nag-iiwan at nagdudulot nang kakaibang ligaya. Ito ang mga bagay na sa loob ng anim na taon ay ninais niyang maranasan muli, ito at ilan pang mga damdamin ang unti-unting nabubuhay ang gusto niyang ulitin at damhin, ito ang mga bagay na kinasabikan niya sa loob ng anim na taon na tanging ang isang Gabby lang ang may kayang gumawa.

“Let’s start our meeting.” wika pa ni Harold saka tinalikuran si Gabby.

“Harold!” masaya at nagagalak na wika ni Gabby saka niyakap si Harold mula likuran. “I miss you!” wika pa ng binata saka hinalik-halikan sa buhok ang binata.

Tumalon sa tuwa ang puso ni Harold dahil muli niyang naranasan ang makulong sa bisig ni Gabby. Anim na taon siyang nangulila sa init ng ganuong yakap, humulagpos ang mga luha sa mata ni Harold, muling bumabalik ang dating pagmamahal na pinilit niyang kinalimutan. Hindi niya inakalang madali lang na bibigay ulit ang kanyang puso para kay Gabby. Naramdaman din niya ang pagluha ni Gabby dahil ramdam ito ng kanyang batok. Umaagos din ang luha ni Gabby at ito ay tumutuloy sa kanyang batok.

“I’ll sign up the contract.” nakangiting balita ni Gabby saka humarap kay Joseph na may hindi maipintang ngiti. Iba ang kasiyahan ni Gabby, sa pakiramdam niya ay muli din siyang nabuhay, pakiramdam niya ay muli siyang nabuo, nakumpleto at bumalik ang dating sigla, ang dating siya. Iba – mas matimbang sa kasiyahang nararamdaman niya kay Riza at mas higit na pagmamahal pa kaysa sa dalaga.

“Pero hindi pa natin napag-uuspaan iyong plans at deals.” kontra ni Harold saka pinahid ang luha sa mga mata.

“There’s no need for that.” sagot ni Gabby saka pinirmahan ang kasunduan at ni hindi man lang binasa.

“I won’t sign in it.” sagot ni Harold saka buong lakas ng loob na humarap kay Gabby, puno ng determinasyon. “Joseph, don’t sign in it yet.” pakiusap naman niya sa pinsan.

“Harold, I trust your proposals and of course you.” sinserong sagot ni Gabby saka hawak sa kamay ni Harold.

“Let us be professionals.” pakiusap ni Harold.

“Joseph, paki-iwan mo naman kami ni Harold.” pakiusap pa ni Gabby kay Joseph.

Hindi naman pinigil ni Harold si Joseph dahil iyon ang plano nila. Hayaang makapag-usap silang dalawa ni Gabby ng sarilinan.

“Besides ang taong pinakamamahal ko ang makakasama ko sa project kaya wala akong dahilan para tumanggi.” sabi pa ni Gabby saka hinalikan sa labi si Harold. “Hindi ko na din kailangang maglatag ng proposal kasi mas mahalaga sa akin na makasama ka ulit Harold.” dugtong pa ng binata.

Ramdam na ramdam ng puso ni Harold ang pagmamahal sa halik na iyon, subalit patuloy pa ding tumututol ang kanyang utak.

“Wake up Gabby!” sabi ni Harold. “Ikakasal ka na bukas.”

“Madali na iyong i-cancel.” mabilis na sagot ni Gabby na hindi naisip ang dilemma na kinakaharap.

Isang sampal ang ibinigay ni Harold kay Gabby. “Ang selfish mo pa rin!” wika pa nito.

“Harold.” tanging nasabi ni Gabby at tila ginising siya ng sampal na iyon ni Harold. Naguluhan na naman ang mundo niya dahil sa pagbabalik ni Harold. Naalala niya si Riza at ang kasal nila bukas, ang mga ngiti ng dalaga, ang kasiyahan nito at ang pag-asa sa isang pagsasamang habang-buhay. Pero mas nanaig sa kanya ang pagmamahal kay Harold.

“Bukas na ang kasal mo at I don’t want to be part of Riza’s misery. Kaya lang ako nagpakita sa’yo just to let you know that I’m alive.” paliwanag naman ni Harold.

“I love you more than Riza!” sagot ni Gabby.

“But you love Riza right?” balik na tanong ni Harold. “Ayokong isumpa ka ulit ng mama mo pag nalaman niyang hindi mo itutuloy ang kasal dahil sa akin.”

“Pero hindi na iyon tututol! Ngayon pa at isa ka na ding kilala sa business world.” kontra ni Gabby na patuloy na na-set aside si Riza.

“I am here hindi dahil sa’yo o makipag-balikan sa’yo.” sagot ni Harold. “Gusto kong patunayan sa iyo na hindi totoo si Snow White na kayang alisin ang lason sa pamamagitan lang ng isang halik ng Prince Charming dahil hanggang ngayon patuloy akong pinapatay ng lason na kagagawan nang pamilya mo. Gusto kong patunayang hindi totoo si Aurora na ang pagmamahal ay natutulog lang at kayang mag-alis ng sumpa sa pamamagitan ng halik dahil sa pagmamahalan na natin mismo ay isang sumpa na pilit akong inihimlay sa walang-hanggang paghihirap. Gusto kong patunayan sa’yong hindi totoo si Ariel na kayang ipagpalit ang sarili niyang mundo, ang buntot niya para lang sa lalaking minamahal dahil ibinigay ko na sa iyo ang lahat at ipinagpalit ang sarili kong prinsipyo para mabigyang katuparan ang happy ending, pero mali, kabaliktaran ang nangyari. Gusto ko ding patunayan sa’yo na hindi totoo si Belle. Tama, kayang pagbaguhin nang pagmamahalan ang isang tao, pero sa pagbabago ko ng pananaw sa pag-ibig, hindi ako sa kabutihan dinala, sa kapahamakan. Pero higit sa lahat! Hindi totoo si Cinderella dahil ako, pinilit kong pakibagayan ang mundo mo dati, pero ang mundo mo ang nagsuka sa akin pabalik sa lusak.” pagpapatuloy ni Harold.

“Kaya naman, hindi ako tumuntong sa lugar na’to para maging bagay tayo o makibagay sa’yo. Andito ako para patunayang kagaguhan ang fairytales. They are giving us false beliefs, illusions and a step back away from reality.” mabigat na sinabi ni Harold kay Gabby.

“Pero Harold! Mahal mo ako di ba? Can’t it be enough reason para bumalik ka sa akin?” pamimilit ni Gabby na ayaw nang pakawalan ang tyansang makasama ulit si Harold at muling lumigaya.

“Oo! Mahal kita Gabby!” sagot ni Harold. “But it does not mean na kakalimutan mo na ang kasal ninyo ni Riza and you love Riza right?” balik na tanong ni Harold.

“But Harold…” pamimilit pa din ni Gabby. “It will be unfair for Riza kung papakasalan ko siya pero ikaw naman ang mahal ko.”

“Mas unfair kay Riza na umaasang matutuloy ang kasal pero she’s waiting for nothing. Unfair kay Riza na minahal ka na at mahal mo din.” tutol ni Harold.

“Are you sure na magiging unfair iyon?” tanong ni Gabby.

“Kasi ginawa mo lang siyang panakip butas!” sagot ni Harold. “You’re only confuse Gabby! Confuse ka sa pagbabalik ko.” tugon pa ni Harold na pilit pinagtatabuyan si Gabby.

“Minahal ko siya at hindi siya naging panakip butas. It’s not a big deal for her kung mamahalin ko siya or hindi. She’s taking marriage as part of business.” paliwanag naman ni Gabby.

“Are you sure na hindi big deal iyon sa kanya?” tanong ni Harold.

“Sabi niya dati.” sagot ni Gabby.

“Dati! Pero hindi ngayon. Dati siguro hindi ka pa niya mahal, pero ngayon mahal ka niya!” pagtutumbok ni Harold.

“Umamin ka nga!” wika ni Gabby saka hinawakan sa dalawang balikat si Harold. “What makes you think that way?” tanong pa nito.

“Coz I’m concern for Riza!” sagot ni Harold. “Saka masaya ka lang kasi for a very long time akala mo patay na ako pero ngayon ay buhay na buhay. Akala mo mahal mo ako ng higit kay Riza dahil duon.”

“Ironical ka na namang mag-isip. Be in my shoes so you will understand what I am feeling.” sagot ni Gabby. “Saka kung concern ka kay Riza, either or matagal ka ng nagpakita sa akin or hindi ka na magpapakita pa or maybe hahayaan mo muna kaming ikasal.” dugtong pa ng binata. “There is deeper reason Harold.” paniniyak ni Gabby.

Natahimik si Harold, iniisip kung itutuloy ba niya ang orihinal na plano ngayong pinagtaksilan na siya ng sariling damdamin o papadala na lang sa agos nang pangyayari.

“Kahit six years kang hindi nagpakita, kilala kita Harold! Alam ko kung kailan ka may tinatago o inililihim at sigurado akong may gusto kang sabihin na ayaw mong sabihin.” wika pa ni Gabby saka niyakap ang binata.

Pinatatag ni Harold ang sarili, desidido na siya, itutuloy ang orihinal na plano at sasabihin niya ang buong katotohanan.

“The truth is…” biting wika ni Harold na patuloy pa ding kumukuha ng lakas ng loob.

“Tell me.” sinsero ang mga matang wika ni Gabby.

“I really hate what I’m feeling right now!” madiing simula ni Harold.

“Why?” napuno ng pangambang tanong ni Gabby.

“Ayokong mahalin ang taong apo ng pumatay sa lolo ko, ayokong mahalin ang apo ng taong pumatay sa nanay ko at higit sa lahat ayokong mahalin ang taong anak ng taong dahilan ng muntikan ko nang pagkamatay.” litanya ni Harold.

“What are you saying?” tanong ni Gabby na labis na natakot sa sinabing iyon ni Harold.

“Sa mga nangyari sa lolo at nanay ko kaya kitang patawarin at umaasa akong magbabago din ang mama mo, but with what she did to me? Napatunayan kong she’s a hopeless case and helpless creature kaya kahit ang ipapatay ako ayos lang sa kanya.” tugon ni Harold nang buong tapang.

“Pero di ba ang mga military ang humuli sa’yo?” tanong ni Gabby na ayaw tanggapin ang kwento ni Harold.

“Militar nga!” sagot ni Harold. “Why don’t you try asking your mother?” balik na tanong ni Harold. “Maybe Joel is enough to prove you what I am saying.” dugtong pa ng binata.

“Harold…” wika ni Gabby.

“Your mom sent my pictures and personal information sa kampo ng military and according sa sulat na kasama, isa akong NPA. She asked Joel to deliver it at ang walang kaalam-alam na si Joel ay agad namang sinunod ang mama mo.” simula ni Harold.

“But how will she know about it?” tanong ni Gabby.

“And how will she know na ako ang apo ng pinatay na kaibigan ng papa niya?” balik na tanong ni Harold. “The answer would be, she hired a private investigator para sundan ako and to tell you, nahanap ni Tito Jonas iyon. “She grabbed the opportunity nang malaman niyang aktibista ako kaya naman she sentenced me na NPA ako. Madali nang palabasin iyon para sa may perang kagaya ninyo.” kwento pa ulit ni Harold.

“But…” tutol pa sana si Gabby na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala.

“To make sure everything is according to her plan, she asked Joel para tumawag sa army para i-confirm na NPA nga ako kahit hindi naman totoo. Pinagbataan si Joel na sisirain ng mama mo ang buhay ni Joel kung hindi siya susunod. Of course natakot si Joel ginawa na lang niya ang utos ng mama mo.” kwento ulit ni Harold.

“Bakit hindi niya sinabi sa akin?” nanginginig na tanong ni Gabby sa sarili.

“Because the time na ma-aksidente ang mama mo, si Joel ang kausap niya sa phone. Lalong natakot si Joel at sabi niya, hindi na siya nakapag-isip pa kaya naman sinunod na lang niya ang mama mo.” sagot ni Harold.

Nanatiling tahimik ang pagitan nilang dalawa. Nagsimula ulit pumatak ang luha sa mata ni Gabby dahil sa isinawalat ni Harold. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya sa mga nalaman. Masakit iyon para sa kanya na ang ina niya ang dahilan ng muntikang pagkamatay ni Harold.

“Wala na akong reason para mahalin ka.” wika ulit ni Harold saka tumalikod at nagpakawala ng mga pigil na luha.

“I’m sorry Harold!” paumanhin ni Gabby.

“Hindi ikaw ang may kasalanan!” sagot ni Harold. “Pero sana naiintindihan mo kung bakit hindi na pwedeng maging tayo.” dugtong pa ng binata saka humakbang palabas.

“Please don’t leave me! Hayaan mo nang ang salitang mahal mo ako ay maging sufficient na para mahalin ako.” pamimilit ni Gabby.

“Invalid argument! Iisa lang ang subject ng main at supporting argument mo.” sagot ni Harold.

“Di ba illogical naman pag pagmamahal ang usapan.” tugon ni Gabby.

“Can’t you understand? Galit ako sa sarili ko for making me feel this way! Galit ako sa sarili ko kasi pinipilit akong maramdaman ang kinaiinisan kong maramdaman.” sagot ni Harold saka bumitiw sa hawak ni Gabby at mabilis na lumabas ng pintuan at mabilis na tumakbo papunta sa opisina niya.

Wala na duon si Riza dahil tulad ng plano ay aayain ni Joseph ang dalaga para kumain muna at sa baba na lang sila magkikita ni Gabby.

Samantalang si Gabby naman ay naiwang walang imik sa conference room at patuloy sa pagluha. Hindi niya kayang tanggapin na muli siyang iniwan ng taong pinakamamahal.

“I don’t know if life will be happier again,

Or forever I will be in deepest pain:

My solitude bets all the gain,

My shadow respects all the vain,

My weakness surrenders all the slain,

My emotion turns out to be plain.

Apparently I was lost in this seasons’ crazy change,

Somewhere in the night, night so strange:

Strange somehow to question,

Strange sometime to talk on,

Strange something to point out,

Strange someone to smile out.

I am someone who falsely, mistakenly got all,

But you is the everything is am wishing for,

Your eyes so admirable,

Your nose so adorable,

Your ears so lovable,

Your lips so inviting,

Your chick so charming,

Your smile so alluring,

Your touch so affectionate.

You in a million faces

Struggle for someone in somewhere,

Struggle for something in sands,

Struggle for signs for significant.

Pearl of my shelter,

Making my soul sings solidarity,

Making my heart host humid,

Making my creep crazier creek.

I am alone! I am alone! I am alone! I am alone!

Will never be home, for my home ran away from,

Whole, pieces, part, portioned: my identity so poisoned,

I am alone! I am alone! I am alone! I am alone!

Alone with none to look upon, to hold on.

My lullaby will never sing more.

Good bye! This is for real, but my heart says,

Goodbye! This is another test, new days ahead.

Sadly, it will never be true.”

ito ang tugmang pinaglalaro ni Gabby sa sarili na patuloy pa ding umiiyak sa pamamaalam ni Harold.

Ilang sandali pa at inayos din ni Gabby ang sarili. Pinilit ngumit kahit nagmumukmok na ang kanyang puso sa pagkabigo. Hindi alam kung papaano haharapin ang mga tao, ngunit ang gusto niya ay lisanin na ang lugar dahil lalo at higit lang niya nararamdaman ang sakit. Bumaba at agad na inaya si Riza para umuwi. Umuwing mabigat ang loob at puso –

Samantalang si Harold –

“Tilaok: tee-la-ok, clucks in English, huni at tunog ng tandang na mas kilala nang mga Pilipino bilang unang sumasalubong sa araw. Tulad nang tilaok nang manok, ang pagmamahal ang unang bagay na sumasalubong sa dalawang taong pinagbibigkis nang panahon. Hindi mo alam kung kailan ngunit nasisigurado mo namang may panibagong araw na darating, parang sa bawat pagtilaok ng manok, ikaw ay magigising mula sa pagkakatulog para sumalubong sa bagong araw. Ang pagmamahal ay panibagong araw na nagtatakda para sa bagong kaligayahan at tulad ng tilaok nang manok ay kaya nitong gisingin ang matagal nang nahihimbing at nahihimlay na puso. May umagang maganda ang gising mo, at may araw na tila ayaw mo pang bumangon at pakalulong sa pagkakatulog, parang sa pagmamahal, isang araw ay puro sarap at tamis, may araw na nakakainis, ngunit madalas ang araw na ayaw mo nang bumangon dahil sa hinahanap-hanap na paggiliw. Ano pa man ang maganap sa buhay, tandaan laging andyan ang tilaok na nagsasabi sa ating bagong araw na para umibig.” lahad ng diwa ni Harold habang nakatitig sa bintana ng kanyang opisina.

“Gabby! Paalam na! Salamat sa napakatamis na alaalang ibinigay mo sa akin, pero kailangan na nating gumising. Tapos na ang gabing nagdaan sa ating buhay, dapat na nating harapin ang umaga: ang umagang hindi tayo ang magkasama. Gabby! Maging masaya sana ang gising mo sa bago mong araw at bagong umagang pinagkaloob sa’yo.” bulong ni Harold saka tumulo ang luha habang pinagmamasdan si Gabby na nakatingin sa gawi niya habang si Riza naman ay nakakapit sa braso ng binata.

“Harold! I am hoping that you will receive my message of love that can travel even in silence. I love you and I will always do. You’re the only one that my heart will shelter, pero ibibigay ko na muna kay Riza ang kalahati at hindi ko kayang ibigay ang buo, dahil sabi ng puso ko, hindi kita pwedeng alisan ng pwesto dahil ikaw and dahilan sa pagpintig nito.” bulong ni Gabby sa sarili habang nakatitig sa glass na opisina ni Harold sa sixth floor. Hindi man niya nakikita ng malinaw ay batid niyang lumuluha din ito katulad ng puso niyang nagdurugo.

sa-bagong-umaga----tee-la-ok---END---tee-la-ok----sa-bagong-umaga

Read more...

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 31)




Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Sa pagkakataong ito, gusto ko munang sabihin sa inyo na every new year, lagi kong naalala si Cheney maybe because of her memories with her every new year na lagi kaming magkasama. Well Cheney, kung nasaan ka man ngayon, I hope you'll be safe there. Patrick and I will never forget you!! I LOVE YOU, CAKIE!!

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, makki, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko! Thanks ulit ah!!) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(Ano na kaya nangyari sa last series niya? Hindi na ako updated eh..) jasper.escamillan, Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, BourbonConan, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, Ronn, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!



ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

----------------------------------------------
Part 31

"Pare, mukhang may kaya 'tong batang 'to, tiba-tiba tayo dito!"

"Oo nga pare, kailangan nakuha natin yung bag niya, parang may kayamanan sa loob na kailangan nating makuha. Pre, jackpot tayo dito!!"

Habang natutulog sa may gilid ng simbahan, bigla akong naalimpungatan sa ingay na narinig ko. Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Habang nagtutulog-tulugan, nararamdaman ko ang paglapit ng dalawang lalaki sa akin. Habang naririnig ko ang mga paglakad nila, sumasabay ang lakas at kaba ng dibdib ko. Hanggang sa...

"Hoy!! Anong ginagawa nyo sa binatilyong yan? Mga oportunista!"

"Teka, sino po ba kayo?!"

"Wala na kayong pakialam kung sino ako, umalis kayo sa kanya.. Hay naku! Kung hindi, tatawag ako ng pulis!"

Kumaripas ng pagtakbo papalayo sa akin ang dalawang lalaki. Sabay nun ang pagbangon ko sa kinahihigaan ko at nakita ko ang pamilyar na mukha.

"Aling Linda!!"

Napasigaw ako nang nakita ko siya. Si Aling Linda pala ang tumatawag sa akin. Lumapit siya sa akin at tinanong kung ano ang ginagawa ko dun.

"Iho.. Hindi ba sinabi ko sa'yo, siya lang ang pag-ibig mo.. Bakit mo siya iniwan!!"

"Aling Linda, ano po ang ibig nyong sabihin?!"

"Iho halika nga dito, ganito, kung ano ang ituturo ko sa'yo ito palagi ang susundin mo.."

Itinuro niya ang puso ko, pagkatapos nun ay bigla niya akong binigyan ng pagkain.

"Oh iho, alam kong gutom ka, kumain ka muna!"

Pinagsaluhan namin ang nakaplastic na ginisang munggo at pritong galunggong. Hindi ko alam na mabait pala siya, despite na alam niya kung sino ang lalaking nakatakdang mamahalin ko. Habang kumakain, ikinuwento niya sa akin ang kanyang nakaraan.

"Alam mo iho, ang pagsisisi ay laging nasa huli. Totoo yan! Ilang beses na akong nasaktan sa buhay ko.(biglang napahinto sa kinakain at ibinigay niya ang kinakain niya sa akin) oh eto pa! Mukhang gutom na gutom ka ah! Sige iho, iku-kwento ko sa iyo."

"Yung lalaki na iku-kwento ko sa'yo ay yung minsan sa buhay ko na minahal ako. Mahal na mahal ko siya. Siya kasi yung unang lalaki na nagpatibok ng mabilis sa puso ko. Nagmahalan kami, kaso sa huli iniwan niya ako. Hindi pala niya ako mahal. Masakit sa parte ko, kaya wala akong magagawa kundi hiwalayan ko siya at hanapin ang kaligayahan na hindi siya kasama. Ikaw iho, batid ko na hindi siya ang nakatakda sa'yo! Hindi siya yung lalaking nakatakda na mamahalin mo, aasa ka sa kanya, Oo! Pero, mabibigo ka lang!"

"Ano po ba ang ibig nyong sabihin?!"

"Huwag kang impokrito iho! Eto..(sabay turo sa puso ko) eto ang sundin mo! Huwag kang manhid sa pakiramdam mo! Huwag mong pahirapan ang sarili mo! Batid kong mahal mo siya! Sundin mo yun at makikita mo ang walang hanggang pagmamahal sa piling niya.. Teka iho, kukuha lang ako ng softdrinks na maiinom natin ah!"

Umalis si Aling Linda para kumuha ng sofdrinks sa ibaba, ano kaya ang ibig sabihin ng mga pahiwatig niya sa akin? Si Lei ba? Hindi ba si Patrick ang nakatakda sa akin? Hindi ba siya ang sinabi niya sa akin na nakatakdang mamahalin ko habang buhay? Kung sabagay, nagbago na si Patrick. Hindi na siya yung tulad ng dati na akala ko ay talagang mahal niya ako. Ang akalang pagmamahal na ibabalik namin ay mukhang suntok na lang sa buwan. Ang sakit pero kailangan ko itong tanggapin para sa relasyon namin. Mahal ko siya pero hindi ko ramdam sa kanya ang tunay pagmamahal.

Nag-ring ang CP ko at biglang tumawag si Lei.

"Kuya.. Alam ko ang nangyari sa'yo!! Tumawag sa akin ang mommy mo! Ayaw kasing sagutin ni Jan yung tawag ko kaya pupuntahan kita diyan. Wag kang aalis diyan kuya ah!!"

Si Lei. Siya ba ang sinasabi ni Aling Linda na mamahalin ko habang buhay? Pero hindi! Hindi siya yung batang si Patrick na minahal ko. Siya lang ang lalaking nakilala ko noong second year high school pa lang ako. Hindi!! Hindi maaaring siya ang nakatakda para sa akin.

Habang iniisip ko ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nararamdaman ko ang alaala sa piling ng kapatid ko. Bigla kong naalala ang pagmamahal na naramdaman ko sa kanya. Parang napakasaya ko kapag nasa piling niya? Hindi kaya siya?

Ilang minuto ang nakalipas at nakita kong lumalakad si Aling Linda sa harapan ko.

"Oh iho, softdrinks mo! Inumin mo na yan habang malamig pa. Ramdam ko na may pupunta ngayong gabi para tulungan ka. Mahalin mo siya, iho!! Mahalin mo siya!!"

Si Lei?! Pano niyang nalaman na pupunta si Lei ngayon? Teka, mukhang nakakahalata na ako ah! Siguro alam din nito kung kailan ako mamamatay. Alam niyang lahat eh! Parang wala na akong kailangang itago pa.

Habang kausap ko si Aling Linda, bigla kong nakita si Lei. Ang gwapo ng mukha niya at maskulado na siya ngayon. Naka-muscle type na t-shirt niya na bumabakat ang mga dibdib nito. Nakaka-in love!!

"Kuya! Halika dito! Bilis.."

Bigla akong tumayo sa harapan ni Aling Linda para salubungin si Lei.

"Hala.. Sige!! Humayo kayo at magmahalan! Kayo ang itinakda ng mahal na poong Sto. Niño at walang makakapigil sa pagmamahalan ninyo!!"

Sumigaw sa harapan ko habang naglalakad si Aling Linda. Napangiti tuloy si Lei ng hindi oras. Kinuha ko ang gamit ko sa gilid ng simbahan at lumakad papunta kay Lei. Pagpunta sa harapan niya mismo ay kinuha niya ang bag ko at inilagay sa likod.

"Ako na diyan, kuya.. Ayaw kong nakikita kang nasasaktan. Di ba sabi ko sa'yo hindi kita iiwan."

Napaiyak ako sa sinabi sa akin ni Lei. Nilagay niya ang bisig niya sa leeg ko at sabay humarap kay Aling Linda para magpasalamat.

"Salamat po Aling Linda! Pakakatandaan ko po ang sinabi ninyo sa akin!"

"Sige iho!! Humayo kayo! Pagkakaingatan ninyo ang pagmamahalan ninyo dahil mamamatay kayong magkasama habang buhay!"

Bigla akong nagulat sa sinabi ng matanda. Siguro nga dahil seryoso niyang sinasabi sa aming harapan ang mga bagay na yun. Umalis kami sa matandang nanghula sa amin tungkol sa pag-ibig ko habang patuloy pa rin na nakapatong ang bisig ni Lei sa leeg ko.

"Bakit ba ginawa sa'yo ng daddy mo yan?! And so what if you're gay? Wala siyang karapatan para pagsalitaan ka ng ganun!"

Ramdam ko kay Lei na alalang-alala siya sa akin. Kung siya lang talaga si Patrick at hindi si Jan, siguradong siya lang ang mamahalin ko.

"Ganito, I'm allowing you to stay temporarily to my aunty's house. Alam na niya rin ang nangyari sa'yo. Kailangan mong sabihin sa akin simula una hanggang huli kung bakit ka tinakwil ng daddy mo."

Tumingin ako sa mga mata ni Lei. Naisip ko na mahal ko rin si Patrick, pero kung patuloy akong sasaktan at pahihirapan sa kamay niya ay mas pipiliin ko na lang na mahalin si Lei.

Bumili siya ng pizza sa greenwich malapit sa simbahan para kainin namin sa bahay. Pagkatapos ay sumakay kami ng jeep. Habang nasa biyahe, nakakita kaming dalawang lalaki, siguro mga nasa 25-28 years old na nagho-holding hands habang may binabasang blog sa CP nila. Ang sweet nila kung tutuusin. Habang tinitignan, pumasok sa isip ko si Patrick. Simula nang nagmahalan kami nung nahuli ko siya na nagtatago sa katauhan ni Jan ay unti-unti kong nalalaman ang ugali nito. Malayong-malayo sa ugali ng Patrick na kilala ko nung bata. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Lungkot sa pangungulila ng batang Patrick na kilala ko at hindi sa Patrick na nasa piling ko ngayon.

15 minutes kaming bumibyahe hanggang sa nakarating kami sa bahay ni Lei. Binuksan niya ang gate at pinauna niya akong pinapasok. Pinabukas niya ang ilaw sa may tabi ng pintuan nila at inilagay ang bag sa sofa nila. Pumanik si Lei sa itaas ng bahay nila para magpalit ng damit at bumaba rin pagkatapos ng limang minuto.

"Kuya, just prepare yourself! Kailangan kong malaman simula una hanggang huli ang lahat. Hindi ko pa kasi gaanong kilala ang ugali ni Jan kaya gusto kong malaman ang ugali niya!!"

Kinuha niya ang pizza sa plastic nito at binuksan ang kahon. Niyaya niya akong kumuha ng isa pero tumanggi ako. Kailangan ko munang ilabas ang lahat ng galit, sama ng loob at lungkot sa unang taon ng relasyon namin ni Patrick.

"Nagsimula Lei noong naging kami. About 1 year ago. First year ako nun noong nalaman kong si Patrick at si Jan ay iisa ng dahil sa necklace at sa mga tumugmang imbestigasyon ko sa kanya, alam mo naman yun diba? Baby bro? Nasaktan ka pa nga nun noong una mong nalaman ang relasyon namin pero hanga ako sa pinakita mong katatagan sa gitna ng pag-iwan ko sa'yo."

"Tumagal ang tatlong buwan ang relasyon namin na lagi niya akong iniiwan sa ere. Kesyo busy daw siya sa practice ng laro niya,kesyo busy daw siya sa extra-curricular activity sa school nyo, at dumating pa sa puntong ako pa ang naging masama dahil nang-iiwan daw ako sa ere. Sinabi ko yun kay Gelo ang lahat, masakit pero kung mahal ko daw siya ay kailangan ko daw siyang intindihin, but that wasn't good enough for me nang nalaman nakita ko siyang may kahalikang babae sa gymn ng school ninyo. I was felt infuriated that time."

"Nag-sorry siya sa akin, pero tinanggap ko naman yun, mahal ko kasi siya eh. Lumipas ang ten months na minahal ko siya, pero mas naging narcissistic siya. Minsan nga, he got jealous to Joseph and Gelo and he keep insisting it na ginagawa ko raw yun. Naging mas harsh siya sa akin everytime he got used to see those friends of mine. Lagi niyang ginagawa sa akin yun. Minsan, dumating pa sa puntong nakatikim ako ng foul words sa kaniya, mga mura, below-the-belt na panglalait and the worst, papatayin niya ako."

Hindi ko na kinaya ang mga sumunod na istorya kaya tinigil kong pansamantala ang kinukwento ko. Biglang sumakit ang dibdib ko. Parang sinasakal hanggang sa hindi ko nakayanan at umiyak ako. Kumuha ng napkin mula sa pizza box na nasa gilid si Lei at pinunas sa mukha ko. Napansin ko na habang pinupunasan niya ako ay napansin ko ang kamay niya na tinitiklop parang may susuntukin. Nanggigigil yun at parang anytime, ay dadapo sa isang bagay na mapupuntirya niya.

"Lei, ito ang mas worst. Nakita niya tayong nag-uusap sa SM Manila. Naalala mo yun diba? Tapos hinila niya ako papalayo sa'yo pero wala kang nagawa. Pagkatapos nun ay sinampal niya ako at pinahiya sa labas ng SM na mababa at malanding bakla daw ako. Pinagbantaan niya ako na gaganti siya sa akin sa marahas na paraan. Bigla akong natakot nun. Nilapitan ko ang mga barkada natin at sinabing kailangan ko na daw siyang hiwalayan. Gagawin ko na sana pero, nung gabing yun, pagkagaling sa practice namin sa World Literature ay nakatanggap ako ng umaalimpuyos na sampal kay daddy. Oo, you heard it right! Sinumbong niya ako na karelasyon ko siya at sinabing bakla ako sa harapan ni daddy. Diba masakit yun?! Pinalayas ako ni daddy at tinakwil niya ako sa harapan ni mommy. Umalis ako ng bahay na hindi ko naipagtanggol ang sarili ko."

"Humingi ako ng tulong kay Patrick pero ayaw niya akong sagutin. Nahihiya naman akong lumapit sa mga barkada natin pati rin sa'yo kasi gabi na at nagpapahinga na kayo. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta kanina, hanggang sa napadpad ako sa simbahan at dun nagpasyang palipasin ang gabi."

Hindi na ako pinagsalita ni Lei. Yumuko siya, pagkayuko ay bigla kong naramdaman ang mga patak ng luha niya sa bumababa sa binti ko.

"Kuya, kasalanan ko!! Kasalanan ko ang lahat! Nahihirapan ka ng dahil sa akin! Gusto ko lang kasi makita kang masaya sa piling ni Patrick pero, mas lumala pa ang sitwasyon. Tandaan mo ito Kuya, igaganti kita kay Patrick, kuya!! Igaganti kita!!"

Niyakap ko si Lei. Habang kayakap ko siya ay bigla niyang sinuntok ang mga binti niya. Marahas yun habang tumatagal. Pinigilan ko siya sa ginagawa niya pero malakas siya. Buong gabi kaming umiyak hanggang sa hindi na namin nakain ang binili niyang pizza para pagsaluhan namin.

Lumipas ang gabi na katabi ko siya sa ibaba ng sofa habang natutulog. Nakaupong naka-sandal ang ulo nito sa sofa habang nakahiga ako ng komportable. Una akong nagising sa kanya. Kita ko ang mala-anghel niyang mukha. Bigla kong naalala ang mga pinagsamahan namin ni Lei mula sa unang pagkilala hanggang sa pagkamatay ni Cheney at ngayong naghihirap kay Patrick. Hindi niya ako iniwan. Lagi siyang nasa tabi ko. Hindi ko maiwasang pumasok sa isip ko na mahalin siya tulad ng pagmamahal ko kay Patrick. Ibinigay niya ang lahat sa akin na kahit nasasaktan siya sa ginagawa ko sa kanya. Bilib talaga ako sa baby bro ko!!

Nagising siya. Nang nakita niyang nakatitig ako sa mata niya ay hinipo niyang bigla ang noo ko.

"Kuya, may pasa ka ah?! Teka, kukuha lang ako ng yelo at bimpo tapos gagamutin ko yang sugat mo."

Tumayo siya sa harapan ko at kumuha ng yelo, pagkatapos ay inilagay niya sa ulo ko. Dun ko naramdaman niya ang pagmamahal niya sa akin.

Lumipas ang buong araw na nasa bahay ako ni Lei. Nakita ko rin ang Tita niya at alam niya ang nangyari sa akin. Ok lang daw sa kanya na tumira muna ako pansamantala sa bahay nila, mas maganda pa nga kung forever na daw akong titira sa kanila, pero hindi naman pwede yun, nakakahiya kasi sa kanila eh.

Lumipas din ang ilang buwan na nakatira ako kay Lei. Napansin ko rin sa kanya na nagsasalita siya habang natutulog. Lagi niyang binabanggit ang pangalan ko at humihingi siya palagi ng sorry sa kasalanang ginawa raw niya sa akin, pero wala naman talaga. Naririnig ko rin habang natutulog siya na nami-miss daw niya ako at mahal na mahal. Kapag binabanggit niya sa akin yun, hinahalikan ko siya sa labi at napapangiti naman pagkatapos, Ayaw niyang nakikitang pumupunta ako sa sariling kwarto niya. Minsan, nasigawan niya ako nung nagtangka akong pasukin ang kwarto niya, pero nag-sorry naman siya sa akin pagkatapos. Laging tinutulungan ko sila sa gawaing bahay, lalo na si Tita. Naging mas close pa nga kami eh. Si mommy, lagi niya akong pinadadalhan ng pera sa ATM Card ko para sa baon ko at syempre para na rin makatulong kina Lei.

Lagi akong tine-text ni Jan pero hindi ko siya pinapansin. May mga bali-balitang papatayin niya ako. Bigla akong natakot, pero nandiyan naman si Lei para sumubaybay sa akin at magbantay. Lagi ko siyang kasama pagpasok sa eskwelahan. Minsan pinupuntahan ako nina Joseph, Nikol, Shaine at Hiro sa bahay nila Lei at dun nagbo-bonding.

October, 2006. Unang lunes ng buwan at pasahan ng mga requirements para sa class card. Kasama ko si Hiro papuntang school nun. Nakita ko rin sina Shaine at Nikol na naglalakad papuntang Lyceum para pumasok.

"Niks!! Jacob to!! Dito kami sa labas ng Mapua!! Punta kayo ni Shaine!!" Sigaw ko habang naglalakad sila papuntang eskwelahan.

Kaagad na pumunta sila sa kinaroroonan namin. Pinag-usapan namin ang mga gagawin sa birthday ng baby bro ko. Kailangan kasi namin siyang ma-suprise. Medyo tumagal ng ilang minuto yun hanggang sa sumikat ng napakatindi ang araw at napagdesisyunan namin na tumambay muna sa Puerta Parian.

Halakhakan, tawanan, laitan at biruan. Yun ang ginawa namin habang nakatambay sa ilalim ng Puerta Parian. Siguro less than 30 minutes kaming nakatambay nun. Magkakaiba ang uniform na suot namin pero ang samahan namin ay pinagtibay na ng panahon.

Habang nakikisaya sa barkada, nakita kong naglalakad si Jan na mag-isa papuntang Mapúa, mukhang papasok, nang bigla kong nakita ang isang babae na medyo matangkad sa kanya ng konti na mukhang model ang lumapit kay Jan. Nakita ko na lumapit siya kay Jan. Kinuha niya ang mukha nito at nakita ko ang isang eksena na tumatak sa buong buhay ko para magalit at masaktan sa ginawa niya.

"Jay, nakita ko yun. Wag kang in denial! Ang sakit ano?!"

Si Joseph. Nakita rin pala niya na hinalikan ng babae si Jan. Ang sakit! Para akong tinablan sa ginawa niya! Ang sakit na pinatawad ko sa kanya noon ay biglang bumalik. Napaiyak ako habang pinagmamasdan ang umaalimpuyos na pagpapalitan nila ng halik.

"Jay, wag ka nang tumingin, nasasaktan ka lang eh! Wag kang in-denial, baka kidlatan ka dito ng hindi oras at baka madamay pa kami." Sabi ni Joseph habang pinagmamasdan ko pa rin ang ginagawa ng dalawa sa labas.

Nakita ko si Lei na kasamang naglalakad ang mga kaklase nito. Napahinto siya. Mukhang nakita rin niya ang nakita kong pagtataksil na ginawa sa akin ni Jan. Napatingin siya sa akin. Tiniklop niya ang kanyang mga kamay. Nanginginig ito. Lumapit siya hanggang sa sinugod niya si Jan at kinompronta.

"Tang ina mo Jan! Putang ina mo!! Wala kang kwentang tao! Pinagtaksilan mo bestfriend ko! Pinaubaya ko siya sa iyo para mahalin mo, pero ano ginawa mo?! Iba ka talaga!! Ibang-iba ka!!"

Sinuntok ni Lei si Jan. Mukhang napuruhan sa mukha si Jan. Napahiga siya ng hindi oras sa nagliliyab na suntok na natanggap niya sa baby bro ko. Tumayo siyang bigla at inambahan din ng suntok.

"Eto gusto mo di ba, Lei? Eto!! Ayan!! Ano masaya ka na?! Masaya ka nang nakikita mong sinasaktan ko si Jacob! Ikaw namang may gusto niyan eh, hindi ako!"

Tumakbo ako papunta sa kanila para awatin sila. Kinuha ko si Lei sa likod samantalang kinuha ng barkada ko si Jan para maawat silang dalawa.

"Di mo alam Patrick!! Hindi mo alam!! Minahal kita!! Hinintay ko ang pagkakataon para makita ka't ipagpatuloy ang ipinangako mo, pero ano?! Sinaktan mo ako!! You ruined everything! My Life, My Ego and even My Love to you!!"

Sinampal ko si Jan sa harapan nilang lahat, pagkatapos nun ay tumakbo ako. Hindi ko alam kung bakit, pero na-disappoint ako sa ginawa niya sa akin. Minahal ko siya nung bata pa kami at umasa akong gagawin niya ang ipinangako niya sa akin bago siya lumayo sa piling ko, pero ano? Sinaktan niya ako! Hindi niya pinanghawakan ang pangako niyang mamamahalin ako! Na ipagpapatuloy ang naudlot naming pagmamahalan! Hindi ko siya kilala. Hindi siya si Patrick na minahal ko!

Tumakbo ako ng papalayo sa kanila. Hinabol ako ni Lei. Hindi ko ininda ang sakit ng paa ko at ang daan kung hanggang saan ako dadalhin ng aking mga paa. Tumingin ako sa likod at sinusundan pa rin ako ni Lei, hanggang sa naabutan niya ako at niyakap.

"Lei.. Ang sakit!! Ang sakit ng ginawa sa akin ni Patrick! Hindi siya ang first love ko! Hindi siya si Patrick!!"

Sinalo ako ng kanyang malalaking dibdib. Hinayaan niya akong umiyak ng umiyak sa kanya. Pareho kaming nakatayo sa gitna ng kalsada na nagdadalamhati sa nangyaring pagtataksil sa akin ni Patrick.

Dumating ang mga kaibigan namin, kinuha nila kami at dinala sa isang sulok malapit sa labasan papuntang San Agustin church.

"Jay, iiyak mo lang yan, nandito lang kami.." sabi ni Shaine habang hinihimas ang likuran ko.

"Tang Inang Jan yan!! Niloko ka!! Akala mo Jacob, hindi ko nakita yun, nakita ko yun! Ramdam ko ang galit mo, kaya tama lang na gantihan siya ni Lei sa ginawa niya sa iyo!" sabi ni Nikol habang nakatingin siya sa akin.

"Pwede ba, tama na yan, Niks, nasaktan na nga yung tao tapos gagatungan mo pa ng galit mo kay Jan, tama na yung nakaganti na si Lei at Jacob sa kanya ng malaman niya na mali ang ginawa niya sa kanya!" Sabi ni Joseph habang nakapatong ang baba niya sa kanyang kamao.

"Si Patrick! Sana hindi siya si Patrick! Hindi gagawin sa akin ni Patrick na kilala ko noon na lolokohin niya ako! Huwad ang Patrick na nakilala ko ngayon! Hindi siya ang lalaking minahal ko! Hindi talaga!!"

Panay ang tangis ko sa ginawang pagtataksil sa akin ni Jan. Bigla kong naalala noong mga panahon na nakilala ko siya. Ang mga pahiwatig niya na siya si Patrick at ang pagkakatuklas ng kanyang pagkatao, Hindi nga maitatangging siya talaga si Patrick.

Lumipas ang ilang buwan at tinutulungan ako ng mga barkada ko. Mas lalo nila akong iniintindi. Kahit nasaktan ako sa ginawa sa akin ni Patrick, pinadama naman nila sa akin ang pagmamahal na hindi ko naramdaman nung kami pa ni Jan.

Dumating ang birthday ni Lei. Nagulat siya sa supresang ginawa namin para sa kanya. At first, nagtampo siya sa amin dahil wala daw pumapansin at bumabati sa kanya, pero nawala ang lahat ng iyon noong sinelebrate namin ang birthday niya with a bang!

Si Lei ang laging umaalalay sa akin, ibinibigay niya ang bawat oras at panahon sa akin para makapiling siya. Kung tutuusin, para talagang magkasintahan kami dahil sa sobrang pagiging sweet namin habang pinipilit kong kalimutan si Jan at Patrick sa buhay ko.

Bisperas ng Pasko. Isang malamig at malungkot para sa akin. Hindi pa ako pinababalik ni daddy sa bahay mula ng ako't itakwil niya. Nasa bahay pa ako nina Lei nakikituloy.

Bigla akong nakarinig ng tawag mula sa CP ko at tinignan yun habang nagluluto ng kakainin namin nila Lei at ng Tita niya para sa tanghalian. Tinawag ako ni Lei para sagutin ko yun. Ipinagpatuloy ni Lei ang pagluluto ko.

Pumanik ako sa kwarto ni Tiffany at kinuha ko ang CP ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag sa akin at nalamang si mommy pala.

"Hello, mom!! Merry Christmas po!!"

"Anak, hindi ako mommy mo, daddy mo 'to!"

"Oh, dad!!"

Nagulat ako sa sumagot, si daddy. Bakit kaya siya tumawag sa akin ngayon?

"Anak.. Alam mo, nung maliit ka, isa sa pinakapaborito mong okasyon ang Pasko. Minsan, pinapasyal ka ng mommy mo sa mga favorite place mo lalo na sa Luneta. Pinapasyal ka namin dun, especially kasama ako."

"Dad, would you please, ayaw ko nang maalala yun, nasasaktan ako!!"

Narinig ko na umiiyak si dad. Bigla akong nanahimik at umupo sa kama ni Tiffany. Tama ba ang narinig ko? Si dad, umiiyak sa harap ko? Hindi ko alam ang gagawin ko. Sasagutin ko ba siya? Kailangan ko na ba siyang patawarin? Ipinagpatuloy ko ang pakikipag-usap sa kanya.

"Anak.. Sorry sa ginawa ko sa'yo!! Nangungilila ako sa'yo ngayong Pasko! Sorry kung naging makasarili ako sa'yo. Ginawa ko lang yun dahil sa mahal kita. Ayaw kong mabigo ka sa huli. Nasaktan ako habang pinapalo kita. Mahal na mahal kita!! Pwede ba bumalik ka na sa piling namin ng mommy mo?!"

Tama ba ang narinig ko? Pinababalik na ako ni daddy, biglang naibaba ko ang CP ko sa ibaba ng kama ni Tiffany. Bigla kong inalala lahat noong mga nakaraan Paskong dumating sa buhay ko na kasama sila. Wala akong maalalang hindi naging masaya sa kanila, lahat puro mga hindi makakalimutan!! Siguro kailangan ko na rin siya patawarin. Kailangan ko sigurong bumalik. Harapin ang kasalukuyan sa kanila at ibaon ang kahapon sa buhay namin.Nilagay ko ulit ang CP ko sa tenga ko.

"Dad.. So—.. Sorry dad!! Sorry kung naging burden ako sa inyo. Gusto ko lang naman na tanggapin ninyo ako kung sino ako tulad ng pagtanggap ninyo kay..."

"Sa Kuya mo?! Oo, tanggap ko na!! Tanggap ko na hindi siya katulad ko, katulad ka rin niya at ng isang kuya mo. Tinanggap ko yun anak! Gusto ko na magkakasama tayo ngayong Pasko at gusto kong maging isa tayo mamayang gabi."

Bigla akong umiyak. Siguro iyak yun ng pagkasabik! Nananariwa sa aking mga alaala ang mga panahong magkakasama kami ni daddy kapag Pasko. Biglang pumasok si Lei sa kwarto at pinapanood ako habang kausap ko si daddy.

"Dad, babalik ako! Don't worry!! We will celebrate Christmas later on!! Tatawag lang ako later pag nandun na ako!! I love you dad!! Merry Christmas!!"

"I love you too, anak!!"

Tumabi sa akin si Lei. Pinunasan niya ang mga luha ko. Alam niya na tatawag si daddy sa akin kaya hindi niya sinabi yun as surprise.

"Kuya, Congrats!! I know, this has been your momentous Christmas ever in your life!! Masaya ako sa'yo ngayon!!"

"Salamat Lei!! Salamat sa lahat!! Lagi mo akong tinutulungan sa problema ko!! You're always be my one and only bestfriend and my brother!! I owe my life to you!!"

"Ok lang yun kuya!! Teka, when will you be coming back in your home?"

"As soon as possible, Baby bro!! Baka mamaya!!"

"Good for you, well, sasabihin ko kay Tita about that. Mukhang malulungkot siya but I guess, she will understand you."

"Teka, luto na ba yung niluluto mo sa baba?!"

"Oo naman, Kuya!!"

Bumaba kami para kumain ng tanghalian. Tinolang manok yun kaya mukhang mas mapapalaban ako sa hapag ngayon!! Sinandukan ako ng pagkain ni Lei, pagkatapos ay kumuha na rin ako ng ulam. Sinandukan ko rin siya ng ulam at pagkatapos ay sabay kaming kumain. Iyun na ang pinakahuling tanghalian na pagsasaluhan naming dalawa sa bahay nila.

Umalis ako sa kanila ng alas sais ng gabi. Malungkot kong niyakap si Tita at sinabing babalik ako para bumisita sa kanila. Si Lei naman ay sinamahan ako sa labas hanggang sa sakayan at nagpaalam na rin sa kanya pagkatapos.

Saktong alas siyete ng gabi ako nakauwi sa bahay. Pagdating sa gate, kaagad akong niyakap ni daddy sabay halik sa aking leeg.

"Anak!! Welcome home!! Halika dito, bilis!! Magse-celebrate tayo ngayon hindi dahil Pasko kundi ang magse-celebrate tayo dahil bumalik ka ulit dito sa amin ng mommy mo."

Nandun si mommy at umiiyak. Kaagad ko siyang pinuntahan at niyakap ng napakahigpit.

"Anak!! Welcome home!! Mahal na mahal kita!!"

"I love you mommy and Merry Christmas!!"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Mukhang nakita kami ni daddy kaya niyakap niya rin kami ni mommy. Para kaming na-reunited sa isa't-isa. Mahal ko silang lahat kaya mabigat para sa akin na iwanan sila.

"Ang drama naman natin!! Teka nga, sweetie, maghahanda lang ako ng pagkain natin at ise-celebrate natin ang Pasko na puno ng bagong pag-asa para sa bawat isa!!"

Si daddy. Siya ang magluluto para sa amin. Nakita ko sa harapan ang mga iluluto mamayang noche buena. May mga rekado ng spaghetti, camaron rebusado, menudo, pansit canton, kare-kare, morcon, at higit sa lahat, ang paborito kong ham at keso de bola na twing Pasko ko lang nakakain.

Nakita ko rin ang aso kong si Patrick. Na-miss ko siya kaya't tinadtaran ko ng mga halik sa ilong at pisngi nito. Kinuha ko siya at nakipagharutan sa asong hindi nakita since lumayas ako about past few months ago.

Lumipas ang ilang oras at mag-aalas nuwebe na ng gabi. Bumili ng dalawang case ng Colt-45 si daddy. Tinanong ko siya kung kanino lahat yun dahil bihira lang kami uminom ng alak at mukhang hindi ko mauubos lahat ng yun.

"Anak, may supresa kami sa'yo ng mommy mo."

Walang anu-ano ay biglang nakita ko isa-isa ang mga bisita namin. Ang Tita ni Lei, si Tiffany, si Lei, mommy ni Cheney at ang buong barkada!! Lahat sila pumunta para maki-pasko sa amin. Binuksan ko ang DVD set at doon nagsimulang i-celebrate ang kapaskuhan.

Iyun ang araw na hinding-hindi ko makakalimutan. Ang Pasko na kahit wala si Cheney sa buhay ko ay masaya kong ipinagdiwang yun kasama ang lahat ng mga naging bahagi ng buhay ko at buhay naming nina Patrick at Cheney.

Masaya rin naming pinagdiwang ang bagong taon, 2007 yun at medyo nalungkot ako dahil yun ang araw na nangako si Cheney sa akin na mahalin siya, pero imbis siya, si Patrick pa rin ang sinisigaw ng puso ko. Masakit para sa akin na saktan at pahirapan ako ni Patrick, pero, Ok lang yun, ang importante ay masaya naming ipinagdiwang ni Lei ang bagong taon na mabiyaya at nangakong hinding-hindi iiwanan ang isa't-isa kahit kailan.

Laging katulong ni mommy si Lei sa family business namin. Siya minsan ang nagiging inventory clerk na nagche-check ng mga bote na palagi ko ring ginagawa kapag walang pasok sa eskwelahan. Masaya naman daw siyang tumutulong sa amin kaya wala naman daw problema para sa kanya na mag-volunteer sa negosyo na ipapamana sa akin balang araw.

Sakto at dalawang taon ng kamatayan ni Cheney nang sinagot ko si Lei. Yup, we're now officially lovers! Kinuha ko muna ang basbas ni Cheney sa aming dalawa noong pumunta kami sa puntod niya. Siyempre, para kaming tanga na kinakausap ang sarili namin sa harapan ng puntod ni Cheney pero ayos na rin dahil wala namang tao sa paligid namin habang ginagawa yun.

Third year na kami sa pasukan at mukhang mabilis ang pagsapit sa amin ng 4th monthsary namin ni Lei. Niregaluhan niya ako ng snickers na throw pillow na malaki para may kaakap ako just in case na kailangan ko raw ng kayakap.

Nadama ko ang walang hanggang kaligayahan sa piling ni Lei. Naalala ko tuloy si Patrick sa kanya noong bata. Sana siya na lang si Patrick, ang nagmahal sa akin noon.

March, 2007 at isang araw pagkatapos ng birthday ko. Kaka-19 years old na ako nun. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Jan.

"Hello! Jacob! Belated happy birthday! What's up?!"

Itutuloy..

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP