MY LIFE'S PLAYLIST (chap 8)
Author's note: Wah super salamat sa mga comments super naging happy ako. Sorry di ko nagawang mag-update agad sunod sunod ang events eh. Napaka-hectic ng sked. Kung pede lang di na ako umatend sa mga school events at birthday ng katropa eh di ko na gagawin eh... JOKES lang. If I do that eh di upak naman ako dahil di ko rin na keep ang promise ko sa kanila. At syempre mahalaga ang school work. Try kong mag-update tommorow ng madaling araw. Sana totoo na lang 'tong wento ko ang lamig eh need ko ng kayakap, kasi 'tong si bagyo eh.... brrrrr!!! Ahahaha JOKES... Salamat ulit!!!
“Hmmm sarap naman ng pakiramdam ko. At ang sarap pang yakapin nitong unan na ‘to... Aba teka di ‘to unan huh. Hala bakit may nakahawak sa ulo at parang pinagtitripan pa buhok ko?!” ang nasabi ko sa sarili ko habang nakahiga ako sa isang super comfortable na lugar.
“Sabi nila piliin ko daw ang taong masaya ako, kumportable akong kasama sya at yung nakakapagpapawi ng lungkot ko sa di maipaliwanag na paraan. Yun nga lang kung pipiliin ko daw ang taong yun mag-ingat daw ako kasi pag nawala yun sa akin mas masakit daw” sabi ng naririnig kong boses habang nakahiga bisig nya.
“Wah papano ako napunta sa ganitong moment?! Last thing I remember sinabi nyang bf nya ako sa harap ng uncle nya huh!!!
Hohemgeeeee... Feel ko ang saya saya ko pero nakaka-panic at the same time” sabi ko na naman sa sarili ko habang nakahiga pa rin sa tabi ni Rex.
“Rex... Anung nangyari bat ako nandito? Di ba kanina lang nasa harap tayo ng pinto ng bahay nyo?” tanong ko kay Rex.
“huy nagulat naman ako sa ‘yo gising ka na pala. Narinig mo ba yung sinasabi ko” tanong sa akin ni Rex na parang nakuryente sa pagkagulat.
“Huh wala naman. Huy bakit nga biglang nandito na tayo sa kwartong ‘to? Anu bang nangyari?” palusot na sagot ko sa kanya kahit obvious naman na narinig ko talaga yung sinabi nya kanina. Hihihih lakas topak ko noh. At syempre gusto kong malaman bakit parang tumatalon na lang ang mga pangyayari.
“ah nahimatay ka kahapon.” Sagot sa akin ni Rex na medyo natatawa na ngayon.
“Hmmm weh... di nga... di naman nangyayari sa ‘kin yun eh. Last time na nangyari sa akin yun may ulcer ako tapos yung time before that eh nung naaksidente ako nung bata pa ko. Tapos nun wala na akong moment na nawalan ako ng malay.” Paglilinaw ko sa kanya.
“Di nga promise nga nawalan ka ng malay. Doctor si Uncle Ash. Wala naman daw syang nakitang problem sa ‘yo. Nung nawalan ka nga lang daw ng malay medyo mainit ka at mabilis heartbeat mo.” Kwento ni Rex.
“Wah panung ok lang ako kung mainit ako at kakaiba ang heartbeat ko? Anu yun parang ewan lang?”
“Eh kasi kaninang umaga at kaninang hapon he checked up on you again at ok ka naman daw. It’s either pagod ka or...” biglang tumigil si Rex at inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko habang ang kanan nya kamay ay nasa dibdib nya at ang kilawa nyang kamay ay nasa dibdib ko.
“Hmmm I think tama ang theory ni Uncle Ash...” sabi ni Rex.
“wah anung theory naman yun?”
“Kasi nung tulog ka normal naman yung heartbeat mo, tapos kanina kanina lang ganun din. Eh nung nilapit ko yung mukha ko sa mukha mo eh...”
“ano? Ituloy mo! Anung meron” sa totoo lang may idea ako kung anung gusto nyang sabihin pero syempre dapat wag pa-obvious. Hahahah.
“I think in love ka!” sagot ni Rex sa tanong ko.
“Hmmm bakit mo nasabi?”
“Una, nung sinabi kong bf kita sa harap ng uncle ko nahimatay ka at based on your story its not common for you to just faint like that. Pangalawa, nung nilapit ko mukha ko sa ‘yo bumilis heartbeat mo. Pangatlo..” pambibitin na naman ni Rex.
“Anung pangatlo?” pagtatanong ko with matching pretend na bwisit sabay kunot noo.
“From what I observed may tendency ka ma-attract sa guys...” sagot ni Rex.
Pakiramdam ko sasabog ang utak at puso ko. Di ko alam kung matutuwa ako or matatakot. Parang gusto kong tumakbo at magsisigaw o di kaya magtago sa ilalim ng kaibuturan ng lupa. San nya nakuha ang idea na yun.
“Huh? Anung sinasabi mo?” tanong ko kay Rex.
“Wag kang magagalit at sa totoo lang eh di rin naman ako sure. Kasi one time maaga ako pumasok, tatambay sana ako sa likod ng chapel at narinig kong sinabi ni Kian na hmmmm correct me if I’m wrong sa pag-quote ko, Ayoko na nang ganito Kirk nasasakal na ako! Lumayo ka muna sa akin. But then again that was so last sem ago.” Ang nakakagulat na kwento ni Rex.
“ahhh away lang naming yun. Kasi remember ayun yung time na naaksidente sya sa motor. I was merely trying to lend a hand tapos bigla syang nagfreak-out nun. Sa totoo lang up to this day di ko alam bakit nya nasabi ang ganung kasakit na salita.
I never thought na may magsasabi sa akin ng ganun.” Sagot ko kay Rex at di ko pansin tumutulo na pala luha ko. I guess masakit pa rin yung alaala na yun.
Niyakap ako bigla ni Rex ng mahigpit. At narinig ko sa kanya ang pinakamasarap na salitang di ko expected kahit kalian, “Di ko na papayagang may manakit pa sa ‘yo nang ganun. Kung di ka nya kayang ipahalagahan ako na lang ang gagawa nun. He doesn’t deserve a friend like you. Ikaw ang nagpasaya sa akin nung binasted ako at somehow naparamdam mo sa akin na di na ako mag-iisa hangga’t nandyan ka.”
Sa totoo lang tulala ako sa narinig kong yun. Lalo tuloy akong naiyak. Niyakap ko na lang din sya ng mahigpit. I feel safe at the moment. Parang all fell right into place. Matagal nang walang yumayakap sa akin, parang nalimot ko na yung warmth nang yakap. Pero sa moment na ‘to parang iba. Parang first time ko maramdaman ang ganitong pagyakap. Di ko alam kung bakit parang binuksang gripo mata ko. Parang waterfalls na sya. Ang saya saya ko ngayon kaya this can’t be crying, this must be what they call tear of joy.
Kumalas sya sa pagyayakapan namin at humarap sya sa akin. Nilapit nya ang mukha nya sa akin at nagsalita sya, “Mahal mo ba ako? Kasi ako di ko sure pero parang mahal na kita”
Sa bilis ng tibok ng puso ko di ko alam kung anung gagawin. Pero isa lang ang pumasok sa isip ko. Isa lang ang bagay na magagawa ko. Pinikit ko ang mata ko at ginawa ko na ang bagay na di ko naisip na gagawin ko sa totoong buhay. I kissed him.
Naramdaman ko na lang na humigpit ulit ang yakap nya, this time while kissing me.
Di ko sukat akalain mangyayari ‘tong moment na ‘to. I dreamt of this type of stuff, oo nakapanaginip na ako ng something like this pero hellow, asa naman akong magkakatotoo pala yung mga yun.
-------------
Pagkakaraan ng ilang sandaling bumalik kami sa pagkakahiga at muling nag-usap.
“hmmm so” medyo feeling awkward at kinakabahan ako sa sasabihin ko.
“Hmmm so what?” sagot nya sa akin.
“D-d-does this mean what I think it means?”
“I think so...”
“So are we?”
“We are”
“Really?!”
“hindi, joke lang. Batukan kita eh malamang tayo na! Ikaw pa naman ‘tong matalino sa math at English tsk tsk tsk” sagot ni Rex sa akin na may halong biro.
“heheheh sorry lang. Karamihan daw nang mahusay sa academics tanga sa love eh.” Sagot ko sa kanya sabay sundot sa tagiliran nya.
“hmmmm so bobo ka nga sa love ahahahaha!!!” sagot ni Rex sabay tawa.
“Di naman!!!” sagot ko sa kanya sabay pouty face.
“Pero wag kang mag-alala, I will teach you!” sagot ni Rex sabay flash ng kanyang super amazing smile.
Sa sagot nyang yun kiniliti ko ulit sya sa tagiliran at ginantihan nya rin ako. Pagulong gulong kami sa higaan. Kilitian at tawanan. Parang sana di na matapos ‘tong moment na ‘to.
Hay naku feel ko inaakyat na ng sampung bilyong langgam ang kwartong kinalalagyan namin. Badtrip kasi ‘tong si Rex, ang sweet masyado ahahahah. Potek I feel so malandi at the moment. Ahahaha. Tawa naman ako ng tawa. Kung nakikita ako ng lola ko babatukan ako at sasabihan ng “tawa ng tawa, gusto nang mag-asawa”. Ewan ko kung saan libro or baul yun nakuha ni lola pero why not di ba. Kung si Rex ang papakasalan ko why not. Mahal daw ako. At hellow based on my abnormal heart mahal ko na rin sya. Bonus na lang na pogi at mayaman sya.
Pero teka, how would we tell our respective families, parents at friends. Wah!!!
Ayan na naman nakakaramdam na naman ako ng wagas na takot at kaba. Potek talaga ako oh panira ng ka-sweetan.
Di ko gusting sirain ang moment pero I had to ask, “Teka! How would we tell our parents about this? Or kung sino man.”
“We don’t have to. This can be our sweetest secret. Tayo lang. Bahala sila. We’re old enough to decide for ourselves. Don’t you think we deserve to be happy?” sagot sa akin ni Rex na medyo sumeryoso ng mukha.
“Hmmm basta nasa tabi kita at alam kong totoo ‘tong nararamdaman natin handa na akong isugal ang lahat. I put my trust in you. Ang masasabi ko lang alam mo ang feeling na masaktan at iwan and same goes for me. Hangga’t kaya pa natin walang bibitiw huh.” Yan ang sinabi ko while holding his hand tight.
“Wag kang mag-alala. Mahal kita!” pagkakasabi nun niyakap nya ulit ako.
I feel so lucky. Parang nananaginip lang ako. Aba teka baka nananaginip nga lang ako.
Tinulak ko ng onti si Rex. Obviously nagtaka sya sa ginawa ko. Bigla kong kinurot ng pino ang mukha nya.
“Aray!!! Para saan yun?” medyo badtrip na tanong ni Rex.
“Ahhh gising nga ako. Kala ko kasi nananaginip ako eh..” sagot ko sa kanya.
“Di ba pagkinukumpira kung gising ka or hinde you inflict pain on yourself? Eh bakit ako ang kinurot mo?” sabay kurot ni Rex sa pisngi ko.
“Di ko ramdam” ewan ko kung dahil sobrang hyper at saya ko pero di ko masyadong ramdam ang kurot nya.
Bigla syang lumapit at niyakap ako at bigla akong hinalikan at kinagat sa leeg.
“Awww!!!! Gag* ka ba? Ang sakit nun huh!” Medyo galit kong sabi sa kanya.
“Eh at least ngayon sure kang gising ka at may souvenir pa akong kiss mark sa ‘yo!” sagot ni Rex na nakangisi.
“Hmmmm oo nga no! Sure na nga akong gising ako. Ang galing naman ng labs ko!” sagot ko kay Rex with matching pacute na smile hehehe. Sorry kung parang masyado akong nagiging malandi eh first bf eh.
“Uy tama ba yung narinig ko? Labs? Yes!!! Yessssss!!!!! Wooohooo!!!!! Yan na tawagan natin huh” excited at tuwang tuwang nasabi ni Rex.
Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ulit ang Uncle Ash ni Rex.
“What’s with all the noise? Pwedeng magharutan at magkulitan pero please keep it down.” bwisit na pagwa-warning sa amin ng Uncle Ash nya. At bagsak ulit ng pinto.
Super kabado ako sa moment na yun pero napaisip rin ako bigla kaya napatanong ulit ako kay Rex, “Huy di ba sabi mo sa Uncle mo bf mo ko? Anung sinabi nya?”
“Ah yun ba? Bumanat agad ako ng JOKE LANG. Kaya nagulat ako nung bigla syang nagdive sa sahig para saluhin ka. Kaya ayun parang wala lang yung moment.” parang worry-free na sagot ni Rex.
“So ok lang sa kanya if ever malaman nya?” pagtataka ko.
“Hmmm not really pero mabait yang si Uncle Ash. He won’t tell if he ever found out anything about us.” paniniguro ni Rex sa akin.
“Bakit naman?” isa ulit malaking question mark sa akin.
“Eh kasi dati nahuli ko yun na may kahalikang lalaki. So ayun, he promised to never meddle with my life and keep quiet with what he’ll know and same goes for me to him” sagot ni Rex na parang proud pa sa alas nya against his uncle.
“ahhhhh beki si Uncle?” tanong ko.
“Ah ewan ko dun. May fiancĂ© yun eh at malapit na daw silang ikasal. Kung anumang ginagawa nya, bahala na sya dun. Kung san sya masaya eh bahala na rin sya dun. Basta ako masaya ako sa ‘yo.” Biglang banat ni Rex.
“Hmpft may ganun talaga?! Ah o sya sige kung ganun na nga eh di wala palang masisiwalat na secret bukas sa reunion nyo?” follow up question ko kay Rex. Kulit ko no tanong ako ng tanong.
“Hmmm next week pa naman yun eh...” sagot ni Rex na nakangiti na nakakaloko.
“Halalalalalala anu daw? Eh bakit tayo pumunta ditto?” medyo shocked na tanong ko.
“Hmmmm gusto lang sana kitang ipasyal. Maka-bonding. Alam kong lately parang stressed out ka so naisip kong imbitahan kita. Pero napagtanto ko rin na you never agree to something without a good reason so nagdahilan akong reunion na this weekend.
“ahhhh... wait so teka dumating tayo dito gabi ng Saturday tapos ngayon Sunday na right? Kahit na sa Tuesday pa pasok natin di kaya dapat na akong bumalik ng Manila tomorrow, magagalit na parents ko.” Nasabi ko sa kanya.
“hmmm no worries. I called your mom already at pinagpaalam na kita. Nag-3G call na ako para kita ng mama mo na kasama kita at safe ka. Sabi ko rin kung ok lang sa mama mo na mag-stay ka muna dito till Tuesday morning, pumayag naman.” Kwento ni Rex.
“Really? Pano mo nakumbinsi si Mama?” tanong ko.
“Hmmmm base sa kwento ng mama mo madalas mo daw akong nababanggit. So alam ng mama mo mayaman ako na I can provide for you.” Sagot ni Rex.
Wow! Provide for me. Parang asawa lang huh. Ang perfect na nitong mundo ko at this moment. Sana makapunta kami sa isang dimension or alternate universe kung saan walang judgement sa love na natagpuan namin isa’t isa. I wish we could escape this society. Ahahaha but then again we just have to be strong I know our love can make it thru.... aheheheh wagas ang ka-cornyhan ko. Pero sabi nga nila pag in love naging corny at sweet.
“Ngingiti ngiti ka dyan!” panggugulat sa akin ni Rex.
“ah eh na-stun lang ako ng kagwapuhan mo!” sagot ko sa kanya.
“Weh? Kiss mo nga ako.”
“ayoko nga, ako na kumiss sa ‘yo kanina eh. Ikaw mag-kiss sa akin!”
“sige na nga...”
At yun na nga. This is my first official in a relationship kiss. Yung kanina kasi sagot ka lang sa kanya kung kami na eh. Pero based on my count third kiss na naming ‘to. Including yung nadapa ako at napahiga kami pareho sa mall. Ahahahaha potek kinikilig ako all over. As in wagas. Tama ba ‘to?! But then again sabi nga nila walang mali sa taong nagmamahal. And you can’t say something is wrong if it makes you happy.
----------
We had dinner. After nun we decided to sleep sa kwarto nya. Nakatulog agad sya, I guess puyat sya kakabantay sa ‘kin nung wala akong malay. So I let him sleep, di ko na inistorbo. Habang nakahiga ako inabot ko yung celphone ko sa bedside table. Pinatugtog ko as usual pero super hina lang, yung enough lang na marinig ko.
Buhay pa pala ‘tong kantang ‘to sa phone ko. Hmmm perfect!!! Like, like, like it!!!
I decided to create a note sa phone.
>The best day ever!!!
>Finally found someone to love who loves me back.
>Thanks LORD!
>Sweetest escape from my daily routine.
Binalik ko na ang phone sa bedside after magplay ng song at gumawa ng super note na naka-attach sa date today. At ginawa kong naka-repeat one song ang setting para paulit-ulit lang. Kahit super kilig pa rin ang nararamdaman ko, ramdam ko na rin ang antok so I decided to sleep na rin. First time kong matutulog ng may katabing mahal ko. Hmmmm ang sarap. Sakto aircon pa ang room.
Hay this is the life, its just so perfect!!!