Hiling Chapter 2

Sunday, June 12, 2011

sorry guys kung mejo natagalan ang pag update ng Hiling.. pero heto na po ang chapter 2.. sana magustuhan ninyo ulit ito.. mejo na pepressure kasi ako sa comments ninyo pero salamat parin sa comments ha iyan lang ang basehan ko kung nagugustuhan ninyo ang story na ginagawa ko at yan din ang basis ko kung ipagpapatuloy ko pa ang pagsusulat...

salamat muna ako sa mga nag comment...
kay WASTEDPUP ng BOL na agad nag set ng expectations sa Hiling Chapter 1 pa lang.. salamat pero mejo na challenge ako na masatisfy ang expectations mo.. pero i really cant promise kung kaya ko.. pero salamat parin ha...
kay ANONYMOUS at Kuya JAYSON PATALINGHUG ng LOL.. salamat sa comments ninyo... sana lang magustuhan ulit ninyo ang chapter na ito...
kay ERWAN (Ash) wow mejo urong ako sayo, mas magaling ka sa akin eh, pero salamat parin at susubaybayan mo ito...
kay MAC/MAC BUK/BAKED MAC etc... na grabe kung mag demand ng next chapter hehehe maghintay ka at pinag iisipan ko na ito ng mabuti ngeyon di na ito tulad ng UeL na free flow ang utak ko.. pero salamat sa pag babasa mo.. heto na ang next chapter kaya huwag mo na akong awayin KUHA MO?!

at sa iba pang nag aabang nito salamat sa inyo.. please lang comment naman kayo oh huwag kayong mag alala lahat ng comment ninyo ay ipopost ko kung sa blog ko lang naman.. hehehehe

so here is the story


Hiling chapter 2: The Best Friend and The  New Instructor

-oO0Oo-

Felix Lim

Anung oras nanaman at wala paring DJ Fernandez ang sumisipot sa dito sa bahay, halos 3 oras na siyang late sa nkatakdang review namin.

“arg!!! My God lagi na lang bang ganito? Sa tuwing may review ay kailangan ko siyang paulanan ng text reminders. FUCK!!!” ang bulyaw ko sa sarili ko, sa buong buhay ko never ako nag mura pero sabi nga nila there is always as exception at isa si DJ sa exception na yun.

I mean kilala ko lang naman si DJ sa pangalan at di as buong pagkatao niya, oo matagal na kaming partners sa mga academic competitions pero never ako nag lakas ng loob na kilalanin pa siya. Kasi naman sino ba naman ako para kilalanin pa siya I’m just a nobody compared sa kanya na kilala sa buong campus sa buong University.

Wala na akong magagawa pa kung ayaw niyang mag review pero ako gusto ko, at sinasayang ko lang ang oras ko sa pag hihintay sa kanya.

Inabot nanaman ako ng madaling araw ay di parin ako inaantok ganito kasi ako pag kaharap ko ay libro, di ako inaantok, at pabor naman sa akin iyon, kasi gusto ko talagang mag excel sa mga academics ko para kung sakali mang Makita ko mga magulang ko maipapamukha ko sa kanila na di ako pabigat at kaya kong maging magaling kahit na wala sila sa tabi ko.

Alas 8 ng umaga ng narinig kong may kumatok sa pintuan ko, akala ko si Prof. Mendez na iyon sanay kasi akong laging kasama si Prof. Mendez tuwing may review kasi may nabibigyan niya kami ng pointer on what particular topic kami dapat tumutok. Pero laking gulat ko nang Makita ko sa halip na si Prof. Mendez ay isang lalaki na nasa mid 30’s ang hitsura.

“good morning.. sino po ba sila?” ang agad kong pag-bati sa taong nasa harapan ko.

“good morning..... Felix Lim.. right?” ang sagot niya sa akin..

“yes.. sino po ba sila?” pabalik kong tanong ulit sa kanya.

“I’m Prof. Cruz.. Aelvin cruz... wala ka bang balak na papasukin ako?” ang pagpapakilala niya sakin at ang agad niyang tanong...

“ok po sir.... tuloy po kayo... pero pwede kop o bang malaman ang pakay ninyo sa akin?” medyo alangan pa ako sa pagpapapasok sa kanya sa loob ng bahay ko lalo na di ko siya kilala, pero kahit ganun pa man ay pinatuoy ko pairn siya. Sa kanyang pag pasok ay agad niyang iniabot sa akin ang isang sulat

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP