MY LIFE'S PLAYLIST (chap 14)
Saturday, May 5, 2012
Author's note: Super duper sorry dahil matagal akong di nakapag-upload. Sabi ko pa naman hiatus done na ako. Pasensya na po at kinailangan lang maghanap ng work at nung nakahanap naman super busy naman. Hay buti na lang andaming cute sa paligid. Sa mga readers(kung meron pa) super thank you lalo na sa mga nagco-comment tulad ni Coffee Prince. Thank you rin pala kay kuya JUSTN SHAWN(Kuya Jo) na gumawa ng cover picture para sa story, I really owe you big time. Sana po magcomment po kayo para maramdaman ko rin kung anu pong reaction nyo. Please and thank you :)
ENJOY GUYS :D
I just wish na sana may co-worker ako na reader nito :)
“Gising!!!”
“Bakit anung meron?”
“Eh di ba flight ko na mamaya!”
“Ay oo nga pala!”
Agad agad akong naligo at nag-ayos ng aking sarili. Pagkakatapos namin ayusin ang documents needed to get out of the hospital pumunta na kami sa front gate. Nandun naghihintay ang sasakyan ni Uncle Doc. Pagkakasakay namin agad nang pinatakbo ni Uncle Doc ang kotse.
“Dahil ako ang pinakamabaet na uncle sa buong mundo susundin ko ang request ng aking pinakapaboritong pamangkin..”
“Huh? Anu pong meron?”
“yan kasing pamangkin ko gusto munang i-perform ang isa sa fastest at sweetest date possible.”
“Huh I still don’t get it.”
“Just sit back and relax coz this would be the most wonderful moment we’ll have to live by till we meet again.”
“hoy kinakabahan ako dyan ha!”
“Ok were here”
“Anung meron?”
“basta bumaba ka na lang!”
Pagkakababa ko hinatak ako ni Rex sa isang restaurant. Pagkakapasok namin dito nakita ko sa isang sulok na may mga masasarap na food at may nakalagay na banner ng
“till we meet again, Rex”
“Tantararan despidida party ko ‘to pero mabilis lang ‘to huh”
“Ok..”
“dali upo ka na. ayan na rin pala ang lugaw, puto, at iba pang soft foods for you.
Syempre bawal pa sa ‘yo ang heavy and hard to digest food at bawal rin ang meat sabi ng doctor.”
“opo dad”
“hehehe kain ka na baby!”
Nakakatatlong subo palang ako ng pagkain ko bigla na lang sinabi ni Rex na “Ok breakfast slash despidida party over. We need to get to the next destination.”
“Hala sayang yung food!”
“Nope I already asked the waiters to send the food na hindi natin nagalaw sa family po para pang almusal nila.”
“Wow naisip mo pa family ko! Talagang responsable talaga ang boyfriend ko at hindi pa masayang.”
“Syempre naman. Oh tara na labas na tayo dito at naiinip na si Uncle Ash.”
Pagkakalabas namin ng restaurant ay sumakay agad kami sa kotse.
“Saan naman tayo pupunta?”
“Hintayin mo na lang.”
“Galit lang uncle doc?!”
“Shhhh”
“hmft ok”
After a few minutes nakarating kami sa quiapo church.
“Oh yan pwede na kayong lumabas. Dalian nyo lang kasi wala naman parking dito!”
“Uncle Ash you know where to wait for us.”
“Yeah I know.”
Agad kaming bumaba at hinatak na naman ako Rex. Habang hawak nya ako at patakbo kaming papasok sa church “Hoy tigil lang sandal!”
“Bakit?”
“Ikaw muna sumunod sa akin!”
Hintak ko sya at tumigil kami sa isa sa mga vendors.
“Kuya tatlo nga nito at isa nun”
“Anu ba yan Kirk bakit ka ba bumibili ng kakaibang shaped na candles?”
“For love, safe trip at happiness.”
“Huh?!”
“Ganito kasi yan, bawat candle may nirere-present na wish or prayer.”
“Ah ganun ba?”
“Hala anung ginagawa mo?”
“Kuya bibilin ko na ‘tong lahat huh!”
“Ay salamat po sir!”
“Bakit mo binili lahat?”
“Eh kasi di ba kung hihiling ka na rin lang bakit di mo pa lubos lubusin!”
“Wew hindi naman kasi ganun yun. Dapat taimtim at dapat kung anu lang talaga kailangan mo. Yun lang!”
“Taimtim naman at nagmula sa puso ang hiling ko eh. Kasi matagal rin tayo hindi magkikita. Kahit sabihin pang pwede tayong mag-usap sa phone o di kaya magchat iba pa rin ang feel di ba? Kaya just let me.”
Hindi ko na sya kinontra. May punto sya magkakalayo nga naman kami. Kung umuwi nga lang sya papunta sa bahay nya nag-aalala na ko eh papano pa kayo yung mangingibang bansa sya.
“Dito naman tayo.”
“Hoy hintayin mo ko Kirk!”
“Kuya ito nga. Tapos ito yung isusulat mo dyan huh.”
“Anu naman meron dito?”
“Yan customized teddy bear key chain.”
“Wow ang cute.”
“Eto na po sir!”
“Yan ok na. Kabit mo yan sa phone mo at ito naman ay kakabit ko sa phone ko.”
“Uy may nakasulat pa!”
I <3 Kirk
I <3 Rex
Wow yan ang sa ‘yo at ito ang sa akin. Tara na duon naman tayo.
“Anung area ba ‘to?”
“Dito nagpapamisa ang mama, tita at lola ko. Parang padasal ba..”
“Para saan?”
“For safe trip at para sa relationship natin”
“Alam mo kulang na lang ata lumipad ka pumunta sa heaven at makiusap sa lahat ng mga anghel at pati kay GOD na bantayan ako no?”
“Kung pwede ba eh?!”
“Adik!”
“Ou naman adik talaga ako sa ‘yo!”
“Hehehehe I love you Kirk!”
“I love you too Rex!”
“Huy bawal dito magkiss church ‘to!”
“Ay oo nga pala!”
“Tara na at magdasal na muna tayo.”
Nagdasal kami. Pansamantala akong pumikit at habang magkahawak kami ng kamay ay hinihiling ko na sa Panginoon ang lahat lahat ay maging ok at wala nang maging problema. Pagkakatapos kong magdasal binuksan ko ang aking mata at nakita kong nakapikit rin sya at para bang di pa sya tapos magdasal. Di katagalan dumating na ang pari na nagbabasbas.
“itaas mo yang key chain at baka sakaling mabasbasan din.”
“Ok!”
Magkahawak kami habang ang kabila naming kamay ay nakataas hawak ang mga binili kong key chain.
“Oh tara na at baka nabo-bored na si Uncle.”
“Sige tara.”
Nagmadali kami hanggang makarating kami sa kanto kung saan nakaparada ang kotse ni uncle doc. Agad agad kaming sumakay ni Rex. Tulad kanina mabilis na naman ang takbo ng kotse at di ko alam kung saan kami patungo.
Di katagalan nakarating kami sa SM. Dumiretso kami sa parking para iparada ang kotse ni Uncle Doc. Sakto at mukhang kakabukas palang.
“Tara brunch!”
This time kasama na namin si Uncle Doc bumaba at pumasok sa mall. “Tara dito tayo!”
Dumaan kami sa walkalator at dumiretso sa super market.
“Oh ayan treat ko sa inyong dalawa” sabi ni Uncle Doc.”
“Wow magnum!!! Bago lang ‘to huh?!”
“kaya nga eh. Kainin nyo na agad yan. Bago pa kayo pagbayarin ko.”
“Salamat Uncle!!!” sabay pa naming nasabi ni Rex.
“Iwan nyo na ko dito sa baba at itext nyo na lang ako pag-aalis na tayo.”
Pumunta kami sa cinema. Si Rex na ang pumili ng movie at bumili na agad sya ng ticket at ako naman ay bumili ng popcorn at milkshake.
Murang movie lang pala ang pinili ni Rex. Ewan ko ba kung bakit..
“Anung movie ba yan? Mukhang kakaiba yung title.”
“Wag mo nang isipin yan. Kasi trailer lang naman papanuorin natin eh.”
“Hahahaha kaya naman pala.”
Sunod sunod na pinakita ang mga upcoming movies ng taon mayamaya ay nagsimula na ang movie.
“Ok that’s our cue. Let’s go.”
“Aw ganun.. Sige na nga.”
Lumabas kami at dumiretso na sa parking. Nanduon na si Uncle Doc naghihintay na pala sa amin.
“Saan naman tayo pupunta this time?”
“Eh di sa airport na!”
“Hala! Ambilis naman!”
“Kaya nga ginawa natin ‘tong super fast date eh.”
“Sabi ko naman sa ‘yo let’s make a memory that will last. Simple man at mabilis ang pangyayari SUPER ito dahil ikaw ang kasama ko.”
“Yeah kahit simple at mabilis nga ‘tong date na ‘to matatawag ko pa rin nga ‘tong super date.”
Di na ko nagpatumpiktumpik hinalikan ko na sya. Di alintana na nagda-drive si Uncle Doc sa harap at nakikita nya kami.
“Oppssss bawal ang lalagpas sa kiss!”
BIgla kaming natigilang dalawa. “Si Uncle naman eh!”
“Hehehe go on continue with what your doing!”
“Tsk sira na kaya yung moment!”
“Kala ko ba basta kayong dalawang ang magkasama sulit na rin ang experience at happy na kayo!”
“OK!”
Wala na kaming nagawa at umupo na lang kami ng matino habang magka-holding hands at naka-dantay ang ulo ko sa balikat nya at nakadantay naman ang ulo nya sa aking ulo.
Di ko talaga akalain magkakaron ako ng ganitong boyfriend. Unang relationship ko pa man din ‘to with a guy at sa totoo lang I would love if this would be the one to last my life time. Nakaidlip ako sa mga oras na yun na nakasandal sa balikat nya.
“Dali baba na tayo?”
“Hala bakit anung meron?”
“Last stop before airport.”
“Isang ball pool?!”
“Exactly!”
Ewan ko ba kung mako-corny-han ako or matutuwa. Pambata ata ‘to masyado. Basta ewan.
“Tara na!”
“Ayoko para naman tayong retarded dyan!”
“Sus dalian mo na! Mamaya aalis na ako oh.”
“Bahala ka dyan!”
“Sige ka hinding hindi mo na ko makikita pag di mo ‘to ginawa!”
“Ok lang.”
“Bahala ka nga dyan”
Dun sa huling sagot nya iba ang tono nya kaya naman tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap sya.
“Susunod na po. Wag ka nang magtampo”
“Tara na huh!”
Tumakbo kami at dumiretso kami sa slide.
“1, 2, 3! Talon!”
Feel ko para kaming mga bata. Naghabulan kami. Nagbatuhan ng bola. At nagpaikot ikot duon.
Kitang kita ko ang ningning ng kanyang mga mata habang tumatawa. Napagtanto ko kung minsan para talaga syang batang na-stuck sa katawan ng isang prince charming. Parang nagslowmo ang earth at nagflash back ang lahat lahat ng nangyari. Magmula ng nagkakilala kami sa klase then sa pagdamay ko sa pagkakabusted nya hanggang sa mga bonding moments leading us being in a relationship. Naisip kong di lang pala sya minahal dahil pogi sya, hindi rin dahil mayaman sya, hindi rin naman sya matalino sa klase, di rin dahil maporma sya. Minahal ko sya dahil sa kulit nya, sa optimism nya, sa kabaitan nya at sa pagmamahal nya. Sa madaling sabi minahal ko sya dahil sya ay sya at I wouldn’t want him to change coz he’s already amazing the way he is.
Sa sandaling yun di ko na napigilan. Sinunggaban ko sya at hinalikan.
Magkayakap kami na nakahiga sa daan-daang maliliit na bola.
“I love you my prince charming!”
“I love you too my cutie pie!”
“ahehehe yucky ang cutie pie ang corny!”
“corny rin naman ang prince charming huh.”
“Basta I love you tandaan mo yan.”
“Syempre po at I love you too tandaan mo rin yan!”
Kinuha ko sa bulsa ko yung isa ko pang binili nung nagpunta kami quiapo. At sinuot ko sa kanya.
“Uy anu ‘to bracelet n parang rosary yan oh.”
“wow! Ang cute naman. Hawig ‘to nung sa bruce almighty.”
“oo parang katulad nga ‘to nun. Kaya rin kita binilhan nito kasi I want you to always remember GOD at since ako ang nagbigay you’ll always remember me along with it.”
“Sus parang akala mo di na ko uuwi ng Pilipinas.”
“Kahit na.”
“Panu ba yan wala akong bibigay sa ‘yo?”
“Ok lang yun.”
“Teka lang!” kinuha nya ang kamay ko tapos….
“Wah gag* ka! Bakit mo nilagay dyan kamay ko?!”
Nagulat ako sa ginawa nya. Bigla kong binawi ang kamay ko at hinampas ko ang kamay nya.
“ahehehe para at least alam mo na yun feel hehehe”
“Wah napaka-naughty mo!!!”
“Sus kaw naman joke lang yun.”
“Ahehehe ok lang yun. Nagulat lang ako. Pero sa totoo lang hahawakan ko naman yan kung gusto mo lang eh hehehehe!”
“Ahahaha kaw rin pala naughty eh.”
“Pero di nga ito akin na kamay mo.”
Tinanggal nya yung ring nya.
“Ayan itago mo yan.”
Kinuha ko at isinuot ko sa ring finger ko.
“Uy oh perfect fit!”
“Ahehehe wow oo nga.”
“beep beep beep beep!!!”
“Oh my! Tara na mahuhuli na pala ako..”
Agad agad kaming tumakbo at sumakay na ulit sa kotse. Mabilis na pinaandar ni Uncle Doc ang kotse. Pagkaraan ng ilang minute nakarating na kami sa airport.
“Paalam mahal ko! Paalam Uncle!”
“Huy bakit ka na humihiwalay, di ka ba namin ihahatid sa loob?”
“Yung iba mong gamit na sa loob na ng airport with ate.”
“I forgot to mention nasa loob si mommy. Ayoko na rin naman syang ma-stress kaya naman nag-super date na tayo before I leave kasi di mo ko mahahatid sa loob ng airport.”
“Sabagay ayoko na ng gulo with your mom.”
“Well I guess this is it.”
“Yeah bye.”
"Oy wait lang para naman may picture kayo! Dali akbayan nyo na ang isa't isa! 1, 2, 3!"
"Oh uncle bluetooth mo na yan sa amin!"
"Ok na?"
"Yup!"
"Bye!"
"Bye.."
Naglakad na sya palayo ngunit bigla syang tumigil at tumakbo pabalik. Niyakap nya ako ng mahigpit. Habang yakap yakap nya ako ramdam ko ang pagkabasa ng balikat ko. Di ko napigilan ang sarili kong maiyak rin. Hinalikan ko sya at pagkatapos nun kumalas na sya sa pagkakayakap at tumakbo na sya papasok ng airport.
“Wag ka nang umiyak. Buhay pa yun.” Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Uncle Doc at animo’y pinapatahan nya ako sa pag-iyak.
Niyakap ko si Uncle Doc at pinagpatuloy ang pag-iyak ko.
“Hoy batang iyakin tumigil ka muna. Dahil nabalitaan kong malapit na graduation nyo meron akong early grad gift sa inyo…”
Nung nakita ko ang hawak ni Uncle Doc napangiti na lang ako sa saya.